Ito na po ang kasunod na chapter ng 9 Mornings. Sana hindi
kayo malito sa chapter na ito.
Balik na naman ako sa mga pasasalamatan ko.
RSTJR029, Dhenxo, Edrich, R3b3l^+ion, Ross Magno,
Beucharist, Tam, Dada, at Ram. Salamat din sa mga Anonymous at Silent Readers.
DISCLAIMER: This story
is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works
are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and
requests that in any use of this material that my rights are respected. Please
do not copy or use this story in any manner without my permission.
Sa nang yaring iyon ay araw-araw na
akong laging binabagabag. Gusto kong magalit sa kanya sa ginawa nyang
pangtritrip sa akin inisip ko na sumobra na ito ngunit kalahati naman ng puso
ko ay nagustohan ang ginawa nya.
Hindi ko sinabi sa aking pinsan ang nangyari sa amin ng
kaibigan ng boyfriend nya kinimkim ko lang ito. Mula din noon ay iniwasan ko na
talaga ang pagtatagpo namin ng landas ni Claude maski ang pinsan ko ay dinamay
ko na dahil alam ko naman na tropa ng boyfriend nito ang taong ayaw kong makita
at makausap. Alam kong nagtatampo na sa akin si Ralf pero pinanindigan ko ang
desisyon kong umiwas kay Claude.
“Laurence, let’s
talk.” Ang biglang sabi ni Claude nang ma corner ako nito sa CR. Nagpalinga
linga ako para makahanap matatakasan pero wala, nagiisa lang ang pinto nang CR
namin sa campus.
“Bakit mo pa ako
iniiwasan?” May pagtatampo nitong sabi.
Nangunot ang kilay ko
sa sinabi nito. Hindi ko makuha kong ano ang gustong palabasin nya sa tanong
nya na para bang close na close kami at parang wala lang nangyari sa amin nung
birthday ni Anna.
“H-hindi kita
iniiwasan.” Ang kinakabahan kong naisatinig.
“Sinungaling!” May
kalakasan nitong sabi.
Napaatras ako nang
bahagya na isa palang malaking pagkakamali dahil napasandal ako sa dingding.
Lumapit pa ito lalo sa akin at iniharang ang magkabila nyang kamay para hindi
ako makaiwas.
Nag salubong ang aming
tingin.
“Kung hindi mo ako
talaga iniiwasan sasama ka sa akin.” May paghamon nitong sabi sa akin.
Sobra ang kabog nang
dibdib ko dahil naamoy ko ang mabango nitong hininga. Para akong nahihipnotismo
sa kanyang mga titig sa akin. Namalayan ko nalang na napapatango na ako.
“Good. Let’s go.”
Sabay hatak nito sa akin.
Hindi ko alam kung
saan ako dadalhin ni Claude tahimik lang kaming dalawa habang nasaloob ng kanyang
sasakyan. Akala ko malapit lang ang
pupuntahan namin pero magiisang oras na kaming
nagbyabyahe kaya naman napilitin na akong tanungin sya.
“S-saan tayo pupunta?”
Kinakabahan ko pa ring sabi.
“Somewhere more
private.”
“Pero…”
“Wala nang pero pero.”
Pagputol nito sa sasabihin ko.
Pinili ko nalang
manahimik dahil alam ko naman na kahit anong gawin ko wala na rin akong
magagawa. Bahala na. Siguro mag uusap lang naman kami. Pampalubang loob kong
sabi sa aking sarili.
Namangha ako sa lugar
na pinuntahan namin napaka ganda nito hindi ko alam na mahilig pala si Claude
sa mga lugar na tulad nang nakikita ko ngayon.
“So, how’s the place?”
Nakangiti nitong tanong sa akin nang makababa kami sa kanyang sasakyan.
“O-okey lang.” Matipid
kong sagot. Alam kong malaking pagkakamali ang pagsama ko sa kanya di ko alam
kung bakit hindi ko matangihan itong gagong to.
“Paborito namin tong
puntahan nina Mike tuwing masyado kaming pressured sa mga projects namin alam
mo naman mga engineers.” Presko nitong sabi.
“Yabang.” Pabolong
kong sabi.
“May sinasabi ka?”
Nakataas nitong kilay na sabi.
“Wala!”
“Alam mo ikaw hindi
kita maintindihan kong ano ba tumatakbo dyan sa kokote mo napaka unpredictable
mo.” Sabi nito.
“Sinabi ko bang
intindihin mo ako? Bakit mo ba ako dinala-dala rito?” Di ko maiwasang muling
mainis sa kanya dahil sa natural nitong angas.
Natahimik naman ito at
sumeryso ang mukha. Lihim akong napangiti dahil sa unang pagkakataon mukhang
nanalo ako sa bangayan namin.
Ibinalik ko nalang ang
aking pansin sa magandang tanawin. May mangilan-ngilan akong nakikita na abala
sa paglalaro nag skim board.
“What had happened
nung birthday ni Anna.” Biglang nitong nasambit.
Hindi ko ibinaling sa
kanya ang aking tingin, nakaramdam ako nang pamumula nang muling maalala ang
nangyari sa amin at gusto ko ring marinig ang paliwanag nya. Ewan ko ba pero
parang excited ako sa maaari nyang sabihin.
“L-Lasing lang ako nun
at di ko sinasadya. Sana hindi mo iyon ipagkalat.”
Sa sinabi nito ay
napalingon ako sa kanya na may di nakakapaniwalang tingin.
“Alam kong may
pagnanasa ka sa akin kaya pinagbigyan lang kita nun.” Nakangisi nitong sabi.
“Ang kapal naman pala
talaga nang pagmumukha mo noh? Wala akong balak ipagsabi ang mga nangyari kung
yan man ang ikinakatakot mo. Ngayon, pwedi mo na ba akong iuwi?” Pulang-pula
ako sa magkahalong pagkainis at pagkapahiya sa ginawa nito sa akin.
“Sinisigurado ko lang.
Ayaw kong masira ang image ko.”
“Anong image ang
pinagsasabi mo, meron ka ba nun? Umuwi na nga tayo.” Pikon kung sabi sabay
pasok ulit sa loob ng sasakyan nito. Hindi nakatulong ang magandang lugar na
iyon para ma ibsan ang pagkulo nang dugo ko sa kayabangan nya.
Mukhang wala na
talagang pagasang magbago ang hunghang na ito sabi ko na nga ba’t isang
malaking pagkakamali ang pagsama ko sa kanya. Ito na ang huling pagkakataon na
papayagan ko ang aking sarili na kausapin sya.
“Peace be with you.” Ang nakangiting sabi sa akin ng babaeng
katabi ko. Mula sa pananariwa sa nakaraan ay bigla akong nabalik sa
kasalukuyan.
“P-Peace be with you.” Ang naisagot ko nalang sa kanya pilit
ginawang normal ang boses ko.
Nakakahiya kung mapansin nito na wala naman talaga sa misa
ang utak ko. Alanganin akong ngumiti sa kanya na sinuklian naman nya nang
matamis na ngiti.
Hindi ko alam ngunit sa pagbabalik tanaw ko sa nakaraan ay
nagbibigay ito nang ligaya sa akin. Iyon nalang kasi ang pweding kung gawin
para maibsan ang pangungulila ko sa mga tao na naging bahagi nang buhay ko
noon.
Iwinaksi ko sa aking isip ang nakaraan at muling sinubukang
i-focus ang aking sarili sa malapit nang matapos na misa kahit alam ko naman na
wala nang kwenta dahil tapos na ang pinakaimportanteng parte ang sermon ng pari.
Tahimik, oras na para magdasal ng taimtim. Kahit hindi man ako
pumila para tanggapin ang katawan ni Kristo ay lumuhod pa rin ako para
magsimulang magdasal. Kita ko sa gilid ng aking mata na sa akin nakatingin ang
katabi kong babae.
“Pinsan, nakakatampo
kana talaga hindi ka na nagtetext sa akin at di na rin tayo nagsasabay. Tapatin
mo nga ako, may galit ka ba sa akin?”
Bakas ang lungkot sa boses ni Ralf nang puntahan ako nito sa bahay araw
ng Lingo.
“Wala noh! Naisip ko
lang kasi na lagi nalang akong nakabuntot sa inyo ni Mike nagmumukha na akong
alalay.” Pabiro kong pagdadahilan sa kanya.
“Hmmmf! May tampo ka
sa akin eh. Dahil ba hindi kita nasamahan nung magpaalam ka sa birthday ni
Anna?”
Lihim naman akong
natuwa sa pumasok sa isip nya. Atleast wala pa rin syang ideya tungkol sa
nangyari sa amin ng magaling na kaibigan ng boyfriend nya. Isang rason kung
bakit ayaw kong sabihin iyon kay Ralf sapagkat ayaw kong ito pa ang maging
dahilan para magaway sila ni Mike.
“Hindi nga ako
nagtatampo ang kulit mo!” Idinaan ko sa biro ang aking sagot para mapaniwala ko
sya.
“Maniniwala lang ako
kung magsasabay ulit tayo bukas.” May paghamon nitong sabi.
Di naman ako agad
nakasagot panigurado kasing kung magsasabay kami kasama na naman ang boyfriend
nya at malamang kasama rin nito ang taong ayaw kong makita.
“Sabi ko na ngaba may
tampo ka sa akin eh. Hindi ka kasi nakasagot.” Malungkot nitong turan na
ikinakonsensya ko naman.
“Hindi talaga promise.
Sige na nga sabay tayo ulit bukas matigil ka lang.” Bumakas ang tuwa sa mukha
nito sa narinig.
Sa totoo lang namiss
ko na rin ang pinsan ko. Hindi naman kasi kami laging nagkakausap kahit
magkaklase kami sa dami nang ginagawa name. Naisip ko rin na hindi ko dapat sya
dinadamay sa problema ko kay Claude.
“Buti naman at tumupad
ka sa usapan.”Nakangiti nitong bati sa akin. Tulad nang nakagawian ay
hinihintay ako nito sa may guard house malapit sa gate ng skwelahan namin.
“Ako pa!” Magiliw kong
sagot sa kanya.
Naglakad na nga kami
sa may covered walk na paborito naming daanan para makaiwas sa haring araw.
“Pinsan alam mo na ba
ang balita?” Sabi nito habang naglalakad kami.
“Anong balita?”
“Si Claude may
liniligawan na daw.” Simpleng tugon nito.
Sa totoo lang
nakaramdam ako nang kirot at panhihinayang sa sinabi nito ngunit agad itong
nawala nang maalala ko ang huling paguusap namin tatlong araw na ang
nakakaraan.
“San mo naman narinig
ang tsismis na yan?” Casual kong tanong.
“Kay Mike, nag inuman
daw sila nung Sabado pero mukhang na busted ata si Claude.”
“Bagay lang yon sa
kanya.” Sabi ko na may pinaghuhugutan.
“Mabait naman si
Claude pinsan, malas mo lang at mukhang ikaw ang napaginitan nya.” Humahagikhik
nitong sabi.
“Kung yon ang mabait
sayo ano nalang kaya ang masama noh?” May himig ng pagiging sarkatisko kong
tugon na dahilan para matawa na ito nang tuluyan.
“Speaking of the
devil.” Walang buhay kong sabi nang makita itong nakangisi kasama si Mike.
“Good Morning babes,
Laurence.” Bati sa amin ni Mike nang makalapit kami sa mga ito. “Kanina pa kita
hinihintay babes.” Dagdag pa nitong wika.
Pumulupot naman agad
si Ralf sa braso nito.
“Di ba nagtext ako
sayo na sabay kami ni Laurence ngayon.” Malambing nitong sabi.
“Buti naman at
nagparamdam kana ulit.” Sabat naman ni Claude na nakangisi pa rin sa akin.
Tango lang ang
isinagot ko sa kanya na hindi nagpaapekto sa pangiinis nito. Sakto naman na
nakita ko si Alfie, kaklase namin sa history irregular student kasi sya.
Tinawag ko ito at sininyasahan na hintayin ako dali-dali akong nagpaalam kina
Ralf at Mike at agad na pinuntahan ito na hindi manlang binibigyan ng pansin si
Claude.
Sa totoo lang wala
naman talaga akong kailangan kay Alfie gusto ko lang makaiwas sa pangaalaska ni
Claude. Nagisip nalang ako nang idadahilan habang papalapit ako sa kanya.
Minsan na kaming
naging magkagrupo ni Alfie alam kong mabait ito yon nga lang ay mas pinili
nitong manahimik lang sa isang tabi. Naging maganda naman ang kwentohan namin
napagusapan namin ang nalalapit na quiz sa history. Humingi ako sa kanya nang
tulong dahil sa lahat ng mga subjects sa history ako mahina. Nakakatuwa rin
palang kausap si Alfie may tinatago pala itong humor na ngayon ko lang
napansin.
Tumagal din ang
kwentohan namin sa may covered walk malayo kinakatayuan nila Cluade.
Nakatalikod ako sa kanila para makaiwas na magsalubong ang tingin namin ni
Claude paniguradong masisira lang ang araw ko.
Nang marinig na namin
ang malakas na tunog ng bell ay lumapit na sa amin sina Ralf para sabay-sabay
na kaming tunguin ang unang subject namin. Kami naman ni Alfie ay tuloy parin
ang usapan hanggang sa makapasok kami sa room.
“Mukhang close na kayo
ni Alfie pinsan ah.” Pabulong na sabi sa akin ni Ralf. Magkatabi kami nang
upuan sa subject naming iyon. Si Alfie naman ay nasa likuran lang namin.
“Close naman talaga
kami matagal na. Hindi nga lang kami laging naguusap akala ko kasi tahimik lang
sya.” Balik bulong ko namang sagot sa kanya.
Hindi na ito muli pang
nakapagtanong nang dumating na ang professor namin. Itinuon ko na rin ang aking
atensyon sa klase.
Nang matapos ang unang
dalawang subject namin ay tinungo na namin ni Ralf ang paborito naming
karenderya bukod kasi sa mura doon ay masarap ang pagkakaluto nang mga lutong
bahay na ulam.
“Bakit ang tagal nyo
babes?” Bungad sa amin ni Mike.
Napatingin ako sa
pinsan ko sa pagkalito mamaya pa kasi dapat ang lunch break nina Mike.
“Absent ang professor
nila kaya sasabay sila sa atin mag lunch ngayon.” Nakangiti nitong sabi sabay
baba nang mga dala nya sa lamesa.
Nawala ang gutom ko
nang makita si Claude na papalapit at may dala nang tray. Wala na akong nagawa
kung hindi ang mapabuntong hininga nalang.
“In the name of the father and of son and the holy spirit
amen.” Sabay-sabay na wika nang mga tao sa loob nang simbahan.
Hindi ko namalayan na tapos na pala ang unang misa de gallo.
Nagsitayuan na ang mga tao habang ako ay nakaupo pa rin na nakatingin lang sa
naglalakihang emahe ng mga santo sa altar.
Siguro naman ma kung
nasaan ka man ngayon masaya kana dahil natupad ko na ang pangako ko sayo. Pabolong
kong sabi.
Tumayo na ako para lumabas nang konte nalang ang tao.
Marami pang tao sa labas abala ang mga ito sa mga paninda sa
gilid ng simbahan medyo madilim pa rin at umaambon ng konte. Amoy ko ang pang
umagang hangin na talagang nakakapag pagaan ng pakiramdam. Napangiti ako bago
tuluyang lisanin ang lugar para makapagpalit at makapaghanda ng almusal bago
pumasok sa opisina.
Itutuloy:
ganda
ReplyDelete