ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Sunday, September 30, 2012

3 Minahal ni Bestfriend : Memories part 14



             Kamusta po sa lahat? ^_^

             Una pa rin po ay nais kong magpasalamat sa lahat ng sumuporta ng 3 MNB : Memories. Ngunit ikinalulungkot ko pong sabihin na malapit na po ang pagtatapos ng kwentong ito. Kaya po sana ay pakasubaybayan ninyo ito hanggang huli. Maraming salamat po!

             Pangalawa, pasensya na po sa matagal na posting. Pero bumabawi naman po ako recently, hindi po ba? :)

             Pangatlo ay gusto ko po pasalamatan ang aking aking Bembem ko na laging andyan para sa akin all the way! Kay MIMI RAGE na syang gumawa ng cover, Kay Jojie, Zeke, at kay Erwin F. Syempre po kay --makki--,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, iamronald, cuirous19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh (Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price arl, Mark Jayson Pionela, Judaskyle13, JD Javra,Jasper, ZROM60, kapitanismo, Eiji_monster, =dereck=, Riley, Chris, Lei, arvie04,John Gino Basinang, Red of Singapore, Josue Altoveros, Nico, kean tongol, ryan lee, Anthon Gonzales, Edward, Christian, arljhay, hula_boy, 21, totix, erickvladd, calvin, PIP, J, -London-, Down D. Line, ,Mel Gibson, jrvr, vinz_uan, mon, Queckenstedt, kean tongol, Atsea, Bonzai, ryan lee, -rob-, IAN, JM MJ, Jay-Ar, robert, Ryvis Tan, vincent28, Jhumer Andres, shane, Nico, Bonzai, dhyames, wexersz_15, Ras, EUS, Iamrex, LordPauldemort, itsmethirdy, ryan lee, shane, Jhumer Andres, Hiya!, Jay-ar, renxz, pangz, jaymefrompalawan, Ryvis Tan, jamespott, Rez of Bacolod, Silent_al, ariel loniga, jheyjhey javier, maybe, g, patryckjr, Enrique, iRead,wil, jae.jae, RGEEE, Jim of Pangasinan, xheanne, eric sioson, Cloyd, LEI, Moon Sung-Min, meloh, _june_, JD Javra, d^,^b camotes \m/hunk, nam, itsmethirdy, =jess=, Marcanthony, knight_in_shining_armor(hehehe), nam, Danielle, alejojohn, _unspoken_words_, akosijames, Nicholadia, Enrique, lloydie, LemLem, Jayar, Nico, Unknown, Aldrin, , _alelojohn, Dada Marcelo, cris bautista, Malachimark, -erickboi-, Yoshi, Karl rickson, online via ginno, Nikko Ramos, toffer lopez, Prince Pao, ALex, ja, kris, ramzter, Jm_virgin2009, Marlone, edrich of cebu, Archivald, russ, Mars, foxriver, Burj of Abu Dhabi, maybe, pd, mykel22, ampugeh, mark5337, ALDRIN, Al, brenthotz18, toffer lopez, Prince Pao, MarcAnthony, - marcus -, Nikko Ramos, Rands of QC, harry, alex, .paisano, jay.19.bi, Pancookie, cris bautista, Bri, Alexis Gacayan, Paolo Escaba, tj, nikk, eric sioson, -rom-, shingha, Mr.handsome, Mac, nivz, MP of Pasig, ilyrars, erik, .lordsun pogie, Enzo12, Tnito Schrugs, aeigh27 of binan laguna, cris bautista, JC SHIN, marlboro, monty, cazlhers@yahoo.com, fixboy, jay Tagaro, kris, Keanu Reeves, Marky, -rom-, foxriver, diumar, P.Y.S.H, edrich of cebu, bon-bon, Gerald, dhenxo (UTOL!!), kira, Uri_KiDo, Arnold Lachica, iamfree, chadie, IgnorantengFrog, ericka, em_bie24, , arvin of Taiwan, nikk, A L P O, rain, shingha, pein_kyoya, Gian, Enzo12, MIMI RAGE, Brent Angelo, Lawfer, Levin, Ramm, razhly, luilao, kajiki_anton, Jerwin Caraang, slushe.love, Jamespott, pein_kyoya, monja, paul ni joseph ponce, iamdarkdreamer, trutsofme, 12334, Paopi Lopez, dyasper dyokson, Rj, Bequillo, jhexter vhon, Redrockerz, Jamespott, cheryllee, Kimpoy Feliciano, Yrec, Karl Ricson, kierlynez, jon888, archerangel, Cholo Sevilla, ramzter, cy, ian of k.s.a, krisluv, dro, allen mark, manuel, franklin alviola, sora cesar aloner, justine of QATAR, cap, vash18, ramy from qatar, hot_andrew_21, derek ramsey, Jm Fab, ARSTEVE, edward_cavite, g, jhayc, jaycee mejica, kiero143, MorLuck, Tagadxb, Charo Santos, Choy Sevilla, Chris Evans, PauuulFabian, Pao, Ayen, Lee, Toffer(charmedboy09), anita baker, -kiss-, lm_rix, jhay ar tabz, Saykz, hajji alivio, ryval winston, jaycee mejica, Leowenstein, nashdane, Manuel, Louis, Dylan of Jeddah, carlo lovendino, ireneomercado, LeonardCruzL@yahoo.com, johnjamesjohn, eelkahr, hormy, manila_sex_actor,DyEyD, carlo lovendino, Yhno, alphongx, zapfyre_01, -Dylan-, jumpin rooftops, at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at silent readers po. :) At syempre po sa mga friends natin sa fb.





              Pwede nyo po pala ako macontact sa mga sumusunod. Favor na rin pala. Hehehehe ^_^

              Fb Add- http://www.facebook.com/kenji.bem.oya
              Fb Fanpage Like - http://www.facebook.com/minahalnibestfriend
              Blogsite - darkkenstories.blogspot.com

              COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED


“Naku, nagkunwari pa. Eh alam naman ng lahat na boyfriend mo si Andre noon pa, diba? At..”, biglang alinlangan na sabi ni Jason.

“At…?”, tanong ko.

“I’m sorry pala sa nangyari sa inyo ng bestfriend mong si Larc…”, medyo mahina at alinlangang sabi nito.

Nagulat ako sa sinagot ni Jason. His sorry for what happened samin ni Larc? Ano bang nangyari? May alam ba sya? Teka, naguguluhan ako!

“Nangyari..?”, taka kong tanong.

“Yeah.. Alam mo na. Sa nangyari sa pagkakaibigan nyo.”, nahihiyang sabi ni Jason.

“Ano bang ibig mo sabihin?”, tanong ko.

“Huh? Okay ka lang ba, Ryan?”, mukhang sya naman ang nagtaka. Oo nga pala, hindi nya alam na nagka amnesia ako.

“Ah. Yun ba. Hayaan na natin yun.”, pagkukunwari ko.

“Oh, pano, mauna na rin ako, ah. Kailangan ko na din umuwi at mag gagabi na pala.”, pagpapaalam rin ni Jason.

“Ah, yeah. Salamat ha.”, sabay tayo naming at lakad palayo. Magkaiba kami ng direksyon kaya naman hindi kami sabay.

Naglalakad ako palayo ng biglang tawagin muli ni Jason ang pangalan ko.

“Ryan!!”, sigaw nito.

Agad akong lumingon at tiningnan si Jason.

“Oh?!”

“Hindi ko kasi matiis eh!”

“Ang alin?”

“Hindi ko alam pero your eyes seem more sad. Mas malungkot ang mga mata mo ngayon kaso noon. And this time, para kang nawawala na mas lalong nakadagdag sa lungkot ng mga mata mo. Kung ano man ang hinahanap mo. Sana mahanap mo din!”, sabay bigay ng isang ngiti ni Jason at lakad palayo.

Naging napakalaking palaisipan ng sinabi sakin ni Jason. Lalo na ang sinabi nya na sorry sya about sa nangyari samin ni Larc. Ano ba talagang nangyari? Panahon na rin siguro para malaman ko ang nangyari. Pero natatakot pa rin ako.

Tuliro akong pumunta sa condo ni Larc. Bitbit sa isip ang palisipan na paulit ulit na naglalaro sa utak ko. Why am I feeling this way.

Ater the accident, ilang beses akong nagpabalik balik dito sa condo ni Larc. Pero ngayong punta ko. Everything seemed and felt different. Parang.. Parang may mali…

Pinindot ko ang button papunta sa floor ng unit ni Larc. Somehow, parang gusto kong umiyak. Naiiyak ako ng hindi ko alam. Naramdaman ko ang pamumuo ng luha ko. I felt very sad ng hindi ko alam kung bakit. Naguguluhan ako.

Paglabas ko ay tinahak ko na ang pinto papunta sa pinto ni Larc. I rang the doorbell at agad akong pinagbuksan ni Larc. Nakita ko syang nakatayo at nakangiti sya sa akin.

“Welcome home.”, nakangiting bati nito at bigla akong niyakap.

Nabigla ako sa yakap nya. Naiyak ako. Hindi ko alam nanaman kung bakit. Dahil ba ang tagal ko inasam ang mga yakap na ito? Dahil ba sa wakas, after all this time, nag pay off na ang paghihintay ko na sabihin sakin ni Larc na mahal nya ako? Hindi ko alam na.

“Oh, bat ka umiiyak?”, alalang tanong nito habang nakayakap sakin.

“Wala. Actually, hindi ko din alam. Siguro.. Siguro kasi ang tagal kong hinintay na yakapin mo ako ng ganito.”, luha-luha kong sabi kay Larc.

“Im never letting you go, again…”, buong sinceridad nyang sabi.

“Again…?”, nasabi ko sa utak ko.




Naging mas sweet sa akin si Larc. He would cook breakfast in the morning, prepare my clothes pag maliligo. Service deluxe ika nga. It made my heart skip a beat. Sobrang saya ko sa mga nangyayari. I waited more than 10 years for this. At finally, ito na. Nagconfess na sya na mahal nya ako.

Nakakatawa kung iisipin. Pero sa t’wing sinasabi nyang mahal nya ako ay parang hirap na hirap akong sabihing mahal ko din sya. Though alam ko naman sa sarili ko na mahal ko sya. Gawd! Ano ba! Grade 1 pa lang ako, sya na ang tinitibok ng puso ko. Simula noong elementary days. Naaalala ko, lampa pa sya noon at tampuhan ng tukso hanggang sa naging captain na sya ng basketball at naging sikat nung highschool, at hanggang sa college na nadala ang kasikatan nya at… at…

Kinabahan ako bigla.

“Okay ka lang ba?”, biglang sabi ni Larc habang nasa kwarto kami at nanonood.

“Huh! Ah, oo.”

“Sigurado ka?”, alalang tanong nya. Doon ko lang narealize na horror pa la ang pinapanood naming. Kaya pala kanina pa sya tingin ng tingin sakin. Hindi ko kasi masyado iniintindi ang pinapanood ko kaya hindi ko naiintindihan ang nangyayari sa storya.

“AAAAAAAAAAAAHHHHHH!!’, biglang sigaw ko ng biglang nakita ko ang multo sa palabas. Halos lumabas ang kaluluwa ko sa katawan ko sa nakita. Bigla ko naman nakita na humagalpak ng tawa si Larc.

“Ikaw! Ang sama mo pa rin! Alam mo naman na ayaw ko ng mga ganitong palabas ihh!!”, galit na sabi ko kay Larc.

“Hahaha! Sabi na eh, nagtatapang tapangan ka lang na kunwari di ka takot. Hahaha! Bibigay ka din sabi ko na eh!!”, sabay tawa pa ulit ni Larc.

Naki ride na lang ako sa sinabi nya tungkol sa pagtatapang tapangan ko sa pinapanood ko. Kahit ang totoo, hindi naman talaga ako focused sa pinapanood ko. Sadyang natakot lang talaga ako ng makita ko yung multo na biglang lumabas sa pelikula.

Dahil sa likas na pagkamatatakutin ay hindi naman ako halos makatulog dahil sa naiimagine ko nanaman ang nakita ko sa pelikula. Pero mas nangingibabaw pa din ang mga nasa isip ko kaya hindi din ako makatulog. Halos paikot ikot naman ako sa higaan ko dahil hindi ako makatulog.

“Eto na. Alam ko namang hindi ka makatulog.”, biglang tabi sakin ni Larc.

Kung tutuusin ay sweet ang ginawa nya. Niyakap nya pa ako agad pagkatabing pagkatabi nya. Pero bat ganun? Hindi ko makuhang kiligin ng todo. Sure, bumilis ang tibok ng puso ko lalo na ng yakapin nya ako. Pero sa hindi ko maintindiihang kadahilanan, hindi ganun kalakas ang kabog ng dibdib ko.

“Ryan…”, tawag nya sa pangalan ko.

“Oh-“, nagulat na lang ako ng pagkasagot ko ay bigla nya akong hinalikan.

Napakagaling nya palang humalik. The moment na dumampi ang mga labi nya ay para akong hindi makakilos. Sobrang nadadala ako sa galing nya humalik. Sa sobrang sarap pa nga ay hindi ako makaganti minsan. Ineenjoy ko ang bawat halik nya.

It was a bittersweet kiss.

Sa gitna ng pagkakahalik nya ay natandaan ko ang mga halik ni Andre. Ibang iba ito. Mas ramdam ko.

“Andre…”, biglang mahinang sabi ng utak ko.

“Mahal na mahal kita ryan…”, sabi agad ni Larc pagka kalas nya sa halik nya.

“Salamat.”, tanging naitugon ko.

“Mahal mo ba ako?”, pagtanong nya.

“Oo naman.”

“I love you.”

“Ah-I-I love you too…”, hirap na hirap kong sagot. Hanggang sa naramdaman kong mas humigpit ang yakap ni Larc.

Nakapikit lang ako habang nakayakap sakin si Larc. Hindi pa din ako makatulog. Ano ba tong nararamdaman ko? Ito ang pinangarap ko, diba? Pero bat parang hindi ako masaya? Bakit parang ang sakit? Konsensya ba to sa pagkakasakit ko kay Andre? Kaya di ko gawang lubusang maging masaya sa piling ni Larc? Kaya ba hanggang ngayon ay kahit alam ko at pinangarap kong mahalin ako ni Larc ay hindi ko lubusang maibigay kay Larc ang puso ko?



Malakas ang ulan. Malabo na ang daan. Malamig ang hangin na lumalabas mula sa aircon ng sasakyan ko. Hininaan ko ito. Napansin ko na lang, nagriring ang cellphone ko.

“Hap.. Mon.. ry.. Inga.. ka.. ..hal ko.”, sabi ng boses sa kabilang linya. Hindi ko masyado maintindihan. Choppy. Sino ba ang kausap ko? Tiningnan ko ang screen ng cellphone ko. Nakalagay lang, “Mahal ko”.

“Huh? Ano ulit yun?!”, pagtatanong ko sa kausap sabay paandar ng sasakyan.

“Hihinta.. ..ta. Mah.. na.. ..hal ki..”, choppy pa ring sabi sa kabilang linya.

“Hindi kita maintindi-“, ang huli kong nasabi bago ako nakakita ng liwanag.

Malakas ang ulan. Ramdam ko ang mainit na tumatagas mula sa katawan ko. Nararamdaman ko ang malamig na sahig at ang malakas na buhos ng ulan sa buong katawan ko.

Sinubukan kong buksan ang mga mata ko. Malabo. Maraming mga taong nagkukumpulan. Pumikit ulit ako. Maingay. May tunog na parang ngumangawa. Parang ambulansya.

Dumilat ulit ako pero tahimik. Wala ng ingay, wala na ding mga tao. May nakita akong isang lalakeng nakatayo at sa tingin ko ay nakatingin ito sa akin. Basa na rin sya ng ulan. Inaabot nya ang kamay nya. Sinubukan kong tingnan ang mukha nya, pero wala akong makita.

Gusto kong iabot ang kamay ko pero di ako makakilos. Napansin ko na lang na dumidilim. Parang unti unting kinakain ako ng kadiliman. Pati ang lalakeng nasa harap ko ay kinakain na rin ng dilim. Inipon ko ang lahat ng natitira kong lakas at nagpakawala ng isang malakas na sigaw.

“SINO Kaaaaaaaaaaaa!”, pilit kong sigaw. Ngunit huli na ang lahat. Kinain ako ng kadiliman. Nanghihina na ako.

“Hihintayin kita….”, yan ang huli kong narinig bago pa man ako tuluyang nawalan ng lakas.

Naramdaman kong may bumuhat sakin. Naglalakad ito. Hanggang sa naramdaman kong ihahagis ako nito sa isang bangin, o balon, hindi ko alam. Basta sa isang malalim na lugar. Naramdaman ko, ilalaglag ako.

“Huwag.”, mahinang usal ko.

“Patawad.”, sagot ng bumubuhat sabay hagis sakin.



Malamig ang hangin mula sa aircon ng kwarto. Ramdam ko ang pawis na tumatagaktak sa ulo at likuran ko. Agad akong napalingon. Nakita ko si Larc sa tabi ko. Isang masamang panaginip lang pala ang lahat.

Tumayo ako at nagtungo sa kusina upang uminom ng tubig. Ramdam ko pa din ang panginginig sa takot sa aking panaginip.

“It must be that horror movie..”, nasabi ko sa sarili ko.

“But everything seemed so real.”, dagdag ng utak ko. Somehow my dream felt very relevant. Maybe I was thinking too much. Naguguluhan ako lately. Lalo na sa mga huling sinabi ni Jason. What is going on?

“Oh, bat ka bumangon?”, narinig ko na lang ang boses ni Larc. He was looking at me na pupungas pungas pa ang mata.

“Nagising lang sa masamang panaginip.”, nasagot ko.

“Oh, what happened?”, tanong nito. Napatingin ito sa orasan at napatingin din ako. Madaling araw pa lang pala. 2:47am to be exact.

“Ah.. Basta ang naaalala ko is…”, napatigil ako. Wala akong matandaan sa panaginip ko. Ang naaalala ko lang ay ang ulan. Malakas na ulan.

“Ano yun?”, tanong ni Larc.

“Ulan. Malakas na ulan. Nakakatakot sa lakas.”, nasabi ko.

“Panaginip lang yun. At kung mangyari man yun, siguradong hahanapin kita upang payungan.”, nakangiting sabi ni Larc. Yumakap ito sakin.

Pagtapos makainom ng tubig ay bumalik na kami ni Larc sa kwarto. Muli nya akong niyakap. Pero hindi na ako nakatulog. Nabobother ako sa panaginip ko. Pilit inaalala kung ano bang nakita ko.

Hindi ko namalayan na sa sobrang pagiisip ko ay mag uumaga na. Napansin kong dumilat na si Larc at binati ako ng good morning. Nginitian ko ito at hinalikan naman ako nito sa labi sabay tayo at labas ng kwarto. Magluluto lang daw ito ng almusal.

Pumikit ako. Ngunit pagkapikit ko ay bigla akong kinabahan. Yung tipong parang alam mong mamatay ka na, o may papatay sayo. Ganung kaba. Bigla akong napamulat at nagulat ako sa nakita.

Napatingin ako agad sa kabilang kama at talagang nagulat ako sa nakita. I saw myself crying. Ang nakakapagtaka ay nakahubad ako. Napatingin ako sa kamay ko na umiiyak pa din. Nakakita ako ng pasa. Biglang tumingin sa akin gang sarili ko na umiiyak. Galit ito sakin.

“Anong ginawa mo?! Sumagot ka!! Anong ginawa mo!!”, pagsigaw ng sarili ko sa akin. Kita ang galit sa mga mata ko. Natakot ako.

“Ryan!! Ryan!!”, narinig ko na lang. Agad akong napamulat. Nakita ko si Larc. Alalang alala ang mukha nito.

“Nananaginip ka!”, sabi nito sakin. Doon ko napagtanto, panaginip pala ang lahat. Pero kelan ako nakatulog? Was I dreaming inside my dream? O talagang nakatulog ako pagtapos ng unang panaginip. Why was I being haunted by my own image? Kinabahan ako.

“A-anong oras na?”, bungad ko kay Larc. Tumingin ito sa cellphone nya.

“5:53am.”, sagot nito.

“Ah..”

“Okay ka lang ba? Gusto mo bang huwag muna ako pumasok sa trabaho ngayon?”, pagtanong ni Larc.

“No, I’m okay. Pumasok ka. Nanaginip lang naman ako.”, sabay bigay ng isang ngiti.

“Sigurado ka?”, alala nito.

“Yeah.”

“Oh, sige. Maghahanda lang ako ng almusal natin.”, ngiti nito sakin sabay halik sa labi ko.

“Namiss kita.”, seryosong sabi nito. Ngumiti lamang ako.

Matapos makakain at makapag ayos ni Larc ay pumasok na ito sa trabaho. Naiwan ako sa lamesa. Nasa harap ko pa din ang pinag kainan naming. Nababahala ako sa panaginip ko. Anong ibig sabihin ng mga nakita ko?!

Hindi ako nakatulog din ng maayos ng mga sumunod pang araw. Halos gabi gabi ko kasing napapanaginipan ang mga napanaginipan ko. Ngunit sa t’wing gigising ako ay hindi ko naman maalala ang panaginip ko. Basta ang pakiramdam ko ay mahalaga ito.

Minsang nakaupo ako sa sala ay napatingin ako sa kalendaryo. Bigla akong na alarma. Tatlong araw na lang. Agad kong kinuha ang cellphone ko at nag dial.

“Hello?”, sabi ng nasa kabilang linya.

“Hey.”, sagot ko naman.

“Oh, napatawag ka?”, sabi ng boses. Si Larc.

“Ah, napatingin kasi ako sa kalendaryo ngayon ngayon lang.”

“Oh, tapos?”

“Magbbday na pala ang Itay. Pwede ba tayong umuwi sa amin?”

“Oo naman. Namimis ko na rin sila Tito. Ilang taon ko na rin silang hindi nakikita at nakakasama.”

Nagulat ako sa isinagot ni Larc. Ilang taon? Bakit? Hindi ba sya pumunta sa mga nakaraang kaarawan ng Itay o ng Inay?

“Ah.. Oh, sige.”, tanging naisagot ko.

Pagtapos ko makausap si Larc ay binuksan ko ang tv. Walang magandang palabas, naghanap ako ng dvd, pero di ko masyado trip manood kaya nagdesisyon akong lumabas. Wala mang kasiguraduhan kung saan pupunta ay lumabas pa rin ako. Keso naman mamatay ako sa inip sa bahay.

Nagsimula akong maglakad lakad sa paligid. Hanggang sa nagdesisyon na sumakay ng taxi. Magmamall na lang ako. Total, mainit ang panahon. Masarap magpalamig ngayon sa mall.

Nang makarating sa mall ay nagsimula akong magtingin tingin ng kung ano ano. At kahit papaano ay naibsan naman ang pagka bored ko. Napakaraming tao din sa mall. Naisipan kong pumunta sa gitna ng mall kung saan maraming mga upuan. Pwede kang magrelax at magmasid ng mga taong naglalakad.

Magdesisyon akong humanap ng pagkain para hindi ako gutumin habang pinapanood ang mga tao. Ngunit sa t’wing papasok ako sa isang fastfood ay parang nawawalan ako ng gana. Lalabas muli ako at maghahanap ng kakainan.

Sa paglalakad ko ay nakakita ako ng gustong kainan. Agad akong pumila at nakangiting naghintay. Nang ako na ang susunod ay ngumiti sakin ang babaeng nagtitinda.

“Ate, 30 pesos nga pong fishball.”, sabi ko kay ate. Ngumiti ito.

“Sir, baka gusto nyo po i-try itong bagong inumin namin.”, pagaalok.

“No, gulaman na lang. Large.”, ngiti ko.

Nang makaupo ako sa gitna ng mall ay natawa ako sa sarili. Sa dami ba naman ng pwede kong kainan ay sa fishball pa rin ang uwi ko. Medyo na disappoint lang ako dahil mas gusto ko pa din ang fishball na kinakain ko sa park. Naalala ko lage ko pang pinupunasan sa mukha si Andre dahil parang bata ito kumain. Laging nalalagyan ng sauce sa gilid ng bibig nya habang nagkukwento ak..

Teka…

“Kasama si Andre…?”

“Nagkukwento…”

Tumaas ang balahibo ko. For sure, may naaalala akong ganung nangyari.

Bigla akong napatayo at kinuha ang cellphone ko. Hindi ko alam bat sya ang tinext ko para makipagkita. Pero sya ang unang pumasok sa isip ko.

Beep. Beep.

“Ok, pupunta ako…”





52 comments:

  1. Unti unti na napagtatato ni ryan ang katotohanan :D go go go! alex can help ryan para maliwanagan sya! :D galing mo talgaa kuya kenji! alam mo yan :D HAHAHA! exciting ang susunod na chapter :D

    ReplyDelete
  2. Thanks for this chapter.

    ReplyDelete
  3. It's all coming back now.. Eto na yun...! Medyo maikli ng kaunte.. Pero ok pa din.. Waiting for next chapter!

    -dylan of jeddah-

    ReplyDelete
  4. Ate Karen!welcome back hehehe hula lang friend! Ang ganda nung pagkakasalaysay nung panaginip. Ang lalim.galing friend! Nasa climax na pala ito. Memories... That's all i have.

    Lee

    ReplyDelete
  5. gold ako ang first..hehehe..ganda talaga ng story...keep the good work..

    ReplyDelete
  6. Ito na mukang magpapakwento na si Ryan kung ano ang nangyari.... sana ito na yun crossfingers..

    ReplyDelete
  7. parang dejavu na ang nangyayari....baka masaktan lang si ryan ng sobra sa huli....wag naman

    ReplyDelete
  8. wow sana bumalik na sya nkay andre... anu ba hehe :)

    ReplyDelete
  9. weee. ambilis na ng update :3

    ReplyDelete
  10. Una ako.. ^_^ Haaaay, sana bumalik na ang alaala ni Ryan, kawawa naman si Andre.. Sya ay para sa kanya.. Bigyan na lang ng ibang mamahalin si Larc.. Goooo RyAndre! ^_^

    ReplyDelete
  11. Naguumpisa ng bumalik ang ala-ala ni Ryan! Pero mukhang humihirap ang situation nilang tatlo..

    ReplyDelete
  12. saan na po ang update ng Shooting star at after all, please,,,,

    ReplyDelete
  13. wow medyo naalala nya na si andre...

    exciting ito...sana ma post na ang next chapter hehehehe...

    i hate you larc abusado ka masyado...

    where is karen...

    tnx mr. author....

    ReplyDelete
  14. sinu ang pupunta Aber ?? hahaisst sa wakas makakaalala na si Ryan , may progress na ! Misteryo pa rin saken kung sino makaktuluyan ni Ryan :)

    ReplyDelete
  15. lakas makabitin, Sana si Andre yung na txt nya hehe..

    XOXO "ARSTEVE"

    ReplyDelete
  16. I love it...

    Next na pls..xciting much sa next chapter..

    ReplyDelete
  17. Waaaaaaaaahhhhhh!!!!!!
    balik n sa realidad..

    How sad tapos n ang LARC-RYAN moment....

    Natamad n tuloy ako magbasa....
    Huhuhuhu!!!!..

    ReplyDelete
  18. Waaaaasahhhhhhhhh!!!!!
    Back to reality n..

    Tapos n ang moment ni LARC-RYAN..

    How sad..

    Tinatamad n tuloy ako magbasa..
    Huhuhuhu!!!

    ReplyDelete
  19. Hoy Larc, Hiyang-hiya nman ako sayo ahh, sa pagkaka-alam ko, si Ryan lang may amnesia. Hindi ka kasama. Hahahaha

    ReplyDelete
  20. kaunting kaunti na lang...

    sad na mag-eend na, pero it is the best!

    ReplyDelete
  21. what the hell? wala naman magandang nangyari sa chapter na to..it just left me hanging in a moment..kaasar..

    ReplyDelete
  22. Yehey naalala na nya si Andre!

    ReplyDelete
  23. Yehey!! Naaalala na nya si Andre!!

    ReplyDelete
  24. I think si karen yun tinext nya.. Hehe hula ko lng naman

    -Arvin of Taiwan-

    ReplyDelete
  25. Grabe kang mambitin Sir! Good one! I'll be raping my refresh button for the next coming days para sa next chapter...

    ReplyDelete
  26. grabeeh naman...sa bad ni larc..ang bad bad nya...i hate him...napaka selfish nya huuhuhuhu

    sana pagpunta nila ryan at larc sa itay at inay nya..sabihin na ng inay at itay kay Ryan ang nangyari heheh

    next chapter na...:))

    ReplyDelete
  27. wow.....

    unti unti na nagbabalik ang kanyang mga alaala...

    sana may makaalala din sa akin

    ReplyDelete
  28. naiiyak aq sa saya dun sa part na naalala ni ryan na kumakain sila ni andre ng fishball!! Naiisip q kc c andre na so broken sa mga sandaling to...sana wag niyang isuko si ryan...

    Maybe ryan called someone else at hindi c andre...

    -monty

    ReplyDelete
  29. hmmm its getting more interesting...

    ReplyDelete
  30. this is it!
    so intense

    idol blisan m pgupdate uber bitin aq bwahaha

    ReplyDelete
  31. Oh my god!! Cant wait for the next chapter.., finally!!! Haay salamat author ken at gumaganda na din ung story.., :)) Ang lakas maka-corny nung kabadingan ni larc eh... Okay naman na bi sila, pero ang lakas maka-babae ng peg ni larc which makes this story a bit oa and not realistic.., syempre dapat give and take din sila..., sumisigaw ung story ni larc ng 'Ako ung bida!!!! Mahaba ang hair ko!!!' madrama ako... Girl na girl!! yahoo!!!


    -Ms. Behave

    ReplyDelete
  32. I knew it! Yehey maaalala na ni ryan ang lahat! Konti nlng. :)

    ~frostking

    ReplyDelete
  33. konting tiiis na lang Andre, babalik na si Ryan. Thanks for the update Ken.

    ReplyDelete
  34. wow wow...ang hirap ng kalagayan niya..pano kaya ang mgka.amnesia talga ano.

    ReplyDelete
  35. hay''mkang excting ang mga ssnod n mngyyari''tsk

    ReplyDelete
  36. I like it!!!!!!!

    Gusto ko si andre at si ryan...


    DBS...

    ReplyDelete
  37. YIIIHH!! DI KO alam kung team larc o team andre ako! wahahaha :))

    ReplyDelete
  38. OMG sinu kaya tinext ni ryan.. excited for the next chapter...



    krisluv

    ReplyDelete
  39. nakalungkot isipin na malapit na pala tong matapos. worth the wait naman ang chapter na to. maalala na sana ni Ryan ang lahat. :)

    -Pao

    ReplyDelete
  40. Ang galing mo nang magsulat compare dun s mga nauna mong cnulat nun, pero sa totoo lng prang minsan ayoko nang ituloy basahin ung kwento kxe puro tragedy ung mga ngyayari, para kxeng hnd ako mkahinga pg nababasa ko ung mga part n ganun, pero ang galing mong magsulat na :)

    ReplyDelete
  41. Nooooo for andre p din ako.....! Team larc p din ako khit anung mangyare...... Kya nga ung title eh minahal ni bestfrend cnuba bstfrend nia nung prt 1 plng..

    ReplyDelete
  42. Finally, after a long wait .. nakabalik na rin ako .
    The most promising commenter . JOKE . XD

    minarathon ko simula Book 2 na hinintay ko ng kay tagal .
    *naging busy kasi sa college life . kaya ayun .
    pero .. now na nagbabalik na nga ako ..
    i'm very HAPPY na you're brightening up my every day .

    MIXED emotions .
    pers tym na naiyak ako as in literal .. ee yung kay kuya mike na ..
    Idol ko si sir ..
    and for the second timeeeeeee ..

    you made me cry .
    di kinaya ng puso ko lahat ng emosyon .
    ibang pagkamrtyr ang former role ni Ryan .
    yung tipong di ka maiinis kasi he's not JUST doing it para magpakatanga .
    there are many reasons behind it .. like pursuing his studies , etc ..

    basta . i love all the characters EXCEPT Larc .
    nung una naintindihan ko pa siya sa pagsasamantala nya kay Ryan ee .
    pero NGAYON?! na He MUST not TAKE ADVANTAGE of the situation!
    alam nyang may amnesia yung tao ..

    HE'LL reap what he sow.
    =_=
    tignan lang naten .

    *evil laugh
    XD

    Thanks kuya Ken ~

    ReplyDelete
  43. Finally, after a long wait .. nakabalik na rin ako .
    The most promising commenter . JOKE . XD

    minarathon ko simula Book 2 na hinintay ko ng kay tagal .
    *naging busy kasi sa college life . kaya ayun .
    pero .. now na nagbabalik na nga ako ..
    i'm very HAPPY na you're brightening up my every day .

    MIXED emotions .
    pers tym na naiyak ako as in literal .. ee yung kay kuya mike na ..
    Idol ko si sir ..
    and for the second timeeeeeee ..

    you made me cry .
    di kinaya ng puso ko lahat ng emosyon .
    ibang pagkamrtyr ang former role ni Ryan .
    yung tipong di ka maiinis kasi he's not JUST doing it para magpakatanga .
    there are many reasons behind it .. like pursuing his studies , etc ..

    basta . i love all the characters EXCEPT Larc .
    nung una naintindihan ko pa siya sa pagsasamantala nya kay Ryan ee .
    pero NGAYON?! na He MUST not TAKE ADVANTAGE of the situation!
    alam nyang may amnesia yung tao ..

    HE'LL reap what he sow.
    =_=
    tignan lang naten .

    *evil laugh
    XD

    Thanks kuya Ken ~

    ReplyDelete
  44. waahh wala na akong susubaybayan pag tapos na to. :(

    ReplyDelete
  45. bakit ganun yung character ni larc, sya ang bestfriend pero, di sya nag iisip for his best friend, Ryan. Kaya mas madami na ang may gusto sa character ni andre dahil matiyaga sya at totoo sya.kaya nyang maghintay para kay Ryan pero wag sana niyang hayaan na malayo sa kanya si Ryan.
    Haaaaay puro sakit na lang ang nararamdaman ni Ryan everytime na mag end ang story. sana may next part, or yung next ibang character na pero ganito din. nice one author. you make a difference.

    ReplyDelete
  46. ang ganda talaga!!! Ayoko pa sya matapos pero kailangan na. Hehe! Hinahanap hanap na ng puso ni Ryan si Andre.

    ReplyDelete
  47. idol ken! i just voted for andre.. :)
    johnjamesjohn

    ReplyDelete
  48. I can't w8 for the next chapter. I'm so absored by the stories. Hndi ko pinapalagpas kahit mag CR ako, dinadala ko pti ung phone ko. :)) I don't miss even a single hour reading this. Pilit kong tinatapos basahin even I have work. Hahahaha! I'm so so related by this story, even though medyo disappointed sa mga bed sences but u fullfilled it with those romantic lines. I'm really greatfull for sharing this to us, ken. Keep up the good work. At lalong dadami ng dadami ung mga followers mo. God bless!

    -Arvz frm UAE.

    ReplyDelete