Sa mga ala-alang nagbabalik ngayon sa akin ay hindi ko
maintindihan ang aking sarili. May kung anong damdamin ang muling bumabalik sa
akin na matagal ko nang kinalimutan. Pilit kong iniwaksi pero kusa itong
bumabalik sa di malamang dahilan.
Pangatlong simbang gabi na. Mas lalong naging malamig ang
hangin dala nang amihan. Habang naglalakad papuntang simbahan na may dalayang
kulay itim na payong dahil sa umaambon ay kita ko ang mga kabahayang may mga
nagkikislapang palamuti na makikita lamang tuwing buwan ng December. Naitutok
ko ang aking tingin sa isang puting bahay na ang Christmas tree nila ay nasa
labas. Hindi ko pa pala naitatayo ang
Christmas Tree. Pabulong kong sabi sabay bigay ng isang malalim na buntong
hininga.
Halos isang minuto rin ata akong nakatunghay sa bahay na
iyon bago napagdesisyunang muling ihakbang ang aking mga paa para tunguin ang
simbahan. Rinig ko ang malakas na tunog ng kampana na para bang gumigising sa
mga taong sa ngayon siguro ay masarap na natutulog sa kani-kanilang kama.
Kahit na umaambon sa umagang iyon ay hindi nito napigilan
ang mga taong tulad ko ay gustong magsimba, mga taong malakas ang paniniwala.
Sabi nga nila isang beses lang sa isang taon ang pasko kaya dapat sulitin ito.
Pero sa nakikita ko ngayon konte nalang ang naniniwala sa pasko wala na ang
essence of Christmas mabibilang mo lang ang mga kabahayan na may mga Christmas
lights, parol at kung anu-ano pang sumisimbolo nang pasko.
“Laurence? Laurence!” Tinig nang isang babae mula sa aking
likuran. Papasok na sana ako nang simbahan sa mga oras na iyon.
Napalingon ako at tumambad sa akin ang nakangiti at
nakapayong din na si Louisa. Naka jacket ito nang kulay pula halatang hindi
kinayanan ang lamig ng umagang iyon. Hinintay ko itong makalapit sa akin habang
tinitiklop ang aking dalang payong.
“`Good Morning remember me?” Bati nito sa akin ng sya ay
makalapit.
“Good Morning din.” Balik ko namang bati sa kanya at
binigyan sya nang isang ngiti. “Yeah, Louisa right?”
Nagpalinga-linga ito na para bang may hinahanap.
“Sorry. Hinahanap ko kasi ang kuya ko.” Wika nito nang
mapansin akong nakunot ang ang noo.
“Ah, baka nasa loob na yon.” Ang nasabi ko nalang.
“Nope, he prefers to stand outside hearing the mass rather
samahan ako sa loob.” Sarkatikong sabi nito sa akin. Binigyan ko lang sya nang
isang ngiti bilang pagtugon.
“Never mind lilitaw din yon mamaya.” Sabi nito nang hindi
siguro mahanap ang kanyang kapatid. “Lets go? Baka maubusan tayo nang upuan.”
Pagyaya na nito sa akin.
Agad na nga kaming tumalima sa loob swerte namang agad
kaming nakahanap nang mauupuan. Magkatabi kaming tahimik lang na naghihintay na
magsimula ang misa.
Ilang saglit pa ay nakatayo na sa may purta mayor nang
simbahan ang mga sacristan nasa likod ng mga ito ang pari na mag-mimisa
pangatlong gabi na iyon. Sinimulang tumugtog ang pang simbahang kanta at nag
lakad na papuntang altar ang mga ito.
“In the name of the father and of the son and the holy
spirit amen.” Wika nang pari hudyat na magsisimula na ang misa. Tahimik ang
buong simbahan ang maririnig mo lang ay ang mga ingay nang mga batang kasama siguro
nang kanilang pamilya sa labas. Hindi siguro pinalad ang mga ito na makaupo.
Nagtinginan kami ni Louisa at sabay kaming napangiti bago
umupo at matamang nakinig sa misa.
<hr
color="grey" width="50%" align="center">
Past
<hr color="grey" width="50%"
align="center">
Dalawang lingo na ang nakakalipas mula
nang makauwi kami galing sa resort nina Cluade. Simula din noong gabing naging
kami ay ang tuluyang pagbabago nang tingin ko kay Claude. Kung noon ay mayabang
at masama ang tingin ko sa kanya sa mga nakalipas na araw ay ang kabaliktaran
nito. Nang makauwi kami noong Lingo ng hapon ay umuwi lang ito para magpalit ng
damit at muling bumalik sa bahay para ayain akong magsimba hangang sa
nakagawian na naming gawin na ito tuwing lingo.
Puno nang surpresa si Claude isang
katangian nya na nag padagdag pa nang pagmamahal ko sa kanya. Nariyan ang
susunduin ako nito tuwing lunch at sabay kaming kakain at halos gabi-gabi
kaming lumalabas para mag dinner. Nawala ang pagdadalawang isip ko sa naging
desisyon kong pagbigayan ang sarili na lumigaya.
Si Alfie sa isang banda ay
paminsan-minsan ko nalang masamahan dahil sa lagi na kaming magkasama ni
Claude. Alam kong nagtatampo ito sa akin kaya naman sa tuwing lunch break na
hindi ako pweding sabayan ni Claude dahil may klase pa ito ay bumabawi ako kay
Alfie. Alam ko ring may ideya na si Alfie sa amin ni Claude dahil hindi ko
maiwasang ma kwento sa kanya kung gaano ito ka bait na halos si Claude nalang
ang bukang bibig ko tuwing magkasama kami ni Alfie. Kahit ngumingiti ito ay
nakikita ko pa rin na may lungkot itong itinatago sa kanyang mga mata.
Hiniling ko kay Claude na itago nalang
muna sa eskwelahan lalo na kay mama ang relasyon namin dahil natatakot ako sa
pweding maging reaksyon nito. Pumayag sya sa part na hindi ipaalam kay mama
ngunit sa eskwelahan ay nag protesta ito. Gusto daw nito na ipaalam sa lahat at
ipagmayabang na ako ang partner nya.
“Love, susunduin kita mamaya sa room
mo hintayin mo ako sabay tayong mag lunch. Mwahh!” Ang nareceive kong mensahe
galing sa kanya.
Kinilig ako na parang katatapos lang
umihi nang matapos itong basahin. Hindi ko maikakailang sobrang tinamaan na ako
sa kanya sa sobrang lambing at maalaga nito. Ngayon ko na nakilala ang tunay na
Claude ang ugali nito na pilit nyang ikinukubli noon. I thought he was the
worst person I can imagine ngunit mali pala ako dahil kabaliktaran sya nun.
Hindi na ako nagreply at baka mahuli pa
ako nang professor namin na busy sa kakatalak ng kung anu-ano sa harapan namin.
Wala akong masyadong maintindihan sa mga pinagsasabi nito dahil ang laman ng
isip ko ay ang maamong mukha ni Claude.
Habang busy sa pagpapantasya este
pag-iisip ay naramdaman kong may kumalabit sa akin. Napalingon ako sa gawa nito
at tumambad ang malungkot na mukha ni Alfie. Umusog ito sa akin at bumulong.
“Sabay ba tayong mag lu-lunch mamaya?”
Sakto namang tumunog ang nakakabinging
bell hudyat na tapos na ang last period namin sa araw na iyon. Agad namang tinapos
ng history professor namin ang klase at lumabas na kasama ang iba naming mga ka
klase.
“Pasensya na Alfie pero..”
“Sabay kayo ni Claude? Sige okey lang.”
Malungkot nitong sabi at walang anu-anong naglakad patungo sa pintuan.
Nakaramdam ako nang guilt at awa habang
pinagmamasdan itong papalayo sa akin.
“Alfie!”
Napahinto ito at lumingon sa akin.
“Sabay ka nalang sa aming mag lunch?”
Nakangiti kong sabi.
“Hindi na. Uuwi ako ngayon sa amin tutal
wala naman tayong pasok sa lunes.” Mahina at malungkot nitong sabi. Tuluyan na
itong umalis.
Sa di malamang dahilan ay nakaramdam
ako nang pamimigat sa aking puso. Kaibigan ko si Alfie at masakit sa akin na makita
itong ganun. Alam kong nagtatampo ito dahil hindi ko na sya madalas masamahan,
pero tulad nang sagot nito sa akin kanina tuwing aayain ko itong sumabay sa
amin ay lagi lang itong tumatanggi.
Napabuntong hininga nalang ako at
malungkot na bumalik nang upo. Ang hirap sa pakiramdam kong alam mong ikaw ang
dahilan ng pagiging malungkot ng isang tao. Kahit hindi sabihin ni Alfie sa
akin iyon ay dama ko naman. Dama ko ang pagseselos nito sa atensyon na
ibinibigay ko kay Claude. Hindi ko naman sya masisisi sino ba naman ang hindi
malulungkot kung ang kaibigan mo na lagi mong kasama noon ay iba na ang kasama.
Parang na se-set aside ko na si Alfie.
Naramdaman ko nalang ang kamay na
humawak sa aking balikat. Napalingon ako at nakita ang nakangiting si Claude.
Binigyan ko ito nang isang matipid na ngiti.
“May problema ba?” May himig nang
pagaalala nitong sabi.
“Si Alfie kasi.” Ang may lungkot kong
pagsusumbong.
“Oh, Ano meron kay Alfie inaway ka ba
nya? Asan sya nang ma bigyan ng leksyon.” Maangas na naman nitong sabi. Natural
na ito sa kanya ganito si Claude pag may umaaway sa akin.
“Eeeee! Hindi! Mukha kasing nagtatampo
sya sa akin.” Parang bata kong wika.
“Dahil hindi ka na nya parating
nakakasama?”
“Oo.” Ang nasabi ko nalang at napayuko
para di nya makita ang mukha kong nalungkot na naman.
Iniangat nito ang aking mukha at
binigyan ako nang isang matamis na ngiti.
“Wag kana malungkot. Siguro naninibago
lang yon ngayon.” Pangugumbinsi nito sa akin.
“Ayaw ko kasing may nalulungkot dahil
sa akin lalo na si Alfie naging mabuti syang kaibigan sa akin eh.”
“Hayaan mo kakausapin ko sya.”
“Talaga? Eh di ba ayaw mo sa kanya?”
Di makapaniwala kong sabi.
“Yep. Para di kana malungkot. Ipapaintindi ko
sa kanya na natural lang na hindi na kayo pweding laging magsabay kumain o kung
ano pa man dahil may boyfriend kana at ako yon.”
Nagliwanag naman ang mukha ko sa
sinabi nito. Alam kong ma pride na tao si Claude at hindi ito basta-basta
nakikipag-usap lalo na sa mga taong ayaw nya, pero gagawin nya iyon para sa
akin. Binigyan ko sya nang ubod nang tamis na ngiti para magpasalamat.
“Ayan ngiti kalang mas cute kang
tingnan.” Sabay pinang gigilan nito ang pisngi mo. “Let’s go lunch na tayo.”
“Si Mike asan? Di ba sya sasabay sa
atin?”
“Bibisitahin daw nya ang pinsan mo.”
Nakangiti nitong sabi.
“Ay, oo nga pala no? Tayo ba hindi
bibisitahin si pinsan?”
“Later nalang siguro gusto muna kitang
ma solo ngayon.” Sabay kindat nito na ikina hagikhik ko sa ibayong kilig.
Tinungo na nga namin ni Claude ang
isang kainan simula kasi nang maging kami ay hindi na kami kumakain sa
karenderya para daw malaya nya akong malalambing. Noong unang araw kasi naming
kumain doon bilang kami ay napansin nito ang pagiging uneasy ko tuwing
naglalambing sya. Kaya napagdesisyunan nya na sa ibang lugar nalang kami kumain
malayo sa mga estudyante.
Naghihintay lang ako sa lamesa habang
sya’y um-order ng pagkain naming dalawa. Isa pang malambing na katangian nito.
Parang babae kung ituring ako nito at pagsilbihan na pati pagkain ay kulang
nalang subuan nya ako. Kung sa iba ay brusko at tigasin si Claude sa akin ay
sobrang lambing at maalaga nito. Pag kasama nya ang mga ka klase nya o ka grupo
ay maangas ito kung umasta dahilan para mapasunod nya ang mga ito sa gusto nya.
Pero kapag kasama nila ako ay bigla itong nag shi-shift at nagiging malambing
at protective. Hindi naman sya magawang ma kantyawan ng mga kaibigan nya sa
takot na baka ma bugbog sila nito.
“love, tutal sabado bukas baka pwedi
kang magpaalam sa mama mo na sa bahay ka nalang matulog hatid nalang kita
pagpasok ko.” Malambing at nagsusumamo nitong sabi.
“Ayaw ko, nakakahiya sa mga magulang
at kapatid mo. Tsaka hindi ako sigurado kong papayagan ako ni mama.”
Matagal na nya akong magpunta at matulog
sa kanila para daw makilala ko ang mama at kapatid nya pero lagi akong
tumatangi dahil nahihiya ako. Siguro kong normal lang kaming magkaibigan ay
pwedi pa, ang kaso ay hindi kami magkaibigan kung hindi magkasintahan.
“Wala sila ngayon. Umalis sila nang
kapatid ko kaninag umaga papuntang Cebu para dumalo sa debut ng pinsan ko.”
Kita ko sa mga mata nito ang excitement alam kong may iniisip itong kalokohan.
“Ayaw ko pa rin.” Gusto ko lang syang
inisin dahil ang totoo gusto ko naman talagang magsleep over sa kanila para
makasama ko ulit sya nang matagal.
Bumakas ang disappointment nito sa
kanyang mga mata. Hindi na ito nangulit pa at na nanahimik nalang. Nakasimangot
itong pinagpatuloy ang pagkain. Lihim akong natawa sa naging behavior nito
parang nag dadabog pa nang ibaba nito ang baso nang soft drink.
“Galit ka?” Nakangisi kong sabi.
“Hindi.” May himig nang pagtatampo
nitong sagot.
“Ah kala ko kasi galit ka.” Pang iinis
ko pang lalo ngunit sinimangutan lang ako nito.
“Pero alam mo..” Pang bibitin kong
sabi.
Hindi ito natinag at pinagpatuloy lang
ang pagkain ng walang imik. Hindi manlang ito tumingin sa akin alam kong
nagtatampo na ito.
“Kapag napapayag mo si mama ay game
ako.” Nakangiti ko nang sabi rito.
Napatingin ito sa akin bakas sa mukha
nito ang tuwa.
“`Talaga?” May kalakasan nitong sabi
dahilan para mapatingin sa gawi namin ang ibang costumer na kumakain.
“Ang hilig mong manawag nang pansin.”
Inis kong wika nakaramdam kasi ako nang hiya.
“Sorry naman na excite lang ako. Sige,
ako bahala kay tita sure na papayag yon ako pa.”
“Tingnan nalang natin.” Ang
ngingiti-ngiti kong sabi. Alam kong mapapapayag nito si mama likas na magaling
mambola ang gago kaya close na sila agad. Nariyan ang pupunain nito ang luto ni
mama tuwing mag di-dinner sya sa bahay pati ang suot nito ay pinapansin nya na
ikinatutuwa naman ng pobre kong ina.
Halos hilahin ko na ang oras para
matapos na ang huling subject ko sa araw na iyon. Excited na kasi akong makita
ulit si Claude na sa ngayon ay naghihintay na sa labas. Na una kasing matapos
ang klase nito. Kausap nito ang mga kaibigan nya. Sa klaseng iyon ay ka klase
ko rin si Anna kilig na kilig naman ang hitad akala siguro na sya ang
hinihintay ni Claude Hindi ito pumasok noong nakaraang meetings dahil daw may
linakad sila nang parents nya.
Nang sa wakas ay natapos na ang klase
namin ay agad na tinawag ni Anna si Claude. Umangkla agad ito sa braso nito
nang makalapit.
“Na miss mo ba ako Claude kaya ka nan
dito?” Malandi nitong sabi. Nakamasid lang ako sa kanila sa may bintana habang
inaayos ko ang aking mga libro.
“Nope.” Matipid namang tugon ni Claude
sa kanya. Lihim akong napahagikhik sa pagiging suplado ng boyfriend ko.
“AWTS!” Ang kantyaw nang mga kaibigan
nito kay Anna.
“Ikaw talaga. Di ka pa rin nagbabago
mapagbiro ka pa rin.” Hindi nag paapektong wika ni Anna gamit ang naglalambing
na boses o mas tamang sabihing naglalanding boses.
“Hindi ako nagbibiro. Tinanggal nito
ang kamay ni Anna na naka lock sa braso nya.” Doon na ako nagpasyang lumabas.
Nang makita ako ay agad nito akong
linapitan.
“Ang tagal mo namang lumabas.”
Nakangiti na nitong sabi at inakbayan ako. Sa tangkad nito kumpara sa akin ay
madali lang nyang nagawa iyon.
“Inayos ko pa kasi ang mga libro
ko.” Ang tingin ko ay wala sa kanya.
Hanggang ngayon kasi ay uneasy pa rin ako sa mga kaibigan nitong lalake lalo na
kay Anna na alam kong malakas ang tama sa kanya.
“Aba may bago! Di na kayo ngayon nag
babangayan?” Ang naisambit ni Anna na bakas sa mukha ang pagtataka.
“Syempre boy..”
“Bestfriend na kami ngayon.” Ang agad
kong pagputol sa sasabihin ni Claude. Para sa akin ay hindi pa ngayon ang
tamang oras para malaman ni Anna ang tungkol sa amin. Natatakot ako sa maaaring
maging reaksyon nito.
“Anong..” Ang muli nitong
pagtatangkang magsalita pero agad ko syang hinila papalayo sa mga kaibigan nya
at kay Anna.
“Una na kami ah.” Ang sabi ko habang
hila-hila sya.
“Dapat ba talaga i-deny ako?” May
tampo nitong wika.
“Not now. Hindi pa tamang oras para
malaman ni Anna baka mag wala yon alam mo namang patay na patay sayo yon eh.”
Ang pangangatwiran ko sa kanya.
“Kaya nga sasabihin ko na sa kanya
habang maaga pa para lubayan na nya ako.”
Tumigil ako sa paglalakad at binitawan
ang kamay nya.
“Next time nalang please?” May
pagmamakaawa kong sabi. Alam kong pag ginamit ko ang charm na ito hindi na sya
kokontra.
Napabuntong hininga ito bago nag
salita ulit.
“Ano pa nga ba ang magagawa ko.”
Tuluyan nang nawala ang pagtatampo sa mukha nito dahilan para mapangiti ako sa
kanya.
<hr
color="grey" width="50%" align="center">
Present
<hr
color="grey" width="50%" align="center">
“Lance?” Ang
nagpabalik sa aking ulirat na tawag ni Louisa sinamahan pa nito nang mahinang
pagkalabit sa akin.
“H-Hah?” Wala
sa sarili kong naitugon.
“Bakit ka
ngingiti-ngiti dyan? Di ka ba mangungumonyon?” Takang tanong nito.
“A-anong naka
ngiti?” Maang-maangan kong sabi sa mahinang boses nagsisimula na kasing pumila
ang mga tao para tumanggap ng katawan ni kristo.
“Kita kaya
kitang nakangiti kanina. Ano ba iniisip mo? Mukhang hindi ka naman nakikinig sa
misa eh.” Pang bubuking nito.
“Ahh..
ehhhh..” Wala akong mahipuhap na isasagot sa kanya huling-huli na kasi ako.
“Wag kana mag
deny.” Natatawa nitong sabi. “Hindi ka ba mangungumonyon?”
“Hindi eh.”
Nakaramdam ako nang hiya sa pagkabuking ko na wala ang isip ko sa misa.
“Pareho kayo
ni kuya. Oh sya dito ka muna.” At tumayo na ito ang nakipila na rin.
Napapailing
nalang ako sa aking sarili dala nang hiya sa pagkakabuking sa akin ni Louisa.
Di ko alam kung bakit magaan ang loob ko sa kanya. At pakiramdam ko ay matagal
na ako nitong kilala o baka masyado lang akong na prapraning sa mga ala-alang
bumabagabag sa akin.
Nang makabalik
ito sa kinauupuan namin ay lumuhod ito para magdasal. Sumunod naman ako sa
kanya kahit hindi ako nangungumonyon ay ginagamit ko pa rin ang oras nang
pagdarasal para makipagusap sa diyos, makapanghingi nang tawad at
makapagpasalamat na rin.
Tahimik ang
buong simbahan sa mga oras na iyon. Hanggang sa muli na naman akong dalhin sa
aking nakaraan.
Itutuloy:
das
ReplyDelete