ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Tuesday, October 9, 2012

Ang Mang-Aagaw 14

Ang tagal ha!” singhal ni Dalisay habang patuloy na naghihintay sa loob ng restaurant.

Napalakas yata ang kanyang sinabi kaya't nagtinginan ang mga tao sa kanya.

Sya ay nagtaas ng kilay.

“And why are you looking at me? All of you! Get out!”

Mas nagulat ang mga tao sa kanyang sinabi. All eyes are glued on her. Pakiramdam nya ay para syang hinuhusgahan.

“Joke lang. Kayo naman mga friends, keme lang yun.”

Binaling nalang nya ang kanyang tingin sa labas. Binilang ang mga nagdaang mga kotse. Makalipas ang limang minuto ay wala pa rin ni isa sa kanyang mga kasama. She grabbed her cellphone and dialled Dhenxo's number. It was out of coverage.

She started feeling irritated.

Imbyernadette Sembrano. Ang tagal naman ng mga beki. Kumuda pa kaya?

Pinilit nyang kumalma. Alam nyang maari syang makadama ng sobrang stress kung iisipin pa nya ang pagiging late ng kanyang mga kasama.

Ilang segundo pa ay nakita na nya ang humahangos na si Dhenxo. Kita ang pagkabagabag sa mukha nito. Mabilis sya nitong niyakap.

Anong problema Dhenxo?”

Rinig ni Dalisay ang paghinga nito. Iregular.

Okay. Kalma lang Dhenxo. Kalma okay?”

Mama. Tama ang hinala natin.”

Tungkol saan?”

There goes Philip. Masaya itong lumapit sa dalawa at binigyan ang mga ito ng isang halik sa pisngi. Naputol ang kanilang pag-uusap. Nagbigayan silang dalawa ng mga makabuluhang tingin. Pinilit kumalma ni Dhenxo.

Sorry, I'm late. Medyo natraffic lang,” magiliw na bati ni Philip sa dalawa.

A-ayos lang. Kakarating lang nga halos nitong si Dhenxo,” sagot ni Dalisay.

Shall we order?”

Not until you tell me why Charles is not here. Anong ginawa mo sa kanya ha?” nang-aasar na sagot ni Dalisay.

Nanatiling tahimik si Dhenxo. Nakikinig lang sa usapan ng dalawa.

You haven't seen him yet? He's actually here Mama D. He'd take our order.”

Ohhh. Now that's interesting.”

Philip gave him a wink. She then saw Charles walking their way. He looked in pain. Nagtaka si Dalisay.

Why does Charles look like in pain? I mean body pain? If he went to the gym, hindi ganyan ang mukha nya. Mukha syang namimilipit.

Hello. I'm gonna take your order now.”

Not too cordial, Honey,” sabat ni Philip sabay hipo sa crotch ni Charles.

Huli na para makaiwas si Charles. Nadakma ni Philip iyon at Dalisay started giggling, natawa nalang rin si Dhenxo sa nakita.

Kuya ang wild mo,” sabat nito.

Nangiti si Philip.

If only you know what we did last time. Right honey?” Baling nito kay Charles.

Naughty, honey,” pagsagot nito sa kanyang mga patutsada.

Give us the same set. And I want you to sit with us here. You understand?” there's authority in Philip's voice.

I can't. Maraming tao. I have to command my people,” magiliw na sabi ni Charles.

Well, just go on our table once in a while, Charles. It'd be great to talk to you,” ani Dalisay.

Muli itong ngumiti sa kanya. He then headed to the kitchen. Philip eyed him heading to the comfort room. Muling pumasok ang kalokohan sa isip nito.

I have to use the powder room.”

Ngiti ang tugon ni Dhenxo dito.

Go,” sagot ni Dalisay.

He hurriedly went to the comfort room. Nakita nyang nagchecheck ng mga urinals si Charles. Maybe checking if all were clean. Nabigla si Charles nang makita sya. He grinned.

What are you thinking?” kabado ang tono nito.

Doing what we want,” malanding sabi nito.

He then grabbed Charles by the neck and started kissing him. Mas kabado si Charles dahil baka may makakita sa kanila but he was too aroused to think. Philip was wy too aggressive. Alam nyang nadadala nya si Charles sa mga halik na kanyang pinapalasap dito.

Pinilit kumalas ni Charles, his face painted in deep red.

Not now, Philip. Please,” pakiusap nito.

Your hard-on can no longer wait, honey,” sabat ni Philip sabay dakma sa harap ni Charles.

Mabilis na natanggal ni Charles ang kamay ni Philip. Mabilis na inilagay ni Philip ang kanyang kamay sa pwitan nito. Pinisil nya ang mga ito. Hindi namalayan ni Charles na may nalaglag mula sa kanyang bulsa.

I-i have to go,” nagmamadaling sabi nito.

Mabilis itong lumabas sa banyo at naiwan si Philip mag-isa. Napangiti nalang sya sa kalokohang ginagawa nya para lang makaganti.

I'm so much willing to do everything para lang makaganti.

Aksidenteng tumama ang kanyang mata sa sahig at nakita ang isang pakete. Mabilis nyang dinampot ito. Nanlaki ang mata sa nakita. Napangiti syang muli. Hindi nya inaasahan na mas mapapadali ang ganting gagawin nya rito.

Sinong mag-iisip na mas mapapadali lahat to?

Nakangiti syang lumabas ng banyo.





Doc, kamusta na po sya?”

Still unconscious.”

Ka-kailan po sya magigising?”

We are monitoring him still, Mr.Oya. Masyadong malakas ang impact nang tumama ang kanyang ulo,” mahinahong paliwanag nito.

Napabuntong hininga si Kenji sa narinig. He tried looking for identification sa kanyang nabangga. Tanging Company ID lang ang meron ito. Jhaspher Jocson. Tinawagan nya ang mga numero sa ID nito at napagalaman nya na ulilang lubos na ito kaya wala syang matawagan na immediate family.

I'll take full responsibility of everything, Doc. Wala na akong makontak na kamag-anak nya. I guess alagain ko sya hanggang sa maging totally recovered na sya.”

Tumango ang doctor.

Doc, i'll be leaving my number sa mga nurses. May importante lang akong aayusin at mabilis akong babalik dito.”

Sige Mr.Oya. Ibibigay namin lahat ng gamot na kakailanganin at mga tests na kailan pa nyang tapusin. Then i'll give you an update.”

Sila ay nagkamay. Mabilis nyang tinungo ang parking lot at nagmaneho papunta sa restaurant na pinag-usapan nila ni Philip.

Mabilis nyang tinawagan si Philip.

Kuya, I'm on my way. May nabangga ako. And I need help Kuya,” naiiyak na sabi nito.

What? Sino ang nabangga mo? Saang ospital yan?”

Kuya iniwan ko sya. Babalikan ko mamaya. Papunta na ako sa usapan natin. Kailangan ko ng tulong,” sagot nito.

Sige sige. Be quick.”

Thanks Kuya.”





Nakabangga raw ang isa ko pang alaga. Pero papunta na raw sya,” pagkuha ng atensyon ni Philip sa nakatulalang si Dalisay.

Sino Kuya?” tanong ni Dhenxo.

Someone you'll meet later.”

Dinukot ni Philip ang napulot na plastik sa banyo at palihim na inabot kay Dalisay.

Mama D, can you tell me what this thing is?”

Sinuri ni Dalisay ang laman ng plastik at labis itong nagulat.

Zsazsa? Nagsazsazsa ka?”

Not me, Mama.”

Shabu to Philip,” naging mas mahina ang boses nito.

Nagulat si Dhenxo.

Hindi sakin yan Mama. Guess kung kanino galing?”

No idea.”

Kay Charles.”

He's using it?” nagtatakang tanong ni Dhenxo.

Philip nodded.

Sana nga nagaassume lang ako. Pero nung hinawakan ko yung likod nya eh biglang lumaglag yang plastic na yan? Di na nya ata namalayan,” mahinahong sabi nito.

Jesus Christ. Don't go near him anymore, Philip. He might be a very dangerous guy.”

Kuya, stay away from him.”

Umiling si Philip.

I won't. I'll use this as a bait.”

Napangiti siya sa kanyang sinabi.

Napailing muli si Dalisay.

Itutuloy...





1 comment:

  1. ay may shabungera!

    So he was not inspecting the cubicles for cleanliness. He is just looking for a place where he can do his vice?

    Hmmmmm! Interesting!

    ReplyDelete