ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Tuesday, September 11, 2012

Without You 2




CHAPTER 2: Sophie

As usual isang araw na naman nang paghihintay sa crush ko dito sa tapat nang gate nang University namin, uma-umaga nalang ay dito ako naka puwesto. Siya nga pala, ako nga pala si Sophie, 16 turning 17 na rin, Nursing student din ako dito sa university. Vital statistics uum… 34,28,35 medyo malaki yung tiyan ko pero mind you may hubog din naman ako, yun nga lang pinagkaitan nang hight, 5’3 yun lang huhuhu, gusto ko pa naman sanang mas matangkad pa doon. Di ako gaanong maporma, simple lang minsan nga casual shirt at jeans pero im not that boyish ngayon ,di gaya noon na kailangan si mama pa maghanda nang damit ko para wag lang akong pagkamalang tomboy nang mga kapitbahay namin. Mahaba ang buhok ko gusto ko kasi hanggang balakang talaga ito, mas comportable ako, at tinatawag pa nga nila akong nerd kasi may neardy glasses ako at braces. Ang pangit ko ano, kaya paanu naman ako mapapansin nang super crush ko.

Teka nga pala di ko pa siya napapakilala sa inyo, uhm pero bawal ipagsabi ha, baka kasi mabuko niy ako eh, Siya si Caleb Uriel Tan y Espinosa, alam ko kilala niyo siya, nagulat siguro kayo kung bakit may Espinosa, yun kasi ang maiden name ni mama niya kaya nilagay ko diyan parang tunog espanyol at para ang Initials niya would spell out C-U-T-E! oh diba, tama naman ako cute talaga siya, kay nga crush na crush ko siya eh.

6:30 palang, medyo late na kasi dumating yang si Caleb eh, 7 am ang first class niya kaya 6:45 siya dumadating. Ako pinapanood ko nalang siyang naglalakad patungong gate uma-umaga at tsaka umalis para sa 7:30 ko naman na clase. Dami kong alam noh, sige aaminin ko may pagka stalker ako, lahat nang class schedules niya alam ko, pati family profile niya alam ko, school backgrounds, affiliations, organizations, name it alam ko, pero isa lang ang hindi, ang mga saloobin niya – alam niyo kung bakit, dahil hindi kami magkakilala. Isa lang ako sa maraming tagahanga na nasa tabi lang, walang guts makipagkaibigan sa isang diyos nang Universidad.

Nasa-ilalim ako nang daydreaming nang nakita kong nasa harap ko na siya. SHIIIIIIIIIITT!!!! Sigaw ko sa isip, hindi ko na alam ang gagawin kaya… TAKBO SOPHIE!!!!!!!! Ulit na sigaw sa sarili.

Hindi ako huminto sa kahit na sino o kahit na ano, basta makaabot lang ako nang Nursing Building na nasa gitna pa nang campus. Mabilis na takbo, hingal na hingal ako, panting at the hallway, di alam ang gagawin. Buti naman at wala na akong naaninag na imahe ni Caleb, Muntik na ako doon ah, muntik ka sa anu sister? Eh hindi ka naman preso’ngtakas para pagtaguan mo siya nang ganoon nalang, pagdidiin nang utak ko sa akin. Ah, bastah dapat I would still remain invisible to him… as much as I can.

Natapos na ang first subject ko, super gutom na naman. Nag bo-board kasi ako malapit sa school at para makatipid hindi na ako kumakain bago pumunta nang school. Daming tao naman sa canteen, pero dapat makipagsiksikan para makakain. Di ko napapansin ang mga tao, nahihiya ako sa ginawa kong pagtakbo kanina, anu ba naman kasi ang pumasok sa kokote niya at maaga pa siyang pumunta nang school. Yan tuloy, nahihiya na ako na makaharap siya. Malapit na ako sa counter nang hinanap ko ang wallet ko na nasa likurang bahagi nang aking pantalon, Oh my! Nawawala ang wallet ko! “nasaan na yun… hindi pwedeng mawala yun buong buwang baon ko nadoon.” Mahina kong nasabi.

“Ate, ako na ang magbabayad nung sa kanya” sabi nang lalaking katabi ko na ngayon ko lang napansin, nakayuko ako kaya sapatos lang niya ang nakita ko, hanggang makaharap ako sa matipuno niyang katawan, naka checkered polo siya na mix nang gray at dark blue teka kilala ko kung kanino to ah! Favorite top ko yan na suot-suot ni at nakita ko din ang mukha niya. Literally napanganga nalang ako, si Caleb, all this time nasa tabi ko lang siya. Para siyang gagong ngiti nang ngiti, yung mga ngiting noon ay hindi ko makikita nang malapitan, napakagwapo niya talaga.

“oh tara na!” sabi niya sakin matapos niyang magbayad nang kakainin namin, Teka, kakainin namin? Kasama ko siya? What is happening today bakit ganito toh? Lumalakas ang kabog nang dibdib ko nang pumunta kami sa bakanteng lamesa na pang two seaters lang. Lord, totoo ba talaga to? Please kung nananaginip ako, wag mu na akong gisingin!

Bago paman siya naka siya nakaupo, “uhm.. Caleb…” sabi ko, napahinto naman siya at tiningan ako na may pagtataka. Bigla naman akong tinamaan nang hiya at tumingin sa sahig, “ah..eh.. Thank you nga pala dito” wala na akong maisip na sabihin. Anu ba naman ako, oo. Ngumiti lang siya at “Hali kana at samahan mo na ako dito.”

Kain lang ang ginawa ko nahihiya talaga akong makipagusap sa kanya, nahihiya talaga ako. Pero hindi parin ako makapaniwala na kasabay kong kumain ang taong talagang nagpapacompleto nang bawat araw ko.

“Um, Caleb nga pala, Caleb Ur…” sabi niya na agad ko namang binara na hindi sinasadya. “Caleb Uriel Espinosa Tan. Alam ko!” nang marealize ko na nasabi ko ang buo niyang pangalan napalagay ko ang mga kamay ko sa aking bibig. Napangiti naman si Caleb at napangisi nang bahagya. “Kilala mu pala talaga ako, di naman ako sikat sa school ah…” napayuko naman ako sa hiya.

“Nga pala, anong pangalan mo? Mukhang di pa kita kilala?” Yabang naman nito oo, pero mas gumwapo siya pag aasta nang ganito. “Sophie Marie Aldeguer. Nakakahiya naman ako oh. Sorry po” Sagot ko naman at nararamdamn ko nang umiinit ang aking mga pisngi.

“Bakit naman”

“ah eh… marami… marami sana akong itatanong kaya lang baka ma late ako sa susunod kong class.. cge bye…”

“Ay sya nga pala…” sabi niya, sabay dukot sa bulsa niya. Ang wallet ko, pano naman napunta sa kanya toh? “...Nahulog mu yan kanina nang tumatatakbo ka. Di ko nga alam kung bakit pero, natawa talaga ako.” Grabe naman ang pagtawa nito. Nahiya na talaga ako kinuha ko ang wallet at nagpasalamat nalang at umalis.

Caleb’s POV

“Grabe talaga tong babaeng ito, lakas siguro nang tama nito sa akin. Pero cute siya, hmp,  pwede narin” sabi ko sa sarili habang inuubos ang kinakain ko. Nang biglang nag ring ang phone ko.

“Oh Lester napatawag ka?” sabi ko

“Tol, mag papractice ka ba mamaya?” siya sa kabilang linya

“aba siyempre, bakit anong meron?”

“May sasabihin daw si Sir mamaya at importante daw?”

“Si sir Rich ba ang tinutukoy mo?Anu nanaman ba yan?”

“Di ko rin naman alam tol eh, attend na lang tayo mamaya”

Nagpaalam na kami sa isat isa. Napansin kong ako lang mag isa ang kumakain nakaramdam ako nang kirot sa puso. Dati rati ay hindi ako nakikitang magisa kahit saan dahil kasama ko ang barkada ko. Di na kami magkakapareho nang schedule. Si Felix kasi Business Administration ang kinuhang kurso, malayo din ang building nila sa Nursing Building kaya minsan nalang kami magkita. Sina Lester, Isa at Klea ay kasama ko sa kinuhang kurso kaya lang eh magkakaiba na kami nang sections, ang masaklap dito kapag duty day nila ay lecture day ko naman, si Lester na nga lang ang kapareho ko nang schedule pero busy na siya ngayon sa nobya niyang si Mae.

Ang gusto ko lang sa set-up namin ay nagsimula kami nang dance group sa college namin, mga samahan nang mga mahilig lang sumayaw sa kahit anong occasion nang college, at kasama ko sina Lester, Isa at Klea dito at iba ding mga ka close namin na nakilala namin sa pagsasayaw.

Umalis na ako sa canteen at pumunta nang library. Doon ang lipas oras ko dahil aircon, ilalabas ko lang laptop ko at magsulat nang kung ano-ano. Minsan mga eh nag edit lang ako nang videos, pictures at music para lang pamatay nang oras. Nagsusulat ako nang tinatapos kong blogpost nang nakita ko muli si Sophie galing sa malayo, maraming librong dala. Nakaplaylist na noon ang laptop ko at doon nakasaksak yung earbuds ko na batman ang design (favorite ko kasi si batman). Nang tumunog ang pamilyar na kanta sa akin Itunes.

Hi
Girl you just caught my eye
thought I should give it try
and get your name & your number
go grab some lunch & eat cucumbers

Why,
Did i say that “I don’t know why?”.
But you’re smilin’ & it’s something’ i like
on your face, yeah it suits you
girl we connect like we have Bluetooth

Bawat hapit nung lyrics parang iba ang tingin ko sa kanya, nangungusap yung kanta sa akin, am I mesmerized with her look? those glasses? Braces? Pero ang cute niyang ngumiti, nakakahumaling.Weird pero napapangiti narin ako.
I don’t know why
I’m drawn to you
Could you be the other one so we’d equal two?
and this is all based on a lucky chance
that you would rather add then subtract
Am I Infatuating with her? Teka nga di ko siya type. Anu ba to bat ganito nararamdaman ko. Lumalapit na siya sa kinaroroonan ko, parang mabigat ang dala niya ah. Tulungan ko kaya siya
You & I
could be like sonny &cher
honey & bears
You & I
could be like aladdin & jasmine
lets ma…
I was so drawn looking at her na papalapit nang tumayo akong bigla hindi ko pa nakukuha ang earbuds ko at dahil medyo may katangkaran ako nahila nito ang laptop ko at bigla itong nagflip at nakuha yung earbuds sa audio plug. Naku patay.

…ke it happen
La.la.la.la.la.la.la.la.la.ala.al

Nataranta ako pinatay ko kaagad ang laptop ko dahil ang escandalo ako sa loob nang library. Nang makatayo na ako nakita ko silang lahat na nakatingin sa akin. Hiyanghiya talaga ako sa nangyari, parang nanliit ang tingin ko sa sarili ko. At bigla nalang akong nagpeace sign sa lahat nang nakatingin sa akin.

“Um… Ca… Caleb. Ok kalang?” Sabi ni Sophie na nasa harap ko na noong mga oras na iyon.

“ah…ah…eh…” shit bakit ka nag sta-stutter Caleb ikaw ba yan? “ah, nagulat lang ako kasi may langgam na pumasok nang pantalon ko” palusot ko nalng dito.

Natawa lang siya sa sinabi ko, nahihiya na talaga kao sa ginagawa ko.

“Um tulungan na kita diyan, dalhin na natin sa circulating room” sabi ko.

“naku wag na, ok na ako, pagpatuloy mo nalang yang ginagawa mo”

“kailangan ko din umalis dito nakakhiya na eh, ok lang naman siguro kung samahan kita”

She just smiled and handed me her books. Napangiti narin ako at tinitigan siya, di mawaglit sa mga labi niya ang ngiti. Pumasok na kami nag circulating area, doon ang pinakatahimik na lugar sa buong library. Nag settle ako sa isa sa mga tables doon habang binabalik naman niya ng dinalang mga libro. Nang pumasok na siya hindi na ako mapakali, gusto ko nang makipagkwentuhan excited din naman akong magtanong sa kanya, pero nilampasan niya lang ako at dumiretso sa paghanap nang libro.

Sinundan ko nalang siya. Pasimple akong hinanap kung saan siya at saka pumasok sa katapat nitong shelf, tinititigan ko lang yung mga mata niya hoping na makita niya ako mula sa kabila.  Ayun tinititigan ko lang siya, bigla siyang naglakad naghahanap nang libro niya, sinundan ko lang siya titig na titig parin sa mga mata niya. Nag bend over siya at parang napaluhod dahil nakita niya siguro ang hinahanap na libro sa shelf, napaluhod din naman ako sa other side at kinuha ang katapat nong libro na kinuha niya. Napangiti siya sa ginawa ko kaya napangiti din ako, kunwaring nag scan ako nag content noong book noon ko nalaman na engineering book pa ang nakuha ko, tawa nlng ako sa kinalalagyan ko

Nang napatingin ako sa kanya nahuli ko siyang nakatitig sa akin, at bigla siyang umiwas nang tingin. Parang kinikilig ako sa ginawa niya kaya binalik ko ang libro na kinuha ko at biglang punta sa kanyang side nang shelf. Nakita ko noong napatitig siya sa kabilang side at nagulat siguro na wala na ako, nakita ko ang paghanap  niya sa akin. Natawa nlng ako at biglang bumaling ang tingin niya sa kinatatayuan ko na isang hakbang mula sa kanya. Nang makita niya ako umupo siya sa sahig at napabasa nalang ulit sa libro niya.

Umupo nalang ako sa tabi niya at kunwari na akong nagbabasa nang libro, kinakabahan akong mag open nang topic baka kung anong isipin niy. Well here it goes. Bubuka na ako nang bibig nang. “By Chance!” sabi niya.

Nagulat ako siyempre, di naman siya nakatingin sa akin at sa libro ito nakatitig, ako ba kinausap noon? “um… may sinabi kaba?” tanong kong nalilito.

“Sabi ko, By Chance… yun yung kantang pinapakinggan mo kanina diba?” sabi niya na humarap sa akin at nakangiti. Parang na hihipnotize talaga ako sa mga ngiti niya.

“ah.. oo, pano mo naman nalaman yun? Di naman sikat ang kanta?”

“My cousin said ang maganda daw yun, maganda nga kaya ko na download, tugma kasi sa gusto kong sabihin SAYO!!” Masaya siya sa pagkakasabi pero nagulat din siya sa sinabi niya, makikita mong nanlaki ang mga mata niya. Natahimik kaming pareho.

“Saang linya?” tanong ko sa kanya. “Ha anong sabi mo?” balik niya sa akin na parang nanginginig. “sabi ko saang linya noong kanta?” Napahinto talaga siya at napaisip.

Hey
How’ve you been?
I know that it’s been awhile.
Are you tired cause you’ve been on my mind
runnin’ thousand & thousands of miles
Sorry, I know that line’s outta style
but you
you look so beautiful on this starry night
loving the way the moonlight catches your eyes & your smile
i’m captivated
your beauty is timeless never outdated

Akala ko na tuloy kakantahin niya pero tinula niya lang pero ang pagkakasabi niya parang iba, parang may gusto siyang ipahiwatig. Ah ewan.

“alam mo bang favorite ko ang kantang yan?” sabi ko sa kanya.

“Ngayon lang, marami pa pala akong hindi alam sa iyo”

“stalker ba kita?”

“ha? Anong pinagsasabi mo?” gulat niyang tanong.

“kanina ko pa kasi na notice na marami kang alam tungkol sa akin, kung anong oras ako dumadating sa school, kung saan ako parating nakaupo kapag nasa libraray ako, pati FULL NAME ko alam mo din, ano pa ba ang alam mo tungkol sa akin?”

“ang kulit mo, marami, napakarami pa, pero wag mo na siguro dapat alamin ngayon, baka magulat ka lang sa mga sasabihin ko, matatagalan tayo noh, isa pa diba may practice ka ngayon?”

Practice? Pano niya nalaman na may practice pa ako ngayon?PRACTICE!!! shit may practice nga pala ako ngayon. Tiningnan ko agad ang relo ko, 3:55pm. Shit! Malalate na ako. “oo nga pala, sorry kung mauuna ako, kita-kita nalang bye.” And out of the blue hinalikan ko siya sa pisngi. At umalis na nagmamadali.

Dumating ako sa classroom nang nakita ko na iilan pa lang ang nandodoon, yung iba nag pa practice na. Kinuha ko ang laptop ko at speaker at pinaandar na ang music. Nang dumating sina Lester, Klea at Isa kasama ang iba pa naming samahan sa grupo na close ko narin sina Teo, Janelle, Janice, Hera at ang ex nitong si Enzo. May mga dala silang pagkain.

“hay salamat, pagkatapos niyong kumain. Practice na tayo oh, baka kasi magalit na naman si sir.”

Klea: Ang sipag mo naman Caleb. May nakain ka bang bago ngayon? O baka nilalagnat ka?”

Isa: baka naman Tinipus yang si Caleb nang di natin nalalaman

Janelle: Girls, may nangyari lang sa amin kagabi ni Baba ko (baba nga pala ang tawag sa akin ni Janelle, para kasi kaming mag asawa kapag practice, well sa isip-isip niya), masarap kaya day.

Janice: ang sagwa mo naman Nel, ikaw kaya diyan yung lalake papormahin, bakit naman papatol sayo si Caleb.

At nagtawanan silang lahat.

“ano ba naman kayo? Ok lang kaya ako, may nakilala lang, kaya abot tenga ang ngiti” pagmamayabang kong sabi na ikinagulat nina Lester, Klea at Isa dahil alam nilang di pa ako nakabangit nang ganoon since sa amin ni Jessie.

“pare bago yan ah, dapat malaman ito ni Felix, tawagan ko na kaya yun” sabi ni Lester na may kasamang pang aasar.

“tol, wag na its no big deal, saka parang wala naman akong gusto sa kanya, walang pag-asa… next time nalang pag alam kong ito na nga, mabibigla pa yung isa mamaya niyan.” Agad kong paghinto kay Lester.

Alam ko ang sinabi ko at totoo ito, naging super ingat na ako sa mga babaeng kinalolokohan ko. Di pa nga ako nagkaroon nang serious relationship after Jessie, im scared of picking up the same girl at baka ngayon hindi ko na kayanin na iwan ako at ituloy ko ang pagpapakamatay.

“una nalang siguro ako sa inyong mag warm up.” Sabi ko sa kanila. Gusto kung iwaksi sa isip ko ang sa amin ni Jessie. Pumunta sila sa isang sulok at ako naman pumunta sa bag ko, sanay na akong maghubad nang shirt sa harap nang maraming tao (minsan nga sa bar pag marami ang nag request, trip-trip lang). Nag hinubad ko ang shirt ko may malakas na pagbagsak kaming narinig. Si Enzo, mag-isa sa gitnang bahagi nang rum natumba kasama ang upuan niya, tinakbuhan ko naman baka kasi may nangyaring masama, at saka ko pinatayo.

“Ah pare, ok lang ako nakatitig kasi ako sa malayo, di ko namalayang wala pala akong uupuan.” Sabi niya na parang may iniindayong sakit. Tumawa na kaming lahat sa paliwanag niya.

“Loko to oo” at ginulo ko ang buhok niya. Bumalik ako sa bag ko at sinuot ang black sando ko para mag warm up, mas mabilis kasi akong pawisan pag naka black, at yun lang ang dala ko.


Napansin ko na may nakatitig sa akin na parang super hanga kay nag decide ako na doon mag stop. Nakita ko siya at nakilala, ngiting malibog nalang ang binigay ko sa kanya, matagal ko naring nakikita na parati niya akong tinititigan.

Pakindat ko pang tugon dito “Oh, hinay hinay ka lang, parang matutunaw naman ako niyan pareng

Enzo”.

_itutuloy_

2 comments: