ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Sunday, September 9, 2012

After All Chapter 06



Ito na po ang chapter 6 nang After all. Sana magustohan nyo ang chapter na ito at muli gusto kong pasalamatan ang mga taong walang tigil na nagbibigay nang kanilang suporta sa akin na sina.

Rover, Lilee (Mama bear), Rue (Flame dragon ni Recca), R. J, Khief, Ranran (Randolf) Mcfrancis, Pink 5ive (na talagang natuwa ako sa comment nya sa BOL), Jayfinap (Ang idol ko), Mars, Jay!:), R3b3l^+ion, Mikimer Araneta, Russ, Ram (Kapangalan nya ang pamangkin ni Ace :D), ICY (Na nag comment sa chapter 4 welcome aboard!) at sa mga Silent Readers ko sana mag iwan naman kayo ng comment sa susunod.. :)
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
********************************

Ibayong kaba ang nararamdaman ko habang binibigyan ko nang masamang tingin si Dorwin. Panigurado maghihinala ang mga kabarkada ko dahil sa pagsisinungaling ko at isa pang kinakatakot ko baka sabihin ni Dorwin sa kanila ang dahilan kung bakit sa kanila ako nakitulog.

“Yup! Sa bahay ko sya natulog.” Pambabaliwala nya sa binigay kong tingin sa kanya.
Para akong binuhusan nang napakalamig na tubig nang sabihin ni Dorwin ang totoo. Hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko. Napatingin sa gawi ko ang mga mata nang mga kabarkada ko. TInging nag tatanong ang ibinigay nila sa akin. Hindi ako maka react sa sobrang kaba.
“Nakitulog sya sa inyo? Ganun na agad kayo ka close?” Ito ang kinakatakutan ko ang pagiging mausisa ni Tonet.
“Nakita ko kasi sya kagabi na umi….”
Agad kong pinutol ang sasabihin nya.
“Nakita nya akong nagsusuka sa labas kaya nag magandang loob sya na ihatid ako.” Ang maagap kong sabi. “Di ba Dorwin?” At inapakan ko ang paa nya sa ilalim nang mesa sabay bigay nang makahulugang tingin.
T ila naman naintindihan nya ang ibig kong sabihin.
“Yeah.” Sagot nito sabay bigay nang nakakalokong ngiti sa akin.
“So bakit don ka natulog sa bahay nila Dorwin?” Tanong ulit nito sa akin.
“Ahh..ehhh.. nang matamaan ako nang air con nang sasakyan nya mas lalo akong nahilo at nag susuka kaya don nalang ako ni Dorwin inuwi sa kanila.”
Kita kong hindi parin naniniwala si Tonet sa akin kaya naman bigla ko nalang iniba ang usapan para hindi na sya magtanong pa nang kung anu-ano.
“Ano na ang balita sa dalawa?” Sabay tunga nang iniinum ko dahil biglang nanuyot lalamunan ko sa kaba kanina.
“Nag text ako kay Rome pero hindi nagreply.” Sagot ni Tonet. “Siguro nakabati na ang dalawa at baka bukas umuwi na yon.” Dagdag pang wika nito.
Ewan ko kung bakit sa dinami dami ba naman nang pwedi kong itanong yon pa ang namutawi sa bibig ko. Muli ko na naman naramdaman ang lungkot na pilit kong kinakalimutan.
“Nakakatuwa naman ang barkadahan nyo talagang tinutulungan nyo ang isa’t isa.” Wika ni Dorwin na sa akin nakatingin.
Ano kaya gustong iparating nang gagong to? Ang pabolong kong sabi.
Imbes na sumagot ay binigyan ko lang sya nang isang pilit na ngiti. Hindi ko alam kong ano ang tumatakbo sa isip nang abogagong to pero sigurado ako may binabalak nanaman ito sa akin.
“Ganun na kami since high school. Yung pinsan mo lang naman ang maraming kaartehang nalalaman.” Sagot ni Tonet sa kanya.
“Dorwin right?” Sabat ni Mina. “Bakit wala ka atang kasama? Wala kabang girlfriend?”
“Matagal na kaming hiwalay.” Simpleng sagot nito.
“Hindi ka ba nag hanap nang iba?” Sabat naman ni Tonet.
Lalaki ang hinahanap nyan hindi babae. Ang gusto kong isagot sa kanila pero pinili ko nalang manahimik.
“Wala pa akong nakikita na deserving kong mahalin.” Sabay ngiti nito.
“Pihikan ka pala.” Wika ni Mina. “Sabagay sa gwapo mong yan isama mo pa ang pagiging lawyer mo dapat kalang talagang maging choosy.” Dagdag pa nito na ikinitawa nilang lahat.
Para makaiwas na mapuna nanaman nila ako nag paalam ko sa kanila na punta muna ako nang CR. Agad akong tumayo at pumasok sa loob para maghilamos at makapag bawas na rin. Hindi ko alam na sumunod pala sa akin sa loob si Dorwin.
“Hindi pala alam nang mga kaibigan mo ang tungkol sa problemang dinadala mo.” Bungad nitong sabi sa akin.
“Ano ba pakialam mo?” Sarkastikong sagot ko dito.
“Wala naman. Pero siguradong may pakialam ka kung ipapakita ko sa kanila ang nang yari sa atin.” At ngumisi ito nang nakakagago sa akin.
Naginit bigla tenga ko sa sinabi nya. Binigyan ko sya nang isang malakas na sapak pero madali lang nya itong napigilan.
“Relax. Im sure di mo ko kakayanin kung sapakan lang naman.” Sabi nito na may nakakagagong ngiti. “Besides baka mapaaga ang pagkalat nang picture mo nung nasa kwarto ko tayo.”
Nag pupuyos kong binawi ang kamay ko na hawak hawak nya.
“Ano ba talaga ang gusto mo sa akin?” May diin kong sabi dito.
“You already know what I want. You can either do what makes me happy or choose to disappoint me.” Sagot nito sa akin sabay labas nang CR.
Naiwan akong nagiisip sa huling sinabi nito. Pinilit kong intindihin ang sinabi nyang yon. Siguro katawan ko talaga ang habol ni Dorwin pero nang binanggit nya iyon hindi ko alam kong tama ang nakita nang mata ko. Lungkot ba yon? Ang naisatinig ko nalang sa isip ko.
Agad akong bumalik sa umpukan namin. Hindi parin ma alis sa isip ko ang mga sinabi nito. Nagkakatuwaan silang nag iinuman habang ako ay malalim ang iniisip. Marami pa silang napagusapan pinili ko nalang makinig sa kanila. Paminsan minsan sumasabay ako para hindi nila ulit ako mapansin baka sa akin pa ulit bumagsak ang usapin. Laking pasasalamat ko naman na wala dito si Angela dahil panigurado kanina pa nangungulit nang mga tanong yon.
Pasado alas tres na nang medaling araw nagiinuman pa rin kami. Naka ilang bucket din kami nang San mig light. Naging madaldal si Dorwin nang medyo tinamaan na ito. Hindi na nya ako ulit inasar o pinahapyawan nang mga pangiinis nya. Enjoy silang lahat na kasama si Dorwin sabi pa nga ni Tonet para lang daw naming kasama si Ace na sinangayunan naman nilang lahat. Maski ako lihim kong sinangayunan ang sinabi ni Tonet sapagkat pagkatapos naming makapagusap sa CR ibang Dorwin na ang inabutan ko sa labas. Katulad ni Ace madaldal sya pagnalalasing, nakikipag sabayan din sya sa mga biruan na para bang matagal na nya kaming nakakasama.
Ako naman paminsan minsang pumapasok sa loob kung may lalabas or bagong papasok sa bar kaya naman nakakaiwas ako sa ilang mga tagay.
Naging paborable din sa akin ang negosyo naming ito sapagkat makakaiwas ako sa problema namin sa bahay tuwing magkikita kami nang magaling na asawa nang mama ko. Atleast sa bar na ito sa tuwing nakikita ko ang mga taong nag sasaya pansamantalang nawawala ang mga problema at sakit sa puso ko.
Pasado alas 5 na nang mapagdesisyunan naming mag sara. Hinintay lang namin na matapos ang tatlong huling groupong nagkakasiyahan. Si Dorwin ay hinintay talagang magsara ang bar bago sya umuwi kasabay nina Tonet at nang iba pa.
Mga alas 6 na nang dumating ako sa bahay kita ko ang sasakyan nang magaling kong amain na nakapark pa sa loob ibig sabihin hindi pa ito nakakaalis. Agad kong pinark ang motor ko at pumasok sa loob.
“Dito na pala ang magaling mong anak. Pakainin mo na kawawa naman baka inaantok na.” Ang nanunuya nitong banat agad.
Hindi ko ito pinansin agad kong tinungo ang kwarto ko sabay sara nang pinto nang pabalang. Rinig kong napamura ito sa ginawa ko napailing nalang ako sabay hubad nang damit ko at sumampa na sa kama. Wala na akong lakas para makipag talo pa dito.
________________________
Dumaaan ang tatlong araw na ganun ang naging setup nang buhay ko. Pupunta sa bar nang maaga tapos uuwi nang bahay nang madaling araw. Hindi pa rin nakauwi si Ace at Rome sabi ni Tonet nag desisyon daw ang dalawa na mag extend pa nang ilang araw sa isla para sulitin nila ang mga araw na hindi sili magkasama. Si Dorwin naman ay hindi na ulit nag pakita pa pero paminsan minsan nag tetext ito sa akin na hindi ko naman sinasagot.
Pasado alas 4 nang magising ako dahil sa ingay sa labas. Rinig kong may pinagtatalunan si mama at ang asawa nya. Agad akong tumayo at lumapit sa may pintuan ko para mas marinig ko pa kung ano ang pinag tatalunan nang dalawa.
“Bakit di mo pilitin ikaw ang ina!”
“Nasa tamang edad na si Red. Mang hiram nalang tayo sa iba.”
“Bakit pa tayo mang hihiram kung meron naman pera yang walang kwenta mong anak!”
“Gagamitin nga daw nya ang pera.”
“Gagamitin? Hindi nya mauubos ang perang yon! Ang sabihin mo madamot talaga yang anak mo! Palamunin na nga dito di pa marunong makisama!”
“Hinaan mo ang boses mo baka marinig ka.”
“Eh ano ngayon kung marinig nya? Ako ang nagpapalamon sa inyo dito kaya may karapatan ako.”
Sa sinabi nyang yon umakyat lahat nang dugo ko . Dali dali akong lumabas nang kwarto para harapin sya.
“Gising na pala ang magaling mong anak.” Sabi nito nang makita ako. “Hoy kung hindi mo kami papautangin nang pera wag kang kumain dito dahil pera ko ang linalamon mo!” Galit na galit pang dagdag nito na tinuturo  pa ako.
“Ang kapal naman talaga nang pagmumukha mo noh? Dapat lang ikaw ang magpalamon sa amin dahil pinatira kana nang mama ko sa bahay na ito.” Balik kong sigaw sa kanya. “Kung hindi dahil sa pagiging sugarol mo hindi sana nalugi negosyo mo!” Dagdag ko pang sabi dito sa sobrang galit.
“Wala ka talagang respetong gago ka!” Akmang susugurin sana ako nito nang biglang pumagitna si mama sa amin.
“Tama na yan! Red, wag kanang sumagot igalang mo naman ang Tito Raul mo.”
“Igalang? May mga taong dapat igalang at may mga taong hindi katulad nalang nang asawa mong walang ibang ginawa kung hindi mag hari harian sa pamamahay natin!” Hindi ko maiwasang mapalakas ang boses ko dahil sa sobrang puot. Sobra na sya kung nung una na titiis ko ang pangiinsulto nya sa akin ngayon hindi na.
“Lumayas ka dito! Ayaw ko nang makita pa pagmumukha mo baka mapatay lang kita!” Namumula na nitong sabi sa akin.
“Bakit ako ang palalayasin mo? Ikaw dapat ang lumayas dito dahil bahay to nang ama ko!”
Natigilan sya sa sinabi kong yon. Hindi muna sya agad nag salita siguro hindi nya inaasahan na sasagutin ko sya nang ganun. Ibinaling nito ang tingin nya kay mama.
“Kung hindi mo palalayasin yang anak mo aalis kami dito nang mga anak natin hindi mo na sila makikita pa.” Pagbabanta nito kay mama.
“Raul hindi..” Hindi na ni mama natapos ang sasabihin nya.
“Mamili ka. Yang anak mong batugan o yung dalawang anak natin?” Hindi na nito hinintay pa ang sagot ni mama agad itong tumalikod at tinungo ang kwarto nila. Naiwan si mama na umiiyak at may tingin sa akin na parang nag mamakaawa. Alam ko na ang ibig sabihin nun kahit masakit alam ko na kung sino ang pinili nya. Napatango nalang ako sa kanya at tinungo ang kwarto ko.
Isa-isa kong linigpit ang mga damit ko at pinasok iyon sa loob nang isang malaking bag. Habang ginagawa ko ito hindi ko maiwasang mapaluha sa sobrang sakit na hindi ako ang pinili nang mama ko. Hindi naman ako nakikipag kompetensya sa mga kapatid ako ang gusto ko lang naman ay ipaglaban nya ako sa asawa nya dahil anak rin naman nya ako at may karapatan din naman ako sa bahay na iyon. Gusto ko lang iparamdam nya sa akin na may ina parin ako pero hindi ito nang yari.
Nasa ganun akong ayos nang bumukas ang pintuan nang kwarto ko at iniluwa nito si mama. Kita ko sa mga mata nya ang paghingi nang tawad. Lumapit ito sa akin at umupo sa kama.
“Anak im sorry pero ang babata pa nang mga kapatid mo kailangan nila ako.” humihikbi nitong sabi sa akin. Di ako nag aksaya nang panahon na lingunin sya nakaramdam ako nang galit para sa kanya.
“Anak please give me some time aayusin ko ito. Lilipas din ang galit sayo nang Tito Raul mo.” Akmang hahawakan nya ang kamay ko pero bigla ko itong binawi at tinungo ang cabinet ko para kunin pa ang iba ko pang gamit.
“Anak..” Hindi ko na sya pinatapos pa agad akong sumabat.
“Kailangan ka nila? bakit ma, ako ba di kita kailangan? Sa huling pagkakataon hindi mo nanaman ako nakayang ipagtangol sa asawa mo wag kanang umasa na babalik pa ako dito dahil hinding hindi na mang yayari iyon.” Hindi ko mapigilang hindi gumaralgal ang boses ko dahil sa sobrang hinanakit.
“Simula ngayon isipin mo nalang na wala kang anak sa dati mong asawa dahil iisipin ko rin na wala na rin akong ina.”
Kinuha ko ang bag na kinalalagyan nang mga gamit ko. Aktong lalabas na sana ako nang kwarto nang may maalala ako.
“Ito nga pala ang susi ang motor na binigay nyo. Ipalamon mo sa magaling mong asawa.” Ibininaba ko ito sa study table ko sabay labas nang bahay na iyon. Hindi parin tumitigil ang pagpatak nang luha ko. Pagkalabas ko nang gate ay naisumpa ko sa aking sarili na kahit kailangan hinding hindi na ako babalik pa sa bahay na iyon.
Nag hanap ako nang jeep na masasakyan papuntang downtown Area. Alam kong sobrang aga pa at di pa ako na kakaligo ngunit isa lang ang pwedi kong mapuntahan ngayon.
Itutuloy:












3 comments:

  1. kuya ken db po eto ung isan kwento ni zildjian?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yeps po. May permission po ako from Z to post his stories here. :)

      Delete
  2. Ganda pang family to ah.wait lang po wla po ytang chapter 5..red and dorwin kaabang abang ang story nyo.

    ReplyDelete