Waaa!!!!!!!!!!! Natapos rin ang pakikibaka ko sa chapter na
ito hahahaha! Inubos ni Alex at Renzell Dave ang laman ng 2mb kong utak. Ito na
po ang huling chapter ng Chances at hinabaan ko na talaga ito para hindi kayo
mabitin.
Gusto ko rin pasalamatan kayong lahat na mga readers ko sa
suportang ibinigay niyo sa lahat ng estorya ko. Ito ang pang-apat na estoryang
gawa ko at sobrang saya ko na nagustohan niyo rin ito.
Mag-papahinga muna ako guys ng mga ilang araw at lingo para
naman ma refresh ang 2mb kong utak dahil sa gagawa ako muli nang panibagong
series. Yep, series na naman sila hahaha. Mag-sisimula ang series ko sa Make
believe hangang sa estorya nang mga
kaibigan ni Alex na sina Lantis, Niccollo, Jay, at Maki. Abangan niyo kung papaano
magiging konektado sa kanila ang unang libro ko. Bye bye na muna mga paps at
Happy reading sa inyong lahat! Keep the comments coming!!! Ingat!
DISCLAIMER: This story is
a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are
purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests
that in any use of this material that my rights are respected. Please do not
copy or use this story in any manner without my permission.
<hr color="grey" width="100%"
align="center"><!--more-->
<hr
color="pink" width="50%" align="center">
Alexis
<hr
color="pink" width="50%" align="center">
“So, kamusta
ang ibigin ng isa sa mga kambal Alex?” Ang nakangiting wika ni Laurence. Nasa
welcome party kami ngayon ng papa ni Dave at sir Dorwin.
“Kung gaano ka-ligalig ang isang yon siya namang tino nito
pagdating sa ‘yo.” Nakangising wika ni Francis. Ito ang partner ng isa sa mga
kaibigan ni Dave na si Niel. Pinaluwas pa talaga ito mula sa Manila nang
kanyang kasintahan dahil daw sa isa itong espesyal na araw para best friend
nito at dati naring kasintahan na si Dorwin.
“Hindi naman. Mabait naman si Renzell Dave, sadyang may
sayad lang talaga siya.” Balik kong sagot sa mga ito.
“Sa dalawang kambal na iyon kay Dave lang nawawala ang
katinuan ko.” Wika ni Laurence na sinamahan pa nito nang pagtaas ng kilay habang
nakaupo kami sa lamesang inihanda sa amin ng aming mga maliligalig na partner.
Busy ang magkakaibigan sa pakikipag-usap sa mga business partners nila habang
kami namang mga baguhan ay nakaupo lang at masaya silang pinanunuod.
“Sakit sa ulo iyang si Dave sabi pa nga ni Niel ko. Kaya nga
iniiwasan ko lagi yan kapag nabibisita ako dito sa lugar nila. Mas baliw pa
siya kesa kay Brian at mas brutal.” Si Francis habang umiiling.
Napangiti nalang ako nang pilit sa mga ito. Alam ko naman
may pinaghuhugutan ang mga komento nila dahil ako man ay nakaranas din ng sayad
ng kumag na Dave na ito. Nakakatawa nga lang isipin na mahuhulog ako sa taong
lubos kong kinaiinisan noon.
“At least ngayon may pagkakaabalahan na siya. Nabawasan na
tayo ng sakit ng ulo, sumaya pa si Alex.” Nakangiting wika ni Laurence.
Kung tutuusin, dapat nakakarelate sa akin si Laurence dahil
tulad ni Dave mahirap ding espelengin ang ugali ni Claude, ang mayaman nitong
asawa.
“Tama!” Natatawang wika ni Francis. “Mabuti na lang at
nakinig ka sa mga payo ko sayo.” Baling nito sa akin.
“Oo nga eh. Kung hindi mo sinabing umuwi ako dito at
subukang bigyan ng pagkakataon ang ugok na ‘yon walang mangyayari sa love life
ko.” Nakangisi kong wika.
Ilang lingo na ang nakakaraan nang maging kami ni Renzell
Dave at napagtanto kong tama ang desisyon kung sumugal kasama nito dahil ngayon
ramdam ko na talaga na may taong nagmamahal sa akin at kayang ibalik ang pagmamahal
ko. Kahit may sayad pa ito.
Masaya ako sobra, dahil nakikita kong tanging ako lamang ang
binigyan ng pagkakataon ni Dave na makapasok ng tuluyan sa buhay nito. Sa loob
ng ilang lingo ay nakita ko ang mapagmahal na Renzell Dave na hindi nakikita
nang mga kaibigan nito. Call me crazy but I find it sweet knowing na tanging sa
akin lang nailalabas nito ang totoong siya.
“Malakas talaga ang tama mo sa isang yon noh?” Nakangising
wika ni Laurence na agad namang sinangayunan ni Francis sa pamamagitan ng
paghagikhik.
“Huh? Anong pinagsasabi niyo?” Maang-maangan kong sagot
kahit paman nakaguhit na sa mukha ko ang ebidensiya.
“Wag mong masyadong titigan yan at baka maumay ka.”
Nangaasar na wika ni Laurence.
Hindi ko pweding i-deny sa sarili ko ang saya lalo pa’t
ngayong nakikita ko ang taong mahal ko na masayang nakikipagkwentuhan sa mga
bisita’t mga pinsan nito. Napakasarap sa pakiramdam na kahit sa malayo ay
naipaparamdam pa rin nito sa akin ang kanyang pagmamahal sa pamamagitan ng
panaka-nakang pagsulyap sa akin at pagkindat.
“Nakakatuwa talagang tingnan ang mga kurimaw na yan. Parang
walang mga sayad lang ngayon kung makipag-usap sa mga kleyente nila. Noong
unang makilala ko ang mga yan hindi ko magawang mapaniwalaan na mga seryoso sa
buhay ang mga yan. Mga isip bata kasi.” Nangingiti ring wika ni Francis.
“Sinabi mo pa. Mga ka-klase ko dati ang iba sa kanila at ako
man ay nabigla no’ng muli kaming magkita-kita. Sobrang laki na kasi nang
ipinagbago nila mula sa pagiging mga kingkoy at bully naging makatao at
makabansa na ang mga ugok at mga negosyante pa.”
“Nakita ko silang nagsimula hanggang sa magkapamilya na ang
iba sa kanila. Nakita ko rin kung papaano sila nasaktan, umibig, masiraan ng
bait at higit sa lahat nakita ko kung papaano nila sama-samang hinarap ang
lahat ng problema. One of a kind ang barkadahan ng mga yan.” Nakangiti ko ring
wika sa mga ito.
Kung may bagay man akong natutunan sa mga dati kong amo ay
iyon ay ang harapin ang problema nang walang takot. Totoo, may mga problemang
hindi mo kayang lampasan na mag-isa lang kaya kailangan mo nang mga kaibigan na
handang damayan ka sa lahat ng bagay.
“Masyado yata kayong seryoso diyan.” Ang nakangiting wika ni
Claude. “Misis, sabi nang mama ni Red masarap daw ang mga luto mo. Sabi ko
naman sa ‘yong hindi pagsasayang ng pera ‘yong mag-aral ka ng culinary eh.”
Baling nito sa kanyang asawa na siyang kinuha ni Attorney Dorwin na magcater sa
welcome party na iyon.
“Oo na, kunwari naniniwala ako sa pambobola mo.” Nakangiting
tugon naman ni Laurence dito na tinugon naman ni Claude ng isang halik.
“Sweet naman!” Singit naman ni Niel. “Kain na tayo babes
nagugutom na si ako.” Halatang gumaganti ito nang pangiingit na ginagawa nang
dalawa.
“Hindi pa nga nagsisimula ang kainan uunahan mo na ang mga
bisita.” Ngingisi-ngising balik naman ni Francis dito.
“Ginutom mo kasi ako kanina.” Sabay nakaw nito nang halik sa kanyang kasintahan. “Alex,
asan ang parents mo? Hindi niyo ba sila inimbitahan ni Dave?” Balik nito sa
akin.
“On the way na raw sila, ipinasundo na ni Renzell Dave sa
driver nila.” Tugon ko naman dito.
“Mukhang magiging masaya ngayong gabi ah. Di ba pareng
Claude?” Nakangising wika nito.
“Exciting pare!” Tugon naman ni Claude sabay high five ng
dalawa.
“Ano na namang kabulastugan ang nasaisip niyo?” Si Laurence.
“Wala naman, may kaabang-abang lang na magaganap mamaya.”
Nakangiting wika nito na sa akin nakatingin.
“Layuan niyo si Alex kung ayaw niyong lasunin ko kayong
dalawa.” Biglang singiti ni Dave.
“Naks! Knight in shining armor ang banat mo ngayon?”
Pangaasar ni Claude dito na tinawanan naman ni Niel.
Hindi nito pinansin ang pang-aasar sa kanya ng mga kaibigan.
“Alex, nasa labas na sina nanay at tatay, halika salubungin
natin sila.” May bahid ng paglalambing nitong wika.
“Yes! Magsisimula na rin ang kainan.” Singit ni Niel.
Dave can be an asshole to his friends pero pagdating sa akin
sobrang sweet nito. Isang bagay na gustong gusto ko sa kanya dahil pakiramdam
ko tunay nga ang pagpapahalaga sa akin nitong ipinapakita n’ya sa iba’t ibang
pamamaraan.
Ilang lingo na mula nang maging kami at paunti-unting
nakikilala ko na nang tuluyan ang ugali nito. Hindi naman siya mahirap
intindihin tulad ng laging puna sa kanya ng mga kaibigan at mga pinsan niya.
Sadyang ayaw lang nitong ipakita ang ibang bahagi ng pagkatao niya sa ibang
tao.
Lumabas nga kami ni Dave para salubungin ang aking mga
magulang na talagang pinasundo pa nito sa probinsya dahil gusto raw itong
makilala ng kanyang papa. Naikwento daw niya rito kung ang magandang pagtanggap
ng mga magulang ko sa kanya no’ng magkasama kaming pumunta sa bayo at manatili
siya doon hanggang sa pista.
Gusto man ni Dave na sa kanila ako tumuloy mula nang maging
kami ay hindi ako pumayag. Nahihiya ako sa sasabihin ng papa nito at ng kanyang
kambal. Kaya napagdesisyunan naming dalawa na habang hindi pa ako nakikilala
nang kanyang papa at hindi pa nabibigyan ng basbas ang relasyon namin nito ay
hindi kami titira sa iisang bubong. Respeto ko na rin sa kanyang magulang at
kapatid.
Ngayong gabi ang nakapagkasunduan naming araw para maipakilala
ako sa papa nito at kanina pa kumakabog ang puso ko sa sobrang kaba. Sino ba
ang hindi kakabahan kung ipapakilala kana sa magulang ng taong mahal mo.
“Mabuti naman at nakarating kayo nay, tay.” Nakangiting bati
nito sa mga magulang ko na sinamahan pa nito nang pagmano.
Bakas sa mukha ng mga magulang ko ang hiya. Hindi ko nga
alam kong papaano napilit ni Dave ang mga ito na mapapunta sa party na iyon.
Huli ko na ngang nalaman na may inutusan na itong driver para sunduin ang mga
ito.
“Masyado atang maraming tao anak.” May bahid ng hiya at pag-aalangan
na wika ni nanay dito na ang tingin ay nasa loob ng gate ng bahay ng mga
Nivera.
“Kung hindi lang sa sinabi mo hindi talaga ako sasama rito
anak nakakahiya.” Wika naman ni tatay.
“Naku tay huwag kayong mahiya sa mga yan wala silang panama
sa inyo.” Nakangiting biro nito na kinagat naman ni tatay dahil sa napangiti
rin ito. Masasabi kong magkasundo talaga ang dalawa.
“Anak, ano ba naman iyang suot mo bakit na gusot yan.” Wika
ni nanay sa akin saka marahang inayos ang nagusot kong ¾ na polo.
“Nagpapanic po yan kanina pa kaya iyan ang kinalabasan.”
Nakangising wika ni Dave na tinugon ko naman ng pagtaas ng kilay dito. “Tara na
sa loob at kanina pa kayo hinihintay ni papa at mga tita ko.” Wika nito at
sabay-sabay na kaming pumasok sa loob.
<hr
color="pink" width="50%" align="center">
Ang buong akala ko ay kami lang nina nanay at tatay ang
mag-sasama-sama sa isang mesa ngunit sadya atang gusto talaga akong i-torture ng
mokong na ito. Kasama namin ngayon sa mesa ang papa nito, mama ni sir Red, at
syempre ang kambal niya at ang partner nito.
“Kayo pala ang magulang nitong si Alex, nabalitaan ko kay
Dorwin na sa inyo daw napadpad ang isa sa kambal ko, mabuti at hindi naging
pasaway sa inyo si Dave.” Pagsisimula nang usapan ng papa nito.
“Papa naman.” Angal naman ni Dave dito na animoy nahiya pa.
“H-Hindi naman sir. Sa katunayan napakabait na bata nitong
si Dave.” Ang mahiya-hiyang tugon ni nanay dito.
“Masyado naman ata tayong pormal.” Nakangiting wika nang
papa nito. “Ruben nalang, ipinasadya ko talaga kayong ipinasundo para makilala
ko kayo nang personal. Sabi nitong anak ko malugod niyo raw siyang tinanggap sa
bahay niyo at nagpapasalamat ako ng lubos sa inyo.”
“Walang ano man.” Tugon naman ni tatay dito. “Hindi mahirap
na bisita ang anak mo, sa katunayan ay tumutulong pa ito sa amin.”
Bumakas ang pagkagulat sa mukha ng papa ni Dave animoy hindi
ito naniniwala sa kanyang mga narinig. May pagtatanong itong napatingin kay
Dave na tinugon naman nito nang pagkamot sa ulo na parang nahihiya.
“Tulad ng ano Tonio? Hindi ko alam na matulungin pala itong
si Dave ko. Ang alam ko magaling sa pagrereklamo ang isang ito.” Nakangising
wika nito na ang tingin ay nasa kay Dave halatang sinasadya nitong biruin ang
anak.
Nakita kong lihim na humagikhik ang kambal nito at si sir
Red. Mukhang tuwang-tuwa ang dalawa sa nangyayari pero agad itong tumigil nang
pukulin sila nang masamang tingin ni Dave.
“Masyado mo naman akong pinapahiya sa kanila papa
nakakatampo ka na.” Tampu-tampuhan nitong wika na dahilan para tuluyang
humagalpak ng tawa si attorney Dorwin.
“Papa, wag mong masyadong asarin si Dave sensitive yan
ngayon.” Wika ng kambal nito.
“Binibiro lang kita anak ito naman.” Ngingiti-ngiting wika
nang papa nito.
Napangiti kami sa nangyayaring kulitan ng tatlo makikita mo
talaga na mahal na mahal ng mga ito ang ama nila. Kahit ang mama ni sir Red ay
napapangiti sa mga nangyayari. Walang mag-aakalang may ganitong side ang
matinik na abogado at maangas na enhenyerong ito.
“So, ready to tell me the big secret anak?”
Doon muling kumabog ng malakas ang puso ko dahil sa muli ko
na namang naramdaman ang sobrang kaba. Nabaling ang tingin sa akin nina sir Red
at attorney Dorwin nakangiti sa akin ang mga ito na sinuklian ko naman ng isang
kabadong ngiti.
“About that pa, hmmmm..” Wika nito at saka inabot ang kamay
ko sa ibabaw nang mesa. Ang mainit na palad ni Dave ang pinagkuhanan ko ng
lakas ng loob sa mga oras na iyon. “Nakita ko na ang taong mamahalin ko at
aalagaan ko.”
Kita kong napatingin ito sa magkahugpong naming mga kamay
bago pabaling-baling na tumingin sa amin ni Dave. Pagkalito at pagkabigla ang
nakikita kong reaskyon sa mga mata nito.
“I know this is not what you dreamed for me pero di ba ikaw
din ang nagsabi sa akin na kung saan ako masaya doon ako? Alex is my happiness
pa, maraming mga nangyaring kakaiba sa akin no’ng umalis ka para magpagamot at
isa sa mga iyon ay ang magmahal ako nang tulad ni Dorwin.” Walang ka abug-abog
na pagtatapat nito sa kanyang ama.
“Dorwin?” Ang tila paghingi nang paliwanag ng papa nito sa
kanyang kambal.
“Hindi ko sinabi ang tungkol sa bagay na ito sayo pa dahil
sa tingin ko si Dave ang dapat magsabi nito sa iyo.”
Muling napatingin ito sa amin na animoy sinusuri ang lahat
ng pwedi nitong makuha. I can tell na masyado itong nabigla sa nabalitaan at
naiintindihan ko naman ito. Kahit naman kasi sinong ama ay mabibigla kong ang
inaasahan mong anak na magbibigay sayo nang apo ay heto’t lalaki na rin ang
nagustuhan.
Hindi ko magawang makipagtitigan dito gawa ng hiya. Nahihiya
ako dahil ako ang dahilan ng pagkasira nang mga pangarap nito sa kanya anak.
“Alex iho?” Pagtawag nito sa akin. Napilitan akong harapin
ito mata sa mata. “Renzell Dave is not the typical guy na pwedi mong
makasalamuha araw-araw. May ugali ang anak kong ito na hindi kayang intindihin
ng ibang tao.” Seryoso nitong wika sa akin.
Naintindihan ko naman ang sinabi nito. Alam kong hindi ganun
kadaling intindihan ang ugali ni Dave ang hindi ko lang makuha ay kung saan
papunta ang mga sasabihin nito.
“I made a mistake once.” Bakas sa mukha nito ang lungkot.
“And I don’t make the same mistake again dahil matanda na ako.”
Wala akong makitang emosyon sa mga mata nito kung hindi ang
pag-aalala at sigurado ako kung para
kanino ang pag-aalalang iyon. Para sa kanyang anak.
“N-Naiintindihan ko po kayo sir.” Kabadong sagot ko.
“Tulad ng mga magulang mo, mahal ko ang mga anak ko. Ang
tanging bagay lang naman na gusto naming mga magulang niyo ay ang masigurong
kapag wala na kami ay may taong mag-aalaga sa inyo. Rezell Dave can be as hard
headed as he wants to be. Sobrang matigas ang ulo niyang anak ko. Hindi mo
pweding ipilit sa kanya ang mga bagay na ayaw niya.”
Rinig kong napahagikhik si attorney Dorwin sa tinuran ng ama
nito.
“Wag kang tumawa Dorwin dahil isa karing matigas ang ulo.”
Saway ng ama nito. Para silang mga batang pinapangaralan ng kanilang ama sa
hitsura nilang dalawa sa mga oras na iyon. Walang dudang tanging ito at ang mga
taong pinayagan lamang nilang makapasok sa buhay nila ang taong pweding
mag-control sa kanilang dalawa.
“Alam ko pong mahirap paniwalaan ang sasabihin ko at
naiintindihan ko po ang nararamdaman niyo.” Hindi ko alam kung saan nanggaling
ang lakas ng loob kong iyon para mag-salita.
I also have to do my part. Hindi lang puro si Dave ang laging sasalo sa
akin sa mga sitwasyon na tulad nito. Partners kami we have to work together to
make this all work.
Agad namang napako ang tingin ng mga ito sa akin. Maski ang
mga magulang ko ay napatingin na rin sa gawi ko. Kita ko sa mukha nila ang
encouragement na ipaglaban ko ang gusto ko at iyon ay si Dave.
“Matigas ang ulo ni Dave alam ko po yon pero sapat na po ang
pagmamahal ko sa kanya para intindihin siya. Hindi ko babaguhin ang kinagawian
niya dahil doon siya komportable. Ang tanging magagawa ko lang ay bawasan ito.”
“I love Alex pa, to the point na kaya kong baguhin ang mga
nakasanayan kong ugali para lang maiwasan ang masaktan siya. I want to proctect
him just like what you always do to us. I want him to be happy… with me.”
Tila parang musika sa aking pandinig ang mga sinabi nito.
Renzell Dave is really is sweet in his own way kaya siguro nahulog ako sa
mayabang, mapangaasar at higit sa lahat mapagmahal niyang ugali.
Napabuntong hininga ito sa mga narinig at natahimik na tila
ba malalim ang iniisip.
“Papayagan ko ang relasyon niyo sa isang kondesyon.”
Maya-maya’y wika nito. “Dito kayo sa akin maninirahan at hindi kayo bubukod ng
bahay hanggang sa mamatay ako.”
Agad na gumuhit ang ngiti mukha nang mag-kambal. Pati si
nanay at tatay ay napangiti na rin.
“Ayaw mo lang palang magpaiwan dito pinahirapan mo pa ako.” Wika
ni Dave. Bakas sa mukha nito ang saya.
“Wala akong balak mag-isa sa bahay na ito. Ngayon, kung
hindi niyo ako mapagbibigayan eh di kalimutan niyo na ang basbas ko.”
“Hindi ka parin talaga nagbabago Ruben.” Wika ng mama ni sir
Red na nakangiti. “Iyang ugali mo ang nagustuhan sayo ng mama nila.”
“Marta, Tonio, huwag sana kayong magalit sa kondisyon ko sa
dalawa. Gusto ko lang sulitin ang natitirang buhay ko sa mga anak ko. Huwag
kayong mag-alala itra-trato ko si Alex bilang isa na rin sa mga anak ko.”
<hr
color="pink" width="50%" align="center">
Renzell Dave
<hr
color="pink" width="50%" align="center">
“Himala! Nagsawa kana ba kakabuntot kay Alex at naisipan
mong mag-paramdam?” Nakangising bati ni Brian sa akin.
“Hindi ko pagsasawaan ang isang yon kaya wag kanang umasa
pa.” Tugon ko naman dito.
“Ang akala namin magiging maganda ang matali kana dahil
makakapagpahinga na kami sa sayad mo pero mukhang nakakamiss karin pala pare.”
Wika naman ni Chuckie.
“Hindi ko kayo na-miss.” Tugon ko naman dito na tinawanan
lang nito.
“So, what brings you here? Akala ko ba nasa Manila ka?” Si
Brian.
“Kadarating ko lang.” Walang gana kong tugon dito.
“Si Alex asan?”
“Pauwi palang galing probinsya nila.”
Kanina pa ako asar dahil sa hindi manlang ako nito tinext
simula kahapon. Kung hindi ko pa ito tinatawagan hindi ko malalaman na umuwi
pala ito nang probinsiya. Ang masama pa, hindi ito nagpaalam sa akin na luluwas
siya sa baryo nila.
Kadarating ko lang galing Manila ako ang inutusan ni papa na
makipag meeting sa mga bagong kleyente namin doon at ngayon dahil sa asar ako
naisipan kong sa mga barkada ko mag-palamig imbes na mag-pahinga sa bahay.
Ika-pitong buwan na nang relasyon namin ni Alex at sa loob
ng pitong buwan na iyon ay naging masaya ako sa piling nito. Ngayon lang ako
naasar dito dahil sa hindi nito pag-papaalam sa akin na hindi naman nito
gawain.
“May LQ?” Nangaasar na wika ni Niel.
“Huwag niyo akong asarin at baka sa inyo ko ibuhos ang galit
ko.” May bahid ng pagbabanta kong sabi.
“Saan galing ang galit mo? Share mo naman sa amin.” Malokong
wika ni Brian.
“Hindi ko naman siya pinagbabawalang bisitahin ang mga
magulang niya sa probinsya. Ang sa akin lang naman sana mag-paalam siya sa akin.
Kung hindi pa ako tumatawag di ko pa malalaman na wala pala akong Alex na
madadatnan paguwi ko.” Tila pagsusumbong ko sa mga ito.
“Tinanong mo ba siya kung ano ang rason at bakit di siya
nakapag-paalam sayo?” Si Chukie.
“Yes, at ang rason niya ay mamaya ko pa raw malalaman
pagdating niya.” Walang gana kong tugon dito.
“Ayon naman pala eh. Hintayin mong mag-paliwanag ang tao
bago ka umusok sa galit diyan. Im sure Alex has his reason kung bakit siya di
nakapagpaalam sayo.” Si Niel.
“Bakit kailangan ko pang mag-hintay kong pwedi naman niyang
sabihin sa akin over the phone?” May bahid ng pagkaasar kong wika.
“Stupid.” Wika ni Chuckie. “Mas madaling mag-paliwanag kapag
kaharap mo ang taong pagpapaliwanagan mo. Alam ni Alex na hindi uubra sayo ang
paliwanagan gamit ang telepono dahil matigas ang ulo mo. Kaya para maisalba
niya ang sarili niya na ulitin ang mag-paliwanag sayo pinili nalang niyang
hintayin mo siya so he can personaly explain to you.”
“Tumpak ka pareng Chuckie!” Wika naman ni Brian. “Kung ako
sayo umuwi kana at doon mo hintayin ang irog mo sa kwarto niyo.” Nakangising
baling nito sa akin.
Sakto naman sa sinabi ni Brian ng makatanggap ako nang text
galing kay Alex at nasa bahay na raw ito. Dali-dali na akong umalis para
makausap ito. Sa totoo lang na miss ko ang pagiging maldita at malambing nito.
Limang araw ko rin itong hindi nakita, nayakap at nakatabing matulog dahil sa
lintik na mga meetings ko sa mga kleyente namin. Gusto ko mang isama si Alex sa
akin ay hindi pwedi dahil sa may trabaho rin itong kailangang tapusin.
Halos paliparin ko ang sasakyan mula sa bahay nila Brian
pauwi. Naiinis ako kay Alex dahil sa hindi nito pagpapaalam sa akin pero mas
lalo namang nangingibabaw ang pagka-miss ko sa kanya.
Nang dumating ako sa bahay ay hindi na ako nagabala pang
ipasok sa garahe ang sasakyan masyado na akong sabik na makita ito para
mag-sayang pa nang oras. Naabutan ko ito sa sala na nakaupo marahil ay
hinihintay ako.
Humalukipkip lang ako sa may main door na animoy hinihintay
itong mag-paliwanag. Kunyari galit ako sa kanya kahit paman sa loob ko gusto ko
na itong yakapin at halikan.
Inilabas nito sa bag niya ang laptop na ibinigay ko sa kanya
bilang regalo sa nagdaang birthday nito.
Gusto ko sanang mag-tanong kong ano ang gagawin niya pero pinili kong
hintayin ang susunod nitong hakbang.
Ilang sandali lang ay tumayo na ito bitbit ang laptop niya
at lumapit sa akin sabay iniharap sa akin ang screen ng laptop.
“Nag-sent ako sayo nang message sa facebook mo dahil hindi
kita ma-contact kahapon siguro nasa meeting ka at dead spot ang kinalalagyan
mo. I-login mo ang facebook mo para makita mo ang message ko.”
KInuha ko sa kamay nito ang laptop pero hindi na ako
nagabala pang mag-login. Alam ko namang nagsasabi ito nang totoo.
“You could have atleast try again to call me. Alam mo namang
minsan lang ako mag-open ng fb kapag nasa travel ako di ba?”
“I did, been calling you couple of times kaso out of
coverage ang phone mo hanggang sa mag-empty nalang ang phone ko.”
“Bakit hindi mo ako tinext manlang ng makarating ka sa
baryo?” May bahid ng pagtatampo kong sabi.
“Blackout doon hanggang kaninang hapon kaya ngayon lang ako
nakapagcharge. I was about to call you pero naunahan mo ako.”
“Sana hinintay mo nalang akong makauwi para sabay tayong
bumisita kina nanay at tatay. Hindi kana sana nag-bus papunta doon.”
“Weekend, na bored ako dito sa bahay kaya naisipan kong
dalawin nalang muna sila habang nasa Manila kapa. Sorry na.” May bahid ng
paglalambing nitong sabi.
“Ayaw ko nang sorry mo.” Wika ko sabay bigay dito nang isang
pilyong ngiti. Hindi ko talaga kayang magalit dito.
Napatawa narin ito sa kolokahan ko.
“Mahalay ka talagang tao ka. Mamaya na yang mga binabalak mo
paghahanda muna kita nang pagkain dahil paniguradong hindi kapa kumakain.”
“Iyan ang na miss ko sayo habang nasa Manila ako.” Malambing
kong wika dito sabay nang pagkabig ng batok nito para bigyan siya nang halik.
“Maliligo nalang muna ako habang naghahanda ka nang pagkain para ready na ako
mamaya.” Dagdag ko pang wika nang mag-hiwalay ang aming labi.
Hindi ako nagsisisi sa taong pinili nang puso kong mahalin
dahil ramdam ko ang pagmamahal nito sa akin. Maldita siya minsan oo, pero dahil
din sa pagiging maldita niyang iyon ay nagulo niya ang isip ko na humantong sa
pagmamahal ko sa kanya.
Wala na akong hihilingin pa. Nasa akin na ang lahat ng bagay
na hihilingin ng lahat ng tao. Kontento na ako sa buhay ko kasama ang mga taong
mahal ko. It was the right choice taking my chances with Alex hindi lang ako
nito pinapasaya araw-araw, nakuha rin nitong gawing kompleto ang buhay ko.
“Tulad ng promise ko sayo mag-babakasyon tayo next weekend
para ma-i-celebrate natin ang monthsary nating dalawa.” Malambing ko wika dito
na sanamahan ko pa nang mga damping halik sa labi nito.
“Saan naman tayo pupunta ngayon?” Tugon naman nito sa akin.
“Saan mo ba gusto?”
“Hmmmm… hindi ko alam eh. Wala akong maisip.”
“Saka na natin isipin yan marami pa naman tayong oras. Sa
ngayon makiki-round two muna ako.” Nakangisi kong wika na ikinahagikhik naman
nito.
“Kahit hanggang round five game ako ngayon. Na miss kasi
kitang pilyo ka.”
“Ows? Walang bawian yan ah. Tara simulan na natin at baka
abutan tayo nang sikat ng araw.” Wika ko at muling naghinang an gaming mga
labi.
Mula sa banayad na halik ay naging mapusok, mapangangkin ang
mga halik ko sa kanya dahil na rin siguro sa sobrang pagkamiss ko rito. Hindi
naman ako nito binigo at tinumbasan naman niya ang mga halik kong iyon. Nagsimulang
maglakbay ang mga kamay nito sa aking likod at sa bawat haplos nito sa akin ay
nagbibigay ng kakaibang kiliti sa aking buong katawan.
Halos mawalan ako nang bait ng magsimulang mag-lakbay ang
dila nito pababa. Bagay na kahit na sinong babae ay hindi pa nagagawa ang
ganitong pagpapasarap sa akin lalo na nang maabot nito ang maselang parte ng
katawan ko.
Hindi ko maiwasang mapasabunot sa kanya at mapaungol sa
ginagawa nitong pakikipaglaro sa alaga ko. Alex never fails to give me the
pleasure that will satisfy me. Muli ko siyang iginaya para muling mag-lapat ang
aming mga labi.
“Hindi mo talaga ako binibigo kahit kailan.” Nakangisi kong
wika dito nang mag-hiwalay ang aming mga labi.
“I have to satisfy you para hindi kana mag-hanap ng iba.”
“Kahit kailan hindi kita ipagpapalit sa iba kasi mahal
kita.”
“Bolero ka talaga.” Basag nito sa paglalambing ko.
“Ready na ikaw baby maldita?” Pilyo kong sabi.
“Always naman akong ready basta ikaw ang partner ko.”
Ganting panunukso nito sa akin.
“Good!” Wika ko at sa isang iglap ako na ang nakaibabaw sa
kanya.
Ibayong saya ang naramdaman ko nang malaman na ako ang unang
naka angkin sa kanya. Sa akin lamang niya ipinagkatiwala ang buong katawan
niya. Wala naman sa akin kung may nakauna na sa kanya dahil hindi iyon mababago
ang pagmamahal ko kay Alex pero tuwa ang naramdaman ko na ako pala ang una
nito.
Dahan-dahan walang pagmamadali ang aming mga galaw. Alam
kong nahihirapan parin itong tanggapin ang kabuuhan ko pero lagi kong
sinisigurado na hindi lang ako ang maliligayahan sa bawat pagtatalik namin.
Ipinadadama ko sa kanya na sa bawat galaw ko ay naroon ang pagiingat at
pagmamahal dahil alam kong iyon ang bagay na matagal na niyang inaasam at ako
ang taong nakatakdang mag-bigay ng mga iyon sa kanya.
“I love you baby Maldita.” Masuyo kong wika.
“I love you more kumag.” Tugon naman nito sa akin at pareho
kaming napahagikhik.
Maraming tao sa mundo ang takot sumugal sa pagibig, dahil
takot tayong masaktan at makipagsapalaran. Ako man ay natakot rin noon pero
kung nagpaalipin ako sa takot ko hindi ko makukuha ang taong mahal ko. We have
to learn to take some risk dahil kung hindi tayo susubok hindi natin makukuha
ang gusto natin. Huwag tayong matakot na masaktan dahil doon tayo natututo. Wag
tayong matakot na sumugal kung sa tingin mo worth it ang taong iyan to take
chances with.
Wakas
ang cute ng story i really likie it
ReplyDeletesana marami pang tulad na storya nakakakilig
ReplyDeletemore power nsa writer
Ang galing mo tlaga!
ReplyDeleteExcellent work talaga Mr. author maganda ang approach ng story mu.. light lng sya hindi masyadong mabigat sa dibdib, pro nakakakilig promise,,, Keep it up Mr. author..
ReplyDeletetinapos ko talagang basahin tong story sa isang upuan lang..ang ganda at talagang nakakakilig..hehehehe
ReplyDeleteTalagang tinapos ko basahin tong story sa isang upuan lang..grabe nakakakilig at gusto ko sya kasi light lang ung story...Good job author!!
ReplyDeleteI love this story....maski sa work i cant resist to open my pad just to read this story.... So sweet, so lovely, ang galing mo Mr. Author, naantig mo ang aking damdamin sa iyong mga akda. How i wish na mangyri ito sa totoong buhay.....di nga kaya? :-) Thank you Mr. Author, I love it:-)
ReplyDeleteI love your stories mr author! Since 9 mornings pa you never fail to make me laugh, cry and of course kiligin. Thank you for writing this at may naging company ako for the past few days at kahit man lang sa pagbabasa ng stories mo ay kinikilig ako. More power!
ReplyDeleteDear Author,
ReplyDeletePwedeng mag request? Pwedeng gawan mo din ng kwento si brian at neil. Si brian sa TRT ata kasi me nabasa ako dun na inamin din niya kila dorwin ang pagiging bi niya na ilang taon na rin nagsasama. At kwento rin ke neil kung paanu sila nag kakilala ni francis. Sana magawa mo tong request(s) ko. God Bless
baguioboi
Love the whole story...
ReplyDeleteLove the whole story...
ReplyDeleteNasa saudi ako noong unang beses ko itong nabasa and it was years ago, hinanap ko uli ito para basahin and worth it talaga. Salamat sa utbor6ng story. Sana marami pang story to inspire not to give up on love.
ReplyDelete