Nagbabalik ang author na walang ginawa kungdi ubusin ang oras
kakahanap ng inspirasyon para magtuloy- tuloy ang storya ni Ken.
Nagpapasalamat po ako sa mga bumubuo ng MNB Facebook page at kay
Onichan Kenji dahil isa sya sa mga nagbigay sa akin ng inspirasyon para gawin
ang mga storya ko.
Salamat din po sa walang sawang nagbabasa ng aking story!
Especially kila:
Ginno, Angel Marco Menor Aka Marc of K.S.A., Monty, Marshy,
Franklin Aviola, Kiero 143,
Zenki of Kuwait, Mark 5337, Sinbad, Frostking, robert_medoza.
Anita baker, JD Javra, eunchi, diumar, curious19, Hiya!, Caranchou,
nathanielgarcia at sa mga Annonymous at Silent Readers!
Kayo po ang aking dahilan para magkaroon ng inspirasyon! :)
Enjoy Reading Guys!
Nagtaka
naman ako sa pinakita sa akin ni daddy at habang nagpapatuloy kaming kumakain
ay naisip ko ang sinabi ni Aaron sa akin.
“Dad—“
sabi ko at napatingin naman ito sa akin.
“Ano
yun anak?” sabi lang nya at pinunasan na nya ang kanyang bibig.
“I
want to go home!” sabi ko at ngumiti ito sa akin.
“Pagdating
ni Doc mamaya kakausapin ko sya!” sabi nito at tumayo na kami at pinunta na nya
ako sa aking higaan.
Binuksan
nya ang TV at saktong anime ang palabas kaya hindi na nilipat ni daddy ang
channel.
“Whoa!
Si Byakuran na pala ang kalaban nila!” sabi ni daddy at napatingin naman ako sa
kanya.
“Paano
kasi dad hindi ka na nakakasubaybay nyan! Buti pa ako complete attendance dyan!”
sabi ko at nanood na din ako ng TV habang nasa kama ako.
“Binili
mo ba yung isang season nyan kila Chelsea?” sabi ni dad at tumingin sya sa
akin.
“Hindi
lang yung isang season kungdi lahat! Tapos yang season na yan eh pinapakumpleto
ko pa kay Chelsea!” sabi ko at nanood ulit sya ng favorite naming anime.
Habang
nalilibang kami sa panonood ay di namin namalayan na pumasok na pala ang doctor
at ang nurse.
“Mukhang
malakas ka na ah!” biro sa akin ng doctor.
“Doc!
Andyan pala kayo!” sabi ni daddy at tumungo kung asan ang doctor na nakatayo.
“Ito
na po ang results, maganda na ang pinapakita nya within 30 hours! And the good
news is pwede nyo na syang i-uwi, pero! Kailangan pa din nya magpahinga ah!”
sabi ni Doc at ngumiti naman ako.
“Doc,
kelan naman sya pwedeng pumasok sa school?” sabi ni daddy at tumingin sya sa
akin.
“As
we said last time, pwede na syang pumasok by Wednesday or rather next Monday na
lang!” sabi ng doctor at ngumiti siya kay daddy.
“Oh!
I almost forgot! Ito na yung medical certificate nya in case na maghanap ang
school” sabi ng doctor at binigay na nya ang certificate kay dad.
“Thanks
doc!” sabi ni daddy at kinamayan nya ang doctor.
“No
sir! Magpasalamat po kayo kay Doc Polo!” sabi ng doctor at nagulat naman ako.
“Si
tito Polo? Isang doctor?!” sabi ko sa aking sarili at napangiti lang ako.
“Saan
po kami magbabayad ng bill?” sabi ni daddy at sumunod na sya kay doc.
Naiwan
ako at ang nurse para bantayan muna ako, napatingin lang ako sa kanya habang
nanonood ako ng anime.
“Ganda
naman ng pinapanood mo!” sabi nya sa akin at ngumiti lang ako.
“Favorite
namin yan ni daddy!” sabi ko sa kanya at nakita kong kinuha nya yung medical
board na nasa paanan ng aking higaan para tignan.
“Alam
mo buti naka survive ka pa sa ganitong sakit! Alam mo ba ang mga kasabayan mo
na may katulad ng sakit mo ay nasa ICU pa din! Pero ikaw ang tapang mo talaga!
nakayanan mo ang mga medicine at therapy sayo!” paghanga ng nurse sa aking
kalagayan at ngumiti naman ako sa kanya.
“Salamat
po!” tanging nasagot ko lang at naramdaman kong nagvibrate ang phone ko.
“Kenpot!
Ayos ka na ba?” sabi ni Lexie at napangiti ako.
“Yeah!
Baka later makauwi na ako!” sabi ko sa kanya.
“By
the way pupuntahan kita bukas! May sasabihin ako sayo!” sabi nito at bigla
naman akong kinabahan.
“Okay!
Hintayin kita!” sabi ko lang at hindi na sya nag reply.
Napatingin
ulit ako sa aking pinapanood at kinausap ang nurse na tulungan akong tumayo
para pumunta sa sofa, nang marating ko na ang sofa ay agad naman inayos ng
nurse ang aking katawan.
“Sabihin
mo lang kung gusto mong bumalik sa kama ah!” sabi ng nurse at binigay sa akin
ang remote.
“Thanks!”
sabi ko lang at ngumiti lang sya sa akin.
Nilipat
ko ang channel dahil natapos na ang pinapanood ko, nakita kong inaayos ng nurse
ang medical board at inalis na ito sa aking kama.
Habang
nasa sofa ako ay nakaramdam ako ng pagkabored kaya nilipat ko sa music channel
ang aking pinapanood, sumandal ako para maging komportable at pinikit ang aking
mga mata.
Nanaginip
ako na naglalakad ako sa isang lugar at biglang dumilim ang paligid, dahan
dahang nag lalabasan ang mga bituin sa kalangitan at dahan dahang bumabagsak
ito, napakaganda dahil may iba’t ibang kulay ito, pagtingin ko sa aking
tinatapakan ay nakakita ko ng dalawang anino, yung isa ay malapit sa akin at
yung isa naman ay malayo, narinig ko na sinabi ng isa.
“Mamahalin
kita hanggang sa iyong huling hininga!”
At
narinig ko ding nasalita ang isang anino, pero hinawakan nya ang aking kamay.
“Kahit
anong mangyari ay ikaw pa din ang dahilan kaya ako nabubuhay dito, hindi kita
iiwan at sabay nating tatahakin ang daan ng pagsubok.” Sabi nito sa akin at
nagising na lang ako bigla at hinabol ang aking hininga.
“Oh
what’s the problem?” sabi ni mommy sa akin.
Naging
malabo ang aking paningin kaya pinikit ko ulit ito, kaya pinikit ko ito at
dahan dahang minulat ulit.
“Mommy!”
sabi ko na parang natakot sa aking napaniginipan.
Niyakap
ko si mommy at pinakalma naman nya ako.
“Don’t
worry we’re here!” sabi ni mommy at kumalas ako sa pagkakayakap at tumingin sa
paligid.
Nakita
ko sila lola, Jiro, kuya, at daddy na nililigpit ang mga gamit.
Narinig
kong bumukas ang pintuan at nakita kong pumasok si Cheryl, Abby at Luke.
“Ano
pong meron?” biro ni Abby at tumulong sila.
“As
promise friend! Ito na ang mga notes!” sabi ni Cheryl at binigay nya sa akin
ito.
“Mga
bata! Dun na kayo kumain ng dinner!” paanyaya ni lola sa mga kaibigan ko at
nakita kong tumutulong sila sa pagliligpit.
“Sige
po!” sabi ni Luke at napangiti naman ako.
Habang
nag liligpit at pinilit kong tumayo na walang kasama, pero hindi ko pa kayang
tumayong mag-isa at nahulog ako sa aking pagpipilit.
“Ikaw
talaga!” sabi ni kuya Kino at tinulungan akong tumayo.
“Sorry
kuya, gusto ko lang tumulong eh!” sabi ko sa kanila at napatingin naman ang
lahat sa akin.
“Kuya
magpahinga ka na lang dyan! Kami nang bahala dito!” sabi ni Jiro at ginulo ko
ang kanyang buhok.
“Para
kang si kuya Kino!” sabi nya sa akin at ngumiti ako sa kanya.
“Para
kang si Ken!” sabi ni kuya at nagtawanan kaming tatlo.
Tinulungan
ako ni lola na tumayo at pumunta sa CR para magpalit ng damit, pagkapasok ko sa
CR ay agad naman ako nagpalit na dala nila sa akin, at dahan dahang naglakad
papalabas ng CR, pagkaupo ko sa tapat ng aking hinihigaan ay tinignan sila.
“Grabe
ang dami mong gamit!” biro sa akin ni Luke habang dala nya ang mga unan ko.
“Lumipat
ka ba ng bahay papa Ken?” dagdag na sinabi ni Abby at natawa naman sila mommy.
“Kayo
talaga! ang kukulit nyo!” sabi ni kuya at natawa naman kaming lahat.
Tinulungan
ako ni daddy na maglakad at nang makalabas na kami sa aking kwarto ay nakita
kong maraming tao sa paligid na naglalakad, ang iba naman ay naka wheel chair
pa.
“Makakauwi
na din sa wakas!” sabi ko sa aking sarili at napangiti naman ako.
“Dad...”
sabi ko lang at napatingin ito sa akin.
“Ano
yun?” sagot naman nya.
“About
last time na nag usap tayo?” sabi ko sa kanya at hindi na nya ako pinatapos.
“Tungkol
kay Troy? O sa dalawa?” sabi lang nito at napangiti lang ako.
“Sa
dalawa po!” sagot ko lang at tumigil muna kami saglit.
“Oh
ano yun anak?” sabi nya sa akin.
“Wala
daddy!” sabi ko sa kanya at ngumiti sya sa akin.
“Basta
kung ready ka na, sabihin mo na lang sa amin okay?” sabi nya at tumango lang
ako.
“Bahala
na daddy!” sabi ko sa kanya at napangiti naman si daddy.
Naglakad
ulit kami at sumakay na ng elevator pababa.
Habang
nasa loob ay naalala ko pa din ang napaniginipan ko kanina.
“Sino
kaya yung dalawa na yun?” sabi ko sa aking sarili at napailing naman ako,
nakita ni daddy ang ginawa ko kaya tinapik nya ako sa balikat.
“Wag
mong isipin yan! Baka mabinat ka pa!” sabi lang nya sa akin na parang alam nya
ang nasa isip ko.
Ngumiti
lang ako at bumukas na ang pinto ng elevator at nakapunta kami sa carpark kung
saan andun na sila naghihintay sa amin.
Binuksan
ni daddy ang sasakyan at sila Cheryl naman ay sumakay kay kuya Ray kasama si
mommy.
Sumakay
na kami at pinaandar na ni daddy ang sasakyan.
Habang
papalabas kami ay nakita ko yung dalawa kong kapatid na naghaharutan at si lola
naman ay katabi ni daddy sa sasakyan.
“Oh
baka mabinat ang kapatid nyo ah!” paalala ni daddy sa dalawa kong kapatid at
ngumiti lang sila kay daddy.
“Gusto
mo bang magpahinga?” sabi ni kuya at tumango lang ako, kaya sinandal ko ang
aking katawan malapit sa binatana at tinignan ang mga dinadaanan namin.
Habang
nasa kalye kami ay marami akong nakikitang tao na naglalakad at mga nagtitinda
sa gitna ng daan, naisip kong paano sila nabubuhay sa ganung kalagayan, at
biglang may kumatok sa bintana ko at tinaas ang mga sampaguita na binebenta,
kaya napatingin ako sa kanila.
“Ito
pambayad oh!” sabi ni lola at inabot nya sa akin, binaba ko ang salamin sa
bintana at binili ang kanyang tindang sampaguita.
“Para
saan naman po yan lola?” sabi ni kuya at kahit ako din ay nagtaka.
“Para
sa simbahan mamaya! Pupunta kami dun ni Paula para magpasalamat!” sabi ni lola
at napangiti naman kami.
Habang
umaandar na kami ay nakita kong tumahimik ang dalawa kong kapatid at tinignan
sila, nakita kong nakasandal si Jiro kay kuya at tulog silang parehas, kaya
napatingin ako kay daddy.
“Excited
kasi sila na umuwi ka na! kaya ang kuya mo ay hindi muna pumasok at si Jiro
naman ay miss na miss ka na!” sabi ni daddy at tumabi na ako sa kanilang
dalawa.
Nakatulog
ako ng mahabang oras, hindi ko na alam kung anong nangyayari sa aking paligid,
pero naririnig ko ang katahimikan ng dalawa kong kapatid at ang tanging pag
uusap lang nila lola at daddy ang aking naririnig.
Pagkagising
ko ay nasa kama na ako, nakita kong nilinis nila ito dahil nagbago ang aking
cover sa kama at ang aking kumot, kaya umupo ako at pinilit kong tumayo, kahit
nahihilo ay dahan dahan akong naglakad papunta sa terrace.
Nang
makapunta ako ay narinig ko sila na nagtatawanan sa may garden agad kong
sinilip sila at nakita kong nakaupo sila Cheryl at sila kuya na nagkukulitan.
Napatingin
si kuya sa terrace at nakita ako.
“Oh
gising ka na pala!” sabi ni kuya at ngumiti lang ako.
“Sige
puntahan nyo na ang bestfriend nyo!” sabi ni kuya at nakita kong ngumiti sila
sa akin papasok ng bahay.
Umupo
ako sa may upuan sa aking kwarto at narinig kong kumatok na sila.
“Pasok
kayo!” sabi ko at binuksan nila ang pintuan.
Nakita
kong namangha sila sa aking kwarto at nakita ko din si ate Lea na kasunod.
“Oh
anong gusto mong kainin?” sabi nya sa akin.
“Ano
po ba ulam?” sabi ko lang.
“Marami
eh!” biro nya sa akin.
“Kahit
ano na lang ate! At paki sabi kay nay Elsa na pagtimpla nya ako ng gatas!” sabi
ko at ngumiti si ate Lea at lumabas na ng kwarto ko.
“Wow!
Ang daming collection!” sabi ni Luke at napangiti lang ako sa kanya.
“Pwede
mo namang hawakan yan eh!” sabi ko sa kanya at binuksan nya ang glass cabinet
ko.
“Papa
Ken! Alam mo ang kulang na lang dito?” sabi ni Abby sa akin at napatingin ako
sa kanya.
“Ano?”
sabi ko.
“Kitchen!”
biro nya sa akin at natawa naman kami.
“Oh
tama na! Tara tulungan natin si Ken na mag aral!” pagputol ni Cheryl at nakita
kong niligpit ni Luke ang mga collection ko at pumunta kami sa terrace para mag
aral.
“Sabi
ni Sir Clarence na may special quiz ka sa kanya, at binigay nya sa akin yung
notes para mapag aralan mo daw!” sabi ni Cheryl at napatingin naman kaming
tatlo sa kanya.
“Teka?
Paano?... Ikaw at si Sir Clarence?...” sabi ko na nalilito sa sinabi ni Cheryl.
“Hay
nako papa Ken! Si Cheryl at si sir Clarence eh may something na talaga!”
pagbuking ni Abby sa akin at napatingin naman ako kay Cheryl.
“Is...
That... True?!!” sabi ko kay Cheryl at natawa lang ito sa amin.
“Basta!”
sabi lang nya at natawa kami sa kanyang reaksyon.
“Oh
eto naman sa Psych natin!” sabi ni Luke at binigay nya ang notes sa akin.
“Whoa!
Ang dami!” sabi ko sa kanila at natawa naman sila sa akin.
“Hindi
naman sa binibinat ka namin! Dahan dahan lang no!!” sabi ni Cheryl at sinara
ang ilang notes.
Narinig
kong may kumatok at binuksan ito ni Luke.
“Ate
Lea!” sabi ni Luke at nakita nyang dala nya ang isang tray ng pagkain ko, at
kasunod nya si ate Ghie na dala naman ang miryenda nila Cheryl.
“Oh
bawal mapagod si Ken!” biro ni ate Ghie sa akin at napangiti lang ako.
“Kailangan
kong humabol!” sabi ko sa kanila at ngumiti lang sila sa akin.
“Lakas
talaga ng fighting spirit mo Ken! Kahit galing ka sa sakit ayan nag aaral ka
na!” sabi ni ate Lea at binaba nya ang pagkain ko.
“Tawagin
mo na lang kami kung tapos na kayong kumain ah!” sabi ni ate Ghie at tumango
lang ako.
Lumabas
na sila ate Lea at ate Ghie at niligpit ko muna ang mga notes at tinulungan
naman ako nila Cheryl.
“Tara!
Sabayan nyo akong kumain!” sabi ko sa kanila at lumapit sila sa akin at dun na
nagmiryenda kasama ko.
“Parang
nasa school lang tayo!” sabi nila sa akin at ngumiti lang ako.
“Oo
nga pala ken, sa next, next Friday wala tayong class kasi may gaganaping
Acquaintance Party sa campus, sabi nila na 6pm ang pasok natin!” sabi ni Luke
at tumingin lang ako sa kanilang tatlo.
“Ay
nako! Hindi pa ako nakakabili ng damit!” sabi ni Cheryl.
“Ano
daw ba ang motif?” sabi naman ni Abby kay Luke na napatigil ako sa pagkain.
“Bakit
may motif pa?” sabi ko sa kanila.
“Nung
First semester kasi ang motif namin ay floral kasi nga maulan, kaya ang
karamihan ay naka pang summer outfit, ngayon ang sabi ay futuristic monster,
kasi nga malapit na ang holloween, and ang narinig ko sa administration ay may
contest daw, ang mananalo ay may opportunity na mabigyan ng ticket to Japan!”
paliwanag ni Luke.
“Whoa!
Cool! Paano mo naman nalaman yan Luke?” sabi ko sa kanya at napatigil sila sa pagkain.
“Si
Luke kasi ay anak ng dean pero sa ibang department!” sabi ni Cheryl.
“At
si Luke ay isang gurl!” sabi ni Abby at kinurot sya ni Luke.
“WHAT!”
sabi ko na nabigla sa sinabi ni Abby.
“Okay
aminan na!” sabi ni Cheryl.
“What
do you mean girl si Luke? Eh mas pogi pa sya sa akin ah!” sabi ko kay Abby.
“I’m
discreet bisexual Ken!” sabi ni Luke at literal na napanganga ako sa sinabi
niya.
“Yeah!
Kaibigan na namin sya since 6th grade!” sabi ni Cheryl.
“I
can’t believe it!” sabi ko at parang nailang si Luke sa akin.
“Sorry
ah!” sabi ni Luke at tumingin naman ako sa kanya.
“Bakit?
Para saan?” sabi ko sa kanya.
“Sa
pagtatago ko ng aking totoong kasarian!” sabi nito sa akin at ngumiti ako sa
kanya.
“Well
kaibigan ko naman kayo eh! okay lang yun and beside ako din may aaminin?!” sabi
ko sa kanila at nakita kong napatutok sila sa akin at hinihintay ang sasabihin
ko.
“Parehas
kami ni Luke!” sabi ko sa kanila at parang walang reaksyon ang mga mukha nila.
“Oh
bakit hindi kayo nagulat?!” sabi ko sa kanila at umalis ang mga tingin nila sa
akin.
“Akala
ko naman kung ano na!” sabi ni Cheryl at nagtaka ako sa sinasabi nya.
“Akala
ko naman tungkol sa dalawa!” dagdag ni Luke.
“Oo
nga! Alam na namin yan no!” sabi ni Abby na ikinabigla ko.
“Teka?
Paano nyo nalaman? Eh hindi ko pa naman sa inyo sinasabi?!” sabi ko sa kanila
at ngumiti sila sa akin.
“Kay
kuya Kino at Jiro! Sila nagsabi sa amin!” sabi ni Cheryl.
“Sa
una nga hindi kami makapaniwala kasi talagang hindi kita naaamoy! Kaya pinagmasdan
kita sa mga nagiging reaksyon mo sa magkapatid!” dagdag ni Luke sa akin.
“At
kahit naman maging ganyan ka eh okay ka pa din! Kasi kami lang ang nakaka alam
nyan! Walang makakalabas na secrets sa tropa natin!” sabi ni Abby at ngumiti
naman ako sa sinabi nila.
Naramdaman
ko ang pagpapahalaga nila bilang tropa ko at masaya ako sa ginagawa nila.
Natapos
ang araw namin at nagpaalam na sila at babalik na lang bukas para sa ibang
notes, at lumipas ang ilang araw ay nakapasok na ako.
Pagkagising
ko kinaumagahan ay nakita ko si Jiro na nasa loob ng kwarto ko at hinintay nya
akong magising.
“Good
morning kuya!” sabi nya sa akin at ngumiti ako.
“Tara
na hinihintay ka na namin kasabay kumain!” sabi nya sa akin at pumunta muna ako
sa CR para magsipilyo.
Pagakalabas
ko ay agad kaming bumaba ng sabay at pumunta sa dinning room, nakita kong
kumpleto kami at kumain na kami sabay sabay.
Nang
makatapos na ako ay agad akong umakyat para maligo at pumasok.
“Oh
wag magtatatakbo!” sabi ni mommy at naglakad ako paakyat.
Nang
makapasok na ako sa aking kwarto ay narinig ko ang aking phone na tumutunog,
kaya sinagot ko ito.
“Hello?”
sabi ko.
“Si
Ace ito!” sabi nya sa akin.
“Oh
bakit?” sabi ko lang sa kanya.
“What
time ka lalabas ng bahay nyo?” sabi nya at napakunot ang aking noo.
“What
do you mean?” sabi ko sa kanya.
“Anong
oras ka papasok I mean!” sabi nito at natawa naman ako.
“After
kong magbihis! Bakit?” sabi ko sa kanya at naramdaman kong binaba na nya ang
phone, nagtaka naman ako at pumasok na ako sa CR at naligo na.
Habang
naliligo ay hindi ko pa ding makalimutan ang panaginip ko sa ospital.
“Sino
kaya yun?” sabi ko sa aking sarili at nagmadali nang mag banlaw dahil sasabay
ako kila daddy.
Nang
matapos na ako ay agad kong kinuha ang uniform ko at sinuot na ito, hindi ko
muna inayos ang buhok ko dahil baka malate ako.
“Dad?!
Kuya?!” sabi ko pagkababa galing sa kwarto ko.
“Wala
na sila!” sabi ni lola at nakita kong nakangiti ito sa akin.
“Huh?!
Eh lola paano po ako? Iniwan nila ako?!” sabi ko kay lola at kinuha ang phone
para tumawag pero pinigilan ako ni lola.
“May
naghihintay kasi sayo kanina pa kaya hindi ka na sinabay ng daddy mo!” sabi ni
lola at tinuro ang nasa sala na naghihintay sa akin.
Nang
makita ko ay kaparehas ng aking uniform at tumayo ito.
Humarap
sya sa akin at nagulat naman ako.
“Good
Morning!” Sabi nya sa akin.
“A—RGEL?!”
sabi ko at ngumiti sya sa akin.
To be continue...
waaaaaaah!!kakilig heheh
ReplyDeletewala ako masabi...nauna pa si Argel kaysa kay Ace...wahahahah
well ang sipag ng dalawa ha...tlgang nagpapa.impress hahahah
gudluck sa dalawa and just like the cliche saying..."may the best men win" hahahaha
ang sweet aman ng mga frend nya, may family pang full support at wag kalimutan ang magkapatid na mukhang parehong inlove sa kanya. he he he
ReplyDeletekumpetensya agad??haha
ReplyDeletehay,,kakakilig naman..ang haba-haba naman ng hair ni papa ken!hihihihi..
-monty
Nyahaha...kakatuwa na man c daddy..anime fanatic din...mga adik! At nauna c argel kay ace..hahay..ganda tlga!
ReplyDelete-caranchou
si ace ang tumawag si argel ang sumundo nyahahaha...
ReplyDeletever nice naman ang mga kaibigan at family tanggap talaga sya...
tnx mr. author...
Paganda ng Paganda ang story ah!
ReplyDeleteWaaa. Next pls. :)
ReplyDeletekailan ang post ng next chapter??
ReplyDeletenamimiss ko na sila ken...hehe
parang may di nabangit sa story,
ReplyDeleteanong laman ng sulat ni ace?
anyway nice story hehe^^