I just wanna say Thank you to Kuya Arn for inviting me to post my story on his blog. I really appreciate it so much. And also credit to Kuya Zildjian for the utmost support on my story and to all who have read my stories, I'm really sorry, im bad with names.. hehehe.. anyways Thank you so much.. :)
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
(Me and Icon)
author: Marshy Nuique Cantila
Urrghhh.. For the third time, 5.0 na naman grade ko sa AC511, kakainis. Paano ko ba sasabihin kina mama at papa na bagsak na naman ako sa subject na ito? Bahala na. My mama and papa always have dream for me of becoming a CPA Lawyer someday but if you will look at my current academic status, achieving that profession is impossible.
Ang lalim ng aking iniisip. Parang sasabog na ang utak ko kung ano ba ang plano ko sa buhay. I really blamed myself on what happend to my grades pero wala na akong magagawa, nangyari na ang aking kinatatakutan. Ayaw kong itakwil ako ng aking parents dahil hindi ko maibigay sa kanila ang kanilang inaasam na pangarap sa akin. Buti na lang nasa hometown namin parents ko at matagal pa nilang malalaman problema ko.
Ring Ring
Hello ses, napatawag ka? , si Icon
Ses, bagsak na naman ako, ano gagawin ko nito, I don’t want mama and papa to know that I failed na naman. Paiyak kong sabi kay Icon
Hala ses,You should tell them the truth because they will know it naman, Hay naku! Iyan kasi napapala ng palaging nagpaparty, ako nga kahit 2 year course lang kinuha ko, pinilit ko talagang makatapos para may maipagmalaki ako sa mama ko. Si Icon
Hala ses, ano ba iyan? Huhuhuhu, ses, magkita tayo later ha sa Moon Cafe, sa Ayala.
Kahit depress ako sa aking grade, nagawa ko pa ring magpaganda. Dapat hindi ko ipakita sa mga tao na malungkot ako. Pinili kong suotin ang aking favorite black raffle mini-dress tinernuhan ng light creamy make up.
I really look good. Pagyayabang ko sa sarili ko. Make up is really my stress reliever and also eating.
Nakalabas na ako ng house at ready na ako to hail a cab when suddenly my crush passed by. Oh my gosh! He’s really cute. He stopped I guess mga 24 inches away from the position I’m standing at parang nag-aabang rin siya ng masasakyan. Hindi ako mapakali that time because naaamoy ko pabango niya and he really smells good. Hindi ko mapaliwanag ang feeling ko, parang naiihi ako na ewan. Napukaw na lang ang isipan ko ng may sasakyang huminto sa tapat ko. Nagdilim ang aking paningin. Nakita ko ang mukha ng hayop na nanloko sa akin, ang aking first boyfriend na si Herald.
Hey pretty, where do you wan’t to go? I can give you a ride. Si Herald
No thanks!, oh, there’s a cab na, Bye! I need to go.
Oh! Come on, please I... ,di ko na narinig sinabi ni Herald kasi I rushed in the cab na. Naiinis na talaga ako, nawala beauty ko teh. Kapag nakikita ko mukha ni Herald parang ewan, galit na galit ako sa kanya pero I’m still hoping na magkakabalikan kami dahil I still love him and I really hate it. That was 1st year 2nd semester sa college nang nagtransfer si Herald from Dumaguete to Cebu. Gosh, nakalimutan ko tuloy na nandun pala si crush, Hayop talaga ang Herald na iyon.
Oi ses, what’s wrong? Bakit lukot face mo? , si Icon
Wala lang to ses, let’s drink ses, order na tayo ng 1 tower of Red Horse.
I really can’t believe it, I’m not really a beer drinker but go on, I need to drink para mawala naman mga problema ko kahit sandali lang. Gosh! Puro foods na may cholesterol pa inorder namin, sira ang diet.
Mark? , sabi ng waiter na nagserve ng orders namin.
Gosh! How do you know me? And don’t call me Mark, I’m Marsh., pagsusungit ko.
Hehe, I’ll tell you later, Di kasi pwedeng magchismisan dito,out na rin ako 30 minutes from now
OK!, tipid kong sagot
Sino ba yun ses? Hot nun ah. Hehehe, si Icon
Malay ko ba sino iyon, Hindi ko siya kilala, hala lets eat and drink.
After ng date namin ng friend ko na si Icon ay napili kong magstandby muna outside sa Moon Cafe while puffing cigarrette at hinayaan nang umalis si Icon para makapasok sa work niya. I was enjoying my lonely time nang may tumabi sa aking lalaki. Yung waiter kanina at hindi na siya naka uniform pero in fairness gwapo siya.
Are you sure di mo ako kilala? We both live on the same place and bestfriend ko yung pinsan mo na si Daniel. , sabi ng gwapo na guy
Oh my! You are ____(panandaliang katahimikan) ahhmm, sorry I can’t remember. Sagot ko.
Ouch! Akala ko kilala mo ako kasi sikat ako sa atin dahil sa kagwapohan ko, pagyayabang niya.
Ah ganun? Ok, ikaw na ang sikat. ,sagot ko.
Nabigla na lang ako ng inagaw niya ang sigarilyo sa aking kamay at biglang tapon nito.
Ano bang problema mo? Isusumbong kita sa supervisor mo., galit kong sabi sabay tayo pero hinila niya ako at hinatak palayo sa Moon Cafe.
Hahahaha. Nakatawa siya hanggang narating namin ang Red Mango.
Gosh! Baliw ka ba? Bakit ka tumatawa? Isusumbong talaga kitang pakialamero ka.
Wala lang! Oi, wag mo naman akong isumbong, OJT lang ako dun, gusto mo bang bagsak ang gradong ibigay nila sa akin? Last day ko kanina para macomplete yung hour requirement ko. Sabi niya.
Dah! The hell I care. Bakit mo ako dinala dito? Mag-oorder ba tayo ng yogurt?
Eto naman! Ang taray mo. Hehe.. Diba marami ka nang nakain kanina? Gusto mo umorder ako? Wait lang ha, sabi niya ng nakasmile pa rin.
Nahiya ako kasi marami naman talaga akong nakain kanina tapos kung makakain ako parang wala nang bukas. Nakita kaya niya akong kumakain? Ang tanga ko, oo naman kasi siya nga nagserve ng order namin. Ano naman ang pakialam ko kung nakita niya ako?, sigaw ng isip ko.
Oh heto, Extra Large inorder ko para share na tayo Mark este Marsh pala. Biro niya
Ok! May kiwi ba iyan, mango at orange? May blueberries din ba?
Hala. Kiwi, mochi at mango lang, sige babalik ako at palalagyan ko ng orange at blueberries.
Huwag na, give me my spoon.
Hehe, ok heto na po senyorita.
Napasmile na lang ako kasi I just met him today pero parang kinilig ako bigla. Di ko pa rin alam name niya. Nakakainis. Ayaw ko namang magtanong. Nakakahiya. Hahaha.
After namin maubos ang yogurt parang sumakit na naman ang tiyan ko. Oh my gosh! Baka maturn off na naman itong si gwapo kapag sinabi kong natatae na ako. Hahaha. So what I did is I asked him to go home na.
Let’s go! Diba neighbors lang tayo sabi mo so sabay na tayong umuwi. Yaya ko sa kanya
Ay! Ang aga pa naman 10:30 pm pa oh! Punta muna tayo ng IT Park, pamimilit niya na ikinainis ko naman kasi masakit na talaga tiyan ko.
Pwede next time na lang? Please!!! Umuwi na tayo.
Ngayon na please!!!!!
Di ko na talaga kaya, kung ayaw mong umuwi sige diyan ka na lang, uuwi na ako, sabi ko sabay walk out.
Nakapara na ako ng cab ng nakita kong tumakbo palapit si gwapo at makikisakay na rin siya. Go na rin ako kasi I’m not feeling well na talaga. Pinauna ko na siya sa loob kasi gusto kong nasa right side ako nakaupo.
Bakit ka ba nagmamadali ha? Naghihintay ba boyfriend mo sa apartment mo?
Hindi ko siya sinagot.
Oi, ang tahimik naman natin.
Di ko pa rin siya kinakausap hanggang sa nakarating ako sa amin. Kukuha sana ako ng wallet ng bigla niya lang binayaran si Manong Driver so makapal naman talaga mukha ko, bumaba na ako pagkabayad niya. Di ko napansin na bumaba rin siya.
Di mo ba ako iimbitahan sa apartment mo?
Pwede next time na lang? I’m not feeling well. Sige bye, sabi ko sabay alis. Nilingon ko siya sandali at nakita kong malungkot ang mukha niya. Hahay. Ano bang problema ng lalaking ito? Gosh.
Success!!! Nakapagbawas rin ako. Yucks! Hahaha... Nagring ang phone ko at di ko kilala ang number na tumatawag.
Hello, sino to?, ako.
Sino yung kasama mo kanina? Yun ba ang bago mo? Sagutin mo ako!, galit na tanong ng sa kabilang linya.
Baliw ka ba? Bakit ka nakikialam sa buhay ko? Your out of my life already Herald so stop calling me and delete my number. Pagalit kong sabi sa kanya sabay baba ng phone.
Matagal ko nang gustong tantanan na ako ni Herald kasi di pa nga kami nagkabalikan ay parang sinasakal na niya ako sa presence niya. I hate him so much pero I love him. Ang hirap talagang maka move on basta first boyfriend mo. I had relationships after namin ni Herald but di ko pa rin siya maalis sa isip at puso ko.
Tok! Tok! Tok!
Pagbukas ko ng door, bumungad sa akin ang mukha ni Herald na galit na galit.
(Itutuloy)
No comments:
Post a Comment