Nagbabalik ang author na walang ginawa kungdi ubusin ang oras
kakahanap ng inspirasyon para magtuloy- tuloy ang storya ni Ken.
Nagpapasalamat po ako sa mga bumubuo ng MNB Facebook page at kay
Onichan Kenji dahil isa sya sa mga nagbigay sa akin ng inspirasyon para gawin
ang mga storya ko.
Salamat din po sa walang sawang nagbabasa ng aking story!
Especially kila:
Ginno, Angel Marco Menor Aka Marc of K.S.A., Monty, Marshy,
Franklin Aviola, Kiero 143,
Zenki of Kuwait, Mark 5337, Sinbad, Frostking, robert_medoza.
Anita baker, JD Javra, eunchi, diumar, curious19, Hiya!, Caranchou,
nathanielgarcia, Paopi Lopez, JayAR, toff, Weil libog, Ryval at sa mga
Annonymous at Silent Readers!
Kayo po ang aking dahilan para magkaroon ng inspirasyon! :)
(Pwede po kayong mag suggest and comment para mapaganda pa ang
story!)
Enjoy Reading Guys!
Hindi
na lang kami umimik ng ilang oras kaya pumasok muna ako at binuksan ang player
ko.
[Kung
ako ba sya: Khalil Ramos]
Napansin
kong tumingin sya sa akin at ngumiti lang ako.
“Alam
mo hindi ko alam kung bakit nagustuhan kita!” sabi nito sa akin at tumingala
ako.
“Palabiro
ka talaga Argel!” sabi ko sa kanya at napakamot ito ng ulo.
“Ano
ito date?!” sabi ng isang boses na biglang sumulpot sa aking likuran.
Isang
pamilyar na boses na biglang napangiti ako, dahil matagal ko na syang hindi
nababalitaan.
“Tito
Jed?” sabi ko at tumingin ako sa likuran ko at nakita ko nga siya kasama si
Tita Lyn na dala ang mga tray.
Tumayo
ako at nagtatakbo papunta sa kanya at niyakap sya.
“Oh
teka lang chill! Matatapon ang pagkain nyo oh!” sabi nito sa akin at kumalas
ako.
Nakita
kong nakangiti si Tita Lyn at hinalikan ko sya sa pisngi.
Binaba
na nya ang pagkain sa lamesa at pinaupo ko sila sa tabi ni Argel.
“Kamusta
na ang alaga ko?” biro ni Tita Lyn sa akin at ngumiti ako.
“Nakita
mo naman tita! Mas matangkad na ako sayo!” sabi ko sa kanya at tumawa ito sa
akin.
“Ay
nako! Matangkad nga! Pero antukin pa din!” sabi ni Tito Jed at natawa naman si
Argel.
“Syota
mo ba?” sabi ni Tita Lyn sa akin at nanlaki ang mga mata ko.
“Hindi
po! Magkaibigan lang po kami!” singit ni Argel para depensahan ako.
Napangiti
lang ako sa sinabi ni Argel at tumingin naman ako kay Tito Jed.
“Kaibigan?
WEH!” sabi ni Tito Jed at natawa naman si Tita Lyn sa sinabi ni tito.
“Last
time sabi nyo ni Troy ay magkaibigan!” sabi ni tita Lyn at natamaan ako dun sa
sinabi nya, kaya hindi na ako nakapagsalita.
“Ano
brad? Manliligaw ka ba ng pamangkin ko?” sabi ni tito Jed at napakamot ng ulo
lang si Argel.
“Ahh...
Kasi po...” sabi ni Argel na parang nahihirapang magsalita sa tito at tita ko.
“Sabihin
mo na para matulungan ka namin!” biro ni tita Lyn at natawa naman si Argel.
“Oh!
Natawa! Confirm!! Manliligaw ka nga ng pamangkin ko!” sabi ni tito Jed at
tumango na lang ito.
Tumingin
lang ako sa kanila at ngumiti, nakita kong inakbayan nya si Argel at may
binulong.
“Pwedeng
mamaya na lang yan?” putol ni tita Lyn at tumingin sa aming dalawa.
“Ay
sige pamangkin! Dito kami matutulog eh! nakilala ko na din si Jiro! Mas makulit
sayo! Nako kailangan bumawi sa kanya!” sabi ni tito at sinara na nya ang
pintuan ng kwarto ko.
“Sorry
sa tito at tita ko ah!” sabi ko sa kanya at ngumiti ito sa akin.
“Wala
yun!” sabi nito at tumingin sya sa akin.
“Ano
binulong sayo ni tito?” sabi ko na biglang naalala kong binulungan sya kanina.
“Ahh
yun ba! Wala yun! Wag mong intindihin!” sabi nito sa akin at binigay ang kanin
sa akin.
Nakita
ko sila kuya Kino, Jiro at tito ay lumabas at pumunta ng garden, at naglatag ng
carpet para humiga sila.
“Kayo
talaga!” bulong ko sa aking sarili.
“Ano?”
sabi ni Argel habang nakain kami.
“Ahh
wala yun!” sabi ko na lang at nagpatuloy kami sa pagkain.
“Ang
sarap talaga kapag si tita ang nagluluto!” sabi nito nang matapos na kaming
kumain at niligpit na ang aming pinagkainan.
“Bolero
ka talaga!” sabi ko sa kanya at tumawa naman ito.
Binuhat
na namin ang tray ng pinagkainan namin at bumaba na para ilagay sa kusina at
nakita namin sila mommy at daddy na nanonood ng TV.
“Oh
anak! Argel!” sabi nila at tumayo si daddy sa kanyang kinauupuan.
“Tumawag
ka na ba sa bahay nyo?” sabi ni daddy kay Argel at umiling ito.
“Tawagan
mo muna!” sabi nya at binigay ang phone nito kay Argel.
“Salamat
sa pagsundo kay Ken!” sabi ni mommy at ngumiti lang si Argel.
Kinuha
ni daddy ang tray at sumabay na sa akin papuntang kusina para ibaba ang mga
pinagkainan namin.
“Ken?”
sabi ni daddy at napatingin naman ako sa kanya.
“Yes
dad!” sabi ko at sumandal ako sa countertop.
“Ano
na bang nararamdaman mo kay Argel? And bakit hindi ko na napapansin si Ace?”
sabi ni dad at ngumiti lang ako.
“I
dunno kay Ace, hindi ko na din po sya nakikita sa school eh, yung kay Argel
naman siguro dad kapag nangyari ang mga signs!” sabi ko kay dad at napailing
ito sa akin.
“Hay
nako! Akala ko ba wala nang Troy?” sabi ni daddy sa akin at napatingin lang ako
sa kanya.
“Dad,
hindi ko mapigilan eh, and besides Troy was my last! Kaya hindi mo ako masisisi
na hanapin yun sa isang tao.” Sabi ko kay daddy at binigay nya ang isang baso
ng gatas sa akin.
Nilapag
ko muna ang baso at umupo sa may countertop, kumuha naman si daddy ng upuan at
umupo sa may harapan ko.
“Alam
kong I have no rights para sabihan kita kung anong nararamdaman mo and ayoko
kasing masaktan ka, kung magkaibigan kayo okay lang! pero kung magiging kayo, mahirap
yan!” sabi ni daddy at napatigil ako sa paginom ng gatas.
“Daddy
I have an idea!” sabi ko sa kanya at tumingin lang ito sa akin.
“Oh
ano naman ang idea mo?!” sabi ni daddy sa akin at binaliktad ang upuan na
parang maangas ang kinakausap ko.
“Para
hindi ka mag isip ng malalim dyan, why don’t you be strict on them?” sabi ko sa
kanya at napatingin lang ito sa akin.
“What
do you mean strict on them?” sabi ni daddy sa akin at inubos ko ang gatas.
“Para
makilala mo si Argel at Ace, try to know them! Mag bonding kayo! Isama mo sila
kuya Kino, Jiro, at tito Jed! Tapos gisahin mo sila!” sabi ko kay daddy at
natawa naman ito sa sinabi ko.
“Alam
mo kakaiba yang plano mo, siguro sa influence na din ng entertainment yan sayo!
Pero you have a point there! Good suggestion!” sabi ni daddy at bumaba na ako
sa countertop at inakbayan nya ako sa balikat habang pabalik na kami ng sala.
Nang
makabalik ako ng sala ay nagpaalam na si Argel kaya hinatid ko ito sa may gate.
“So
see you tomorrow?” sabi niya sa akin.
“Yeah!
See you!” sabi ko lang at ngumiti ako sa kanya.
Lumabas
na sya ng gate at pumasok na sa sasakyan nya, binuksan nya ang sasakyan at
kumaway.
Sinara
ko ang gate at tumuloy na sa aking kwarto para mag aral, nilapag ko ang phone
ko sa kama para walang sagabal sa pag aaral ko.
Naririnig
kong nagkukulitan pa rin sila tito Jed sa garden at napapangiti ako kapag
naririnig ko ang tawa nila.
Nang
nakaramdam ako ng antok ay agad na akong nagpalit ng pantulog at agad nang
humiga sa aking kama at hindi ko na nabasa ang mga text sa akin.
Nagising
ako dahil sa aking phone na tumutunog paulit ulit, kaya sinagot ko ito.
“Good
morning!” bati ko sa kabilang linya.
“How
are you?” sabi nito sa akin.
“Kakagising
lang... ikaw?” sabi ko lang sa kanya.
“I
miss you so bad!” sabi nito sa akin na nagpagising ng buo kong sistema.
Tinignan
ko ang caller id nito at nakita ko na si Ace ang natawag.
“Oh
Ace bakit hindi kita nakikita sa school?” sabi ko sa kanya.
“Ah
kasi nag home study na lang ako! Pero mamaya pupunta ako dahil laban mo eh!”
sabi nito sa akin at napangiti ako sa sinabi nya.
“Ikaw
talaga! pero alam mo bang kahit isang araw kang hindi nagparamdam sa akin after
ng pag amin mo sa akin, namimiss ko din ang kakulitan mo!” sabi ko sa kanya at
pakiramdam ko na napaupo sya sa tuwa.
“Weh?
eh di sasagutin mo na tanong ko sayo?” sabi nito sa akin.
“Anong
tanong?” biro ko sa kanya at tinignan ang oras.
Hindi
na nakapagsalita si Ace at nakita ko ang oras kaya nagmadali na akong tumayo.
“Ace,
opening kasi ng laban eh! so kailangan kong magmadali na! call time namin ay 6
am eh!” sabi ko sa kanya at sumagot lang ito at saka binaba ang phone.
Tinawag
ko si ate Lea para ayusin ang mga gamit ko para sa opening ng inter school at
mga gamit ko din para kapag wala akong laban ay makakapasok ako.
“Oh
heto na Ken ang mga gamit mo!” sabi ni ate Lea nang makalabas ako ng CR.
“Salamat
ate!” sabi ko sa kanya at lumabas na ito.
Habang
dala dala ko ang aking gamit ay nakita ko
sila kuya Kino at Daddy na nakain kaya nakisabay na ako sa kanila.
“Oh
may regalo kami sayo!” sabi ni daddy at binigay ang isang maliit na box.
“Whoa!”
sabi ko na lang at nakita ko sa loob ng box ay isang susi ng sasakyan.
“Nasa
carpark ang first car mo!” sabi ni kuya Kino sa akin at nagmadali na akong kumain
at tumakbo papunta sa carpark namin.
Nakita
ko ang bagong sasakyan ko, at kulay dark blue sya na gustong gusto ko.
“Oh
automatic yan! For beginner like you!” sabi ni daddy at niyakap ko siya.
“Para
hindi ka na ihahatid sa school!” biro sa akin ni kuya at niyakap ko din sya.
Pinalagay
ko na ang mga gamit ko sa sasakyan ko at nakita kong pababa na sila lola at
Jiro para magbukas ng flower shop.
“Good
morning kuya!” sabi nito sa akin at yumakap sya sa akin.
“Morning
din!” sabi ko lang sa kanya at umupo sya sa tapat ko.
“So
nakuha mo na ang surprise ni daddy sayo?” sabi nito sa akin.
“Alam
mo din yun?” sabi ko lang sa kanya at tumango lang ito.
“Jiro
diba sabi ko sa iyo na tutulong ako sa pagtitinda!” singit ni tito Jed na nasa
likuran ko na pala.
“Oh
ano brad! Papasok ka na?” sabi nya sa akin nang tignan nya ako.
“Opening
kasi ng inter school!” sabi ko sa kanya at nakita ko ang pag aalala nito sa
akin.
“Don’t
worry tito! I know when to stop!” sabi ko sa kanya at umupo na sya sa tabi ni
lola.
“Are
you sure?” sabi nito sa akin pagsisiguro na ayos lang ako.
“Yeah
tito! Okay lang po ako!” sabi ko sa kanya at binigyan ko sya ng isang malaking
ngiti.
Tumingin
ako sa orasan at nakita kong 5:30 na ng umaga kaya nagpunta ako sa CR at
nagsipilyo, pagkatapos kong magsipilyo ay bumaba na ako at nakita ko sila daddy
na papaalis kaya tinawag ko muna sila.
“Daddy,
convoy mo naman ako!” sabi ko sa kanya at ngumiti ito sa akin.
Actually
marunong naman akong mag drive kaya nga lang sa automatic ako sanay kaysa sa
manual transmission, at nang makalabas na kami sa subdivision ay agad na
tinuruan ako ni daddy kung saan ang mga shortcut papunta sa school ko, at ang
mga lilikuan para hindi ako mawala.
“Oh
anak, after this corner ikaw sa left ako naman sa right okay!” sabi ni daddy sa
phone at sumagot ako pag sang ayon sa sinabi nya sa akin.
Nang
makapunta na kami sa corner ay agad na nag signal si daddy na sa kanan na sya
kaya ako naman ay nagsignal din sa kaliwa ang daan ko, at dumerecho lang ako at
nakita ko na ang gate ng school, hinarang ako ng guard at nang maibaba ko ang
window ay pinapasok nila ako sa carpark ng campus.
Pagkababa
ko ay biglang may kumuha ng gamit ko na kinagulat ko naman.
“Argel!...
Ace!” sabi ko nang makita ko ang dalawa na magkasama.
“Nice
may sasakyan na si Ken!” biro ni Ace sa akin at nakita ko ang pagbabago nya
kahit isang araw lang ang hindi namin pagkikita.
“Regalo
nila daddy sa akin!” sabi ko sa kanila at nakita kong ngumiti sila pareho.
“Tara
na baka ma late ka pa sa meeting nyo!” sabi ni Argel habang dala nya ang isa
kong bag na puro gamit ko.
Habang
naglalakad kami ay napapansin ko ang mga estudyante sa campus ay
pinagtitinginan kami, dahil ako lang ang obvious na walang dala at sila Ace at
Argel ayun! Sila ang nagdala ng mga gamit ko.
“Heto
na oh!” sabi ni Ace nang marating namin ang tennis court.
“Good
morning sir Ace!” sabi ni Vhin na pinagtaka ko naman.
“Good
morning din Captain Vhin!” sabi ni Ace at tumingin naman ako sa magkapatid.
Ngumiti
lang si Ace at si Argel ay nakita kong naging seryoso ang mukha.
“Oh
what time ka sa inyo?” tanong ko kay Argel at biglang binagsak nya ang mga
gamit ko na parang napakagaan lang at nainis ako sa mga kinikilos nya ngayon.
Nakita
kong naglalakad ito papalayo sa akin at papunta na ng court.
“See
yah later Ken!” sabi sa akin ni Ace at umalis na din ito kaya kinuha ko ang mga
gamit ko at pumunta na sa loob ng quarters namin para ilagay ang mga gamit ko
sa locker.
“Kakilala
mo pala yung magkapatid!” sabi ko kay Vhin at tumingin lang ito sa akin.
“Captain
ng basketball team si Argel at Chief naman ng School paper si Ace, so sinong
hindi makakakilala sa kanila? Maraming nahanga sa magkapatid lalo na kapag sa
competition kasi sila ang nakakahakot ng mga awards!” sabi ni Vhin sa akin habang
sinusuot ko ang aking uniform at university jacket na binigay nila sa akin.
“Ah!
Ganun ba? Siguro almost lahat ng players ng bawat school ready na?” sabi ko sa
kanya at natawa naman ito sa akin.
“Kinakabahan
ka ba? Nako wag kang mag alala si Lenny ang kasama mo kaya walang talo kayo!”
sabi ni Vhin sa akin at ngumiti lang ako.
Naglakad
na kami papunta sa court kung saan hinihintay na ako ni Lenny para mag warm up
kami.
“Oh
opening game pa lang ito, kaya wag kayong magpapatalo okay!” payo sa amin ni coach
at tumango lang kaming dalawa.
Nag
match up kami ni Lenny sa isang one on one para malaman ng partner ko ang aking
kahinaan, nang matapos na namin ang warm up drill ay agad na kaming bumalik sa
bench at nagpahinga ng saglit.
“Galing
mo pala!” sabi sa akin ni Lenny at napakamot lang ako ng ulo.
“Hindi
ah! Mas magaling ka kaysa sa akin!” biro ko sa kanya at hinampas naman nya ako
sa aking balikat at sabay natawa sa aming ginawa.
“Guys
start na ang ceremony in 10 minutes! Hinihintay na tayo sa gym!” sigaw sa amin
ni marty na isang senior player ng team namin.
Nagbihis
na kami ng aming jacket at nilagay muna ang mga gamit namin sa loob ng office
at sumabay na sa aming mga seniors.
Nang
makarating na kami ay nakita kong hindi kami pumasok sa loob ng gym, at sinabi
sa amin na hintayin ang pagtawag ng school namin para lumabas ang bawat team.
“My
god! I miss this adrenaline rush!” sabi ni Vhin at nakaramdam din ako ng
kakaibang excitement na parang naglalabasan ang energy ko sa buong katawan.
“Now
here’s the last years over all champion and this years host for the 2012 inter
school competition!” sabi ng announcer at pinag ready na kami.
“Now
give it up for the University of St. Michael!” sigaw ng announcer ulit at
narinig ko ang ingay sa loob ng gym.
Lumabas
muna nag basketball team, sumunod ang volleyball, swimming, badminton at ang
team namin ang huling lumabas.
Nang
makalabas na kami ay nakita ko ang daming taong nanonood, parang hindi
mahulugan ng karayom ang dami nito at dun na ako humanga dahil nakapasok ako as
regulars at makakapaglaro ako.
Nang
tumayo na kami sa gitna ay biglang narinig ko ang ingay at nakita ko ang banner
na nakasulat ang pangalan ko dun, nakita yun ni Lenny at Vhin kaya kinalabit
nila ako.
“Aba!
Hindi ka pa naglalaro may fans ka na!” biro sa akin ni Vhin at siniko ko sya ng
mahina at natawa naman sila sa akin.
Natapos
ang ceremony at bumalik na kami sa aming office para gumawa ng isang game plan.
“Alright!
Ken and Lenny kayo ang first game sa doubles! Vhin sa singles, Tony ang Izza
kasunod kila ken, Macky singles after Vhin! Yun lang muna and the plan is to
get this para hindi tayo madehado sa susunod na laban!” sabi ni coach sa amin
at nagtaas ako ng kamay.
“Questions?”
sabi ni coach at tumayo ako sa aking pagkakaupo.
“So,
ilang panalo dapat para makasama sa semi finals?” sabi ko at umupo agad ako.
“Well,
kailangan standards as usual! No loose!” sabi ni coach at nabuhayan ng dugo ang
buo naming team.
Tumayo
na kami ni Lenny nang marinig na namin na tinatawag na ang mga kasali sa first
game, kaya sumama sila sa amin papuntang court.
“Ken,
ganito ang plano, switching lang ang synchronisation natin para malito ang
kalaban kung sino ang mag re-receive ng bola okay ba yun?” sabi ni Lenny at
tumango lang ako pag sang ayon sa kanyang plano.
“And
if all fails ako na ang bahalang gumawa ng quick plan okay” sabi ko sa kanya at
tumango din ito.
Narating
namin ang tennis court at nakita ko ang mga kaibigan ko ay nakaupo na sa may
bench at sinisigaw ang pangalan ko, kumaway ako sa kanila at nagpalakpakan
naman sila.
“Okay
guys! Kayo ang unang lalaban, kaya ayokong matalo dito okay!” sabi ni coach at
tumango lang kami ni Lenny.
Umupo
na si coach sa bench kung saan nakalagay na ang mga jacket namin at gamit.
Nag
toss coin muna kaya pinaubaya ko yun kay Lenny dahil hindi ako swerte sa mga
ganyang bagay.
“Tail!
St. Michael’s ball!” sabi ng referee at ako na ang pumuwesto sa service area
para abangan ang mga long ball ng kalaban.
Pumito
na ang referee at nag swing na kami, hindi ko na-control ang paghampas kaya
muntik na itong lumabas, napatingin ako kay coach at nag thumbs up na ibig
sabihin na ipagpatuloy ko ang ginagawa ko.
“Control
lang! para may thrill!” biro sa akin ni Lenny at napangiti ako.
“15-
love!” sigaw ng referee dahil inside ang call ng umpire sa service ko.
Pumito
ulit ang referee at nag swing ulit ako, nagyon ay na- control ko na ang
paghampas kaya nasalo ito ng kalaban namin, gumawa sya ng long ball kaya
hinabol ko ito at hinampas para papuntahin lang sa malapit sa net dahil nakita
kong nasa malayo ang isang kakampi nya sa net.
“30-
love!” sigaw ng referee at naghiyawan ang mga schoolmates ko, kahit na
naririnig ko ang hiyawan nila ay focus pa din kami ni Lenny dahil ayaw namin
masira ang concentration namin.
Si
Lenny na ang tumira at nang marinig ko ang pito ng referee ay agad na akong
pumuwesto sa may harapan para mag abang kung may short ball na papasok sa aming
depensa.
Nang
makita ko ang bola na pabalik na sa amin ay tumingin ako kay Lenny at tumango
lang ito sa akin, kaya tinalon ko ito at nag smash! Tumama ang bola sa net at
pumasok sa kalaban kaya nagtayuan ang mga ka school mate ko at naghihiyawan.
“Whoo!
Galing mo talaga Ken!” sabi ng isang babae na kaklase namin sa isang subject.
“Yoshihara!!!”
cheer ng ibang estudyante sa amin at napatingin lang ako kay Lenny at ngumiti
lang ito sa akin.
“40-
love!” sabi ng referee at isang tira na lang ay panalo na ang first game namin.
Pumunta
sa kabila si Lenny para sa kanyang serve, nang pumito na ang referee ay agad na
recieve ng kalaban ang bola at nag long ball ito, nakita ko si Lenny na
hinahabol ito dahil papasok yun, at nahampas nya pabalik sa aming kalaban,
naging mahaba ang rally na yun dahil sa pinapakita nilang husay kahit first
game pa lang yun.
“60-
love! Change court!” sabi ng referee nang tawagin ng umpire na out ang ginawang
smash ng kalaban namin.
Bumalik
kami sa bench at umupo muna para sa isang briefing ni coach.
“Ken
ikaw ang second service palit kayo ni Lenny, bantayan nyo ang isa’t isa okay?!”
sabi ni coach at tumango lang kami dahil nainom kami ng tubig.
Pumito
na ang referee at bumalik kami sa court, inayos ko na ang aking sapatos at
nagsimula na ang laban.
“Love-15!”
sigaw ng referee at hindi namin inaasahan ang serve ng kalaban namin.
“Paganahin
nyo ung plano!” sigaw ng coach ng kalaban namin at napatingin kami sa isa’t isa
ni Lenny, tumango lang ito para sa plano namin at ngumiti lang ako sa pag sang
ayon.
Nag
serve ulit ang kalaban namin at nag switch kami, nagpunta ako para sa long ball
at si Lenny ay nag punta sa pwesto ko, nabigla ang lahat kahit ang coach namin
dahil hindi nya alam ang gameplan namin.
To Be Continue...
Next Chapter Teaser:
Para bang laro ang laban ni Ace at Argel sa puso ni Ken?
O talagang hindi pa nakakapag decide si Ken sa dalawang nagpapasiklabang magkapatid?
Abangan!
No comments:
Post a Comment