Salamat sa
patuloy na pagsuporta sa AFTER ALL guys.. Hindi ko akalain na aabot ng 46
comments ang chapter 15 at ngayon inihahandog ko sa inyo ang Chapter 16 ng
After All. Bago lang lahat gusto kong isa-isang pasalamatan ang mga taong
walang sawang nagbibigay ng kanilang komento na sina -
Rover,
Lilee, Rue (Katanashi no Rue the formless Cat.), R. J, Khief, Mcfrancis, Pink
5ive (Great Pink 5ive), Jayfinpa (Ayan na ayos ko na), Mars, Jay!:),
R3b3l^+ion, Mikimer Araneta, Kristoffshaun, Migz, Icy, Billy, Ran(Randolf),
Roman (roohmen), Mike, ICE, Ros Magno, Doormouse (ang cute nang pangalan), SF
GIANTS, Jayson13, Jhe Ehm, Zenkie, Xndr, Beucharist, Rheinne, Robert_mendoza94@yahoo.com, Rstjr029, J.V, Jefofotz (jeffrey Paloma, Ram,
Cedric, CUPIDO (Ang makwela kong chatmate) at sa mga Anonymous at Silent
Readers salamat guys.
DISCLAIMER: This story is a work of
fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely
coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in
any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or
use this story in any manner without my permission.
“A-ace?” Ang di ko makapaniwalang sabi nang makita ko ang taong
nakatayo ngayon sa harap ko.
“A-ano
ginagawa mo dito?” Dagdag wika ko pa sa kanya.
Hindi ito
sumagot sa akin sa halip ay hinawi ako nito para makadaan sya.
“We need to
talk Red.” Ang sabi nito nang makaupo sa sofa.
Napakunot
naman ang noo ko kung ano ang paguusapan namin. Akala ko kasi natapos na lahat
kagabi ang mga bagay na dapat naming pagusapan.
“Ano ang
plinaplano mo kay kuya Dorwin? Pinsan ko sya alam mo yon, di mo sya pweding
gawing panakip butas!” May kalakasan nitong sabi.
Nabigla ako
sa pagtataas nito nang boses sa akin at sa kanyang paratang. Ganun ba ang
tingin nya pinaglalaruan ko lang si Dorwin?
“Anong
panakip butas Ace? Mahal ko si Dorwin at yon ang totoo!” Mataas na tono ko ring
sabi.
“Red,
naririnig mo ba sinasabi mo? 3 weeks palang kayong magkakilala ni kuya Dorwin
tapos mahal mo na sya?!” Napatayo ito sa pagkakaupo.
“Bakit Ace,
Kayo lang ba ang may karapatang sumaya? Gusto ko ring sumaya at si Dorwin ang
taong nagpapasaya sa akin. Sya lang ang nagiisang taong umintindi sa akin sa
mga panahong naguguluhan ako!”
Hindi ito
nakapagsalita sa sinabi ko.
“Gusto ko
rin namang maramdaman na may taong nagmamahal sa akin Ace. Yung taong pwedi
kong pakitaan rin ng pagmamahal.” Naiiyak ko nang sabi sa kanya pero pinigilan
kong hindi dumaloy ang luha ko. “At wag na wag mong sasabihin na panakip butas
lang si Dorwin dahil tanggap ko na sa sarili ko na hindi ka mapapasaakin.” May
diin ko pang wika sa kanya.
Parang bigla
itong nahimasmasan at kumalma.
“Red, Don’t
get me wrong. Nagaalala lang ako dahil pinsan ko si kuya Dorwin at kaibigan
kita. Ayaw kong umabot sa punto na kailangan kong mamili sa inyo dahil pareho
kayong mahalaga sa akin lalo kana.” Mababang sambit na nito.
“Hindi mo
kailangang mamili. Mahal ko si Dorwin Ace, sya ang taong gusto kong paglaanan
ng pagmamahal ko. Hinding hindi ko sya sasaktan kung yan man ang inaalala mo.”
Paninigurado ko sa kanya.
“Paano kung
ikaw ang masaktan Red?” May pagaalalang sabi nito sa akin.
Ako naman
ang hindi nakapagsalita. Hindi ko napaghandaan ang tanong nyang iyon.
“Alam mo
naman siguro na may pinagdadaanan rin ngayon si kuya Dorwin di ba? Yon ang
dahilan kung bakit natatakot ako Red. Pareho kayong may pinagdadaanan tapos
bigla bigla nalang kayong papasok sa relasyon?”
Nakuha ko
ang ibig sabihin ni Ace. Naiintindihan ko kung bakit sya nagaalala para sa amin
ng pinsan nya. Alam kong gusto lang nitong protektahan kami.
“Alam ko yon
Ace, kaya nga ginagawa ko ang lahat para makalimutan nya si Niel. Gagawin ko
ang mga bagay na hindi ko nagawa noon sayo dahil gusto ko ring sumaya at gusto
ko ring maramdaman na minamahal ako.” Sa puntong iyon ay tuluyan ng dumaloy ang
mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
Nabigla ako
sa sunod na ginawa nito. Yinakap nya ako nang mahigpit, hindi ako nakapagreact
sa ginawa ni Ace pero batid kong humihikbi ito.
“Im sorry
kung hindi ko nagawang mahalin ka Red. Im sorry kung wala ako nung mga panahon
na kailangan mo nang makakausap. Im sorry.” Ang umaiiyak na nitong sabi.
Nakaramdam
ko ang senseredad sa mga sinabi nito.
“Shhhh..
Tama na Ace tapos na yon. Ako pa nga dapat magpasalamat sayo dahil marami akong
natutunan sa pagmamahal ko sayo.” Pag-aalo ko sa kanya habang hinahagod ang
likod nito.
Nasa ganun
kaming eksena nang tumunog ang cellphone ko. Agad namang bumitiw si Ace sa
aming yakapan. Tinungo ko ang aking cellphone na nasa center table.
“Hello?” Pinilit
kong hindi gumaralgal ang boses ko.
“Ah, ganun
ba? Sige hihintayin nalang kita. Ano gusto mong ulam?”
“Alright,
you’re the boss.”
“Sige babay
din mahal.” Sabay putol nang linya.
Nakatingin
lang sa akin si Ace na may mga ngiti sa kanyang labi.
“Si Dorwin,
Malalate daw sya nang konte pero dito parin sya maglulunch. Dito ka na rin mag
lunch Ace magluluto ako nang afritada yon ang request ni Dorwin, eh.” Nakangiti
kong paaanyaya sa kanya.
“Wow!
Paborito ko yan. Sige, Tatawagan ko na rin si Rome baka hanapin ako nun
pagnagising hindi kasi ako nagpaalam na pupuntahan kita.”
“Ganun? Baka
mag wala yon pagnagising na wala ka sa tabi nya.” Biro ko sa kanya.
“Kaya nga
tatawagan, eh.” Nakangisi nitong sabi. “Seriously Red, wala ka ba talagang
balak makipag-ayos sa mama mo?” Pagpapabalik nanaman nito sa topic namin
kagabi.
“Ace.”
Pagsaway ko sa kanya.
“Alright,
alright!” Nakataas pang mga kamay nito na animoy sumusuko sa laban.
Tinulungan
ako ni Ace na maghanda at pinatawagan ko sa kanya si Rome kung pweding sabihan nya
itong bumili nang coke at yosi sa madadaanang grocey store. Magaalas dose na
nang dumating si Rome. Assual labingang walang katapusan ang ginawa nang dalawa
imbes na tulungan akong mag handa sa lamesa.
Dumating si
Dorwin pasado alas dose. Saglit na nabigla
pa ito nang makitang nan doon ang magkasintahang walang kamatayan ang lambingan
daig pa ang hindi nagkikita araw-araw. Makikita mo ang closeness ng dalawa
habang naghaharutan sa hapag.
Naging
masaya ang tanghalian namin. Pansin kong bumalik na ang sigla ni Ace, tumatawa
na ito habang nakikipag kwentohan sa kanyang pinsan. Kami naman ni Rome ay
nakikinig lang at nakikitawa sa kanilang dalawa.
_______________________
Araw-araw kong ipinaparamdam kay Dorwin Kung
gaano ko sya kamahal. Sa mga nagdaang buwan ay naging maganda ang pagsasama
namin ni Dorwin walang nagbago nariyan ang lambingan at syempre ang sex pero
ang mas pinaka exciting na nangyari ay nung ipakilala ako nito sa kanyang mga
kaibigan at kapamilya. Parang nagkaroon ulit ako nang pamilya, tanggap nila ang
relasyon na meron kami ni Dorwin naisip ko pa nga na napaka swerte pala ni Rome
sa pamilya ni Ace noong ipakilala sya nito dahil yon ang naramdaman ko nang ako
naman ang nasa lugar nya. Nung una nakakailang pero nandoon din naman sina Rome
at Ace kaya hindi ako na out of place. Naging kasundo ko rin ang kambal nito na
si Dave dahil pareho kami nang kurso at nangako pa ito sa akin na tutulungan
akong makahanap ng trabaho oras na maipasa ko ang board exam.
“Mahal,
happy 7th monthsary!” Ang magiliw kong bati sa kanya nang pumasok
ito sa kwarto at akmang bubuksan na ang ilaw. Kadarating lang nito galing sa
isang hearing.
Lagi kong
pinaghahandaan ang monthsary namin ni Dorwin gusto ko kasi na gawing memorable ang
bawat buwan na magkasama kami. Niluto ko ang mga paborito nitong ulam at bumili
din ako nang mga paborito nitong desserts.
“Sabi ko na
nga bang may binabalak ka nanaman, eh.” Ngingiti ngiti nitong sabi at binigyan
ako nang halik.
“Syempre
naman. Gusto ko lagi kitang sinusurpresa para hindi ka magsawa sa akin.”
Naglalambing kong sabi.
“Asus! May
ganun talaga? Ako rin may surpresa sayo.”
“Talaga, Ano
naman yon?” Ang parang batang excited na malaman kung ano ang surpresa nito.
“Di mo ba
muna ako papakainin? Nagugutom na ako. eh” Nakangiti nitong paglalambing.
“Ay, oo nga
pala tara, niluto ko ang mga paborito mo tiyak mapaparami nanaman kain mo.”
(Kanta)
At iginaya
ko na sya sa lamesa na inihanda ko sa loob nang kwarto. Pula ang napili kong
cover sa maliit na lamesa na pagsasaluhan namin. Ilaw na nagmumula sa scented
candles ang nagsilbing liwanag sa kwarto. Nang makaupo sya ay ibinigay ko ang
regalo ko sa kanya. Tatlong mapupulang rosas na may kalakip na note.
Bakas sa
mukha ni Dorwin ang pagkabigla nang makita ang inihanda kong surpresa sa kanya.
Effective ang surpresa ko. Ang nasabi
ko nalang sa aking sarili habang nakatingin na mangha sa ginawa ko.
Binigyan ako
nito nang isang matamis na ngiti at sinimulang basahin ang note na ginawa ko
talaga para lang sa kanya. Hindi naman kasi ako mahilig sa mga loveletters nung
high school sanay kasi ako na ako ang binibigyan ng mga may crush sa akin.
I may not be the man in your dream
but I just wanted you to know that I was very lucky to have you as my other
half. Kahit hindi mo sinasabing mahal mo ako hindi magiging rason yon para
hindi na kita mahalin. All im asking is for you to stay beside me and let me
make you feel how to be loved. I love you and happy Monthsary.
Red.
Kita kong
unti-unting pumatak ang luha nito habang binabasa ang Note na ginawa ko para sa
kanya. Nang matapos nya itong basahin ay
agad syang napatayo at lumapit sabay bigay nang isang mahigpit na yakap na
ginantihan ko naman.
“Wag kang
umiyak. Di ba sabi ko sayo ayaw na ayaw kong nakikita kang umiiyak?” Pag-aalo
ko rito.
“Ikaw kasi,
eh.” Sabi nito na humihikbi.
Iniharap ko
ang mukha nito sa akin at nagkatitigan kami.
“I love
you.” Ang nakangiti kong sabi na bakas sa aking mga mata ang senseridad sa
sinabi ko.
Inilalayan
ko na itong bumalik sa upuan para masimulan na naming kumain. Sa loob ng pitong
buwan ay mas lalong lumalim ang damdamin ko para kay Dorwin. Kahit pa man alam
kong may puwang pa rin si Niel sa kanyang puso dahil sa tuwing naiimbitahan
kami nang mga kabarkada nya ay nagiiba ang mood nito hindi iyon naging hadlang
sa akin. Sa halip ay ginamit ko pa iyon para mas ma challenge akong mahalin sya
araw-araw.
“Masaya ka
ba ngayon?” Ang tanong ko sa kanya habang pareho kaming nakaupo sa may carpet
at nakasandal sa kama. Katatapos lang nitong inumin ang pangapat nyang tagay.
“Sobra!”
Magiliw nitong tugon na sinamahan pa nang isang matamis na ngiti. “Ay teka yung
surprise ko di ko pa pala nabibigay sayo.” Ang sabi nito nang maalala ang
kanyang surpresa sa akin.
Tumayo ito at may dunukot sa kanyang pantalon. Nang makuha nito ang bagay na nasa kanyang bulsa ay mabilis nya itong tinago sa kanyang likod.
“Pikit ka.”
Nakangiti nitong utos sa akin.
Sinunod ko
naman sya. Parang tambol ang aking dibdib sa sobrang excitement. Naramdaman ko
nalang ang pagdampi nang isang malaming na bagay sa aking daliri napamulat ako.
“Siguro
sapat na ito para maiparamdam sayo na mahal rin kita Red. Hindi ko man sinasabi
sayo kung gaano ka kahalaga sa akin alam ko sa puso ko na may nararamdaman din
ako sayo hindi man tulad nang pagmamahal mo sa akin gagawin ko ang lahat para
tuluyang makalimutan si Niel. Thank you for all the efforts it really means a
lot to me.”
Napayakap
ako rito. Sa pitong buwan naming magkarelasyon alam kong hindi ko pa lubusang
naaangkin si Dorwin pero hindi na iyon mahalaga sa akin. Ang importante ay
sinusubukan ako nitong mahalin sa abot ng kanyang makakaya. Pasasaan bat
makukuha ko rin ang buong pagmamahal nya.
Iniharap
nito ang aking mukha sa kanya at masuyo akong hinalikan. Naging malalim ang
halikan namin. Pareho naming ipinaramdam ang pagmamahal sa isa’t isa hanggang
sa namalayan ko nalang na nasa ibabaw na pala kami nang kama at kapwa na hubo’t
buhad.
Nang
maghiwalay ang aming mga labi ay nagtagpo ang aming nangungusap na mga mata.
“Make love
to me Red.” Sambit nito.
“I will.”
Pabulong kong sagot at muling naghinang ang aming labi.
______________________
Nagising ako
sa malakas na tunog nang aking cellphone agad ko itong kinuha.
“Oh, Ace
bakit?” Inaantok kong bungad rito.
“Sige, sige.
What time ba?”
“Okey sige
pupunta ako. Bye.” at ibanalik ko ang telepono sa side table.
Napatingin
ako sa wall clock mag aalas dose na pala. Dali-dali akong bumangon at tinungo
ang banyo.
Thank you about last night you’re
always full of surprises. I’ll be home after my meeting with my client. Enjoy
the rest of your day.
Dorwin,
Kahit na
pitong buwan na ang lumipas ay patuloy pa rin ang pagiiwan ni Dorwin ng sticky
note sa akin tuwing aalis ito na tulog pa ako. Ito ang nagbibigay sa akin ng
ngiti at pagasa araw-araw sa tuwing hindi ko sya nakikita pagmulat ko. Mababaw
man pero kontento na ako sa simpleng bagay na iyon. Maramirami na rin akong
nakulektang sticky note galing sa kanya simula nang maging kami nakahiligan ko
na itong itago sa isang maliit na box.
Hindi mahirap
mahalin si Dorwin kahit paiba iba ito nang ugali. May mga araw na sorbrang
lambing nito at may mga araw naman na may sumpong, yon ang nagustohan ko sa
kanya napaka unpredictable nyang tao hindi ko mahulaan ang tumatakbo nang
kanyang isip. Malapit na rin ang kasal ni Niel at ni Pauline ang girlfriend
nito na balita koy anak mayaman rin. Minsan ko lang itong nakilala nung birthday
nang kaibigan ni Dorwin at yon din ang unang beses na nakilala ko ang mga
kaibigan nito. Hindi naman sila mahirap pakisamahan, tulad ng mga kaibigan ko
ay makukulit at kwela rin ang mga ito lalo na si Brian na syang naging malapit
sa akin.
Naging maganda
ang takbo nang bar. Isa na ito ngayon sa mga dinadayong bars sa downtown area.
Sa halip na sa tuwing Friday lang ang acoustic night ay ginawa naming Friday
and Saturday since yon ang laging renerequest ng mga costumers namin. Si alex
na ngayon ang casher ng bar kaya kahit anong oras na akong pweding pumunta
doon.
Ang mga
kabarkada ko naman ay hindi parin nagbabago. Nariyan parin ang Saturday session
namin para makapag bonding at makapagusap usap syempre kasama na namin sa
inuman si Dorwin.
Pitong buwan
ko na ring hindi nakikita si mama. Wala na akong balita pa rito simula nang
pinalayas ako nang asawa nya ni hindi nga nito nakuhang magtext o tumawag
manlang para kumustahin kung buhay pa ako. Mas lalong sumidhi ang galit ko para
sa kanya sa mga nagdaang buwan.
Tuluyan ko
na ring nakalimutan ang nararamdaman ko kay Ace, sa ngayon ay matalik nalang
kaming magkabigan at ako ang laging takbohan nito tuwing may problema sila ni
Rome.
Natapos
akong maligo at makapag bihis. Agad akong lumabas para puntahan si Ace sa bahay
nila kailangan daw ako nitong makausap. Paniguradong may problema nanaman ito
sa tono palang nang boses nya kanina.
“Kayo pala
sir Red.” Ang bungad sa akin ni Manang Let ang mayordoma nila Ace.
“Manang si
Ace po?” Magalang kong tanong rito.
“Nasa kwarto
nya mukhang nagaway ni sir Rome. Hindi pa bumababa para kumain.” Pagsusumbong
nito sa akin.
“Ganun po
ba? Ako na bahala don manang.”
Agad kong
pinuntahan ang kwarto ni Ace. Sa pitong buwan na dumaan bihira lang magaway ang
dalawa at kung magaway man ito ay maliliit na bagay lang kaya hindi ako
nagaalala sanay na ako sa sumpong ng dalawang hunghang na ito.
“Ano nanaman
ang problema mo at hindi ka pa raw kumakain?” Bungad ko rito nang pagbuksan ako
ng pinto.
“Red, I need
your help.” Seryoso nitong tugon.
“Ano naman
yon?”
“Something’s
wrong with Rome para itong balisa sa mga araw na nagdaan.” Pagkwekwento nito.
“What do you
mean?” Nakakunot na noo tong tugon.
“Lately
parang ang lalim ng iniisip nya. Nawala na ang appetite nya sa sex na mas
lalong nagpapakaba sa akin. Feeling ko may babae si Rome.” Mangiyak ngiyak
nitong paglalahad.
“Si Rome may
babae?” Ang di ko makapaniwalang nasambit. “Ace, baliw na baliw ang mokong na
yon sayo hinding hindi nya magagawa yon.” Dagdag wika ko pa.
“Nagawa nga
nya noon bakit di nya magagawa ngayon? Siguro nagsasawa na sya sa akin.” At
tuluyan na itong naiyak.
Yinakap ko
naman ito at inalo iyakin talaga si Ace noon pa man ito rin siguro ang dahilan
kong bakit na hulog ako sa kanya noon ang pagiging vulnerable nito na nagbigay
sa akin ng pakiramdam na dapat ko syang protektahan.
“Shhh.. Tama
na ako bahala kakausapin ko si Rome.” Pag-aalo ko rito.
“Natatakot
ako Red, baka mauwi lang sa wala ang relasyon namin ni Rome.” Humihikbi nitong
sabi.
“Hindi yon
mangyayari ano ka ba. Wag ka ngang magisip ng ganyan. Basta ako ang bahala
okey?”
Sinaluhan
kong kumain si Ace para lang mapilit ito. Kahit tapos na akong kumain bago
umalis ay napasubo ulit ako. Napaisip rin ako sa kung ano ang problema kay Rome
totoo kayang nagsasawa na ito kay Ace?
Nang
masigurong okey na si Ace ay nagpaalam na ako rito sinabihan ko nalang sya na
wag na munang magisip ng kung anu-ano at intindihin nalang muna si Rome dahil
baka may problema ito sa kanila. Balak kong tawagan si Rome at makipagusap sa
kung ano man ang problema nito.
Tinawagan ko
si Dorwin na doon nalang kami magkita sa bar sinabi ko rito na magiinuman kami
nina Carlo at Rome. Tiwagan ko rin ang dalawa at niyaya silang makipaginuman
ang dahilan ko lang ay na miss ko ang makipaginum na kami kami lang at hindi
kasama ang mga karelasyon namin sinabi rin ni Carlo na tatawagan nya si Chad at
aayain.
Pasado alast
otso nang dumating ang mga kumag. Agad naman naming sinimulan ang inuman don
lang kami sa labas pumuwesto para walang makarinig sa mga paguusapan namin.
Magandang timing ito dahil matutulungan ako nina Carlo at Chad para mapilit si
Rome na magsalita.
“Kamusta kayo
ni Attorney pare?” Pagsisimula ni Carlo sa usapan.
“Kaka
celebrate lang namin ng 7th monthsary kagabi.” Nakangisi kong tugon.
“Tingnan mo
nga naman. Ang bilis na dumaan ng buwan noh? Nung una ayaw na ayaw mo sa kanya
pero ngayon inlababo ka na.” Pabirong sabi nito.
“Oo nga eh.
Nung una may nalalaman pa syang ‘Wala akong ibang lalaking iibigin kung hindi
si Ace lang.’ na linya tapos ngayon ang keso na.” Sabat naman ni Chad.
Napatingin
ako sa gawi ni Rome kita kong napalitan ang mukha nito mula sa pagkakangiti sa
pagkaseryoso. Napansin naman ito ni Chad.
“Sorry pare
kala ko kasi okey na ang ganung biro.” Pagpapaumanhin nito.
“Okey lang
yon.” Tugon nito na may pilit na ngiti.
Nagkatinginan
kami ni Carlo. Nasabi ko na sa kanya about sa sinabi sa akin ni Ace at nangako
itong tutulungan ako. Kailangan ko lang ng tamang timing para matanong si Rome.
Nagpatuloy ang kwentohan pero ibang topic na hanggang sa medyo may mga tama na
kami.
“Rome may
tanong ako.” Pag-agaw ko nang pansin nito na kanina pa parang baliw na tumatawa
kahit hindi naman talaga nakakatawa ang usapan.
“Ano yon
pare?” Ngingiti ngiti pa nitong tugon.
“May
problema ba kayo ni Ace?” Seryosong tanong ko rito.
Bigla itong
nagiba nang aura yung kaninang masaya at tumatawang Rome ay nanahimik bigla na
parang iniisip kong sasabihin ba nya ang totoo o hindi.
“Pare,
Nagpakahirap kaming tulungan kang makuha sya ulit wag mo naman sanang sayangin
yon.” Dagdag wika ko pa rito.
Hindi ito
sumagot kaya ako na mismo ang sumagot sa tanong ko sa kanya.
“Pinapunta
ako ni Ace sa bahay nila kanina umiiyak ito dahil napapansin daw nyang may
tinatago ka sa kanya. Diretsuhin na kita pare may iba ka ba?”
“Wala noh!”
Maagap nitong sagot.
“Kung wala
pare bakit di mo sya kasama ngayon? Hindi ikaw ang tipong gagala nang hindi
kasama si Ace kilala kita.” Sabat naman ni Carlo.
“May..”
Itutuloy:
No comments:
Post a Comment