One Truth
Prologue
-------------------------------------------
Disclaimer: This story is a work of fiction any names resembling real person, places, institutions are entirely coincidental and never meant to tarnish or praise them in any way. The characters are fictitious and never meant to identify and personify real people.
--------------------------------------------
“Habang tinitignan ko ulit itong lugar na ito kung saan maraming alaala
ang nakaukit, hindi ko maiwasan ang
magbalik tanaw sa akin nakaraan kung saan nakaranas nang kasiyahan at matinding
kalungkutan sa akin buhay. Dito ipinangako nang aking minamahal ang kanyang
wagas na pagmamahal, dito din nabali ang pangako na iyon. Saksi ang lugar na
ito sa lahat nang aking karanasan sa mundo ng pag-ibig…”
“Snorlax ko, bakit ka umiiyak? May
problema ba? Sabi ko na nga ba dapat hindi tayo pumunta dito eh. Nagpumilit ka
kasi eh, eto na lang punta tayo sa condo ko at pasisiyahin kita. Hihihihi” Sabi nang aking kasama, na
ngayon ay aking pinakamamahal.
“Ang libog mo at
sira-ulo ka talaga! Hindi ako nag-eemo ah. Natandaan ko lang mga alaala natin
sa lugar na ito, yung mga masasaya at masasakit at yung mga nakakagago. At ikaw
ang may dahilan nang lahat nang iyon.” Asik ko naman sa aking kasintahan na
nakayakap na pala sa aking likuran nang hindi ko namamalayan dahil sa
pagmuni-muni ko sa planetang Mars.
“Ako na naman?
Huhuhuhu. Tampo ako sa iyo…” Balik nang aking kasintahan at nakita ko ang pag-pout niya na
ikinatuwa ko, dahil na rin sa pagkatuwa ko hinalikan ko siya sa labi. Marahan,
pero puno nang pagmamahal. Ako na rin ang unang kumalas.
“Wag po! Wag po! Wag
ninyo po akong gahasain bata pa po ako. May takot sa Diyos at nagmamahal na
kasintahan. Hehehehehe…” Sabi niya na may pilyong ngisi pagkatapos maghinang ang aming mga labi.
Naasar naman ako sa tinuran niya at binatukan ko siya nang may kalakasan dahilan
para mapakalas siya sa akin at kamot sa ulo.
“Sige, maglibog ka pa
diyan tignan natin kung tatagal tayo. Kumag ka talaga” Pahabol ko sa kanya pagkatapos kong
batukan siya.
“Sorry na majin boo
ko. Alam mo naman may pagkabata ako kaya ka nga nahibang sa akin eh. Hehehehe.” Tanging sagot niya, pero 100% tama.
Napamahal na ako sa sira-ulo na ito kaya nasasakyan ko ang mga tantrums, drama
moments, at mga childish niyang attitudes. Siguro na rin dahil sobrang lambing
nito sa akin at napakacute pag nagiisip bata.
Ako nga pala si Brendan Connell Declan S.
Dermot, isang estudyante nang sa kolehiyo. At ito ang aking kwento…
Nota Bene: I would like to thank Dark Ken for giving me this opportunity to write a new story in his blogsite. Criticisms, constructive at that, are extremely welcomed. I hope this teaser has piqued your interest in reading the rest of my story. :D
Parang maganda to..
ReplyDeleteParang maganda to..
ReplyDelete