Ito na ang Chapter 14 ng 9 Mornings. Hindi na muna ako
babati sa inyo ngayon guys dahil sobrang antok na talaga ako.
Kung may mga typos at wrong usage of words man sa chapter na
ito wag na kayong ma bigla trade mark ko na yan. Hahahahaha Enjoy reading
nalang guys and keep the comments coming! Ingat tayo lagi! Zephiel.
Jefofotz –
Natapos ko rin. Wew! Sumakit ulot ko dato.
DISCLAIMER: This story is
a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are
purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests
that in any use of this material that my rights are respected. Please do not
copy or use this story in any manner without my permission. <hr color="pink"
width="100%" align="center"><!--more-->
Parang apoy na biglang lumiyab ang galit
sa aking buong katawan ng mapagtanto ko kung sino ang taong nasa harapan ngayon
ng bahay ko. Bumilis ang pagtibok ng aking puso marahil ay dala ng sobrang
pangigigil. Nakatunghay lang sya sa akin na para bang hinihintay akong lumapit
sa kanya.
Muli kong naalala ang mga mapapait na mga sinabi nito sa
akin. Ang aking naging pangako sa sarili na hinding hindi na ako magpapaapekto
sa kanya. I composed myself at tinatagan ang aking loob. Ngayon ko sisimulan
ang katuparan ng pangako ko sa sarili.
Kakaiba ang mga tingin nya ngayon kahit may galit parin sa
mukha nito ay hindi na ganun katindi. Hindi ako nagpatalo sa pakikipagtitigan
nya hanggang sa makalapit ako sa kanya. Muntik pa akong mapasinghap ng makitang
may pasa sa gilid ng kanyang labi. Hindi rin makakailang kagagaling lang nito
sa isang inuman dahil amoy ko pa pag singaw ng alak sa katawan nito.
“Let’s talk.” Ang wika nito. Mukhang ito na ang second round
na hinihintay ko hindi ko lang akalain na ganito ka aga sya susugod.
Aktong tatalikod na ako sa kanya nang pigilan nya ako sa
pamamagitan ng paghawak nya sa kamay ko. Even his touch is different mahigpit
iyon pero hindi katulad ng kagabi na halos baliin na nya. Sinubukan kong
makawala sa pagkakatawak nya, pero sadyang kulang ang lakas ko.
“I’m giving you the chance to explain yourself Laurence.”
May bahid ng pagkairita nitong sabi kaya naman tuluyan ng umapaw ang galit ko
sa kanya. Hindi kong bakit nagbago ang ihip ng hangin ang alam ko lang hindi ko
nagustohan ang tono nang pananalita nya. Gusto pa nyang ipagpasalamat ko na
handa na syang makinig? Para ano pa? Huli na ang lahat dahil kung sya ngayon ay
handa nang makinig ako naman ay sawa nang magpaliwanag.
Lalo lang tuloy sumidhi ang galit. Ang pagiging arogante nya
ay ang bagay na ayaw na ayaw ko sa kanya noon.
“Too late Claude, wala na akong balak na magpaliwanag sayo
kaya umalis kana.” Walang emosyong wika ko sa kanya. Hindi na ako papatalo at
magpapagulat pa tama na ang anim na taon kung pagdurusa sa isang kasalanang
kung tutuusin ako ang biktima.
“Marami na akong isinakrepisyo sa pagkakamaling iyon na kung
tutuusin hindi ko naman kasalanan tama na siguro yon.” Muli na namang bumuhos
ang mga luhang inaakala ko kaya kong pigilan.
Natigilan ito at yon ang ginamit kong pagkakataon para
tuluyang makawala sa kanyang pagkakahawak sa akin. Bakas sa kanyang mga mata na
ang pagkalito.
“Kung ang ka miserablehan ko ang gusto mong makita ito oh
nagiisa na ako. Nawalan ako nang tiwala sa mga tao pati si mama ay nawala narin
sa akin. Sana masaya kana Claude.” Tuluyan na akong tumalikod sa kanya. Hindi
ko parin mapigilan ang hindi masaktan dahil hanggang ngayon mahal ko parin sya,
pero siguro ito na rin ang tamang panahon para tuluyang pakawalan ang sarili ko
sa pagkakakulong sa nakaraan.
Halos lunurin ko na ang sarili ko sa kakaiyak. Gusto kong
ubusin ang lahat ng sakit na meron ako sa loob ko. Parang sirang plaka namang
bumabalik balik ang lahat ng masasakit na salitang binitiwan nya sa akin. Ang
taong inakala kong hindi ako sasaktan. Ang nagiisang taong pinagkatiwalaan ko
nang aking puso.
Kay sakit na sa mismong taong minahal mo magmumula ang mga
masasakit na salita. Lahat ng panhihinayang ay naramdaman ko. Panhihinayang
para sa sarili ko dahil kahit ngayon kinakain parin ako nang konsensya ko kung
bakit nawala si mama sa akin. Kung sana ay naging matatag ako noon sana ay
hindi mapapadali ang buhay nito. Hindi ko na nagawang makipag kaibigan kahit na
sino matapos ang nangyaring iyon sa akin. Parang na trauma at din a nagawang pagkatiwalaan
ang kahit na sino pati ang ang matalik kong pinsan.
Panhihinayang para sa amin ni Claude. I thought I already
found someone who could love me for real but I was wrong. Hindi ako nakayanang
panindigan ni Claude, oo minahal nya ako noon hindi ko maikakaila iyon, pero
hindi pala sapat na mahal mo lang ang isang tao.
Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako sa sobrang
pagod sa kakangawa. Kahit papaano ay nakatulong naman iyon para mabawasan
manlang kahit konte ang bigat ng dinadala ko.
<hr
color="pink" width="50%" align="center">
Pasado ala-dose na nang tanghali nang magising ako. Para
akong robot na walang pakiramdam na tumayo at tinungo ang kusina para mag-init
ng tubig. Kape ang kailangan ko dahil natutulungan ako nitong makapagrelax
kahit papaano. Habang hinihintay kumulo ang tubig ay pinuntahan ko ang mga
papel ng mga estudyante ko, balak kong tapusin lahat ng iyon.
Hindi pa man nangagalahati ang laman ng aking kape nang may
marinig akong katok sa pinto. Nakaramdam ako nang konteng pag-aalalangan kung
pagbubuksan ba iyon. Natatakot kasi ako na baka si Claude na naman yon ngunit
nakangiting si Pat ang bumungad sa akin. Kuntodo porma ang loko at sobrang
bango pa.
“Bukas kasi ang gate mo kaya tumuloy na ako.” Bungad nito sa
akin. Siguro nakalimutan kong isara ang gate kanina sa pagmamadaling makaiwas
kay Claude.
“Ano meron?” Wala sa sarili kong sabi dahil sa pagkagulat.
“Wala, boring kasi sa apartment ko kaya mangiistorbo sana
ako. Hindi mo ba ako papapasukin?” Agad naman akong tumabi sa pagkakaharang sa
pinto.
“Excited ka ata sa party mamaya.” Pagpansin ko sa porma
nito. Parang teenager lang ito. Sa hitchura nya ngayon hindi mahahalatang 27 na
ito.
“Dumaan kasi ako nang mall para maglibot at nang magutom ako
bumili na rin ako nang pagkain naaalala kong nag-iisa kalang dito kaya imbes na
doon kumain nag takeout nalang ako para sa ating dalawa.” Sabay taas nito nang
kanyang kamay na may hawak na supot ng KFC.
“Hindi kana sana nag abala pa.” Muli na namang bumalik sa
akin ang pagaalangan sa mga tao tulad ng dati. Simula kasi na mangyari ang
insedenteng iyon sa buhay ko ay nawalan ako nang tiwala sa mga taong gustong
makipag-lapit sa akin. Kahit sa bagong paaralan ko ay hindi na ako muling nakipag
usap kahit na kanino. Kung anu-ano ang naging tawag sa akin noon na kesyo weird
daw ako, emo, geek at marami pang iba ngunit baliwala iyon sa akin sa laki nang
dinadala ko sa mga panahong iyon manhid na ako.
Si Ralf ay sinubukan akong kausapin walang araw na hindi ito
dumaan sa bahay para makipagkulitan ngunit sadyang linamon na rin ako nang
kalungkutan ni hindi ko na magawang ngumiti. Galit at pagkasuklam ang tanging
nararamdaman ko noon dahil sa ginawa sa akin ni Alfie.
Walang gabi na hindi ako umiiyak at nagwawala sa tuwing
maaalala ko ang mapapait na mga nangyari sa akin. Sa tuwing bumabalik sa akin
ang masasakit na mga salita ni Claude, ang kanyang galit na galit na mukha
lahat ng iyon isinisi ko kay Alfie.
Nag bago lang ang lahat ng mamatay si mama. Doon ko na
realize na sobra ko na pala syang pinapahirapan. Nag decide akong mag bago at
subukang kalimutan ang nakaraan ko kahit huli na para na rin mapanatag ang
aking ina. Nag simula akong mag hanap ng trabaho at sinuwerte namang natanggap
ako sa isang pribadong eskwelahan bilang history teacher. Doon ko nakilala ang
mga bagong tao sa buhay ko.
“Okey lang para na rin may kasabay akong kumain.” Nakangiti
nitong wika nang mailapag nya sa mesa ang kanyang mga dalang pagkain. “Nag
tratrabaho ka? Pwedi mo namang gawin yan next year pahinga ka muna.” Dagdag pa
nitong sabi nang mapansin ang nagkalat na papel sa mesa.
“Wala lang akong magawa kaya ito ang pinag-trip-an ko. Teka
ligpitin ko lang to para makakain na tayo.”
“Sabagay, ako nga hindi ko kayang walang gawin habang
mag-isa lang sa apartment ko eh kaya imbes na masiraan ako nang bait gumagala
nalang ako.”
“Hindi ko alam na mahilig ka palang gumala.”
“Dalawang lugar lang naman ang pinupuntahan ko pag-gumagala
ako.” Nailabas na nito ang mga binili nyang pagkain medyo tinamaan naman agad
ako nang gutom.
“Dalawang lugar? Saan naman yon?” Kunyare hindi ko pinansin
ang mga masasarap na pagkain sa mesa.
Ngumisi ito sa akin napansin nya siguro ang palihim kong
pagsulyap sa mga pagkain habang abala sa pagliligpit ng mga nagkalat na papel.
“Sabi ko na nga ba’t gutom kana.” Nakangisi nitong sabi.
Hindi ko sya pinansin at nag panggap nalang na hindi ko narinig ang sinabi nya.
Sino ba naman ang hindi gugutumin kung makakakita ka nang chicken bar-be-que at
iba pang masarap na ulam. Alam talaga ni Pat ang kahinaan ko.
“Anyway, Sa Coffee shop na paborito ko para tumambay at mag
wifi tapos sa gym hilig kasi namin ng half brother ko ang magbabad don noon
eh.”
“Hah?” Di ko maiwasang maguluhan sa sobrang focus ko sa
pagkain.
“Yung dalawang lugar na gusto kong puntahan.” Paglilinaw
nito sa akin. Hindi parin mapalis ang ngiti nito.
“Okey.” Nang matapos kong mailigpit ang mga kalat ay isinunod ko naman ang paglalagay ng
plato sa mesa at nang maibaling ko ang aking tingin kay Pat ay nakita ko itong
seryosong nakatingin sa akin. Yung tingin na parang may gusto itong sabihin.
“Bakit?” Pagpupuna ko sa kanya.
Umiling-iling lang ito saka ngumiti.
“Wala, may naalala lang ako. Tara kain na tayo kumakalam na
sikmura ko hindi kasi ako nag almusal kanina eh.”
Ewan ko kung masyado lang ba akong gutom sa mga oras na
iyon, pero parang may kakaiba sa tingin nya. Parang awa ang nakita ko sa mga
tingin nyang iyon.
“Nagkita na ba kayo nang dati mong kaibigan?” Pagbasag nito
sa katahimikan habang kumakain kami. Bahagya pa akong nabigla sa tanong na iyon
ni Pat sa akin.
“Oo, kagabi.” Matapid kong sagot sa kanya.
“So, what happened?”
Simpleng tanong na hindi ko kayang sagutin. Hanggang ngayon
ay di ko pa rin magawang buksan ang sarili ko sa ibang tao lalo na kay Pat.
Siguradong lalayuan ako nito kung malaman nya ang tungkol kay Claude at sa
eskandalong kinasangkutan ko noon at ayaw ko iyong mangyari. Si Pat lang ang
tanging taong naging panatag ako. Isang pakiramdam na hindi ko maramdaman sa
ibang tao simula nang insedenteng iyon na nangyari anim na taon na ang
nakakalipas.
“I guess hindi maganda ang nangyari.” Wika nito nang siguro
mapansin nyang wala akong balak na sagutin ang tanong nya.
“Sorry.” Iyon nalang ang naisambit ko.
“Okey lang. Oh, wag ka nang seryoso dyan papakin nalang
natin tong mga binili ko.” Sumilay muli sa kanyang mukha ang napakagandang
ngiti na ginantiyan ko naman ng isa ring ngiti.
“For sure masaya mamaya sa school. May bandang tutugtog na
inarkila ng SSC members’ todo party sila mamaya.” Alam kung gusto lang nitong
may mapagusapan kaya naman kinagat ko na rin iyon.
“Talaga? Mukhang masaya nga yan. Eh tayo ba meron din?”
“Hindi ko alam. Ayaw sabihin ni Miss Organizer surprise daw.
Pero ang alam ko malaki ang budget natin.”
“Talaga? Nice.” Ang tatango-tango kong sabi.
Marami pa kaming napagusapan ni Pat hanggang sa mag desisyon
na itong umuwi para makapag handa. Kailangan pa raw nyang siguraduhin na hindi
papalpak ang mga sound system na sya ang naka assign. Parang nagpunta lang talaga
ito sa bahay ko para aliwin ako at kulitin na ikinatuwa ko naman dahil talagang
na enjoy ako ang company nya.
Hindi ko na binalikan ang trabahong naudlot kanina nung
dumating si Pat. Bagkus ay muli akong nahiga, tinablan ako nang antok sa
sobrang kabusogan.
<hr
color="pink" width="50%" align="center">
Naalimpungatan ako sa malakas na tunog ng aking cellphone na
naka patong sa side table malapit sa kama ko.
“Hello?” Ang medyo inaantok ko pang bati sa estorbong
tumawag sa akin.
“Asan kana? Kanina ka pa namin hinihintay dito nagsisimula
na ang program.” Pamilyar ang boses nito sa akin kaya naman inilayo ko ang
aking telepono sa aking tenga para tingnan ang naka register na pangalan.
“Ah, Chatty sorry kagigising ko lang eh pasensya na.” Wika
ko nang makitang si Chatty pala ang kausap ko.
“May balak ka pa bang pumunta rito? Kanina kapa hinahanap ni
papa Pat.” Rinig ko ang mahinang ingay sa background nito marahil ay nasa loob
sya ng faculty room.
“Anong oras na ba?”
“Ala-syete na iho kaya bilisan mo na dyan pa…”
“Rence, asan kana bakit wala kapa?” Biglang nagiba ang boses
ng kausap ko.
“Ay! papa Pat, talagang nang aagaw ng cellphone?” Ang
narinig ko namang tili ni Chatty.
“Oi Pat, ito papunta na nakatulog ulit kasi ako.” Di ko
maiwasang mapangiti dahil rinig ko parin ang pagtatalak ni Chatty.
“Okey, bilisan mo ah. Bigay ko na kay chatty cellphone nya
ang ingay kasi.”
“Hindi ko na talaga ipapahawak sa iba itong cellphone ko
dahil hinawakan ito ni papa Pat!”Animoy kinikilig na tili ni Chatty.
“Mukhang na sobrahan ka na naman sa rugby ah.” Pangaasar ko
sa kanya.
“Tse! Hindi ako tumitira nang rugby noh dahil hindi ako
cheap.”
“Wala akong sinabi na cheap ka.” Pangaasar ko pang lalo sa
kanya.
“Whatever! Bye na nga! Dalian mo na dyan!” Sabay putol nito
nang linya.
Iyon ang rason kung bakit wiling-wili akong asarin si Chatty
dahil mabilis itong mapikon. Agad naman akong pumasok ng banyo para maligo.
Panigurado kasing uulanin ako nang sermon kay Chatty mamaya pag na late pa ako
lalo.
Makalipag ang isang oras nakarating ako sa eskwelahan. Maraming
mga estudyante ang bumati sa akin hindi pa man ako nakakapasok. May mga na
ninigarilyo, meron ding naglalampungan at ang iba ay pinagplaplanuhan ang after
party na gagawin nila since bawal mag dala nang alak sa loob.
“Sir, merry Christmas sama ka sa inuman namin mamaya.”
Magiliw na bungad sa akin ng isang 4th year student.
“Merry Christmas din. Pass lang muna ako sa inuman Karl.”
Balik bati ko naman sa kanya.
Nakakatuwang tingnan ang mga nagkakalat na mga estudyante.
Lahat ay bakas ang kasiyahan sa kanil dahil wala na silang exam na iisipin at
isama mo pa ang mahabang bakasyon.
Ngayon ay hindi namin kailangang magmukhang kagalang-galang,
magsuot ng uniporme at humawak ng libro. Patas ang estado namin ngayon sa mga
estudyante kaya nakikigulo kami. Nang marating ko ang gym ay nagsisimula nang
tumugtog ang banda. Enjoy na enjoy lahat ng tao pati sina Chatty at iba pa ay
nakikisaya. Bihira mo lang makikita ang mga matatanda pag ganitong okasyon mga
bagong sibol ika nga ang uma-attend sa mga ganitong party.
Pabiro kong kinalabit sa buhok si Chatty kasama nito ang
kanyang mga estudyanteng babae na busy sa kakatili sa bandang tumutugtog.
“Party party!” Pasigaw nitong sabi na sinamahan pa ng pag
sayaw-sayaw pa sa harapan ko. Tilian naman ang mga kababaihan na kasama nito.
“Inuman daw tayo mamaya!” Napaigtad pa ako sa pagsigaw nito malapit sa tenga
ko.
“Hindi ba’t may party tayo bukas?” Tugon ko naman sa kanya.
“Boring bukas for sure kasi kasama ang matatanda! Kaya let’s
enjoy the night! Yeah boi!”
“Adik ka!” Ang sabi ko nalang.
“Rence! Sama ka sa amin mamaya ah! Ambagan naman kaya masaya
to!” Wika naman ni Arman hindi ko napansin na nasalikod ko pala ito.
“Di ba bukas pa ang plano nang inuman natin?” Ang totoo
gusto ko lang tumanggi baka mapasubo kasi ako at hindi makapagsimba. Sayang
kung ngayon pa ako aabsent.
“Nag change plan si Pat gusto nya ngayon na daw.” Sabat ni
Chatty.
“Pano sina Arthur, Jody at Erika?”
“Na inform na sila. In fact ikaw nalang ang hindi pa
informed.” Si Arman. “Wait sabihin ko na si Pat na nandito kana para go na
tayo.” At agad na itong tumalikod.
Mukhang mapapasubo ako sa mga ito.
“Wala ka nang takas kaya if I were you sumama ka nalang kung
ayaw mong kaladkarin ka namin.” Malakas talaga ang radar nitong bruhang to.
Nahulaan agad ang balak ko.
Hindi na nga ako nakatakas pa sa kanila dahil dumating na
ang iba pang makukulit. Napag-desisyunan nilang sa seventh bar pumunta since
acoustic night nila ngayon sabi ni Erika na isang number one costumer ng bar na
iyon.
Dumating nga kami sa seventh bar ang kilalang acoustic bar
sa lugar namin. First time kong makapunta at makita ang bar na iyon sa downtown
area. Ito pala ang bar ng mga dati kong
schoolmates. Ang nasabi ko nalang sa aking sarili. Tulad ng resto nina
Angela at Mina magaganda ang Christmas decoration sa loob at labas ng bar.
Nang makatawid kami sa kalsada kong saan ipinark ni Arthur
at Pat ang kanilang mga sasakyan doon ko lang naaninag sina Mina na nag
uumpukan sa labas.
“Dito pala ang mga may-ari.” Wika ni Erika nang mapansin rin
ang grupo nina Mina.
“Sila ang may-ari nitong bar? Mga ka edad pala natin ang mga
yan.” Tugon naman ni Jody.
“Mga anak mayaman kasi mga yan. Pero sila lang ang anak
mayaman na mababait at very approachable.” Pagbibigay impormasyon naman ni
Erika.
“Ang popogi ng mga boys.” Umandar ang pagiging malandi ni
Arman ng makita sina Red. Sino ba naman kasi ang hindi lalandi kung ang
matitinik na lalaki sa batch namin ang makikita mo na ngayon ay lalo pang
naging makisig.
“Wag ka girl taken na ang mga yan. At take note mga lalaki
rin ang partners’ nila.” Napalingon naman ang mga kasama namin kay Erika.
“Ows? Di nga?” Ang halos sabay-sabay nilang sabi.
“See for yourself.”
Gusto ko sanang mag tago sa likod nina Pat para hindi ako
mapansin ng grupo ni Mina dahil baka biglang ma open ang topic tungkol kay
Claude naroon pa man din ang madaldal na si Angela, pero bigo ako dahil nakita
agad ako nito.
“Laurence? It’s nice to finally have you as our
costumer.”Bati agad ni Mina sa akin. Napatingin naman sa akin ang mga kasama ko
na may pagtataka.
“Hi Mina.” Mahiya-hiya ko namang tugon.
“Mabuti at napadpad kayo rito.” Wika pa nito.
“Actually, ideya nila ang pumunta rito nasali lang ako. Sya
nga pala these are my co-teachers Erika, Jody, Arthur, Chatty, Arman and Pat.”
Pagpapakilala ko sa mga kasama ko sa kanila.
“Hello guys nice to meet you.” Nakangiting wika ni Mina. “These are my friends and also the co-owner of our humble bar Antonet, her husband Carlo, Angela, Red, Dorwin, Ace, Rome and of course my handsome husband Chad mga dati kaming ka klase ni Laurence way back high school.” Nakipag kamayan naman ang mga ito sa mga kasama ko.
“Order lang kayo sa loob may 20% discount kayo for bringing
Laurence here.” Nakangiting wika ni Antonet. Napa high five sina Pat at Arthur
at nagpasalamat. Ang mga babae naming kasama ay umarangkada rin na magiliw
namang pinatulan ng mga kaibigan ni Mina. Sobrang bait talaga nilang lahat.
“Mahal, samahan ko muna sila sa loob.” Wika ni Red. Ang
lambing talaga nito sa partner nya ni hindi nito inalintana kung may
makakarinig sa kanya.
“Red, tanungin mo si Alex kung may naka reserve sa VIP
table. Kung wala, let Laurence group take it.” Wika ni Antonet.
Sinamahan nga kami ni Red sa loob kahit wala pang bandang
tumutugtog ay marami nang tao at halos lahat ng mesa ay ukupado na.
“Hindi pa naman daw naka reserve ang VIP table kaya doon na
kayo pumuwesto.” Wika ni Red, katatapos lang nitong kausapin ang isang lalaki
sa may casher table.
“How much naman ang babayaran namin?” Malanding wika ni
Arman.
“Don’t worry wala kayong babayaran except sa orders nyo.”
Sabay bigay nito nang pamatay nyang ngiti. Rinig ko pang napasinghap si Chatty
at Erika na nasa likuran ko sa mga oras na iyon.
“Salamat Red.” Ang sabi ko nalang bago pa umandar ang
kalandian ni Chatty at imbes na makalibre ay mapalayas pa kami ni Attorney.
“Walang kaso. So, guys ma iwan ko na kayo enjoy the gig.” At
tuluyan na itong bumalik sa grupo nila sa labas. Kita ko pang nag thumbs up si
Mina sa akin na ikinapagtaka ko.
“Meyn! Hangpogi!” Mahinang
tili ni Chatty.
“Walang duda girl, pero taken na yan at si Att. Nivera ang
partner nya.” May panghihinayang namang sabi ni Erika.
“Lahat ata nang gwapo ngayon gwapo na rin ang hanap. Oh
hindi!” Si Chatty, eksihadora pa nitong sinabunotan ang sarili.
“Mga kilala mo pala sila Rence, ba’t di mo sinabi agad.”
Maya-mayay wika ni Pat di na siguro nito natagalan ang kalokohan nina Chatty at
Erika.
“Hindi naman kasi kayo nagtanong.” Nakangiti kong sagot.
Nagsimula ang inuman pati ako ay napasubo na rin.
Matagal-tagal na rin akong hindi nakakainum ng beer kaya naman sarap na sarap
ako isama mo pa ang magagandang acoustic songs na tinutugtog ng banda na mas
lalong nagpagana sa aking uminum.
Tuloy-tuloy lang ang kasiyahan nariyang ang tawanan, asaran
at kung anu-ano pa. Minsan naman ay kung alam namin ang kanta ay sumasabay kami.
Doon ko muling naranasan ang tumawa nang totoo, para akong bumalik sa dati, sa
panahon na hindi pa nangyayari ang mga mapapait na bagay sa akin. Tawa kung
tawa, kanta kung kanta, yan ang ginawa namin ng mga kasama ko.
Natapos ang unang set ng banda kaya kwentuhang wagas naman
ang inatupag namin. Kung anu-ano lang ang napag-tritripan naming pagusapan
kwentong lasing kung baga. Minsan kapag nagsasalubong ang tingin namin ni Pat
ay ngumingiti ito sa akin. I don’t know kung anu ang ibig sabihin ng mga ngiti
nyang yon hindi ko na pinilit alamin sa sobrang pagka-wili ko sa mga kalokohan
namin.
Nang hindi ko na mapigilan ang pagkaihi ay nagpaalam ako sa
kanila dali-dali kong tinungo ang CR.
“Malakas ka na palang uminum ngayon.” Nabigla ako sa
pamilyar na boses na nagsalita. Nang lingunin ko ito ay tumambad sa akin ang
muha ni Claude na naka sandal sa may pintuan ng CR.
Paano na punta tong
taong to rito?
“Anong ginagawa mo rito?” Asik ko sa kanya.
“Kelan kapa naging sugapa sa alak? Hindi ka naman ganun dati
ah.”
“Pakialam mo?” Mukhang nakatulong ang epekto nang beer sa
akin para magawa kong sagutin si Claude ng pabalang. “Umalis ka nga dyan
lalabas ako.”
“Hindi ako aalis dito hanggat hindi mo ako kinakausap ng
matino.” May pangaasar na wika nito.
“Ano ba ang problema mo?” Pikon kung sabi. Kung kelan kasi
pansamantala ko nang nakalimutan sya ay saka naman ang biglang pagsulpot nya.
“Problema ko? Hindi mo pa ba alam?” Ngumisi pa nito nang nakakagago
at nagsimula nanamang magwala ang puso ko. Na miss ko ang ganun, na miss ko ang
Claude na lagi akong inaasar. Pero agad kong isinangtabi iyon.
“Wala akong balak makipag-gaguhan sayo. Padaanin mo ako
hinihintay na ako nang mga kaibigan ko!”
“Nope, Hindi kana babalik sa mga kaibigan mo dahil sasama ka
sa akin.” May angas nitong sabi.
“Ako?” Literal ko pa talagang tinuro ang sarili ko. “Sasama
sayo? Naka drugs kaba?”
“Yes and No. Kung ayaw mong ipangalandakan ko ang naging
relasyon natin sa mga co-teachers mo sasama ka sa akin.” Ngumisi pa ito nang
nakakagago talagang nang iinis si loko.
Ito ba ang bagong laro
nya ngayon para makaganti? Ang di ko mapigilang maitanong sa aking sarili.
“Wag mo akong takunin dahil hindi ako natatakot. Sino ba ang
masisira nang reputasyon kung malalaman nila ang tungkol sa atin.” Ni hindi ko
alam kung bakit iyon ang nasabi ko tinamaan nga ata ako sa pananakot nya.
“Obviously ikaw. Sino ba ang teacher sa ating dalawa?” Basag
nito sa akin na sinamahan pa nang nakakaloko nitong tawa.
“Ano ba ang kailangan mo sa akin?”
“You already know what I want to you.” Tama nga naman gusto
nitong makita akong mesirable para makaganti sya sa akin. Kaya alam kong hindi
ito mag dadalawang isip na ibulgar ang naging relasyon namin basta masira lang
ako.
“S-Saan tayo pupunta?” Wala na akong nagawa kung hindi ang
umayon nalang. Hindi ko na kakayahin ang isa pang kahihiyan ngayon.
Sumilay ang ngiti nito sa kanyang mukha. Simbolo nang
pagbubunyagi nito sa ginawa kong pagsuko.
“Somewhere more private. Lets go?” Inilahad nito sa akin ang
kanyang kamay. May pagaatubili ko naman itong tinangap.
“Relax, masyado kang nanlalamig. Act normal sa mga kaibigan
mo magpaalam ka sa kanila nang maayos.” Wika nito nang pabalik na kami sa
umpukan ng mga kasama ko.
Sinubukan kong bawiin ang kamay ko sa kanya nang malapit na
kami sa mesa nang mga kasama ko pero hindi nya ito binitawan lalo lang nitong
hinigpitan ang kanyang pagkakahawak.
“G-Guys?” Ang pagtawag ko sa kanilang pansin. Bakas ang
pagkabigla sa kanila nang makita si Claude at ang kamay naming magkahugpong.
“Im sorry but I have to go. May imporante kasi kaming lakad nitong…” lumingon
muna ako kay Claude na nakangiti lang sa kanila. “Nitong kaibigan ko.”
“Ganun ba?” Bakas ang pagtataka sa mukha ni Pat.
“Yung share ko…”
“Ako nalang muna ang magbabayad, bayaran mo nalang ako
bukas.” Pagputol ni Pat sa sasabihin ko. “Ingat nalang kayo.”
“S-Sige.”
“Lets go.” Wika ni Claude sabay hila sa akin palabas ng
naturang bar na iyon. Hindi na ako lumingon pa sa mga kaibigan ko sa sobrang
hiya. Hindi ko palalampasin itong ginawa
mo sa akin Claude!
“Pinsan mauna na kami.” Pagpapaalam nito kay Chad nang
mapadaan kami sa lamesa nila sa labas ng bar. Itinaas lang nito ang bote nang
kanyang iniinum bilang pagtugon.
“Si Chad ang nagsabi sayo kung nasaan ako?” Asik ko kanya
habang kinakaladkad ako papunta sa parking area.
“Maybe.”
Arggghh!!! Lakas
mangasar ng hayop na to!
Itutuloy:
Ayan na nagsisimula na ang kilig moment between Claude and Rence
ReplyDelete