ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^
Showing posts with label Chances. Show all posts
Showing posts with label Chances. Show all posts

Thursday, October 4, 2012

Chances Chapter 20 ( Finale )





Waaa!!!!!!!!!!! Natapos rin ang pakikibaka ko sa chapter na ito hahahaha! Inubos ni Alex at Renzell Dave ang laman ng 2mb kong utak. Ito na po ang huling chapter ng Chances at hinabaan ko na talaga ito para hindi kayo mabitin.


Gusto ko rin pasalamatan kayong lahat na mga readers ko sa suportang ibinigay niyo sa lahat ng estorya ko. Ito ang pang-apat na estoryang gawa ko at sobrang saya ko na nagustohan niyo rin ito.


Mag-papahinga muna ako guys ng mga ilang araw at lingo para naman ma refresh ang 2mb kong utak dahil sa gagawa ako muli nang panibagong series. Yep, series na naman sila hahaha. Mag-sisimula ang series ko sa Make believe  hangang sa estorya nang mga kaibigan ni Alex na sina Lantis, Niccollo, Jay, at Maki. Abangan niyo kung papaano magiging konektado sa kanila ang unang libro ko. Bye bye na muna mga paps at Happy reading sa inyong lahat! Keep the comments coming!!! Ingat!


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
<hr color="grey" width="100%" align="center"><!--more-->



<hr color="pink" width="50%" align="center">
Alexis
<hr color="pink" width="50%" align="center">


“So, kamusta ang ibigin ng isa sa mga kambal Alex?” Ang nakangiting wika ni Laurence. Nasa welcome party kami ngayon ng papa ni Dave at sir Dorwin.


“Kung gaano ka-ligalig ang isang yon siya namang tino nito pagdating sa ‘yo.” Nakangising wika ni Francis. Ito ang partner ng isa sa mga kaibigan ni Dave na si Niel. Pinaluwas pa talaga ito mula sa Manila nang kanyang kasintahan dahil daw sa isa itong espesyal na araw para best friend nito at dati naring kasintahan na si Dorwin.


“Hindi naman. Mabait naman si Renzell Dave, sadyang may sayad lang talaga siya.” Balik kong sagot sa mga ito.


“Sa dalawang kambal na iyon kay Dave lang nawawala ang katinuan ko.” Wika ni Laurence na sinamahan pa nito nang pagtaas ng kilay habang nakaupo kami sa lamesang inihanda sa amin ng aming mga maliligalig na partner. Busy ang magkakaibigan sa pakikipag-usap sa mga business partners nila habang kami namang mga baguhan ay nakaupo lang at masaya silang pinanunuod.


“Sakit sa ulo iyang si Dave sabi pa nga ni Niel ko. Kaya nga iniiwasan ko lagi yan kapag nabibisita ako dito sa lugar nila. Mas baliw pa siya kesa kay Brian at mas brutal.” Si Francis habang umiiling.


Napangiti nalang ako nang pilit sa mga ito. Alam ko naman may pinaghuhugutan ang mga komento nila dahil ako man ay nakaranas din ng sayad ng kumag na Dave na ito. Nakakatawa nga lang isipin na mahuhulog ako sa taong lubos kong kinaiinisan noon.


“At least ngayon may pagkakaabalahan na siya. Nabawasan na tayo ng sakit ng ulo, sumaya pa si Alex.” Nakangiting wika ni Laurence.


Kung tutuusin, dapat nakakarelate sa akin si Laurence dahil tulad ni Dave mahirap ding espelengin ang ugali ni Claude, ang mayaman nitong asawa.


“Tama!” Natatawang wika ni Francis. “Mabuti na lang at nakinig ka sa mga payo ko sayo.” Baling nito sa akin.


“Oo nga eh. Kung hindi mo sinabing umuwi ako dito at subukang bigyan ng pagkakataon ang ugok na ‘yon walang mangyayari sa love life ko.” Nakangisi kong wika.


Ilang lingo na ang nakakaraan nang maging kami ni Renzell Dave at napagtanto kong tama ang desisyon kung sumugal kasama nito dahil ngayon ramdam ko na talaga na may taong nagmamahal sa akin at kayang ibalik ang pagmamahal ko. Kahit may sayad pa ito.


Masaya ako sobra, dahil nakikita kong tanging ako lamang ang binigyan ng pagkakataon ni Dave na makapasok ng tuluyan sa buhay nito. Sa loob ng ilang lingo ay nakita ko ang mapagmahal na Renzell Dave na hindi nakikita nang mga kaibigan nito. Call me crazy but I find it sweet knowing na tanging sa akin lang nailalabas nito ang totoong siya.


“Malakas talaga ang tama mo sa isang yon noh?” Nakangising wika ni Laurence na agad namang sinangayunan ni Francis sa pamamagitan ng paghagikhik.


“Huh? Anong pinagsasabi niyo?” Maang-maangan kong sagot kahit paman nakaguhit na sa mukha ko ang ebidensiya.


“Wag mong masyadong titigan yan at baka maumay ka.” Nangaasar na wika ni Laurence.


Hindi ko pweding i-deny sa sarili ko ang saya lalo pa’t ngayong nakikita ko ang taong mahal ko na masayang nakikipagkwentuhan sa mga bisita’t mga pinsan nito. Napakasarap sa pakiramdam na kahit sa malayo ay naipaparamdam pa rin nito sa akin ang kanyang pagmamahal sa pamamagitan ng panaka-nakang pagsulyap sa akin at pagkindat.


“Nakakatuwa talagang tingnan ang mga kurimaw na yan. Parang walang mga sayad lang ngayon kung makipag-usap sa mga kleyente nila. Noong unang makilala ko ang mga yan hindi ko magawang mapaniwalaan na mga seryoso sa buhay ang mga yan. Mga isip bata kasi.” Nangingiti ring wika ni Francis.


“Sinabi mo pa. Mga ka-klase ko dati ang iba sa kanila at ako man ay nabigla no’ng muli kaming magkita-kita. Sobrang laki na kasi nang ipinagbago nila mula sa pagiging mga kingkoy at bully naging makatao at makabansa na ang mga ugok at mga negosyante pa.”


“Nakita ko silang nagsimula hanggang sa magkapamilya na ang iba sa kanila. Nakita ko rin kung papaano sila nasaktan, umibig, masiraan ng bait at higit sa lahat nakita ko kung papaano nila sama-samang hinarap ang lahat ng problema. One of a kind ang barkadahan ng mga yan.” Nakangiti ko ring wika sa mga ito.


Kung may bagay man akong natutunan sa mga dati kong amo ay iyon ay ang harapin ang problema nang walang takot. Totoo, may mga problemang hindi mo kayang lampasan na mag-isa lang kaya kailangan mo nang mga kaibigan na handang damayan ka sa lahat ng bagay.


“Masyado yata kayong seryoso diyan.” Ang nakangiting wika ni Claude. “Misis, sabi nang mama ni Red masarap daw ang mga luto mo. Sabi ko naman sa ‘yong hindi pagsasayang ng pera ‘yong mag-aral ka ng culinary eh.” Baling nito sa kanyang asawa na siyang kinuha ni Attorney Dorwin na magcater sa welcome party na iyon.


“Oo na, kunwari naniniwala ako sa pambobola mo.” Nakangiting tugon naman ni Laurence dito na tinugon naman ni Claude ng isang halik.


“Sweet naman!” Singit naman ni Niel. “Kain na tayo babes nagugutom na si ako.” Halatang gumaganti ito nang pangiingit na ginagawa nang dalawa.


“Hindi pa nga nagsisimula ang kainan uunahan mo na ang mga bisita.” Ngingisi-ngising balik naman ni Francis dito.


“Ginutom mo kasi ako kanina.” Sabay nakaw  nito nang halik sa kanyang kasintahan. “Alex, asan ang parents mo? Hindi niyo ba sila inimbitahan ni Dave?” Balik nito sa akin.


“On the way na raw sila, ipinasundo na ni Renzell Dave sa driver nila.” Tugon ko naman dito.


“Mukhang magiging masaya ngayong gabi ah. Di ba pareng Claude?” Nakangising wika nito.


“Exciting pare!” Tugon naman ni Claude sabay high five ng dalawa.


“Ano na namang kabulastugan ang nasaisip niyo?” Si Laurence.


“Wala naman, may kaabang-abang lang na magaganap mamaya.” Nakangiting wika nito na sa akin nakatingin.


“Layuan niyo si Alex kung ayaw niyong lasunin ko kayong dalawa.” Biglang singiti ni Dave.


“Naks! Knight in shining armor ang banat mo ngayon?” Pangaasar ni Claude dito na tinawanan naman ni Niel.


Hindi nito pinansin ang pang-aasar sa kanya ng mga kaibigan.


“Alex, nasa labas na sina nanay at tatay, halika salubungin natin sila.” May bahid ng paglalambing nitong wika.


“Yes! Magsisimula na rin ang kainan.” Singit ni Niel.


Dave can be an asshole to his friends pero pagdating sa akin sobrang sweet nito. Isang bagay na gustong gusto ko sa kanya dahil pakiramdam ko tunay nga ang pagpapahalaga sa akin nitong ipinapakita n’ya sa iba’t ibang pamamaraan.


Ilang lingo na mula nang maging kami at paunti-unting nakikilala ko na nang tuluyan ang ugali nito. Hindi naman siya mahirap intindihin tulad ng laging puna sa kanya ng mga kaibigan at mga pinsan niya. Sadyang ayaw lang nitong ipakita ang ibang bahagi ng pagkatao niya sa ibang tao.


Lumabas nga kami ni Dave para salubungin ang aking mga magulang na talagang pinasundo pa nito sa probinsya dahil gusto raw itong makilala ng kanyang papa. Naikwento daw niya rito kung ang magandang pagtanggap ng mga magulang ko sa kanya no’ng magkasama kaming pumunta sa bayo at manatili siya doon hanggang sa pista.


Gusto man ni Dave na sa kanila ako tumuloy mula nang maging kami ay hindi ako pumayag. Nahihiya ako sa sasabihin ng papa nito at ng kanyang kambal. Kaya napagdesisyunan naming dalawa na habang hindi pa ako nakikilala nang kanyang papa at hindi pa nabibigyan ng basbas ang relasyon namin nito ay hindi kami titira sa iisang bubong. Respeto ko na rin sa kanyang magulang at kapatid.


Ngayong gabi ang nakapagkasunduan naming araw para maipakilala ako sa papa nito at kanina pa kumakabog ang puso ko sa sobrang kaba. Sino ba ang hindi kakabahan kung ipapakilala kana sa magulang ng taong mahal mo.


“Mabuti naman at nakarating kayo nay, tay.” Nakangiting bati nito sa mga magulang ko na sinamahan pa nito nang pagmano.


Bakas sa mukha ng mga magulang ko ang hiya. Hindi ko nga alam kong papaano napilit ni Dave ang mga ito na mapapunta sa party na iyon. Huli ko na ngang nalaman na may inutusan na itong driver para sunduin ang mga ito.


“Masyado atang maraming tao anak.” May bahid ng hiya at pag-aalangan na wika ni nanay dito na ang tingin ay nasa loob ng gate ng bahay ng mga Nivera.


“Kung hindi lang sa sinabi mo hindi talaga ako sasama rito anak nakakahiya.” Wika naman ni tatay.


“Naku tay huwag kayong mahiya sa mga yan wala silang panama sa inyo.” Nakangiting biro nito na kinagat naman ni tatay dahil sa napangiti rin ito. Masasabi kong magkasundo talaga ang dalawa.


“Anak, ano ba naman iyang suot mo bakit na gusot yan.” Wika ni nanay sa akin saka marahang inayos ang nagusot kong ¾ na polo.


“Nagpapanic po yan kanina pa kaya iyan ang kinalabasan.” Nakangising wika ni Dave na tinugon ko naman ng pagtaas ng kilay dito. “Tara na sa loob at kanina pa kayo hinihintay ni papa at mga tita ko.” Wika nito at sabay-sabay na kaming pumasok sa loob.


<hr color="pink" width="50%" align="center">


Ang buong akala ko ay kami lang nina nanay at tatay ang mag-sasama-sama sa isang mesa ngunit sadya atang gusto talaga akong i-torture ng mokong na ito. Kasama namin ngayon sa mesa ang papa nito, mama ni sir Red, at syempre ang kambal niya at ang partner nito.


“Kayo pala ang magulang nitong si Alex, nabalitaan ko kay Dorwin na sa inyo daw napadpad ang isa sa kambal ko, mabuti at hindi naging pasaway sa inyo si Dave.” Pagsisimula nang usapan ng papa nito.


“Papa naman.” Angal naman ni Dave dito na animoy nahiya pa.


“H-Hindi naman sir. Sa katunayan napakabait na bata nitong si Dave.” Ang mahiya-hiyang tugon ni nanay dito.


“Masyado naman ata tayong pormal.” Nakangiting wika nang papa nito. “Ruben nalang, ipinasadya ko talaga kayong ipinasundo para makilala ko kayo nang personal. Sabi nitong anak ko malugod niyo raw siyang tinanggap sa bahay niyo at nagpapasalamat ako ng lubos sa inyo.”


“Walang ano man.” Tugon naman ni tatay dito. “Hindi mahirap na bisita ang anak mo, sa katunayan ay tumutulong pa ito sa amin.”


Bumakas ang pagkagulat sa mukha ng papa ni Dave animoy hindi ito naniniwala sa kanyang mga narinig. May pagtatanong itong napatingin kay Dave na tinugon naman nito nang pagkamot sa ulo na parang nahihiya.


“Tulad ng ano Tonio? Hindi ko alam na matulungin pala itong si Dave ko. Ang alam ko magaling sa pagrereklamo ang isang ito.” Nakangising wika nito na ang tingin ay nasa kay Dave halatang sinasadya nitong biruin ang anak.


Nakita kong lihim na humagikhik ang kambal nito at si sir Red. Mukhang tuwang-tuwa ang dalawa sa nangyayari pero agad itong tumigil nang pukulin sila nang masamang tingin ni Dave.


“Masyado mo naman akong pinapahiya sa kanila papa nakakatampo ka na.” Tampu-tampuhan nitong wika na dahilan para tuluyang humagalpak ng tawa si attorney Dorwin.


“Papa, wag mong masyadong asarin si Dave sensitive yan ngayon.” Wika ng kambal nito.


“Binibiro lang kita anak ito naman.” Ngingiti-ngiting wika nang papa nito.


Napangiti kami sa nangyayaring kulitan ng tatlo makikita mo talaga na mahal na mahal ng mga ito ang ama nila. Kahit ang mama ni sir Red ay napapangiti sa mga nangyayari. Walang mag-aakalang may ganitong side ang matinik na abogado at maangas na enhenyerong ito.


“So, ready to tell me the big secret anak?”


Doon muling kumabog ng malakas ang puso ko dahil sa muli ko na namang naramdaman ang sobrang kaba. Nabaling ang tingin sa akin nina sir Red at attorney Dorwin nakangiti sa akin ang mga ito na sinuklian ko naman ng isang kabadong ngiti.


“About that pa, hmmmm..” Wika nito at saka inabot ang kamay ko sa ibabaw nang mesa. Ang mainit na palad ni Dave ang pinagkuhanan ko ng lakas ng loob sa mga oras na iyon. “Nakita ko na ang taong mamahalin ko at aalagaan ko.”


Kita kong napatingin ito sa magkahugpong naming mga kamay bago pabaling-baling na tumingin sa amin ni Dave. Pagkalito at pagkabigla ang nakikita kong reaskyon sa mga mata nito.


“I know this is not what you dreamed for me pero di ba ikaw din ang nagsabi sa akin na kung saan ako masaya doon ako? Alex is my happiness pa, maraming mga nangyaring kakaiba sa akin no’ng umalis ka para magpagamot at isa sa mga iyon ay ang magmahal ako nang tulad ni Dorwin.” Walang ka abug-abog na pagtatapat nito sa kanyang ama.


“Dorwin?” Ang tila paghingi nang paliwanag ng papa nito sa kanyang kambal.


“Hindi ko sinabi ang tungkol sa bagay na ito sayo pa dahil sa tingin ko si Dave ang dapat magsabi nito sa iyo.”


Muling napatingin ito sa amin na animoy sinusuri ang lahat ng pwedi nitong makuha. I can tell na masyado itong nabigla sa nabalitaan at naiintindihan ko naman ito. Kahit naman kasi sinong ama ay mabibigla kong ang inaasahan mong anak na magbibigay sayo nang apo ay heto’t lalaki na rin ang nagustuhan.


Hindi ko magawang makipagtitigan dito gawa ng hiya. Nahihiya ako dahil ako ang dahilan ng pagkasira nang mga pangarap nito sa kanya anak.


“Alex iho?” Pagtawag nito sa akin. Napilitan akong harapin ito mata sa mata. “Renzell Dave is not the typical guy na pwedi mong makasalamuha araw-araw. May ugali ang anak kong ito na hindi kayang intindihin ng ibang tao.” Seryoso nitong wika sa akin.


Naintindihan ko naman ang sinabi nito. Alam kong hindi ganun kadaling intindihan ang ugali ni Dave ang hindi ko lang makuha ay kung saan papunta ang mga sasabihin nito.


“I made a mistake once.” Bakas sa mukha nito ang lungkot. “And I don’t make the same mistake again dahil matanda na ako.”


Wala akong makitang emosyon sa mga mata nito kung hindi ang pag-aalala  at sigurado ako kung para kanino ang pag-aalalang iyon. Para sa kanyang anak.


“N-Naiintindihan ko po kayo sir.” Kabadong sagot ko.


“Tulad ng mga magulang mo, mahal ko ang mga anak ko. Ang tanging bagay lang naman na gusto naming mga magulang niyo ay ang masigurong kapag wala na kami ay may taong mag-aalaga sa inyo. Rezell Dave can be as hard headed as he wants to be. Sobrang matigas ang ulo niyang anak ko. Hindi mo pweding ipilit sa kanya ang mga bagay na ayaw niya.”


Rinig kong napahagikhik si attorney Dorwin sa tinuran ng ama nito.


“Wag kang tumawa Dorwin dahil isa karing matigas ang ulo.” Saway ng ama nito. Para silang mga batang pinapangaralan ng kanilang ama sa hitsura nilang dalawa sa mga oras na iyon. Walang dudang tanging ito at ang mga taong pinayagan lamang nilang makapasok sa buhay nila ang taong pweding mag-control sa kanilang dalawa.


“Alam ko pong mahirap paniwalaan ang sasabihin ko at naiintindihan ko po ang nararamdaman niyo.” Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob kong iyon para mag-salita.  I also have to do my part. Hindi lang puro si Dave ang laging sasalo sa akin sa mga sitwasyon na tulad nito. Partners kami we have to work together to make this all work.


Agad namang napako ang tingin ng mga ito sa akin. Maski ang mga magulang ko ay napatingin na rin sa gawi ko. Kita ko sa mukha nila ang encouragement na ipaglaban ko ang gusto ko at iyon ay si Dave.


“Matigas ang ulo ni Dave alam ko po yon pero sapat na po ang pagmamahal ko sa kanya para intindihin siya. Hindi ko babaguhin ang kinagawian niya dahil doon siya komportable. Ang tanging magagawa ko lang ay bawasan ito.”


“I love Alex pa, to the point na kaya kong baguhin ang mga nakasanayan kong ugali para lang maiwasan ang masaktan siya. I want to proctect him just like what you always do to us. I want him to be happy… with me.”


Tila parang musika sa aking pandinig ang mga sinabi nito. Renzell Dave is really is sweet in his own way kaya siguro nahulog ako sa mayabang, mapangaasar at higit sa lahat mapagmahal niyang ugali.


Napabuntong hininga ito sa mga narinig at natahimik na tila ba malalim ang iniisip.


“Papayagan ko ang relasyon niyo sa isang kondesyon.” Maya-maya’y wika nito. “Dito kayo sa akin maninirahan at hindi kayo bubukod ng bahay hanggang sa mamatay ako.”


Agad na gumuhit ang ngiti mukha nang mag-kambal. Pati si nanay at tatay ay napangiti na rin.


“Ayaw mo lang palang magpaiwan dito pinahirapan mo pa ako.” Wika ni Dave. Bakas sa mukha nito ang saya.


“Wala akong balak mag-isa sa bahay na ito. Ngayon, kung hindi niyo ako mapagbibigayan eh di kalimutan niyo na ang basbas ko.”


“Hindi ka parin talaga nagbabago Ruben.” Wika ng mama ni sir Red na nakangiti. “Iyang ugali mo ang nagustuhan sayo ng mama nila.”


“Marta, Tonio, huwag sana kayong magalit sa kondisyon ko sa dalawa. Gusto ko lang sulitin ang natitirang buhay ko sa mga anak ko. Huwag kayong mag-alala itra-trato ko si Alex bilang isa na rin sa mga anak ko.”


<hr color="pink" width="50%" align="center">
Renzell Dave
<hr color="pink" width="50%" align="center">


“Himala! Nagsawa kana ba kakabuntot kay Alex at naisipan mong mag-paramdam?” Nakangising bati ni Brian sa akin.


“Hindi ko pagsasawaan ang isang yon kaya wag kanang umasa pa.” Tugon ko naman dito.


“Ang akala namin magiging maganda ang matali kana dahil makakapagpahinga na kami sa sayad mo pero mukhang nakakamiss karin pala pare.” Wika naman ni Chuckie.


“Hindi ko kayo na-miss.” Tugon ko naman dito na tinawanan lang nito.


“So, what brings you here? Akala ko ba nasa Manila ka?” Si Brian.


“Kadarating ko lang.” Walang gana kong tugon dito.


“Si Alex asan?”


“Pauwi palang galing probinsya nila.”


Kanina pa ako asar dahil sa hindi manlang ako nito tinext simula kahapon. Kung hindi ko pa ito tinatawagan hindi ko malalaman na umuwi pala ito nang probinsiya. Ang masama pa, hindi ito nagpaalam sa akin na luluwas siya sa baryo nila.



Kadarating ko lang galing Manila ako ang inutusan ni papa na makipag meeting sa mga bagong kleyente namin doon at ngayon dahil sa asar ako naisipan kong sa mga barkada ko mag-palamig imbes na mag-pahinga sa bahay.


Ika-pitong buwan na nang relasyon namin ni Alex at sa loob ng pitong buwan na iyon ay naging masaya ako sa piling nito. Ngayon lang ako naasar dito dahil sa hindi nito pag-papaalam sa akin na hindi naman nito gawain.


“May LQ?” Nangaasar na wika ni Niel.


“Huwag niyo akong asarin at baka sa inyo ko ibuhos ang galit ko.” May bahid ng pagbabanta kong sabi.


“Saan galing ang galit mo? Share mo naman sa amin.” Malokong wika ni Brian.


“Hindi ko naman siya pinagbabawalang bisitahin ang mga magulang niya sa probinsya. Ang sa akin lang naman sana mag-paalam siya sa akin. Kung hindi pa ako tumatawag di ko pa malalaman na wala pala akong Alex na madadatnan paguwi ko.” Tila pagsusumbong ko sa mga ito.


“Tinanong mo ba siya kung ano ang rason at bakit di siya nakapag-paalam sayo?” Si Chukie.


“Yes, at ang rason niya ay mamaya ko pa raw malalaman pagdating niya.” Walang gana kong tugon dito.


“Ayon naman pala eh. Hintayin mong mag-paliwanag ang tao bago ka umusok sa galit diyan. Im sure Alex has his reason kung bakit siya di nakapagpaalam sayo.” Si Niel.


“Bakit kailangan ko pang mag-hintay kong pwedi naman niyang sabihin sa akin over the phone?” May bahid ng pagkaasar kong wika.


“Stupid.” Wika ni Chuckie. “Mas madaling mag-paliwanag kapag kaharap mo ang taong pagpapaliwanagan mo. Alam ni Alex na hindi uubra sayo ang paliwanagan gamit ang telepono dahil matigas ang ulo mo. Kaya para maisalba niya ang sarili niya na ulitin ang mag-paliwanag sayo pinili nalang niyang hintayin mo siya so he can personaly explain to you.”


“Tumpak ka pareng Chuckie!” Wika naman ni Brian. “Kung ako sayo umuwi kana at doon mo hintayin ang irog mo sa kwarto niyo.” Nakangising baling nito sa akin.


Sakto naman sa sinabi ni Brian ng makatanggap ako nang text galing kay Alex at nasa bahay na raw ito. Dali-dali na akong umalis para makausap ito. Sa totoo lang na miss ko ang pagiging maldita at malambing nito. Limang araw ko rin itong hindi nakita, nayakap at nakatabing matulog dahil sa lintik na mga meetings ko sa mga kleyente namin. Gusto ko mang isama si Alex sa akin ay hindi pwedi dahil sa may trabaho rin itong kailangang tapusin.


Halos paliparin ko ang sasakyan mula sa bahay nila Brian pauwi. Naiinis ako kay Alex dahil sa hindi nito pagpapaalam sa akin pero mas lalo namang nangingibabaw ang pagka-miss ko sa kanya.


Nang dumating ako sa bahay ay hindi na ako nagabala pang ipasok sa garahe ang sasakyan masyado na akong sabik na makita ito para mag-sayang pa nang oras. Naabutan ko ito sa sala na nakaupo marahil ay hinihintay ako.


Humalukipkip lang ako sa may main door na animoy hinihintay itong mag-paliwanag. Kunyari galit ako sa kanya kahit paman sa loob ko gusto ko na itong yakapin at halikan.


Inilabas nito sa bag niya ang laptop na ibinigay ko sa kanya bilang regalo sa nagdaang birthday nito.  Gusto ko sanang mag-tanong kong ano ang gagawin niya pero pinili kong hintayin ang susunod nitong hakbang.


Ilang sandali lang ay tumayo na ito bitbit ang laptop niya at lumapit sa akin sabay iniharap sa akin ang screen ng laptop.


“Nag-sent ako sayo nang message sa facebook mo dahil hindi kita ma-contact kahapon siguro nasa meeting ka at dead spot ang kinalalagyan mo. I-login mo ang facebook mo para makita mo ang message ko.”


KInuha ko sa kamay nito ang laptop pero hindi na ako nagabala pang mag-login. Alam ko namang nagsasabi ito nang totoo.


“You could have atleast try again to call me. Alam mo namang minsan lang ako mag-open ng fb kapag nasa travel ako di ba?”


“I did, been calling you couple of times kaso out of coverage ang phone mo hanggang sa mag-empty nalang ang phone ko.”


“Bakit hindi mo ako tinext manlang ng makarating ka sa baryo?” May bahid ng pagtatampo kong sabi.


“Blackout doon hanggang kaninang hapon kaya ngayon lang ako nakapagcharge. I was about to call you pero naunahan mo ako.”


“Sana hinintay mo nalang akong makauwi para sabay tayong bumisita kina nanay at tatay. Hindi kana sana nag-bus papunta doon.”


“Weekend, na bored ako dito sa bahay kaya naisipan kong dalawin nalang muna sila habang nasa Manila kapa. Sorry na.” May bahid ng paglalambing nitong sabi.


“Ayaw ko nang sorry mo.” Wika ko sabay bigay dito nang isang pilyong ngiti. Hindi ko talaga kayang magalit dito.


Napatawa narin ito sa kolokahan ko.


“Mahalay ka talagang tao ka. Mamaya na yang mga binabalak mo paghahanda muna kita nang pagkain dahil paniguradong hindi kapa kumakain.”


“Iyan ang na miss ko sayo habang nasa Manila ako.” Malambing kong wika dito sabay nang pagkabig ng batok nito para bigyan siya nang halik. “Maliligo nalang muna ako habang naghahanda ka nang pagkain para ready na ako mamaya.” Dagdag ko pang wika nang mag-hiwalay ang aming labi.


Hindi ako nagsisisi sa taong pinili nang puso kong mahalin dahil ramdam ko ang pagmamahal nito sa akin. Maldita siya minsan oo, pero dahil din sa pagiging maldita niyang iyon ay nagulo niya ang isip ko na humantong sa pagmamahal ko sa kanya.


Wala na akong hihilingin pa. Nasa akin na ang lahat ng bagay na hihilingin ng lahat ng tao. Kontento na ako sa buhay ko kasama ang mga taong mahal ko. It was the right choice taking my chances with Alex hindi lang ako nito pinapasaya araw-araw, nakuha rin nitong gawing kompleto ang buhay ko.


“Tulad ng promise ko sayo mag-babakasyon tayo next weekend para ma-i-celebrate natin ang monthsary nating dalawa.” Malambing ko wika dito na sanamahan ko pa nang mga damping halik sa labi nito.


“Saan naman tayo pupunta ngayon?” Tugon naman nito sa akin.


“Saan mo ba gusto?”


“Hmmmm… hindi ko alam eh. Wala akong maisip.”


“Saka na natin isipin yan marami pa naman tayong oras. Sa ngayon makiki-round two muna ako.” Nakangisi kong wika na ikinahagikhik naman nito.


“Kahit hanggang round five game ako ngayon. Na miss kasi kitang pilyo ka.”


“Ows? Walang bawian yan ah. Tara simulan na natin at baka abutan tayo nang sikat ng araw.” Wika ko at muling naghinang an gaming mga labi.


Mula sa banayad na halik ay naging mapusok, mapangangkin ang mga halik ko sa kanya dahil na rin siguro sa sobrang pagkamiss ko rito. Hindi naman ako nito binigo at tinumbasan naman niya ang mga halik kong iyon. Nagsimulang maglakbay ang mga kamay nito sa aking likod at sa bawat haplos nito sa akin ay nagbibigay ng kakaibang kiliti sa aking buong katawan.


Halos mawalan ako nang bait ng magsimulang mag-lakbay ang dila nito pababa. Bagay na kahit na sinong babae ay hindi pa nagagawa ang ganitong pagpapasarap sa akin lalo na nang maabot nito ang maselang parte ng katawan ko.


Hindi ko maiwasang mapasabunot sa kanya at mapaungol sa ginagawa nitong pakikipaglaro sa alaga ko. Alex never fails to give me the pleasure that will satisfy me. Muli ko siyang iginaya para muling mag-lapat ang aming mga labi.


“Hindi mo talaga ako binibigo kahit kailan.” Nakangisi kong wika dito nang mag-hiwalay ang aming mga labi.


“I have to satisfy you para hindi kana mag-hanap ng iba.”


“Kahit kailan hindi kita ipagpapalit sa iba kasi mahal kita.”


“Bolero ka talaga.” Basag nito sa paglalambing ko.


“Ready na ikaw baby maldita?” Pilyo kong sabi.


“Always naman akong ready basta ikaw ang partner ko.” Ganting panunukso nito sa akin.


“Good!” Wika ko at sa isang iglap ako na ang nakaibabaw sa kanya.


Ibayong saya ang naramdaman ko nang malaman na ako ang unang naka angkin sa kanya. Sa akin lamang niya ipinagkatiwala ang buong katawan niya. Wala naman sa akin kung may nakauna na sa kanya dahil hindi iyon mababago ang pagmamahal ko kay Alex pero tuwa ang naramdaman ko na ako pala ang una nito.


Dahan-dahan walang pagmamadali ang aming mga galaw. Alam kong nahihirapan parin itong tanggapin ang kabuuhan ko pero lagi kong sinisigurado na hindi lang ako ang maliligayahan sa bawat pagtatalik namin. Ipinadadama ko sa kanya na sa bawat galaw ko ay naroon ang pagiingat at pagmamahal dahil alam kong iyon ang bagay na matagal na niyang inaasam at ako ang taong nakatakdang mag-bigay ng mga iyon sa kanya.


“I love you baby Maldita.” Masuyo kong wika.


“I love you more kumag.” Tugon naman nito sa akin at pareho kaming napahagikhik.


Maraming tao sa mundo ang takot sumugal sa pagibig, dahil takot tayong masaktan at makipagsapalaran. Ako man ay natakot rin noon pero kung nagpaalipin ako sa takot ko hindi ko makukuha ang taong mahal ko. We have to learn to take some risk dahil kung hindi tayo susubok hindi natin makukuha ang gusto natin. Huwag tayong matakot na masaktan dahil doon tayo natututo. Wag tayong matakot na sumugal kung sa tingin mo worth it ang taong iyan to take chances with.






Wakas

Chances Chapter 19





Maraming salamat sa paghihintay ito na po ang chapter 19 ng Chances ang sunod nito ay ang finale na. Abangan niyo sana kung ano ang kasunod na mangyayari sa ating mga bida. Marami pa po kayong aabangan sa Last chapter nito kaya sana wag kayong mag-sawa.


Sa mga Anonymous at Silent Readers; guys, pakilala na kayo habang may oras pa ang sunod na post ko ay ang mga pasasalamatan kong tao na sumuporta sa estoryang ito at gusto ko sanang mapangalanan kayong lahat kahit manlang sa mga pen names niyo para naman bibo di ba? Hihihi


Happy reading nalang sa inyo guys and keep the damn comments coming! Hahaha suportahan niyo rin sana ang ibang author na nag-contribute ng estorya nila dito sa blog ko. Para naman mas lalo silang ganahan at mas lalo nilang gandahan ang kwento. ^__^V


Salamat ulit kay Swiss sa mga tulong niya sa akin. Thank you nang marami. xD


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
<hr color="grey" width="100%" align="center"><!--more-->


“Lintik naman itong si Dorwin, mag-tatatlong oras na ako dito pero di ko pa nakikita si Alex.” Ang asar na asar kong wika habang nasa waiting area ng airport.


Matapos kumain at makapagbihis ay agad akong pumunta sa airport para salubungin si Alex. Ilang erpolano na ang nakalapag sa airport na yon ay walang anino ni Alex ang nakita ko. Hindi naman kalakihan ang airport sa lugar namin kaya sigurado kong hindi makakatakas si Alex sa akin.


Wala rin akong makitang Red sa airport tulad ng sabi nito na siyang nakatakdang sumundo kay Alex. Mukhang naisahan na naman ako nang mga kurimaw sa pagkakataong ito.


Agad kong tinawagan si Dorwin sa sobrang pagkaasar.


“Sigurado kabang ngayon ang uwi ni Alex galing Manila? Almost 3 hours na ako dito sa airport pero wala akong makitang Alex . Pakana na naman ba ito nang asawa mo’t mga kaibigan niyang tarantado?” May bahid ng inis kong wika. Para na akong tanga at halos humaba na ang leeg ko tuwing may darating na eroplano nagbabakasaling sakay na nito si Alex.


“Wala pa ba?” Maang-maangan nito wika. Batid ko sa boses nito na sinasadya ako nitong inisin. “Hmmm… teka lang tanungin ko ulit si Red kung ito ba ang araw ng uwi ni Alex hindi ko talaga maalala kahit na si Lor ang nag-book sa flight niya eh.”


“Wag kang mangasar Dorwin naiinis na talaga ako. Sabihin mo na sa akin kung anong oras ba talaga darating si Alex o kung darating ba talaga siya kung ayaw mong sunugin ko ang bahay mo.” Rinig kong may nagpipigil ng malakas na tawa sa background nito.


Great! Pinagkakaisahan talaga ako nang mga ungas!


“Damn it Dorwin, hindi na magandang biro itong ginagawa niyo sa akin. Kung sino man yang tumatawa diyan papatayin ko siya kapag walang Alex na dumating ngayon dito!” May kalakasan kong sabi dahilan para mapalingon sa akin ang ibang taong naroon sa airport na iyon.


Shit! Ngayon kriminal na ang tingin sa akin ng mga tao.


Hindi ko alam kung anong flight ang sinakyan ni Alex ni hindi ko nga alam kung anong klase ng eroplano ang sinakyan nito kaya hindi ako makapagtanong. Ginagawa talaga akong gago ng mga kumiraw na yon.


“Sinong nagsabi sayong ikaw ang tinatawanan ni Red? Nanonood kami ng movie wag mo siyang pagbintangan. Hmmm… teka tanungin ko si Red kung ano ba talaga ang exact flight ni Alex.”


Halatang-halata nang ginu-goodtime ako nang mga ito. Kanina lang ay sabi niyang si Red ang susundo kay Alex tapos ngayon katabi niya itong nanonood? Hindi nalang ako nag-react sa bagay na iyon dahil paniguradong kapag nag-react ako mas lalo akong pahihirapan ng kambal ko.


Saglit itong nawala sa linya sa tingin ko ay in-hold ako nito.


“Diyan ka pa?” Muling wika nito sa kabilang linya.


“Yes, what time daw ba darating?” Yamot na yamot kong wika.


“Sabi ni Red kanina pang umaga dumating si Alex.First flight pala ang sinakyan nito. Nasa probinsya na raw nila ito ngayon.”


Marahil kung kaharap ko sila sa mga oras na iyon isa na sa kanila ang nasuntok ko. Sinadya nilang papaghintayin ako sa wala para lalo akong pahirapan. Hindi ko alam kung gumaganti ba ang mga ito sa akin sa mga kalokohang nagawa ko noon o sadyang maiitim lang ang budhi nang mga ito.


“Dammit!” May bahid ng pagkaasar kong wika. “All along naghintay lang ako sa wala? Wala talaga kayong mga puso!”


“You’re welcome Renzell Dave.” Sarkastikong tugon nito. “Sige na, sinisira mo ang bonding namin ng asawa ko.” Sabay putol nito nang linya.


Wala na akong nagawa kung hindi ang dali-daling tunguhin ang kotse ko. Wala akong pakialam kung ilang kilometro ang layo sa akin ni Alex ngayon. All I want is to see him so I can explain everything to him. Wala nang pweding humadlang sa akin ngayon kahit pa bagyo o landslide hindi ako mapipigilan.


Habang tinatahak ko ang daan papunta kina Alex, ay napaisip ako kung ano ang pwedi kong dalhin para kahit papaano ay mabawasan man lang ang galit nito sa akin. Alam kong hindi magiging madali ang mag-paliwanag sa taong iyon dahil sa sobra itong mataray isama mo pang best talent nito –ang ignorahin ako. I should come up with a good idea para makuha ang atensyon nito’t pakinggan ang mga paliwanag ko.


Kung may isang tao mang pwedi kong mapag-tanungan sa bagay na ito iyon siguro ang taong agad na pumasok sa kokote ko. Agad kong tinawagan ang numero nito.


“Oi kuya Dave, kamusta ang pakikipagsapalaran mo sa daan?”


Talagang pinagkaisahan nila akong lahat. Iiling-iling kong wika sa sarili ko.


“Kung ayaw mong masama sa mga taong papatayin ko pagbalik ko, sabihin mo sa akin kung anong ginagawa mo tuwing sinusumpong ang asawa mong sira ulo.” Tanong ko dito.


“Si Ace? Hmmm… sandali kuya iisipin ko pa.” Nang-aasar nitong wika.


“Wag mo akong gaguhin Rome, kanina pa mainit ang ulo ko.” May pagbabanta kong sabi.


Rinig kong tumawa ito sa kabilang linya. Hindi na kataka-takang matulad ito sa pinsan ko’t masiraan narin ng bait. After all, likes is known by like.


“Kapag may sumpong si Supah Ace lagi ko itong binibigyan ng mga bagay na gusto nito.” Tatawa-tawa nitong wika.


“Like? Be specific idiot! I’m not good with this, dammit!”


“Easy lang kuya, try to give Alex what you think he likes most. Something na ma tri-trigger mo ang soft side niya para mabawasan mo ang galit niya sayo.”


“Iyon nga ang problema ko. Hindi ko alam kung anong bagay ang gusto ni Alex.” Frustrated kong sabi. “I didn’t had the chance to ask him things that he likes.”


“Patay tayo diyan kuya. Pero kung sincere ka talaga sa gagawin mo hindi mo na kailangan pang suhulan si Alex. Ipakita mo lang na totoo ang sinasabi mo sa kanya, mapapatawad ka nun. Besides, Alex is the type na hindi nagpapasuhol, baka ikapahamak mo pa yan.”


Kahit pala papaano ay may katinuan pang natitira kay Rome. Rome is a bit different kay Red, dahil si Rome ang tipong hindi mo pweding biruin kapag may away ito nang asawa niya. Masyadong mahal nito ang pinsan ko na sa tingin ko kapag nawala sa kanya pwedi nitong ikabaliw. Tanging si Ace lang din ang may alam kong paano ito amuhin kapag tinamaan naman ng sayad.


Dumiretso na ako papunta sa probinsya nila Alex. I know, am not that good with words especially kung pagpapahayag na ng nararamdaman ko, bahala na si Doreamon sa akin kung paniniwalaan ako ni Alex.


<hr color="pink" width="50%" align="center">


Nang lumiko na ako para pumasok papunta sa baryo nina Alex, muling nanariwa ang mga ala-ala naming dalawa doon. Ang mga taong naging maganda ang pagtrato sa akin; ang mga maliligalig din nitong mga kaibigan at pinsan; at syempre ang mga masasayang sandal na aming pinagsamahan.


Kung hindi pa ako nag-desisyon na ihatid si Alex papunta sa baryo nila noon hindi ko makikilala ang mga taong malapit sa buhay niya. Maraming bagay akong nakita sa munting baryo nilang ito at dito ko rin naramdaman noon ang kakaibang saya na hindi ko pa nararamdaman sa tanang buhay ko.


Sa mga ala-alang nagbalik sa akin ay napangiti ako. There’s no way na isusuko ko si Alex, ngayon pa’t alam ko nang mahal ko na ito. Kahit pahirapaan pa niya ako ay gagawin ko because he’s worth it. Siya ang taong nagturo sa aking magmahal ng totoo, siya ang taong nagtuwid sa paniniwala kong walang ibang tao akong pweding pagkatiwalaan maliban kay kambal at sa papa ko.


Pasado ala-syete na ng gabi nang marating ko ang bahay nila. Tulad ng unang punta namin doon tahimik na ang lugar. Tanging mga insektong pang-gabi na lamang ang maririnig mo.


Kaba, excitement, ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon. Kaba dahil hindi ko alam kung anong klaseng pagtanggap ngayon ang makukuha ko mula kay Alex at excited dahil sa wakas ay muli ko na namang makikita ang masungit pero walang dudang mahal kong si Alex.


Hindi pa man ako nakakalapit ng tuluyan sa pintuan ng bahay nila nang bumukas iyon. Nakakunot na mukha ni nanay Marta ang bumungad sa akin. Marahil ay pilit na inaaninag nito ang taong dahilan ng mga tahol ng aso sa kalapit bahay nila.


“Dave? Anak ikaw ba yan?” Wika nito nang makilala ako.


“Ako nga po nay, magandang gabi po. Si Alex ba narito?” Walang paligoy-ligoy kong tanong.


Mataman ako nitong tinignan na para bang nag-aalangan ito.


“N-Nasa kwarto niya nagpapahinga.” Tila ba hindi ito komportable sa kanyang sinabi.


“Pwedi ko ba siyang makausap nay? Kailangan ko talaga siyang maka-usap ngayon.” May pagsusumamo kong sabi.


Muli ako nitong mataman na tinignan bago tumango nang marahan.


Sumunod ako dito papunta sa kwarto ni Alex pero hindi pa man kami nakakarating doon nang muli itong huminto at bumaling sa akin.


“Pwedi ba muna tayong mag-usap anak bago mo kausapin si Alex? May gusto sana akong sabihin  sayo.” Wika nito.


Wala akong nagawa kung hindi ang tumango rito. Kahit anong gusto kong agad na makausap si Alex ay hindi ko pweding tanggihan ang ina nito lalo pa’t bakas ang pagkaseryoso’t pagaalala nito sa mukha.


“May hindi ba kayo pagkakaunawaan ni Alex?” Walang anu-anong tanong nito sa akin. Sadya nga atang malakas ang pakiramdam ng mga inang tulad nito. “Kung ano man yang problema niyong dalawa sana ay maayos niyo agad yan. Ayaw kong nakikitang malungkot ang anak ko Dave. Masyado naming mahal ng tatay Tonio mo si Alex. Ayaw naming nasasaktan siya.”


“Kaya nga po ako nandito nay.” Nakayuko kong sabi. Nakaramdam ako nang ibayong hiya sa mga oras na iyon.


“May namamagitan ba sa inyo ni Alex?” Walang ka-abug-abog nitong tanong. Para akong nasa hot seat sa mga oras na iyon. “Nakita ko ang nangyari sa inyo no’ng magkatabi kayo sa kwarto niya. Hindi ako tutol sa kaligayahan ng anak ko Dave pero, natatakot ako na baka masaktan lang ang anak ko. Alam ko’t alam mong hindi normal ang damdamin na meron kayo ng anak ko.”


“No’ng magpunta ka rito alam kong si Alex ang sadya mo. Alam din namin na wala na siya sa pinagtatrabahuan niya pero hinintay namin ng tatay Tonio mo na ikaw mismo ang magsabi sa amin ng totoo.”


“Sorry nay, ayaw ko lang na mag-aalala kayo kay Alex.”Mahina’t nahihiya kong wika. Alam na pala nila ang tungkol sa naging problema namin ni Alex noon pa mang magpunta ako roon at magpanggap na napadaan lang pero hindi ako sinumbatan ng mga ito.


“Alam kong hindi ganun kadali ang sitwasyon nyo anak, pero sana lang huwag mong sasaktan si Alex namin. Gusto namin ng tatay Tonio mo na lumigaya siya at sana ikaw na ang taong makakapagbigay ng kaligayahang iyon. May tiwala ako sayo Dave, huwag mo sanang sirain ang tiwala kong iyon.” Wika nito sabay marahang hinaplos ang aking pisngi.  Naramdaman ko ang pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak.


“Hindi po ako mangangakong maiiwasan kong masaktan siya pero, nangangako po akong hindi ko siya bibitawan kahit na ano pa man ang mangyari.”


Sumilay ang magandang ngiti sa mukha nito at napatango. Alam kong sa mga oras na iyon nakuha ko na ang tiwala nito. Tanging si Alex na lang ngayon ang problema ko.


“Pasukin mo nalang siya sa kwarto niya. Kanina pa hindi lumalabas yan mula nang dumating dito.” Si nanay Marta sabay abot sa akin ng isang susi. “Kilala ko ang anak ko, hindi ka papapasukin niyan sa kwarto niya kaya iyan ang susi.”


Wala na akong sinayang na oras at mabilisan ko nang tinungo ang kwarto nito. Ang kwartong naging saksi sa lahat ng bagay na nangyari sa amin ni Alex.


Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko nang pihitin ko ang seradura. Nakapatay ang ilaw sa loob ng kwarto.  Alam kong naroon lang sa loob si Alex dahil amoy ko ang pabango nito.


“Alex?” Pagtawag ko sa pangalan niya sabay kapa nang switch ng ilaw. Kasabay ng pagliwanag ng buong silid ang pagbilis ng tibok ng puso ko nang makita ko si Alex na nakadamapang nakahiga sa maliit na kama nito.


Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Kung possible lang sigurong matanggal ang puso ng isang tao kanina pa siguro natanggal ang puso ko sa lakas ng tibok nito. Magkahalong kaba at pananabik ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon.


Hihimasin ko na sana ang ulo nito nang mabilis nitong tapikin ang kamay ko’t sabay balikwas ng higa at nagsumiksik sa gilid ng kama.


“Anong ginagawa mo rito? Paano ka nakapasok sa kwarto ko?” Kunot noo nitong sabi.


“Ah.. ehh….”


“Umalis ka na Dave, pagod ako sa biyahe kaya sana naman papagpahingahin mo ako.” Putol nito sa sasabihin ko.


“Let’s talk Alex.” May bahid ng pagmamakaawa kong sabi. “I’m here to clear things out. Gusto kong magpaliwanag sa mga kasalanan ko.”


“Sa pulis ka mag-paliwanag huwag sa akin.” Mataray nitong wika.


“Alex naman…”


“Sobrang pasakit at sakit ng ulo na ang binigay mo sa akin Dave, hindi pa ba sapat iyon para layuan mo na ako? Nakaganti ka na at nakuha mo na ang natapakan mong ego so, ano pa ang pag-uusapan natin?”


“Marami pa. Marami pa akong sasabihin sayo kaya will you please listen first?”


“Hindi ako makikinig sayo. Isa pa, pagod ako at gusto kong magpahinga.”


“Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Kaya tayo hindi nagkakaunawaan dahil sobrang tayog ng pride mo. Makinig ka nga muna bago ka magmaldita diyan.”


Akmang tatayo sana ito para siguro iwasan ako pero maagap ko itong napigilan. Funny, ganito kami noon ang pinagkaiba lang sa ngayon ay alam ko na ang dahilan kung bakit lagi ko siyang pinipigilan. Kung bakit gustong gusto ko ang atensyon nito.


“Not so fast! I’ve been looking for you since the day you disappear sa bar dahilan para hindi ako makatulog ng maayos. Para akong tanga ng naghintay sayo sa airport kanina for almost 3 hours dahil sa kalokohan ng mga boss mong sira ulo at ginawa kong apat na oras ang anim na oras pagpunta rito para lang makausap kita tapos lalayasan mo lang ulit ako? Hindi pwedi yon!”


Ayaw ko mang maging brutal sa kanya pero wala akong choice. Masyadong mahirap paamuhin ang isang ito at hindi uubra sa kanya ang santong dasalan.


“Sa ayaw mo’t sa gusto, makikinig ka sa akin kung ayaw mong itali kita sa kama mo.”


“Pwedi kitang kasuhan sa ginagawa mo.” May pananakot nitong sabi.


“Do it kung kaya nang abogado mong talunin ang kambal ko.” Maangas ko namang wika sa kanya na sinamahan ko pa ng ngising aso.


Napatahimik ko ito pero bakas na sa mukha nito ang pagkairita’t pagkapikon sa akin.


“Now, are you ready to listen?”


Pinukol lang ako nito nang masamang tingin pero hindi na ulit nag-salita. Ito marahil ang paraan ng pagsagot niya nang oo. Ano pa nga ba ang ini-expect ko sa malditang ito.


“What happened sa bar no’ng makabalik ka sa ay isang malaking pagkakamali. I know I shouldn’t have brought Sonja there lalo pa’t naroon ka…..”


“Wala akong pakialam sa mga babae mo.” Sabat nito.


“Shut up! I’m trying to explain myself here kaya makinig ka muna.” Sita ko naman sa kanya.


“Mahal kita Alex, sayo ko lang nasabi iyan kaya sana paniwalaan mo. Ikaw lang ang taong nagpagulo sa isip ko. Alam kong hindi ko naipakita sayo ang tunay nanararamdaman ko dahil sa natakot ako. Bago sa akin ang lahat ng nararamdaman ko para sayo, I’ve never been so attached to someone maliban sa papa at sa kambal ko.”


“Tell that to the marines.” Bara nito sa akin pero di ko na pinansin pa dahil sa nakikita ko na ulit sa mga nito ang Alex na minahal ko.


“I was afraid to commit myself to you not because ayaw kong i-commit ang sarili ko. Natatakot akong baka masaktan lang kita. Natakot ako na baka mali pala ako sa nararamdaman ko. I don’t want to see you hurt at lalong ayaw kong ako ang mananakit sayo.”


“Pero nasaktan mo parin ako.”


“I know kaya nga ako narito di ba?”


“Malay ko sayo kung bakit ka nandito.” Ewan ko kong nangaasar ba siya o sadyang galit lang ito sa akin.


“Seryoso ako Alex, I’m here to correct my mistake and to take my chances with you dahil yon ang sinasabi ng puso ko. Kung mali man, gagawin ko itong tama para sayo.”


Hindi ito nakaimik siguro hindi agad nito na absorb ang mga sinabi ko.


“Papaano ako makakasiguro na totoo iyang mga sinasabi mo? Marami na akong pasakit na nakuha dahil sa paghahanap ng pagmamahal Renzel Dave. Hindi na ganun kadaling paniwalaan ang mga sinabi mo. Narinig ko na mga yan.”


“I know. Hindi mo naman kailangang paniwalaan ako eh. Just give me time and take your chances with me at gagawin ko lahat ng aking makakaya upang hindi mo pagsisihan ito. I will give you the love that you craved for, that you longed for … ‘coz you deserve it. I want you to be happy … with me.” Seryoso’t may paglalambing kong sabi.


“Paano kung masaktan mo lang ulit ako?”


“Mahal mo ba ako?” Ang nanunuyo kong tanong sa kanya.


Isang tango ang nakuha kong tugon galing dito.


“Sapat na ba ako para sa pagmamahal mo, at para sumugal na kasama ako?”


“Renzell Dave…”


"Kasi ako, alam ko ikaw lang... ikaw lang ay sapat na. Gusto kitang pasiyahin Alex sa abot ng makakaya ko. Gusto kong sumaya ka...kasama ako." Putol ko sa iba pang sasabihin nito. “Just give me the chance to prove to you that everything I’ve said is true. Isang chance lang Alex.” May pagmamakaawa kong sabi. Call me desperado or what ganyan naman talaga kapag nagmamahal ka nagiging desperado ka.


Mataman ako nitong tiningnan. Nakipagsukatan ako sa kanya nang tingin para ipaalam sa kanya na ngayon, sigurado na ako sa nararamdaman ko. Na ngayon kaya ko nang pangatawanan ang mga sinabi ko dahil sa kanya alam kong liligaya ako.


“Mahal kita Renzell Dave at sa tingin ko sapat na ang pagmamahal na iyon para paniwalaan kita at sumugal kasama ka.”


Sa mga narinig sa kanya sumilay sa akin ang napakagandang ngiti dahil alam kong nakuha ko na ulit ang puso nang taong mahal ko.


“That settled then.” Nakangiti kong sabi sabay kabig ng batok nito para angkinin ang premyo ko sa araw na iyon.


Sa mga pagtugon nito sa mga halik ko napagtanto kong hindi nga ako nagkamali sa pinili kong mahalin. I can feel the overwhelming joy sa loob ng katawan ko. Isang pakiramdam na sa tingin ko hindi kayang ibigay sa akin ng kahit na sino man bukod kay Alex.


“Sama ka na sa aking umuwi? Doon na tayo sa bahay mag-honeymoon, mas malaki ang kama ko doon.” Nakangisi kong wika sa kanya.


Agad namang namula ito.


“Marinig ka ni nanay eh!” Wika nito pero huli na dahil narinig namin ang tila kinilig na mga tawa sa likod nang pintuan ng kwarto nito.


“Kanina pa sila nakikinig.” Nakangisi kong wika. “So, tara na sa bahay ng ma i-take home na kita para maka 1st base na rin ako.” Pilyo ko paring sabi.


“Ang bastos mo talaga.” Kita ko ang sobrang pamumula nang pisngi nito kasunod noon ang pagkawala nang isang luha sa kanyang kaliwang mata.


“Bakit ka umiiyak?” Nag-aalala kong wika.


“Sino ba ang hindi maiiyak sayong kumag ka. Pinahirapan mo ako masyado mabuti nalang at nakinig ako kay Francis.”


“Sino naman si Francis?”


“Boyfriend ng kaibigan mo. Sa kanya ako pinatira ni sir Red.”


“Boyfriend ni Niel? Buti hindi ka natalsikan ng kabaliwan nun.” Ngingisi-ngisi kong sabi.


Isang batok ang natanggap ko mula dito.


“Masakit yon ah. Idol mo pala si Ace?” Pareho kaming napatawa sa kalokohan namin.


“Tara?”


“Saan tayo pupunta?”



“Sasabihin natin kay Red at Claude na hindi kana mag-tratrabaho sa kanila. Sa akin kana ngayon mag-tratrabaho dahil gusto ko araw-araw kitang nakikita.” Nakangiti kong wika.


“Bolero!” Wika nito na ikinatawa naming lahat pati nang mga taong nasa likod ng pintuan ng kwarto nito at masayang nakikitsismis sa amin.







Itutuloy:

Chances Chapter 18





Masasabi kong na drain ni Renzell Dave ang laman ng 2mb kong utak sa chapter na ito mabuti nalang at may isang taong mabait (kuno) na tululong at nagbigay sa akin ng ideya para madugtungan ko ang chapter na ito. Hindi ko na talaga alam kanina ang gagawin ko dahil hindi ko mahanap sa utak ko yung mga salitang gagamitin ko. WEW!!!!


Swiss – Salamat ng marami sa ideya mo ah. Kung hindi dahil sayo hindi ko matatapos ang chapter na ito ngayon. Tenk kyu!!!


Akalain niyong inabot ako nang 6am. Ito na ata ang pinakamatagal na chapter na nagawa ko. Nagsimula akong mag-sulat mula 10pm at ngayon ko lang siya natapos. Wahahaha mukhang dapat na nga ata talaga akong huminto tinanggalan na ata ako ni Lord ng kakayahang mag-sulat o baka dahil lang din sa maligalig na si Renzell Dave. Wahihihihi


Sana ay magustohan niyo ang Chapter na ito at sana rin ang mga Anonymous at Silent Readers ko ay mag-pakilala na bago ko ma-i-post ang last chapter nito. Huling dalawang chapter nalang guys at sa susunod na Chapter niyo na malalaman kung mag-tatagumpay ba si Renzell Dave sa pakikibaka niya kay Alexis o epic fail ang effort niya. Yan ang napapala nang mga taong maraming issues sa buhay haha buti nga sa kanya. :D



DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
<hr color="grey" width="100%" align="center"><!--more-->



“Dito siya nakatira? Hindi halata ah.” Ang wika ni Brian nang nasa tapat na kami nang bahay na tinutuluyan ni Alex.


Pinukol ko naman ito nang masamang tingin.


“I-zipper mo yang bibig mo kung ayaw mong dumugo yan.” Pagbabanta ko dito na tinugon naman nito nang pag-muwestra nang pag-zipper nang kanyang bibig. Talagang may sayad ang isang to at hindi na naging seryoso sa buhay.


Parang hindi ka katulad niya noh? Like is known by like kaya nga kayo mag-kaibigan at mag-kasundo kasi pareho ang ugali niyo. Kontra agad ng maligalig kong isip. Tama nga naman ito; ang magnanakaw ang tinging makakakilala sa kapwa magnanakaw.


“Katukin mo na para matapos na kalbaryo mo.” Wika nito nang mapansin sigurong medyo nag-aalangan ako. “Dinadaga ka? Aba bago yan ah dinadaga si Renzell Dave Nivera.”


“Wag kang mangasar Brian wala ako sa mood ngayon.” Asar kong wika rito sabay pakawala nang isang malalim na buntong hininga.


Sasabihin kong dinadaga nga ako sa mga oras na iyon. Hindi ko parin kasi alam kung ano ang unang sasabihin ko kay Alex. Marami akong bagay na gustong sabihin at dahil sa sobrang dami ay tila di ko alam saan magsisimula at kung paano ito umpisahan.


I’ve never been so sure in my life until i met Alex. Ang dami kong hang ups, marami akong hindi alam sa mundo dahil sa nakatali ang isip ko sa kambal at papa ko dahil noon ay tanging silang dalawa lang ang tanging pinahahalagahan ko. But when i met Alex marami akong naranasang kakaiba sa akin. Natuto akong matakot, natuto akong mag-alinlangan at higit sa lahat natuto akong mag-mahal. Alex was the person who taught me to take my chances and i want to take it with him kahit mali man iyon sa maraming tao ay gagawin kong tama. Dahil iyon ang alam kong magpapasaya sa akin.


But how can I say all these things I have in mind kung ayaw ako nitong kausapin. Papaano ko magagawang ipaalam sa kanya ang nararamdaman ko if he won’t even give me a chance? Alam kong nasaktan ko siya at handa akong mag-paliwanag sa kanya.


Nabalik lang ako mula sa malalim na pagiisip nang marinig ko ang tatlong sunod-sunod na malalakas na katok ni Brian. Halos mag-kandaugaga akong pigilan ito pero huli na ang lahat dahil bumukas na ang pinto at bumungad sa amin ang mala demonyong anyo nang tiyahin nito. Naka-daster lang ito at nasa buhok na naman nito ang mga kolorete na sa tingin ko ay para pangkulot ng buhok.


Pinukol kami nitong nang tingin mula ulo hanggang paa at nang siguro ay magustohan nito ang nakita ay ngumiti ito sa amin. Ngiting alam mong may ibig sabihin o mas tamang sabihin na ngiting pagkakaperahan. Sadya nga atang mukhang pera ang isang ito taliwas sa mama ni Alex na ubod ng bait.


“Ano ang kailangan niyo mga iho? Narito ba kayo para mag-hanap ng mauupahang bahay? Three thousand ang bawat kwarto. Two months deposit at one month advance.” Agad nitong wika di pa man kami nakakasagot sa unang tanong nito.


Walang duda mukhang pera nga ang isang to.


Nakita kong bahagyang napangiwi si Brian. Sino nga ba ang hindi mapapangiwi sa presyo ng kwarto nito na sa tingin ko maski ang daga ay mahihiyang tumira. The place is a total mess halos isang bagyo nalang ata eh bibigay na ito. Isama mo pa ang lugar na squatters area na kahit ano mang oras ay pwedi i-demolish ang mga bahay na nakatayo doon.


“We’re looking for Alex, dito ba siya nakatira?” Sabi ni Brian alam kong sinadya nitong hindi na mag-paligoy-ligoy pa para makaalis na sa lugar na iyon.


Mula sa pagkakangiti ay gumuhit ang galit sa mukha nang matanda.


“Kaya ba kayo nandito at nang-istorbo sa ganitong oras ng gabi para lang hanapin ang baklitang Alex na yon? Wala na siya dito, wala na rin lang siyang trabaho kaya pinalayas ko na. Masyado nang maraming palamunin sa bahay na ito para dumagdag pa siya.” Mataray nitong wika.


Hindi ko nagustuhan ang tabas ng dila nito kaya ako na ang sumagot rito.


“Mabuti naman kung ganun, hindi naman talaga bagay sa isang tao ang tumira sa bahay nyo. Ewan ko nga ba kung bakit may nagpapaloko sa inyong umupa diyan eh.”


“Abat bastos ka ah!” Galit na galit nitong wika at nang akmang mag-sasalita pa sana ito ay muli akong nagsalita.


“Matanong ko lang, may business permit ka ba sa pagpapaupa mo rito? Ingat-ingat lang baka bukas pulis na ang kumatok sa pintuan nyo at hindi mo kayanin ang mga kasong pweding isampa sa inyo ng gobyerno.”


Batid kong tinamaan ito sa mga sinabi ko dahil bumakas ang pagpa-panic sa mukha nito. Hindi ata ito sanay na may mga taong may alam sa mga ganoong bagay. Ikaw ba naman ang maging kambal ng isang napakagaling na abogado kung hindi ka mahawa sa kapraningan nito pagdating sa mga batas at legalidad.


“Naku ale, hindi maganda ang tumatakas sa buwis, tiyak makukulong ka niyan.” Gatong pa ni Brian na sinamahan pa nang isang nakakagagong ngiti. “Tara na pare, wala na pala ang irog mo dito baka bumaho pa mga kamay natin kapag nagtagal pa tayo.”


Umalis nga kami agad sa lugar na iyon. Napagdesisyunan naming puntahan si Red at tanungin kung may alam ito tungkol sa bagong tinutuluyan ni Alex. Hindi naman kasi agad ito uuwi nalang ng basta-basta lalo pa’t alam kung ayaw na ayaw nitong maging pabigat sa mga magulang niya.


“Imbes na sayangin mo ang oras mo sa pag-iisip bakit hindi mo subukang tawagan ulit?” Wika ni Brian. Ito ang nagmaneho nang sasakyan sa mga oras na iyon.


Para naman ako puppet na sumunod dito ngunit sa muling pagkakataon bigo na naman ako nakapatay parin ang cellpohone nito.


“You’re hopeless. Ganyan ba talaga ang mga taong nai-in love? Buti hindi pa ako na in love nakakatakot pala. He! He!” Wika nito nang marinig ang buntong hininga ko.


“Mag-drive ka na nga lang diyan!” Asik ko dito. “Bakit ba kasi sinisante pa nang mga kumag na yon si Alex eh.” Paninisi ko sa mga ulupong na dahilan kung bakit hindi ko ngayon mahanap si Alex.


“You can’t blame them. Negosyante ka rin di ba? Alam mong kapag hindi na naging productive ang isang tauhan mo wala kang choice kung hindi sisantehin ito kung ayaw mong maghirap. Hindi biro ang na invest ng mga yon sa seventh bar at hindi rin biro ang posisyon ni Alex doon.”


May point naman ang ugok na to. Ganun na ba talaga ang naging epekto ko kay Alex para masisante ito. Lalo lang tuloy nadadagdagan ang guilt ko sa mga nangyari.


“Lintik namang buhay to!” Ang naiwika ko nalang sa sobrang frustration.


<hr color="pink" width="50%" align="center">


“Ay naku itong batang ito, anong nangyari dito sa kwarto mo?” Wika ni nanay nang makita nito ang nagkalat na bote sa loob ng kwarto ko.


“Pakilinis nalang po nay.” Tinatamad kong wika sabay padapang humiga sa kama.


Mag-iisang linggo na mula nang puntahan namin ni Brian si Alex sa bahay ng tiyahin nito kung saan ito umuupa at hanggang ngayon hindi pa rin kami nagkikita. Nang tanungin namin si Red kung alam nito kung saan ang bagong tinutuluyan ni Alex ay hindi rin daw nito alam.


Halos araw-araw ko itong hinanap sa lahat ng pwedi nitong puntahan o pag-apply-an ng trabaho mula sa mga bars sa lugar namin pati na sa mga restaurants. Maski ang mall hindi ko pinalampas pero hindi ko talaga ito mahanap.


Sumadya rin ako sa kanila nagbabakasakaling umuwi ito pero maski ang mga magulang nito ay wala ring alam. Ni hindi nga alam ng mga ito na wala na sa puder ng bayaw ko si Alex kaya para hindi mag-alala ang mga ito ay sinabi ko nalang na galing lang ako sa kalapit na bayan para sa isang meeting at naisipan kong dumaan doon para bisitahin sila. Mabuti nalang at bumenta ang palusot kong iyon.


Sa loob ng isang linggo; pagsisisi, pagaalala at pagkadismaya, ang lagi kong nararamdaman sa tuwing uuwi ako sa bahay na bigo sa paghahanap sa kanya. Napunta lahat ng paninisi ko sa mga ulupong na kaibigan ng pinsan at kambal ko dahil sa kung hindi sana nila tinanggal si Alex hindi sana ako mahihirapan. Dahil doon ay hindi ako nagpakita sa mga ito, pati sa kambal ko ay hindi ako nagpapakita o nakikipag-usap man lang.


Sa mga kaibigan ko naman tanging si Brian ang laging sumasama sa akin kapag wala na itong masyadong ginagawa sa family business na iniwan ng mga magulang nito sa kanya.



Who would have thought na sa simpleng pangasar ko noon sa maldita, arogante at higit sa lahat mataray na Alex na iyon ay hahantong sa ganito. I admit no’ng una hindi ko alam kong ano ang gagawin ko sa kakaibang nararamdaman ko sa kanya. I tried to flirt with him maybe because it is my way of denying the true feelings I have for him. Na-trigger niya ang pagiging protective ko dahil sa nakita ko sa kanya ang kabaliktaran ko. Alex and I were so different in many ways: kung ako ang malakas siya naman ang mahina, kung ako ang mapang-asar siya naman itong ignorante.


Isa pa sigurong dahilan kung bakit pa umabot ang lahat ng ito sa ganitong punto dahil natakot ako noon. I’ve never been so attached to anybody except sa papa ko at sa kambal ko. Natakot ako sa nararamdaman ko to the point na masyado akong naguluhan. Masyadong mabilis ang nangyari sa amin ni Alex at lahat ng iyon ay bago sa akin. Natakot ako na baka hindi ko pa pala siya tuluyang kilala at sa huli ay magkamali ako. It’s so easy to say na handa ka na but once you got the chance to think about the thought of committing yourself, nakakatakot pala.


Pero noong makita ko ulit si Alex doon ko napagtanto na willing akong isugal ang lahat para lang sa kanya. Seeing him talking to his ex made my mind cooperate with my heart. Doon ko napagtanto na mas takot pala akong mawala siya sa akin, but it was already too late. Ngayon hindi ko na alam kung saan ko siya hahanapin, halos nawawalan na ako ng pag-asa.


“Tumayo ka diyan!” Ang naramdaman kong malakas na pagyugyog sa akin.


Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ulit ako. Ilang gabi na rin na lagi akong kulang sa tulog sa sobrang pag-iisip kay Alex. Ayaw ko mang aminin na karma na ata ito sa mga pinaggagagawa kong kalokohan noon.


Pupungas-pungas kong inaninag ang taong umistorbo sa pagtulog ko and I saw Dorwin giving me a discomforted look.


“Anong nangyayari sayo Renzell Dave? Amoy beer ang buong kwarto mo. Hindi mo sinasagot ang mga tawag ko at hindi mo rin daw tinatawagan si papa.”


Imbes na sagutin ito ay muli lang akong dumapa sa kama sabay takip ng unan sa ulo ko. Wala akong balak na kausapin ang kambal ko ganitong inis na inis ako sa ginawa ng asawa nito’t mga kaibigan kay Alex.


“Kausapin mo ako nang matino Renzell Dave. Hindi na ako natutuwa sa mga pinaggagagawa mo sa buhay mo. You’re in such a huge mess.”


Hindi pa rin ako sumagot sa kanya, rinig kong napabuntong hininga na lang ito.


“Galit ka ba sa akin dahil sa tinanggal nila Red si Alex sa bar at hindi ko sila pinigilan? Is this the reason why you are avoiding my calls?” Naramdaman ko nalang ang paggalaw ng kama ko hudyat na umupo ito doon.


“I warned you about this Dave, hindi ganito kadali ang relasyon na pinili mo. Naiintindihan ko kung bakit galit ka sa amin pero sana rin intindihin mo na hindi lang naman dahil sa negosyo ang rason kung bakit tinanggal ni Red si Alex. Alex needs time to think at hindi makakabuti sa kanya kung mananatili pa siya sa bar.”


“So sinasabi mo ngayon na makakabuti ang ginawa niyo?” Bigla kong sabat dito. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na sumagot ako kay Dorwin ng pabalang na walang halong biro. “Alam niyong si Alex lang ang inaasahan ng mga magulang at kapatid niya at alam niyo rin kung gaano kahalaga sa kanya ang trabaho niya. How can you say na you just did what is best for him?”


“Don’t talk like kami ang mali rito Renzell Dave. It is you who messed up his life.” May diin din nitong sagot.


“Mahal ko si Alex! Bakit ba ayaw mong paniwalaan yon?”


“Paano mo kami mapapaniwala kung ikaw mismo hindi ka sigurado sa nararamdaman mo? You were hesitant before Dave. Hindi mo ba naisip na baka iyan ang dahilan kung bakit mo nasaktan si Alex?”


“I broke up with Sonja. Isn’t it enough proof?”


“Hindi porket nakipaghiwalay ka sa girlfriend mo ay na prove mo na, na mahal mo siya. You need to show some effort kung gusto mong paniwalaan namin, ni Alex, yang nararamdaman mo. Hindi kami ang dapat mong i-convince about that Dave, kung hindi si Alex. Ask yourself, ano na ang nagawa mo para kay Alex to make him believe na mahal mo talaga siya?”


I was caught off-guard sa huling sinabi nito. Ano na nga ba ang nagawa ko para mapatunayan ko sa kanya ang nararamdaman ko. We just simply kissed and I promised him na hihintayin ko ang pagbabalik niya. Pero alam kong para sa kanya hindi ko natupad ang pangakong iyon nang makita nito kami ni Sonja na magkasama.


“Hindi mo sinadya pero nasaktan mo siya. Pina-asa mo si Alex, pinangakuan, at lahat ng iyon ay pinaniwalaan niya … the very reason why he got hurt. He felt betrayed.”


“Pero mahal ko siya Dorbs.” Sa mga reyalisasyong iyon nakita ko ang pagkakamali ko. I was the person to blame sa lahat ng nangyari. Hindi ko dapat isinisi sa kanila ang mga kamalian ko.


Oo, hindi ko pa nasabi kay Alex ang tunay kong nararamdaman sa kanya at iyon ang malaking pagkakamali ko. Ang lakas ng apog kong sabihin sa sarili ko na mahal ko siya kahit noong hindi ko pa talaga alam ang ibig sabihin ng pagmamahal. Ang tunay na pagmamahal ay hindi lang dahil sa gusto mo ang isang tao o may nararamdaman kang kakaiba sa kanya. Kailangan mo ring matutunan na ipaglaban ang pagmamahal na iyon. You have to learn how to overcome your fears, take the risk and to take chances. Kapag natutunan mo na ang lahat ng iyon that’s the time na pwedi mo nang sabihin na nagmamahal ka. Being in love is not just enjoying the feeling and notion of being in love but being with the other, having the responsibility and the sense of accountability for the other because you love the person.


Mataman akong tiningnan ni Dorwin as if he was reading what’s on my mind. Nang sumilay ang ngiti sa mga mata nito alam ko nang naniniwala na ito sa mga sinabi ko.


“Kung sigurado ka na talaga diyan prove it to him.” Wika nito sabay tayo at tuluyan ng lumabas ng kwarto.


Naiwan naman akong napatunganga.


How am I going to prove it kung hindi ko siya mahanap? Sa naisip, ay doon lang nagsink-in sa akin ang lahat.


Agad akong napatayo sa kama at patakbong lumabas ng kwarto. Alam kong alam nila Dorwin at ng ibang ulupong kong nasaan si Alex.


Naabutan ko si Dorwin na patungong kusina nang makalapit ako dito ay agad ko itong yinakap nang mahigpit, isang gawain ko tuwing may hihingin akong pabor sa kanya.


“Dorbs, sabihin mo sa akin kung nasaan si Alex, kailangan ko siyang makausap.” May bahid ng pasusumamo kong sinabi.


“Hindi ko maalala kong nasaan siya eh.” Alam kong hindi ito nagsasabi ng totoo base narin sa ngisi nito sa mga oras na iyon. “Pero kung kakain ka baka sakaling maalala ko.”


Sa sinabi nito ay napangisi na rin ako’t napatango at magkasabay kaming pumunta sa kusina. Lalo naman akong napangiti nang makitang adobo ang nakahandang pagkain sa lamesa. Doon ko napagtanto kung gaano ako kamahal ng kambal ko kahit pa man lagi itong asar-talo sa akin.


“Hindi porket ipinagluto mo ako nang paborito ko ay palalampasin ko na ang ginawa niyong pagtago kay Alex sa akin. Hindi biro ang ubusin ko ang lahat ng bar at restaurant sa lugar natin para lang mahanap siya.” Tampu-tampuhan kong sabi.


“Nasabi nga sa akin ni Laurence at Claude na dumaan ka raw sa Yolandas at hinanap si Alex doon.” Nakangisi nitong sabi.


“Remind me to kill those two along with your husband and his friends kapag naging okey na kami ni Alex.”


“Not because you’re a black belter ay di ka kakayanin ni Red ko.” Nangaasar naman nitong wika. “And how sure are you na patatawarin ka pa ni Alex?” May bahid ng panunubok nitong sinabi.


“Honestly, I’m not that sure but I will do everything just to win him over. Kung kinakailangan kong ligawan ulit ang malditang yon ay gagawin ko.”


“What if nauntog na siya?”


“Eh di i-uuntog ko ulit siya para mabalik ang pagmamahal niya sa akin.” Nakangisi kong tugon rito.


“How about Sonja, natapos mo na ba ang issue mo sa kanya? I don’t like the attitude of that girl mabuti naman at natauhan ka sa isang ‘yon.”


“Tinapos ko na ang lahat ng meron kami sa Manila pa. There’s no need for me to explain myself over and over. Alam na niyang hindi ko na siya mahal.”


“But I can see that she still wants you.”


“Yes, she wants me but she doesn’t love me.”


“How about Alex?”


“He’s attracted to me physically.”


“And?”


“But he’s different.” Nakangiti kong wika. Naalala ko kasi ang tagpo sa kwarto niya no’ng nasa baryo nila ako. “He can’t seem to control his attraction to my gifted body.” Sabay tawa ko nang malakas.


“Mas sabog ka pa yata kay Red.” Napapailing nitong sabi. “Darating sa Airport si Alex ngayong hapon galing Manila.”


“Anong ginawa niya sa Manila?” Kaya pala hindi ko ito mahagilap dahil sa Manila pala ito tinago nang mga kulugo.


“Siya ang pinaharap ni Red at Claude doon para sa bagong negosyo nang dalawa.”


“So hindi niyo tinanggal talaga si Alex?”


“Basically tinanggal na siya ni Red sa seventh bar at kung hindi mo siya mapapaamo, he will be transferred in Manila para hawakan ang bagong negosyo nila.”


“Walang hiya talaga ‘yang asawa mo, gusto talaga akong pahirapan.”


“Gumaganti lang si Red sa ginawa mo sa kanya noong palabasin mong nakipagtanan ako kay Niel.” Sabay tawa nito na para bang nangaasar lang. “Maligo kana Renzell Dave kung ayaw mong maunahan ka ni Red sa airport.”


“What the hell? Sabihin mong ako ang susundo kay Alex. Teka anong oras ba?”


“No, hindi ko sasabihin kay Red dahil magagalit yon na sinabi ko sayo ang totoo. And another no, hindi ko sasabihin kung anong oras darating ang eroplano ni Alex para mahirapan ka. Bagay lang yan sa ‘yo. Ha! Ha! Ha!”


Anak nang tupa! Kambal ko ba talaga ito?






Itutuloy: