Part Three
I saved his number. MK nilagay kong contact name. MK? M stands for Matthew and K for Ko. Matthew Ko. Haha! May type of ownership agad eh 'no? Well, pagbigyan na. Hindi naman niya malalaman. Unless, kung nanakawin niya yung phone ko. Pero di naman siguro siya ganun.
Ako yung tipo ng taong mahilig mag-text. Almost everyday eh may load ako. Ewan ko ba. Naging part na 'to ng daily routine ko. Actually, parang necessity na nga eh. Para sa akin. Lagi kong hawak yung phone ko kahit wala naman akong ka-text. I usually send GMs (group messages). Three to five times in a day yan. Umaga, tanghali, gabi. Yung dalawa, depende sa situation.
"Manang Fe, dumating na po ba sila Kuya?" tanong ko kay Yaya Fe, kasambahay namin, when I arrived home.
"Wala pa anak... baka gumala pa 'yun. Kumain ka muna hijo." sagot ni Manang Fe.
She's been our maid for almost 17 years. She's my personal yaya back then. Pero nung lumaki na ako, naging all around yaya na siya. Sobrang bait at sipag ni Yaya. Hindi din malikot ang kamay niya tulad ng ibang yaya around there, kaya hindi namin siya pinapalitan.
"No yaya. Thank you. I'm still full." sagot ko naman.
"Sige hijo. Maglalaba lang ako sa likod..." sabay bitbit ng basket ng mga damit
I made my way to my room. I'm so tired. Boring pa dito. Wala kasi yung mga kapatid ko. Sumalampak na ako sa kama. Rest rest rest! I grabbed my phone then started composing my group message.
"No one can change a person, but someone can be a reason for a person to change."
Good afternoon fellas! Home safe :)
Had fun in our first day in school :D
Tuesday, be good to me...
Text na po :D
Group
#MK ;*
Send to many:
"Hmmmmm... should I send this to him? Sige na nga!" Yes, I'm referring to Matthew. Kausap nanaman ang sarili.
Message sent!
Tumayo muna ako. Nagpunta sa CR at nagpalit ng damit. Naghilamos na din ako. Ayan! Fresh na!
"Ay wait!" nasabi ko out loud. May naalala bigla.
"Yung Hany! Yung bigay niya!" dugtong ko pa.
Kinuha ko ulit yung polo ko. Wala! Sa bulsa ng pantalon, wala din!
"S**t! San napunta yun?!" I searched everywhere, wala! Even sa bag. Then nakita ko yung pouch dun sa bag ko.
"Ay tange. Nandito lang pala... HAHAHA!" parang baliw lang eh 'no? Importante kasi sakin yun eh, kaya hindi pwedeng mawala.
Kinuha ko na yung Hany. Kinuha ko din pati yung Digital Sing;e-Lens Reflex Camera ko. Para masaya, DSLR for short :D Pinicturan ko in any angles I want. As I have said, ganito talaga ako. Kung may something na binigay sa akin from a special person, I'll make sure na may remembrance. Pipicturan ko talaga. Memories kumbaga.
Beep. Beep.
Oo nga pala... yung phone ko!
May 4 messages na dun. Dalawa kay Matthew, isa kay Chriatian, isa kay Robby. Inuna ko muna yung kay Christian.
Christian: Uy! Musta first day mo Bes?
Naalala ko tuloy lahat ng memories ko with him...
Siya ang pinaka best friend ko. Since grade one, kasangga ko na yan. Lagi niya akong pinagtatanggol. Siguro, I can say na weak talaga ako 'nung bata. Pero dahil kay Christian, natuto ako, sa lahat ng bagay. I learned how to be strong. Alam din niya ang tunay kong pagkatao. Dahil dun, mas naging secure siya sa akin. Dahil din dun, na-inlove ako sa kanya.
We spent a lot of time together during those days. Vacations, Christmas, New Year, Halloween, Birthdays, Everyday! Magkasama kami niyan. Our friends thought na we have a deeper relationship, jowa ika nga. Pero, we clear things out, I don't expect that much.
One time, I decided to say what I really feel for him. Ready na ako. Ready masaktan o matuwa sa magiging outcome. Nasa tambayan kami nun. Sa likod ng isang chapel. Kakatapos lang namin maglakad-lakad sa buong village. Medyo gabi na, lumalamig na din ang hangin. Naupo kami sa isang bench doon. Ito mismo ang isa sa mga piping saksi sa mga nagaganap sa buhay ko. Maganda talaga ang scenery dito. May playground, chapel. basketball court, multi-pupose hall, madaming puno! Perfect landscape!
"Ian, can we talk?" bungad ko sa kanya. Dama ko ang bilis ng tibok ng puso ko. It's like, it will explode in anytime.
"Sige ba..." seryoso niyang sagot. Ganyan talaga siya when it comes to being serious.
"May sasabihin kasi ako sayo eh..." eto na. This is really is it.
"Ano 'yun? Bakit parang di ka matae jan?" he said
"Ian, I-I love you...more than as a best friend..." sabi ko.
Naging speechless siya for a while. He broke first the silence between us.
"Matagal ko ng alam yan..." sabi niya... nagulat naman ako dun...
"Bakit hindi ka luma--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko.
"We can't be lovers... But I can still love you... Kahit hindi ko mapapantayan..." he said. I can feel na tutulo na ang luha ko. His words melts me! It weakens my bones...
"Okay lang... All I need to do is masabi ko sayo..." sabi ko naman then nagbigay ng isang pilit na ngiti.
End of Flashback...
Reply: Ayos naman ako Bes... May nakilala din na bago...
Sunod kay Robby.
Robby: Good luck! Ingat jan ha?
Si Robby, best friend ko din. He's a very caring person. Straight siya at may girlfriend. Pero kung wala lang GF yun, naging crush ko na siya. Ganun kasi ako. Pinipigilan kong magka-gusto sa isang tao lalo na kapag may syota siya, Baka kasi sa huli, di ko mapigilan ang sarili ko. Baka masira ko pa ang relasyon nila.
Di ko na siya nireplyan, bagkus, binasa ko nalang yung message ni Matthew.
MK: Oy! Kumain ka muna :)
MK: Sino pala yung "MK" sa dulo?
Ako: Tapos na po akong kumain. Secret ko na yung MK!
MK: Asus. Naglihim pa...
Yung feeling na kinikilig ka kasi katext mo yung crush mo?! Ehmehgehd!
We exchanged messages. Sweet nothings, quotes, random thoughts, kahit nga mismong ginagawa, sinasabi eh. He's very caring. He always reminds me to eat or when to sleep. He even greets me when I wake up or before sleeping, and take note, personal message yun.
Grabe. I knew lot of things about him. Lahat ng favorites, personal info's, lahat! Pati ex's niya. Sobrang kilig. Lagi pa siyang nagpapapansin.
"Pwede ka bang maging best friend?" tumawag siya one time. Sinagot ko naman agad
"Pwedeng pwede po..." sabi ko naman. I laughed slightly sa sinabi niya
"Yes! Woooooooo! Finally! May best friend na ako!" sigaw niya sa phone. Tuwang tuwa! Parang ngayon lang nagkaroon ng kaibigan! I can hear his screams and he's like jumping. Habol ang hininga niya.
Childish we may think. Pero hindi. Ganyan ang feeling when you had your first best friend. Yes, FIRST.
Kinabukasan...
"Oh Bri, Hany gusto mo?" alok niya sakin.
Ano daw?! Tinawag niya akong HONEY?! Ehmehgehd! *himatay*
Nakatalikod ako sa kanya kaya hindi ko nakita yung Hany. Iba tuloy pumasok sa isip ko :D
Ayan! namumula ka ulit!
"A...a...ano? Honey?" sabi ko sabay harap sa kanya.
"HANY po..hindi HONEY... HANY..." at talagang pinagdiinan yung A
"A... aaahhhhh... oo nga pala... yung HANY..."
HAHA! Pahiya! Bleh!
"Uy ano? Mamumula ka nalang jan o kakain ka pa? Bahala ka...uubusin ko 'to..."
"Wag! Akin na! Thank you!" sabi ko. Kilig!
"Oy hati tayo jan!" sabi niya
Weeks passed. Mas madami pa akong nalaman sa kanya. Mas lumalim naman ang friendship namin. Ako? Lalo akong na-in love sa kanya. Pero, ayokong umamin. If I have to choose between love and friendship, I would prefer to be a friend of him. Baka kasi pag sinabi ko, mag-iba ang turing niya sa akin. Ayos na para sa akin ang ganito. Best Friends lang. Hanggang doon lang... siguro. But I know time will come.
---------------------------------------------------------------------------------------------------
Author's Note:
Hello there! Sorry for the late update :D Been busy this past few days. Bawi ako next time. Thank you readers! Thank you sa support! Next chapter will be posted next week.
Enjoy reading!
Parang napanood ko na yung linya ni ian hehehehe...
ReplyDeleteBF na kagad ang bilis ah sabagay dun nmn nagsisimula yan ...
Sana next chapter na...
Tnx mr. Author
haha..nakakatawa nmn c bri pg kinakausap nya sarili nya!...just like me sometimes!haha...
ReplyDelete-monty