Masasabi kong na drain ni Renzell Dave ang laman ng 2mb kong
utak sa chapter na ito mabuti nalang at may isang taong mabait (kuno) na
tululong at nagbigay sa akin ng ideya para madugtungan ko ang chapter na ito.
Hindi ko na talaga alam kanina ang gagawin ko dahil hindi ko mahanap sa utak ko
yung mga salitang gagamitin ko. WEW!!!!
Swiss – Salamat
ng marami sa ideya mo ah. Kung hindi dahil sayo hindi ko matatapos ang chapter
na ito ngayon. Tenk kyu!!!
Akalain niyong inabot ako nang 6am. Ito na ata ang
pinakamatagal na chapter na nagawa ko. Nagsimula akong mag-sulat mula 10pm at
ngayon ko lang siya natapos. Wahahaha mukhang dapat na nga ata talaga akong
huminto tinanggalan na ata ako ni Lord ng kakayahang mag-sulat o baka dahil
lang din sa maligalig na si Renzell Dave. Wahihihihi
Sana ay magustohan niyo ang Chapter na ito at sana rin ang
mga Anonymous at Silent Readers ko ay mag-pakilala na bago ko ma-i-post ang
last chapter nito. Huling dalawang chapter nalang guys at sa susunod na Chapter
niyo na malalaman kung mag-tatagumpay ba si Renzell Dave sa pakikibaka niya kay
Alexis o epic fail ang effort niya. Yan ang napapala nang mga taong maraming
issues sa buhay haha buti nga sa kanya. :D
DISCLAIMER: This story is
a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are
purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests
that in any use of this material that my rights are respected. Please do not
copy or use this story in any manner without my permission.
<hr color="grey" width="100%"
align="center"><!--more-->
“Dito siya
nakatira? Hindi halata ah.” Ang wika ni Brian nang nasa tapat na kami nang
bahay na tinutuluyan ni Alex.
Pinukol ko naman ito nang masamang tingin.
“I-zipper mo yang bibig mo kung ayaw mong dumugo yan.”
Pagbabanta ko dito na tinugon naman nito nang pag-muwestra nang pag-zipper nang
kanyang bibig. Talagang may sayad ang isang to at hindi na naging seryoso sa
buhay.
Parang hindi ka katulad
niya noh? Like is known by like kaya nga kayo mag-kaibigan at mag-kasundo kasi
pareho ang ugali niyo. Kontra agad ng maligalig kong isip. Tama nga naman
ito; ang magnanakaw ang tinging makakakilala sa kapwa magnanakaw.
“Katukin mo na para matapos na kalbaryo mo.” Wika nito nang
mapansin sigurong medyo nag-aalangan ako. “Dinadaga ka? Aba bago yan ah
dinadaga si Renzell Dave Nivera.”
“Wag kang mangasar Brian wala ako sa mood ngayon.” Asar kong
wika rito sabay pakawala nang isang malalim na buntong hininga.
Sasabihin kong dinadaga nga ako sa mga oras na iyon. Hindi
ko parin kasi alam kung ano ang unang sasabihin ko kay Alex. Marami akong bagay
na gustong sabihin at dahil sa sobrang dami ay tila di ko alam saan magsisimula
at kung paano ito umpisahan.
I’ve never been so sure in my life until i met Alex. Ang
dami kong hang ups, marami akong hindi alam sa mundo dahil sa nakatali ang isip
ko sa kambal at papa ko dahil noon ay tanging silang dalawa lang ang tanging
pinahahalagahan ko. But when i met Alex marami akong naranasang kakaiba sa
akin. Natuto akong matakot, natuto akong mag-alinlangan at higit sa lahat
natuto akong mag-mahal. Alex was the person who taught me to take my chances
and i want to take it with him kahit mali man iyon sa maraming tao ay gagawin
kong tama. Dahil iyon ang alam kong magpapasaya sa akin.
But how can I say all these things I have in mind kung ayaw
ako nitong kausapin. Papaano ko magagawang ipaalam sa kanya ang nararamdaman ko
if he won’t even give me a chance? Alam kong nasaktan ko siya at handa akong
mag-paliwanag sa kanya.
Nabalik lang ako mula sa malalim na pagiisip nang marinig ko
ang tatlong sunod-sunod na malalakas na katok ni Brian. Halos mag-kandaugaga
akong pigilan ito pero huli na ang lahat dahil bumukas na ang pinto at bumungad
sa amin ang mala demonyong anyo nang tiyahin nito. Naka-daster lang ito at nasa
buhok na naman nito ang mga kolorete na sa tingin ko ay para pangkulot ng
buhok.
Pinukol kami nitong nang tingin mula ulo hanggang paa at
nang siguro ay magustohan nito ang nakita ay ngumiti ito sa amin. Ngiting alam
mong may ibig sabihin o mas tamang sabihin na ngiting pagkakaperahan. Sadya nga
atang mukhang pera ang isang ito taliwas sa mama ni Alex na ubod ng bait.
“Ano ang kailangan niyo mga iho? Narito ba kayo para
mag-hanap ng mauupahang bahay? Three thousand ang bawat kwarto. Two months
deposit at one month advance.” Agad nitong wika di pa man kami nakakasagot sa
unang tanong nito.
Walang duda mukhang
pera nga ang isang to.
Nakita kong bahagyang napangiwi si Brian. Sino nga ba ang
hindi mapapangiwi sa presyo ng kwarto nito na sa tingin ko maski ang daga ay
mahihiyang tumira. The place is a total mess halos isang bagyo nalang ata eh
bibigay na ito. Isama mo pa ang lugar na squatters area na kahit ano mang oras
ay pwedi i-demolish ang mga bahay na nakatayo doon.
“We’re looking for Alex, dito ba siya nakatira?” Sabi ni
Brian alam kong sinadya nitong hindi na mag-paligoy-ligoy pa para makaalis na
sa lugar na iyon.
Mula sa pagkakangiti ay gumuhit ang galit sa mukha nang
matanda.
“Kaya ba kayo nandito at nang-istorbo sa ganitong oras ng
gabi para lang hanapin ang baklitang Alex na yon? Wala na siya dito, wala na
rin lang siyang trabaho kaya pinalayas ko na. Masyado nang maraming palamunin
sa bahay na ito para dumagdag pa siya.” Mataray nitong wika.
Hindi ko nagustuhan ang tabas ng dila nito kaya ako na ang
sumagot rito.
“Mabuti naman kung ganun, hindi naman talaga bagay sa isang
tao ang tumira sa bahay nyo. Ewan ko nga ba kung bakit may nagpapaloko sa inyong
umupa diyan eh.”
“Abat bastos ka ah!” Galit na galit nitong wika at nang
akmang mag-sasalita pa sana ito ay muli akong nagsalita.
“Matanong ko lang, may business permit ka ba sa pagpapaupa
mo rito? Ingat-ingat lang baka bukas pulis na ang kumatok sa pintuan nyo at hindi
mo kayanin ang mga kasong pweding isampa sa inyo ng gobyerno.”
Batid kong tinamaan ito sa mga sinabi ko dahil bumakas ang
pagpa-panic sa mukha nito. Hindi ata ito sanay na may mga taong may alam sa mga
ganoong bagay. Ikaw ba naman ang maging kambal ng isang napakagaling na abogado
kung hindi ka mahawa sa kapraningan nito pagdating sa mga batas at legalidad.
“Naku ale, hindi maganda ang tumatakas sa buwis, tiyak
makukulong ka niyan.” Gatong pa ni Brian na sinamahan pa nang isang
nakakagagong ngiti. “Tara na pare, wala na pala ang irog mo dito baka bumaho pa
mga kamay natin kapag nagtagal pa tayo.”
Umalis nga kami agad sa lugar na iyon. Napagdesisyunan
naming puntahan si Red at tanungin kung may alam ito tungkol sa bagong
tinutuluyan ni Alex. Hindi naman kasi agad ito uuwi nalang ng basta-basta lalo
pa’t alam kung ayaw na ayaw nitong maging pabigat sa mga magulang niya.
“Imbes na sayangin mo ang oras mo sa pag-iisip bakit hindi
mo subukang tawagan ulit?” Wika ni Brian. Ito ang nagmaneho nang sasakyan sa
mga oras na iyon.
Para naman ako puppet na sumunod dito ngunit sa muling
pagkakataon bigo na naman ako nakapatay parin ang cellpohone nito.
“You’re hopeless. Ganyan ba talaga ang mga taong nai-in love?
Buti hindi pa ako na in love nakakatakot pala. He! He!” Wika nito nang marinig
ang buntong hininga ko.
“Mag-drive ka na nga lang diyan!” Asik ko dito. “Bakit ba
kasi sinisante pa nang mga kumag na yon si Alex eh.” Paninisi ko sa mga ulupong
na dahilan kung bakit hindi ko ngayon mahanap si Alex.
“You can’t blame them. Negosyante ka rin di ba? Alam mong
kapag hindi na naging productive ang isang tauhan mo wala kang choice kung
hindi sisantehin ito kung ayaw mong maghirap. Hindi biro ang na invest ng mga
yon sa seventh bar at hindi rin biro ang posisyon ni Alex doon.”
May point naman ang ugok na to. Ganun na ba talaga ang
naging epekto ko kay Alex para masisante ito. Lalo lang tuloy nadadagdagan ang
guilt ko sa mga nangyari.
“Lintik namang buhay to!” Ang naiwika ko nalang sa sobrang
frustration.
<hr
color="pink" width="50%" align="center">
“Ay naku itong batang ito, anong nangyari dito sa kwarto
mo?” Wika ni nanay nang makita nito ang nagkalat na bote sa loob ng kwarto ko.
“Pakilinis nalang po nay.” Tinatamad kong wika sabay
padapang humiga sa kama.
Mag-iisang linggo na mula nang puntahan namin ni Brian si
Alex sa bahay ng tiyahin nito kung saan ito umuupa at hanggang ngayon hindi pa rin
kami nagkikita. Nang tanungin namin si Red kung alam nito kung saan ang bagong
tinutuluyan ni Alex ay hindi rin daw nito alam.
Halos araw-araw ko itong hinanap sa lahat ng pwedi nitong
puntahan o pag-apply-an ng trabaho mula sa mga bars sa lugar namin pati na sa
mga restaurants. Maski ang mall hindi ko pinalampas pero hindi ko talaga ito
mahanap.
Sumadya rin ako sa kanila nagbabakasakaling umuwi ito pero
maski ang mga magulang nito ay wala ring alam. Ni hindi nga alam ng mga ito na
wala na sa puder ng bayaw ko si Alex kaya para hindi mag-alala ang mga ito ay
sinabi ko nalang na galing lang ako sa kalapit na bayan para sa isang meeting
at naisipan kong dumaan doon para bisitahin sila. Mabuti nalang at bumenta ang
palusot kong iyon.
Sa loob ng isang linggo; pagsisisi, pagaalala at
pagkadismaya, ang lagi kong nararamdaman sa tuwing uuwi ako sa bahay na bigo sa
paghahanap sa kanya. Napunta lahat ng paninisi ko sa mga ulupong na kaibigan ng
pinsan at kambal ko dahil sa kung hindi sana nila tinanggal si Alex hindi sana
ako mahihirapan. Dahil doon ay hindi ako nagpakita sa mga ito, pati sa kambal
ko ay hindi ako nagpapakita o nakikipag-usap man lang.
Sa mga kaibigan ko naman tanging si Brian ang laging
sumasama sa akin kapag wala na itong masyadong ginagawa sa family business na
iniwan ng mga magulang nito sa kanya.
Who would have thought na sa simpleng pangasar ko noon sa
maldita, arogante at higit sa lahat mataray na Alex na iyon ay hahantong sa
ganito. I admit no’ng una hindi ko alam kong ano ang gagawin ko sa kakaibang
nararamdaman ko sa kanya. I tried to flirt with him maybe because it is my way
of denying the true feelings I have for him. Na-trigger niya ang pagiging
protective ko dahil sa nakita ko sa kanya ang kabaliktaran ko. Alex and I were
so different in many ways: kung ako ang malakas siya naman ang mahina, kung ako
ang mapang-asar siya naman itong ignorante.
Isa pa sigurong dahilan kung bakit pa umabot ang lahat ng
ito sa ganitong punto dahil natakot ako noon. I’ve never been so attached to anybody
except sa papa ko at sa kambal ko. Natakot ako sa nararamdaman ko to the point
na masyado akong naguluhan. Masyadong mabilis ang nangyari sa amin ni Alex at
lahat ng iyon ay bago sa akin. Natakot ako na baka hindi ko pa pala siya
tuluyang kilala at sa huli ay magkamali ako. It’s so easy to say na handa ka na
but once you got the chance to think about the thought of committing yourself,
nakakatakot pala.
Pero noong makita ko ulit si Alex doon ko napagtanto na
willing akong isugal ang lahat para lang sa kanya. Seeing him talking to his ex
made my mind cooperate with my heart. Doon ko napagtanto na mas takot pala
akong mawala siya sa akin, but it was already too late. Ngayon hindi ko na alam
kung saan ko siya hahanapin, halos nawawalan na ako ng pag-asa.
“Tumayo ka diyan!” Ang naramdaman kong malakas na pagyugyog
sa akin.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ulit ako. Ilang gabi
na rin na lagi akong kulang sa tulog sa sobrang pag-iisip kay Alex. Ayaw ko
mang aminin na karma na ata ito sa mga pinaggagagawa kong kalokohan noon.
Pupungas-pungas kong inaninag ang taong umistorbo sa
pagtulog ko and I saw Dorwin giving me a discomforted look.
“Anong nangyayari sayo Renzell Dave? Amoy beer ang buong
kwarto mo. Hindi mo sinasagot ang mga tawag ko at hindi mo rin daw tinatawagan
si papa.”
Imbes na sagutin ito ay muli lang akong dumapa sa kama sabay
takip ng unan sa ulo ko. Wala akong balak na kausapin ang kambal ko ganitong
inis na inis ako sa ginawa ng asawa nito’t mga kaibigan kay Alex.
“Kausapin mo ako nang matino Renzell Dave. Hindi na ako natutuwa
sa mga pinaggagagawa mo sa buhay mo. You’re in such a huge mess.”
Hindi pa rin ako sumagot sa kanya, rinig kong napabuntong
hininga na lang ito.
“Galit ka ba sa akin dahil sa tinanggal nila Red si Alex sa
bar at hindi ko sila pinigilan? Is this the reason why you are avoiding my
calls?” Naramdaman ko nalang ang paggalaw ng kama ko hudyat na umupo ito doon.
“I warned you about this Dave, hindi ganito kadali ang
relasyon na pinili mo. Naiintindihan ko kung bakit galit ka sa amin pero sana
rin intindihin mo na hindi lang naman dahil sa negosyo ang rason kung bakit
tinanggal ni Red si Alex. Alex needs time to think at hindi makakabuti sa kanya
kung mananatili pa siya sa bar.”
“So sinasabi mo ngayon na makakabuti ang ginawa niyo?” Bigla
kong sabat dito. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na sumagot ako kay Dorwin ng
pabalang na walang halong biro. “Alam niyong si Alex lang ang inaasahan ng mga
magulang at kapatid niya at alam niyo rin kung gaano kahalaga sa kanya ang
trabaho niya. How can you say na you just did what is best for him?”
“Don’t talk like kami ang mali rito Renzell Dave. It is you
who messed up his life.” May diin din nitong sagot.
“Mahal ko si Alex! Bakit ba ayaw mong paniwalaan yon?”
“Paano mo kami mapapaniwala kung ikaw mismo hindi ka
sigurado sa nararamdaman mo? You were hesitant before Dave. Hindi mo ba naisip
na baka iyan ang dahilan kung bakit mo nasaktan si Alex?”
“I broke up with Sonja. Isn’t it enough proof?”
“Hindi porket nakipaghiwalay ka sa girlfriend mo ay na prove
mo na, na mahal mo siya. You need to show some effort kung gusto mong
paniwalaan namin, ni Alex, yang nararamdaman mo. Hindi kami ang dapat mong
i-convince about that Dave, kung hindi si Alex. Ask yourself, ano na ang nagawa
mo para kay Alex to make him believe na mahal mo talaga siya?”
I was caught off-guard sa huling sinabi nito. Ano na nga ba
ang nagawa ko para mapatunayan ko sa kanya ang nararamdaman ko. We just simply
kissed and I promised him na hihintayin ko ang pagbabalik niya. Pero alam kong
para sa kanya hindi ko natupad ang pangakong iyon nang makita nito kami ni
Sonja na magkasama.
“Hindi mo sinadya pero nasaktan mo siya. Pina-asa mo si
Alex, pinangakuan, at lahat ng iyon ay pinaniwalaan niya … the very reason why
he got hurt. He felt betrayed.”
“Pero mahal ko siya Dorbs.” Sa mga reyalisasyong iyon nakita
ko ang pagkakamali ko. I was the person to blame sa lahat ng nangyari. Hindi ko
dapat isinisi sa kanila ang mga kamalian ko.
Oo, hindi ko pa nasabi kay Alex ang tunay kong nararamdaman
sa kanya at iyon ang malaking pagkakamali ko. Ang lakas ng apog kong sabihin sa
sarili ko na mahal ko siya kahit noong hindi ko pa talaga alam ang ibig sabihin
ng pagmamahal. Ang tunay na pagmamahal ay hindi lang dahil sa gusto mo ang
isang tao o may nararamdaman kang kakaiba sa kanya. Kailangan mo ring matutunan
na ipaglaban ang pagmamahal na iyon. You have to learn how to overcome your
fears, take the risk and to take chances. Kapag natutunan mo na ang lahat ng
iyon that’s the time na pwedi mo nang sabihin na nagmamahal ka. Being in love
is not just enjoying the feeling and notion of being in love but being with the
other, having the responsibility and the sense of accountability for the other
because you love the person.
Mataman akong tiningnan ni Dorwin as if he was reading
what’s on my mind. Nang sumilay ang ngiti sa mga mata nito alam ko nang
naniniwala na ito sa mga sinabi ko.
“Kung sigurado ka na talaga diyan prove it to him.” Wika
nito sabay tayo at tuluyan ng lumabas ng kwarto.
Naiwan naman akong napatunganga.
How am I going to prove
it kung hindi ko siya mahanap? Sa naisip, ay doon lang nagsink-in sa akin
ang lahat.
Agad akong napatayo sa kama at patakbong lumabas ng kwarto.
Alam kong alam nila Dorwin at ng ibang ulupong kong nasaan si Alex.
Naabutan ko si Dorwin na patungong kusina nang makalapit ako
dito ay agad ko itong yinakap nang mahigpit, isang gawain ko tuwing may
hihingin akong pabor sa kanya.
“Dorbs, sabihin mo sa akin kung nasaan si Alex, kailangan ko
siyang makausap.” May bahid ng pasusumamo kong sinabi.
“Hindi ko maalala kong nasaan siya eh.” Alam kong hindi ito
nagsasabi ng totoo base narin sa ngisi nito sa mga oras na iyon. “Pero kung
kakain ka baka sakaling maalala ko.”
Sa sinabi nito ay napangisi na rin ako’t napatango at magkasabay
kaming pumunta sa kusina. Lalo naman akong napangiti nang makitang adobo ang
nakahandang pagkain sa lamesa. Doon ko napagtanto kung gaano ako kamahal ng
kambal ko kahit pa man lagi itong asar-talo sa akin.
“Hindi porket ipinagluto mo ako nang paborito ko ay
palalampasin ko na ang ginawa niyong pagtago kay Alex sa akin. Hindi biro ang
ubusin ko ang lahat ng bar at restaurant sa lugar natin para lang mahanap
siya.” Tampu-tampuhan kong sabi.
“Nasabi nga sa akin ni Laurence at Claude na dumaan ka raw
sa Yolandas at hinanap si Alex doon.” Nakangisi nitong sabi.
“Remind me to kill those two along with your husband and his
friends kapag naging okey na kami ni Alex.”
“Not because you’re a black belter ay di ka kakayanin ni Red
ko.” Nangaasar naman nitong wika. “And how sure are you na patatawarin ka pa ni
Alex?” May bahid ng panunubok nitong sinabi.
“Honestly, I’m not that sure but I will do everything just
to win him over. Kung kinakailangan kong ligawan ulit ang malditang yon ay
gagawin ko.”
“What if nauntog na siya?”
“Eh di i-uuntog ko ulit siya para mabalik ang pagmamahal
niya sa akin.” Nakangisi kong tugon rito.
“How about Sonja, natapos mo na ba ang issue mo sa kanya? I
don’t like the attitude of that girl mabuti naman at natauhan ka sa isang ‘yon.”
“Tinapos ko na ang lahat ng meron kami sa Manila pa. There’s
no need for me to explain myself over and over. Alam na niyang hindi ko na siya
mahal.”
“But I can see that she still wants you.”
“Yes, she wants me but she doesn’t love me.”
“How about Alex?”
“He’s attracted to me physically.”
“And?”
“But he’s different.” Nakangiti kong wika. Naalala ko kasi
ang tagpo sa kwarto niya no’ng nasa baryo nila ako. “He can’t seem to control
his attraction to my gifted body.” Sabay tawa ko nang malakas.
“Mas sabog ka pa yata kay Red.” Napapailing nitong sabi. “Darating
sa Airport si Alex ngayong hapon galing Manila.”
“Anong ginawa niya sa Manila?” Kaya pala hindi ko ito
mahagilap dahil sa Manila pala ito tinago nang mga kulugo.
“Siya ang pinaharap ni Red at Claude doon para sa bagong
negosyo nang dalawa.”
“So hindi niyo tinanggal talaga si Alex?”
“Basically tinanggal na siya ni Red sa seventh bar at kung
hindi mo siya mapapaamo, he will be transferred in Manila para hawakan ang
bagong negosyo nila.”
“Walang hiya talaga ‘yang asawa mo, gusto talaga akong
pahirapan.”
“Gumaganti lang si Red sa ginawa mo sa kanya noong palabasin
mong nakipagtanan ako kay Niel.” Sabay tawa nito na para bang nangaasar lang.
“Maligo kana Renzell Dave kung ayaw mong maunahan ka ni Red sa airport.”
“What the hell? Sabihin mong ako ang susundo kay Alex. Teka
anong oras ba?”
“No, hindi ko sasabihin kay Red dahil magagalit yon na
sinabi ko sayo ang totoo. And another no, hindi ko sasabihin kung anong oras
darating ang eroplano ni Alex para mahirapan ka. Bagay lang yan sa ‘yo. Ha! Ha!
Ha!”
Anak nang tupa! Kambal
ko ba talaga ito?
Itutuloy:
No comments:
Post a Comment