Akda ni: Rovi Yuno / Unbroken
Follow my blog: http://strangersandunbrokenangels.blogspot.com
Add me on Facebook: Rovi Yuno
Follow me on Twitter: @roviyuno
T.A.T.L.O
Hindi mapakali sa nangyari kanina, paulit-ulit na tinawagan ni Philip ang matalik na kaibigang si Roj. He got pissed dahil patuloy lang sa pagriring ang phone nito, it seemed that he didn't want to answer any of his calls.
Feeling tired, ibinagsak nya ang kanyang katawan sa kanyang magarbong canopy bed.
He looked on how grand his canopy bed was. Differently colored, primarily black and white Long Lac beads are found. He was also thrilled how the thin Bordeaux Satin curtain accentuated the distribution of beads that made the bed more conducive to love making. The room temperature made Philip caress his bed more. Para syang lumalangoy sa kama. He wants to feel every sensation his bedsheet has to offer. Upon feeling his bed, Philip felt sad. Naalala nya na matagal na palang walang yumayakap at naglalambing sa kanya sa mga ganitong panahon. As much as he could, sinubukan nyang i-divert ang nararamdaman.
I don't want to be emo tonight. Please.
Pinilit nyang matulog. Ayaw nyang magisip ng kung anu-ano.
Then. He felt his phone vibrating.
Dhenxo Lopez. Tuta ni Philip. Tumatanaw ng utang na loob dahil sa pagkakaligtas ni Philip sa kanyang ina mula sa isang insidente sa kanilang maliit na bahay sa nayon. Though Philip never asked anything in return, Dhenxo felt that he has to repay Philip sa kahit anong paraan na gusto nya at kaya nya.
Lumaki sa isang mahirap na pamilya, alam kung ano ang isang kahig-isang tuka, naging galit si Dhenxo sa tagumpay. Galit na galit sya sa kahirapan. Pinangako nya sa sarili na pagdating ng panahon, mababago nya ang buhay ng kanyang ina, maging ang kanyang buong pamilya.
Ang utang na loob, kahit kailan, hinding-hindi mo mababayaran. Yan ang utang na bottomless.
Nalaman nyang nasa Pilipinas na ang kanyang tinuturing na Kuya, si Philip.
Tandang-tanda pa ni Dhenxo kung paano nya nakilala ang lalaking sumagip sa kanyang ina.
Base na rin sa salaysay ng kanyang ina habang ito ay nararatay sa ospital, nakita raw sya ni Philip na nawalan ng malay sa gitna ng kalsada. Tinulungan sya nito at dinala sa pinakamalapit na pagamutan. Dahil na rin sa kahirapan ng kanilang buhay, hindi nila alam kung saan sila kukuha ng pambayad. Dumating nalang muli si Philip kinabukasan at sya na ang nagbayad ng bill nila. Hindi nya alam kung sino ba talaga sya at ano ang kanyang ginagawa sa buhay, ang alam lang nya ay dapat syang magpasalamat dahil isang anghel ang tumulong sa kanyang pamilya.
Hindi roon natapos ang lahat sa kanila. Nalaman ni Philip ang buhay na mayroon sila Dhenxo. Sa hindi malamang dahilan ay tinulungan nya ito. He sent Dhenxo to a school in Manila. Hindi makapaniwala si Dhenxo sa mga bagay na ginagawa ni Philip para sa kanila. Ni minsan ay hindi ito humingi ng kahit anong kapalit. He felt responsible at naramdaman nya na dapat nyang magantihan ang kabutihang binigay ni Philip sa kanya at sa kanyang pamilya.
Pinagbuti nya ang pagaaral at natapos nya ang pagpupulis. Dahil likas na rin ang hilig nya sa Siyensya, mas pinili nyang pumasok sa laboratoryo kaysa sa field.
Malayo na ang kanyang narating ngunit kahit kailan man ay hindi nya nakalimutang lumingon sa kanyang pinanggalingan, maging sa taong naging dahilan ng kanyang tagumpay, si Philip.
Dinukot ni Dhenxo ang kanyang cellphone at tinawagan si Philip.
Nakailang ring ito bago sumagot ang parang bagong gising na si Philip.
“Kuya, si Dhenxo to.”
“Dhenxo.”
“Opo. Pasensya na po kung naabala kita.”
“Ayos lang. Ikaw talaga. Magkita tayo bukas. Sabihan mo si Dalisay Diaz.”
“Anong oras kuya? At saan po?”
“Chef and Brewer. Ortigas, Sapphire Road. Update kita sa oras tom. I'm gonna make a reservation now.”
A smile flashed on Dhenxo' face. At last, makikita na nya muli at makakausap ang kanyang Kuya Philip.
“Sure Kuya!”
“Don't forget your report, Dhenxo.”
“Opo.” Masayang sabi nito.
The call ended.
Dalisay Diaz. The health and fitness instructor. Isa sa mga naging guro ni Philip pagdating sa pagpapalaki ng katawan. Noong una ay medyo masungit ito sa kanya. Nang lumaon, nakuha na nya rin ang kiliti nito at tinuri nya itong para na ring kanyang nanay-nanayan.
Masungit at malakas mangtrip. Kayang-kaya ni Dalisay na paikutin ang mga tao sa kanyang paligid gamit lamang ang kanyang dila. She's a pleaser. Yes, you read that right, she. She doesn't want to be addressed with the pronoun he for she believes, she's a real woman. Yes, you read that right, she's a woman, a woman with a witty tongue, and a morning boner.
Nakita ni Dalisay ang pagnanasa sa mga mata ni Philip na maging buff nang una nya itong nakita. He hired an instructor to assist him whenever he lifts weights and call her when he needs someone to advise him on his eating habits.
“Bawal ang mamantika. Yung macholesterol. Bawal rin yan. Let go of the fats in your body, Philip. Hindi maganda yan. If you want to have those pecs like your instructor, do what he says and follow what I command.”
Yan ang laging linya na rito. Sa t'wing magkasama silang kumakain, lagi nyang pinipilit si Philip na kumain ng mga pagkaing mayaman sa protina. Noong una ay hirap si Philip pero nang lumaon at nasanay na rin sya, naging madali na sa kanyang sumunod sa mga diet plans ng kanyang gurong si Dalisay.
“5! 6! 7! 8!” malakas na sigaw ni Dalisay.
Biglang tumugtog ang isang nakakaindak na awitin.
Hinataw nya ang kanyang balakang sa kanan. She made sure she doesn't skip a beat. After swaying her hips to the right, she then did a lock. Seconds after, she did The Salute.
“Oyyy! Yan mga katawan na yan ang titigas, ilalaga ko yan!” she commented at some of her students.
Patuloy sya sa pagbilang.
“5! 6! 7! 8!”
“Oyyy diba dapat nasa likod na kayo nyan kasi ayan na yung may magheheadspin?” she yelled.
There's confusion with her students. Halatang nakalimutan ng mga ito ang steps.
Dalisay sighed.
“Fine. Sige sige mga anak, pahinga muna for 5 minutes.”
She wiped her sweat. She then headed on her locker. She saw a message on her cellphone.
Miss Dalisay. I'll update you tomorrow, nasa bansa na po si Kuya Philip and he wants to see us. See you tomorrow po.
Sender:Dhenxo Lopez
She smiled.
He's back. Wih a vengeance. I hope hindi sya maluto ng sarili nyang apoy.
This is going to be fun.
To be continued...
nice ang chap 2,3*4.
ReplyDeletenagenjoy ako lalo n nandyn c dhenxo n mama dalisay. nxt chap
Thanks po sa comment j20green. :)
ReplyDeletei love it kaso bat ang iksi hehehe :D
ReplyDelete