ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Saturday, October 6, 2012

3 Minahal ni Bestfriend : Memories part 15


             Kamusta po ulit dyan? ^_^

             Una, kung matatandaan nyo ay malapit na po ang pagtatapos ng series na ito kaya ngayon pa lang ay gusto na pong magpasalamat sa inyong lahat. Maraming maraming salamat po!

             Pangalawa ay gusto ko pasalamatan ang aking Bembem ko na laging andyan para sa akin all the way! Kay MIMI RAGE na syang gumawa ng cover, Kay Jojie, Zeke, at kay Erwin F. Syempre po kay --makki--,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, iamronald, cuirous19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh (Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price arl, Mark Jayson Pionela, Judaskyle13, JD Javra,Jasper, ZROM60, kapitanismo, Eiji_monster, =dereck=, Riley, Chris, Lei, arvie04,John Gino Basinang, Red of Singapore, Josue Altoveros, Nico, kean tongol, ryan lee, Anthon Gonzales, Edward, Christian, arljhay, hula_boy, 21, totix, erickvladd, calvin, PIP, J, -London-, Down D. Line, ,Mel Gibson, jrvr, vinz_uan, mon, Queckenstedt, kean tongol, Atsea, Bonzai, ryan lee, -rob-, IAN, JM MJ, Jay-Ar, robert, Ryvis Tan, vincent28, Jhumer Andres, shane, Nico, Bonzai, dhyames, wexersz_15, Ras, EUS, Iamrex, LordPauldemort, itsmethirdy, ryan lee, shane, Jhumer Andres, Hiya!, Jay-ar, renxz, pangz, jaymefrompalawan, Ryvis Tan, jamespott, Rez of Bacolod, Silent_al, ariel loniga, jheyjhey javier, maybe, g, patryckjr, Enrique, iRead,wil, jae.jae, RGEEE, Jim of Pangasinan, xheanne, eric sioson, Cloyd, LEI, Moon Sung-Min, meloh, _june_, JD Javra, d^,^b camotes \m/hunk, nam, itsmethirdy, =jess=, Marcanthony, knight_in_shining_armor(hehehe), nam, Danielle, alejojohn, _unspoken_words_, akosijames, Nicholadia, Enrique, lloydie, LemLem, Jayar, Nico, Unknown, Aldrin, , _alelojohn, Dada Marcelo, cris bautista, Malachimark, -erickboi-, Yoshi, Karl rickson, online via ginno, Nikko Ramos, toffer lopez, Prince Pao, ALex, ja, kris, ramzter, Jm_virgin2009, Marlone, edrich of cebu, Archivald, russ, Mars, foxriver, Burj of Abu Dhabi, maybe, pd, mykel22, ampugeh, mark5337, ALDRIN, Al, brenthotz18, toffer lopez, Prince Pao, MarcAnthony, - marcus -, Nikko Ramos, Rands of QC, harry, alex, .paisano, jay.19.bi, Pancookie, cris bautista, Bri, Alexis Gacayan, Paolo Escaba, tj, nikk, eric sioson, -rom-, shingha, Mr.handsome, Mac, nivz, MP of Pasig, ilyrars, erik, .lordsun pogie, Enzo12, Tnito Schrugs, aeigh27 of binan laguna, cris bautista, JC SHIN, marlboro, monty, cazlhers@yahoo.com, fixboy, jay Tagaro, kris, Keanu Reeves, Marky, -rom-, foxriver, diumar, P.Y.S.H, edrich of cebu, bon-bon, Gerald, dhenxo (UTOL!!), kira, Uri_KiDo, Arnold Lachica, iamfree, chadie, IgnorantengFrog, ericka, em_bie24, , arvin of Taiwan, nikk, A L P O, rain, shingha, pein_kyoya, Gian, Enzo12, MIMI RAGE, Brent Angelo, Lawfer, Levin, Ramm, razhly, luilao, kajiki_anton, Jerwin Caraang, slushe.love, Jamespott, pein_kyoya, monja, paul ni joseph ponce, iamdarkdreamer, trutsofme, 12334, Paopi Lopez, dyasper dyokson, Rj, Bequillo, jhexter vhon, Redrockerz, Jamespott, cheryllee, Kimpoy Feliciano, Yrec, Karl Ricson, kierlynez, jon888, archerangel, Cholo Sevilla, ramzter, cy, ian of k.s.a, krisluv, dro, allen mark, manuel, franklin alviola, sora cesar aloner, justine of QATAR, cap, vash18, ramy from qatar, hot_andrew_21, derek ramsey, Jm Fab, ARSTEVE, edward_cavite, g, jhayc, jaycee mejica, kiero143, MorLuck, Tagadxb, Charo Santos, Choy Sevilla, Chris Evans, PauuulFabian, Pao, Ayen, Lee, Toffer(charmedboy09), anita baker, -kiss-, lm_rix, jhay ar tabz, Saykz, hajji alivio, ryval winston, jaycee mejica, Leowenstein, nashdane, Manuel, Louis, Dylan of Jeddah, carlo lovendino, ireneomercado, LeonardCruzL@yahoo.com, johnjamesjohn, eelkahr, hormy, manila_sex_actor,DyEyD, carlo lovendino, Yhno, alphongx, zapfyre_01, -Dylan-, jumpin rooftops, Coffee Prince, KYLE DEXTER RIVERA at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at silent readers po. :) At syempre po sa mga friends natin sa fb.





              Pwede nyo po pala ako macontact sa mga sumusunod. Favor na rin pala. Hehehehe ^_^

              Fb Add- http://www.facebook.com/kenji.bem.oya
              Fb Fanpage Like - http://www.facebook.com/minahalnibestfriend
              Blogsite - darkkenstories.blogspot.com

              COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED





Bigla akong napatayo at kinuha ang cellphone ko. Hindi ko alam bat sya ang tinext ko para makipagkita. Pero sya ang unang pumasok sa isip ko.

Beep. Beep.

“Ok, pupunta ako…”

I was waiting anxiously. Hindi ko namalayan na sa sobrang kaba ko ay naubos ko na pala din ang kinakain ko. Pero scenes of me and Andre being somewhere at kumakain ng fishball at nagkukuwentuhan habang nagtatawanan ay paulit ulit na nagpplay sa utak ko. I was sure na nangyari na ito. Iba iba ang lagay ng panahon, ayos ng buhok at pananamit ng nakikita ko which means na hindi lang isang beses ito nangyari. Marami..

Nagvibrate muli ang cellphone ko.

“Pasensya na ha. Medyo matatagalan lang ako. Traffic.”,sabi sa text.

Nagreply ako na okay lang. Sinabi ko pa na magiingat sya magdrive at baka matulad sya sa akin na nadisgrasya.

“Opo. Mukha ngang uulan din eh.”, sabi ng reply.

“Ulan.. Drive.. Aksidente..”, biglang pumasok sa utak ko. Ang mga panaginip ko. Nasabi ko sa sarili ko.

Patingin tingin ako sa palagid. Parang biglang bumibilis ang mga paglalakad ng tao. Biglang parang sumasakit ulo ko. Parang bibiyakin. Nahihilo ako. Napatayo ako. Naglakad. Para akong may hinahanap. Pabilis ng pabilis ang lakad ko.

Biglang may pumigil sakin. Humawak sa balikat ko.

“Ryan?!”, sabi ng boses. Napatingin ako. His face looked familiar.

“A-Alex..?”, nasambit ko ng mamukhaan ko ang lalake. Napayakap sa galak si Alex.

“Kamusta ka na dre?! Long time no see, ha!”, excited na sabi nito. Nakatulala lang ako.

“Huy, okay ka lang ba?”, medyo alinlangan at gulat na tanong nito. Bigla naman parang naging normal ang lahat. Nawala din ang sakit ng ulo ko bigla.

“Hah. Oo. Yeah! Long time no see! Nasa Manila ka na din pala?!”, sobrang galak kong yakap muli kay Alex. Nang kumalas naman ako ay binigyan ako nito ng isang napaka quizzical look.

“Oo, diba. Nagkita tayo sa bar after nung pageant mo, diba?”, taka nito.

Hindi nga rin pala alam ni Alex ang nangyari sakin.

“Ah, oo! Sya  nga pala, san ka?”, tanong ko. Paglihis lang sa topic.

“Pauwi na sana. Pero bigla kita nakita. Tara, kumain ka naba? Kain tayo! Namiss kita dre ah!”, sabay akbay ni Alex at naglakad kami.

Nakwento sakin ni Alex na malapit na grumaduate na ito at kasalukuyang kumukuha ng Masteral sa kurso nya. Namangha naman ako dahil ang laki na ng pinagbago ni Alex. Kahit pa sa pananamit. Hindi na ito mukhang maloko hindi katulad ng high school.

“Ikaw, kamusta?”, biglang tanong ni Alex pagtapos magkwento ng mga nangyari sakanya.

Ngunit natameme ako. Ano isasagot ko? Ni wala akong matandaan sa mga huling nangyari sa buhay ko. Ang huli ko na lang natatandaan ay nagising ako sa hospital at nasa harap ko ang isang lalakeng nagsasabing boyfriend ko.

“Hmmmm. Okay naman.”, tanging naisagot ko.

“Ok? Yun na yun?! Kwento ka naman!”, pagtawa ni Alex.

“Ano naman gusto mo ikwento ko?”, pagtawa ko din. Nakikiride kunwari. Ngunit natahimik si Alex. At tiningnan ako ng seryoso.

“Pasensya ka na pala sa nangyari ha…”, malungkot at seryosong sabi ni Alex.

“Nangyari na..?”, tanong ko.

“Ikaw talaga. Hanggang ngayon ang bait mo pa din. Sa mga nasabi ko. Hindi ko naman kasi alam na di na pala kayo okay ni Larc nung time na yun.. Kaya kung ano ano tuloy lumabas sa bibig ko. Pasensya na talaga, Ryan.”, seryosong sabi ni Alex.

Talagang ikinagulat ko ang sinabi ni Alex. Hindi kami okay ni Larc? Bakit? Kelan pa? Anong nangyari?! Bakit parang sunod sunod ata ang mga pangyayari? Ang mga nalalaman ko. Bakit ngayon?!

“Hah…”, tanging naisagot ko. Naguguluhan pa din ako.

“”I never thought na dahil lang sa fame…”, dagdag pa ni Alex.

“Fame…”, nasabi ko sa sarili ko. Tumatak ng todo sa isip ko yun. Parang may pilit na pumapasok sa isip ko pero hindi ko malaman laman kung ano.

“Well! Let’s not talk about the past! Nakakasira ng moment eh! Minsan na nga lang tayo magkita!”, sabay ngiti ni Alex.

“Alex… Ang totoo kasi nagkaroon ako ng amne..”, biglang usal ko ng biglang nagring ang telepono ko.

“Excuse me.”, pag excuse ko kay Alex.

Ngumiti naman ito at tumango lang.

“Hello?”, sagot ko sa telepono.

“Dito na ako.”, sabi ng boses sa telepono.

“Ok, magkita tayo sa harap ng fountain.”, sagot ko sa kausap. Binaba ko na ang telepono.

Nahihiya man, ay nagpaalam na k okay Alex. Pero sinabihan ko sya na kailangan ko sya makausap asap. Tumango naman ito at sinabing okay lang. Total, naubos na din naman ang kinakain naming at dalawang oras na din kami nagkkwentuhan, Hindi ko rin namalayan na ganun katagal na pala kami magkasama. Nagpaalam na din ito at nagsabing uuwi na.

“Oh sya, basta tawagan mo na lang ako kung kelan mo ko gusto makausap. Anytime!! Tawag ka lang.”, sabi ni Alex sabay paalam. Ako naman ay nagpasalamat at naglakad na papunta sa pinagusap naming tagpuan ng kausap ko sa telepono.

Hindi ako mapakali habang naglalakad papunta sa harap ng fountain sa loob ng mall. May bago nanaman akong nalaman. Ano ba talaga nangyari?

Alam ko.

Panahon na.

Panahon na para malaman ko ang lahat…





Nang marating ko ang fountain ay nakita ko na ang katagpo ko. He was wearing a checkered long sleeves na tinupi, denim jeans and chucks. Ang gwapo gwapo nya tingnan. Hindi ko alam bat sya ang tinawagan ko para makausap. Pero I had the gut feeling na matutulungan nya ko.

“Kuya…”, bati sakin ng katagpuan ko. Bigla itong lumapit at nagbigay ng yakap.

“Pasensya ka na at bigla kitang tinawagan.”

“Okay lang Kuya. Ano po bang meron?”, tanong ng kausap ko.

“Umupo muna tayo.”, sabi ko.

Nagpunta kami sa isang coffee shop. Umorder ako ng kape at hot chocolate naman para sa kasama ko.

Nakaupo lang ako hindi alam ang sasabihin.

“Ku-kuya?”, pagtawag pansin sakin ng binata. Si Aaron.

“Ah.. K-kamusta na..?”, tanong ko.

“Naaalala mo na ba ko, Kuya?”, kita sa mukha ni Aaron ang pagkasabik.

Ngunit umiling lang ako. Halata din naman ang biglang pagkalungkot nito.

“Ganun ba…”, malungkot na sabi nito.

“Ah.. Kamusta na pala ang.. ang Kuya mo…”, hindi ko alam pero ngayon ko lang napagtanto na nagaalala ako sa kalagayan ni Andre. Hindi ko alam kung bakit, at bakit ngayon pa. Ngayon pa na iniwan ko sya at sinaktan.

“Si Kuya…”, malungkot na sabi ni Aaron.

“Umuwi si Kuya sa amin ngunit hindi ito naglalabas ng kwarto. Madalas ko syang makita sa balkonahe kung saan madalas kayong tumatambay pag nasa bahay. Madalas ko din syang abutan sa gabi o madaling araw na umiiyak. Namimis ka na nya Kuya…”, dagdag ni Aaron.

Sa pagkakataong yun ay nadurog ang puso ko. Hindi ko man natatandaan ang ano mang meron sa amin ni Andre pero I was sure na nasasaktan ako sa pinagdadaanan nya. Hindi din ito guilt. Sigurado ako dun.

“Aaron.. May itatanong ako sayo.. At gusto ko sagutin mo..”, seryoso kong sabi.

“Ano po yun Kuya?”, kabang tanong din ni Aaron.

“What happened that night…?”, seryoso kong tanong. Tiningnan ko si Aaron mata sa mata.

Kapansin pansin ang pagkuba at sandal ni Aaron sa upuan nya. Sabay nagbigay ito ng isang malalim na buntong hininga.

“Gusto at handa kana ba talaga dito, Kuya. Sabi kasi ni Kuya na huwag na huwag ko daw ikkwento sayo eh.”

“He doesn’t have to know.”, seryosong tugon ko.

Nagbigay muli si Aaron ng isang napakalalim na buntong hininga.


“It was a day before your monthsary. Umaga pa lang ay masama na ang lagay ng panahon dahil nga daw sa bagyo. Nagtxt ako sayo nung araw na yun dahil depressed ako. Alam kong monthsary nyo kinabukasan ngunit nagbakasali ako na makipagkita sayo. Wala naman kasi akong ibang hingahan kundi ikaw.

Pinuntahan mo nga ako ng araw na yun at iniyak ko sayo ang lahat ng problema ko. Sa ex ko. Halos mabaliw ako kakaiyak pero pinatahan mo ko. Pinilit kong habulin sya ngunit pinigilan mo ko. Sinabi mo na huwag ako magpakatanga sa isang relasyong ako lang ang nagmamahal dahil walang patutunguhan ito. Ngunit pinilit ko ang gusto ko. Hinanap ko sya at sinamahan mo ko dahil nag aalala ka na baka may mangyari sakin. Naging matyaga sa akin noong araw na yun. At hindi naman tayo nabigo. Sa buong hapon natin paghahanap ay nakita natin sya but only to find him in the arms of another man. Nakita natin sya sa isang resto bar with another guy. Mukhang napakaintimate nila. Sinabi ko sayo na huwag sasabihin kay Kuya dahil kilala ko si Kuya Andre. Baka ano pang gawin nya. You promised sa kundisyon na uuwi na ako sa amin. Uuwi na sana tayo pero sinabi ko na kung pwede bang magkape muna tayo. Pero you said you have a better idea. Dinala mo ko sa isang park at kumain tayo ng fishball at nagkwentuhan tayo kahit pa ang lakas lakas ng ulan. Doon, kinwento mo na ang buong love story nyo ni Kuya. At hindi pa sana kita pauuwiin ngunit mag gagabi na at mas sumasama na ang lagay ng panahon. Nagsabi ka na ihahatid mo ako ngunit sinabi ko na ako na lang ang uuwi mag isa total may dala din akong sariling sasakyan. Hinatid mo na ako sa sasakyan ko at umalis ka na. After nun… After nun…”, pagpapaliwanag ni Aaron sabay iyak.

Hindi ko matandaan ang kahit isa sa mga sinabi ni Aaron, ngunit nararamdaman ko ang bawat emosyon sa pagkakakuwento nya. It was as if na nangyari ito ngayon ngayon lang. Habang kinekwento ni Aaron ang lahat. Hindi ko namalayan na tumutulo pala ang luha ko.

Hindi ko alam ang naramdaman ko noon. Naniniwala ako sa storya nya. Ngunit parang may kulang.. Hindi ko alam kung ano.. Pero parang may hindi sya nabanggit. I don’t know…

“Kuya, I’m so sorry. It was all my fault. Kung bakit nagkakaganyan ka, at nasasaktan si Kuya. Ako ang may kasalanan ng lahat!”

Tumaas nanaman ang balahibo ko. I’ve heard those words before. It was dark, hindi ko maigalaw ang katawan ko. Yun ang natatandaan ko ng marinig ko ang mga salitang yun.

Tumulo bigla ang luha ko ng bigla kong sabihin.

“I’m sure, sinabi sayo ng Kuya mo na hindi mo kasalanan ang lahat. Hindi kita sinisisi sa mga nangyari…”, awtomatikong naimutawi ng aking bibig.

Mula sa pagkakaiyak ay napatinin sa akin si Aaron.

“Kuya.. Paano mo..”

Nagiiyak din ako.

“I don’t know…”

“Can it be…?”, pagmanghang sabi ni Aaron.

Hinawakan ko sa kamay si Aaron.

“Kung ano man ang nangyayari ngayon, kung ano mang pinag usapan natin, huwag na huwag mo sasabihin kahit kanino!”, seryosong sabi ko kay Aaron.

“Kahit pa kay..”

“Kahit kay Kuya Andre mo!”, seryoso kong sabi.

Tumango ng seryoso si Aaron.

“Pangako.”

Naghiwalay na kami ng landas ni Aaron. Pinauwi ko na sya bitbit ang pangakong hindi nya sasabihin kahit kanino ang paguusap namin.

Habang naglalakad naman ako palabas ng mall ay inisip ko ang lahat ng mga nangyari. Unti unting nagtutugma ang lahat kahit pa marami pa ring mga bagay na bumabagabag sa akin. Mga tanong na naghahanap ng kasagutan. Pero naraamdaman ko, malapit ng masagot ang mga tanong na ito.

Dahil sa tagal ko ng nasa labas ay hindi ko namalayan ang oras. Kailangan ko ng umuwi bago pa makauwi si Larc. Hindi nya pwedeng malaman ang mga nangyayari sakin. Gusto ko malaman ang totoo ng ako lang.




Dumaan ang dalawa pang araw at lumuwas kami sa probinsya para sa kaarawan ng Itay. Tahimik lang ako sa loob ng sasakyan ni Larc habang binabagtas namin ang daan. Sa dalawang gabi ay napanaginipan ko nanaman ang mga napanaginipan ko nitong mga huli ngunit sa t’wing gigising ako ay may kaunti na akong naaalala sa panaginip. Ang ulan, ang maliwanag na ilaw, ang tawag sa telepono, ang pagkain sakin sa kadiliman. Ngunit isinkreto ko ito kay Larc.

“Okay ka lang ba…?”, alalang tanong ni Larc habang nagddrive.

Hah.. Ah, oo. Okay lang ako.”

“Sigurado ka?” Medyo balisa ka kasi nitong mga huling araw.”, dagdag pa ni Larc.

“Oo.”, pagsisinungaling ko.

Nakarating na kami sa aming probinsya. Malaki ang pinagbago nito mula sa aking huling natatandaan. Hindi ko rin halos nakilala ang aming bahay dahil napaka laki ng pinagbago nito. Mula sa dating barong barong na kahoy ay gawa na sa bato ang aming bahay. At mukhang may tindahan pa.
“Andito na tayo.”, sabi ni Larc.

Pagbaba na pagkababa ko ay napatingin ako sa aming bahay. Ibang iba na talaga. Nakakapanibago. Para akong nasa sarili ko ngang bahay pero iba ang pakiramdamam. Basta iba.

“Anak! Anak!”, magiliw na sigaw ng Itay at Inay ng agad nila akong makita. Agad naman akong nagtatakbo at niyakap ang mga magulang.

“Magandang umaga po.”, bati ni Larc sa mga magulang. Ngunit tiningnan lang ito ng Itay. Nagulat ako dahil alam kong sobrang close dati ng Itay at ni Larc. Mas lalo tuloy lumaki ang hinala ko.

“Magandang umaga din naman.”, biglang singit ng Inay.

Papasok na sana kami ng bahay ng biglang may nagsiparadahang mga sasakyan sa labas namin. Pagkaparada ay isa isang nagsibabaan ang mga sakay nito.

“Karen!!”, sigaw ko. Nakita ko din ang boyfriend nitong si Kulas. Mula naman sa ibang sasakyan ay nagsibabaan ang mga taong nakita ko din sa hospital. Kung di ako nagkakamali ay sila Gino, Brian, Chelsea, Melai, at Andoy ang mga ito.

Ngunit napatingin pa ako sa mga kasama nito. Tila may hinahanap akong isa pang mukha. Hindi ko maintindihan.

Ngunit bigo. Hindi ko sya nakita.

Nagsilapitan ang mga “kaibigan” ko at binati ang aking ama. Nagulat ako dahil magiliw silang tinanggap ng aking Ama at Ina. Akala mo’y matagal na silang magkakakilala.

“Akala ko, hindi na kayo makakapunta.”, sabi pa ng Itay.

“Pwede ba naman ho yun! Eh namiss namin dito!”, sabi ng mga kasama ni Karen.

Kinamusta ako ng lahat at nginitian ko lamang sila. Nahihiya ako dahil hanggang ngayon ay ni isa sakanila ay hindi ko matandaan.

“Oh sya, tulungan nyo ako magluto dun sa likod.”, sabi ng Inay.

Ito na. Panahon para magpakitang gilas. Hindi ko kasi sigurado kung alam ng mga tropa ko na marunong ako magluto. Dali dali naman kaming nagpunta sa likod bahay naming upang magluto.

Nahuli akong pumasok dahil nakalimutan ko ang cellphone ko sa sasakyan ni Larc. At syempre kinuha ko din ang regalo na binili ko para kaila Itay.

Pagpasok ko ay nakatayo lamang ang lahat papunta sa pinto ng likod namin. Nakiraan naman ako para pumunta na at tumulong pero sadyang nagulat ako ng makalabas ako ng pinto.

Doon, nakita ko ang mukhang kanina ko pa hinahanap. Nakasando itong puti at suot pa ata ang short ko. Hindi ako maaring magkamali, short ko yun dahil niregalo nya yun sa akin noong pasko ng nakaraang taon..

Teka…

“Nakaraang taon..?”, nagulat akong sabi sa sarili. How can I possibly know that?! Nanindig nanaman ang balahibo ko.

Ngunit winaglit ko muna sa isip ko yun. Basta paglabas ko ay nakita ko sya. Pawis na pawis habang nag gagayat ng gulay at ng karne.

Napatingin sya sa akin.

“Andre…”, pagsabi ko ng pangalan nya.

Kitang kita sa mata nya ang pagkasabik at kalungkutan. Lalo na ng sumunod na lumakad sa likod si Larc. Napatingin ako muli kay Larc, sabay muling tingin kay Andre.

“Oh, tutulong ba kayo?”, ngiting sabi ng Itay.

“Oo naman po!!”, sigawan ng mga tao na kanina’y nakatayo sa harap ng pinto.

Nagsipwestuhan na ang mga tropa ko at nagsikanya kanyang tulong. Merong mga taga hugas, taga hiwa, taga halo, taga balat, at may mga taga linis. Lahat ay desidido tumulong. Nakakatuwang pagmasdan.

Sa gitna ng pagluluto naming ay hindi ko maiwasan na hindi magnakaw ng tingin kay Andre. Hindi sya nagsasalita. Kahit pa biruin ito ng mga kasamahan naming ay nagbibigay lang ito ng simpleng ngiti. Ngunit hindi ito talaga nagsasalita. Hindi ko alam pero nakakatunaw ng puso.

Halos mabasa na ng tuluyan ng pawis ang damit ko dahil sa init at sa usok na lumalabas dahil sa aming pagluluto kaya nagdesisyon akong pumunta sa aking kwarto upang magpalit ng damit.

Pagpasok na pagpasok ko ay napangiti ako. Kahit pa naging bato na ang aking kwarto at bahagyang lumaki ito ay halos walang nabago. Alam kong siniguro ng Itay na walang magbabago sa aking pag-uwi. Agad kong binuksan ang bintana at napatingin sa labas. Maganda ang panahon. Hindi masyado mainit at presko ang hangin.

Habang nagpapalit naman ako ng damit ay may nakita akong kapirasong papel sa aking tukador. Agad ko itong kinuha at binulatlat.

“Salamat… Patawad…”, yan ang sabi sa papel. Dalawang salita lamang pero nakapagpatagos sa akin. Parang napakahalaga nitong papel na ito. Namalayan ko na lang na tumulo pala ang luha ko. Kung bakit? Hindi ko alam.

Agad kong kinuha ang wallet ko at nilagay ang kapirasong papel na yun sa loob.

“Andito ka lang pala.”, sabi ng boses. Paglingon ko, si Larc.

“Namis ko dito. Parang ang tagal tagal ko nawala.”, sabi ko sabay upo sa kama.

“Oo nga eh. Ang laki ng pinagbago dito. May tindahan na din pala kayo.”, sabi ni Larc.

Hindi na ako nagulat sa sinabi nya. Tama ang suspetya ko. May agwatan ngang nangyari sa amin ni Larc. At sa tantya ko ay malalim ito.

Naramdaman ko ang pagyakap sakin ni Larc. Ngunit naluha ako. Sa di malamang kadahilanan ay naisip ko si Andre.. Agad ko naman itong pinunasan.

“Tara, labas tayo. Baka hinahanap na nila tayo.”, imbita ko.

Naging masaya ang party ng Itay. Maraming kapitbahay na nagsipuntahan at kinamusta ako ng lahat. Balita sa amin kung anong nangyari sa akin ngunit lahat naman sila ay natatandaan ko dahil kilala ko na sila bago pa ang aksidente. Binibiro pa nila ko na isang malakas na sapul lang sa ulo at babalik din ang memorya ko. Naisip ko na sana nga, ganun na lang kadali.

Kung tutuusin ay dapat masaya ako. Birthday ng Itay at kasama sama ko ang mga kaibigan at ang isang taong pinakamamahal ko, si Larc. Pero bat hindi ko makuhang maging masaya? Bakit sa t’wing nakikita ko si Andre na malungkot ay may parte ng puso ko ang napupunit?

Nagkaroon ng inuman ng gabi. Dahil na rin sa pagkamiss ko kila Itay at sa mga problemang dinadala ko ay nagpasya akong maki inom. Para na rin mawala panandalian ang aking iniisip.

“Hinay hinay ah.”, nakangiting sabi sakin ni Larc. Ngumiti lang din ako.

Napansin ko si Andre na tahimik pa din hanggang ngayon. Nakaupo ito sa ilalim ng puno. He was isolating himself from others. Nakita kong lumalapit ang mga kaibigan sakanya ngunit halos hindi nya din ito kinakausap. Madalas ko lang napapansin ang pagtitig nito sa akin. At somehow.. Sa mga titig na yun ay natutunaw ako.

Lumalim pa lalo ang gabi at ang karamihan ay nagsiuwian na dahil sa kalasingan. Pati ang mga kaibigan ko ay lasing na. Maski si Larc ay lasing na. Kaya naman pinagpasyahan ko na ihiga muna ito sa aking kwarto. Pagkahiga ko sakanya ay lumabas ako ng bahay. Tumulong sa mga ligpitin.

Napansin ko si Andre na nagliligpit. Gusto ko syang lapitan. Kaso nakokonsensya ako sa ginawa ko. Kita ko sa kanya ang labis na hinagpis. Hindi man ito nagsasalita ay kitang kita sa mukha at mga mata nito ang kalungkutan. Bakit andito pa sya? Bakit pinahihirapan nya pa ang sarili nya?

“Andre…”






52 comments:

  1. I didn't expect na si Aaron ang tatawagan nia nung time na yun, kla ko si andre, pero mali ako :D galing mo talaga kuya! malapit na malaman ni ryan ang katotohanan :D

    ReplyDelete
  2. I really loved this story. Inaabangan ko tlga. Nung makita ko kanina na nakapost na ung new chapter ay di ako nag-atubiling basahin agad. At syempre bitin nanaman. Hahahaha!

    ReplyDelete
  3. well wala akong masabi... I'm just sad:(

    ReplyDelete
  4. woohh.. a teardrop almost escaped my eye.. God knows how much i love this story.. whheeewww..!!

    God bless.. -- Roan ^^,

    ReplyDelete
  5. Akala ko si Karen yung tinawagan niya. Hahaha! Galing ! Ang ganda. :D Keep up th egood work Kuya Kenji! :D

    -PauuulFabian

    ReplyDelete
  6. there's something in this chapter that really touches my heart, i almost cried while reading the story.

    Thumbs Up Ken!!!

    XOXO "ARSTEVE"

    ReplyDelete
  7. slowly but surely, Ryan will know the truth :))
    go lang Andre... just wait a little more :)
    next chapter pleaassseee :3

    ReplyDelete
  8. Wala akong masabiiiiiiiiiii..

    Super like ko to..

    ReplyDelete
  9. I was expecting na c karen ang tinawagan ni ryan. Hehe.
    Well, masaya akong malapit nang bumalik ang memories ni ryan. Sana ma update agad. Excited na ako. Yay!

    ~frostking

    ReplyDelete
  10. pesteng amesia yan ho, kawawa si andre hay nako, ito na man si larc sawsawero grrrrrrrrrrrrrrrr,,,,, hehehehe

    ReplyDelete
  11. haizt, hirap aman pinagdadaanan ni andrei! sana manumbalik na memory ni ryan.

    ReplyDelete
  12. nakakabitin naman ung ke alex... hahaha... aun na eh... kaso biglang dumating si aaron... LOL!... excited to read what's next! :) -Curious19

    ReplyDelete
  13. Yay! Naaawa ako kay andre, sana malaman na ni Ryan yung totoo.. =(

    EUS

    ReplyDelete
  14. hayzz kawawa naman si Andre :'(

    ReplyDelete
  15. so sad for andre..kaya lang pakiramdam ko may iba pang nangyari dun sa aksedente di lang ikwento....

    ReplyDelete
  16. ken..i know it's ryan's turn for a pov..pero sana naman may sariling pov rin si larc..kahit isang chapter lang..para naman malaman natin kung ano nasa isip niya..kasi napaka-clueless ngayon kung ano tumatakbo sa isip niya..masama na nga ang dating niya dun sa book 2..hanggang dito ba naman sa book 3..

    although i really feel sad for andre..parang masokista na ewan..hahaha..pero maganda pa rin naman..

    -J

    ReplyDelete
  17. In this chapter, I felt Andrei's emotions. So sad :(

    -zapfyre_01

    ReplyDelete
  18. In this chapter, I felt Andrei's emotions. So sad :(

    -zapfyre_01

    ReplyDelete
  19. In this chapter, I felt Andrei's emotions. So sad :(

    -zapfyre_01

    ReplyDelete
  20. basta sila pa rin dapat ni Andre at sana si Aaron at Larc magkatuluyan

    ReplyDelete
  21. sana sila pa rin ni Andre at si Larc at Aaron nman

    ReplyDelete
  22. haist,,,nakakadurog nmn ng puso ung sitwasyon ni andre!T_T
    naaawa ako sa kanya,sobra...pero at the same time i admire him kc pinapakita niya talaga ung pagmamahal niya ke ryan at ung pangako niyang hihintayin niya siya..despite na naghihirap kalooban niya..hay nako andre...please hintay lang malapit ng maalala ni ryan ang lahat...

    surprising na c aaron ung kinausap ni ryan ha!?hehe..pero it's a big help na para sa Ryandre ending!haha...

    ReplyDelete
  23. Kawawa naman c andre. I hate larch. Super anti larc ako. Sana sbhn na ni karen or ni itay/inay ang totoo.

    ReplyDelete
  24. waaah!! Malapit na!! Tiis lang Andre, babalik na ang mahal mo.!!

    ReplyDelete
  25. janjaran..malapit na talaga..galing ken..kala nga nmin si andre na ehhe un pala ung si aaron lang..hehehe..

    ReplyDelete
  26. Bakit malapit na matapos? :(

    -Noynoy Aquino

    ReplyDelete
  27. mmm wag kang susuko andre kaya mo yan

    ReplyDelete
  28. Galing talaga.. Next chapter agad.

    ReplyDelete
  29. excellent writing as usual sir! i feel for andre! next naaaa....!!!

    ReplyDelete
  30. lumalabas na lahat ng dapat malaman ni Ryan. Konti na lang :)

    ReplyDelete
  31. masyado namang masokista si andre at pinahirapan nia pa ang sarili niya..ganun ba talaga ang pagibig BULAG..eheehhe good luck kenots...

    _iamronald

    ReplyDelete
  32. cliffhanger!!!!!!!!! This is it!!!!! Awesome job Ken.:)

    ReplyDelete
  33. On what really happened to Ryan, me kulang pa sa kwento. Malamang isang pang twist ito sa story. Pero so far it's getting better and better and exciting.

    Ryan-Andre at happy ending po sana Mr. Author. It could also be Aaron-Larc sa huli. Thanks Mr. Author:-)

    ReplyDelete
  34. this chapter really made me cry. saludo talaga ako kay andre, kahit nasasaktan na hindi nya pa din pinababayaan ang magulang ni ryan.
    -l

    ReplyDelete
  35. i love it talaga! grabe ramdam na ramdam ko ang kalungkutan ni andre.. hay.. may next installment paba to ken?

    ReplyDelete
  36. Kawawa naman si andrei..

    Sana mawala na amnesia nya

    -Arvin of Taiwan-

    ReplyDelete
  37. bakit po hindi napost yung comment ko sa chapter 14? :(

    ReplyDelete
  38. Ang galing..dami ko.na palang namiss,lalong gumaganda ang story..kaiba ka talaga ken..moreluck:)

    ReplyDelete
  39. Lalong gumaganda ang story ken.iba tlaga pag ikaw..nakakadala,nakakaenjoy..naadik na talaga ako dito oh..good job mr.kenjie till next galing:)

    ReplyDelete
  40. haaaaaaay di nagpopost comments ko :(((((

    ReplyDelete
  41. 13 years n ng last ko mbasa to but this is by far the best story n nbsa ko.ito ngmulat sakin sa bl love stories. Grabe pa din iyak ko

    ReplyDelete