Nagbabalik ang author na walang ginawa kungdi ubusin ang oras
kakahanap ng inspirasyon para magtuloy- tuloy ang storya ni Ken.
Nagpapasalamat po ako sa mga bumubuo ng MNB Facebook page at kay
Onichan Kenji dahil isa sya sa mga nagbigay sa akin ng inspirasyon para gawin
ang mga storya ko.
Salamat din po sa walang sawang nagbabasa ng aking story!
Especially kila:
Ginno, Angel Marco Menor Aka Marc of K.S.A., Monty, Marshy,
Franklin Aviola, Kiero 143,
Zenki of Kuwait, Mark 5337, Sinbad, Frostking, robert_medoza.
Anita baker, JD Javra, eunchi, diumar, curious19, Hiya! at sa mga Annonymous at
Silent Readers!
Kayo po ang aking dahilan para magkaroon ng inspirasyon! :)
Enjoy Reading Guys!
“I
smell something ha!” bulong ni Abby kay Luke na narinig ko at napatingin ako sa
kanilang dalawa.
Nakita
kong kinalabit sya ni Luke at nagtuloy silang maglaro ng cards sila ni Jiro.
“Thanks
Ace ah!” sabi ko sa kanya at tumabi ito sa gilid ko.
“Basta
magpagaling ka ha! Dadalhin ulit kita sa burol!” sabi nya at ngumiti lang ako
sa kanya.
Narinig
kong pumasok na sila Cheryl at Argel at napansin kong lumayo si Ace sa tabi ko.
“We’re
back! Ano yang nilalaro nyo? Sali kami oh!” sabi ni Cheryl at umupo sila at
naglaro sila ng cards.
Habang
naglalaro sila ay nakatingin lang ako sa cards ng kapatid ko, at pinapanood
silang maglaro.
“Panalo
nanaman!” sabi ni Jiro at narinig kong nag aangalan na sila.
“Pambihira
naman oh! Pangalawang talo na namin!” sabi ni Luke at natawa kami sa sinabi
nya.
“Magaling
sa cards ang bunso mong kapatid ah!” sabi naman ni Abby at nakita kong namula
si Jiro sa sinabi ni Abby.
“Ano
ba yang nilalaro nyo?” sabi ko at parang naninibago lang sa laro nila.
“Rotation
ang tawag dito!” sabi ni Cheryl habang inaayos nya ang cards.
“Paano
laruin yan?” sabi ko sa kanila at tumingin naman si Jiro sa akin.
“Kuya
ganito lang yan, yung Jack, King and Queen is equivalent to 10 tapos yung
number from 2 to 7 ay real numbers, tapos yung 8 means reverse order in short
from clockwise to counter-clockwise, tapos yung ace ng bawat cards ay
equivalent to top cards na ibig sabihin ay 99 tapos yung number 9 na card ay
equivalent to negative 9, ganun lang ang laro nyan!” paliwanag ni Jiro at agad
akong tumabi sa kanya at naglaro kami.
Masaya
ang naging laro namin, pero napansin kong si Cheryl ay hindi makapag focus kaya
kinalabit ko ito.
“May
problema ka ba Cheryl?” sabi ko sa kanya at umiling lang sya sa akin.
“Ken,
it’s your turn!” sabi ni Ace na katabi ko.
“Oh
Plus 10 ako! Ikaw na bunso!” sabi ko at nilapag ko ang king of spade.
“Reverse
card ang nakuha ko! So ikaw ulit kuya!” sabi nya at napakamot naman ako ng ulo.
“Oh
heto plus 10 ulit!” nilapag ko ang queen of hearts sa table at si Ace na ang
magbababa.
“Negative
9!” sabi niya at nakita ko si Argel na seryoso sa pagtingin sa kanyang cards.
“Huy
Argel!” sabi ni Abby at nagulat sya.
“Eto
na! 99!” sabi nya at tumawa sya ng malakas.
“Ano
ba yan! Wala akong maibabagsak! Kainis ka Argel!” sabi ni Cheryl at hinampas
nya ang balikat nito.
Tumawa
ako sa kanila at nakita kong nagngitian sila.
Habang
naglalaro kami ay narinig kong nagsara ang pinto at nakita ko sila lola, mommy
at daddy na may dalang pagkain.
“Aba!
Ang daming bisita ng anak ko ah!” sabi ni daddy at ngumiti lang ako sa kanya.
“Good
morning po!” sabi nila at ngumiti sila mommy at daddy sa kanila.
“Kamusta
naman ang nurse ng kanyang kapatid?” sabi ni mommy kay Jiro at niyakap nya ito
sa likod.
“Okay
naman po ako! Yung pasyente natin okay naman din!” sabi nya at tumawa ako sa
sinabi nya.
“Mabait
naman ako eh! Kaya hindi ako lalagyan ng gamot!” biro ko kay Jiro at nagtawanan
kami.
“Oh
mga bata! May pagkain dito magsikain muna kayo ng miryenda!” sabi ni mommy at
tinulungan sya ni lola Lisa na ilabas sa paper bag ang dala nilang pagkain.
Nilapag
muna ang mga cards at nagsikain na kami, naamoy ko ang bagong lutong pancit na
halatang luto ni lola Lisa.
“Ang
sarap naman po ng pancit!” sabi ni Cheryl.
“Salamat
hija! At nagustuhan nyo!” sabi ni
lola Lisa at ngumiti sya sa mga bisita ko.
“Thanks
lola!” sabi ko at hinalikan nya ako sa noo.
“You’re
welcome apo!” sabi nya sa akin at umupo muna sila sa may sofa.
Naubos
namin ang mga pagkain na dala nila sa amin at nagpahinga sila at dumating ang
nurse para I check ang aking status.
“Sir
you need to take medicine!” sabi nya at ngumiti ito sa akin.
Inabot
nya sa akin ang medicine at agad kong ininom ito, at nagpahinga na ako, nakita
ng mga kaibigan ko na nakahiga ako at lumabas muna sila.
“Anak,
uuwi muna kami ah!” sabi nila mommy sa akin at nagpaalam muna ako kila mommy at
kasama si Jiro.
Habang
nagpapahinga ako ay biglang nakarinig ako ng pagbukas ng pinto.
“Wala
si Jiro?” sabi ni Argel sa akin.
“Sumabay
umuwi eh, maaga pa lang kasi andito na sya” sabi ko sa kanya at lumapit ito sa
akin.
“Ahh
ganun ba?” sabi nya at nagtaka naman ako.
“Oh
akala ko lalabas kayo?” sabi ko sa kanya.
“Eh
ayoko! Gusto kong bantayan ka eh!” sabi nya sa akin at naalala ko ang sinabi ni
Aaron sa akin.
Pinikit
ko ang aking mga mata at nagpahinga ako, tumahimik ang lugar kahit nararamdaman
kong nakaupo si Argel sa tabi ko.
“Ken,
I will promise to you na walang mang aaway sayo! Ako ang magiging protector mo
sa lahat ng bagay!” sabi ni Argel at pinakinggan ko lang ito.
Nang
magising ako ay nakita kong nakatungo si Argel at wala pa din sila Cheryl, kaya
ginising ko ito.
“Argel!”
sabi ko at tinapik ang kanyang pisngi.
Hindi
sya nagising at biglang gumalaw ang kanyang braso at nakita ko ang kanyang
itsura.
Ang
kanyang maamong mukha ay nakakabighani, hindi ko mapigilang tignan sya, at
hinipo ko ang kanyang mukha dahan dahan, ang kanyang ilong, at ang labi nyang
malambot, at biglang nagsalita sya.
“Anong
tinitingin-tingin mo dyan?!” sabi ni Argel at minulat nya ang kanyang mga
matang nangungusap.
“Ah...Eh!
Kasi...” sabi ko at hindi ko na alam ang sasabihin ko sa kanya.
“Kasi
ano?” sabi nya at nilapit nya ang kanyang mga mukha sa aking mukha.
At
nakaisip ako ng palusot sa kanya.
“Nagugutom
na kasi ako! Hindi ako makatayo kasi nakaharang ka!” sabi ko sa kanya na
naiinis.
“Oh!
Chill lang! dapat kasi ginising mo ako, para ako na ang magpakain sayo!” sabi
nito at namula naman ang aking mukha.
“Wag
na nga lang!” sabi ko sa kanya at humiga muli ako, nakita kong dumikit sya sa
akin at tinungo ang kanyang ulo sa aking braso.
“Ken?”
sabi nito sa akin.
“Bakit?”
sabi ko lang.
“Nagmahal
ka na ba?” sabi nito sa akin at napaupo naman ako.
“Bakit
mo natanong yan?” sabi ko sa kanya at tumingin lang sya sa akin ng blangko ang
ekspresyon.
“Wala
lang! Gusto ko lang malaman eh!” sabi nya sa akin at umiwas naman ako ng tingin
sa kanya.
“Bakit
gusto mong malaman?” sabi ko sa kanya at nakita ko syang interesado sa bawat
tingin na ginagawa nya.
“Gusto
ko lang malaman!” Sabi nito sa akin at napabugtong hininga ako.
“Okay!
Dahil makulit ka oh sige! Sasabihin ko sayo!” sabi ko na lang at napatingin
naman ako sa malayo at naalala ang lahat.
“I
had my first girlfriend, nung pumasok ako sa manila as a college student,
actually magkasabay lang kami sa pag enroll nun, she with her friends and ako
naman with nothing...” sabi ko at napayuko naman ako.
“She
was the most beautiful girl I ever knew sa campus namin, after month passed by
nakilala ko ang mga kaibigan ko, and one day nagkakilala kami ng formal!” sabi
ko sa kanya at napangiti ako sa aking iniisip.
“Tapos?”
sabi ni Argel na parang naghihintay ng kasunod sa aking kinukwento.
“After
that, naging close kami... Then my friend tease me when she was around and a
blush will answer to their tease, moments past at naging strong ang bonding
namin, then when I was on her lap in the field after ng class namin ay tinanong
ko na sya kung okay lang na manligaw sa kanya, and...” sabi ko at napatingin sa
aking kamay.
“Oh?
Tapos ano?” sabi ni Argel sa akin at napatingin naman ako sa kanya.
“Then
she said yes! Kaya formal akong nanligaw sa kanya, pumupunta ako sa bahay nila
para dalawin sya, gumagala kahit kasama ang kapatid nya, nagpapaalam na mag
de-date kami, and I thought everything was going to a smooth ride, pero
nagkamali ako... One day nung inter department competition namin ay nakita ko
sya na may kasamang lalake!” sabi ko at biglang tumulo ang mga luha ko.
“Oh
bakit ka naiyak?” sabi nya sa akin at naghanap ng tissue.
Binigay
nya sa akin ang tissue at pinunasan ko ang aking luha.
“Kasi
I thought na kaibigan nya yun, but she tricked me! Captain ng basketball team
ang totoong boyfriend nya! But sinabi nila Troy sa akin na “it’s only a girl! There’s a lot of fish in
the sea to catch!” kaya simula noon ay kinausap ko sya at tinapos na ang
relationship namin...” sabi ko kay Argel at pumatak ulit ang mga luha ko.
“Oh
tahan na!” sabi ni Argel sa akin at hinihimas nya ang aking likod.
“Masakit
pa din kasi eh! Kaya nga sinabi ko sa aking sarili na kapag may makikita or
makakaharap ako ng captain ng basketball team ay naaalala ko nanaman ang mga
nangyari...” sabi ko kay Argel at lumapit ito sa akin.
“Kaya
pala galit ka sa mga katulad kong basketball player? Kasi dahil sa past mo?”
sabi ni Argel at tumango lang ako sa kanya dahil hindi na ako makapagsalita
kakaiyak.
“If
I say na mali ka sa sinasabi mo? Anong gagawin mo?” sabi nya at napatigil naman
ako sa pag iyak at tumingin sa kanya.
“What?!”
sabi ko lang at biglang ngumiti si Argel sa akin.
“You
know Ken, kung ako tatanungin mo, hindi naman lahat ng tao ay katulad ng past
mo, but sa sinabi mo kanina, napag isip-isip din ako na kung babaguhin ko ang
pananaw mo sa sinasabi mo, malalaman mong masayang magmahal ulit!” sabi nito at
nagulat naman ako sa sinabi nya.
“Teka!
I don’t say magmahal! I only said na hindi pa din ako makarecover from what she
do to me!” sabi ko sa kanya at napatingin naman ito sa akin.
“Ah...
Sorry! Yun kasi ang perception ko sa sinabi mo eh! I’m only just a human that
always do mistakes and learn to what they’ve experience to their past...” sabi
ni Argel at ngumiti lang ako sa kanya.
“Okay
lang! I understand what you are saying!” sabi ko na lang at bumalik na ulit ako
sa pagkakahiga.
Pinikit
ko ang aking mata para makapagpahinga ulit at naramdaman kong si Argel ay
humawak sa kamay ko at tumungo sya.
Ngumiti
lang ako at tuluyan nang makatulog, at nang magising ako ay naririnig ko ang
ingay nanaman ng kwarto at naramdaman ko pa din na nakahawak pa din ng kamay si
Argel at nakatungo pa din sa aking braso.
“Oh
gising ka na pala!” sabi ni Cheryl at lumapit sila Ace, Abby at Luke at
binigyan ko sila ng matamis na ngiti.
“Bakit
andito si Argel?” sabi ni Ace na nakitang nakahawak sya sa kamay ko, at
tinanggal nya ito sa pagkakahawak.
“Binantayan
ako?! Umalis kasi sila mommy eh, umuwi muna tapos dumating sya after na umalis
sila mommy” pagdedepensa ko at nakita kong seryoso ang itsura ni Ace.
“Bakit
hindi mo man lang ako sinabihan?” sabi ni Ace na medyo naiinis at nabigla naman
ako sa sinabi nya.
“Hey!
Tama na yan! Ang mabuti pa ay kumain na tayo ng chocolate roll na binili mo!”
sabi ni Cheryl kay Ace at nilapag ang bitbit nilang chocolate roll cake sa
lamesa.
Agad
nang tumayo si Argel at ako ay bumangon na din pero hindi na ako pinatayo nila
at tinaas na lang ang kama ko para may masandalan ako.
“Oh!”
sabi ni Ace nang binigyan nya ako, napatingin ako sa kanya at ngumiti lang.
“Ace
galit ka pa din ba?” sabi ni Argel habang nakain kami.
“Sa
tingin mo Argel?” sabi nya at tumingin ako sa kanilang dalawa.
“Oh
bakit maiinit ang ulo?” sabi ni Luke at nagkalas ang mga tingin nila ako naman
ay pinagmamasdan sila dahil naninibago ako sa kanila simula nang mag collapse
ako sa court.
“Teka!
Hindi ito basketball ah! Wala tayo sa court! Itigil nyo na nga ang mga ganyan!”
sabi ni Abby at napatingin sila.
Hindi
na sila nagkibuan at nagpatuloy kami sa pagkain, nang maubos namin yun ay
napansin kong hindi pa din nagkikibuan sila kaya gumawa ako ng paraan.
“Luke,
Abby, Cheryl pwede ko bang kausapin itong dalawa?” sabi ko sa mga kaibigan ko
at nagpuntahan sila sa sofa na medyo malayo naman sa hinihigaan ko.
Pinalapit
ko ang magkapatid at tumabi sa akin sila.
“Anong
problema ba?” sabi ko at nagtinginan sila sa isa’t isa.
“Paano
kasi—“ sabi ni Ace at hindi na nya naituloy dahil nahihiya syang sabihin ito.
“Alam
mo Ace wag kang magagalit sa kapatid mo, dahil concern lang sya, alam kong
nangako ako sayo pero hindi sa lahat ng bagay ay kailangan kasama kita,
nagpapasalamat nga ako sa inyo dahil nawawala na dahan dahan ang nararamdaman
kong sakit, tapos ngayon yung nakita mong kasama ko si Argel at napahawak lang
sya sa kamay ko ay bigla kang nagkakaganyan...” paliwanag ko sa kanya at
napatungo naman ito.
“Sorry
na Ken, pinangako ko kila tito Gino na hindi ka namin bibigyan ng stress, pero
eto ngayon, nagbigay kami ng stress sayo!” sabi ni Ace at inakbayan sya ni
Argel.
“Bro,
sorry din ah! Gusto ko lang talagang maging ka-close ang kaibigan mo din eh,
promise di ko na ulit gagawin yun!” sabi ni Argel at tumingin kami parehas sa
kanya.
“Sorry
din bro, kung nagselos ako!” sabi ni Ace at inakbayan nya si Argel.
Nakita
kong ayos na silang dalawa kaya ngumiti ako sa kanila at yumakap sila sa akin.
“Salamat
ah!” sabi nila at tumango lang ako sa kanila.
“Asus!
Si Ken lang pala ang magpapabati sa inyong dalawa!” singit ni Cheryl at biglang
nagkalasan sila sa akin.
“Parang
mga bata nga eh!” biro ko kay Cheryl at tumabi sya ng upo sa akin.
“Friend,
promise us na magpapagaling ka ah!” sabi nya sa akin at hinawakan nya ang aking
kamay.
“Oo
naman Cheryl! Ako pa!” sabi ko at ngumiti lang ito sa akin.
Tumingin
sila sa orasan at nakita nilang alas-3 na ng hapon kaya nagpaalam na silang
tatlo at may pupuntahan pa sila.
Naiwan
ako at ang magkapatid.
“Kayo
anong oras pa kayo uuwi?” sabi ko sa kanila habang nagliligpit sila ng kinainan
namin.
“Later,
kapag andito na sila tita Paula at tito Gino!” sabi ni Ace at napangiti naman
ako sa sinabi nya.
“Baka
kasi matakot ka kapag wala ka nang kasama dito!” biro ni Argel at natawa naman
ako.
“Loko!
Hindi ako matatakutin!” sabi ko sa kanila at nagtawanan kami.
“Anong
gagawin natin para malibang tayo?” sabi ko sa kanila at tumahimik ang buong
lugar dahil nag iisip sila ng gagawin.
“Alam
ko na!” sabi ni Ace at binuksan nya ang TV at nanood na lang kami ng comedy
movie.
“Teka!
Kailangan dito dapat may pagkain!” sabi ni Argel at bumaba muna sya para bumili
sa may cafeteria.
“Gusto
mo bang umupo?” sabi ni Ace at tumango lang ako, kaya tinulungan nya akong
umupo.
Nang
makaupo ako ay napatingin nanaman ako sa kanyang mga mukha at biglang naalala
ko nanaman ang nangyari sa amin sa sasakyan.
“Is
there anything on my face?” sabi ni Ace at umiling lang ako.
“Ace,
pwede bang dun ako sa sofa para malapit ako sa TV?” sabi ko sa kanya at
tumingin muna ito sa sofa.
Napansin
nyang malapit ang sofa sa TV kaya nilayo nya ito ng konti at tinulungan na nya
akong tumayo, nang makatayo ay naramdaman kong hindi ko pa kayang maglakad
dahil na din sa gamot na iniinom ko, at nanghihina pa ako, pero pinilit ko pa
din na maglakad.
“Grabe
ang bigat mo talaga!” biro sa akin ni Ace habang nakasakbit ang aking kamay sa
kanyang balikat.
“Parang
nasa bahay nyo lang ako, diba?” sabi ko sa kanya at nagulat sya sa kanyang
narinig.
Tumingin
lang sya sa akin at nakita kong namumula ang kanyang pisngi at kinurot ko ito.
“Aray
naman!” sabi nya sa akin at pinisil ang aking ilong.
“Aray!
Wag sa ilong naman!” sabi ko at medyo naiinis ako sa kanya.
Pinaupo
na nya ako sa sofa at binigay ang remote, narinig kong pumasok na si Argel at
napansin nyang nasa sofa na ako.
“Oh?!
Pwede ka na bang maglalalakad?” sabi nya sa akin at tumango naman ako sa kanya.
“Tara!
Movie marathon na tayo!” sabi ko sa kanila at nanood kami ng movie.
Puro
comedy movie ang napapanood namin at minsan naman ay horror at nakita kong
nakatutok sila sa panonood, ako naman ay sumandal at nanood pero hindi ko
kayang manood ng matagal dahil na din hindi pa naman ako nakakarecover at medyo
mahina pa ang aking resistensya kaya hindi ko namalayan na nakatulog ako habang
nanonood kami.
Pagkagising
ko ay napansin ko si Argel at wala si Ace kaya napansin nya ako at ngumiti lang
ito sa akin.
“Si
Ace?” sabi ko kay Argel.
“May
pinuntahan lang, babalik yun mamaya!” sabi nya sa akin at tumingin naman ako sa
pinapanood ni Argel.
“Pwede
mo ba akong ipunta sa higaan?” sabi ko sa kanya at tumayo ito at tinulugan nya
akong tumayo.
“Tara!
Dahan dahan lang ah!” sabi nya sa akin at inakbayan ko sya at naglalakad kami
papunta sa higaan ko.
Hindi
ko maiwasang ma out of balance at naramdaman ni Argel yun, bumagsak ako at
sinalo nya ako ng buong lakas, nakita kong niyakap nya ako at binuhat na lang.
“Okay
ka na ba?” sabi nya sa akin habang buhat pa nya ako.
Tumango
lang ako sa kanya dahil nanghina ako sa mga oras na yun, hiniga na nya ako at
inayos ang dextrose sa akin.
“Ken,
oh! Kumain ka na muna ng prutas!” sabi ni Argel at kinuha ko, pero hindi nya
binigay yun at siya na ang nagpakain sa akin.
Hindi
na ako makatanggi kaya sinunod ko na lang ang sinasabi nya, nang makatulog na
ako ay naramdaman kong hinaplos nya ang aking buhok at hinalikan nya ako sa
noo.
“Sana
gumaling ka na, namimiss na kitang kasama sa breaktime.” Sabi nya sa akin
habang hinahaplos nya ang aking buhok.
Narinig
kong bumukas ang pinto at narinig ko ang mga boses nila mommy na dumating.
“Oh
Argel!” sabi ni mommy at minulat ko ang aking mata.
“tita
Paula kamusta po? Lumabas lang po si Ace eh!” sabi nya at tumayo sya para kunin
ang dala ni mommy.
“Ken,
nagising ka ba namin?” sabi ni kuya Kino nang napansin nya akong minulat ko ang
aking mata.
Umiling
lang ako at binigyan sila ng isang ngiti at nakita ko si Argel na napatigil sa
kanyang ginagawa.
“kuya
Ken!” sabi sa akin ni Jiro at binigyan naman ako ng isang mahigpit na yakap.
“Anak!
Baka naman hindi na makahinga si kuya nyan!” sabi nila mommy at kumalas si Jiro
sa pagkakayakap sa akin at tumawa sila.
“Sorry
po! Miss ko lang si kuya eh!” sabi ni Jiro at napansin nila mommy na wala akong
lakas, kaya lumapit ito sa akin.
“Anak,
anong nararamdaman mo?” sabi nya at tumingin lang ako sa kanya.
“Paano
po kasi tita, nabigla po yata kanina!” sabi ni Argel at tumingin lang si mommy
sa akin.
“Totoo
ba yun?” sabi nya at tumango lang ako.
“Hay!
Salamat sa inyong dalawa ah! At hindi nyo iniwan ang anak namin!” sabi ni mommy
at nilapitan nya si Argel at binigyan ng isang mahigpit na yakap.
“No
problem po tita! Para po sa kalagayan ni Ken lagi kaming aalalay sa kanya!”
sabi ni Argel at kumindat sya sa akin.
“Si
Ace nga pala?” sabi ni daddy at nakita kong nilabas ni Argel ang kanyang phone
para ma-contact si Ace.
“On
the way na po siya!” sabi ni Argel at lumapit sya sa akin.
“Paano
ba yan! Pauwi na kami! Magpagaling ka na lang ah!” sabi ni Argel at tumango
lang ako sa kanya at nagpasalamat sa ginawa niya.
Bigla
namang pumasok si Ace at kinamusta nila mommy at daddy siya.
“Oh
bakit ngayon ka lang?” sabi ni kuya sa kanya.
“May
binili lang po kasi ako eh!” sabi nya at napakamot sya ng ulo.
“Ace,
nagpaalam na ako kay Ken, hindi ka ba sasabay sa akin pauwi?” sabi ni Argel at
ngumiti lang ito sa kanya.
Lumapit
sa akin si Ace at binigyan nya ako ng card at binulungan nya ako.
“Basahin
mo na lang yan kapag mag-isa ka na lang!” sabi ni Ace at ngumiti lang ako sa
kanya, nilagay ko ang card na binigay nya sa gilid ng table para basahin ko
mamaya at nagpaalam na silang dalawa.
Habang
naghahanda sila ng kakainin namin ay napansin kong may pinag uusapan sila.
“Mom,
Dad, Kuya, Bunso...” sabi ko sa kanila at lumapit naman sila sa akin.
“Oh
bakit?” sabi ni kuya at tumabi naman si Jiro sa akin.
“Anong
pinag uusapan nyo?” sabi ko sa kanila at nabigla naman sila.
“Sabi
ko sayo! Wag kang magpahalata!” sabi ni mommy kay daddy at hinampas nya si
daddy sa balikat.
“Eh
akala ko kasi na hindi naman nya nakikita!” sabi ni daddy at ngumiti lang ito.
“Wala
yun! Kasi may napapansin lang kami sa mga bago mong kaibigan eh!” sabi ni mommy
at nagtaka naman ako sa sinabi ni mommy.
“Ano
kaya yun?!” sabi ko sa aking sarili at hindi na lang ako umimik.
To be continue...
Next Episode Teaser:
Ano kaya ang sasabihin ng kanyang daddy at bakit sila lang dalawa ang dapat mag usap?
Dahil ba kila Argel at Ace? o Meron pang iba?
Abangan ang Susunod na Episode
1st ata ako ngayon ^_^...
ReplyDeletebasa mode muna....
i smell something na nga hehehehehe...
ReplyDeletemr. author pwede bang irequest yung picture ng magkakapatid na paki post every chapter hehehehe...
tnx po mr. author...
I smell something na nga ^_^...
ReplyDeletemr. author pwede bang mag request na paki post yung picture ng magkakapatid every chapter hehehehe...kung pwede lang naman ang cute ka nilang tignan...
tnx po mr. author....
haha..me rivalry na nga sina ace at argel,,obvious na sa family ni ken eh.hihihi...hay,,mga bata nga naman oh.^^
ReplyDeleteoo nga nmn mr author,,wla pang pix cna ace at argel db??hehe..
-monty
ayyiee..kakilig naman hehe..alam na ata ng mga magulang ni ken wahahah...nahahalata ata nila...wew
ReplyDeletenext chapter na hehehe
I think nahalata na ng parents nia na may gusto yung dalawa sa kanya. :)
ReplyDeleteBitin na naman ako. Hehe. Sana mabilis lng ang update. ^^
~frostking
Picture picture para mas madali maimagine!!!
ReplyDeleteAstigen! Hahaha...parang kuroko no basuke...hahay..ang ganda pre!
ReplyDelete-caranchou
It's a nice story.. Detalyado.. May konti lang akong issue sa english part ng story. Alam mo ung feeling na nag-eemote na ang bida tas biglang mapapansin mong wrong grammar? Nakakawala ng momentum para sa mga readers, lalo na sa akin, na sensitive sa grammar. Pero all in all, magaling.
ReplyDelete-nathanielgarcia
sweet..
ReplyDeletethnks author..
sweet ng mgkptid..
ReplyDeletesa sbrng pgksweet nhlata n ng mga mgulang ni
ken..
thnks author..
Much kilig...
ReplyDelete