Ito na naman ako sa kagaguhan ko. HAHAHAHA Salamat po sa
walang sawa ninyong pagsuporta sa mga gawa ko. Ito na po ang Chapter 9 nang 9
mornings sana ma enjoy nyo ito tulad ko na sobrang nag enjoy sa chapter na ito.
WAHAHA
RSTJR029, Dhenxo, Edrich, R3b3l^+ion, Ross Magno,
Beucharist, Tam, Dada, Clyde, Russ, Readmymouth, ICY, Drek, popoy_III,
Kristoffshaun, Allure, Ice, Rue, Billygard, Andy, Jayfinpa, Erwin F, Chris,
Great Pink 5ive, Ramy from Quatar at Ram. Salamat din sa mga Anonymous at
Silent Readers sa walang sawa nyong pagbibigay ng komento sa aking akda.
Jefofotz –
Wahahahaha!!! Nakaganti ako sayo :P
Erwin F – Hindi
po sa akin ang king of heart hehehe sa kaibigan ko po iyon na si KATANASHI NO
RUE inshort Rue :D
Andy – YOH! Ito
na po ang kasunod..
DISCLAIMER: This story
is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works
are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and
requests that in any use of this material that my rights are respected. Please
do not copy or use this story in any manner without my permission.
<hr
color="grey" width="50%" align="center">
Past
<hr color="grey" width="50%"
align="center">
Ngayon ko lang napagtantong matampuhin
pala si Claude na iintindihan ko naman ito. Sino ba naman ang hindi magtatampo
kong ang partner mo mismo ang nag-deny sayo. Akala ko kanina nang makalabas
kami nang eskwelahan at makasakay sa kotse nito ay okey na ang lahat, pero nasa
byahe na kami ay wala pa rin itong imik sa akin. Hindi ko naman magawang
kausapin o magsimula nang usapan dahil na gi-guilty ako sa ginawa ko. Alam kong
mali na i-deny ko sya sa harapan ng mga barkada nya kung saan lagi nyang ipinag
yayabang ang pagiging mag on namin.
Naipagpaalam nga ako nito kay mama at
tulad ng inaasahan madali nya itong napapayag. Kumuha lang ako nang damit para
pamalit bago kami nag paalam na. Si mama lang ang kinausap nito ni hindi
manlang ito nag abalang tumingin sa akin tulad nang lagi nitong ginagawa tuwing
hihingi nang permiso kay mama. Batid kong malaki ang tampo nito naisip ko
nalang na mamaya ko na sya susuyuin pag dating naming sa bahay nila Ralf.
Narating naming ang bahay nina Ralf
nang walang namagitang usapan sa amin. Hindi ko alam kong ano ang tumatakbo sa isip
nito ang alam ko lang may tampo ito at halata na iyon sa mukha nya. Wala akong
balak patulan o kulitin muna sya. Napagdesisyunan kong sa bahay nalang nila ito
kausapin natatakot rin kasi ako na baka bigla na namang bumalik ang kasungitan
nito.
“Tita Nimfa magandang gabi po.” Bati
ko sa mama ni Ralf na kapatid nang aking mama.
“Laurence! Mabuti napadalaw ka.”
Magiliw naman nitong pagtugon sa akin. Napansin nito si Claude sa likod ko at
may pagtatakang ibinaling ang tingin sa akin.
“Tita, si Claude po.” May himig nang
hiya kong sabi. Alam kasi nang mama ni Ralf ang tungkol sa sekreto naming
dalawa in short alam nito ang tunay naming kulay. Open kasi si Ralf sa mama nya
super close kung baga habang ang ama naman nito ay napilitan nalang tanggapin sya
sa pagbabanta ni tita Nimfa mahal na mahal kasi nito ang asawa at nag iisang
anak lang nila si Ralf.
“Good evening po.” Ramdam ko ang
pananamlay ng boses nito parang walang buhay lang. Gusto ko sanang lingunin at
tingnan ang ekspresyon ng mukha nito ngunit nahihiya naman ako kay tita Nimfa.
Ngumiti ito kay Claude at nang
maibaling nito ang tingin sa akin ay nakangisi ito na parang nang-iinis lang.
Kabaliktaran kasi nang mama ko ang mama ni Ralf kung si mama ay may
pagkaseryoso si tita Nimfa ay sobrang kalog. Parang kabarkada lang namin ito
kung kami’y ituring ng anak nya.
“B-Bakit po?” Maang-maangan kong
tanong kahit alam ko na ang nasaisip nito.
“Wala.” At muling gumihit ang
nang-iinis nitong ngiti at nag pabaling-baling sa amin ni Claude ang kanyang
tingin. “Pasok kayo. Nasa kwarto si Ralf at nag papahinga na muntik na nga
naming dalhin sa hospital akala kasi naming na dengue na ito.”
Pumasok na ito sa loob. Tahimik naman
kaming sumunod ni Claude wala pa siguro ang papa nito dahil hindi ko ito nakita
nang dumaan kami sa sala. Iyon kasi ang paborito nitong tambayan habang
nanunuod ng sabong sa isang channel na di ko na matandaan.
“Si Mike po nandito pa?” Naitanong ko
habang papanik na kami nang hagdanan para tunguin ang kwarto ni Ralf.
“Umuwi na. Pero babalik daw ito
bukas.”
Nang nasa tapat na kami nang kwarto ni
Ralf ay agad na binuksan ito ni tita.
“Ralf?” May kahinaan nitong pagtawag
sa anak.
“Bakit ma?”
“Dito pinsan mo at ang boyfriend nya.”
Biglang naginit ang magkabila kong pisngi sa sinabing iyon ni tita Nimfa. Kahit
kasi alam kong alam na nito ang mga pagkatao namin ng anak nya ay hindi ko
parin magawang maging komportable sa tuwing may taong nakakaalam ng sekreto
naming iyon. Kahit na ba sinasabi ni Ralf na wag akong magalala kasi di naman
ako isusumbong nito kay mama ay nakakatakot parin.
“Musta pinsan?” Wika ko habang
nakangiti nang hilaw sa kanya.
“Masyado kang namumula pinsan.” Pang-aalaska
nito sa akin.
Tiningnan ko ang magiging reaksyon ni
Claude ngunit ganun parin nakasimangot at di ma drawing ang mukha nito.
“Claude bakit ganyan ang mukha mo?
Nagaway na naman kayo?” Pero hindi kay Claude ito nakatingin kung hindi sa
akin.
Imbes na sagutin sya ay naupo ako sa
gilid ng kama kung saan sya nakalatay este nakahiga at sinapo ang kanyang ulo
para tingnan kung may lagnat pa ito.
“Wala ka na namang lagnat bakit
nakahiga ka parin?” Pag-iiba ko nang usapan.
“Masakit pa kasi ang ulo ko.”
“Di ko alam na tinatablan ka pala nang
sakit pinsan.” Pagbibiro ko sa kanya.
“Sira! Matagal ko na kayang hinihintay
na magkasakit ako.” Ang sabi nito na ipinagtaka ko.
“Bakit, para maka absent? Pwedi ka
namang mag absent kahit wala kang sakit.”
“Ulol hindi! Para maalagaan ako ni
Mike. Nako insan ang sarap nyang magalaga.” Kilig na kilig na wika nito na
sinamahan pa nang pagtatakip ng unan sa mukha nya.
Natawa ako sa kalokohan ni Ralf ito
lang ata ang nagiisang taong kilala ko na ipinagdasal ang kanyang pagkakaroon
ng sakit.
“Puro ka talaga kalokohan.”
Umupo ito sa kanyang kama at sumandal
sa headboard nito.
“Claude, ano problema ang tahimik mo
ah.” Pagpansin nito sa nakatayong si Claude.
“Wala naman.” Matipid nitong sagot.
“Sa labas nalang muna ako yosi lang.” At walang anu-ano nga itong lumabas ng
kwarto.
Nakatitigan kami ni Ralf sya na may
nagtatanong na tingin at ako na nakakunot ang noo at bakas sa mukha ang
pagkapikon sa inasta nito.
“Ano ang problema nun?” Tanong ni Ralf
sa akin.
Nagbuntong hininga muna ako para
kontrolin ang inis na nararamdaman ko bago sumagot sa kanya. Ito ang unang
pagkakataon na magkaroon kami nang tampuhan ni Claude simula noong maging kami
hindi ako sanay.
“Ewan ko.” Pagsisinungaling ko.
“Yung totoo.” May bahid nang
pagbabanta sa boses nito.
Wala na akong nagawa kung hindi
isalaysay ang nangyari kanina matapos ang klase ko. Ang pag-deny ko kay Claude
sa harap ng mga kaibigan nito at sa harap ni Anna. Sinabi ko rin sa kanya ang
aking rason kung bakit nagawa ko iyon. Napapailing naman si Ralf habang
nakikinig.
“Alam mong bago kay Claude ang
relasyon nyo pinsan. Natural na magtampo yon sa ginawa mo. Eh halos ipagyabang
nya sa mga kaibigan nya ang relasyon nyo habang ikaw naman pinapalabas mong
nagsisinungaling sya. Walang matinong tao ang matutuwa sa ginawa mo.” Mahabang
pangaral nito sa akin.
“Nahihiya at natatakot pa kasi ako
pinsan.” Ang nasabi ko nalang habang nakayuko nakonsensya kasi ako sa ginawa
kong pagpapahiya kay Claude sa mga kaibigan nito.
“Hindi ang mukha ni Claude ang dapat
ikahiya pinsan. Dapat pa nga proud ka sa dami ng bakla at babaeng nahuhumaling
dyan.”
“Proud naman talaga ako sa kanya. Ayaw
ko lang na pagusapan kami nang buong campus hindi ko kasi namana ang kakapalan
ng mukha mo.” Pabiro kong sagot.
“Eh kung ihulog kaya kita sa terrace?”
Asar nitong tugon. “Seriously, ayusin mo yan pinsan walang masama kung aaminin
mo sa sarili mo at sa mga tao ang tungkol sa inyo ni Claude. Be proud yummy
balls ang syota mo.” Sabay tawa nito nang nakakagago.
“Yummy balls mo mukha mo.” At hinampas
ko ito nang unan na ginamit nyang pantakip kanina sa kanyang mukha. “Doon ako
matutulog sa kanila mamaya.” Wala sa sarili kong na sabi.
Ngumisi ito sa akin na para bang may
ibig sabihin.
“Anong nginingisi-ngisi mo?”
Ngunit imbes na sagutin nito ang
tanong ko ay nagtanong ulit ito sa akin.
“Insan malaki ba ang kay Claude?” Wika
nito na sinamahan ng hagikhik.
Naginit bigla ang magkabila kong
pisngi. Kahit minsan ay hindi pumasok sa isip ko ang tungkol doon ni hindi ko
naisip na makikita ko iyon.
“Uyyy! Namula sya. Ano pinsan malaki
ba?” Pangungulit pa nito.
“Sira! Malay ko ba!”
“You mean hindi mo pa nahahawakan yung
sa kanya at hindi pa kayo…”
“Ralf!” Ang saway ko sa mga sasabihin
pa nya. “Ang bastos mo!” At muli ko na namang inihampas sa kanya ang unan na
mabilis naman nitong naiwasan. Pareho kaming nagkatawanan sa mga kalokohang
pumasok sa isip nito.
“Tingin ko pinsan malaki yung sa kanya
ang taas kasi ni Claude at ang laki nang katawan.” Wika pa nito na para bang
ine-imagine sa utak nya ang kahalyang naisip nya.
“HOY! Isusumbong kita kay Mike!”
Tumawa lang ito nang malakas.
Na miss ko ang ganito sa amin ng
pinsan ko ang mga biruan naming noon nung wala pa itong boyfriend. Mula kasi
nang maging sila na ni Mike ay sa school nalang kami nito nakakapagbonding.
Tuwing sabado at linggo kasi ay si Mike ang laging kasama nito. Siguro ganun
talaga pag nasa relasyon na naiiba ang mga kinasanayan mong gawin.
Habang nasa ganun kaming usapan ay
pumasok naman si tita Nimfa. Gusto nitong sumabay na kami sa kanilang mag
dinner ngunit in-explain ko sa kanya na kailangan na naming umuwi ni Claude.
Hindi na ito namilit at pinagpayuhan nalang akong magingat ng makapag paalam
ako kay Ralf.
Nang makalabas ako kita ko si Claude
na nakasandal sa kanyang sasakyan. Liningon ako nito bago pumasok sa sasakyan.
“May tampo nga.” Pabolong kong sabi.
Binaybay namin ang daan papunta sa
kanila sa isang subdivision na hindi ko pa kailan man napuntahan. Halatang mayayaman ang nakatira sa subdivision na iyon
dahil lahat ng bahay ay magaganda may iba pa nga na American ang design ng
bahay. Tahimik lang ito habang ako ay abala sa pagmasid sa mga magagandang kabahayan.
Huminto kami sa isang dalawang palapag
na puting bahay. Gawa sa pebbles ito at may terrace sa taas. Hindi ko makita
ito nang buo dahil natatakpan ang ibabang parte nito nang mataas na pader.
Bumusina ito nang dalawang beses at ilang sandali lang ay pinagbuksan kami nang
isang babae na sa tingin ko ay matanda lang sa amin ni Claude ng limang taon.
Doon ko lang nakita ang magandang
garden ng bahay nila sa kaliwang bahagi at ang duyan na gawa sa kahoy sa kanan.
May dalawang nipa house rin akong nakita marahil ay dito ang tambayan nila kung
gusto nilang magpahangin.
“Tara na sa loob.” Wika nito at agad
nang lumabas.
“Nakapagluto naba si manang ng
dinner?” Tanong nito sa babae na katatapos lang magsara ng gate.
“Opo. Kanina pa nga po kayo
hinihintay.” Tugon naman ng babae.
“Sabihin mong maghanda na.” Agad na
ngang tumalima ang babae papasok nang bahay.
Pumasok na kami sa loob nang bahay nila. Maganda ito
pati na rin ang mga kasangkapan sa loob nito. Bakas ang pagkamangha sa mga mata
ko sa mga mamahaling gamit. Hindi ko akalain na ganito pala kayaman sina
Claude.
“Kumain na muna tayo bago tayo umakyat
sa kwarto ko.” Wika nito sa akin.
“S-Sige.”
Naabutan pa namin ang dalawang babae
na naghahanda nang pagkain. Ang isa ay ang kaninang nagbukas ng gate sa amin.
“Bata ka, san ka ba nang galing at
ginabi ata kayo. Sya ba ang sinasabi mong..”
“Dumaan pa kasi kami sa pinsan nya.”
Pagputol nito sa iba pang sasabihin ng matanda.
Napatingin naman sa gawi ko ang
matanda at ngumiti.
“Magandang gabi po.” Alanganin kong
bati.
“Magandang gabi rin sa’yo iho. Hala
sige kumain na kayo. Rebecca, ipagtimpla mo sila nang juice.” Utos nito sa
isang babae.
Magkatabi kaming kumain ni Claude
walang imikan. Medyo nakakaramdam na ako nang inis sa inaasal nito kaya naman
imbes na ma enjoy ang masarap na pagkain na nakahanda ay nawalan ako nang gana.
Napansin naman agad ito ni Claude.
“Tapos kana?”
“Hindi ba obvious?” Asar kong tugon.
Napataas ang isang kilay nito sa
inasta ko. Hindi siguro nito inaasahan ang pabalang kong pagsagot sa kanya. Aba
hindi biro ang hindi pansinin ng hunghang na to.
“Sir Claude may tawag po kayo galing
sa mommy nyo.” Bungad ni Rebecca nang bumalik ito sa kusina. Tango naman ang
isinagot nito sa katulong. Ibinaling muna nito ang kanyang tingin sa akin bago
tumayo.
Sinundan ko nalang ito nang tingin
habang papunta ito nang sala para kausapin ang mommy nito. Nagsalubong ang
tingin namin ni Rebecca. Ngumiti ito sa akin na tinugunan ko naman ng isa ring
ngiti.
“Tapos na po ba kayong kumain sir?”
“O-oo.” Hindi ako sanay na tinatawag
akong sir nang kahit na sino kahit katulong pa ito.
“Ang bilis nyo naman po atang kumain.”
“Hindi naman, busog na talaga ako.”
“Lance tara na sa kwarto ko.” Ang
biglang pagsulpot ni Claude sa likod ng babae bahagya pang nagulat ito.
“Hindi pa ako inaantok.” Pabalang ko
na namang sagot.
“Hindi ko sinabing matutulog na tayo.”
Lumapit ito sa akin at hinila ako patayo. Gusto ko sanang mag reklamo kaso
nahiya ako sa katulong nila. Sumunod nalang ako nang walang imik.
Hawak parin ako nito habang inaakyat
namin ang hagdanan. May dalawang kwarto kaming dinadaan bago naming narating
ang kwarto nya. Nang kapasok ay agad ako nitong hinarap.
“Bakit ka nag susungit?”
“Anong nagsusungit? Ikaw ang kanina pa
nagsusungit.” Balik ko sa kanya.
“Hindi ako nagsusungit.”
“Ay oo nga di ka nga pala nagsusungit
di kalang namamansin.” Sarkastikong sagot ko sa kanya.
Napabuntong hininga ito.
“Hindi ba dapat susuyuin mo ako ngayon
imbes na sungitan?”
“Excuse me? At bakit naman kita
susuyuin?”
Muli itong napa buntong hininga at
umupo sa kanyang kama. Naghubad ng sapatos at medyas.
“Mula nang maging tayo ni hindi ko
manlang naramdaman ang sweetness mo. You even deny me to my friends at kay
Anna.”
Doon ako tinamaan sa sinabi nito. Tama
nga naman sya nalang lagi ang nagpapakita nang affection sa aming dalawa. Na
guilty ako at agad na nawala ang inis ko sa kanya.
“Bukal ba talaga sa loob mo ang
pagsagot mo sa akin?” May bahid ng lungkot nitong sabi.
Lumapit ako at tumabi nang upo sa
kanya.
“Sorry.” Ang mahina kong sabi.
Bumakas ang matinding lungkot sa mukha
nito.
“Okey lang naiintindihan ko naman na
napilitan kalang.”
Iba ang pagkakaintindi nito sa sinabi
ko. Nag panic ako at nangapa nang mga salitang gagamitin para makapag paliwanag
sa kanya.
“Hindi iyon ang ibig kong sabihin
Claude. Hindi sa napilitan ako sa relasyon natin in fact natutuwa nga ako dahil
matagal na kitang crush. Sorry sa ginawa ko kanina.”
Hindi ito sumagot na natili lang itong
nakayuko na para bang malalim ang iniisip.
“Hoy!” Untag ko sa kanya na sinamahan
ko pa nang mahinang hampas sa kanyang braso. “Wag kana mag tampo babawi nalang
ako.”
“At pano ka naman babawi?” Wika nito.
“Kakausapin ko ang mga kaibigan mo at
sasabihin ko sa kanila ang totoo.”
“Gagawin mo yon?” Di makapaniwala
nitong sabi.
“Yep sa isang kondisyon.”
“Bakit may kondisyon? Di ba babawi
ka?” Natatawa na ito at bakas na sa mukha na wala na itong tampo sa akin.
“Basta.”
“Ok. Ano ang kondisyon mo?”
“Samahan mo ako sa kanila di ko kasi
sila kilala lahat.” Ang nakangiti ko na ring wika.
Lalong lumuwag ang ngiti nito at
napayakap sa akin. Gumanti na rin ako nang yakap sa kanya. Siguro dapat ko na
ring panindigan ang relasyon namin ni Claude. Kung sya nga ay nagagawa nya
bakit ako hindi.
“Promise babawi ako sayo.” Ang wika ko habang magkayakap pa rin kami.
“Simulan na natin ang pagbawi mo.”
Sagot nito sa akin.
“Hah? Anong ibig mong sabihin?”
Humiwalay muna ito sa akin at ngumiti
nang nakakagago sabay hubad nito nang damit nya. Pinamulhan ako nang mukha nang
agad na pumasok sa isipan ko ang napagusapan naming ni Ralf kanina.
“Ang pilyo mo!” Ang nahihiya kong sabi
na sinamahan ko pa nang mahinang paghampas sa kanyang matipunong dibdib. Tumawa
ito nang malakas.
“Akala ko ba babawi ka?” Nanunukso
nitong sabi. Napa “Shit” talaga ako nang masilayan ko ang magandang katawan
nito. Nakaramdam ako nang kakaibang init sa aking katawan.
“Babawi nga ako pero..”
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko
dahil siniil na ako nito nang halik. Ramdam ko ang lambot nang mga labi nito sa
aking labi. Ilang sigundo rin akong natigilan hanggang sa namalayan ko nalang
ang kusang pag-galaw nang aking mga kamay at lumanding ito sa kanyang batok.
Ang mga kamay naman nito ay naramdaman ko sa aking likod na mabining humahagod.
Naging malalim ang aming halikan. Mas
lalong tumindi ang init na aking naramdaman kanina. Napunta ang mga labi nito
sa aking tenga. Napakislot pa ako nang bahagya nang maramdaman ko ang pagdampi
nang mainit nitong hininga. Napahigpit ang aking kapit sa kanya nang tuluyan
nang dumampi ang labi nito sa aking tenga pababa sa aking leeg. Unang beses
itong ginawa ni Claude sa akin at hindi ko maikakaila na nagugustohan ko ito.
Dahan- dahan ako nitong inihiga sa
kanyang kama. Nag salubong ang aming mga tingin at binigyan ako nito nang
napakagandang ngiti bago muling inangkin ang aking mga labi. Lumaban ako sa mga
halik nito pati ang aking mga kamay ay kusang naging malikot at mapangahas sa
naglakbay sa kanyang katawan. Ramdam ko ang pagtusok nang kanyang maselang
bagay sa aking pusod.
Nang muling maghiwalay ang aming labi
ay tinangal na nito ang pangitaas ko.
“Claude.”
“hmmmm?”
“I-lock mo ang pinto.”
Natawa ito sa aking sinabi at sumunod
naman. Tinungo nito ang pinto nang kanyang kwarto at ine-lock. Nang matapos ay
agad itong sumampa sa kama at pumaibabaw sa akin.
“Ready?” Ang tanong nito sa akin.
“Kinakabahan ako. Wala akong alam
patungkol sa mga ganito.” Nahihiya kong pagamin sa kanya.
“Don’t worry ako bahala.” At muling
nang hinang ang aming mga labi. Pero ngayon ay hindi na katulad nang kanina.
Nag dedemand na ito nang pagtugon at naging mapusok na ito.
Nararamdaman ko na rin ang pagkabuhay
ng aking alaga sa loob nang aking pantaloon. Lalo na nung bigyan ni Claude nang
pansin ang aking pasas. Napapasinghap ako sa kiliting dulot nang mapaglarong
dila nya.
Nang maibalik nito ang kanyang mga
labi sa akin ay ako naman ang nagpaligaya sa kanya. Nagpalit kami nang
posesyon. Kung kanina ay sya ang nakapatong sa akin ngayon ay ako na ang
nakapatong sa kanya. Pinagsawa ko muna ang aking mga mata sa napakagandang
tanawin na naka handa sa aking harapan bago ko gayahin ang mga ginawa nito sa
akin. Rinig ko ang mga impit na ungol nito halatang nagugustohan ang ginagawa
ko sa kanya. Lalo akong ginanahan hangang sa matumbok ko ang parte nang katawan
nito kung saan malakas ang kanyang kiliti ang kanyang pusod. Halos sabunutan na
ako nito habang napapaliyad ito sa ginagawa kong pagpapakasawa sa parteng iyon.
“Lance..” Anas nito na para bang
nauubusan na nang hangin. Napatigil naman ako sa ginagawa ko at tumingin sa
kanya.
“May ipapakilala ako sayo.” Wika nito
at gumuhit ang nakakalokong ngiti sa kanyang mukha. Ako namang si tanga ay nag
tanong.
“Sino?”
Lumiyad ito at mabilisang tinanggal
ang pagkakabatones ng kanyang pantalon. Nabigla ako nang ibaba nya ito kasama
ang kanyang puting brief at tumambad sa akin ang malaking sawa nya.
“Sya.” Sabi nito na nakanguso pa sa
kanyang sandata.
Nahampas ko nang malakas ang kanyang
dibdib sa sobrang hiya. Napaungol naman ito at napaubo. Nagpanic naman ako sa
takot na baka nabalian ko sya nang buto sa lakas nang paghampas ko sa kanya.
“Okey kalang? Ikaw naman kasi puro ka
kalokohan ayan tuloy. Asan ang masakit?” Ang kinakabahan kong sabi na
hinihiliot-hilot pa ang kanyang nasaktang dibdib.
“Masakit yon ha.” Tampu-tampohan
nitong sabi.
“Sorry na hindi ko naman sina…”
Muli, hindi ko na naipagpatuloy ang
sasabihin ko dahil inangkin na naman nito ang aking labi. Kusa na akong
bumabasa sa mga utong nito at muli iyong pinaglaruan. Narinig kong muli ang mga
impit na ungol ni Claude hanggang sa maramdaman ko nalang ang pagtulak nito sa
akin pababa. Naintindihan ko naman ang ibig nitong sabihin. May kabang
hinawakan ko ang kanyang malaking sandata na tayong-tayo na sa mga oras na
iyon.
Tumingin ako sa kanya para humingi
nang permiso sa gagawin ko. Tumango naman ito sa akin na sinamahan ng kanyang
matamis na ngiti.
Dahan-dahan kong inilapit ang aking
mukha sa hawak ko nang manhood nito. “Tama nga si Ralf ang laki nga nang kay
Claude.” Ang nasabi ko nalang sa aking isip at napalunok.
“Di mo ba kayang gawin?” Ang narinig
kong sabi ni Claude.
“Hah? Ah kuan.. Ano..” Wala akong
mahapuhap na sasabihin.
“Kung hindi mo kaya okey lang.” Pero
bakas sa mukha nito ang pagkadismaya.
“Hindi!” May diin kong sabi. “Kaya ko
wait lang dadasalan ko muna.” Biro ko na ikinatawa nya.
Walang anu-anong isinubo ko ang
kahabaan nito. Napasinghap si Claude sa hindi inaasahang pagsubo ko sa kanya.
Hindi ko mang magawang maibaon ito lahat ay ginawa ko pa rin ang lahat para
magustohan nya ito. First time ko oo, pero hindi ko sinabing hindi pa ako
nakapanood ng mga porn. Kaya pinilit kong alalahanin at i-apply lahat nang kay
Claude.
Hindi naman ako nabigo dahil ramdam
kong nagugustuhan nya ang ginagawa kong pakikipaglaro sa alaga nya. Hanggang sa
hilahin ako nito pabalik sa kanyang mga labi at masuyong hinalikan.
“Lance?” Ang sambit nito nang maghiwalay ang aming mga labi. May bahid nang pagsusumamo sa kanyang boses at agad kong nahulaan ang gusto nitong mangyari. Gusto kong tumanggi dahil alam kong masakit iyon. Naikwento na kasi sa akin ni Ralf na ginawa na nila iyon ni Mike at halos mamatay daw sya sa ibayong sakit. Ano nalang kaya ako eh sa tingin ko hindi normal ang size nang alaga nito. Pero gusto ko ring paligayahin si Claude gusto kong maramdaman nito na espesyal sya sa akin.
Tumango ako sa kanya bumakas sa mukha
nito ang matinding saya. Ako man ay napangiti na rin dahil sa wakas sa unang
pagkakataon mapaparamdam ko kay Claude kong gaano ko sya ka mahal na hindi ako
napilitan sa relasyon naming ito.
Muli nitong kinabig ang aking batok
para halikan. Dahan-dahan na niyang tinangal ang natitirang saplot sa aking
katawan. Nakaramdam ako nang hiya nang tutukan ni Claude ang kanina pang
matigas kong alaga.
“Ang cute.” Wika nito na sa aking
putotoy nakatingin.
“Hambalusin kaya kita nitong unan.”
Asar kong sabi. Humagikhik lang ito at pinangigilan ang aking pisngi.
“Claude natatakot ako.” Ang naisambit
ko.
“Wag kang magalala ako ang bahala.”
“At ako ang kawawa.” Tumawa lang ulit
ito at siniil ako nang halik.
Ramdam ko ang mga kamay nitong humagod
pababa sa aking sandata hanggang sa aking butas. Napasinghap ako nang maipasok
nya ito nang konte. Siguro para makalimutan ko ang sakit ay pinagtuunan nya
nang pansin ang aking utong. Hindi naman ito nabigo dahil nakalimutan ko ang
sakit na dulot nang kanyang kamay.
“Mukhang ready kana.” Tumango lang ako
sa kanya.
Linagyan nito nang unan ang aking likod
at itinaas ang magkabila kong paa para ipatong sa kanyang mga balikat. Hindi pa
man kami nag sisimula ay tagaktak na ang pawis nito gayon pa man gwapo pa rin
ang mokong.
“Dahan-dahan lang ah.” Paalala ko sa
kanya na tinugon naman nya nang halik.
Naramdaman ko ang unti-unting pagbaon
nang kanyang sandata sa akin. Para akong hinihiwa sa sobrang sakit hindi ko
mapigilan mapasabunot sa buhok nya. Kasabay nang pagbaon nito sa akin ay ang
pagtulo naman ng aking mga luha sa ibayong sakit na aking nararamdaman.
“Masakit ba talaga?” Tango ang
isinagot ko sa kanya. “Gusto mo tanggalin ko nalang?” Umiling naman ako. Sayang
ang pagtitiis ko kong tatanggalin lang nya.
“Kaya ko to.” Paninigurado ko sa
kanya. Muling nang hinang ang aming labi at naramdaman ko na ang dahan-dahan
nyang pagayuda. Sa una ay masakit hagang sa unti-unti itong mabawasan. Sa akin
bumabagsak ang mga pawis na galing sa maamo at sarap na sarap na mukha ni
Claude. Mabagal ang ginagawa nito na para bang sinusulit ang lahat walang
pagmamadali.
Musika sa aking tenga ang mga
halinghing ni Claude ang mga impit nitong ungol tuwing sasagarin nya ang
pagpasok. Alam kong sarap na sarap ito dahil maski man ako ay nakalimutan ko na
ang sakit habang pinagmamasdan ko ang ekspresyon ng mukha nya. Ilang sandali pa
at bumagsak na sa dibdib ko si Claude. Hingal kabayo ang loko na nakangiti.
“Ang sarap!”
“Manyak ka talaga.” Natatawa kong
sabi.
“Hindi ah. Nagsasabi lang ako nang
totoo.” Sabi nito at muli akong hinalikan. “Salamat sa pagtitiwala sa akin ha.”
“Basta para sayo.”
Nang kusa nang matanggal ang sanda
nito sa loob ko ay nagulat pa sya nang kasabay na dumaloy sa katas nya ang
mapulang likido.
“Dinugo ka.” Halata sa mukha nito ang
pagaalala.
“Parang first time mong makakita nang dinugong tao ah.” Biro ko namang sagot. “Wag kang magalala okey lang ako medyo mahapdi nga lang.”
Ngumiti ito nang ubod ng tamis sa akin
na ipinagtaka ko naman.
“Bakit?”
“Wala. Masayang-masaya lang ako
ngayon. Simula ngayon hindi na love ang tawag ko sayo.” Nakangiti pa rin nitong
sabi.
“Eh ano na?”
“Misis. Tama misis na ang tawag ko
sayo.” Bakas sa mukha nito ang sobrang saya na ikinatuwa ko rin.
“Oh sige. Ako, ang tawag ko sayo
mister.” Tumawa kaming dalawa at muling nag hinang ang aming labi.
<hr
color="grey" width="50%" align="center">
Present
<hr color="grey"
width="50%" align="center">
“Laurence?”
Basag ni Louisa sa akin.
“Hah?”
“Ang weird mo
talaga ngayon.”
“Bakit?”
“Anong bakit
kanina ka pa nakangiti dyan ni hindi mo nga namalayan tapos na ang misa.” Wika
nito na halata sa mukha ang pagpipigil na tumawa.
Nagpalinga-linga
naman ako at doon ko nalaman na tapos na pala ang misa at konte nalang ang tao
sa loob ng simbahan.
“Tapos na
pala.” Wala sa sariling kong nasabi.
“Kanina pa.
Hindi lang kita inistorbo dahil nakakatuwa kang tingnan.”
Bayagha akong
namula sa sinabi nito.
“Mas lalo ka
kasing pumupogi kong nakangiti ka.” Dagdag pa nitong sabi.
“Hah?”
“Anong hah?
Ikaw talaga tara na nga at baka ma stroke ang kuya ko kakahintay sa akin.”
Tumayo na nga ito ako rin ay napatayo na.
Hindi na nga
kami nahirapang lumabas ni Louisa dahil konte nalang ang tao sa loob.
“Laurence,
gusto mo sumama sa bahay para magkape?” Paanyaya nito sa akin.
“Naku,
salamat nalang Louisa pero kailangan ko pang maghanda para sa trabaho eh.
Siguro next time nalang.” Simpleng pagtangi ko sa kanya.
“Ah ganun ba?
Oh sige promise mo yan ah.” Tango at ngiti ang isinagot ko sa kanya.
“Oh ayan na
pala ang kuya ko eh.” Wika nito.
Napalingon
ako sa gawi kung saan sya nakatingin at nabigla ako sa lalaking binabangit
nyang kuya. Parang tinakasan ako nang dugo sa aking katawan at napahigpit ang
hawak ko sa aking payong. Hindi ito
maari. Ang nasabi ko sa aking isip.
Itutuloy:
dws
ReplyDelete^lol anong klaseng comment yan.. kung d ganda.. dws ds dafuq speechless ka ?
ReplyDelete