If you have a minute,
why don't we go?
Talk about it,
Somewhere only we know
This could be the end of everything
So why don't we go,
Somewhere only we know...
Part One
I'm Brian Anthony Lacuna Nicholls, 27 years of age. Isa akong Values Teacher sa isang public High School dito sa Cebu. I am married to Edward Harold Ravena Kiefer. May dalawa na aming anak, sina Daniel Rana Nicholls Kiefer,10, at Michael Frederick Nicholls Kiefer, 6 years old. Paano ba kami nagkaanak kung wala naman akong matres? Haha! Well, you will know it here in my story.
Forgive and foret. My gosh! Isa 'to sa mga bagay na sobrang hirap gawin, lalo na para sa akin. Isa kasi 'to sa mga paraan para sa mga taong nasaktan. Sa mga niloko at pinaasa. O kaya, biktima lang ng maling tao. Isang desisyon na sobrang hirap gawin to the highest level, lalo na ang tanggapin. Let me take you back to the past, back when I'm still a Freshman student sa isang University dito.
Nag-aaral ako sa isa sa mga pinaka-sikat na kolehiyo dito sa Cebu. Pribado ito kaya halos lahat ng nag-aaral dito ay mayayaman, 'yung iba naman, iskolar ng bayan. I'm taking up Education, Major in Values Education. Hindi naman sa nagmamayabang, pero mayaman talaga ako. Half-Pinoy, Half-American. Tatay ko ang hilaw. Siya ay isang eksperto pagdating sa kalawakan. Stars, planets, nebulae, galaxies, name it. Alam niya 'yan. Ang nanay ko naman ay isang Author at Journalist. She loves to write stories. Actually, madami na siyang nai-publish na novels na siya din mismo ang nag-sulat. Mostly, about Romance 'to. "yung iba naman, about Responsible Parenting. Siya din ang Editor-in-Chief ng isang kilalang Newspaper Publisher Company dito sa lugar namin.
About my self? Uhm, let me describe. Maputi ako. 5'9 ang height. Teenager na ako pero halos wala paring tumutubong kung anu-anong hair sa katawan ko (except sa buhok sa ulo siyempre :D) 'Yan ang mga namana ko sa tatay ko. Ang best asset ko naman eh 'yung mga mata ko. Mapungay daw kasi eh, mahaba ang pilik mata. at Hazel pa ang kulay. I also have a red and thin lips. Matangos din ang ilong ko. 'Yan naman ang contribution ng nanay ko.
Matalino din ako at charitable. Sa school, ako lagi ang Valedictorian. May Institution din kami na laging tumutulong sa mga tao, lalo na sa mga nangangailangan. This thing runs in our blood. Bunso ako sa tatlong magkakapatid. Si Ate Sarah Jean Lacuna Nicholls ang panganay at si Kuya Francis Walter Lacuna Nicholls naman ang sumunod. Open kaming pamilya sa isa't-isa. Alam din nila. ang tunay 'kong pagkatao. 'Yun ang pagiging Bisexual ko.
First day of school.
As I have said, Freshman student palang ako. Si Kuya Francis naman ay second year college at si Ate Sarah ay Junior. Nasa iisang school lang kami. You may think na parang ang KJ nung mga kapatid ko, pero hindi. We decided to go in a same school to keep our bond together. Varsity player si Kuya sa Basketball Team dito at si Ate naman ay ksali sa Pep Squad nito.
Halos magkamukha lang kami ng Kuya ko. "Head-Turner" kumbaga. Tinitilian talaga siya sa school. Babae, bakla. Nako. Nagkakagulo talaga dahil sa kanya. Eh pano ba naman kasi, single parin si Kuya hanggang ngayon. Virgin na virgin pagdating sa lovelife. NGSB. Hindi naman siya ka-Fed-Ex (ka-federasyon). Naniniwala ksai siya na true love will come in the right situation.
Si Ate naman, nako. Sooooooooooooooooooooooooooooooooooooobrang ganda! Sexy, matalino, mabait pa! As in total package! Ms. Friendly pa ga eh. Kung pwede lang siguro siya sumali sa Ms. World, Ms, Earth at Ms. Universe, baka siya na nag-uwi lahat ng award. Oo, eksaherada. Eh ganun naman kasi talaga siya kaganda. Nagka-boyfriend na siya, pero niloko at pinerahan lang siya. Sa ganda niyan 'yun, siya pa niloko?! Gosh!
"Kuya Francis, pera ko?" sabi ko kay Kuya habang nasa Cafeteria kami ng school. Binigyan niya naman ako ng 200 pesos.
"Oy Walter, akin na din yung pera ko.." sabat naman ni Ate nung nakita niyang binigyan ako ng pera ni Kuya.
"Ha?! Wala naman Ate eh!" dipensa naman ng Kuya ko.
"Tigilan mo ko Francisco ha.. Nakita ko kanina, inabot sayo ni Mommy..."
""To namang si Ate, 'di na mabiro! Oh eto na.." sabay abot ng pera.
"Good boy..." sabay gulo ng buhok niya.
"Magkukulitan nalang po ba kayo 'jan or papasok na tayo?" sabat ko naman. Para kasing di sila titgil sa pagaasaran eh!
"Papasok na po..." sabay nilang sabi habang nagpapa-cute.
We parted ways. Galing talaga kapag kasama mo ang mga kapatid mo. For sure, may poprotekta sayo. Pero kahit na ganun, worried parin ako. Wala kasi dito yung mga kaibigan ko. Siguradong mahihirapan akong makahanap ng mga bago at tunay na kaibigan. Kung pwede lang kasi silang ilibre ng tuition fee dito eh, ginawa ko na.
Nag-simula na ang klase. Sakto lang ang dami namin. As usual, getting to know each other.
"Okay good morning everyone! I'm Mr. Ronald Gutierrez. I'll be your teacher in Values Education. Pero 'wag kayong mag-alala, wala pa tayong lesson for this day." sabi ni Sir.
"Since Freshmen kayong lahat, alam kong hindi pa kayo magkakakilala, although may mga buddy-buddy na dito, gusto kong makipagsocialize parin kayo sa iba. I'll cal you one by one, then go in front, introduce yourself..." dugtong pa niya. Kumabog naman dibdib ko.
Gosh! Expected ko na 'to pero, bakit ganito?!
"Hmmmm... I think I found one... Let's start with Mr. Buenaventura." sabi nito sabay tago ulit ng class cards namin.
Tumayo naman agad ang isang lalaki. Pumunta sa harapan at nagsalita. Napa nganga naman ako.
"Hello everyone. Ako po pala si Carl Matthew S. Buenaventura. I'm 17. I love to sing and play basketball..." sabi ni Matthew.
Grabe! Ang gwapo niya! Sobrang puti. Naka-brace pa na blue. Matangos ang ilong. Medyo bluish yung mata niya. Sobrangred ng lips niya. Halos magkasing-tangkad lang kami. Hayyy...
Siguro, may lahi 'to?
"May I ask you Mr. Buenaventura... may lahi ka ba? I mean, half-half or something?" tumpak! Buti naman nabasa niya utak ko!
"Meron po sir... Halh-Pinoy, 25% Isrish, 25% Danes..." sagot naman nito agad.
"Kuya ano pu yung Danes? Saang bansa po 'yun?" tanong nung isang babae.
"Ah... 'yun po yung tawag sa mga nakatira sa Denmark."
"Ahhhhhhhh... Okaaaaaaaaaayy..." sabay-sabay na sagot namin.
"Okay Mr. Buenaventura, you may take your seat..." sabi ni Sir Gutierrez.
Nagsunod-sunod na nga. Madami ding gwapo. Pero kay Matthew lang talaga ako nakatingin. Nakatulala lang talaga ako sa kanya. Nasa second row siya, sa may right wing. Ako naman, nasa likod niya lang mismo. Perfect! Perfect view! Naririnig ko silang nagsasalita, pero wala akong naiintindihan ni isa sa kanila.
Tumingin, Tumingin. MAYGAWD! Lumingon siya!!!
Patay ka! Huli ka balbon! sabi ng utak ko. Oo. Nagsasalita siya.
Nginitian niya ako. It was a very beautiful smile. Tae. Ang gwapooooooooo! Wait. Dapat di ka niya mahalata! At para hindi niya nga mahalata, nginitian ko nalang din siya.
HAHAHA! Uyyyyyyyyyy! Nagba-blush!
"Ikaw na..." sabi niya sa akin.
To be continued :)
---------------------------------------------------------------
Hello po! Hope you liked it! :D Search niyo nalang po ako sa FB, PM niyo po ako para sure. Hindi po kasi ako nagaaccpet agad-agad eh.. Thank you po! Abangan niyo nalang yung part 2 next week. Medyo busy din po kasi ang sched eh. Thank you po ulit! :***
bitin hahaha
ReplyDeleteNice,,...ibang atake ang ginawa mo,a flashback story,hope you continued your story. Good luck :)
ReplyDelete@Anon: yun nga din po napansin ko eh :) Next chapter, hahabaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaan ko na po :D
ReplyDelete@MARK 13: Thank you po :)
looks nice ang story mo. i"ll wait for the next update.
ReplyDeleteThank you po :)
Deletehangcuutteee!!haha...kakakilig umpisa pa lang!i love this kind of beginning..haha
ReplyDelete-monty
hangcuutteee!!haha...kakakilig umpisa pa lang!i love this kind of beginning..haha
ReplyDelete-monty