Nagbabalik ang author na walang ginawa kungdi ubusin ang oras
kakahanap ng inspirasyon para magtuloy- tuloy ang storya ni Ken.
Nagpapasalamat po ako sa mga bumubuo ng MNB Facebook page at kay
Onichan Kenji dahil isa sya sa mga nagbigay sa akin ng inspirasyon para gawin
ang mga storya ko.
Salamat din po sa walang sawang nagbabasa ng aking story!
Especially kila:
Ginno, Angel Marco Menor Aka Marc of K.S.A., Monty, Marshy,
Franklin Aviola, Kiero 143,
Zenki of Kuwait, Mark 5337, Sinbad, Frostking, robert_medoza.
Anita baker, JD Javra, eunchi, diumar, curious19, Hiya!, Caranchou,
nathanielgarcia, Paopi Lopez, JayAR, toff, Weil libog, Ryval at sa mga
Annonymous at Silent Readers!
Kayo po ang aking dahilan para magkaroon ng inspirasyon! :)
(Pwede po kayong mag suggest and comment para mapaganda pa ang
story!)
Enjoy Reading Guys!
“Hindi
kita mapapatawad Ace!” sabi lang nya at nabigla naman ako.
Nagtaka
naman ako sa sinabi ni Argel, kaya napaisip ako.
“Anong
kinalaman ni Ace dito?” sabi ko lang sa aking sarili at tumingin ulit sa kanya.
Ginising
ko sya at minulat na nya ang kanyang mga mata.
“Okay
ka na ba?” sabi ko at niyakap nya ako ng mahigpit.
“Oh
teka!” sabi ko at kumalas naman sya sa pagkakayakap.
“Salamat
ah!” sabi ni Argel at binigyan ko sya ng isang matamis na ngiti.
Tinignan
ko ang aking relo at nakita kong malapit nang mag tapos ang class ko ng araw na
yun, kaya inayos ko ang aking sarili.
“Argel,
may meeting kasi kami eh!” sabi ko kay Argel at naramdaman kong humigpit ang
kanyang hawak.
“Sasama
ako sayo... Kung okay lang?” sabi nya sa akin at tumingin lang ako.
“No,
magpagaling ka! kapag magaling ka na, pwede ka nang makapanuod sa training ko!
And besides may practice kayo ngayon diba?” sabi ko lang sa kanya at nakita ko
ang paglungkot ng kanyang mukha.
Agad
ko syang tinulungang tumayo, narinig ko ang mahinang nag aray nya sa sakit ng
kanyang sugat kaya dahan dahan kong inalalayan papalabas ng clinic.
Nang
makalabas na kami ng clinic ay nakita ko sila Cheryl na nakaupo sa tapat ng
clinic.
“Oh ano
nangyari sayo Argel?” sabi ni Luke at tinaas ni Argel ang kanyang nakabendang
kamay.
“Wala
ito!” sabi nya at napansin kong napangisi sya at alam ko na masakit pa din ang
kanyang kamay.
“Oh
friend, tara na! baka ma late ka pa!” sabi ni Cheryl at pinaupo ko si Argel sa
upuan, nang kinuha ko ang aking gamit kay Cheryl ay bigla namang hinawakan nya
ako sa kamay.
Tinignan
ko sya at nakita ko nanaman ang kanyang malungkot na mukha.
“Oh
ano nangyari sa kanya?” biro ni Cheryl nang mapansin nyang hinawakan ang kamay
ko ni Argel.
“Oh
ano naman yan?!” sabi ni Abby at tumingin sa kamay naming magkahawak.
Hindi
binitawan ni Argel ang kamay ko kahit na pinipilit kong alisin ang kamay ko sa
pagkakahawak nya.
“Kasi
ayaw nya akong pasamahin sa meeting nila eh!” sabi ni Argel at napatingin naman
sa kanya sila Cheryl.
“Eh
bakit nakahawak ka sa kamay nya?” sabi ni Luke.
“Kasi
sya ang nurse ko!” sabi nito at nagtawanan ang lahat.
Namula
naman ang tenga ko dahil nainis sa sinabi nya pinilit kong tanggalin ang
kanyang kamay, nang makalas na ang kamay nya sa akin ay agad akong naglakad
para pumunta na sa meeting.
Habang
naglalakad ako ay napansin kong may sumusunod sa akin kaya binilisan ko ang
aking lakad at biglang nabunggo ko ang captain namin na si Vhin.
“Bakit
nagmamadali ka?” sabi sa akin ni Vhin at tumingin ako sa likuran.
Ngunit
sa pagtingin ko ay wala naman pala.
“Let’s
go?” sabi ni Vhin sa akin at tumango lang ako, dinala nya yung bag ko at
naglakad kami.
Habang
kami ay naglalakad ay napatingin ako sa office ng director, at nakita ko syang tulala
at hindi ko na lang ito pinansin.
“Ken
dito na tayo!” sabi ni Vhin sa akin at pinagbuksan nya ako ng pintuan.
Nakita
kong marami na sila at napatingin silang lahat sa amin kaya nakaramdam ako ng
pagkailang sa mga kasama ko sa team.
“Good
Afternoon guys! Ngayon may dalawang issues na kailangan nyong malaman” sabi ni
Coach Mike.
Nagtinginan
kaming lahat na parang inaabangan ang mga sasabihin ni coach sa amin.
“First
may mga bagong regulars na tayo na eventually sasali sa rough training natin!”
sabi ni coach at inikot nya ang kanyang mga paningin.
“As
we call your name, please stand up and get this jacket!” sabi ni coach at
nakita kong tumayo sila Vhin, Macky, Izza, at Lenny.
“Anthony
Gallego” sabi ni coach at tumayo sya, binigyan namin sya ng applause.
“Drew
Salvacion” sabi naman ni Macky at agad tumayo sya.
“And
the last regular that will be my partner is....” sabi ni Lenny at hinintay
namin sabihin nya.
Tumingin
sya sa akin at ngumiti lang.
“Ken
Yoshihara!” sabi nilang tatlo at nagpalakpakan ang karamihan ng ka-team ko.
Tumayo
ako at kinuha ko ang jacket na binigay sa akin ni Vhin nakita ko sila Cheryl na
biglang kumaway sa bintana at naghihiyawan dahil natupad na ang aking
pinapangarap na maging Varsity player.
“Guys
ito na ang tatlong regulars! Wish na makuha nyo ang gold sa inter school
bukas!” sabi ni coach at nagulat kaming tatlo dahil hindi pa kami ready para sa
inter school.
Narinig
ko na lang na nagbubulungan ang iba kong kasama sa team kaya naging awkward ang
mga oras na yun para sa akin.
Tinapik
ako ni Vhin sa balikat at nagulat naman ako sa kanya.
“Oh
bakit parang tulala ka?” sabi nya sa akin at napatingin ako sa kanya.
“Ah..
Kasi... Hindi ko alam kung kaya namin lumaban para bukas!” pagdadahilan ko sa
kanya at ngumiti lang ito sa akin.
“Don’t
worry si Len naman ang partner mo eh! walang problema sa iyo kapag si Len ang
kasama mo!” sabi nya sa akin at inakbayan nya ako papalabas ng office para
pumunta sa tennis court.
Pagkalabas
namin ng office ay nakita ko sila Cheryl na lumapit sa akin.
“Sabi
ko sayo! Pasok ka para maging regular!” sabi ni Abby sa akin at kinuha nya ang
jacket ko.
“Salamat
sa inyo ah!” sabi ko lang sa kanila at ngumiti lang silang tatlo, sumabay na
sila sa amin papuntang tennis court.
Nang
makapasok na kami ay nakita ko sila na umupo sa may bench at papanoorin ang
training ko.
“Go
Ken!!” sigaw ni Cheryl sa akin at kumaway lang ako sa kanila.
“Aba!
May fans na ang aking bagong partner!” sabi ni Lenny sa akin at ngumiti lang
ako.
“Oh
tandaan mo, kapag di mo kaya tumigil ka lang para ako na ang gumawa ng plano
ok?” sabi nito sa akin at tumango lang ako.
Lumaban
kami sa iba pang regular na varsity player namin at nag practice kami para
bukas.
Inabot
na din kami ng alas-9 ng gabi kaya nang matapos kami ay nagmadali na akong
pumunta sa locker ko para magpalit ng damit.
Nang
matapos ay nakita kong naghihintay sila Cheryl sa labas ng CR ng boys at dala
na ang mga gamit ko.
“Oh
kami na! baka mapagod ka pa!” sabi ni Luke nang tangkain kong kunin ang gamit
ko sa kanila.
Habang
naglalakad kami ay naalala ko ang kalagayan ni Argel kung ano nang lagay nya,
siguro napansin ako ni Cheryl at bigla syang umakbay sa akin.
“He’s
Fine! Matapang din yun!” sabi nya sa akin at napatingin ako sa kanya.
Nang
marating namin ang lobby ay naabutan pa namin ang mga basketball players na
nagpa-practice pa at napatigil ako dahil nakita ko si Argel na naglalaro sa
court.
Napatingin
sa akin si Argel at kumaway, napangiti lang ako at hinawakan ako sa balikat ni
Cheryl at ngumiti lang sa kanya.
Naramdaman
ko ang aking phone na nag vibrate, agad kong kinuha yun at nabasa ko si daddy
ang natawag.
“Dad?”
sabi ko at narinig ko ang ingay sa bahay na parang nagtatawanan sila.
“Papasundo
ka pa ba o sasakay ka na lang ng cab?” tanong sa akin ni daddy at nagtaka naman
ako sa sinabi nya.
“What
do you mean daddy?” sabi ko lang sa kanya at narinig kong kinukulit sya ni
kuya.
“Ah...
Eh kasi hindi ako makakapag sundo sayo, dahil may dumating ditong bisita, at
kung magmamadali ka ay siguro magugulat ka din!” sabi lang nya sa akin at
napakunot ang aking noo.
“Okay
daddy, siguro cab na lang!” sabi ko sa kanya at hindi na sya sumagot at biglang
pinatay ang phone nya.
Nilagay
ko ulit sa bulsa ang phone ko at pinanood si Argel maglaro, habang kasama ko
sila Cheryl, Luke, at Abby sa may pathway.
Nagpakitang
gilas sya sa amin at napapangiti lang ako sa kanya, kahit na nakikita ko ang
kanyang nakabendang kamay ay hindi pa rin maalis sa isip ko ang sinabi nya
habang natutulog sya sa clinic.
“Are
you okay?” sabi sa akin ni Cheryl at ngumiti lang ako.
“Yeah
I’m fine!” sabi ko lang at bumalik kami sa panonood.
Naririnig
kong nagsisigawan sila Luke at Abby sa mga basketball players at napansin naman
nila yun kaya nagpakitang gilas ang lahat nang nag cheer ang mga kaibigan ko.
“Whoo!
Galing mo talaga Drei!” sigaw ni Luke at napangiti lang si Drei.
“Go!
Lampasuhin mo sila Jan!” sigaw naman ni Abby at napatingin naman si Jan kay
Abby at kinindatan nya si Abby.
Natawa
lang kaming dalawa ni Cheryl sa ginagawa nila at narinig namin na pumito ang
coach nila at nakita namin na papalapit sila Jan, Drei at Argel sa pwesto
namin.
“Oh
nurse! Kamusta ang training?” sabi ni Argel na hingal na hingal sa kanilang
training.
“Thanks
Abby sa pag cheer!” sabi ni Jan at hinalikan ni Jan si Abby sa pisngi.
Nagulat
naman ako sa ginawa ni Jan kay Abby.
“What?”
sabi lang ni Abby at inakbayan nya si Jan.
“Oh
Drei! Pawisan ka!” sabi ni Luke.
“Paki
punasan mo naman ako oh!” sabi ni Drei at binigay nya kay Luke ang towel.
“What
the –“ sabi ko nung mapansin ko ito.
Natawa
naman sila sa sinabi ko at inakbayan naman ni Drei si Luke nang matapos itong
punasan ang pawis sa likod.
“Gulat
ka ba?” sabi ni Cheryl at napatango lang ako.
“Masanay
ka na!” sabi ni Abby at binigyan sya ni Jan ng tubig.
“Oo
nga! Dahil ganito talaga kami!” biro ni Luke at tumawa silang apat sa akin.
Napatingin
lang ako kay Cheryl at napataas lang sya ng balikat kunwari na hindi nya alam
ang mga nangyayari.
“Nurse!
Catch!” sabi ni Argel at hinagis nya ang isang bote ng iced tea sa akin.
“Thanks!”
sabi ko lang at binuksan ito.
Tumabi
sya sa tabi ni Cheryl at tumingin lang ito sa akin.
“So,
hanggang tinginan lang ba kayo?” sabi ni Cheryl at napatungo naman ako sa
sinabi nya.
“Wa...
wala ka bang sundo ngayon?” sabi ni Argel at tumingin ako sa kanya.
“Walang
susundo sa kanya!” pasingit ni Cheryl at kinurot ko sya sa tagiliran.
Napangiti
naman si Argel sa sinabi ni Cheryl at tumayo sya.
“After
the game ako na maghahatid sayo! Wag kang aalis ah!” sabi nito sa akin at
napatingin lang ako sa kanya.
“Hey!
Ken! Ano na sagot mo?” sabi ni Cheryl sa akin at tumingin lang ako sa kanya.
“Okay!
But—“ sabi ko kay Argel at nakita ko ang kanyang ngiti na nakaka akit kahit
pawisan na sya.
“But
what?!” sabi ni Argel at tumitig ito sa akin.
“Ihahatid
natin si Cheryl sa kanilang bahay!” sabi ko at nabigla naman si Cheryl sa
sinabi ko.
“Wait...
Wait! Ako ihahatid nyo?” sabi nito na parang biglang bigla sa mga sinabi ko.
“Yep!”
sabi ko at tinitigan ko si Cheryl at ngumiti naman ito sa akin.
“Ahh...
Oo nga pala! Wala na ding magsusundo sa akin at gabi na din para mag cab ako!”
sabi ni Cheryl na parang nakuha nya ang ibig sabihin ng mga titig ko.
“Sure!
Walang problema dun!” sabi ni Argel sa akin at ngumiti lang ako, narinig kong
pumito ang coach nila at agad nang nagbalikan sila sa court.
Hindi
na sila naglaro, pero nakita namin na nagmi-meeting na sila para sa gaganaping
inter school bukas, inabot din ng ilang minuto ang meeting nila at nakita ko na
silang dinala na ang mga gamit at pumunta ulit sa amin.
Tumayo
na din kami sa aming kinauupuan at agad nang naglakad papalabas papuntang
parking lot ng school.
“Akin
na yang gamit ko!” sabi ko kay Luke habang naglalakad kami.
“Nako!
Mamaya na! Feel ko pa itong bag mo na may raketa!” biro nya sa akin at
nagtawanan kaming apat.
“Asus!
Eh di yung kay Drei na lang ang kunin mo!” sabi ko at natawa naman sila sa
akin.
“Huh?!
Sya pagbubuhatin ni Drei?!” sabi ni Cheryl na pinipigil ang tawa.
“Bakit
naman? Anong nakakatawa dun?” sabi ko at napailing lang si Cheryl.
“Kasi
si Drei ay nanliligaw kay Luke!” sabi ni Abby at napatigil naman ako sa sinabi
nito.
“What!”
sabi ko lang sa narinig ko kay Abby.
“Actually,
mahal ko talaga si Luke!” biglang singit ni Drei at napatingin naman ako sa
aking likod at nakita ko ang tatlo na kasunod na pala namin.
“At
si Abby naman ay Girlfriend ko na!” sabi naman ni Jan at natulala naman ako sa
mga narinig ko.
“Hey!”
sabi ni Cheryl at tinapik ang aking pisngi.
“Teka?!
Parang ang bilis naman?!” sabi ko at natawa sila sa reaksyon ko.
“Paano
kasi, kapag kasama ka namin hindi ka makausap ng matino! Puro books, review, at
pagsusulat ang ginagawa mo, kaya hindi muna namin sinabi sayo!” sabi ni Cheryl
at lumapit sa kanya si Argel.
“Actually,
gusto kong maging legal kami kay mudak! Kaya ayan si Drei more effort, more Fun
ang ginagawa kay mudak!” sabi ni Luke at napakunot ang noo ko.
“Mudak?”
sabi ko lang at ngumiti si Cheryl.
“Yung
mama ni Luke! Tawag nya ay mudak!” paliwanag ni Cheryl sa akin at tumingin
naman ako kay Argel.
Nakita
kong umiwas ito ng tingin sa akin at napansin nila ang pagtitig ko kay Argel.
“Tara
na nga! Baka mapagalitan pa ang parents ni babe!” sabi ni Jan at kinuha nya ang
gamit ni Abby.
Naglakad
na kami sa parking lot at humiwalay na sila Abby, nagpaalam naman kami nila
Cheryl sa kanya at sumakay na ito sa sasakyan ni Jan.
“Grabe
ang lamig naman!” sabi ni Luke at napansin ko na binigyan sya ng jacket ni
Drei, napangiti lang ako sa ginawa nila at nakita kong nakatingin sila Cheryl
at Argel sa akin.
“What?”
sabi ko sa kanila ngumiti lang si Cheryl sa akin at si Argel at umiwas ulit ng
tingin.
“Oh
guys see you tomorrow!” sabi ni Luke at sumakay na sya sa kanyang sasakyan,
ganun din si Drei na sumakay din sa sasakyan nya.
Kumaway
lang kami at kaming tatlo na ang naiwan sa parking lot.
“Get
inside, baka magkasakit pa kayo!” sabi ni Argel at pumasok na si Cheryl,
binuksan nya ang compartment at nang ilalagay ko na sana ang mga gamit ko nang
biglang kinuha nya yun ni Argel.
“Ako
na!” sabi nya sa akin at tumingin lang ako.
“May
sugat ka, ako na lang maglalagay ng gamit ko!” sabi ko na lang sa kanya at
hindi nya binitiwan yun.
“Ako
na kasi!” sabi nito at hindi pa din ako nakinig.
“Ken!”
sabi nya na parang naiinis sa akin.
“Ako
na kasi Argel!” sabi ko at hindi din sya nakinig.
“Ano
ba? Paglalagay lang ng gamit, mag uusap pa dyan?!” sabi ni Cheryl na biglang
nilabas ang kanyang ulo sa bintana.
Binigay
ko na kay Argel ang gamit ko at pumasok na sa sasakyan ni Argel.
“Oh
ano?” sabi ni Argel nang makapasok na din sya.
Nagtaka
naman ako sa sinabi nya at napansin kong tinutulak ako ni Cheryl papalabas para
lumipat ng upuan.
“Dun
ka daw sabi ni Argel!” sabi ni Cheryl at dahil sa gabi na ay hindi na ako
nakipag away at tumabi kay Argel.
Pinaandar
na nya ang sasakyan, habang nasa loob kami ng sasakyan ay nakaramdam ako ng
antok, at pinipilit kong labanan ang aking antok para hindi nakakahiya kay
Argel, pero hindi ko namalayan na bumagsak na ang mga mata ko.
Naramdaman
ko na may umakay sa akin at naririnig ko ang mga boses nila mommy, kaya minulat
ko ang mga mata ko.
“Oh
gising ka na pala!” sabi ni mommy at nakita kong papalabas na ng kwarto si
Argel.
Ngumiti
lang ako kay mommy at tumayo.
“Argel!”
sigaw ko at tumigil sya sa harapan ng pintuan ko.
Tumingin
lang sya sa akin at nakita ko ang pagka seryoso nya.
“Dito
ka na kumain!” sabi ko at nakita kong hindi sya umimik.
“Tara
na dito sa kwarto ni Ken!” sabi ni mommy at nagtataka naman ako sa ginawa ni
mommy.
Lumapit
si Argel at pinaupo sya sa may terrace.
“Dun
na kayo muna ah! Papadala ko na lang ang pagkain nyo!” sabi ni mommy at ngumiti
lang ako.
Lumapit
na din ako kung saan nakaupo si Argel at nakita kong nakatingala sya sa
kalangitan.
“M...
May problema ba?” sabi ko sa kanya at tumingin sya sa akin.
Nakita
ko ang kanyang seryosong mukha na mas lalong napapatitig ako dahil sa kanyang
maamong mukha kahit seryoso na ito.
“Wala!”
sabi nito sa akin at pinilit ko pa din syang tanungin.
“Ano
nga?” sabi ko sa kanya at ngumiti ito sa akin.
“Wala
nga kasi!” sabi nito at nainis na ako sa kanyang sinagot.
“Isa
pang sagot na wala sasapakin kita!” sabi ko sa kanya at tumingin sya sa akin.
“Kung
papipiliin ka, sino ang mas matimbang sayo? Si Ace o Ako?” sabi nito at nagulat
naman ako sa kanyang sinabi.
“Ano?!”
sabi ko na lang sa kanya at bumalik sya sa pagtitig sa kalangitan.
To Be Continue...
Next Episode Teaser:
Ito na ba ang magandang pagtitinginan nila Ken at Argel?
Sundan nyo ang susunod na episode.
Kagulat nmn yung tanong ni argel.
ReplyDeleteKung ako lng masusunod mas gus2 ko c argel para kay ken. :)
~frostking
wow napaka brusko naman ni argel,
ReplyDeletei go for argel kahit di xha masyadong sweet compare kay ace..
XOXO "ARSTEVE"
ang cute nmn ni argel!hihihi...kung magtanong wagas..nakakapagpatameme.haha..
ReplyDelete-monty
ayos c argel ah hehe''
ReplyDelete