Ako si Ana, at ito ang aking pagtuklas bilang Elemental
Guardian.
CHAPTER 4 ‘FIRE ELEMENTAL GUARDIAN AWAKEN!’
ANA ALBAY
8:00 na ng gabi.
Tila mga apoy na lang na ginawa ko ang nakikita sa
paligid. Ang bangkay ng nasunog na Striker ay naging abo na.
12 hours ago . . .
‘VULCAN, KUYA, sino ka man.
Tulungan mo akong buksan ang aking isipan para gamitin muli ang kapangyarihang
pinagkaloob sa akin ng Elemental Spirits limang taon ang nakakalipas.’ pakiusap ko sa
aking isipan.
‘NAGMAMAKAAWA NA ANG MAHAL NA
PRINSESA SA KANYANG BUHAY. NAPAKA-BOBO NAMAN NG MGA NINUNO NAMIN NA IBIGAY ANG
ISANG BATO SA MAHINANG NILALANG NA TULAD NG BABAENG I . . . TO . . .’ Natigilan
si Striker sa kanyang nakita.
‘SINONG TINATAWAG MONG MAHINA?’
Ako iyon. Nabuksan ang hiniling
kong pakiusap kay Vulcan para protektahan ang bato sa aking mga kamay.
Ako, isang prinsesang nalayo sa
kaharian para maging isang tinadhanang Elemental Guardian.
‘Hindi maaari. Ayon sa aking
prinsipe . . .’ nangangatal na sagot ni Striker.
‘NA ANO?! WALANG ALAM SA
KAPANGYARIHANG TINATAGLAY KO. PWES, NAGKAKAMALI KA. ANG PROPESIYA AY
MAGSISIMULA . . .
NGAYON.’ Sabay kumpas ng aking mga kamay gamit ang ibang
apoy. Si Vulcan, ang aking nakatatandang kapatid, ang una kong apoy na nabuo.
‘SUMMON FIREBALL! FIRST DRAGON, VULCAN!’ pagtawag ko sa sumasabog na
apoy na galing sa kanya.
Pilit na iniilag ni Striker ang mga atake ko sa kanya.
‘Pa’no mo nagagawa ang mga ito sa isang araw lamang.’
tanong sa akin ni Striker.
‘Tinuruan ata ako ng isang bihasa sa paggamit ng apoy.’
sagot ko sa kanya. ‘Bakit? Natatakot ka na?’ panloloko ko pa sa kanya.
‘MAYABANG NA GUARDIAN!’ At nilabas ni Striker ang kanyang
dalawang patalim na nakatago sa kanyang mga braso. ‘ETO ANG MAGPAPATIGIL
SA’YO!’
‘AAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHH! Tinamaan ako.’
‘Hindi ikaw ang may surpresang tinatago. AKO DIN! Eto
pa!’
Sa sobrang bilis ni Striker, hindi ko ma-predict kung
saan siya tutungong kasunod. Napakabilis niya. Kaya sunud-sunod ang hiwang
nakukuha ko sa kanya. Malalim ang sugat na nakuha ko sa may braso at tila gusto
ng bumigay ang katawan ko.
‘RUANA…’
‘VULCAN . . . ?’
‘Magpakatatag ka. Isa
ito sa mga pagsubok na dapat mong harapin bilang Elemental Guardian, lumaban na
parang sundalo sa gitna ng giyera. Tandaan mo, ang katulad mo ay napaka-dalang
sa ating pamilya. Ang anak na lalaki lamang ng hari ang binibiyayaan ng
ganitong regalo.’
‘KUYA . . .’ paiyak kong sagot kay Vulcan habang kinakausap
ko ang kanyang nag-aalab na anyo gamit ang aking isipan. ‘Hindi ko kayo
bibiguin ni Lolo.’ Ngumiti lamang sa akin si Nadare.
Humarap ako kay Striker. Gamit ang natitira kong lakas.
Naglabas ako sa unang pagkakataon ng pulang apoy, isa sa mga maiinit kong
nagamit sa aking kalaban. Kinumpas ko ito sa kanya at natunaw ang bakal sa
kanyang katawan samantalang ang natitirang laman niya ay unti-unti ng
nasusunog.
Doon ko nakita ang nakakatakot kong nagawa sa
kapangyarihan ko.
‘Maghanda ka Elemental Guardian. Hindi lamang ako ang
magtatangka sa buhay niyo. May mga nakapaligid ng mga kampon ni Prinsipe Darken
sa lungsod niyo at once na nahuli at nakuha ang natitirang mga bato, ang mundo
na tinawag mo ng tahanan ay madadamay. WAHAHAHAHAHAHA!’ huli niyang mga salita
bago siya tuluyang kinain ng apoy na binalot ko sa kanya.
Present time . . .
Hindi ko alam kung saan ako magsisimulang maghanap para
sa mga kasamahan kong may hawak ng Elementon. Ang tanging natatandaan ko lang no’ng
kami ay tuluyang kinain ng liwanag sa teleportation spell ni Vulcan.
‘Ruana . . .’
‘Vulcan, kailangan ko ang tulong mo. Kailangan nating
hanapin ang natitira pang Guardians dito. Alam ko sa sarili ko na hindi ko
kakayanin mag-isa, but once na makahanap ako ng isang Elemental Guardian
mapapadali ang aking paghahanap.’
‘Nag-aalala ka
siguro sa sinambit ni Striker sa’yo. Huwag kang mag-alala. Hindi lang ikaw ang
nagising sa iyong nakaraan . . .’
‘Ano’ng ibig mong sabihin?’
‘Katulad mo,
pagpatak ng inyong ika-labing-anim na kaarawan, ang ala-ala niyo ay magbabalik
sa pamamagitan ng isang panaginip o premonition. Sa antas ng inyong katawan,
magagamit niyo ng wasto ang kapangyarihan ng Elementon sa abot na ng inyong
makakaya. Ngunit iba ang nangyari sa’yo, dahil sa emosyon na pinakita mo sa mga
lalaking gustong magtangka sa buhay mo. Nagising ang konting diwa mo para
ipagtanggol ka sa masasama.’ paliwanag sa akin ni Vulcan.
Sa mga oras na iyon, nakita ko sa aking mga mata ang
mangyayari sa hinaharap . . .
BITAWAN NIYO ANG ATE
KO! ATE GE!
MAGPAALAM KA NA SA
ATE MO!
ALVIN!
[Sonic scream]
Need help?
ELEMENTAL HERO,
POWER UP!
Ang mga taong yun, makikilala ko sa hinaharap? May mga
ka-Guardian akong mamamatayan ng kamag-anak, may magmamahal ng sobra at
ibibigay ang kanyang buhay para tulungan ang iba kesa sa sarili niya?
‘Ang tawag sa
ability na ‘yan ay precognition Ruana. Isa din ito sa mga natatanging abilidad
ng ating angkan. Bawat detalye dapat kang mapanuri. Magiging susi mo ito sa
iyong paghahanap sa mga Elemental Guardian na naririto lamang sa siyudad.’ paliwanag
nito sa akin.
Napatingin ako sa bilog na buwan habang nakatanaw ito sa
karagatan. Naaalala ko ang unang araw ng aking pagdating sa lugar na ito.
Napakapayapa.
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa pwesto ko.
‘Simula sa araw na
ito, hindi ka na mag-iisa. Habang nabubuhay ako sa iyong puso, ipagtatanggol
kita sa iyong mga kaaway.
Hanggang dito na
lang ako aking kapatid, tawagin mo na lang ako sa oras ng panganib.’ Bumalik
na sa aking mga kamay si Vulcan.
Hindi ko alam kung anong magaganap sa hinaharap, pero
tinitiyak kong magiging handa ako sa mga pagsubok ibibigay sa akin ng tadhana.
hmm like dun sa sinabi nung anonymous... create new name for Nadare and Resshin at sa pag cast ng spells din... establish na kasi ng anime yun ehh.. kanina ng habang binabasa ko yun... akala ko si recca yung character... yun lang so far so good!
ReplyDeletehey author, the story is getting a little boring..spice it up a bit..last chapter, you introduced, what's his face? arvin? the story goes only at the character's history and the mission to look for the remaining three guardians..i think you should give ruana, vulnerability..arvin could be that guy..i think, if what i'm thinking is correct..
ReplyDelete@moon sung-min, there's nothing we could do about that now since the story is already progressing. the only thing the author could do, i think, is build ruana's character without nadare and resshin in the scene.
Thank you po sa inyong dalawa na nag-critic sa aking story. It means a lot to me. Lalo na po kay Anonymous na very honest sa kanyang comments. Dahil po dyan, pinaghahandaan ko ang next chapter for the improvements.
ReplyDeleteP.S. Pwede po ba malaman ang name mo Anonymous? Hehe! For acknowledgment lang po. Thanks! :D
taking my review into account is already an acknowledgement..saka nakakahiyang sabihin ang name..hahaha..salamat nalang.. :)
ReplyDeleteAs you wish Sir! XD
ReplyDelete