ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Saturday, September 22, 2012

Strange Love 01


Author: Chris Li
mydenoflions.blogspot.com
Cover Photo By: Erwin Joseph Fernandez


Author's Note:
             Una sa lahat maraming salamat po kay Kenji dahil sa oportunidad pong ito na maibahagi ko ang aking likha. Maraming salamat sa mga turo mo at mga gabay. Maraming salamat din po kay Jhaspher, Ate Aronn, Andrey at Kuya Arl at kay Erwin na gumawa ng napakagandang cover photo para sa aking kwento.

                Nais ko rin pasalamatan ang mga taong nagbigay komento sa aking teaser at sa mga nagpa-abot ng pagtanggap sa akin bilang bagong awtor sa blog na ito, Maraming Salamat. Ito po ang una kong gawa kaya sana po ay pag pasensyahan niyo po ang grammars, typos at medyo magulong plot ng kwento. 
                  
                 Ang kwento pong ito ay fiction lamang kaya naman ang mga karakter, lugar at mga pangyayari ay  likha lamang ng imahinasyon ko. Sana po ay mag-iwan po kayo ng inyong mga komento, sobrang ma-appreciate ko pong basahin ang mga sasabihin po ninyo.

                 Maligayang pag-babasa po sa inyong lahat!








"Bakit… ", retorikang tanong sa kanyang sarili.

Patuloy ang paglalakad sa hindi malaman patutunguhan. Hindi alintana ang panganib sa paglalakad sa dis oras ng gabi. Walang pakialam sa lamig at gutom. Ang alam lang niya ay ang sakit na dulot nang hindi mapaniwalaang pangyayari.

Mahigit isang oras na simula nung iwan niya sa paborito niyang lugar ang taong sobra nyang pinahalagahan. Nakaramdam na rin siya ng pagod at tumigil, nagpalinga-linga ito sa paligid ngunit hindi na niya alam kung anong lugar na siya napadpad. Naawa siya sa kanyang sarili at pinilit iwinawaksi ang mga alaala gusto na nyang burahin.




-----------------Mikael
"Nasan ka na pare? Kanina pa kami inuugat dito kakahintay sayo."

"Jun pasensya na ,naliligaw kasi ako pero pabalik na ko sa main road. Sorry talaga."

"Ano ba naman yan Mikael! Anlaki laki mo na pre naliligaw ka pa?Tang...”,
Hindi na nito naituloy dahil may umagaw sa kanyang cellphone.

"Bunso,saan ka ba banda? Puntahan kita."

"Kuya Jaime ok lang po ako, kaya kong pumunta dyan sa resort, mali lang ako nang nilikuan kanina from the toll gate."

"Wag ngang matigas ang ulo mo Jan Mikael, nagugutom na kami kaya kung hinintayin pa namin matunton mo ‘tong resort baka abutin pa ng bukas bago pa kami makakain!", sarkastikong sagot nito.

Napangiwi ako sa pagbikas nito sa aking buong pangalan, batid ko na naiinis na ito sa akin dahil dalawa lang ibig sabihin nang pagtawag nito sa akin ng ganito. It's either naglalambing ito dahil may pabor or naiinis na.

"Hay naku Jaime! Ikaw lang naman ‘tong nagsabi na wag tayo kumain hanggang wala iyang si Mikael eh. Hahahaha!", panunuya sa kanya ni Coleen.

"Ah, basta nasan kana?", seryosong sabi ni Kuya Jaime.

Matapos na sabihin ang mga bagay na nakikita ko sa paligid dahil hindi ko naman talaga alam kung nasaan na ako. Napagkasunduan na lang naming sa nadaanan kong bayan na lang ako maghintay para mas safe daw ako at hindi na sila mag-alala.

Masaya ako at nakilala ko ang mga taong ito, dati wala ako sinasamahan na kaibigan. Loner kung baga, maybe because I don't want to get too close sa mga tao dahil I don't want them to hate me/ If they'll come to know the real me but now, I'm taking chances and risks. Bahala na, ang mahalaga ngayon ay sulitin ko ang bawat pagkakataon na kasama ko pa sila.

"Hay, si Kuya Jaime talaga ang kuliiiiit!", inis na sambit ko pero may halong kilig ‘pag naalala ko ang pambubuking ng aming kaibigan kay Kuya Jaime.

Dati rati hindi kami malapit sa isat isa. Marahil sa iba ang interes naming dalawa. Ako, tahimik lamang at mahilig lang mag-basa, makinig ng music at manood ng horror movies, super home buddy. Samantalang si Kuya Jaime ay outgoing, isa ito sa sikat na tao sa aming college hindi dahil sa gwapo ito kundi dahil sa mga kalokohan nito.
Nariyan ang pagdadala nito ng alak habang nagkakaklase, pakikipagpustahan habang naglalaro ng baraha sa may library at kung ano ano pa. Palibhasa, APO LANG naman siya ng may-ari ng eskwelahan kaya walang palag ang sinuman sa kanya.




-----------

"HOY!ikaw! Hindi mo ba ko naririnig?Ang angas mo ha!""

Napatigaga ako sa tinuran ng lalaking nasa harapan ko na. Hindi ko namalayan na dito ko natuon ang aking pagkakatulala sa lalim ng iniisip. Malaking tao ito ngunit hindi man kalakihan ang katawan masasabi mong matigas ang mga muscle nito. Maputi ang kanyang balat na mamula-mula, mestisong arogante sabi ko sa sarili ko.

"Nakakaloko ka ha, nababakla ka ba sakin at kanina ka pa nakatitig sakin?!”, sabay tulak nito sa kaliwang balikat ko.

Nagpintig ang tenga ko sa narinig na salitang iyon, oo alam ko. Pero ayokong tinatawag ako ng ganun. Bakit? Kasi naging ganito lang naman ako dahil sa taong piniling mahalin ng puso ko.

Tama, alam ko na ang gagawin ko sabay ngisi sa aking sarili.

"Bakit pare, ang yabang mo ha! Sino ka ba sa tingin mo at akalain mong ikaw tinitignan ko?! Baka ikaw ang bakla, pare! Hahaha…", namula ito, senyales na galit na galit na ito sa akin. Ayos!

"Oh, bakit natigilan ka? Nabahag ba ang buntot mo at nakita mo ang kagwapuhan ko?BAKL...", napabulagta ako sa sahig at naramdaman ko ang pag-init ng mga labi ko. Pinahid ko ang aking mga kamay sa lugar na iyon, tama ako dumudugo na ito. Hindi pa man ako nakakabangon ng tuluyan ay sunod-sunod na akong pinaulanan ng suntok at tadyak ng mestisong arogante.

Hindi na ako lumaban, nanghihina na rin ako sa gutom at pagod. Ito naman talaga ang gusto ko. Baka sakali mawala na ang sakit. Tatahimik na ang mundo ko, mas mabuti pa kesa mabuhay na kada pag-gising ko, laman kaagad ng isip ko ang pagkabigo.

"Tama na yan Homer! Pare, baka mapatay mo po yan.", pag-aawat ng isa ata sa mga kaibigan ng aroganteng mestiso.

 "Stay out of this, Zach!", pagpiglas nito sa kasama at ambang babalikan pa ako habang nakahandusay ako sa kalsada. Narinig ko itong sumigaw pero hindi ko na maimulat ang mga mata ko dahil namamaga na ito at mahapdi.

"Walang hiya ka Zach! Ano itong tinusok mo sakin?!", sabi ni Homer, hindi ko sigurado kung ano ang nangyayari pero tingin ko may bumagsak na ito. Minulat kong pilit ang isa kong mata, tama nga ako, nakadapa na sa sahig at wala ng malay ang mestisong arogante na si Homer.

"Pampakalma…", kalmadong sambit nung Zach sa ngayon wala nang malay na kaibigan, sabay hugot nito sa kanyang cellphone.

"Migz, pare napaaway si Homer. Pakidala naman dito sa entrance ng bar yung sasakyan nya. Titignan ko pa yung napuruhan ng gagong ‘to. Sige pre…"





----------------Zach
Nilapitan ko ang lalaking nabugbog ng pinsan ko. Kaawa-awa ito at sobrang napuruhan. Puro galos at dugo na ito, tinignan ko kung may pulso pa ito. Ngunit ano ito… Luha??

Tinignan muli ni Zach ang mukha ni Mikael at kinilatis. Hindi nito mawari kung bakit tila kinurot ang puso niya. Naisip niyang hindi dahil sa sakit ng katawan ang pagtangis ng lalaking nasa harap niya ngayon. Unti-unti niya itong binuhat para dalhin na sa ospital ng makasalubong nito ang kanyang mga kaibigan.

"Migz kayo na lang muna maghatid kay Homer, dalhin ko lang ang isang ito sa ospital, baka hindi na abutin sa grabe ng pagkakabugbog ni Homer sa kanya.”

"Sige pare, kami na bahala sa gunggong na ito.", napapalatak na wika ni Migz habang tinitignan si Mikael at Homer. "Ok pa ba yan? Parang hindi na humihinga ah.", dagdag pa nito.

Agad tumakbo si Zach papunta sa kanyang kotse ng makita nga nitong hindi na humihinga ang taong karga-karga niya.

"’Wag kang bibitiw please! Kailangan mong mabuhay! ‘Wag mo kong bigyan ng sakit ng ulo!", tulirong sambit nito sa taong karga-karga niya.



----------------Mikael

"Ang sakit na ng buong katawan ko pero bakit ganun? Wala pa rin ito sa sakit na dinulot mo sakin Kuya Jaime…", mapait na nasambit nito habang dumaloy ang luha sa gilid ng kanyang mukha.

"Kunin niyo na lang ako Diyos ko! Kung ganito lang din pala mararanasan ko… Binigyan Niyo nga ako ng taong magpaparamdam sakin na may HALAGA AKO. Pero ano!! Ano ang nangyari! Siya pa itong nagdudulot sakin ng ibayong sakit ngayon. Bakit pa?? BAKIT PA KITA MINAHAL JAIME!", pilit niya itong gustong isigaw ngunit wala na siyang lakas para mag-salita pa. Gusto niya mag-wala pero hindi na nito mai-kilos ang kanyang katawan.

“Marahil, ito na huli kong sandali,” pagtangis pa nitong muli sa kanyang sarili. “Marahil wala nga talaga akong karapatan lumigaya dahil BAKLA ako. Marahil, lahat ng naranasan kong pag-mamahal ay awa lang… Dapat hindi na lang ako nabuhay. Bakit kasi ang TANGA TANGA mo Mikael?! Sinabi ko na sa iyo diba lumayo ka na, pero ang tigas ng ulo mo at umasa ka pa rin na mamahalin ka niya.”, patuloy ang kanyang paghihinagpis sa kabila ng kalagayan ng katawan. Lungkot at pagka-awa ang nararamdaman nito sa sarili.

Naramdaman nalang niyang may bumuhat sa kanya, mainit sa pakiramdam ang mga bisig nito. Hindi niya maintindihan kung bakit kumportable siya dito at ligtas siya sa mga bisig nito. Sinubukan niyang imulat ang mga mata niya ngunit hindi na niya magawa. Hindi niya maintindihan ng may sinabi ito pero alam niyang takot ang boses nito.

"Stay with me please!", narinig niyang nagsalita muli ito bago siya tuluyan nawalan ng malay.




Ang hirap paniwalaan na magkakasundo kami ni Kuya Jaime. Kung tutuusin sa unang pagku-krus ng aming landas akala ko magiging mortal na kaming magkaaway. Siga ito at walang sinuman ang hindi mangingimi kapag nakita siya. Lahat nang gustuhin nito nakukuha niya. Siya ang tinaguriang “campus bully”.

"Nerd! Gawin mo nga ‘tong project ko kung ayaw mo masaktan.”, sabay hagis sakin ng mga materials sa paggawa ng lamp shade.

Nagpanting ang tainga ko nun, "Nerd?! Gago ka pala eh! Bakit hind ikaw gumawa niyan? Kaliit-liit na bagay lang hindi mo magawa? Anong silbi ng malaki mong katawan?? Ano yan panay hangin lang laman?!", singhal ko sa kanya.

Halong kaba at excitement ang nararamdaman ko nung mga oras na iyon. Oo, inaamin ko na. May gusto ako kay Kuya Jaime noon pa man. Kahit marami ‘tong kalokohan eh may nasaksihan din naman akong kabutihan nito. Iyon ang nagpabago sa tingin ko sa kanya. I don't know what happened to me at sinagot ko siya nung mga oras na yun. Marahil gusto ko din makita at makausap siya ng matagal. Yun nga lang nag-away kami.

"Tarantado ka pala eh!!", ambang susuntukin na niya ko ng pinigilan siya ng kaibigan niyang si Jun.

"Pre, tama na yan. Tara na, kain na lang tayo. Mikael, pag pasensyahan mo ‘tong si kolokoy ha. May pinagdadaanan kasi. Hahahaha… Nireregla ata. Nyahahaha.", malokong tawa nito na siyang dahilan kung bakit siya nabatukan ng una at umalis ng walang pasabi.

"Naku, patay na. Nagtampo na. Pre, sandali lang!", pinigilan ko si Jun habulin ang kaibigan nito. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sakin para gawin yun. Ang alam ko lang gusto kong kausapin si Jaime lalo na nung nakita ko ang mukha niya noong binuking siya ni Jun. Galit, pero ubod ng lungkot ang mukha niya bago ito tumalikod at umalis. Kinurot ang puso ko na makita siyang ganun. Ang masayahin at malokong si Jaime hindi ko akalain na may ganito siyang side, napapahiya rin pala siya.

"Jun, ako na kakausap sa kaniya. Napasobra ata yung sinabi ko din kanina."

"Naku, ‘wag na baka magrambol pa kayo.", napakamot sa ulo nitong sabi.

"Sige na Jun, oh… Don't worry I won’t provoke him, pleeeease.", sabay bitiw ng matamis na ngiti.

"Haynaku Mikael, gamitan ba ako ng pamatay mong ngiti? ‘Wag ganun pre!," sabay kamot sa ulo ng makitang hindi pa rin ako tumitigil sa pag ngiti, "Hahaha… Sige na nga! Malamang nandun yun sa may tree house."

Dali-dali akong nagpunta sa Mini Park kung saan nakatayo ang Tree House ng school. Gawa ito sa kawayan kaya napaka-presko doon at paboritong puntahan ng mga estudyante. Tuwing hapon lang ito binubuksan para na rin hindi ito gawing lugar para sa mga nagka-cutting classes.

Pagdating ko sa lugar, hindi ko maiwasang hindi kabahan. Habang umaakyat lalong tumitindi ang pagkabog ng dibdib ko, baka kasi ihulog ako ni Jaime pag nakita niya ako. Hahaha! Isa pa, hindi ko rin alam kung ano sasabihin ko, bahala na nga! Nasa huling baitang na ako nun at tinignan ang paligid ng Tree House.Malamig ang simoy ng hangin sa loob dahil na rin sa bukas ang bawat bintana nito. Ayun siya, nakaupo at nakaharap sa veranda ng Tree House. Maganda ang tanawin sa mga oras na iyon dahil papalubog na ang Haring Araw.

"Jaime… Pwede ka bang makausap?... Hihingi lang sana ako ng tawad sayo sa mga nasabi ko kanina.", hindi ito umimik kaya nagpatuloy lang akong lumapit sa kanya at umupo sa tabi nito.

"Pasensya ka na ha, nasobrahan ako sa pagsasalita sayo. Ikaw naman kasi eh, tinawag mo kong nerd. Pwede naman kita tulungan sa project natin pero ‘wag mo naman ipagawa sakin lahat.", payuko akong nagsalita ngunit, narinig ko siyang humikbi kaya naman napatingin ako sa kanya. Tama nga ako, nakita ko siyang umiiyak. Nakonsensya ako at ganito pala naging epekto ng mga sinabi ko sa kanya.

"Jaime, I’m really so...."

"Don't say sorry.", impit niyang sabi. "I'm not crying because you've embarassed me.", malungkot nitong sabi.

Seryoso ito at puno ng lungkot ang kanyang mukha. Tila bang sobra-sobrang sakit ng nararamdaman nito ngayon. Ano ba kasi nasabi ko at naging ganito na lang ang paghihinagpis nito.

"Ok, but still, I’m sorry sa mga sinabi ko kanina, alis na ko Jaime…", akmang tatayo na ko at aalis ng hawakan niya ang aking kamay at marahang hinatak.

"Huwag ka muna umalis… Please… Samahan mo muna ako dito. Ayoko na mag-isa.", paputol-putol ito nagsalita habang nakatingin sakin at parang batang nagmamakaawa ang mga mata nito. Naramdaman kong nadudurog ang puso kong makita ang mukha niya, sobrang lungkot nito.

Umupo ako at inilabas ang panyo ko. Ito ang pinaka-paborito kong puting panyo. Bigay sakin ito ng namayapa kong ama noong paslit pa ako at umiiyak sa tabi ng kanyang kama. Naalala ko pa ang huli naming pag-uusap ng mahal kong Itay.



“Itay, ‘wag mo kaming iwanan ni Inay. Hindi ka ba naawa sa amin, Itay?”, patuloy ang pagsinghot ko sa tumutulo kong sipon noon at ipinampapahid ang aking isang braso sa aking mga mata. Habang si Inay nasa bandang ulo ni Itay at hinahaplos ang kamay nito.

"Mikael… ”, sambit ni Itay habang hinahaplos ang aking buhok.

“…anak ko, ok lang ang umiyak ka pero sana siguraduhin mo na kapag umiiyak ka eh may kasama ka, para panatag si Itay... Na kahit wala na ako… Merong umaalalay sayo sa bawat hirap ng buhay." Lumuluha na rin ang itay noon dahil ito ang isa sa mga huling sandali niya sa mundo. Malakas na ang iyak ko nun at humihikbi na parang hindi na makahinga pati si Inay hindi na mapigilan ang pag-iyak niya sa kalunos-lunos na kalagayan ni Itay.

"Kunin mo ito anak," sabay abot sakin ng panyo. "Kapag nalulungkot ka at wala kang kasama, sana itong panyong ito… ang maging simbolo na narito pa rin ako para sa iyo. Anak… ayokong nakikita kang nasasaktan, alam mo ba iyon. Pero ako pa ngayon itong dahilan ng mga luha mong iyan. Paalam na muna anak ha… Patawarin mo ko at hindi kita masasamahan sa paglaki mo. Mahal na mahal kita anak..." Pumikit na ito at unti-unting kumawala ang hawak nito sa kamay ni Inay. Hindi magka-mayaw ang paghagulgol namin ni Inay noong mga sandaling iyon. Ang kwartong iyon ang nagging saksi sa aming panaghoy at pag-iyak sa pagkawala ng haligi n gaming tahanan… ng aking Itay.





Hindi ko maiwasan maluha habang naalala ko ang mga sandaling iyon. Palihim kong pinahid ng aking mga kamay ang mga kumawalang luha sa aking mata, tsaka ko iniabot kay Jaime ang panyo.

Takang tingin ang binigay niya sa akin habang umaagos pa rin ang mga luha nito sa kanyang mga pisngi. "Bigay sakin yan ni Itay, sana mapatahan ka niyan tulad ng ginagawa nito sa akin kapag nalulungkot ako at umiiyak."

"Sabi niya sa akin hindi ko daw kailangan mag-isa sa bawat hirap kaya na rin siguro binigay niya sa akin yan. Jaime… I know I’m not in the position to ask you what you're going through right now. But, I'm willing to listen kung yan ang ikakagaan ng pakiramdam mo.", pagpapatuloy ko sa pagsasalita habang kinuha na nito ang panyo at tinignan.

Right there and then, from his tearful eyes he let out a scream of agony. Itinago niya ang kanyang mukha habang umiiyak sa panyo ko. Lumapit ako at hinaplos ang kanyang likod habang patuloy siya paghagulgol.

"I feel empty Mikael…”, humihikbi nitong sabi habang nakasubsob ang mukha sa aking panyo. Para itong bata kung ipahid ang mga mata nito. “Alam ko you're surprise to see me like this. It hit me hard when you say those words to me kanina. Tama ka naman eh, useless ako. I actually envy you, kasi kahit na loner ka sa school, you seems to be fine and peaceful. Eh ako?? Ang dami ko ngang kabarkada, but none of them are true."

Na-guilty ako sa sinabi niya. Hindi ko akalain na yung panunuya ko ay may malalim na impact sa kanya. Words are really powerful, nasabi ko nalang sa sarili ko.

"Jaime, I'm sorry… At ano ka ba, akala mo lang yun na ok lang ako sa lahat, nakakalungkot din kaya mag-isa no. Hehe", pilit kong pagpapatawa sa kaniya.

"Then don't be. At hindi mo naman kasalanan na masabi mo yun kasi may katotohanan naman lahat ng sinabi mo. I should be the one to say sorry kasi ang angas ko sayo."

            Pinahid na nito ang kanyang mga mata at huminga ng malalim. Tumigil na siya sa pag-iyak. Gabi na rin noon kaya naman ang mga hand-made lamps na lang ng Tree House ang ilaw sa paligid.

Suddenly, he looked at me. Dahil sa magkatabi kami, ilang pulgada lang ang pagitan ng aming mga mukha. Maaliwalas na ang mukha nito. Ngayon ko lang siya nakita ng ganito kalapit. Bumilis ang tibok ng puso ko, halong kaba at hindi ko malamang pakiramdam ang nangyayari sa panahong iyon. He's really handsome, ganito pala ang itsura niya kapag hindi siya nag-aangas. Maamo at napakaganda ng kanyang mga mata. Ilang Segundo rin kami sa ganoong ayos ng nagsimula siyang magsalita.

"Thank you." Garalgal niyang sabi sa akin. "Hindi ko inexpect na ikaw pa ang makakaintindi sakin."

"Wala yun,no.", sabay tingin ko sa malayo dahil hindi parin matigil ang puso ko. ‘Ano ka bang puso ka tumahimik ka na nga, isasako kita sige ka!'

"At alam mo, hindi totoo na wala kang tunay na kaibigan, nandyan si Jun. Nag-alala kaya siya nung umalis ka! Pero, nagpumilit na ako nalang kakausap sayo, para na rin personal na humingi ng paumanhin."

"Tama ka, kahit gago yun si Jun eh kaibigan nga turing niya sakin, ako lang itong bulag-bulagan sa kung ano ang tunay sa hindi. Ikaw din naman diba? Kaibigan kita."

Napalingon ako sa mga sinabi niya, dahil hindi ako makapaniwala na si Jaime Serafin ay gusto ako maging kaibigan! Ang tamis ng ngiti niya sakin, wah para akong matutunaw.

"Ako? Gusto mong maging kaibigan? Sigurado ka? Hindi mo ko kilala baka pagsisihan mo lang sa huli." Malungkot kong sambit, dahil batid ko pag nalaman niya ang aking pagkatao eh itatakwil niya lang ako.

"Oo naman, sigurado ako. Sa ginawa mo pa lang ngayon, I'm sure I would not regret this. At isa ito sa mga desisyon na alam kong tama at proud akong gawin. I can see you are a great person Mikael. Hindi ko nga alam sayo bakit aloof ka sa mga tao but, it seems that you have a lot to say, so much ideas. Malalim kang tao Mikael and I know marami akong matutunan sayo. Right, bunso?hahahaha …"

"Bunso?”, taka kong tanong.

"Yep and I'll be your Kuya from now on. Ipagtatangol kita sa mga mangbu-bully sayo at ikaw naman bunso ang takbuhan ko kapag ako naman ang inaaway ng sarili ko." ngingisi-ngisi nitong sabi.

"Ah. Tama na nga yan gutom na ako, tara na baka maabutan pa natin si manong magtataho sa gate."

"Thank you ulit bunso, can I keep this for now?", patukoy sa panyo ni itay.

"Opo, sige Kuya sayo muna yan hanggang kailangan mo", ngumiti ito at bakas sa mga mukha ang tuwa. “Oh, bakit ka nakangiting bulldog dyan?", pang-aasar ko sa kaniya dahil ito nanaman ang lintik kong puso titibok-tibok na naman. Imp!

"Kasi ang sarap pakinggan nung tinawag mo kong Kuya, bakit ba!?", sabay alis at tinungo ang hagdan pababa.

"Ang mahuli, MANLILIBRE!", sabay takbo nito.





“Hoy, bungol! Bakit ka napapangiti dyan, para kang baliw."

Dumating na pala si Jun at Kuya Jaime, ang lalim ng pagbabalik tanaw ko ni hindi ko namalayan ang oras. Wow! Ang gwapo ni Kuya Jaime sa suot niyang board shorts at sanding pinatungan niya ng polo, ang yummy!

"Wala kuya, nakita kasi kita. Ang gwapo natin ah." pangiinis ko sa kaniya at nakita kong namula ito pero itinago kunyari habang hinatak ako palabas.





Tok!Tok!tok!

Nagising ako sa isang kwarto na hindi ako pamilyar. Inilibot ko ang aking mata at pumasok ang isang nurse. Nasa ospital pala ako.

"Good morning po Sir Jan, kukunin ko lang vital signs po ninyo. May masakit pa po ba sa inyo?", magalang na salita nito.

"Ok naman ako Miss.", hiya kong sambit habang chini-check ang blood pressure ko. "Sino po nagdala sakin dito?", umaasa akong si Kuya Jaime ang nagdala sakin dito. Bumalik ang sakit na hindi ko pa rin siya makalimutan at sobrang namimiss ko na siya.

"Hindi ko rin po alam yung details eh, pero sige po itatanong ko sa Nurses' Station, balikan ko po kayo sa susunod kong pag-check po sa inyo. Sir, kung sakali po may sumakit po sa inyo pindutin niyo lang po 0 sa ating telepono para makpagrequest po kayong mabigyan ng pain killer.", ngumiti ito at bago siya umalis nagtanong ulit ako. "Miss, pwede niyo na ba ako ma-discharge? Kasi hindi ko kaya magbayad para dito."

"Tanungin ko po si Doc. Pahinga ka na muna Sir, lumabas lang po saglit yung bisita niyo para bilhan daw po kayo ng pagkain."

"Sinong bisita?"

"Si Ms.Coleen po. Sige Sir check ko po muna yung ibang pasyente. Tawag lang po kayo ‘pag may kailangan po kayo.", at sinara na nga nito ang pinto.

Si Coleen ang isa sa mga kaibigan namin na talagang malapit sakin. Siya din ang nakakaalam ng tunay kong nararamdaman at ang tunay kong pagkatao. Bumukas uli ang pinto at inasahan na si Coleen ang iluluwa nito, ngunit laking gulat ko kung sino ang nasa pintuan.

"Ikaw? Ano ginagawa mo dito?!"






............itutuloy









15 comments:

  1. the story is very promising kaso medyo naguluhan ako sa part nung kay homer tapos balik kay mikael at jaime..
    uhmm clarify lang mr, author yung past eh yung kay jaime tapos yung present ay kay homer right?


    -mans-

    ReplyDelete
    Replies
    1. Opo hehe kaya po naka italic yung Font sa past po.

      Delete
    2. Opo hehe kaya po naka italic yung Font sa past po.

      Delete
  2. ok ang twist ng kwento...

    sino kaya yung bisita nya...

    tnx mr. author..

    ReplyDelete
  3. good start. Medyo overload lang ng scenes pero its fine.just look out for that, but overall good job!

    ReplyDelete
  4. A nice introduction to your story... Presenting continuity and opinions between characters... Thanks for this Author!

    ReplyDelete
  5. Wow parang hindi baguhang si Author ah :))

    ReplyDelete
  6. Thank you po sa inyo! Oo nga po eh, hindi ko pa gamay ang transitions hahaha pero salamat po sa inyong feedbacks! Salamat po talaga.

    ReplyDelete
  7. hmmm maganda to ah. may aabangan ako ule. he he he

    ReplyDelete
  8. Sana Sa susunod main porb mona yung pag sosolat mo nag in dinakakalito pero good job




    "Darkboy13"

    ReplyDelete
  9. Wow! Maraming salamat po sa mga feedbacs nyo po! Opo gagalingan ko pa po para hindi nakakalito. :)

    ReplyDelete
  10. nice one mr author.. medyo nakakalito nga lng ung sequence of event.. pero clap clap clap po
    -mareoh makibaoh

    ReplyDelete