ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Tuesday, September 11, 2012

Break Shot Book 1: True Ending















Binuksan ko ang bag, at saka naupo sa aking munting study table sa bago kong boarding house. Kinuha ko doon ang aking binder pati na rin ang pagkakapal-kapal na libro ng Chemistry.










Kakaibang saya at excitement ang aking nararamdaman. Matapos ang mga nangyari saakin sa aking murang edad, heto ako't nag-aaral na sa aking dream university. Sa pangalawang araw nang pagpasok ko, wala akong dala dala kundi ang inspirasyon na mag-aral ng mabuti at maka-graduate sa pinaka-matandang unibersidad sa Pilipinas. Sa bawat pagpasok ko ay wala akong ini-expect na kung ano. Kung ano ang mangyayari ay mangyayari. May mga lumalapit para makipag-kaibigan, para makipag-kilala, para maging bahagi ng college life ko. Magiliw ko naman silang tinatanggap. Mabenta pala ang mukhang ganto sa lugar na iyon. Ngunit i'm much aware din sa dapat kong gawin. Mag-aaral ako ng mabuti, sa abot ng aking makakaya, dahil sa tuwing naalala ko ang ipinang tuition saakin, kinikilabutan ako. Hindi ko na sasayangin ang ganitong oportunidad.










Sinimulan ko nang basahin ang libro na puno ng interes. Kahit na hindi ko gusto ang chemistry, i will try to love the subject. It is the only way i know para maipasa ko ang subject na karaniwang dahilan daw ng pagbagsak ng mga Tomasino.










Nasa ganoon akong kaseryosohan nang may matanggap akong mensahe mula sa isang number na wala sa contacts ko.










At ito ang sabi.










"Tuluyan na kitang pinapalaya Andrey. Patawad. Ngunit hindi ko kayang maghintay ng apat na taon sa iyo. May sarili akong buhay na dapat tahakin. At mayroon ka din. Ang pagkakaiba lamang ay mas maliwanag saiyo, mas malawak, mas masagana. Ikaw ang nagsabing ipagpatuloy ko ang aking pangarap at mag-aral ng kolehiyo. Ginawa ko iyon. May mga kanya-kanya na tayong landas Andrey. At habang tinatahak mo ang iyo, siguradong malilimutan mo rin ang ako. Ang buhay na naghihintay saiyo diyan ay buhay na hinding hindi ko mararanasan. At sa bawat araw na tinutupad mo ang iyong pangarap, at tinutupad ko din ang saakin, mas lalong naglalayo ang pagitan saating dalawa. Masaya ako para sa iyo. Sana'y ganoon ka rin saakin. At may dapat kang malaman...Kami na ulit ni Leah. Narito siya, sa tabi ko, sa oras na ito, sa iisang kama. Number niya din ito. Liam."










Nawindang ako, nanlamig ang kalamnan nang mabasa ang mensahe. Isang bagay lamang ang pumasok sa isip ko: hindi dapat ako maniwala dahil hindi ako sigurado.










Wala sa sariling pumunta ako sa tindahan, at sa unang pagkakataon pagkapunta ko sa Maynila, nagpaload ako para tumawag. Tinawagan ko ang numero, at si Leah nga ang sumagot.










"oh, Andrey? Napatawag ka? What a surprise!" She said na parang bagong gising.










"Pinagloloko mo ba ako! Bakit ka nagtext ng ganoon!" Ang sabi ko agad dahil sa galit.










"Anong text? Ikaw nga jan ang biglang tatawag tapos pagbibintangan mo akong nagtetext sayo?!" Ang sabi niya rin. Mas lalo akong nagalit at kinabahan.










"Nandiyan si Kuya Liam?" Tanong ko, mahina ang boses.










"O-oo...sa cr. bakit?" Tanong niya naman.










"Paka-usap nga kung talagang anjan siya!" Bulyaw ko.










Maya maya ay narinig ko si Leah na tinawag si kuya.










"Liam ginamit mo ba ang cp ko? Nagtext ka ba kay Andrey? Galit na galit ah." Narinig kong sabi niya kahit nilalayo ang boses. "Kausapin ka daw."










Nanghina ang tuhod ko nang marinig iyon. Kung ganoon, kay Liam nga galing ang text.










"H-hello? Tol..." pasimula niya.










Tinigil ko ang tawag nang marinig ko ang boses ni kuya. Nabingi ako, kahit walang ingay sa boarding house na iyon. Inilagay ko muli ang kamay sa aking puso, at naki-usap na wag masaktan.










Ngunit katakut-takot na panlulumo ang aking naramdaman ilang segundo matapos iyon.










Ang sabi ni kuya saakin nang pag-uwi ko nang Bicol two weeks ago, cool off muna kami upang maka-focus sa mga pag-aaral. Ito na pala ang ibig niyang sabihin.










There is no such thing as happy endings. Ang pagtatapos ng BS ay pagtatapos lamang sa parteng akala ko'y okay na ang lahat. Ang mga happy ending ay pagputol lamang sa bahaging masaya na ang mga tauhan, at nalagpasan na ang pagsubok. Ngunit kapag nagpatuloy ang mga kwento, sa pelikula, sa libro, sa mga akda, may mga bagong pagsubok na namang kahaharapin. Pinutol lamang sa bahaging akala natin ay okay na ang lahat.










So hindi pala happy ending ang Break Shot. At marahil, ito na rin ang totoong ending.










Wakas.

17 comments:

  1. ang sakit naman sa part ni andrey
    gago naman tong si liam akala ko mahal nilaa ang isat isa bakit hindi kaya mag hintay ni liam ano yun naging rebound lng si andrey tapos pagnag away sila ni leah babalik siya kay andrey ulit
    hay ang sakit sakit talaga promise

    ganyan ba talaga ang nangyayari sa totoong buhay
    kasi sa totoo lang mas natakot akong magmahal kasi kahit pala gaano kalaki ang pag mamahal niyo sa isa't isa pero ang ending hindi rin kayo
    wag na lang

    ReplyDelete
  2. katawan lng at yaman ni andrey ang habol ni liam,manyakis kasi c liam lol..kaya kayo dapat matakot sa bad karma,who knows isang araw hindi mo inaasahan darating bigla! Sa huli ang pagsisisi ... Robz here

    ReplyDelete
  3. sa raw na to, binasa kong lahat ng chapter. umabsent pa ako sa last class ko for this... Worth it naman! I got what the author wanted to tell us to be realistic. The ending might be heartbreaking(as it is really), still I really appreciate this Break Shot. Thanks!

    ReplyDelete
  4. Kung totoong tao to, baka praning na to. Grabe ung ginawa sa character :(((((

    ReplyDelete
  5. to andrey........ thanks a lot for sharing your story. uwi ka ba ng bicol?

    ReplyDelete
  6. ganu po ba kadami ang alteration nung story sa totoo pong nangyari..hehe..ok ka po ba andrey?hehe...dun sa mga nagsasabi naman po na hindi po nila makita ang growth ng character..kung totoo po itong nangyari ano pa po ba magagawa ng author eh sa aun ang nangyari sa kanya..hindi naman po nya kasalanan ang magpaulitulit na mga tanga tangahan tao lng naman siyang ngmamahal....more power andrey ingat palgi

    -P

    ReplyDelete
  7. Nasan ba yang liam na yan at guguluhin ko ang mundo ng punyetang baklitang yan.. Lol

    ReplyDelete
  8. Tsk tsk.
    Ang galing ng author nito.
    Gwa kpa ng mdmi.

    ReplyDelete
  9. Tsk tsk.
    Ang galing ng author nito.
    Gwa kpa ng mdmi.

    ReplyDelete
  10. Mas gusto ko si Matthew na nakatuluyan sana ni Andrey.. mas ramdam ko ang character nea compared to kuya Liam.. yeah alam nating siya ang tumulong sakanya in the darkness part ni Andrey, but mas iba ung impact sa puso ni Andrey kay Matthew ..Ang masasabi ko lang kila Matthew at Andrey na ang buhay pag ibig ay parang sugal. Kung alam mong talo ka na, huwag nang ipilit, huwag nang ituloy ang laban lalo pa’t alam mong wala ka ng ipapanalo pa dahil kung ipagpatuloy mo lang, mas malaki ang matatalo sa iyo. Ganun naman talaga ang pag-ibig. Dapat alamin mo kung kailan ka pupusta ng malaki, kung kailan ka lalaban at kung hanggang saan lang ang kaya mong ipatalo...
    Thanks Author more powers :)
    pero sana sila matthew at andrey ung magkatuluyan... :)

    ReplyDelete
  11. kagabi eh 9 pm ko ito sinimulang basahin and seriously 2am ako nayaring basahin eto.. paano ba naman kase
    eh iyak ako ng iyak ng binabasa ko eto.. call me oa pero un ang totoo.. mababaw kase ang luha ko and in someway eh nakakarelate ako ke andrey, well dun lang sa part na mayaman, matalino pero hindi seryoso sa pag aaral, walang self confidence. nakita ko ung sarili ko sa old andrei

    ReplyDelete
  12. kakaiyak tlaga toh,, ang ganda kase nang story ehhh,, hello andrey okey lang bah heheh :)

    ReplyDelete
  13. Iyong feeling na takot kang mainlove tapos mas lalo kang natakot mainlove dahil baka sobrang sakit lang at hinagpis ang maaaring dala non sa iyo. Iyon ang nararamdaman ko after reading the whole story. Grabe di baleng ako na lang ang no relationship since birth sa barkada as long as mapoprotektahan ko ang sarili ko from any kind of emotional pain.

    ReplyDelete
  14. Napakagaling ng author. Kudos sayo. Grabe ka ang lakas ng hatak ng kwento mo alam mo yung feeling na kumikirot din dibdib ko sa part na nahuli mo sila liam at jacob. Mag kaiba man tayo ng experience pero naranasan ko na ding masaktan ng tudo na umabot pa sa pagpapabaya sa pag aaral ko at nag karoon na din suicidal tendencies pero mas inisip ko pa din ang mga magulang ko na nag mamahal sakin at mga kaibigan na anjan para sakin.

    Anweis God Bless Always and More Power

    - dave of baguio city

    ReplyDelete
  15. Magandang storya, magaling na pagkakasulat at pagdadala ng mga linya.. Kudos sayo Andrey..
    Sana makasulat ka ng Book 2..
    Salamat..

    ReplyDelete
  16. Book two please by insistent demand

    ReplyDelete
  17. nkakabwisit na nakakabanas na nakakingit ngit.. parang tuloy sarap bunutin lahat ng bulbul

    i enjoyed much the story.. kahit na nahuli ako ngsupervisor ko na nagbabsa kesa nagwowork wala akong pakialam .. basta masaya ako at nakabasa ako ng kwentong makapagbibigay ng ibang istorya sa angulo ng buhay..

    ReplyDelete