ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Tuesday, October 23, 2012

Shooting Stars Episode 22 - 25


Nagbabalik ang author na walang ginawa kungdi ubusin ang oras kakahanap ng inspirasyon para magtuloy- tuloy ang storya ni Ken.

Nagpapasalamat po ako sa mga bumubuo ng MNB Facebook page at kay Onichan Kenji dahil isa sya sa mga nagbigay sa akin ng inspirasyon para gawin ang mga storya ko.

Salamat din po sa walang sawang nagbabasa ng aking story!
Especially kila:
Ginno, Angel Marco Menor Aka Marc of K.S.A., Monty, Marshy, Franklin Aviola, Kiero 143,
Zenki of Kuwait, Mark 5337, Sinbad, Frostking, robert_medoza. Anita baker, JD Javra, eunchi, diumar, curious19, Hiya!, Caranchou, nathanielgarcia, Paopi Lopez, JayAR, toff, Weil libog, Ryval, PauulFabian at sa mga Annonymous at Silent Readers!

P.S to Black_Heart: Salamat at nakilala mo pa din ako after ilang years na hindi tayo nagkikita ng buong class 1-A... 

Kayo po ang aking dahilan para magkaroon ng inspirasyon! :)

(Pwede po kayong mag suggest and comment para mapaganda pa ang story!)

Enjoy Reading Guys!


Sa lahat ng sumusubaybay sa aking story ay humihingi po ako ng paumanhin dahil po ay hindi pa po stable ang internet connection namin, ginagawa ko po ang lahat ng paraan para makahanap ng connection.
sa ngayon po ay ibibigay ko sa inyo ang Episodes 22 up to 25! Sana po ay magustuhan nyo.


“Ano nanaman kaya gusto nito!” sabi ko sa aking sarili at pumayag sa kanyang invitation.

Habang nagpapalit ako ng damit ay biglang pumasok si kuya Kino sa kwarto ko.

“Oh saan ka pupunta?” sabi nya sa akin at napatingin ako sa kanya.

“Ah... Si Argel kasi nagyayayang lumabas!” sabi ko at napakunot ito ng noo.

Kilala ko si kuya Kino at hinding hindi ko makakalimutan ang mga mukha nya kapag napapansin nyang may pumoporma sa akin.

“Kuya! Gagala lang kami!” sabi ko sa kanya at lumapit ito sa akin.

“Gala lang ba talaga?” sabi ni daddy at nakita kong nakatayo sya sa pintuan ko.

Nagulat kaming dalawa ni kuya dahil parang kanina pa sya nakikinig sa pinag uusapan namin.

“Daddy, uhm... kasi tumawag si Argel eh! Pinapasama nya ako!” sabi ko sa kanya at ngumiti lang ito sa akin.

“Yeah! I know! Actually kanina pa sya nasa sala eh!” sabi ni daddy at nagulat naman ako.

“What do you mean na kanina pa sya dun?!” sabi ko at nagmadali nang tapusin ang pag aayos ko.

“Hold your lass!” sabi ni kuya nang harangin nya ako sa pintuan.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti ito sa akin.

“Natapos na naming kausapin sya! Kaya ngayon ikaw na ang mag decide kung sino sa kanilang dalawa!” sabi ni kuya Kino sa akin at ngumiti lang ako.

“Malapit na kuya! Paghahandaan ko yun!” sabi ko sa kanya at lumabas na ako sa kwarto ko at bumaba na para puntahan si Argel.

Tumingin ako sa sala pero wala si Argel dun, kahit sa garden wala sya, maya-maya pa ay nakarinig akong mga boses na nagtatawanan sa may dining room kaya pinuntahan ko ito.

“Argel?!” sabi ko nang makita ko syang kausap si mommy.

Tumingin lang sya sa akin na nakangiti, at napansin kong may kasama sya na lalo akong nagulat.

“Tita Margie?!” sabi ko at lumapit sya sa akin.

“Hinatid ko lang si Argel!” sabi nya sa akin at ngumiti lang ako sa kanya.

Umalis muna sila mommy at tita Margie sa dining room at naiwan kami ni Argel sa lamesa.

“Oh pasalubong ko sayo!” sabi nya sa akin at binigay nya ang box ng donuts sa akin.

“Salamat!” sabi ko sa kanya at ngumiti lang sya sa akin.

Nilagay ko muna sa ref yung bigay nya at lumapit sya sa akin.

“Namiss kitang bigla!” sabi nya sa akin at biglang niyakap nya ako, nagulat naman ako kaya kumalas ako.

“Ano ka ba?!” sabi ko sa kanya at nakaramdam ako ng pagkainis sa kanya.

“Sorry! Hindi ko sinasadya!” sabi nya sa akin at nakita kong tumalikod ito sa akin.

“Dun na lang tayo sa rooftop!” pagyayaya ko sa kanya at umiling ito sa akin.

Nakaramdam ako ng guilt sa ginawa ko kanina, pero tama naman ang ginawa ko, kasi ayokong makita nila mommy ang mga ganung bagay.

“San mo ba gusto?” sabi ko sa kanya at ngumiti ito sa akin.

“Sumama ka!” sagot lang nya sa akin at hinawakan nya ang braso ko at hinila papuntang carpark kung saan naka park ang kanilang sasakyan.

“Ma! Alis na po kami!” sabi ni Argel nang tawagan nya si tita Margie.

Pinaandar nya ang sasakyan at umalis na kami sa bahay, nakita ko sa subdivision na binibihisan na ito ng pang christmas dahil nalalapit na ang pasko, may mga LED lights sa puno na akala mo ay yelo na natutunaw at ang post light ay pinalitan ng neon.

“Ingat po kayo sir!” sabi ni kuya Eddie na guard sa subdivision.

Habang nasa kalye kami ay pinatugtog ni Argel ang kanyang player.

[James Morrison: You gave me something]

Ang ganda ng kanta, actually napapasabay ako kahit hindi ko alam ang lyrics ay tuloy pa din ang pagkanta ko at nakita ko si Argel na napapangiti sa kinakanta ko.

Tumigil kami sa isang park at napansin kong medyo konti ang tao dun kaya nag park na si Argel at binuksan nya ang pintuan ko.

“Wow! Ang ganda dito!” sabi ko kay Argel at hinawakan nya ang kamay ko.

“Talaga?” sabi nya sa akin at pumunta ito sa aking harapan.

Nagtaka naman ako dahil pumunta sya sa gitna ng park at nakita kong tinaas nya ang kanyang kamay, maya-maya pa ay biglang may narinig akong tugtog at hinanap ko kung saan nanggagaling.

[Adam Lambert: If I had you]

May dumadating na tao at sumasabay kay Argel sa pagsayaw kaya nabigla naman ako sa surprise nya.

Kinuha ko ang aking phone at kinuhaan ito ng video, habang ginagawa ko yun ay nakikita kong parami ng parami ang mga nagsasayaw.

Nakita kong naghubad sila ng kanilang mga suot at nakita kong iisang kulay lang ang damit nila at namangha ako sa kanilang ginawa.

Natapos ang kanilang sayaw at naglakad na silang lahat na parang walang nangyari, nakita kong nakatayo pa din si Argel sa gitna ng park at lumapit ako sa kanya.

“Galing mo palang sumayaw! Like Ace!” sabi ko sa kanya at tumingin sya sa akin.

Napansin kong matangkad pala sya ng konti sa akin at gwapo pala ang loko kapag seryoso, kabaliktaran nga ni Ace.

“Don’t compare me to my brother! Okay?!” sabi nya habang hinahabol ang kanyang paghinga.

“Okay!” sabi ko at tatalikod na sana ako para maglakad lakad pero pinigilan nya ako.

“Ano?!” sabi ko sa kanya at ngumiti ito sa akin, hinila nya ako at napadikit ako sa kanya.

Napansin kong nakatingin ang mga tao sa amin, dahilan ng aking pagkapula ng mukha dahil nahihiya ako.

“Dahil sayo, kaya nagawa ko ito!” sabi nya sa akin at hinawakan nya ang isa ko pang kamay.

Naririnig ko ang hiyawan ng mga tao at tumingin ako sa paligid, nakita kong may mga hawak na cards at binasa ko ang mga nakasulat dun.

KEN YOSHIHARA CAN Ü BE MY HONEY?

Napaiyak lang ako dahil sa tuwa, at humarap sa kanya.

“Hindi ko alam kung ano ang isasagot sayo, pwede bang bigyan mo ako ng time?” sabi ko sa kanya at ngumiti lang ito at hinalikan ako.

“Sige hon!” sabi nya sa akin at napatingin ako sa kanya.

“Wag mo muna akong tatawagin ng ganyan, kasi ayokong ma confused!” sabi ko sa kanya at tumango lang ito.

Naglakad ako mag isa at umupo sa may upuan at nag isip, hanggang sa isang bata ang tumabi sa akin.

“Pinapabigay po!” sabi nya sa akin at binigay nya ang bulaklak at isang box na nakabalot.

Tumingin ako sa lugar ni Argel at ngumiti ito sa akin, kaya binuksan ko ang regalo nya sa akin at nakita ko ang laman ng regalo, isang necklace na may pendant na magkadikit na letters KArJ.

Tinignan ko lang ito at binalik sa loob ng box, at lumapit na sya sa akin.

“Nagustuhan mo ba ang gift ko sayo?” sabi nya sa akin at tumango lang ako.

Naging okay ang mga oras na yun at nang pumatak na ang alas-10 ng gabi ay may binulong sa akin si Argel.

“Tumingin ka sa langit!” sabi nya at biglang namatay ang mga ilaw sa buong park at nakita ko ang mga bituin na masiglang nagkikinangan sa saya, at biglang namalikmata yata ako kaya kinusot ko ang aking mata at nakakita ulit, hindi ako nagkamali umuulan ng bulalakaw at natuwa naman ako.

“Alam mo bang humingi pa ako ng payo sa bestfriend mo” sabi nya sa akin at nagulat naman ako dahil iisa lang ang bestfriend ko kungdi ang mahal kong si Troy.

“Paano mo nahanap sya sa manila?” sabi ko sa kanya habang nakatingin sa kanya.

“Mamaya na natin pag usapan yun! Manood ka na muna!” sabi nya sa akin at hindi ko sya sinunod.

“Alam mo ba, pwede ka daw mag wish sa huling bulalakaw na makikita mo! At matutupad yun kapag nasabi mo yun ng buong puso.” Sabi nya sa akin at nagtaka ako.

“Sabi ba yan ni Troy?” sabi ko sa kanya at biglang tumingin sya sa akin.

“Hindi!” sabi lang nya at nakita kong ngumiti ito sa akin.

Napansin nya akong tahimik buong oras at kinalabit nya ako.

“Kung natanong ko si Troy yun ay ang basbas nya na liligawan kita, at naiintindihan nya yun!” sabi nya sa akin at tumingin lang ako sa kanya.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Troy.

“Hello?” sabi ni Troy na parang kakagising lang.

“Natutulog ka na?” sabi ko sa kanya.

“Yep! Pero ginising mo na ako eh! Ano mapag lilingkod ko sayo aking mahal na prinsipe!” biro nya sa akin at tumigil ako sa paglalakad.

“Sabado bukas, wala kang pasok at meron naman ako, puntahan mo ako sa school ng 4pm may pag uusapan tayo!” sabi ko sa kanya at parang nag isip pa sya.

“Troy Vincent Diaz kapag hindi ka sumipot, magtatampo ako sayo!” sabi ko sa kanya at biglang sumagot sya.

“Okay! Ipapa-cancel ko na yung schedule ko sa pictorial at yung pag gala ko kasama si irko!” sabi nya at natawa ako sa kanya.

“si irko igagala mo?” sabi ko sa kanya at natawa ito.

“Yep date namin dapat bukas pero ayoko naman masira sa mahal kong prinsipe kaya ipapabantay ko na lang sya sa katulong namin!” sabi nya sa akin at nakaramdam ako ng excitement.

“Dalhin mo na lang! Miss ko na sya eh! tandaan mo ako ang nagpangalan sa kanya! Kaya may rights pa din ako sa kanya!” sabi ko sa kanya at tumawa ito.

“Opo Mahal ko!” sabi nya sa akin at napatigil sya sa pagtawa.

“Sorry!” pahabol nya sa sinabi sa akin at natulala naman ako.

“I...t’s o...okay!” sabi ko sa kanya at binaba na namin ang phone.

Humarap ako kay Argel at napansin ko ang kanyang seryosong mukha.

Sumakay na ako sa kanyang sasakyan at pinaandar na nya ito, habang nasa loob kami ng sasakyan ay pinipilit ni Argel na kausapin ako para hindi ako makatulog, bigla akong nakaramdam ng gutom at natawa naman sya, nakakita si Argel ng isang fast food at dun kami kumain.

“Welcome sir!” sabi ng guard sa amin at napansin kong halos napatingin sa amin ang mga tao.

“Ano po order nyo?” sabi sa amin ng babae sa counter.

“Isang iced mocha, tapos yung Burger Value meal!” sabi ko at tumingin naman ako kay Argel.

“Burger Value Meal at iced choco naman yung akin” sabi nya at nakita nyang nilabas ko na nag wallet ko.

“Ako na!” sabi nya sa akin pagpipigil.

“Okay!” sabi ko na lang at binalik ko sa bulsa ang wallet ko.

“Hanap ka ng mauupuan natin!” sabi nya sa akin at naghanap ako, habang naghahanap ako ay napapansin kong nakatingin ang mga babae sa akin at napapangiti sila.

“He’s so cute!” sabi ng isang babae na narinig ko sa aking likuran.

Nang makahanap ako ng upuan ay agad akong umupo at nakita ko si Argel na dala ang tray ng pagkain namin kaya tinawag ko sya.

“Dito!” sabi ko at ngumiti lang sya.

Nakita ko ding pinagtitinginan sya ng mga kababaihan at naririnig kong kinikilig sila.

“Mga mahadera!” bulong ko sa aking sarili at nakita kong umupo na si Argel sa tapat ko.

“Oh ano yang pwesto na yan?!” sabi nya sa akin nang makita nya akong halos mahulog sa aking kinauupuan dahil sa mga tao.

“Ah wala! Marami lang tao hindi ako sanay!” palusot ko lang at natawa ito sa sinabi ko.

Inabot nya sa akin ang pagkain ko at sabay na kaming kumain, tahimik ang aming pagsasama sa fast food na yun dahil ayaw namin magpahalata.

Nakarating kami sa bahay at hindi na pumasok si Argel sa bahay dahil sinalubong na sya ni tita Margie sa gate.

“How’s your date?” biro ni tita Margie sa amin at namula naman ako sa hiya.

“Ma! Hindi naman date yun eh!” sabi ni Argel at pumasok na sa sasakyan nila.

“Oh paano Paula! See you tomorrow sa ating business!” sabi ni tita Margie at nagpaalam din sya sa akin.

Sumakay na sila at umalis na pumasok kami ni mommy sa bahay at nagtungo na ako sa aking kwarto para lumusot sa mga tanong muna ni mommy at daddy.

“Sleep tight anak!” sabi nila sa akin at nagpalit na ako ng damit.

Pinikit ko ang aking mata at nang malalim na ang aking pagtulog ay pakiramdam kong lumulutang ako sa kalawakan, nakikita ko ang mga bulalakaw na bumabagsak sa lupa, maya maya pa’y biglang nagbago ang lugar, isang magandang hardin sa kalawakan na napapaligiran ng tulips na kulay puti at mga halaman na napaka ganda sa paningin, nakakita ako ng dalawang anino, yung isa ay tumatakbo papunta sa akin at yung isa naman ay naghihintay sa akin, bigla naman akong nagising sa alarm ng aking orasan at tinignan ko ito.

“Parang ang bilis naman ng oras!” sabi ko sa aking sarili at bumangon na ako.

Narinig kong nag ring ang phone ko at nakita kong nag missed call si Troy sa akin kaya tinext ko na lang sya.

“Mamaya with irko okay?!” sabi ko

“Yes Sir J” reply nya sa akin at nagpunta na ako sa CR para makaligo at makababa na.

Nang matapos na ako ay agad kong dinala ang bag ko at bumaba na sa dining room para makasabay sila mommy sa agahan.

“Oh hinay hinay lang!” sabi ni mommy nang makaupo ako at kumuha na ng pagkain sa lamesa.

Napansin nilang wala ako sa sarili pero hindi na nila ako pinansin, agad na nagpaalam ako kila mommy at sumakay na sa sasakyan ko.

Habang nag d-drive ako ay hindi ko pa din malimutan ang nangyari kahapon, silang dalawa pumunta sa bahay at nagpaalam na manliligaw.

Napailing na lang ako at napangiti, nakita ko ang phone ko sa dashboard na nagriring kaya kinuha ko ito at sinagot.

“Yes?” sabi ko sa kabilang linya.

“Ken! Kamusta naman ang buhay natin?” sabi nito sa akin, nagtaka naman ako kaya tinignan ang pangalan nya sa phone, pero unknown ito at napakunot ang noo.

“Teka?! Sino ka ba?” sabi ko sa kanya at narinig kong tumatawa sya.

“Siguro nga nalimutan mo na ako, pero ikaw... Hindi kita makakalimutan.” Sabi nito sa akin at parang nang aasar pa sa kanyang sinabi.

“Okay! Suko na ako! Sino ka ba talaga?” sabi ko sa kanya na medyo naiinis ang tono.

“Magkita na lang tayo sa bagong school mo!” sabi nya sa akin at nakaramdam ako ng kaba sa sinabi nya.

Nang makarating na ako sa parking lot ay napansin kong konti pa lang ang mga naka park kaya pinarada ko ito sa ilalim ng puno at lumabas na ako.

Kinuha ko ang bag ko sa compartment at ni-lock ko na ang sasakyan ko.

“How’s your day?” sabi ni Cheryl sa akin nang makita nya akong naglalakad sa pathway papasok ng building.

“Nothing much!” sabi ko lang sa kanya at napatingin ito sa akin.

“Good Morning guys!” bati sa amin nila Drei at Luke na magkasabay pumasok.

“Good morning too!” bati lang namin at pumasok na kami sa building.

Habang naglalakad kami ay napapansin kong kakaiba ang kinikilos ng mga kaibigan ko, kahit si Drei ay kakaiba ang kinikilos nito.

“Good morning papa Ken!” sabi ni Abby nang nakita namin syang tumayo at sumabay na sa amin papuntang locker.

“Morning abby!” sabi ko sa kanya at niyakap nya ako ng mahigpit, nagtaka naman ako at napatingin kila Cheryl at Luke, nakita kong umiwas sila ng tingin at kumalas ako kay Abby sa pagkakayakap.

“Okay! What’s happening?” sabi ko sa kanila nang hindi ko na makayanan ang mga kakaibang kinikilos nila.

“Wa...Wala! Everything’s Alright!... Diba?” sabi ni Cheryl sa akin at ngumiti ito ng pilit sa akin.

“Oh c’mon! wag nyo na akong lokohin! Magkakaibigan tayo! Dapat walang sinisikreto!” sabi ko sa kanila at nakita kong huminga ng malalim si Luke.

“Okay give up na kami!” sabi lang ni Abby sa akin at napatigil ako sa harapan ng office ng dean.

“Oh ano bang tinatago nyo?” sabi ko sa kanila at nakita kong lumapit sa akin si Cheryl.

“Tara sa locker mo!” sabi nya sa akin at pumunta kami sa locker sa may 3rd floor, nang makarating na kami ay napansin kong bukas ito at parang may naglagay ng kakaiba sa locker ko.

“Oh! Shit!” sabi ko sa kanila nang binuksan ko ang aking locker.

“Ken hindi namin kilala kung sinong gumawa sa’yo nyan! Basta nung wala kang pasok kahapon at kami naman ay meron...” paliwanag ni Cheryl sa akin.

“Nakita na lang namin yang mga bagay na yan!” dagdag ni Luke sa akin at kinuha ko ang mga pictures na nakadikit sa locker ko.

“Papa Ken?” sabi lang ni Abby sa akin at naramdaman ko ang pag init ng ulo ko at pinagtatatanggal ko ang mga pictures na yun.

Narinig ko ang aking phone na nag ring ulit kaya sinagot ko ito.

“I think nakita mo na ang regalo ko sayo!” sabi nito sa akin at hindi na ako nakapag pigil at sinagot ko sya.

“Hayop ka! kung sino ka man!” sabi ko lang sa kanya at nakita kong natulala sila Cheryl sa sinabi ko.

“Chill ka lang Ken! Isa lang naman ang request ko sayo eh, kung magagawa mo yun siguro hindi na kita guguluhin!” sabi nya sa akin at narinig kong natawa sya.

“Ano ba yun?” sabi ko sa kanya.

“Lalayuan mo si Argel!!” sabi nito at nagulat naman ako sa kanyang sinabi na biglang nakilala ko ito.

“Le... LEXIE?!” sabi ko sa kanya at ilang minutong hindi ito nakapagsalita.

To be continue...


EPISODE 23

“Le... LEXIE?!” sabi ko sa kanya at ilang minutong hindi ito nakapagsalita.

Nakita ko ang mga kaibigan kong nagulat sa sinabi ko at lumapit ito sa akin.

“I’m glad that you know me! Kenpot!” sabi nya sa akin at ang lahat ng nararamdaman ko sa kanya ay biglang napalitan ng pagka asar at galit.

“Bakit mo ginagawa ito sa akin?” sabi ko sa kanya.

“Well... Let’s say na may nakapagsabi sa akin na Ikaw at si Argel ay nagkakaroon ng mutual connection, pero sorry to burst your bubbles! Kasi hindi kayo bagay at hindi kayo para sa isa’t isa! Isa kang basura sa mata ko!” sabi nito sa akin at naramdaman kong tumulo ang luha ko at lalapit na sana sila Cheryl sa akin pero pinigilan ko sila.

“Guys, please tell na hindi ako makakapasok, siguro afternoon class na lang ang papasukan ko!” sabi ko sa kanila at pinagtulungan nilang linisin ang aking locker.

“Just text us kapag okay ka na huh?!” sabi ni Abby sa akin at tumango lang ako.

Naglakad ako papunta sa cafeteria para magpalamig lang.

Nag ring ulit ang phone ko at napansin kong unknown number ulit ang natawag.

“Oh bakit?” sabi ko sa kanya.

“Si Argel ay para sa babae! Even his brother Ace para sa mga babae sila! Hindi sa katulad mo! Or should I say sa mga katulad nyong financer ng mga lalake!” sabi nito sa akin at hindi na lang ako sumagot naririnig kong tumatawa ito at ako naman ay hindi na nakapagsalita.

“Why did you do this to me? Wala naman akong ginawa sayo ah!” sabi ko sa kanya at tumigil syang kakatawa.

“Blah blah blah! Whatever Ken! Dapat pala pag napasok ako sa school ay nagdadala na ako ng asin! Para malaman ko kung sino ang mga malalansa pa!” sabi nya sa akin at iyon na ang oras na ikinabagsak ng mga luha ko, binaba ko na ang phone at tuliro sa mga oras na yun, walang napasok sa akin kungdi ang mga sinabi nyang masasakit.

Ilang oras akong nakaupo sa cafeteria, nag iisip ng mga bagay na dapat kalimutan, at biglang may isang kamay na binigyan ako ng panyo.

Tumingin ako at nakita ko ang classmate kong si Ethan na kanina pang nakatingin sa akin.

“Hindi bagay na magmukmok ka!” sabi nya sa akin at tumigil ako sa aking pag iyak.

Umupo sya sa tapat ko at tinignan nya ako.

“You can lean on me!” sabi nya sa akin at nabigla naman ako sa sinabi nya.

Nakilala ko syang bad boy ng school, as in literal na bad boy, breaking rules and regulation ang gusto nya, pakikipag away ang past time nya, at higit sa lahat founder ng isang fraternity sa campus na sinasabing mahilig sa gulo ang mga members nito.

Tumingin naman ako sa kanya at napansin ko ang kanyang itsura na seryoso.

“Are you nuts?” sabi ko lang sa kanya at natawa naman ito sa sinabi ko.

“Palabiro ka pala!” sabi nya sa akin at napatikom ang bibig ko.

“Sino naman ang iniiyakan mo?” sabi nya sa akin at biglang naalala ko ang nangyari kaya hindi ko napigilang umiyak ulit.

“Tara! Dun tayo sa place na alam ko!” sabi nya sa akin at sumunod ako sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit napasunod ako kay Ethan pero okay na din yun, ngayon lang naman ako hindi papasok sa lahat ng klase ko, at gusto kong ilabas ang mga galit at inis ko.

Napansin kong lumabas kami ng campus at dumaan sa isang eskinitang puno ng mga batang may bisyo, hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko pero ang nangingibabaw ay ang kaba at takot, nakita ako ni Ethan sa ganung situwasyon kaya inabot nya ang kanyang kamay at kinuha ko ito.

“Mukhang mayaman ito!” sabi ng isang lalake sa akin ng tangkain nya akong hawakan.

“Kapag hinawakan ng mga daliri mo ang balat nya, baka kung ano ang magawa ko sayo!” sabi ni Ethan na nabigla naman ako.

“Sorry boss bisita mo yan?” sabi nito at tumango lang si Ethan.

“Pasensya ka na! Renzo pala at your service!” sabi nya sa akin at naglakad na ulit kami, sa isang tindahan sa may tapat ng court ay tumigil sya at bumili.

“Anong gusto mo?” sabi nya sa akin at umiling lang ako.

“Aba boss ang bait mo yata sa bisita ah!” sabi ni Renzo at tinignan sya ni Ethan at nakita kong nagtago ito sa aking likuran at napangiti naman ako.

“Kahit ano na lang! basta wag lason!” sabi ko kay Ethan at bumili sya ng mga chips at napansin ko na may nakabalot sa papel na isang bote, hindi ko na lang sya tinanong at inisip ko na lang na softdrinks yun.

“Renz, dalhin mo mga gamit ni Ken!” utos ni Ethan kay Renzo at kinuha nya ang mga dala ko, nahiya naman ako pero nagpumilit si Renzo.

“Bigay mo na sa kanya! Wala namang mawawala sa gamit mo eh!” sabi nya sa akin at tinignan sya.

“Promise! Responsibilidad kita dito sa lugar na ito kaya walang gagalaw sayo!” sabi ni Ethan at nilapitan ako.

Nakarating kami sa isang maliit na burol na makikita mo ang expressway at ang mga bundok.

Nararamdaman ko ang hangin at napansin kong may isang bahay na abandonado dun, nakita kong pumasok si Ethan dun kaya pinigilan ko sya.

“Hey! Wag ka nga dyan! Trespassing ka!” sabi ko sa kanya at ngumiti ito sa akin.

“Dito, walang batas! Malaya kang gawin ang gusto mo!” sabi nya sa akin at napatahimik ako.

Lumabas sya na may dalang lamesa at kinuha yun ni Renzo at nilagay sa ilalim ng puno.

Nakaka relax sa pakiramdam ang hangin at pumunta na ako sa ilalim ng puno, nakita kong pinaupo ako ni Ethan sa isang maliit na upuan, at nakita ko naman sila na umupo sa may damuhan kaya tinanggal ko ang aking upuan at umupo din sa damuhan.

“Nako Ken! Wag ka nang umupo sa damuhan!” sabi ni Ethan sa akin pero ngumiti lang ako sa kanya.

“Diba sabi mo malaya akong gawin ang gusto ko? Ito gusto ko! Umupo sa damuhan!” sabi ko sa kanya at ngumiti lang sya sa akin.

“Tara na! Umpisahan na natin ito!” sabi ni Renzo at nagulat naman ako sa nilabas ni Ethan.

“Teka? Alak? Bakit may ganyan?” sabi ko at tumawa si Renzo sa akin.

“Wag mong sabihin na hindi ka pa nabibinyagan ng alak?” biro ni Renzo sa akin at tumango lang ako, napatigil sa pagtawa si Renzo nang makita akong seryoso.

“Isang shot lang tapos kami na ang magtatapos!” sabi ni Ethan sa akin at binigay na ang isang puno ng alak.

Inamoy ko ito at nakaramdam ako ng pagkailang dahil hindi pa ako nakaka inom ng alak na ganung katapang.

“Wag mong dahan dahanin! Straight lang okay!” sabi ni Ethan sa akin at lumapit sya sa tabi ko.

Ginawa ko ang sinabi ni Ethan at inistraight ko yung isang baso ng alak, at dumaloy sya sa aking lalamunan at nakaramdam ako ng konting gaan ng pakiramdam.

“Yan! Oh ako naman ah!” sabi ni Ethan sa akin at tumango lang ako.

Lumipas ang mga oras at hindi ko na namamalayan na hapon na pala!
Ramdam kong lasing na ako dahil hindi lang isang shot ang ginawa ko, kungdi kinuha ko ang shot ni Ethan.

Tumingin sa akin si Ethan at nakita ko syang seryoso nanaman.

“Oh kaya mo pa?” sabi nya sa akin at nararamdaman ko ang pag ikot ng aking paligid, hindi ko kayang tumayo.

“Kaya ko paaaaa—!“ sabi ko kay Ethan at nakita kong umiiling sya.

“Tara isa pang alak!” sabi ko sa kanila at nakita ko si Renzo na kanina ay makulit ay naging seryoso.

“Hindi ikaw si Ken na nakilala ko sa school!” sabi ni Ethan sa akin at biglang umiyak ako ng napakalakas.

Niyakap ako ni Ethan at nakita kong umalis muna si Renzo para pumunta sa tindahan.

“Sige ilabas mo lang ang sama ng loob mo!” bulong sa akin ni Ethan at hindi ko na pinigilan ang nararamdaman ko, hinayaan kong lumabas ang mga luha at ang boses kong malat na kakasigaw.

“Bakit ganun Ethan? Hindi ba pwedeng magmahal kaming mga bakla?” sabi ko sa kanya at naramdaman kong humigpit ang kanyang pagyakap.

“Shh... Tahan na Ken” sabi nya sa akin na parang hindi sya na-iilang sa sinabi ko.

“Ethan! Sagutin mo naman ako! Bawal ba kaming mahalin ng seryoso? Hindi yung puro pera ang mga nasa isip nila?” sabi ko sa kanya at tumingin sya sa akin.

“Kung ako ang masusunod, hindi kita mamahalin!” sabi nya sa akin at umiyak nanaman ako, dahil dahan dahan kong tinatanggap ang sinabi ni Ethan na isang bad boy at habulin din ng mga babae sa school.

“Oh bakit ka naiyak?” sabi nya sa akin at hiniga nya ako sa kanyang dibdib.

“Naiintindihan kasi kita Ethan, inaabsorb ko lang yung sinabi mo!” sabi ko sa kanya at naramdaman kong tumawa sya.

Tumingin ako sa kanya at tumigil sya sa pagtawa.

“Oh bakit?! anong nakakatawa?” sabi ko sa kanya at hiniga nya ako sa damuhan at pumatong sya sa akin.

“Anong naintindihan mo dun sa sinabi ko?” sabi nito sa akin.

“Hindi mo ako mamahalin kasi lalake pa din ako!” sabi ko sa kanya at napangiti ito.

“Tungek ka pala eh! Ang ibig kong sabihin...” sabi nya sa akin at lumapit ang mukha nya sa akin at bumulong.

“Hindi kita mamahalin hanggang kaibigan lang, mamahalin kita kasi gusto kong makilala ang kabuuan mo!” sabi nya sa akin at hinalikan nya ako.

Naging mapusok ang aming paghahalikan dahil na din sa alak, naramdaman ko ang kamay ni Ethan na hinawakan ang mukha ko, at ang kamay ko naman ay nilagay nito sa kanyang ulo.

Inangat nya ang kanyang ulo at tumingin sa akin ng seryoso.

“Grabe! Nagyon ko lang gagawin ito!” sabi nya sa akin at nagtaka naman ako.

Hinaplos ng kamay nya ang aking katawan habang nakaupo sya sa akin at nagulat naman ako na biglang tinatanggal nya ang aking mga butones.

“Teka! Teka! Teka!” pagpipigil ko sa kanya at napaupo ako.

“Sorry!” sabi nya sa akin at inakbayan ko na lang sya.

Tumingin sya sa akin at lumapit ulit ang kanyang mukha, kaya pinagbigyan ko sya na halikan ako, parang isang panaginip ang nangyari sa akin kay Ethan, hindi ko akalain na ang isang bad boy ng school namin ay isa palang observer sa mga situwasyon.

Tumingin ako sa aking relo at nakita kong pasadong alas-8 na ng gabi, kaya kinuha ko ang aking bag at tinignan ang phone ko.

“Shit! 19 missed calls, 30 SMS” sabi ko at kinuha ni Ethan yun.

“Gusto mo silang makalimutan diba?” sabi nya sa akin at tumango lang ako.

Pinindot nya ang number ni mommy at nilagay sa loudspeaker ang phone ko.

“Ken anak! Asan ka? Hindi ka pa nauwi or hindi ka pa nagtetext? Nako! Nag aalala kami sayo!” sabi ni mommy.

“Don’t worry ma’am Ken is alright!” sabi ni Ethan na biglang nanlaki ang mata ko.

“Teka? Sino ito?!” sabi ni mommy.

“Sorry po, si Ethan po ito, kaibigan ni Ken po!” sabi nya at tumingin lang sya sa akin.

“Asan ang anak ko?” sabi ni mommy na naririnig kong naiinis na sya.

“I said he’s okay!” sabi ni Ethan at binaba nya ang phone ko.

“Oh no! What you done is not good!” sabi ko kay Ethan at inakbayan nya ako.

“Tara ako nang bahala sa mommy mo!” sabi nya sa akin at bumalik na kami sa school.

Kinuha nya ang bag ko at naglakad pabalik sa school, nakita namin si Renzo at binigyan ako ng softdrinks kasi nahihilo pa ako hanggang ngayon.

“Asan ang susi ng sasakyan mo?” sabi nya sa akin at kinuha ko ito sa aking bulsa.

“Ako na ang mag d-drive okay?” sabi nya sa akin at tumango lang ako dahil nahihilo na ako.

Tinulungan ako ni Ethan na pumasok sa aking sasakyan, at sya na ang nag seatbelt sa akin, naramdaman kong hinalikan nya ako.

“Paano pala papunta sa inyo?” sabi nya sa akin at kinuha ko sa dashboard ang iTouch ko at nilagay sa GPS para masundan nya ang ginawa kong mark pauwi.

“Next time hindi na kita papainumin!” sabi nya sa akin.

“Next time magbago ka na kasi! Wag ka nang maging basagulero!” sabi ko sa kanya at hindi na ito nakapagsalita.

“Kapag ginawa ko yun? Ano naman ang reward ko?” sabi nya sa akin na parang hinahamon nya ako sa isang pustahan.

“Ako ang manliligaw sayo!” sabi ko sa kanya at naramdaman kong binilisan nya ang pagpapaandar kaya napasandal ako at napatingin sa may unahan.

Nakarating kami ng subdivision at bumusina na sya sa bahay namin, agad binuksan ang gate at nakita kong si kuya Kino, Jiro, daddy at mommy ay nasa labas, habang si lola naman ay nasa terrace ng kwarto ko.

“Ang laki pala ng bahay nyo eh!” sabi nya sa akin at hindi na ako nakapagsalita.

Pagkapatay ng makina ay agad na binuksan ni daddy ang pintuan ng sasakyan ko at hinablot si Ethan kaya napabalikwas ako at sinigawan sila.

“WAG NYONG SAPAKIN SI ETHAN!” sabi ko at muntik nang masuntok ni daddy kaya tinanggal nya ang kamay sa damit ni Ethan at inalalayan ako.

“Hijo, ayos ka lang ba?” sabi ni lola nang makababa sya.

“Opo!” sabi ni Ethan.

Naamoy ako ni daddy at pinaupo kami sa sala ni Ethan.

“Oh bakit amoy alak ka?” sabi ni daddy sa akin.

“Kasi po uminom po ako!” sabi ko at nakita kong tumitingin si Ethan sa akin.

Hinawakan ko ang kamay ni Ethan dahil nakikita kong mananapak sya anumang oras.

“Sino naman ang nagpainom sayo? Ito ba?” sabi ni kuya Kino at tinuro si Ethan.

Sasagot na sana si Ethan pero hinarang ko ito.

“Daddy, kuya, mommy, lola, bunso, tito, tita! Sorry po! Ako po ang nagyaya kay Ethan na makipag inuman kahit wala pa akong experience dito!” sabi ko sa kanila at nakita kong nagulat ang lahat ng marinig nila ang sinabi ko.

“May problema ba?” sabi ni mommy sa akin.

After sabihin ni mommy yun ay napayakap ako kay Ethan at nagsimulang umiyak uli.

“Shh... dito na sila! Sabihin mo na ang problema mo!” sabi sa akin ni Ethan at napatingin ako sa kanya.

“Si Lexie po kasi...” sabi ko at binigay ang phone ko kay mommy.

Nagulat si mommy sa nabasa nya at sa naging record ng pag uusap namin nito.

Tumingin lang si mommy kay daddy at lumayo muna sa sala, pinaakyat muna kaming dalawa ni Ethan.

“Pwede bang dito ka na lang matulog?” sabi ko sa kanya at tumingin sya sa akin.

“Di pwede! Mapapagalitan naman ako ni Tito!” sabi nya sa akin.

“Ako nang bahala sayo! Tutal sinagip mo naman ako kanina eh!” sabi ko sa kanya at napatungo ito.

“Pag iisipan ko!” sabi nito at lumapit ako sa kanya.

Kumatok sila mommy at lumapit sa amin.

“Ethan right?” sabi ni daddy sa kanya.

“Yes sir!” sabi lang ni Ethan.

“Sorry sa pagiging aggressive ko!” sabi ni daddy sa kanya at nakita kong ngumiti lang si Ethan.

Lumabas na sila mommy at daddy pati na din si lola, nakita kong nakatayo pa din sila kuya Kino at Jiro sa harapan namin kaya nagtaka ako.

“So tol? Ano mo kapatid namin?” sabi ni kuya Kino at napatingin ako sa kanya.

“Manliligaw ka ba ni kuya Ken?” dagdag ni Jiro at napatingin din ako sa bunso kong kapatid.

“Kung pwede nga po sana eh!” sabi ni Ethan at binatukan ko ito.

“Aba! Tanungin mo si Ken! Ako basta isa lang sasabihin ko sayo! Know him in his most darkest days!” payo ni kuya Kino kay Ethan at nagtalukbong ako ng kumot.

“Oo nga tama si kuya Kino! Idol din kita sa tapang na pinakita mo kila mama at papa! Alam mo ba yun! Kaya ako kapag nagkaroon ng girlfriend aba! Sayo ako magpapaturo!” biro ni Jiro at natawa si Ethan sa sinabi ni Jiro.

“Alis muna kayo? Pwede?” sabi ko sa kanilang dalawa at lumabas na sila ng kwarto.

“Seryoso ka?” sabi ko sa kanya at nagtaka naman ito.

“Huh?” sabi nya sa akin.

“Dun sa mga pinagsasabi mo kanina sa dalawa kong kapatid!” sabi ko sa kanya at lumapit ito sa akin.

“Kung magkakaganun man, ano gagawin mo?” sabi nya sa akin at nabubulol ako sa aking sasabihin.

“Ka..kapag nagawa mo yung isang wish ko! P...Pwed..e ka ng manligaw!” sabi ko sa kanya at ngumiti ito.

Narinig ko ang phone ko kaya sinagot ko ito.

“Troy?!” sabi ko sa kanya.

“Bakit hindi ka na nagtext?” sabi nya sa akin.

“Sorry may tinapos lang ako sa library eh!” palusot ko lang sa kanya.

Binaba na nya ang phone at nakita kong nakatingin sa akin si Ethan.

“Si Troy! Yung bestfriend ko!” sabi ko sa kanya at bumalik ulit sya sa pagtigin sa aking kwarto.

“Astig naman ang room mo!” sabi nya sa akin at ngumiti lang ako.

Naramdaman kong lumapit sya at umupo sa aking tabi.

“Alam ko na ngayon kung bakit ka pinag aagawan nila Argel at Ace!” sabi nya sa akin at tumingin lang ako sa kanya.

“Paano mo naman nalaman yun agad? Eh ngayon mo lang naman ako nakausap!” sabi ko sa kanya at tumingin lang sya sa akin.

“Isang bagay lang ang meron ka na wala sa iba!” sabi nya sa akin na pinagtaka ko.

“Ano naman yun?” sabi ko sa kanya dahil nagtataka ako, tumingin sya sa akin na parang nangungusap umupo ako sa aking higaan at lumapit ang katawan ko sa kanya.

“Ikaw yung tipo ng taong kinaiinisan ko! Pero alam mo bang kahit ganun, ikaw pa din ang natagalan ko! Hindi ko alam kung anong umuudyok sa akin pero nung nakasama kita at nakilala ng lubusan, hindi ka pala yung dati kong iniisip na madaling lokohin, ikaw pala ay isang taong kaya kong unawain kahit na ganyan ka at ganito ako!” sabi nya sa akin at hiniga ko ang aking ulo sa kanyang balikat.

“Tandaan mo! Wag kang magiging ganito sa akin!” sabi ko sa kanya at tumingin sya sa akin.

“Bakit naman?” sabi ni Ethan sa akin.

“Baka kasi kapag nawala ka, hahanap hanapin ko yung ganito!” sabi ko sa kanya at tumawa si Ethan ng malakas.

“Oh sige na! Hindi na! Mag aapply na ako sa parents mo bilang bodyguard, para samahan ka!” sabi nya sa akin at binatukan ko ito at nagtawanan kami.

Nakaramdam na ako ng sobrang antok, kaya pinilit kong tumayo at pumunta sa CR para magpalit ng damit, pagkapasok ko ay nakaramdam ako ng pag ikot ng sikmura at nararamdaman kong umaakyat ang mga nakain ko, hindi ko na napigilan at nailabas ko ito sa sink ng CR.

“Kasi! Ang lakas uminom!” sabi sa akin ni Ethan nung narinig nyang nilalabas ko ang aking kinain, at nakita kong binigyan sya ng kape ni lola.

“Okay na ako!” sabi ko kay Ethan nang matapos kong ilabas ang mga kinain ko.

Lumabas na sya at sinara ko na ang pinto ng CR, binuksan ko ang shower at hindi ko ito pinatay, nararamdaman ko ang bawat patak ng tubig ay parang luha kong naubos kakaiyak kanina, at ang lamig nito ay parang mga sampal ng reyalidad na sinasabing hindi kami bagay.

Natapos ako at nakita ko ang aking itsura sa salamin, napansin kong namamaga ang aking mata at ang ilong ko ay mapula na.

“Hindi ka ba magpapalit?” sabi ko kay Ethan nung lumabas akong nakatapis lang at nakita ko ang reaksyon ni Ethan.

“M...Mag Pa...Palit na!” sabi lang nya at nagmadali syang pumasok ng CR.

Nagtaka naman ako nung nakita ko ang reaksyon nya, napailing lang ako at napangiti na din dahil nasanay ako na nakatapis kapag nalabas kahit andyan ang mga kaibigan ko.

To be continue...



EPISODE 24


Nakita kong lumabas na din si Ethan na nakatapis na din, namangha ako sa kanyang katawan dahil mas maganda ito kaysa kay Argel at Ace, mas may hubog at bumagay sa kanyang morenong kutis.

“Anong tinitingin tingin mo dyan?” sabi nya sa akin at umiwas ang mata ko sa kanyang katawan.

“Ah.. eh... yung pintuan ng CR sara mo!” palusot ko na lang at nakita kong napailing lang ito sa akin.

Lumapit  sya sa akin na tanging tapis lang ang suot, kaya napalakad ako palayo sa kanya, pero hindi pa din sya natigil at parang pinagtitripan nya ako.

“Hoy! Tumigil ka ah!” sabi ko habang naglalakad papalayo sa kanya.

“Bakit? Ano bang gagawin ko sayo? Eh lalapit lang ako!” sabi ni Ethan sa akin at nakita kong natatawa sya.

Natalisod ako sa upuan na nasa mini sala ko, at naramdaman ko ang mga braso nya na sumalo sa akin, biglang tumibok ang puso ko ng napalakas, parang tumakbo ako sa marathon ang kaba ng puso ko.

“Hindi ka kasi nag iingat eh!” sabi nya sa akin at hindi pa din nya tinatanggal ang kanyang kamay.

Kumalas ako sa kanyang pagkakahawak at pumunta na sa higaan kinuha ko yung kumot at tinalukbong ko sa aking sarili.

“Ku...Kumuha k...ka na l...ang sa drawer ko, dun yung mga damit ko!” sabi ko na lang sa kanya at naramdaman kong pumunta na sya sa closet ko.

“Whoa! Ginagamit mo pa ba ito?” sabi ni Ethan sa akin at tinanggal ko ang talukbong sa aking ulo.

“Yang nasa drawer hindi ko na ginagamit, kasi lagi naman ako nabili ng bago eh!” sabi ko sa kanya at nakikita ko na tumitigin sya sa mga damit ko.

“Bukas pala wala tayong pasok! May susuotin ka na ba?” sabi nya sa akin at napaupo ako sa kanya.

“Wala pa nga eh!” sabi ko sa kanya at nagbihis na sya at lumapit sya sa akin.

“May plano ako, yung mga hindi mo sinusuot gawin nating costume mo!” sabi nya sa akin at tumango lang ako.

Humiga na ako at nakita kong natulog sya sa sala kaya tinawag ko sya.

“Hey! Dito ka nga!” sabi ko sa kanya at hindi sya nakinig sa akin.

“Ang sabi kong dito ka!” sabi ko na naiinis na sa kanya at napansin kong tinaas nya ang kanyang mga braso.

Wala na akong nagawa kaya tumayo ako at pinuntahan sya.

“Bingi ka ba? Sabi ko tabi na ta—yo” sabi ko at hinila nya ako at napayakap ako sa kanya.

“Mahal na yata kita! Ang sarap marinig ang boses mo kapag naiinis ka!” sabi ni Ethan sa akin at hinampas ko sya sa kanyang dibdib.

“Tara na nga! Dun tayo sa kama na kasi!” sabi ko sa kanya at tumango na ito.

Tumayo na ako at tinayo ko na sya, naglakad kami at hindi ako binitawan ni Ethan, nang makarating na kami ay humiga na ako at ganun din sya.

“Sana ganito na lang palagi!” sabi nya sa akin at tumingin ako sa kanya, nakita kong nakapikit na sya at napangiti lang ako sa kanya.

Nakatulog ako sa lamig ng aircon at ang tahimik ng gabi na yun, naramdaman ko na lang na humahalik ang init ng araw sa akin at umikot ako para pakiramdaman si Ethan, pero pag-ikot ko ay wala na sya, kaya napatayo ako.

“Ethan?” sigaw ko sa loob ng aking kwarto at walang nasagot, hinanap ko sa CR pero wala, kaya lumabas ako sa aking kwarto at bago ako pumunta sa baba ay naririnig ko sila mommy at daddy sa kanilang kwarto.

“Bakit ganun si Lexie? Hindi ba nya alam na kasiyahan ng anak natin yun?” sabi ni mommy kay daddy.

“Hayaan na lang muna natin sila, basta dapat lagi nating bantayan si Ken! Ayokong makita ang mukha nila Argel at Ace, dahil ayokong masaktan ang anak natin!” sabi ni daddy.

Nang naglakad na ako ay naririnig ko ang kusina na may nagluluto.

“Good morning!” sabi ni Ethan at nagulat naman ako.

“Ohayo!” sabi ko lang at ngumiti lang sya sa akin.

“Sabi ni manang Elsa favorite mo daw ay meatloaf na may itlog, kaya pinagluto kita! At may sinangag na yan kasama!” sabi nito sa akin at umupo na ako sa dining room.

“Try mo kayang maghilamos! Parang may nakawala sayo ah!” sabi ni Ethan sa akin nang ihanda na nya ang agahan sa lamesa.

Hinaplos ko ang aking mukha at naramdaman kong may dumi pa pala ako, kaya tumakbo ako sa CR na malapit sa dining room at dun na ako nagsipilyo at naghugas ng mukha, nang makalabas ako ay nakita kong hinihintay ako ni Ethan.

“Tara na kumain ka na!” sabi nya sa akin at inusod nya ang upuan para sa akin.

“Salamat!” sabi ko sa kanya at tumabi na ito sa akin.

Maya-maya pa ay bumaba na din sila mommy at daddy.

“Aba! Mukhang marami ang agahan natin ah!” pansin nila at ngumiti lang si Ethan.

“Salamat po at pinatulog nyo ako dito!” sabi lang nya at ginulo ni daddy ang buhok nito.

“Panliligaw na ba yan?” sabi ni mommy at nasamid naman ako.

“Mom!” sabi ko at nag peace sign si mommy sa akin at tumawa lang si daddy.

“Walang anuman! Basta isa lang ang sasabihin ko sayo Ethan!” sabi ni daddy at tumingin si Ethan.

“Wag mong sasaktan ang anak ko!” sabi lang ni daddy at umupo si Ethan.

“Sir hindi ko mapapangakong hindi masasaktan si Ken, pero ipapangako ko sa inyo na kahit anong mangyari ay po-protektahan ko sya sa lahat ng bagay, kahit isakripisyo ko ang aking kasiyahan, para lang sa kanyang kasiyahan” sabi ni Ethan at nagtinginan kami ni mommy, at natawa si daddy sa kanya.

“Gaano mo kamahal si Ken?” sabi ni mommy.

“Hindi ko pa nasusukat, pero andito ako para sa kanya!” sabi ni Ethan at ngumiti lang si mommy.

“Aba! Ang pula na ng anak ko ah! Parang longganisa!” biro ni daddy nang makita nya akong kinikilig sa mga sinabi ni Ethan.

Inabot ni Ethan ang meatloaf at pasimple syang humawak ng aking kamay.

“Oh Ethan!” sabi ni daddy nang iabot ang fried rice.

“Salamat po sir!” sabi lang ni Ethan at nagsabay sabay na kaming kumain.

Naging masaya ang agahan namin, at umakyat ulit kami sa aking kwarto.

“Salamat ah!” sabi ni Ethan sa akin at lumapit ako sa kanya.

Tinignan ko sya at parang nag-uusap ang mga mata namin at binigyan ko sya ng isang matamis na halik, kumalas kami at tumingin ulit ako.

“Ako dapat ang mag thank you kasi sinalo mo ako” sabi ko sa kanya at niyakap ko sya.

Kumalas kami at nakita kong ngumiti sya sa akin.

“Mahal na kita Ken!” sabi ni Ethan sa akin at niyakap nya ako.

“Pangako mo lang na nasa tabi lang kita palagi!” sabi ko sa kanya at tumango lang ako sa sinabi nya.

Nagkalas kami at pumasok na sya sa CR para maligo at ihahatid ko sya sa kanyang bahay, mabilis syang natapos at lumabas ulit syang naka tapis lang.

“Magbihis ka na nga!” sabi ko sa kanya nung lumapit sya sa akin.

“Eh kung sabihin kong ayoko? May magagawa ka ba?” sabi nya sa akin at biglang niyakap nya ako.

Pilit kong kumalas pero hindi ko kaya dahil mahigpit ang pagkakayakap nya sa akin.

“Ano ka ba?! Pag nakita ka nila mommy patay ka sa kanila!” sabi ko sa kanya at binigyan lang nya ako ng blankong expression sa kanyang ginagawa.

Lumapit ang kanyang mukha sa akin at nahumaling ako, hinalikan nya ako habang nakayakap pa din sya sa akin.

“Hindi ba awkward sayo to?” sabi ko sa kanya nang lumayo ang aking mukha sa kanya.

“Anong awkward? Eh mahal na kaya kita!” sabi lang nya sa akin at napangiti ako sa kanyang mga sinabi.

Nang mga oras na yun ay hindi ko naramdaman ang problema dahil andyan si Ethan nakayakap, napasandal ako sa pader habang naghahalikan kami, at hinawakan nya ang aking kamay at nilagay nya ito sa kanyang katawan.

“Hindi ko pa kaya to!” sabi ko sa kanya at nakita ko nanaman ang pagkablanko ng kanyang mukha.

“Eh di hayaan mo ako! Pangako ko sayo, hindi ka masasaktan!” sabi nya sa akin at nakaramdam ako ng konting kiliti sa aking katawan nang binulungan nya ako sa tenga.

**Kumalas muna ako at sinarado ko ang pintuan ng kwarto, pero nang humarap ako ay bigla nanaman nya akong niyakap at hinalikan, gumapang ang mga kamay nya sa aking katawan at hinahaplos ito na parang tela.

“Ethan... Shit!” ungol ko nang haplusin ng kanyang dila ang aking leeg pababa sa aking dibdib.

“Ken...uhm...” sabi nya sa akin at naglakad kami papunta sa aking higaan.

Pumatong sya sa akin at dahan dahang tinanggal nya ang aking pantulog, naramdaman kong tumigas ang aking ari at napatingin sya sa akin.

“Galit na oh!” sabi lang nya sa akin at hindi na ako nagbigay ng reaksyon sa kanya.

Dahan dahang hinahaplos ng kanyang dila ang dibdib ko papunta sa tyan at dun na ako nakaramdam ng kakaibang sensation at napahawak ako sa kanyang buhok.

“Ethan! Ethan! Ethan! Shit!” ungol ko at dahan dahang tinanggal nya ang aking pajama at dinilaan ang aking magkabilang binti na nagpainit sa aking katawan.

“Oh ano? Kaya mo pa ba?” biro nya sa akin at tinapik ko ang kanyang mukha at ngumiti lang.

Tinuloy nya ito hanggang sa aking underwear na suot ay ginawa pa din nya ito.

Dahan dahan nyang hinubad ang aking underwear at nakita nya ang galit na ari ko na kanina pa namamasa dahil sa precum na kanina pang naglalabasan.

Tumingin sya sa akin at ngumiti ito, hindi ko alam anong gagawin nya at lumapit ulit ito sa akin at hinalikan ako.

“Itutuloy ko pa ba?” sabi nito sa akin at tumingin lang ako sa kanya.

“Hindi ko alam, kasi ngayon ko pa lang naman ito naranasan eh!” sabi ko sa kanya at tumihaya sya at tinanggal ang saplot na tapis sa kanyang bewang at nakita ko ang kanyang galit na ari.

“Tara sabay na lang tayong magpalabas!” sabi nito sa akin at tumango lang ako.

Hinawakan nya ang aking ari at ganun din ako, naghalikan kami at nang malapit na kaming labasan ay narinig kong umuungol si Ethan.

“Ken! Bilisan mo!” bulong nya sa akin at ginawa ko ang sinabi nya.

Lumabas ang maraming likido sa katawan namin at nakaramdam ako ng pagod, kaya humiga muna kami at sabay nang pumasok sa CR para maglinis.

Nang matapos na kaming maglinis ay agad akong pumunta sa closet para maglabas ng damit at magpalit.

“So? Uhm...” sabi ni Ethan na parang nahiya sa kanyang ginawa.

Tumingin ako sa kanya at lumapit nakita kong nakatungo ito at parang may gustong sabihin.

“What?” sabi ko sa kanya.

“Can I now court you?” sabi nito sa akin at napabalikwas ako ng tawa.

Nagtaka si Ethan sa naging reaksyon ko at napakunot ito ng noo.

“Ma...May mali ba sa sinabi ko?” sabi nito sa akin at tumabi ako sa kanya.

“You don’t have to court me! Basta kapag napasayo ang focus ng family ko, okay na!” sabi ko lang sa kanya at nakita ko sa kanyang mga mata ang perseverance na suyuin ang pamilya ko.

Ngumiti lang ito sa akin at hinalikan nya ako, narinig kong may kumakatok at binuksan nya ito.

“Oh aalis ka na agad?” sabi ni kuya Kino kay Ethan.

“Ah... Eh... kasi yung tito ko baka nagagalit na yun!” sabi nya at ngumiti lang sa kanya si kuya.

“Ikaw ba ang nagluto ng fried rice?” dagdag ni Jiro na biglang sumulpot sa likuran ni kuya.

“Yep! Ako nga!” sabi ni Ethan at nakita kong nakatingin sa akin silang dalawa.

“Good job! Sa susunod damihan mo ah!” sabi ni kuya Kino kay Ethan.

“Ba...Bakit?” sabi lang ni Ethan.

“Naubos ko kasi eh! Hindi ko na natirahan si kuya!” sabi ni Jiro at napakamot ito ng ulo.

“Su...Sure! Wa...Walang problema!” sabi ni Ethan sa kanilang dalawa at nakita kong nag thumbs up sila kuya at Jiro sa akin at napangiti lang ako.

“Balik ka ulit ah!” sabi ni Jiro nakita kong nakapantulog din silang dalawa.

Tumango lang si Ethan sa dalawa kong kapatid at bumalik na sa akin, nakita nya akong nakabihis na at lumabas na kami.

Naunang bumaba si Ethan sa akin at pinaghihintay ko sya sa may sala, nang isasara ko na ang pintuan ng kwarto ko ay bigla akong hinablot ni kuya at sinandal sa pader.

“Gusto ko sya!” bulong sa akin ni kuya Kino at tumingin lang ako sa kanya.

“Tignan na lang natin kuya!” sabi ko kay kuya at ngumiti ito sa akin.

“Magpakabait ka na kasi!” sabi ni kuya Kino at ngumiti lang ako sa kanya.

“Mabait nanaman ako ah!” biro ko at ginulo nya ang buhok ko.

“Kuya! Pabalikin mo sya ah!” sabi ni Jiro nang lumabas sya sa kwarto nya.

“Ayoko nga! baka abusuhin mo ang galing nya sa pagluluto!” biro ko at yumakap sa akin si Jiro.

“Kapag inaway ka nya! Tawagin mo lang kami ah!” sabi ni kuya at yumakap din sya sa akin.

Bumaba na kaming tatlo at nakita namin na kausap nila tito at tita pati na din ang parents ko si Ethan.

“So kelan ka babalik dito? Hindi ko natikman yung fried rice mo eh!” biro ni tito sa kanya at nakita kong ngumiti lang sya.

“Siguro po, kung kelan gusto ni Ken na papuntahin nya ako dito!” sabi ni Ethan at pumasok na kami sa loob ng sala.

“Hindi mo pa nga ako tinatanong kung pwede ka pa bang pumunta dito eh!” biro ko sa kanya at nagtawanan kami.

Hindi ko inaasahan ang ginawa ni Ethan, lumuhod sya sa harapan ko at nagulat ang pamilya ko pati na din sila tito at tita.

“Pwede pa bang dumalaw ako sayo?” sabi ni Ethan at tumingin ako kila mommy at daddy, nakita ko din na nagulat sila sa ginawa ni Ethan.

“Hijo bakit ginagawa mo yan? Masyado kang pormal ah!” biro ni tita kay Ethan at tumayo ito.

“Hay nako! Baliw ka talaga!” sabi ko kay Ethan at yumakap sya sa akin.

Nagulat kami dahil sa ginawa nyang pagyakap na yun.

“Mahal ko na po kasi ang anak nyo eh! kaya lahat gagawin ko makita ko lang syang masaya!” sabi ni Ethan at ngumiti silang lahat.

“Whooo! Idol talaga kita kuya Ethan!” sabi ni Jiro at yumakap sya kay Ethan.

“Nice! Ikaw pa lang ang nagsabi nyan sa harapan namin ah!” sabi ni kuya Kino at ngumiti lang si Ethan sa kanya.

“Ethan pagkakatiwalaan kita sa anak ko! Basta yung sinabi mo panghahawakan mo! Kungdi malalagot ka sa akin!” sabi ni daddy at tumingin ako sa kanya.

“Dalaga ka na Ken!” biro ni tito sa akin at inakbayan nya ako.

“Tito naman!” sabi ko sa kanya at tumawa silang lahat sa akin.

Napangiti ako sa kanila at nakita ko si Ethan na kinamayan na ni daddy at tumingin sya sa akin.

“Akala mo hindi ko gagawin?” sabi nya sa akin at napatingin ang lahat sa akin.

“Eh...Hi...hindi ko naman sinabing ngayon ah!” sabi ko at napakamot lang ako ng ulo.

Kung tutuusin kanina pa akong kinikilig sa mga pinag gagagawa nya kahit na pumayag na si daddy ay hindi pa rin mawala ang sinabi ni Lexie sa akin.

“Sige po! Uuwi na po ako!” sabi ni Ethan at tumingin sya sa akin.

Hinawakan nya ang kamay ko at umalis na kami, lumabas kami sa sala at pumunta sa carpark, pumasok na ako sa sasakyan at sumunod na sya.

“So san tayo?” sabi ko sa kanya nang buksan ko na ang makina ng sasakyan ko.

“Sa Parañaque tayo!” sabi nito sa akin at pinagbuksan kami ni kuya ng gate at lumabas na kami.

Habang nasa daan ay napansin ko si Ethan na hindi mapakali, kaya hinawakan ko ang kamay nya at tumingin lang sya sa akin.

“Okay lang!” sabi lang nya sa akin at nag focus na ako sa daan.

Dumaan kami sa skyway para hindi na kami maabutan ng traffic sa daan, nakapunta na kami sa Parañaque ng maaga at tinuro nya ang daan papunta sa kanila.

Sa isang maliit na subdivision nakatira si Ethan, nakita ko ang environment kaya hindi na ako nagtataka kung bakit ganun si Ethan, pero kahit na ganun sya ay wala syang takot na sabihin sa pamilya ko na mahal nya ako.

“Dito na tayo!” sabi nya sa akin at tumigil kami sa tapat ng bahay nila.

Naunang bumaba si Ethan at binuksan nya ang pintuan ko.

“Tiyo!” sigaw nya sa kanila at nakita ko may lumabas sa kanila.

“Tay! Andito na si Tan!” sabi ng pinsan nya.

“Punyeta kang bata ka! Bakit ngayon ka lang umuwi!!” sabi ng kanyang tito nang lumabas ito at pumunta sa gate.

“May tinapos lang kami ng kaklase ko!” sabi nito at tumingin ang tito nya sa akin.

“Magandang umaga po!” sabi ko sa kanyang tito.

“Anong maganda sa umaga? Puro problema ang dala nitong batang ito!” sabi nya sa akin at parang umurong ang dila ko sa sinabi nya.

“Bisita ko yan tiyo! Wag mo namang ganyanin!” sigaw ni Ethan sa kanyang tito at parang hindi naman nakinig sya.

“Wala akong pakielam! Mga buwisit ang mga bisita mo! Puro masama ang tinuturo sayo! Yan ba ang nag aaral? Fraternity at bisyo ang nasa isip?” sabi ng kanyang tito at biglang nag init ang tenga ko kaya lumapit na ako sa gate nila.

“Ken ako na dito! Wag mo na lang pansinin!” sabi ni Ethan sa akin nang hinarang nya ako.

“Hindi! Kailangang mapangaralan yang tito mo!” sabi ko sa kanya at hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinarap ang tiyo nya.

“Mawalang galang na po, pero parang out of line na po kayo!” sabi ko sa kanyang tiyo at tumingin sya sa akin.

“Anong pinagsasabi mo?! Wala kang pakielam dito! Problema naming magtyuhin to!” sigaw nya sa akin at hindi na ako nakapagtimpi at sinagot ko na sya.

“Ahh! So problema nyo pala yan? Eh bakit naman nadamay ako dito? To be exact tinawag nyo akong Buwisit? Ano bang ginawa ko sa inyo in the first place para mabuwisit kayo? Hinatid ko lang naman ang pamangkin nyo dahil tinulungan nya ako! Actually mabait nga yang pamangkin nyo, Hindi ko lang alam kung bakit kayo ganyan sa kanya! Hindi ka ba nahihiya na umagang umaga na nagsisisigaw ka?” sabi ko sa kanya at hindi na sya nakapagsalita, kaya pinagpatuloy ko ang pagsagot sa kanya.

“And one more thing, hindi nakikita sa isang lalake ang katapangan sa ganyang style! Para kayong walang pinag aralan, nakakahiya naman sa ibang kapitbahay nyo na pinapanood kayo at natatawa na lang sa mga pinag-gagawa nyo!” hinawakan ako ni Ethan sa kamay at napatingin ang kanyang tiyuhin sa akin.

Natahimik ang kanyang tiyuhin, naisip kong na-realize nyang mali na ang ginagawa nya sa kanyang pamangkin.

“Salamat ah! Ganyan talaga yan kapag may problema.” Sabi nya sa akin at ngumiti lang ako.

“So sir? Pwede na po ba akong pumasok sa inyong bahay?” sabi ko sa kanya at binuksan nya ang gate at pumasok na kami, sumunod sya at nakita ko ang loob ng bahay nila.

“Pa...Pasensya ka na sa bahay ah! Magulo lang!” sabi ni Ethan sa akin at ngumiti lang ako.

Nakita ko ang mga pinsan nya na nasa hagdan na nakaupo at ang tita naman nya ay nagluluto sa kusina, ang kanyang tito naman nya ay tumapat sa aking kinauupuan.

Naging awkward ang mga oras na yun dahil nakatapat sya sa akin at tinitignan nya ako, kaya ako na ang bumasag sa katahimikan sa loob ng bahay nila Ethan.

“Pasensya na po sir kanina! Hindi ko lang po talaga matanggap na sinabihan mo akong buwisit...” sabi ko lang sa kanya at tumingin ito sa akin.

“Hindi! Ako dapat ang mag sorry sayo! Akala ko kasi na katulad ka ng iba nyang bisita na pinupunta dito! At saka hindi yan nagpaalam sa akin gaya ng dati kaya lagi akong nagagalit sa kanya.” Paliwanag ng kanyang tiyuhin sa akin at ngumiti lang ako.

“So sinabi po sa akin ni Ethan na may problema po kayo?” sabi ko sa kanya at nakita kong tumungo ito.

“Hindi mo naman ako matutulungan kung sasabihin ko sayo!” sabi nya sa akin.

“Sir kaibigan ko po ang pamangkin nyo, kaya tinuturing ko na din po kayong kaibigan din!” sabi ko sa kanya at nakita kong ngumiti ito at tinignan ako.

Isang malalim na hinga ang ginawa ng tito ni Ethan at tumingin sya ng seryoso sa akin.

“Alam mo kasi, natanggal ako sa trabaho, at ngayon naghahanap kami ng asawa ko kahit ano na lang para sa pangangailangan ng tatlo kong anak pati na din si Ethan, hindi naman sapat yung scholarship nya para sa araw-araw nya sa pagpasok, tapos yung mga pinsan nya na laging may pinapabili sa amin! Hindi na namin ng asawa ko kung saan maghahanap eh!” paliwanag nya sa akin at naalala ko ang sinabi ni kuya Kino sa akin.

“Sir kung kailangan nyo po ng trabaho, may ibibigay ako sa inyong number at sabihin nyo ang pangalan ko, tutulungan po kayong makahanap ng stable job nyan!” sabi ko sa kanya at binigay ko ang papel na may number ni kuya Kino.

“Sa...Salamat hulog ka ng langit!” sabi ng kanyang tiyuhin at nakita kong tumulo ang kanyang mga luha sa saya.

“Ma! May pagkain na ba? Maghanda tayo dahil yung bisita ni Tan eh binigyan ako ng trabaho!” sabi ng tiyuhin ni Ethan at lumabas ang kanyang asawa sa kusina.

“Aba! Maganda yan!” sabi ng asawa nito.

Napansin kong may mga tanim na bulaklak sa harapan ng bahay nila, at ngumiti lang dito.

“Ken! Tara na!” sabi ni Ethan at nakita kong may dala syang pagkain at paakyat na papunta sa kanyang kwarto.

“Dito na lang kayo!” sabi ng kanyang tiyuhin at nagtaka naman si Ethan sa sinabi nito.

“Anong nakain nyo?” sabi ni Ethan at napangiti lang sila sa kanya.

Nakita ni Ethan na tumingin ang mag asawa sa akin at tumabi ito sa akin.

“Mga bata magsikain na tayo ng agahan! May pasok pa kayo!” sabi ng kanyang tita at bumaba na ang mga pinsan nito sa hagdan at nakita kong nahihiyang dumaan sa amin.

“Pasensya na ah! Ano ba ang pangalan mo?” sabi ng kanyang tita.

“Ako po si Ken, Ken Yoshihara po!” sabi ko sa kanila at napatingin sila sa akin.

Nakita kong tumingin sila kay Ethan at nagtaka naman ako sa kanilang kinikilos.

Parang naging awkward ang oras na yun sa bahay nila Ethan kaya lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang kamay nito.

Napansin kami ng kanyang tiyuhin at pinaakyat ang mga pinsan nito at natira kaming dalawa sa maliit na sala nila.

To be Continued...

EPISODE 25

Parang naging awkward ang oras na yun sa bahay nila Ethan kaya lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang kamay nito.

Napansin kami ng kanyang tiyuhin at pinaakyat ang mga pinsan nito at natira kaming dalawa sa maliit na sala nila.

“May gusto ka bang sabihin sa amin Tan?” sabi ng kanyang tiyuhin at napatingin sya sa akin.

Hinawakan ko ang kanyang kamay at huminga sya ng malalim para kumuha ng lakas ng loob.

“Alam kong mahirap intindihin ito, pero mahal ko si Ken!” sabi nya at nakita kong nagulat sila at hindi nakapagsalita ng ilang segundo.

“Ta...Talagang!!!” sabi ng kanyang tiyuhin at tinaas ang kanyang kamay para sapakin si Ethan pero hindi man lang natinag sya dito.

Pinigilan sya ng kanyang asawa at tumingin sa akin.

“Tara dito Ken! Tayo ang mag uusap!” sabi ng kanyang tiyahin sa akin at lumapit naman ako sa kanya.

Pinunta nya ako sa kanilang lamesa at pinaupo malapit sa kanya.

“Ken, totoo ba yung sinasabi ni Tan?” sabi nito sa akin na kalmado ang tono.

“Um... O...Opo!” sabi ko nang makaramdam ako ng malakas na pagtibok ng aking puso.

“Ano pinakain mo sa pamangkin ng asawa ko? Alam mo bang siya na lang ang naiwan bago mamatay ang mga magulang nito, mahirap intindihin sya inaamin ko yun, pero wag naman pati ito!” sabi nito sa akin at nakita kong tumulo ang mga munting luha nya.

Napangiti naman ako dahil naiintindihan ko ang kanilang situwasyon, kaya kahit kabado ay lumapit ako sa kanya at hinaplos ang kanyang likod.

“Alam nyo po ma’am, hindi po namin ginusto ang ganito, pero ito po ang sinasabi ng mga damdamin namin, mahirap nga pong intindihin pero hindi naman po nakakasagabal ang pag iibigan namin sa pag aaral, actually ako nga po ang pumipilit kay Ethan na magbago, nakikita ko naman pong determinadong magbago siya! Kaya po hinahayaan ko po syang gawin ang kanyang gusto, dahil sa huli ay hihingi pa din yan ng payo sa akin!” sabi ko sa kanya at yumakap ito ng napaka higpit.

Napatingin ako kay Ethan at nakita ko syang humawak sa kanyang ulo at pag angat nya ay nakita ko ang mga munting luha na lumalabas sa kanya.

“Oh tara lapitan natin ang mag tiyuhin!” sabi sa akin ng kanyang tiyahin at inakbayan nya ako sa balikat.

“Ano ipapangako mo sa amin?” sabi ng kanyang tiyuhin at tumingin ito sa akin.

“A...Ano po! Pipilitin ko pong mapagbago sya at hindi ko na po sya hahayaan na mapunta sa realidad na kinalakihan nya!” sabi ko sa kanyang tiyuhin at ngumiti ito sa akin.

“Sige! Hahayaan kita dito sa ganitong situwasyon, pero isa lang ang hiling namin!” sabi nito at napatingin ako.

“A..ano po yun?” sabi ko sa kanya.

“Madami kaming plano sa pamangkin namin, at sana maging masaya kayo sa desisyon nyong yan!” sabi ng kanyang tiyuhin at ngumiti lang ako.

Tumayo si Ethan at nilapitan ako, bigla nya akong niyakap at narinig ko ang kanyang paghikbi dahil siguro ay nagpapasalamat sya na natanggap ng kanyang mga kamag anak ang relasyon namin, yumakap din ako pagbawi sa kanya at tumingin lang sya.

“Hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin, pero–“
Sabi ni Ethan sa akin at pinunasan ko ang kanyang luha.

“Ken sige na!” sabi ng kanyang tiyuhin at umakyat na kami sa kwarto ni Ethan.

Pagkapasok ko ay nakita ko ang kanyang kwarto, hindi na ako nagtataka kung bakit ganun ang ugali ni Ethan dahil magulo ito at ngumiti lang ako sa kanya.

“So Boo! Anong susuotin ko?” sabi nya nang kinuha nya sa kanyang closet yung mga damit nya, natawa ako dahil medyo luma na ang mga damit na yun.

“Boo? Bakit ganun naman tawag mo sa akin? Ang panget! Tara! Ikaw bahala sa style ako sasagot ngayon sa costume natin!” sabi ko sa kanya at lumapit sya sa akin.

“Hindi mo ba gusto yung Boo?” sabi nya sa akin at sumimangot ito sa akin.

“Hindi ko gusto!” sabi ko lang sa kanya at tumalikod ito sa akin.

“Ayaw mo din ng damit kong ito?” sabi nya nang tumingin ulit sya sa akin.

“A...YO...KO” sabi ko sa kanya at binaba nya ito sa kanyang kama.

“Bakit ayaw mo?” sabi nya sa akin.

“Dahil luma na yan! Dapat pala kumuha ka na lang ng damit sa akin eh!” sabi ko sa kanya at tumungo ito sa akin.

“Sorry ah! Ito lang talaga kaya ko eh! At saka yung scholarship ko ay sapat lang yun pang allowance ko at sa projects.” Sabi nito sa akin at niyakap ko sya.

“Asus! Nagtatampo naman ang aking honey! Tara na nga ako nang bahala sa iyo! At saka may pangako ka pa sa akin diba!” sabi ko sa kanya at tumingin sya sa akin.

“Pangako? Ano naman yun?” sabi nito sa akin at ngumiti ako sa kanya.

“Magbabago ka na simula ngayon, dahil pinangako mo yan kila mommy at daddy! Pangako ko naman sayo na hindi ako susuko para makapagbago ka na!” sabi ko sa kanya at hinalikan nya ako.

“Oh sige ngayon lang yan ah! Pero sa susunod mag hahanap ako ng part time job para hindi ikaw ang sasalo sa akin!” sabi nya at nagbihis na sya.

Pagkalabas ng kanyang kwarto ay napansin ko ang mga pinsan nya ay nasa sala nanonood ng TV.

“Tiyo, Tiya! Aalis na po kami ni Ken!” sabi ni Ethan at nakita kong nakangiti sya.

Grabe kahit saglit lang na nagkakilala kami at sa hindi pa tamang oras ay nakakabighani ang kanyang ngiting bumubura sa pagiging bad boy nya.

“Sige, basta mag inform ka kung uuwi ka o hindi!” sabi ng kanyang tiyuhin at tumango lang sya.

Hinawakan nya ang aking kamay at lumabas na sa kanilang bahay, nakita ko sa mukha ni Ethan ang sigla na talagang nakakahawa, binuksan nya ang aking pintuan at pinapasok na nya ako, pumasok na din sya at nagkabit na ng seatbelt.

“Tara na?!” sabi ko sa kanya at ngumiti ito sa akin.

---------------------------------------------------------------------------

“Oh Troy akala ko ba pupunta ka ngayon kila Ken?” sabi sa akin ni mommy habang nanonood ako sa sala ng favorite kong movie.

“Sabi nya ay magtetext sya eh!” sabi ko kay mommy at nakita kong nagba-bake sya ng fruit cake.

“Pag pumunta ka dun, paki bigay ito sa parents ni Ken, alam kong favorite nila ito eh!” sabi nya sa akin nang ilabas nya ang isang rack ng luto nang fruit cake.

“Di ba masyadong marami yan?” sabi ko sa kanya.

“Okay lang yan!” sabi nito at bumalik na ako sa panonood.

Naramdaman kong lumapit sa akin si Irko at kumakaway ang kanyang mga buntot na ibig sabihin na gustong magpalabas.

“Ate! Paki labas naman si Irko!” sabi ko sa katulong namin at nakita kong katulong pala sya ni mommy.

“Ikaw na lang anak!” sabi ni mommy at wala na akong magawa kungdi ilabas sya.

Nagbihis ako at nilabas ang aso kong si Irko.

“Come here Irko baby!” sabi ko habang naglalakad kami sa subdivision.

Sumunod naman ito at naalala ko ang nakaraan.

“Troy! Tara mag ipon tayo para mabili natin yung favorite natin!” sabi ni Ken sa akin habang nag aaral kami para sa final exam.

“May isa lang akong favorite!” sabi ko sa kanya at sinara nya ang librong binabasa nya.

“Ano naman yun?” sabi nya sa akin.

“Siberian Husky!” sabi ko sa kanya at nakita ko ang biglang pagsigla ng kanyang mukha.

“Talaga!!” sabi nito sa akin at tumango lang ako sa kanya.

“Bakit ganyan ang reaksyon mo?” sabi ko sa kanya.

“Eh yun din ang bibilhin ko eh!” sabi niya sa akin at natawa naman ako dahil parehas pala ang gusto namin.

Naramdaman ko na lang na bumalik na ako sa realidad nang tumahol si Irko sa akin at nakita kong gusto nyang makipaglaro sa akin.

“You want to play?” sabi ko sa kanya

Parang naintindihan ako ng aking aso at tumahol ito sa akin, napangiti naman ako at pumunta kami sa playground para pakawalan sya at maghabulan.

Umupo ako sa isang bench at hinawakan ko si Irko, napatingin sa kalangitan at biglang may sumagi sa isipan ko.

“Talaga bang naka move on na ako sa kanya?” sabi ko sa aking sarili at biglang nag ring ang phone ko.

“Pare saan ka?” sabi sa akin.

“Oh Terrence, Napatawag ka!” sabi ko sa kanya.

“Anong tono yan? May iniisip ka ba? Tara dito sa pad ko! Andito ang mga tropa!” sabi nito sa akin at tumingin naman ako kay Irko.

“Okay lang ba na dala ko si Irko?” sabi ko sa kanya at narinig ko ang mga kaibigan namin.

“Teka lang ah!” sabi nito at narinig ko syang nagtanong sa mga kaibigan namin.

“Sige isama mo! Para kunwari andito din si Ken!” sabi nito sa akin at tumayo na ako sa aking kinauupuan.

Naglakad kami sa kabilang street kung saan nakatira sila Terrence, nang makapunta kami ay napansin ko na nagkakasiyahan sila sa may carpark nila at pumasok na ako.

“Oh eto na pala si boy bigo!” sabi ni Lance sa akin at ngumiti lang ako.

“Hindi na yan bigo! Moved on na nga diba?!” sabi naman ni Brian at tumayo si Terrence.

“Aba! Si Irko ang laki na pala nya!” sabi nito at hinimas si Irko.

“Akin na yan! Dun muna sya kay Ms. Taki!” sabi nya at kinuha nya sa akin yung tali at pinunta sa aso nyang Siberian Husky din.

Umupo na ako at nakita kong nag iinuman sila, binigay sa akin ang tagay at agad ko itong ininom.
“Balita ko binasbasan mo yung Argel ah!” sabi ni Lance sa akin at tumingin lang ako sa kanya.

Nakaramdam ako ng panghihinayang, dahil si Ken ang mahal ko ay nag umpisa nang magmahal ng iba, kahit na nakapag move on na ako ay hindi ko pa din makakalimutan ang mga oras at segundo na magkasama kami.

“Hoy Troy Vincent! Nakikinig ka ba?” sabi ni Brian sa akin at bumalik ako sa sinasabi nila.

“Ah... kasi hindi ko alam ang isasagot!” sabi ko sa kanila at natahimik sila.

“Diba mahal mo pa din sya?” sabi ni Lance sa akin.

“At sabi mo pa nga sa amin na yang pag mu-move on mo ay para sa kanya, para kaya mo na syang protektahan.” Sabi naman sa akin ni Terrence at biglang nakaramdam ako ng lungkot.

“Oh ayan na nga ang sinasabi namin eh! Highschool pa lang tayo sinabi ko na sa iyo na kung mahal mo siya kaya mong isugal ang lahat! Kahit humadlang pa sila tito Gino!” sabi ni Brian at tumulo ang mga luha ko sa gabing iyon.

“Taena! Wag ka ngang emotional dyan! Hindi ka na yung Troy Vincent na kulelat sa angasan! Ikaw na yung hinahabol  ng mga chicks at mga pa chicks!” biro ni Lance sa akin at napangiti naman ako.

“So ano plano?” sabi ko sa kanila at nagtinginan sila sa akin.

“Plano? Pare, are you crazy?!” sabi ni Brian sa akin at nagtawanan sila.

Pinasa nila sa akin ang shot glass na may lamang alak, at ininom ko ito na walang chaser na kasunod, napatingin sila sa akin at napatigil sa pagtatawanan.

“Are you serious about that?” sabi ni Terrence sa akin at tumingin ako sa kanya.

“Oh men! He’s serious!” sabi ni Lance at binigyan ko sila ng blankong expression ng mukha.

Halos hindi na namin naramdaman ang oras kaya nang tignan ko ang relo ko ay nakita kong pasado alas-9 na ng gabi kaya tumayo na ako at kinuha si Irko sa dog house.

“Oh pare tulungan na kita!” sabi ni Terrence sa akin at tumango lang ako.

Si Terrence na ang kumuha ng aso ko at sinamahan nya ako papalabas ng bahay nila.

“Pare, a piece of advice lang ah!” sabi nya sa akin at tumingin ako sa kanya.

“Kung mahal mo pa si Ken, makipag kumpitensya ka! Gamitin mo ang naging experience mo sa mga naging girlfriend mo, after you broke up with Ken because of his father’s choice!” sabi nya sa akin at tinaas ko lang ang kamay ko pag sesenyas na aalis na ako at naglakad na kami ni Irko papauwi.

“Maybe I should give my best shot at this time!” sabi ko sa aking sarili at naramdaman ko si Irko ay 
hinila ako.

----------------------------------------------------------------------------- 

Habang nasa daan kami ay hindi ako nakakaramdam ng anumang problema dahil siguro ay kasama ko ang taong nangakong p-protekta sa akin sa kahit anong problema.

“Ken, san ba tayo pupunta?” sabi nya sa akin ng napansin nyang hindi sa mall ang pupuntahan namin.

“Just relax okay!” sabi ko sa kanya at naririnig kong nag riring ang phone ko.

“Si Argel” sabi ni Ethan sa akin at tumingin lang ako.

“Hindi mo ba sasagutin?” sabi ni Ethan sa akin at kinuha ko ang phone.

“Hello?” sabi ko kay Argel.

“What time ka pupunta ng school?” sabi nito sa akin.

“Hindi ko alam eh!” sabi ko sa kanya.

“Pwede ka bang sunduin mamaya?” sabi ulit nito sa akin.

“Wag na! kaya ako binilihan ni daddy at kuya ng sasakyan ay para makapunta ako mag ISA sa mga dapat puntahan ko!” sabi ko sa kanya.

“Ma...May problema ba Ken?” sabi nito sa akin ng mahalatang hindi ako maayos sumagot.

“Gusto mo bang malaman?” sabi ko sa kanya.

“Oo, dahil gusto kong ayusin yun kung ako ang problema!” sabi nito sa akin.

“Hindi kayo ni Ace ang problema okay! AKO! AKO! Ang may problema dito! Kaya kung pwede, paki sabihan na pati si Ace na wag nyo na akong lapitan!” sabi ko sa kanya at nagkaroon ng sandaling katahimikan.

“Bakit Ken? Bakit mo ako pinapalayo?” sabi nito sa akin at binaba ko na ang phone ko at napansin ni Ethan na namumuo ang mga luha ko.

“Bakit?” sabi ni Ethan sa akin.

“Wala! Sinabi ko lang ang nasa loob ko!” sabi ko sa kanya at nakita kong tumingin lang sya sa harapan.

Ilang oras din kami ni Ethan na walang imikan dahil nga sa pagtawag ni Argel sa akin.

Inaamin ko, mahal ko na si Argel kaysa sa iba, parang si Troy sya na binigyan mo ang kahulugan ng salitang “Ikaw at Ako” pero sa tingin ko, hindi ito panahon ng ganung bagay dahil alam kong nasagasaan ko ang kagustuhan ng dati kong crush na ngayon ay naging mortal ko nang kaagaw kay Argel na si Lexie.

Tumigil kami sa isang building at bumaba na kami ni Ethan, pumasok dun at pumunta sa lobby.

“Good afternoon sir!” sabi ng nasa lobby sa akin.

“Can you tell me where is the room of Mrs. Iza Diaz?” sabi ko sa lobby attendant at tinignan nya ang computer.

“It’s on the 19th floor room 1918, may I know your name sir?” sabi ng attendant sa akin.

“I’m Ken Yoshihara with my friend Ethan Rei Alvarez” sabi ko sa attendant at kinuha nya ang service phone para tawagan si Tita Iza.

“Yes Ma’am good afternoon! Mr. Ken Yoshihara with his friend want to see you!” sabi nito.

Binaba na nya ang service phone at pinapunta na kami sa elevator.

Naghintay kami at naramdaman kong nagriring ang phone ko kaya sinagot ko ito.

“Asan ka Ken?” sabi nito sa akin.

“Oh Troy napatawag ka?!” sabi ko lang sa kanya.

“Asan ka ngayon?” sabi nito sa akin na parang may masakit sa kanya.

“Papunta kay tita Iza!” sabi ko sa kanya at biglang binaba na nya ang phone.

Tumunog na ang elevator at bumukas ito, pumasok na kami ni Ethan.

“What floor sir?” sabi ng attendant dun.

“19th floor” sabi ko lang at nakita kong nakatingin sa akin si Ethan, nginitian ko lang sya at humawak ito sa aking kamay.

Pagka bukas ng pintuan ay agad na kaming lumabas at pumunta sa office ni tita Iza.

“Oh napasyal ka?!” sabi sa akin ng assistant ni tita Iza nang makapasok na kami sa office.

“Ah kasi we need costumes!” sabi ko sa kanya at pumasok sa kwarto kung nasaan si tita Iza.

“Oh inaanak kamusta?!” sabi nya sa akin at niyakap nya ako.

“Hello ninang! We need costumes para sa event mamaya!” sabi ko sa kanya at tumingin sya sa akin at kay Ethan.

“By the way, si Ethan po!” sabi ko at ngumiti lang si Ethan sa kanya.

“What happen to my pamangkin?” sabi nya at napatingin ako sa kanya.

Parang naintindihan naman nya ang situwasyon, dahil hindi na sinabi nila daddy ang nangyari sa akin at kay Troy.

“Mel, kunin mo nga ang mga gamit natin!” sabi na lang nito para hindi na mapag usapan ang mga bagay na hindi na dapat alalahanin pa.

Habang sinusukatan si Ethan ni ms. Mel ay pinunta ako ni ninang sa kanyang room para dun ako sukatan.

“Sabihin mo nga sa akin ang totoo inaanak! Ano bang nangyari at bakit wala na kayo ni Troy?” sabi nito sa akin at tumingin lang ako sa kanya.

“Ninang, mahabang story kasi eh! Tanong mo na lang kila daddy at mommy.” Sabi ko lang sa kanya at tumigil sya sa pagsusukat.

“Wow! Artista ang sagot!” biro nya sa akin at tumingin lang sya.

“Okay ninang!” sabi ko na lang nang tignan nya ako ng kanyang expression na seryoso.

“You tell me, anong nangyari sa inyo ni pamangkin?” sabi nito sa akin at umupo ako sa upuan.

“Dad wants Troy to love me as bestfriend, and I don’t want to argue with my dad because he wants the best for me!” sabi ko sa kanya at hindi pa rin sya convince.

“Is that it? Okay kung ganun lang, ako na kakausap kay Gino para maliwanag ang story!” sabi nya sa akin at tinawagan ang kanilang warehouse kung saan gagawin ang costume namin.

Lumabas na kami ni ninang at nakita kong nakaupo si Ethan sa waiting area, nakita kong binigay ni ninang ang sukat namin dalawa.

“Just wait lang for a minute, may prepared na kasing costumes para sa holloween concept, kaya don’t worry okay!” sabi lang ni ninang sa akin at tumawag sya ng pizza delivery para sa miryenda namin.

Habang naghihintay kami, ay napansin kong hindi mapalagay si Ethan, hindi ko alam kung bakit pero parang may kakaiba sa kanya.

“Is everything alright?” sabi ko sa kanya at tumingin ito sa akin.

“Yeah... Everything is good!” sabi nya at nakita ko ang kanyang pilit na tawa.

“Ethan right?” sabi ni ninang sa kanya.

“Yes po” sabi lang nito at ngumiti.

“What is your full name?” tanong ni ninang at nagtaka naman ako.

“Karl Ethan Reyes” sabi nya at nakita ko ang reaksyon ni ninang.

“Oh my! Did you say Reyes?” sabi ni ninang na parang kilala nila ang isa’t isa.

“Yes po!” sabi ni Ethan at tumingin ako sa kanila.

“Did you know Sir Carlo Reyes and Lizette Diaz?” sabi ni ninang.

Nakita ko ang pagkagulat ni Ethan sa sinabi ni ninang kaya binasag ko ang aking katahimikan.

“Ninang, you gave me goosebumps! Lagi kang may suspense na ganyan! Sino ba yung dalawa na yun?” sabi ko at tumingin sya sa akin.

“Sir Carlo and Madame Lizette is my mentor! And alam ko nawawala ang kanilang unico hijo which is kidnapped by almost decades and ngayon nung nakita ko si Ethan ay nakita ko ang resemblance ni Sir Carlo at ugali ni Madamme Lizette” paliwanag ni ninang at nakita ko si Ethan na naguguluhan.

“Hindi si Ethan yun! Baka kahawig lang nya! Kasi ang pagkakasabi ng kanyang uncle ay namatay ang parents nya sa isang car accident kaya hinabilin ito sa kanila.

Tumahimik na si ninang at nakita ko si Ethan na tumingin sa akin.

To be continue...


41 comments:

  1. xciting pero prang sobrang bilis magbago ng mga mood ng bawat eksena at sitwasyon..EKSAHERADA! HAHAHA...but i like it p rin xD..sana po masundan agad.. Robz here..26 im cute 09207993751

    ReplyDelete
  2. kawalang gana! ang gulo na ng kwento...dami characters. ganda nung una pero pumangit :(

    ReplyDelete
  3. Thnx for the update, i've been waiting for this. Now here's my comment:

    Masyadong naging rough ang transition, nalihis. Napalayo sa original plot. Im not saying na its not good pero as a reader, may tendency kasi na ma confuse or mas worse ma bawasan ang interes sa storya. Ok lng sana na may new character kaso, yun nga, nabigla ako naging progress ng kwento.

    Mr. Author, sana ay di ka ma offend, gusto ko lang iparating sa iyo ang aking feedback bilang isa sa iyong mga taga subaybay.

    Dami ko sinabi. Eto nlng-
    I'll be looking forward sa next update.

    ...ciao ;)

    ReplyDelete
  4. hhhmmmmm.. medyo matagal ang updates nito ngaun ahh.. pero okey lang.. medyo matagal ding basahan to... 3 chapters in a row... keep posting..

    marc of K.S.A.

    ReplyDelete
  5. too many twist, hehehehe
    sobrang haba ng buhok ni ken.. 4 na tao nakikipag kumpetensya sa kanya... :D


    thanks for sharing this story mr. author and more power.. :D

    -mans-

    ReplyDelete
  6. Worth the wait! Daming complications ah!

    ReplyDelete
  7. hahaha,., masiado atang maraming lovers si ken,.,haba ng hair,., pang commercial,., hahah,., ahhmm,.,mganda nman ung story, pero ung transition masiadong mbilis, parang minadali ung ibang part,. nguguluhan nlang mnsan ako, bgla bglng ngbbago ung scene,.,kaya nwawala mnsan ung kilig-factor,., mas gusto ko sa knia si ETHAN,., parang mas nkkakilig sila,.wag lng sanang dare lng kay ethan ang paibigin si ken,.,

    ReplyDelete
  8. di ko na maintindihan c ken, kaka pasok lang sa eksena ni Ethan cla na agad...pano naman c argel, ace at troy na mas deserving! gulo gulo tlaga... sna maayos agad sa next post!

    sori sa author! opinion lng

    ReplyDelete
  9. wow grabe na ito ang daming leading man ng bida mamigay ka naman ^_^

    pero mukang ok si ethan ah at kissing and hmmmmmm to the max kagad...

    at mukang babalik sa eksena si troy...

    sino ba talaga ang pipiliin nya...

    grabe ka talaga mr. author dami mong alam ^_^...

    tnx mr. author...

    ReplyDelete
  10. mr author,

    keep updates every other day if possible :)

    medyo mabilisan lang ang transition ng kwento pero exciting cya..

    please update po agad :)

    Eunichi of Empire Hearts

    ReplyDelete
  11. nakakaloko un phasing ng events cnabi ni ethan na mahal nya si ken pero bkt ganun prang may crush lang c ken sa kanya ang gulo

    ReplyDelete
  12. agree ako sa ibang comment d2...medyo naging magulo ung story. Daming twist! Honestly, walang kilig-factor b/w Ken&Ethan... parang napa ka imposibleng 4 na lalaki mag ka gusto sa isang bakla..mag kapatid pa yung dalawang nag lalaban! heheh:

    sana maayos na ulit sa next chap! wag na pasikot sikot pls.
    tnx author!

    ReplyDelete
  13. I'm agree with them, at 1st maganda ang kwento. Ngaun parang di na xa maganda. Maxadong mabilis ung pagbago ng kanikanilang mga damdamin. At ska hndi ko na nagustuhan ung character ni Ken, parang disperada na xa. Unlike sa una, bet ko kac parang ang macho at tigasin nya. Pro nitong mga huling chapters, parang binabae na tlaga ung char nya. :( but, it's ok padn ung kwento. Thanks anyways. :)

    ReplyDelete
  14. wew...grabeeh..intense...

    ang sama sama ni lexie...sana nasunog nalang sya...hahahaha

    crush pa naman sya ni Ken...ang sama ng ugali...bestfriend pa naman sya...hahaist...nadunot nala unta hya nga waray hya gamit...

    extra la ngani hya ha story hahahaha...

    ReplyDelete
  15. Wow ang ganda nang story na ito..gusto ko yung chapter 25..mganda all,pero tumatak yung..anak mayaman din pala c ethan..maganda talaga pag maraming surprises kakaexcite..ganda author..:):)

    ReplyDelete
  16. uhm,,nabilisan ako sa takbo ng story...ang bilis ng pasok ni ethan pero biglang ganun agad sila ni ken...aun.

    -monty

    ReplyDelete
  17. Mr author update kaagad ng chapter kaganda eh,

    ReplyDelete
  18. ,,,asan napo yong mga karugtong? nakaka-bitin naman oh please update

    ReplyDelete
  19. MEJO MABILIS NGA UNG TWIST NG KWENTO, PERO GUSTO KO PA RIN UNG FLOW. HE HE HE. KAILAN KAYA SUNOD NA UPDATE MR. AUTHOR?

    ReplyDelete
  20. Nasaan na yung Kadugtong? Halos isang buwan na. Another bitin story? :(

    ReplyDelete
  21. Jace of Cards, Kung ano man mga twists sa story mo, surely there must be a reason that you will reveal sooner or later.
    Kaya ituloy mo lang please.
    We're waiting. Sa final chapter, we shall comment.

    ReplyDelete
  22. Utang na loob 2days walang tolog si bakla kaya plsss pa follow up naman po ng nxt chapter? Huhuhu so ganda na ksi ng story eh

    ReplyDelete
  23. wala na bang karugtong...

    ~NGANGA na kaka antay~

    ReplyDelete
  24. gawds! koya kelan ka aupdate? eggzoited na yung mga gays oh! este guys. update na po phulease! :D

    ReplyDelete
  25. 2013 na ala paring update to! Sana nmn mai update na to author!

    ReplyDelete
  26. HMP...Ang GANDA...paki update naman poh ung story..kasi ang ganda....pleaseee...
    new year na mamaya.,...nxt chapter plz..
    interesting pa naman ung susunod na mga mangyayari..haha

    ReplyDelete
  27. asan na poh ang chapter 26 mr. author...please update na poh

    ReplyDelete
  28. Sorry kung ngayon lang ako nagparamdam guys...
    Don't worry po aasikasuhin ko na po itong story ulit.
    nagkaroon lang po ako ng konting problema kaya by this month makakapag post na po ulit ako ng mga chapters ng Shooting stars...

    Thanks for appreciating my story and for the comments and also the suggestions.

    ReplyDelete
  29. Wahh wala paring episode 26. sana magkaroon na ng update

    ReplyDelete
  30. ANG DAMING SORPRESA NG ISTORYA NA TO GRABEEEEEEEEE

    ReplyDelete
  31. aw! from drmure to medyo flirty side na si ken. pero wala pa nga masyado nangyayari kina ace,argel and ken tas nasaexsena na si ethan? and what the hell with lixie best friend pa man din kung matawag tas parang uhaw sa lalaki ang gaga! peroo medyo nakakaloka aa so it means mayaman din si ethan so singka yaman ang labanan dito.hahaha nice story thou medyo magulo ng konti pero dami pasabog kaso sana timbangin pa ng konti dratstic ata masyado yung nangyayar hahahaha pero never the less t he love i. .keep it coming pa.kailan nga ba ang next?hahaha

    Godbless!

    -marc

    ReplyDelete
  32. wala pa din update po! wahhhh! tagal tagal na!

    ReplyDelete
  33. grabe po tagal ng update!
    gusto ko na malaman susunod na mangyayari!
    ahahahaha!

    ReplyDelete
  34. sana iupdate naman to....

    ReplyDelete
  35. 1 year na po ala pring update

    ReplyDelete
  36. Hi guys I am very sorry kung di ko na naupdate ito, just wait lang po and I will update this story, ang daming sagabal kasi eh, una nasira laptop ko, pangalawa kailangan kong bumili ng bagong MS Office, and lastly kailangan ko munang tapusin yung visa ko.

    I am very sorry talaga :(

    And thanks for appreciating my story!

    I'll ask onichan kenji kung kaya nyang ipasok itong new account ko para matapos na natin ang kwento :)

    ReplyDelete
  37. Feel free to message me on Facebook, and Twitter
    https://www.facebook.com/midnytzerofour
    @iamJCshin

    ReplyDelete
  38. Hala wala nang update...its been 2 years na

    ReplyDelete
  39. wala na talagang update.. sayang di na nasundan.. baka busy na talaga sila sa trabaho.. kahit ngayon wala na talaga..

    ReplyDelete