ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Monday, October 1, 2012

After All Chapter 20





Ito na po ang chapter 20 ng AFTER ALL sana magustuhan nyo. Maraming salamat sa mga taong patuloy na nagbigay ng kanilang komento na sina –


Rover, Lilee, Rue (Katanashi no Rue the formless Cat.), R. J, Khief, Mcfrancis, Pink 5ive (Great Pink 5ive), Jayfinpa (Ayan na ayos ko na), Mars, Jay!:), R3b3l^+ion, Mikimer Araneta, Kristoffshaun, Migz, Icy, Billy, Ran(Randolf), Roman (roohmen), Mike, ICE, Ros Magno, Doormouse (ang cute nang pangalan), SF GIANTS, Jayson13, Jhe Ehm, Zenkie, Xndr, Beucharist, Rheinne, Robert_mendoza94@yahoo.com, rstjr029, J.V,  Tam, Fayeng, Dave17, kianTT, Rei, Sherwin, Louie@DXB, Coffee Prince, Cugertz, Jefofotz (jeffrey Paloma, Ram, Cedric, kokey (Ayan ah di ko na nakalimutan isama ka :D), jekxaranza@gmail.com, XNDER, Vinz24, jasper.escamillan, Ian, Ernes aka jun, Isaac, Kuya Nitro (salamat po sa pagcocomment kahit wala na ako sa BOL.), Lance, Gel, Jey, Dark_Nurse, Russ, Vin, Single4life, Gerald, Clyde, Pilyong popoy, CUPIDO (Ang makwela kong chatmate) at sa mga Anonymous at Silent Readers salamat guys.

Jefofotz – Nagustohan ni kuya nitro ang binigay mo sa aking theme salamat ah.. hihihihi galingan mo sa breakwater mo! :D


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.



<hr color="yellow" width="50%" align="center">
Dorwin
<hr color="yellow" width="50%" align="center">


Dalawang lingo na ang nakakaraan mula nang umalis si Red sa bahay. Dalawang lingo na rin akong tulala at hindi makapagisip ng matino. Puno nang pagsisisi ang aking nararamdaman sa mga nagawa ko kay Red.


Alam kong sobra kong nasaktan si Red sa pambabaliwala ko sa kanya sa nakalipas na dalawang buwan. Gulong gulo ang aking isip dahil pareho ko silang mahal ni Niel, pareho din nila akong kailangan. Napaka hirap mamili sa dalawang taong nagmamahal sayo. Si Niel na iniwan ang kanyang nobya para lang mapatunayan sa akin na ako pa rin ang mahal nya at si Red na inalay ang buo nyang pagmamahal at pagintindi sa akin.


Hindi parin mawala sa aking isip ang mga huling katagang sinabi nya sa akin. Doon ko lang na realize ang mga sakripisyo nito sa aming relasyon. Oo, aminado ako hindi ko masyadong na appreciate si Red, kahit na hayagan nitong pinapakita ang kanyang damdamin para sa akin sa loob ng isang taon naming pagsasama dahil nangingibabaw parin ang pangungulila ko kay Niel. Pero hindi ko rin maikakailang minahal ko na rin si Red, hindi ko nga lang masiguro kung sapat ba ang pagmamahal na iyon para maging masaya kaming pareho.


Kinabukasan matapos umalis si Red sa bahay ay pinuntahan ako ni Ace at Rome. Galit na galit si Ace sa akin. Naiintindihan ko naman sya matalik nyang kaibigan si Red, ito ang laging tumutulong sa kanila ni Rome tuwing magkakaproblema ang mga ito. Lahat ng mura at paninisi ay tinangap ko alam ko namang bagay lang sa akin iyon. Unang beses kong makita ang galit ni Ace, kung pwedi lang ako nitong patayin ay siguro ginawa na nya.


Humingi ako nang tawad at tulong sa kanya para makausap ko si Red, pero sinabi lang nito na magisip-isip muna ako kung ano ba talaga ang gusto ko at kung ano ba talaga sa akin si Red. Wala akong magawa, malakas ang paninindigan ni Ace na hindi nya hahayaang masaktan ulit ang kaibigan nya.


Dalawang lingo na rin akong hindi nakikipag kita kay Niel. Noong mawala si Red sa bahay ay doon ko napagtanto na mas mahal ko na pala sya kesa kay Niel. Doon ko rin na realize na mali lahat ng naging desisyon ko. Oo, aaminin ko na tukso ako ulit kay Niel at hindi ko naisip na may dalawang tao pala akong masasaktan si Red at si Paulin, ang dalawang taong parehong nagmamahal sa amin ni Niel. Naging selfish ako, hindi ko inalala ang mga kabutihang ginawa ni Red sa akin. Hindi ko na appreciate ang pagmamahal nito sa akin. Nagsisisi ako sobra, napakalaking tanga ko para hayaang masira ang isang taon naming pagsasama.


Totoo pala ang kasabihan. Malalaman mo lang ang halaga nang isang tao kung wala na ito. Lubos akong nangungulila kay Red, ang mga masasarap na luto nito at higit sa lahat ang pakiramdam na may naghihintay sayo paguwi mo nang bahay para salubungin ka nang isang matamis na ngiti. Ang kanyang amoy na nakasanayan ko na tuwing magtatabi kami sa pagtulog. Hindi ako makatulog sa sobrang pangungulila.


Napukaw ang aking malalim na pagiisip nang marinig ko ang malakas na tunog ng aking cellphone. Nang makita ko ang pangalan ng taong tumatawag ngayon sa akin ay napabuntong hininga ako. I guess this is the time for me to make things right. Ang nasabi ko nalang sa aking isip at sinagot ko na ang tawag.


“Hello?” Malungkot kong sabi.


“Hindi naman Niel, busy lang talaga ako.” Pagsisinungaling ko sa kanya. Dahil ang totoo ginugol ko ang dalawang lingo para makapagisip sinadya kong hindi makipagkita sa kanya.


“Sige, may sasabihin din kasi ako.” Pagsang-ayon ko sa gusto nya.


“Okey, bye.” At agad kong ibinaba ang linya.


Katatapos lang nang huling kaso na hinahawakan ko. Hindi naman ito mahirap kailangan lang ma grant ang annulment ng aking kleyente sa kanyang walang kwentang asawa. Thirty years of being married ay na uwi rin sila sa hiwalayan. Halos kapareho lang ang storya namin, nagsisisi ang babae dahil mali ang napili nyang pakasalan. Tulad ko ay may dalawang tao rin syang minahal ngunit ang pinili nyang pakasalan ay ang taong inakala nyang magpapasaya sa kanya.


“Lor.” Tawag ko sa aking assistant gamit ang telepeno.


Agad itong pumasok sa aking silid.


“Yes, Attorney?”


“Hindi muna ako tatangap ng kleyente. If ever may pumunta o magpaapointment sa akin sabihin mong out of town ako.” Ang bilin ko sa kanya.


“For how long po kayo on leave?” Tanong nito sa akin na halatang nagtataka.


“1 month or two. May aayusin ako at kailangan ko nang sapat na panahon.” Seryoso kong sabi.


“I’m wishing you luck Dorbs. It’s good that finally nakapag desisyon kana.” Nakangiti nitong sabi.


Si Lor o Lorein Cortabista isang matalik kong kaibigan nung high school na ngayon ay sa akin nag tratrabaho bilang assistant dahil sa kawalan ng ma mapapasukan.  Ako ang mismong nagalok sa kanya nang trabaho dahil kailangan nito nang pera para sa kanyang nagiisang anak hindi daw ito pinanagutan ng kanyang boyfriend. Alam nito ang tungkol kay Red at Niel dahil nung minsang maginuman kami ay sa kanya ko naibuhos lahat ng problema ko.


“Thanks lor.” Nakangiti ko nang sabi.


Ngayong natapos ko na ang mga dapat kong tapusin ay sisimulan ko nang ayusin ang lahat. Sapat na ang dalawang lingo para makapag desisyon ako.


Agad kong inayos lahat ng mga gamit ko para makauwi. Gusto kong maligo ulit. I will definitely win him back no matter what it takes. Ang nakangiti kong sabi sabay labas ng opisina.


Nakarating ako sa bahay at agad na tinungo ang banyo. Nang matapos ay tinext ko si Niel na on the way na ako sa resto na napili nito. Nagreply naman ito agad at sinabing nan doon na daw sya.


Dumating ako sa resto at agad kong nakita si Niel na nakaupo sa isang panadalawahang mesa na malayo sa mga tao. Lumapit agad ako rito. Nang makita ako nito ay napatayo ito sa pagkakaupo.


“Buti naman at dumating ka.” Nakangiti nitong wika sa akin.


Akmang bibigyan nya ako nang halik, pero mabilis akong umiwas.


“Niel maraming tao.” Ang sabi ko sa kanya at umupo na. Wala itong nagawa kung hindi ang umupo na rin.


“Nag order na ako nang pagkain, yung mga paborito natin nung college.” Nakangiti nitong sabi. “I’ve heard what happened to you and Red. Tama lang ang ginawa mo now were both single at pwedi na nating ipagpatuloy ang naudlot nating relasyon.” Dagdag wika pa nito na bakas sa mukha ang kaligayahan.


“Niel, h-hindi t-tama ito.” Ang nauutal kong sabi. Hindi ko kasi alam kong paano ko sasabihin ang binabalak kong pagputol sa anumang ugnayan namin noon.


“Ano ang hindi tama Dorbs?” Takang tanong nito.


“Ito, lahat nang ito Niel hindi tama. Akala ko mahal pa rin kita pero nagkamali ako mas mahal ko si Red at sya ang gusto kung makasama habang buhay.” Pagpapaintindi ko sa kanya.


Bumakas ang lungkot sa mga mata nito. Inabot nya ang aking dalawang kamay na nakapatong sa mesa at pinisil-pisil ito.


“No Dorbs, ako ang mahal mo. Kaya kong burahin ang lahat nang ala-ala ni Red. Kaya kitang mahalin higit pa sa pagmamahal nya sayo. Please, all I need is a chance.” Bakas sa mga mata nito ang pagsusumamo.


Natigilan ako. Nawalan ako nang sasabihin siguro dahil kahit papaano ay minahal ko sya.


“Nagmamakaawa ako Dorbs.” Sabi pa nito at tuluyan nang bumagsak ang mga luhang pilit nyang pinipigilan.


“N-Niel..” Hindi ko natapos ang sasabihin ko muli itong nagsalita.


“Just give me one month. Ibabalik ko ang nararamdaman mo sa akin.” Humihikbi nitong sabi.


Muling nagulo ang aking isip. Ang hirap pala pagkaharap mo na ang sitwasyon napaka komplekado, napakagulo. Hindi ko maiwasang maawa sa kanya ito ang kahinaan ko madali akong maawa at alam kong sira na lahat ng mga plano ko. Namalayan ko nalang na napatango na ako sa kanya.


Bumakas sa mukha nito ang pagasa at galak sa aking naging pagtugon. Muli itong tumayo at yinakap ako nang napakahigpit.


“Maraming salamat Dorbs. Hindi mo pagsisisihan ito pinapangako ko sayo.” Sabi nito sa likod nang paghikbi at hindi pa rin humihiwalay sa pagkakayakap sa akin.


Naramdaman ko nalang na umaagos na rin pala ang luha ko. Luha nang panghihinayang, luha nang pagsisisi at kasawian. Patawarin mo ako Red. Sabi ko sa aking isip.


Natapos kami mag dinner ni Niel na bakas sa mukha nito ang saya. Habang ko ay nasa malalim na pagiisip. Ano na naman ba itong pinasok ko? Naitanong ko sa aking sarili habang papauwi na nang bahay.


__________


Kinabukasan ay nagising ako dahil sa tunog nang door bell. Hapo ang ulo ay tumayo ako para pagbuksan kong sino mang  asungot na yon na sumira sa wala pang tatlong oras kong tulog. Magdamag akong hindi pinatulog dahil sa kakaisip sa mga susunod na mangyayari. Nadala ako sa aking damdamin at kahit taliwas sa akin ay napilitan akong pagbigyan ang pagkakataong hinihiling ni Niel.


Literal akong napanganga nang mapagbuksan ko ang taong makulit mag-door bell. Nakangiti ito sa akin. Naka shades ito at may dala-dalang malaking backpack na nakasabit sa kanyang kaliwang braso.


“Good morning sweetheart!” Magiliw nitong bati sa akin.


“A-ano ang ginagawa mo dito?” Ang nauutal kong sabi sa kanya sa pagkabigla.


“Ano pa eh di sisimulan ko na ang plano ko na burahin sa puso mo si Red.” Nakangiti nitong sabi.


“Anong ibig mong sabihin?” Nakakunot nuo kong nasambit dahil sa pagkalito.


“Dito na ako titira mula ngayon.” Sabay pasok nito nang bahay. Napasunod nalang ako sa kanya.


Nagpalinga-linga ito animoy sinusuri ang buong lugar.


“Sweetheart bahay ba talaga to? Bakit ang gulo?” Natatawa nitong sabi.


Muling bumalik ang mga ala-ala ni Red sa akin. Dahil si Red naman talaga ang matyagang naglilinis ng bahay tuwing sabado. Ang mga ngiti nito sa akin habang pinapanuod ko syang pakanta kantang nagwawalis, ang mga ka pilyuhan nito tuwing mababaling ang tingin ko sa mga butil butil na pawis nito sa kanyang dibdib.


“Sweetheart bakit natahimik ka bigla?” Pagbasag ni Niel sa aking biglang pananahimik.


“W-wala. A-ano kasi… uhmm.. Pasensya na kung magulo ang bahay wala akong time maglinis.” Sabi ko rito na pilit binuo ang mga salita.


“Kumuha nalang tayo nang katulong, ako bahala magbayad.” Tugon nito habang inilalagay ang malaking backpack sa sofa.


“Ayaw ko nang may katulong. Ako nalang maglilinis mamaya.” Ang aking sabi at tinungo kusina para mag mumog.


Sumunod naman ito sa akin.


“Bakit ayaw mo?” Talagang makulit itong si Niel tulad ni Red, pero si Red pagsinabi kong ayaw ko hindi na ito nagtatanong pa.


“Ayaw ko lang.” Sagot ko sa kanya matapos makapaghilamos at makapag mumog.


Kinalikot ko ang laman ng ref para maghanap ng pweding lutuin para sa agahan namin ni Niel. Habang hinahintay ma defrost ang tocino ay gumawa naman ako nang kape sa coffee maker.


“Alam mo na palang magluto ngayon?” Ang sabi nito.


“Tinuruan ako ni Red magluto.” Simpleng tugon ko sa kanya.


Naramdaman ko nalang ang pagbalot nito nang kanyang mga kamay sa aking bewang mula sa aking likuran.


“Thank you for the second chance.” Ang pabulong nitong sabi sa aking tenga at hinalik-halikan ang aking batok.


Humarap ako sa kanya at bahagyang lumayo binigyan ko sya ng isang ngiti. Hindi ko alam pero parang kulang, iba ang hinahanap na yakap at halik ng katawan ko.


“Manuod ka nalang muna nang t.v sa sala habang naghahanda ako nang breakfast natin.” Simpleng pagtaboy ko sa kanya. Ayaw kong mauwi pa sa kung saan ang mga damping halik nyang yon. Sumunod naman ito sa akin.


Natapos kaming kumain ni Niel na walang masyadong naganap na usapan. Hindi tulad ni Red na puno kami nang harutan tuwing kumakain ng agahan bago sya matulog. Naglinis ako nang bahay at naglaba tulad ng ginagawa ni Red noon. Ngayon ko lang napagtanto kung gaano pala kahirap ang mga ginagawa ni Red pero nakukuha nya paring pagsabay-sabayin ang paglalaba at paglilinis nang buong bahay.


Si Niel naman ay nang matapos makapag breakfast ay nagpaalam na sasaglit muna sya sa kanyang clinic dahil may nakaschedule sya ngayong pasyente. Babalik daw sya before dinner at sabay kaming kakain.


Nang matapos makapaglinis at makapag laba ay tinungo ko naman ang kwarto para magpahinga. Ang bigat ng pakiramdam ko hindi pa rin mawala sa aking isipan si Red. Kahit saang sulok ako tumingin ay lagi ko syang naaalala. Nakadapa akong nakahiga sa kama pilit binabalikan ang masasayang ala-ala namin ni Red.


Life is so ironic nung una gustong gusto kong marinig ang mga salitang mahal kita kay Niel na dahilan para panabikan ko iyon kaya naman ipinagdamot ko kay Red ang mga salitang iyon kahit alam ko sa puso ko na mahal ko na rin sya. Bakit ngayon kung kelan lagi na itong sinasabi sa akin ni Niel ay hindi ko magawang maging masaya? Bakit ngayon na kasama ko na sya hindi ko magawang ngumiti nang totoo tulad nang mga ngiti ko tuwing nakikita ko si Red sa pagising ko na mahimbing nanatutulog at bakas sa mukha ang kapanatagan kahit itinakwil ito nang kanyang ina? Nagkamali ba ako nang nararamdaman ko noon kay Niel? Minahal ko ba talaga sya?


Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dala nang pagod. Nagising nalang ako nang maramdaman ko ang isang halik sa aking labi.


“Red?” Ang pupungas-pungas ko pang sabi.


Nang masanay ang mata ko sa liwanag ay nakaramdam ako nang pagkadismaya nang makita ko si Niel. Nakasando na ito at boxer halatang nakapag palit na. Malungkot ang mga mata nito na nakatingin sa akin.


“Sorry.” Ang nasabi ko nalang.


Ngumiti ito nang pilit.


“Okey lang yon. Pasasaan bat makakalimutan mo rin sya.” Ang wika nito sa mahinang boses kasabay nang paghaplos nito sa mukha ko.


“Anong oras na ba? Kumain kana?” Ang pagiiba ko nang usapan at dahan-dahang tumayo para makapaghanda.


“7pm. Mukhang napagod ka sa paglilinis ah.” Nakangiti nitong sabi.


“Oo nga eh. Teka maghahanda lang ako nang makakain natin. Kanina ka pa ba?” Ang sabi ko at tinungo ang banyo para makapaghilamos ulit.


“Mga 5:30 ang dami kasing naka scheduled kanina. Wag kanang magabalang magluto bumili ako nang pizza at maraming coke para sa dinner natin.”


“Hala, bakit di mo ko ginising?”


“Wala lang. Masarap ka kasing tingnan habang tulog.” At ngumiti ito nang ubod nang tamis.


Sa sinabi nya ay bigla akong natigilan. Lagi kasi iyon ang sinasabi ni Red sa akin tuwing mauuna itong magising. Agad kong kinuha ang tuwalya at ipinahid yon sa aking mukha hindi dahil basa ito kung hindi dahil may tumulong luha sa aking mata.


Naghapunan kami ni Niel. Marami itong ikinuwento sa akin noong umalis sya papuntang Canda. Ikinuwento rin nito sa akin kung gaano ka galit ang mga magulang nya sa ginawa nyang pagatras sa kasal nila ni Pauline. Tahimik lang akong nakikinig sa kanya at sa tuwing kailangan ng pagtugon mula sa akin ay isang ngiti ang ibinibigay ko.


__________


“Nakikinig ka ba?” Pukaw ni Ate Claire sa akin. Hindi pa rin mawala sa aking isip si Red habang tumatagal ay tumitindi ang pangungulila ko sa kanya.


Magiisang lingo nang sa akin nakatira si Niel. Kahit hindi nya hayagang sinasabi na gusto nyang may mangyari sa amin ay nararamdaman ko naman ang panunukso nito. Nariyan ang tatabi ito sa akin na nakabrief lang o kung hindi man ay lalabas ito nang banyo na walang kahit anong saplot. Pero kahit maganda ang katawan at kahit malaki ang sandata nito hindi ko pa rin makuhang ma tukso sa kanya tulad nang pagkatukso ko kay Red kahit na nakadamit pa ito. Iba pa rin ang epekto ni Red sa katawan ko sa kanya ko lang naramdaman ang matinding libog at pagnanasa.


“A-ah pasensya na. Ano nga ulit yon?” Pagpapaumanhin ko sa aking pinsan na ngayon ay nakataas na ang isang kilay.


“Kaloka ka! ang haba haba na nang speech ko wala ka palang naintindihan?” Maarte nitong wika na sinamahan pa nang pagkampay-kampay ng kanyang dalawang kamay.


“Sorry.” Pagpapaumanhin ko sa kanya.


“Look Dorbs, It’s so obvious hindi mo na sya mahal. Why don’t you let it go hindi sya ang taong magpapasaya sayo. Yeah, yummy si Niel but mas yummy si papa Red at mahal ka pa. Ikaw lang naman tong maraming ka artehang nalalaman eh. Kesyo naawa ka sa tao, na ayaw mo syang saktan. BULLSHIT! Don’t you think na sobra kanang nagsasakripisyo? At kasama mo pang isinakripisyo si Red at si Ace.” Mahaba nitong sermon sa akin.


“Hindi ganun ka dali yon Ate.” Malungkot kong sabi sa kanya.


“Kasi ginawa mong kumplikado ang sitwasyon Dorbs. You have Red na tunay na nagmamahal sayo alam ko yon dahil nakita ko yon sa loob ng isang taon nyong pagsasama. Pero anong ginawa mo?” Pagpapatuloy nito sa pagngangaral sa akin.


“Ate kailangan ako ni Niel. Hindi ko sya pweding basta basta nalang iwan.” Bakas sa aking boses ang hirap.


“Kailangan ka rin ni Red tulad ng pangangailangan mo sa kanya noon.” Malalim nitong sabi.


Nakuha ko ang ibig sabihin ni Ate Claire. Tama sya, noon kinailangan ko si Red para may tao akong masandalan sa panahong nagiisa ako sa buhay. Si Red ang nagbigay kulay ng mundo ko pero anong ginawa ko? Ano bang nagawa ko?


“Ayusin mo na yan Dorbs wag mong hintayin na tuluyang mawala ang damdamin sayo ni Red.”


Sa sinabing iyon ni Ate Claire ay nakaramdam ako nang takot at kaba. Hindi ko man ma absorb lahat ng sinabi nito ay alam kung may punto sya.




Itutuloy:





No comments:

Post a Comment