Maraming maraming salamat sa inyong lahat na patuloy na
nagbibigay ng suporta sa 9 Mornings ko. Sa mga nabibitin pasensya na po hindi
ko talaga sinasadya iyon (PERO JOKE LANG) hihihihi. Ito na naman po resulta
nang aking kalokohan sana ay magustohan nyo. HAPPY READING AND KEEP THE
COMMENTS COMING! ENJOY! _Zildjian
RSTJR029, Dhenxo, Edrich, R3b3l^+ion, Ross Magno,
Beucharist, Tam, Dada, Clyde, Russ, Readmymouth, ICY, Drek, popoy_III,
Kristoffshaun, Allure, Ice, Rue, Billygard, Andy, Jayfinpa, Erwin F, Chris,
Great Pink 5ive, Ramy from Quatar, Chase, Taga_Cebu, Robert_Medoza94@yahoo.com, Saimy,
Ramy from Qatar, Politotz at Ram. Salamat din sa mga Anonymous at Silent
Readers sa walang sawa nyong pagbibigay ng komento sa aking akda.
DISCLAIMER: This story is
a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are
purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests
that in any use of this material that my rights are respected. Please do not
copy or use this story in any manner without my permission.
Katatapos ko lang maibaba ang tawag na
iyon ramdam ko parin ang mabilis na tibok ng aking puso hindi ko alam kong para
saan, gulong-gulo masyado ang isip ko. Napaupo ako sa upuan na malapit sa mesa
kung nasaan ang telepono. Literal ang panginginig ng aking kamay. Bakit ganito? Akala ko ba tuluyan na akong
nakatakas sa nakaraan. Di ko maiwasang maitanong sa aking sarili
nagpakahirap ako sa loob ng anim na taon pinilit kong makabangon, pero bakit
ganito? bakit sila nag babalik?
Kahit na anong pigil ko sa aking sarili hindi ko parin
mapigilan ang aking damdamin. Kung tutuusin dapat tapos na ito, dapat wala na
akong nararamdaman ngayon. Hindi ngaba’t pinilit kong itapon ang damdaming
iyon?
Sa sobrang pag-iisip hindi ko na namalayan na may tao palang
nakamasid sa akin mula sa aking likuran. Marahil ay hindi ko ito nakita kanina
pagpasok ko o baka hindi ko naramdaman ang pagpasok nito habang kausap ko ang
taong dahilan ng aking pagkalito ngayon.
“Rence?” Ani nang baretonong boses sa aking likod.
Dahan-dahan ko syang liningon at tumambad sa akin ang nagtatatakang hitchura ni
Pat.
“Ano ang nangyari sayo? Sino ang kausap mo? Bakit ganyan ang
hitchura mo?” Sunod-sunod nitong tanong sa akin siguro sa sobrang pag-aalala.
Imbes na sagutin sya ay natigilan ako. Para akong tangang
nakatingin lang sa kanya at walang maisip na sasabihin. Ang maamong mukha nito
na bakas ang pag-aalala ay napakagandang pagmasdan. Siguro dahil sa loob ng
anim na taon muli kong nakita ang ekspresyon ng isang taong nag-aalala para sa
akin.
“Rence?” Untang nito sa akin na sinabayan ba nya nang
paghawak sa aking kaliwang balikat. Doon lang ako natauhan at agad na napaupo
ng tuwid.
“A-Ano nga ulit yon?” Ang wala sa sariling naiwika ko.
“Rence nag-aalala na ako sayo. Ano ba ang nangyayari? Sino
ang kausap mo sa telepono at nagkakaganyan ka?”
Nakakapagtaka ang pag-aalala sa akin ni Pat. Kung tutuusin
naman kasi hindi kami close para pagaksayahan nya ako nang oras para
alalahanin. Lalo pa’t wala syang masyadong alam sa akin.
“W-Wala kaibigan ko lang.” Mabuti nalang at gumana muli nang
tama ang utak ko. “Tapos na ba ang klase mo?” Pag-iiba ko nang usapan.
Bakas sa mukha nito na naguguluhan sya sa inaasta ko, pero
sa huli pinili nitong hindi na ungkatin ang kung ano mang bumabagabag sa kanya.
“Di ba sabi ko naman sayo na wala na akong exam ngayon. Nag
aayos nalang kami para sa Christmas party ng mga estudyante.”
“Oo nga pala. Nakalimutan ko pasensya na.” Sinubukan kong
bigyan sya nang magandang ngiti, pero imbes na ngiti ay ngiwi ang naibigay ko.
“Okey kalang ba?” Muli nitong tanong sa akin. “You look
sick.”
“Y-Yeah. Kulang lang siguro ako sa tulog…”
“Dahil sa simbang gabi.” Sya na mismo ang tumapos sa
sasabihin ko. “Siguro makakabuting umuwi ka agad ngayon tutal last day na nang
examination at itulog mo yan. Namumutla ka Rence, baka kung ano pa ang mangyari
sayo magpapasko na.”
Aaminin kong natutuwa ako sa ipinapakitang pag-aalala sa
akin ni Pat kahit na hindi ko alam ang rason nya. Hindi naman siguro
importanteng alamin ko iyon.
“Last period ko na sa araw na ito. Tutulong kami mamaya nina
Chatty mag decorate sa gym kaya hindi pa ako pweding umuwi.” Ngayon ay nagawa
ko nang ngumiti sa kanya.
“Kami nalang ang bahala. Anong oras ba matatapos ang exam mo
ngayon?”
Napatingin naman ako sa aking relo.
“Ngayon na.” Nakangiti kong wika. “Sige, puntahan ko muna mga
estudyante ko paniguradong nagkokopyahan na ang mga iyon.” Pagpapaalam ko sa
kanya. Agad akong tumayo at tinungo ang pintuan. Bago pa man ako makalabas ay
narinig kong muli ang pagtawag sa akin ni Pat.
“Hintayin mo ako sa room.”
Nagtatakang tingin naman ang ibinalik ko sa kanya.
“Bakit, ano meron?”
“I’ll drive you home but before that snack muna tayo.”
Nakangiti nitong sabi.
“Tutulungan pa…”
“Nope. Uuwi kana para makapagpahinga ka at makabawi nang
tulog. Puntahan mo na ang mga estudyante mong nag kokopyahan. I’ll be there in
no time.”
Wala na akong nagawa. Tumalikod agad ako sa kanya para itago
ang pag-guhit ng ngiti sa aking mga labi at tuluyan ng bumalik sa aking mga
estudyante. Pansamantala kong nakalimutan ang tungkol sa taong tumawag kanina
salamat kay Pat at sa kabutihan nito.
Di nga ako nag kamali dahil pagpasok na pagpasok ko sa loob
ng room ay parang nasa palengke ako. Nagkakagulo ang mga hunghang at nang
makita ako ay kanya-kanyang balik sa kani-kanilang upuan.
“And what do you think you are doing?” Nakakunot ang noo
kong wika sa kanila, pero sa loob-loob ko ay pinipigilan kong mapangiti.
Naiintindihan ko naman ang mga to dahil dumaan din naman ako sa mga kalokohang
ganun.
“Minus 25 points.” Wika ko sa kanila nang makabalik na ako
sa aking upuan. Umalma agad silang lahat at tuluyan na akong napangiti.
“I-submit nyo na ang mga papel nyo kung tapos na kayo at
lumayas na kayo sa harapan ko para makapag handa ang mga babae sa kanilang
susuotin para bukas.” Bumakas sa mga mukha nila ang di makapaniwalang tingin.
Ito ang kauna-unahang hayagang pagbibiro sa kanila.
“Good mood ngayon si sir! Himala!” Biglang sigaw ng isa sa
mga loko-lokong lalaki na nakaupo sa bandang likuran.
“May love life na siguro si sir.” Gatong naman ng babaeng si
Jessamine. Umugong ang kanya-kanyang panunukso nila sa akin.
“Pag di kayo tumigil ay sisiguraduhin kong bagsak kayong
lahat sa akin.” Agad naman silang nanahimik. Muli akong napangiti.
Hindi pa man nakakatayo ang isa sa kanila para ipasa ang
kanilang mga papel sa akin nang sumulpot si Pat sa pintuan. Hindi ko pa ito
mapapansin kung hindi sya binati nang mga estudyante ko. Lumapit ito sa akin na
nakangiti.
“Sandali lang. Kunin ko lang mga papel nila.” Wika ko sa
kanya. Umupo ito sa mesa ko mismo at hinarap ang mga estudyante ko.
“Submit nyo na yang mga papel nyo dahil nagugutom na ako.
Pag di ako nakatiis kayo ang kakainin ko.” Nakangising wika nya sa mga ito.
Ganun talaga si Pat, sobrang malapit sa mga estudyante kaya paboritong paborito
sya nang mga ito. Parang mga kabarkada ang turing nya sa mga estudyante
importante lang naman daw ay respetuhin sya nang mga ito pag nasa loob sila
nang eskwelahan.
Nagtawanan ang mga kalalakihan at ilan sa mga kababaihan ang
kinilig siguro dahil nakakabiruan nila ang hunky teacher nilang ito. Dalawang
P.E teacher lang kasi ang meron sa eskwelahan namin si Pat at si Arman, kaya
halos lahat ay kilala sya at gustong ma under sa kanya dahil sa balitang kalog
ang binatang professor nilang iyon.
Sumunod naman ang mga estudyante sa kanya. Isa-isa itong
tumayo at lumapit sa lamesa. Nakakatuwa itong tingnan habang kinukuha ang mga
papel at nakikipagkwentuhan sa mga estudyante tungkol sa Christmas party.
“Ang sarap talaga nito.” Tukoy nito sa linalantakan nyang
lasagna. Dinala ako ni Pat sa isang fast food chain. Ngingiti-ngiti nalang
akong pinagmamasdan syang sarap na sarap sa pagkain.
“Pat, anong oras daw ba tayo kailangang pumunta sa
eskwelahan bukas?”
“Ikaw, kung anong oras mo lang trip. Ako mga 5pm para ma
assist ko ang SSC para sa program nila. Ako rin ang nakatoka sa sound system.”
Nakangiti nitong wika.
Napatanong nalang ako sa kanya at ipinagpatuloy nalang ang
pagkain wala akong maisip na paguusapan namin sa oras na iyon. Nagaalangan ako
kung dapat ko pa bang hingin ang opinion nya sa isang bagay na gumugulo ngayon
sa akin. Kanina habang nasa byahe kami papunta sa kainan na yon ay binalikan
kong muli ang tungkol sa taong tumawag sa akin gusto kong hingin ang opinion ni
Pat tungkol doon.
“Natahimik ka na naman dyan Rence.” Wika nito. Napatingin
ako sa kanya at nag sulubong ang aming mga mata. “Ano ang iniisip mo?” Dagdag
pa nitong sabi.
Pasimple akong nag buntong hininga. Wala akong ibang taong
pweding mahingan ng tulong kung hindi si Pat lang dahil panatag ang loob ko
kanya. Sya lang ang nakikinita kong taong pweding makatulong sa akin.
“Pat?” Wika ko. Hindi ito sumagot nanatili lang itong
nakatingin sa akin na para bang sinasabi na ipagpatuloy ko ang sasabihin ko.
“A-Ano ang gagawin mo kung isa sa mga kaibigan mo ang nagbalik at gustong
makipagkita sayo? Pag bibigyan mo ba?”
Mahina kong sabi. Nakaramdam kasi ako nag pag aalangan.
Natigilan ito sa di malamang dahilan kaya nagpatuloy ako.
“Mahigit anim na taon kayong hindi nag kita. Hindi pa
maganda ang paghihiwalay nyo noon makikipagkita kaparin ba o hahayaan mo
nalang?”
Hindi ito sumagot sa akin. Nakatingin lang ito parang
tinitimbang kong magsasalita ba sya o hindi.
“Never mind Pat.” Bawi ko nalang. “Di ko rin alam kong bakit
naitanong ko iyon sayo. Wag mo nalang pansinin.” At muling ibinaling ang aking
atensyon sa pagkain.
“Puntahan mo sya Rence.” Ang biglang wika nito. May
pagtatakang napatingin ako sa kanya. “Kung may hindi pagkakaunawan kayo noon
siguro panahon na para ayusin nyo ito ngayon. Makakatulong din sayo iyon.”
Seryoso ang mukha nito na ipinagtaka ko. Kung hindi ko lang ito kilala ay
sasabihin kong may alam ito tungkol sa nangyari sa akin sa tono nang boses
nito.
Ako naman ang natigilan. Pinilit kong i-absorb ang sinabi
nito. Tama nga naman si Pat siguro panahon narin para tapusin ang lahat. Para
narin tuluyan na akong makalaya sa nakaraan ko. Doon ko napagdesisyunan na
harapin ko ang taong iyon. Salamat kay Pat hindi nga ako nag kamali na sa kanya
humingi nang tulong.
“Siguro nga tama ka Pat. Salamat ah.” Wika ko sabay ngiti.
Ngumiti lang ito sa akin halatang pilit at bakas sa mukha na may malalim na
iniisip.
“May problema ba Pat?” Di ko maiwasang maitanong sa kanya.
“Wala. Sige tapusin na natin ang pagkain para maihatid na
kita sa inyo kailangan ko pa kasing bumalik sa eskwelahan para tulungan sila
doon.”
Ako naman ngayon ang nagtaka sa inasta nito. Parang balisa
na hindi mo maintindihan. May nasabi ba
akong hindi maganda? Di ko mapigilang maitanong sa aking sarili habang
nakakunot ang noo na nakatingin sa kanya na agad naman nyang iniwasan at
ibinalik ang kanyang atensyon sa kanyang pagkain. Nagkibit balikat nalang ako.
Para akong naiihi na ewan habang pabalik-balik sa aking
cabinet. Kanina pa ako hindi mapakali kung ano ang dapat na suotin.
Mag-aala-syete na at kailangan ko nang makapag bihis kong ayaw kong ma late sa
usapan namin ng taong iyon.
Matapos naming mag meryenda kanina ni Pat ay agad ako nitong
inihatid sa bahay. Walang imikan kami sa loob ng kanyang sasakyan hindi ko alam
ko ano ang problema nya pero batid kong malalim ang kanyang iniisip base sa
hitchura nang mukha nito kanina habang nag dra-drive. Gusto ko man syang
tanungin ay pinili ko nalang na manahimik respeto na rin iyon sa kanya.
Dinampot ko ang aking cellphone at tiningnan ang kadarating
palang na mensahe.
“7pm sa Bestfriends resto.” Ang nakalagay lang sa mensahe
alam ko na kung sino ang taong yon at ang tinutukoy nitong bagong tayo lang na
restaurant. Muli kong binalikan ang
cabinet at naghalungkat ng damit. Hindi na ako nag abala pang mamili dahil
paniguradong aabutin ako nang walang taon.
Sa wakas ay narating ko rin ang resto na iyon. Ang
restaurant na pagmamayari nang dalawang magkaibigan na sina Angela at Mina mga
dati kong ka eskwela noong high school. Nakakatuwang isipin na umabot sa ganito
katagal ang pagkakaibigan ng dalawa.
Pinagbuksan naman ako ng gwardya at binati. May kaba ko
itong tinanguan at tuluyan ng pumasok. Nagpalinga-linga ako para hanapin ang
isang taong dahilan ng pagpunta ko sa restaurant na iyon. May mangilan-ngilang
taong abalang kumakain at ang iba ay halatang kagagaling lang siguro mag
Christmas shopping dahil may mga nakalagay na maraming pinamili sa bakanteng upuan
sa mesa nila.
Mararamdaman mo ang pasko sa loob ng restaurant na iyon. May
malaking Christmas tree sa kaliwang bahagi at ang nag gagandahang Christmas
lights na nakapagdagdag sa magandang ambiance nang lugar na iyon.
Nagulat ako nang may magsalita sa aking likod.
“Laurence? Laurence Cervantes is that you?” Napalingon ako
sa kanya at tumambad sa akin ang nakangiting si Mina. Naging ka klase ko ito
noong second year high school palang ako. Ngumiti ako sa kanya para ipaalam na
tama ang hinala nya.
“Wow! It’s been a long time. Hindi kana payatin ngayon ah.”
Sabay hagikhik nito.
“Yeah it’s been a long time at lalo kang gumanda Mina.” Alam
kong nabigla rin ito nang banggitin ko ang pangalan nya. Marahil ay tulad ko
hindi rin nito inaasahan na maalala ko pa sya hanggang ngayon.
“Ang ganda ko talaga.” At muli tumawa ito. Mina still has
the sophisticated look on her kahit sa pagtawa nito ay hindi iyon nawawala.
“Anyway, kamusta kana Laurence? Gees!! Ang laki nang ipinagbago mo.”
Nawala ang pag-aalangan ko pati na rin ang kabang kanina ko
pa dala-dala nang makita ko ang mga ngiti nito.
“Mabuti naman ako. Panganay mo ba iyan?” Tukoy ko sa umbok
nang kanyang tyan. Marahil ay nasa seven or eight months na ito kung hindi ako
nagkakamali.
“Yep.” May bahid nang pagyayabang nitong sabi. “Wait
ipapakilala kita sa husband ko.” At nagpalinga-linga ito. Nang mahanap nito ang
kumpol ng mga taong sa tingin ko ay abala sa pagkukwentuhan sa isang mesa ay
agad nya akong hinila at dinadala sa mga ito. Wala na akong nagawa kung hindi
ang sumunod nalang.
“Dito lang pala kayo.” Bungad nito sa mga ito. Doon ko lang
napansin na kilala ko pala ang iba sa kanila. Mga dati kong ring schoolmates sa
St. Mary’s Academy.
“Hon, sino yang kasama mo?” Wika nang isang gwapong lalaki
na sa tingin ko ay ang asawa ni Mina.
“Guys tutukan nyo sya. Don’t you recognize him?” Ang
nakangising wika ni Mina. Muli, ay nakaramdam ako nang hiya. Kaharap ko ngayon
ang mga taong may ari nang isa sa sikat na bar sa lugar namin ang Seventh Bar.
Nabaling naman ang mga tingin ng mga ito sa akin. Para tuloy
akong subject sa isang experiment sa isang laboratory.
“Laurence? Di ba ikaw si Laurence Cervantes yung iyakin nung
1st year palang tayo.” Wika nang isa sa kanila. Ako man ay napatutok
at pinilit na kilalanin ang loko lokong iyon. Kita kong pinukpok ito nang
katabi nyang babae na sigurado akong si Antonet Garcia ang aming all time muse.
Imbes na ma offend sa sinabi nito ay napangiti nalang ako at marahang tumango.
“So its you. Kamusta na ang Valedictorian ng batch namin?”
Wika ni Tonet.
“Ay oo, ikaw nga yung lampang matalino noon.” Dugtong naman
ng maangas at ang campus heartthrob na si Red. Nakita ko itong tinitigan ng
masama nang katabi nyang lalake. “Hehe. Sorry.” Napakamot ito sa ulo halatang
takot sa katabi nya. Weird! Si Red, may
kinakatakutan na ngayon? Ang nasabi ko nalang sa aking isip.
“Okey lang.” Nakangiti ko namang sabi.
“Ay bongga ang laki nang pinagbago mo. Akala ko talaga nung
una bekish ka.” Namula ako sa tinuran ni Angela ang babaeng halatang hindi pa
rin nag babago sa pagiging taklesa.
“Wala ka talagang masabing maganda.” Wika naman ng isa kung
hindi ako nag kakamali sya ang transferee nung 3rd year kami na si
Ace. Ang laki na rin nang pinagbago nito ngayon.
“Wag mo na pansinin ang asawa ko may sayad lang talaga to.”
Hindi pamilyar ang lalaking iyon sa akin pero ngumiti parin ako para ipaalam na
wala lang iyon.
“That is Vincent asawa ni Angela, si Attorney Dorwin Navales
lifetime partner ni Red.” Tukoy nito sa lalaking kinakatakutan ni Red. Bahagya
akong nagulat sa sinabi nito. Lalake ang
partner ni Red ang campus heartthrob namin noon? What the pak!? Marahil ay
nabasa ni Antonet ang iniisip ko kaya nag salita ito.
“Wag kanang mabigla Laurence uso na yan ngayon. Si Rome,
kilala mo naman siguro ang matinik na transferee noon sya naman ang lifetime
partner ni Ace.” Napapatango nalang ako sa sobrang pagkabigla.
“At ito ang pogi kong asawa.” Sabay kandong rito ni Mina.
“Hon, meet Laurence, dati naming ka klase noon ni Angela.” Inabot nito sa akin
ang kanyang kamay na tinanggap ko naman. “Chad pare.” Wika nito.
“At itong kolokoy namang to ang asawa ko.” Tukoy naman ni Tonet kay Carlo.
“Nice to meet you.” Wika ni Rome na hayagan pa talagang naka
akbay kay Ace. Bahagya akong na inggit sa grupo nila. Napakasaya nilang tingnan
at halata sa mga hitchura nila ang contentment sa kani-kanilang mga partners.
“Nagkalaman kana ngayon.” Wika naman ni Red at ngumiti sa
akin. Natawa nalang ako nang batukan ito nang ipinakilala sa akin na si
Attorney Nevera. I know him kilala sya na isa sa pinakabatang attorney at hindi
matatawaran ang galing nito. “Pasensya kana sa isang to. Wala lang magawa kaya
malakas mangasar.” Wika nito with his apologetic voice.
“Okey lang. Sanay na ako sa kanya nung highschool.”
Nakangiti kong wika.
“Bully ka pala nong high school mahal?” May pananakot sa
boses nito. Napangiti ako sa tawag nito kay Red. Sino ang mag aakalang under
ang tinaguriang tigasin nang room naming noon. Ang sweet nila.
“Hindi ah! Biro biro ko lang yon. PEKSMAN!” Nagkatawanan kaming lahat sa inasta nito.
“Patay ka mamaya pare.” Pangaasar naman ni Rome sabay
hagikhik pa nito.
“Wag kanang makisali kumag at baka ikaw ang malagot mamaya.”
Basag naman sa kanya ni Ace.
“Wifey naman.” At muling kaming nagkatawanan.
“Nakakatuwa naman kayo.” Wika ko sa kanila. “I never thought
na makikita ko pa kayo ulit.”
“Ang tagal na nga rin noh. So, what do you do for living?”
Si Tonet.
“Nag t-teach ako sa isang private collge.” Nakangiti kong
wika. Di ko mapigilan ang matuwa sa kanila ganito pala ang feeling pag nakikita
mo ulit ang mga taong sa nakaraan mo. At doon ko na naaalala kung ano ang pakay
ko sa restaurant na yon. “Oh im sorry
guys. It was really nice seeing you again but I need to go. May kausap kasi ako
ngayon masyado akong na wili nakalimutan ko.” Ang nagpapanic kong sabi.
“Sya ba ang kausap mo?” Si Red at may tinuro ito sa likod
ko.
Dahan-dahan naman akong napalingon at muli ay naramdaman ko
ang pagrigodon nang aking puso nang makita ko si Claude. Walang ekspresyon ang
mukha nito na nakatingin sa akin.
“K-Kanina ka pa ba?” Ang naisambit ko nalang sa
pagkataranta.
“Si Claude pala ang kausap mo.” Wika ni Chad.
Napalingon ako sa kanya na may pagtataka.
“Magkakilala kayo?”
“Yep. He’s my causin.” Napatingin ako sa mga kaibigan at
dati kong ka klase noon nakangiti ang mga ito.
“Mukhang may naaamoy ako.” Biglang wika ni Angela.
“Ako rin meron.” Gatong naman ni Mina. “Hon, why don’t you
go and help your causin find a very nice table for both of them.” Tumayo ito sa
pagkakakandong sa kanyang asawa para makatayo ito.
“Pinsan tara dito tayo.” At lumakad na ito para ituro sa
amin ang lamesa.
Itutuloy:
Ang ganda ng takbo ng storya, kung nababasa mo ito author of the story please don't stop creating love story ike this
ReplyDelete