Una po sa lahat ay gusto ko humingi ng tawad sa aking late posting. Pasensya na po talaga at maraming salamat po sa inyong pag intindi.
Pangalawa po, ay gusto ko naman magpasalamat sa lahat lahat ng bumati sa akin noong aking nakaraang kaarawan. Sobrang salamat po.
Pangatlo, ay gusto ko po pasalamatn ang aking aking Bembem ko na laging andyan para sa akin all the way! Kay MIMI RAGE na syang gumawa ng cover, Kay Jojie, Zeke, at kay Erwin F. Syempre po kay --makki--,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, iamronald, cuirous19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh (Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price arl, Mark Jayson Pionela, Judaskyle13, JD Javra,Jasper, ZROM60, kapitanismo, Eiji_monster, =dereck=, Riley, Chris, Lei, arvie04,John Gino Basinang, Red of Singapore, Josue Altoveros, Nico, kean tongol, ryan lee, Anthon Gonzales, Edward, Christian, arljhay, hula_boy, 21, totix, erickvladd, calvin, PIP, J, -London-, Down D. Line, ,Mel Gibson, jrvr, vinz_uan, mon, Queckenstedt, kean tongol, Atsea, Bonzai, ryan lee, -rob-, IAN, JM MJ, Jay-Ar, robert, Ryvis Tan, vincent28, Jhumer Andres, shane, Nico, Bonzai, dhyames, wexersz_15, Ras, EUS, Iamrex, LordPauldemort, itsmethirdy, ryan lee, shane, Jhumer Andres, Hiya!, Jay-ar, renxz, pangz, jaymefrompalawan, Ryvis Tan, jamespott, Rez of Bacolod, Silent_al, ariel loniga, jheyjhey javier, maybe, g, patryckjr, Enrique, iRead,wil, jae.jae, RGEEE, Jim of Pangasinan, xheanne, eric sioson, Cloyd, LEI, Moon Sung-Min, meloh, _june_, JD Javra, d^,^b camotes \m/hunk, nam, itsmethirdy, =jess=, Marcanthony, knight_in_shining_armor(hehehe), nam, Danielle, alejojohn, _unspoken_words_, akosijames, Nicholadia, Enrique, lloydie, LemLem, Jayar, Nico, Unknown, Aldrin, , _alelojohn, Dada Marcelo, cris bautista, Malachimark, -erickboi-, Yoshi, Karl rickson, online via ginno, Nikko Ramos, toffer lopez, Prince Pao, ALex, ja, kris, ramzter, Jm_virgin2009, Marlone, edrich of cebu, Archivald, russ, Mars, foxriver, Burj of Abu Dhabi, maybe, pd, mykel22, ampugeh, mark5337, ALDRIN, Al, brenthotz18, toffer lopez, Prince Pao, MarcAnthony, - marcus -, Nikko Ramos, Rands of QC, harry, alex, .paisano, jay.19.bi, Pancookie, cris bautista, Bri, Alexis Gacayan, Paolo Escaba, tj, nikk, eric sioson, -rom-, shingha, Mr.handsome, Mac, nivz, MP of Pasig, ilyrars, erik, .lordsun pogie, Enzo12, Tnito Schrugs, aeigh27 of binan laguna, cris bautista, JC SHIN, marlboro, monty, cazlhers@yahoo.com, fixboy, jay Tagaro, kris, Keanu Reeves, Marky, -rom-, foxriver, diumar, P.Y.S.H, edrich of cebu, bon-bon, Gerald, dhenxo (UTOL!!), kira, Uri_KiDo, Arnold Lachica, iamfree, chadie, IgnorantengFrog, ericka, em_bie24, , arvin of Taiwan, nikk, A L P O, rain, shingha, pein_kyoya, Gian, Enzo12, MIMI RAGE, Brent Angelo, Lawfer, Levin, Ramm, razhly, luilao, kajiki_anton, Jerwin Caraang, slushe.love, Jamespott, pein_kyoya, monja, paul ni joseph ponce, iamdarkdreamer, trutsofme, 12334, Paopi Lopez, dyasper dyokson, Rj, Bequillo, jhexter vhon, Redrockerz, Jamespott, cheryllee, Kimpoy Feliciano, Yrec, Karl Ricson, kierlynez, jon888, archerangel, Cholo Sevilla, ramzter, cy, ian of k.s.a, krisluv, dro, allen mark, manuel, franklin alviola, sora cesar aloner, justine of QATAR, cap, vash18, ramy from qatar, hot_andrew_21, derek ramsey, Jm Fab, ARSTEVE, edward_cavite, g, jhayc, jaycee mejica, kiero143, MorLuck, Tagadxb, Charo Santos, Choy Sevilla, Chris Evans, PauuulFabian, Pao, Ayen, Lee, Toffer(charmedboy09), anita baker, -kiss-, lm_rix, jhay ar tabz, Saykz, hajji alivio, ryval winston, jaycee mejica, Leowenstein, nashdane, Manuel, Louis, Dylan of Jeddah, carlo lovendino, ireneomercado, LeonardCruzL@yahoo.com, johnjamesjohn, eelkahr, hormy, manila_sex_actor,DyEyD, carlo lovendino, Yhno, at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at silent readers po. :) At syempre po sa mga friends natin sa fb.
Pwede nyo po pala ako macontact sa mga sumusunod. Favor na rin pala. Hehehehe ^_^
Fb Add- http://www.facebook.com/kenji.bem.oya
Fb Fanpage Like - http://www.facebook.com/minahalnibestfriend
Blogsite - darkkenstories.blogspot.com
COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED
Sa una ay medyo grogy pa si Ryan, yung tipong feeling ng
bagong gising at di pa nakaka adjust ang mata sa liwanag. Pero mamaya maya ay
sinubukan nitong ifocus ang tingin. Nakita ko syang nakatingin sakin. Agad ko
syang nginitian. Tumango naman ito. Hinawakan ko muli ang mga kamay nito..
“Mahal ko…..”
Tiningnan ako nito na medyo hilo hilo pa.
“Hmmmm?”, mahinang sagot nito.
“Hinintay kita…”, umiiyak kong tugon.
“Hah?”
“Sa wakas! Gumising ka na.”, luha luha kong sabi.
Pero ang mga sumunod na nangyari ang tuluyang nakawasak sa
mundo ko. At ang kinabigla ng lahat.
“Mahal?”, buong pagtatakang tanong ni Ryan.
“Asan ako?”, dagdag nito.
“Huh? Nasa hospital
ka. Naaksidente ka.”, umiiyak kong tugon.
“Eh teka doc, paanong?”
“Hah? Doc? Ako to si Andre.”
“A-Andre? Sinong
Andre?”, halatang confused ito.
Halos mabagsakan ako ng langit sa narinig. How could this be
happening?
“Tumawag kayo ng doctor!”, biglang sigaw ni Chelsea. Lumabas
naman si Andoy at Melai para tawagin ang doctor. Pinindot na din naming yung
pantawag sa mga nurse.
Lumapit ako lalo kay Ryan at hinawakan ang mga kamay nito.
Halata naman ang pagkagulat nito.
“Ryan. Ako to. Si Andre…”, pagpipilit ko.
“H-hindi kita kilala… Te-teka, A-aray ang sakit ng ulo ko.
Asan ba ko?”, mahinang usal ni Ryan.
“Friend, andito tayo sa hospital. Naaksidente ka. Hindi mo ba
natatandaan?”, alalang sagot ni Karen.
“Hospital? Naaksidente? Ako? Te-teka, Karen, andito ka?
K-kelan pa? Bat andito ka?”, gulong gulong tanong ni Ryan. Lalo akong naiyak.
“Oo. Hospital, dito sa Manila. Naaksidente ka habang
nagddrive.”, sagot ni Karen.
“Maynila? Nasa Manila ako? Teka, kung naaksidente ako.. Hah..
Sino ba sila?”, takot na sagot ni Ryan. Napatingin ito sa paligid at parang may
hinahanap na kung sino. Ngaguguluhan naman ito na tila walang kilala ni isa sa aming tropa nya. At ako, na mahal nya.
“Ryan, mahal ko.. Ako to si Andre…”, mangiyak ngiyak kong
tugon sabay hawak muli sa kamay ni Ryan. Binawi naman nito agad ang kamay.
“Ma-mahal…? A-ako?? Karen!! Sino to?!”, tarantang sagot ni
Ryan. Lumapit naman si Karen sa tabi ni Ryan at hinawakan ang kamay nito. Kapit
na kapit naman ang hawak ni Ryan sa kamay ni Karen. Parang takot na takot at
gulong gulo ang reaksyon sa mukha ni Ryan.
“Ryan, hindi mo ba sila natatandaan? Si Chelsea, Andoy,
Melai, Gino, Brian, Kulas, at si Andre.. Ang boyfriend mo.”, pagpapaliwanag ni
Karen.
Nakita kong biglang tumingin si Ryan sakin at pilit iniistema
ang ichura ko.
“B-boyfriend….? Sya…? Pero paanong.. Teka, asan ba si
Larc..?!”, tugon ni Ryan. Muli itong tumingin tingin sa paligid. Lumapit naman
dahan dahan si Larc at tila naguguluhan din sa mga nangyayari.
Halos pakiramdam ko ay kainin ako ng lupa. Parang gusto kong
isuka ang kalamnan ko. Nararamdaman ko ang pagbaliktad ng sikmura ko. Hindi ako
matandaan ni Ryan. Bakit?!
Maya maya ay dumating ang doctor at chineck ang kalagayan ni
Ryan. Matapos namang icheck ay lumapit ito sa amin at ipinaliwanag na mukhang
nagkaroon ng amnesia si Ryan dahil sa trauma. Normal lang daw ito sa mga
katulad nya na nagkaroon ng malalang head injury. Pero ang hindi lang daw nya
matitiyak kung kelan, o kung babalik pa ang ala-ala nito.
Halos manlumo ako sa mga narinig. Nagiiyak ako at niyakap
naman ako ni Karen.
“Bakit si Karen at Larc, natatandaan nya?”, tanong ko.
Ang sagot naman ng doctor ay hindi naman total amnesia ang
nangyari kay Ryan. May certain point lang daw na ang huling naaalala ni Ryan. Ang suhestiyon
naman ni Karen ay baka ang pagpunta sa Maynila ni Ryan ang huli nyang
natatandaan. At kaya sila natatandaan ay dahil magkakakilala na sila bago pa
man din sya pumunta ng Maynila.
“Hindi maari to.. Pero pano…”, nanlulumo kong sabi.
Hinawakan naman ako ni Karen ng mahigpit sa paligid.
“Umayos ka nga! Hindi ito ang panahon para magbreak down ka.
Ngayon mo mas higit kailangan magpakatatag, dahil mas ngayon ka kailangan ni
Ryan.”, matigas na sabi ni Karen.
“Anong gagawin ko?”, lumo ko pa ring tanong.
“Kung alam ko lang ang sagot.. Pero pagtutulungan natin to..
Tsaka sa dami ba naman ng pinagdaanan nyo.. Ngayon ka pa susuko?!”
Napatango lang ako sa sinabi ni Karen. Tama sya, hindi ito
ang panahon para manghina ako. Mas kailangan ako ni Ryan ngayon.
“Maaalala mo ko Ryan.. Maaalala mo ang lahat sa atin..
Pangako.”, mahina ngunit matapang na sabi ko sa sarili.
Dahil sa shock na natamo ni Ryan sa pagkagising ay sumakit
ang ulo nito kaya pinagpahinga muna sya ng doktor.
Nakita kong nakaupo
lang sa tabi ni Ryan si Larc. Tahimik at nakatitig sa natutulog na si Ryan.
Hindi ko alam ang iniisip nito. Pero kinakabahan ako. Lalo na ngayon ang
natatandaan ni Ryan ay ang bago pa sya makapunta ng Maynila.. Ang ibig sabihin,
ang alam nyang mahal nya, ay si Larc…..
“Ku-kuya….”, mahinang tawag ni Aaron sa akin. Niyakag ako
nito na lumabas muna ng kwarto at magtungo sa park sa labas ng hospital.
“Oh, Aaron, bakit…?”, alalang tanong ko sa kapatid.
“Kuya… Sorry… So-sorry talaga… Kasalanan ko to… Hwag mo
sabihing hindi ako ang may kasalanan dahil alam kong ako!! At ngayon, nawalan
ng alalaala di Kuya Ryan ng dahil sa kaartehan at kalandian ko!!”, masamang
masamang loob na daing ni Aaron sa akin. Agad ko naman itong niyakap.
Ayoko sisihin ang kapatid. Hindi ko sya sinisisi, at alam
kong si Ryan ay ganun din. Ngunit wala akong naisagot sa kapatid kundi yakapin
lang ito habang umiiyak. Ramdam ko sa pag-iyak nya ang lungkot at pagsisisi
habang paulit ulit na nagsosorry.
Nang medyo kumalma na ako sa pag-iyak ay kinausap ko ng
maayos ang kapatid.
“Look, Aaron.. Hindi ako galit sayo, at nasisiguro ko sayo na
kung naaalala man tayo ng Kuya Ryan mo ngayon ay yun din ang sasabihin nya
sayo. Hindi ko siguro maalis sayo yung pakiramdam ng guilt, pero ang magagawa
natin ngayon ay tulungan ang Kuya Ryan mo na maka-alala.”pagpapaliwanag ko kay
Aaron.
“Kuya, Hindi ako titigil. Kahit ano, gagawin ko para
matulungan kayo.”, umiiyak ngunit paniniguro ni Aaron. Niyakap ko lang ito.
Si Ryan…
“Anong nangyayari..?”, tanong ko sa isip ko.
Nakapikit ako at ayaw ko muna dumilat dahil ibang iba sa huli
kong natatandaan ang mga nangyari. Totoo ba ito? Bakit nangyayari to? Bakit
wala akong matandaan? Totoo bang dalawang taon na ang lumipas? Ibig sabihin..
Graduate na ako? Bakit hindi ko matandaan? At teka, sino nga ba si Andre at bat
sinasabi nyang boyfriend ko sya? Paano? Hindi ba si Larc ang mahal ko? Paanong
naging si Andre ang boyfriend ko?
Naramdaman ko ang pagkapagod sa pagiisip. Kaya naisipan kong
dumilat at harapin kung ano mang nangyayari kahit pa sobrang naguguluhan pa din
ako.
Nakita ko agad si Larc pagdilat na pagdilat ko. Nakaupo lang
ito sa tabi ko at nakatingin sakin. Nakita nya na akong dilat ngunit hindi sya
nagsasalita. Bakit?
“Ryan…”, rinig kong salita. Agad akong napatingin sa
pinanggalingan ng boses. Isang lalakeng mugto ang mga mata. Si A-Andre ata
pangalan nya. Yung nagpakilalang boyfriend ko.
“Hmmm…?”, alinlangan kong sagot.
“May masakit ba sayo? Nagugutom ka ba..?”, tanong ni Andre.
Nakaramdam din ako ng alinlangan sa boses nya.
“Ah.. Na-uuhaw ako.”, mahinang sagot ko. Agad naman nya akong
kinuhanan ng maiinom.
Pinagmasdan ko sya habang kumukuha ng inumin. Hindi ako
makapaniwala na boyfriend ko itong taong ito. I mean, kasi napaka obvious ng
pagkakaiba naming. Sa ichura at pananamit nya palang, alam mo ng may kaya sya.
Eh hamak na simpleng tao lang naman ako. Paano kaya naging boyfriend ko ang
taong to.
“Ito…”, pag abot nya sa akin ng tubig. Uminom naman ako dahan
dahan.
“Salamat.”, mahina kong tugon.
Tumingin ako sa paligid ng kwarto. Wala akong kilala talaga
bukod kay Karen at Larc. Pero lahat sila ay kilala ako. So ibig sabihin,
talagang nangyari ang lahat? Pero teka…!
“Ahm… A-Andre…?”, nahihiya kong tawag.
“Bakit Ma-mahal ko…”, medyo hininaan nya ang salitang mahal
at napansin ang lungkot sa mukha nya.
“Asan ang mga magulang ko?”
“Ah! Papunta na sila…”, marahang sagot nya.
“Ganun ba…”
Napatingin ako muli sa loob ng silid. Napansin ko uli si
Larc. Hindi pa din sya nagsasalita. Bakit ang tahimik nya? Nakakapanibago. Ni
hindi man lang nya ako kinausap o binati simula ng magising ako.
“Huy Larc..!”, casual na tawag ko. Magulat naman ako sa
rekasyon nya dahil parang nagulat sya.
“A-ah.. Uy.”, tipid nyang sagot.
“Ano bang nangyari sayo dyan at ang tahimik mo?!”, pagtatanong
ko. Nakita ko syang napatingin kay Andre.
“Hah. Hindi. Pagod lang.”
“Aah.. Halika nga dito at lumapit ka. Para namang hindi mo ko
bestfriend.”, sabay bigay ko ng ngiti.
Lumapit si Larc at umupi sa tabi ko. Napansin ko ang pamumuo
ng luha sa mga mata nya. Bakit sya umiiyak?
“Oh, eh bat ka umiiyak?”, takang tanong ko.
Umiling lang ito at ngumiti sakin. Ang weird. Hindi ko alam
pero iba ang pakiramdam. Parang may nagbago, o bago. Hindi ko maexplain.
“W-wala. Masaya lang ako, gising ka na.”, pagsagot nito.
“Eh bat ang tahimik mo pa din? Diba nga dapat masaya ka dahil
gising na ko?”
“Masaya ako, Ryan.. Masayang masaya…”, sabay tulo ng luha
nya.
“Alam mo, ang OA mo. Nakakapanibago ka, ha.”, pagbibiro ko.
Pero hindi sya tumawa.
“Pagod nga lang ako..”
Napatingin ako kay Andre at nakita kong malungkot ang mukha
nya. Hindi ko alam kung bakit. Pero somehow, affected ako sa mga tingin nyang
yun.
“Kuya…”, pagtawag sakin ng isang binata.
“Y-yes..?”, pagsagot ko.
“K-kamusta ka na? Ako nga pala si Aaron. Kapatid ni Andre.”,
magalang na pagpapakilala ng binata.
Aaron…? Aaron……? San ko ba narinig ang pangalan na yun?
“Medyo maayos naman. Hindi ko lang maigalaw pa ang mga paa
ko.”, sagot ko. Bigla namang nagiiyak si Aaron na sya namang kinagulat ko.
“Kuya sorry.”, paglapit ni Aaron at hawak sa kamay ko.
Nagulat nanaman ako.
“Sorry saan?”
“Ako ang may kasalanan kuya.. Kung di lang sana..”, pagiyak
nya. Pinigil naman ito ni Andre.
“Aaron, huwag muna. Hayaan mo muna makapagpahinga at makauwi
satin si Kuya mo.”, pagpigil ni Andre sa kapatid.
Ano daw? Uwi sakanila?! Magkasama kami sa bahay? Eh dib a ang
plano ay kaila Larc ako magsstay?!
“Teka, sa inyo ako tumutuloy?”, tanong ko.
“Oo, Ryan.”, sabat ni Larc. Nagulat ako. Bakit?!
Nakita kong may pumasok ng pintuan, si Karen. May kasa kasama
itong isang lalaki at babae. Hawak ng lalaki ang bag nya. Alam kong bag nya yun
dahil bag pambabae ang dala. May boyfriend na si Karen?
“Oh, gising ka na pala ulit…”, alalang sabi ni Karen.
“Oh, Karen…”, sagot ko.
“Kamusta ka na?”, pagbati ng lalakeng kasama nya. Nakatingin
lang ako. Siniko naman ni Karen ang lalake.
“Ay! Oo nga pala. Amnesia. Ako si Kulas. Pogi kong to,
nakalimutan mo?”, pagbibiro nig nagpakilalang si Kulas. Medyo natawa naman ako
sa pagka confident nya.
“Ako naman si Chelsea. Buti naman okay ka na friend.”, singit
ng isang babae.
“Nako, alam ko naguguluhan ka Ryan.. Pero kapag naging okay
na ang lahat ay ikkwento ko sayo ang lahat. Sa ngayon, magpahinga ka na lang
muna. Parating na din sila tita.”, mahinahong sabi ni Karen sabay pakaawala ng
ngiti.
“Mas gumanda ka Karen…”, pagsagot ko.
“Nako, iumpog kaya kita uli? Maganda naman talaga ko, noh!
Hehehe.”, pagbibiro din ni Karen.
“Wala akong maalala..”, malungkot kong tugon. Umupo naman sa
kama sat bi ko si Karen at hinaplos ang buhok ko.
“Okay lang yan. Huwag mo pilitin. Babalik din yan. Maaalala
mo din ang lahat.”, paninigurado nya.
Napagod akong muli kaya sinabi kong matutulog muna ako ulit.
Hindi ko alam pero ang dali ko mapagod. Kung totoo man nacoma ako ng matagal,
bakit inaantok pa din ako eh ang tagal ko na ngang tulog.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog pero pag mulat
ko ay nakita ko na ang Inay at Itay. Agad itong lumapit sa akin at niyakap ako.
“Susko, anak ko.”, pagiyak agad ng Inay.
“Nay….”, tanging nasambit ko.
“Mabuti naman at ayos ka na anak. Ang tagal ka naming
ipnagdasal n asana magising ka na.”, sabi ng Itay.
“Kamusta ka na anak?”, luhang sabi ng Inay.
“Medyo nanghihina po, pero medyo mas maayos nap o. Hindi ko
lang po maramdaman ang mga paa ko.”, pagsagot ko.
Nagkaroon kami ng kamustuhan mag-anak. Naikwento nila na iba
na nga ang trabaho nila dahil may negosyo na daw kami. Nagulat ako at namangha
sa mga nalaman. Kaya naman pala medyo naiba na rin ang ichura ng aking mga
magulang. Hindi na masyado sunog ang balat sa pagtratrabaho ni Itay sa bukid.
At hindi na ganun kapagod ang ichura ni Nanay sa paglalako at pagtratrabaho
kung saan saan.
Nakalipas ang ilang araw at pwede na daw akong lumabas ng
hospital. Doon daw ako iuuwi sa bahay naming nung Andre. Medyo alinlangan naman
ako dahil hindi ko nga kilala si Andre. Or atleast hindi ko sya matandaan na
nakilala ko sya.
“Asan si Larc?”, tanong ko.
“Ay friend, hindi sya makakapunta dahil may work sya.”, sagot
ni Karen.
Nagtaka ako dahil bakit wala sya dito. At bakit nga ba ang
cold nya sakin kahit pa nitong mga huling araw.
Sinakay ako sa wheelchair dahil hindi pa din ako makapaglakad
ng maayos. Kailangan daw muna ako I therapy dahil sa tagal kong hindi
nakapaglakad. Makakatayo pa naman daw ako, pero baka mahirapan ako.
Marahan akong isinakay sa sasakyan ni Andre. At tahimik lang
ako sa loob ng sasakyan. Andun din si Karen at ang Kulas, na boyfriend nya nga
pala talaga. Ang awkward sa loob ng sasakyan dahil tahimik ang lahat.
Pagdating naming sa bahay naming ni Andre ay umasa ko na pag
nakapunta ako doon ay kahit papano, may maalala ako. Ngunit pagdating naming ay
wala pa ding nagbago. Nanibago ako dahil kahit nakapunta na daw ako doon at
doon pa nakatira, wala talaga akong maalala na nakapunta na ako dito.
“Welcome home.”, pagpasok ko ay may nakita akong banner na
nakapaskil. Napatingin naman sa akin si Andre at naghihintay sa magiging
reaksyon ko. Pero ano ba dapat kong i-react? Masaya ba? Paano?
Nagbigay ako ng tipid na ngiti. Niyakap nya ako. Nailang
naman ako dahil kasama naming si Karen at Kulas.
“Salamat.”, nahihiya kong sabi.
Lumuhod si Andre sa harap ko dahil nga nakasakay pa din ako
sa wheelchair. Nakatingin lang sya sa akin at nakangiti. Nakakailang.
“Mahal na mahal kita…”, sambit nya. Mas awkward sa feeling.
Pero ngumiti ako ng bahagya.
“P-pasensya ka na.. Pakiramdam ko kasi….”, nahihiya kong
sagot ngunit pinigil ako ni Andre.
“I know. Okay lang.. Maghihintay ako..”
Hintay. Maghihintay. Hintayin. Teka…
“Ano nga ulit yun?”, tanong ko.
“Ang sabi ko maghihintay ako…”, rinig kong buong sinceridad
nyang sagot.
Gusto kong maawa para sakanya. Just looking at Andre, alam
kong totoo ang sinasabi nya. Pero paano? Kung sa sarili ko ay hindi ko
maramdaman o maalala kung ano nga bang meron kami. He was a complete stranger
to me. Yun ang pakiramdam.
Nakatingin lang ako sa paligid ng tinutuluyan ko “daw” na
bahay. Marangya ito. How can I be staying at this place? Totoo ba ito? Bakit
dito ako napunta? Okay, I pictured in my mind na kung magsabi man ako kay Larc
ng aking damdamin at ganun din ang nararamdaman nya ay sa ganto akong bahay din
matutuloy dahil nga sa alam kong mayaman sila. Pero dahil nga wala naman akong
balak sabihin sakanya ay nasa isip ko nab aka ka-level ko lang ang magiging
kasama ko sa buhay.
Pero teka? Ano nga ba nangyari sa amin ni Larc? Bakit ba
hindi na ako nakatira sakanila? Sigurado ako na tumira ako sakanila dahil yun
ang plano naming. Talaga bang nagawa kong kalimutan ang pag-ibig ko para kay
Larc? Bakit? Anong rason?
Sa pagmamasid ko sa buong kabahayan ay nakuha ng atensyon ko
sa isang lamesa. May dalawang figurine ng angel dito at ang katabi naman ay
isang picture frame. Inilapit ko ang sarili kahit medyo hirap. Hindi naman kasi
ako sanay kumilos gamit ang wheelchair.
Kinuha ko ang picture frame at tiningnan ang larawan, kaming
dalawa ni Andre. Hindi ko alam pero it felt very nostalgic. Hindi ko maalala
kung kelan ba ito kinunan pero ramdam na ramdam ko na totoo ito. Lalo na dahil
na rin sa ichura n gaming mga ngiti ni Andre. Andre looked so happy and I
seemed very contented. Yun ang pinapakita ng larawan.
“May naalala ka ba?”, litaw ng isang boses. Napalinga ako at
nakita si Andre. He was teary-eyed.
Napailing lang ako.
“Aah.. Ganun ba…”, malungkot nyang sabi. Hindi ko alam pero
nakakaguilty sa pakiramdam.
“Ah..! Pahinga ka muna! Malamang pagod ka!”, pagpunas bigla
ni Andre ng luha. He tried to compose himself. Pero kita sa mukha nya ang
lungkot.
“Sorry ha.”, naiilang kong sagot.
“It’s okay.. Sabi ko sayo, maghihintay ako..”, kalmado nyang
sagot.
“Maghihintay…?”, nasabi ko sa sarili ko habang tinutulak nya
ang wheelchair papunta sa isang kwarto. Siguro ito ang kwarto naming dalawa.
Nang makapasok ay isinandal ni Andre ang likod ko sa kama at
inayos ang mga paa ko. Dahil nga sa matagal tagal kong hindi nagamit ang mga
paa ko ay hindi ko ito makilos pa ng maayos. Nakita ko naman si Karen na umupo
sa tabi ko. Nasa likod naman nya ang pinakilala nyang boyfriend, si Ku…Kulot
ata yun. Basta parang ganun.
SI Andre.
Masakit. Ano ba ang kasalanan ko at naging ganto ang
pinagkahantungan naming ni Ryan? Ito nab a ang kabayaran sa mga kasalanan ko?
Hindi nya talaga ako naaalala. Kahit pa naka uwi na kami sa
amin ay wala syang naalala kahit isa. And worst, ang hinahanap nya ay si Larc.
Should I tell him kung anong ginawa sakanya ni Larc? Ayoko maging selfish.
Nangako ako kay Ryan na hihintayin ko ang pagbabalik nya. He’s half way there.
Hihintayin ko pa rin sya.
Lumabas muna ako ng kwarto. Iniwan si Ryan kasama sina Kulas
at Karen. Ayoko ipakita kay Ryan na namumuo nanaman ang mga luha ko. Hindi ito
makakatulong. Kailangan ko magpakatatag para sakanya.
“Hey… Are you alright..?”, alalang tanong ni Karen na di ko
napansin na sumunod pala sa akin.
“Wala pa rin syang naaalala.”, simple kong sagot.
“Give it some time… Total, kakauwi pa lang naman nya. I’m
sure, Ryan will remember everything soon.”, page encourage ni Karen.
“Yeah.”, sabay patak muli ng luha sa aking mata.
Nagulat na lang kami ng may narinig kaming nagsisisigaw mula
sa kwarto ni Ryan. Agad kaming nagtatakbo ni Karen. Naabutan naman naming na
umiiyak si Ryan at galit nag alit kay Kulas.
“Anong nangyayari dito?!”, pagsigaw ko.
“Umalis ka!!!!!!”, pagsigaw ni Ryan.
Ay kawawa sy andre...di sya naalala ni ryan...atlest gising na sya...bongga ang twist nito..xciting to...love it..
ReplyDeleteWhoa!!
ReplyDeleteRyan magpagaling ka ha!!
Nice 100% nanaman ako!!
sorry onichan kung ngayon lang ako nag comment,
namatay kasi si uncle eh, and saglit lang ako nag iinternet dahil tumutulong ako sa lamay.
Pero thanks again dito!
Magpapahinga ulit ako!
Thumbs up kuya.. idol talaga!!
ReplyDeleteNice chapter..
Jerome ang Bunso Ng MNB haha :D
Sad... Na makalimutan ka ng taong mahal mo.
ReplyDeleteaww kawawa naman si andre... bitin ano kaya ginawa ni kulas haist
ReplyDeletesuper love ko tong MNB :-)
XOXO "ARSTEVE"
Sabi na eh! Hahaha
ReplyDeleteNice author!
EUS
Sabi na eh! Hahaha
ReplyDeleteNice author!
EUS
Kawawa nmn c andrei :(
ReplyDeleteChanca na ata ni larc ah!!!
Tsk3..
Galing tlga ni author :)
Now lng me ng comment hehehe
Hanep tlga!!!!
ReplyDeleteGaling galing..
Kawawa nmn c andrei, eepal na c larc hehehe..
Nice author!!
First time mg commnt :)
awts.... sabi ko na nga ba pwede mangyari ito :(
ReplyDeleteI felt sad for andre :(, pro wag kang susuko andre! maaalala ka din ni ryan :)
ReplyDeleteAng sakit. Ang sakit sakit!
ReplyDeleteGusto kong sumigaw. T_T
ok na sana eh! They WERE very happy together. Bat kelangan pa ng ganito. :(
~frostking
oha oha tama ako hahhahahhaa.....
ReplyDeletemaxado predictable ung amnesia eh....
pero bumabawi si author sa twist ha...
unti unti na bang naaalala ni ryan ung mga nangyari...???
TEAM LARC mukhang me pag-asa na kau ahh..
-eelkahr
I feel sorry for Andre....
ReplyDeleteBakit sumigaw? Anes ang ginawa? Hmmmmm?
Bongga!
Ayan ha may "bongga" word na friend ha! Hahahahaha!
I think Kulas was badmouthing Larc, kya sia nagsusumigaw lol
Deletei think so too..maybe he said something against larc na di mapaniwalaan ni ryan..
Delete-J
na sad ako for andre, pero wag kang susuko! maaalala ka din ni ryan :D
ReplyDelete,grabe luha ko :'( go lang andre kaya mo yan.. Wag ka magalala gagaling din c ryan.. Ganda.. Pasensya di ko na kinaya ka ng c0mment na ako haha..
ReplyDelete-jake ventura-
,grabe luha ko :'( go lang andre kaya mo yan.. Wag ka magalala gagaling din c ryan.. Ganda.. Pasensya di ko na kinaya ka ng c0mment na ako haha..
ReplyDelete-jake ventura-
tama ang aking hinala..!
ReplyDeleteParang si victor lang ng two wives! Ahaha
nice author. Kakbitin!
Iamrex :)
ito ang tinatawag kong 360% turn around... whew! next na!
ReplyDeleteMaygas. Anis ba ang nangyare? Nirape? Lol. O bka nman iniuntog ang ulo? Lol.
ReplyDeleteBkit kasi nagpkabitter ako sa chapter 10? Yan tuloy, naging totoo sinabi ko. Hayy,.
I assume n selective amnesia ung nararanasan ni larc, pero pagkakaalam ko its either ung pinakamasaya o pinakamalungkot n pngyayari ang pwede nyang makalimutan and both of which eh tungkol lahat ky larc, kya ewan, pero sna hnd nya kamuhian ulit c larc after n bumalik ung memory nya totally.
ReplyDeleteSi ryan ang may amnesia. And yes maaring aelective nga which is why nakalimutan nya ang pinakamasalimuot na parte ng buhay niya, that was when he entered college. Kaya ang naaalala niya lng ay ang masayang past nila ni Larc...
Deleteeto na talaga un-
ReplyDeleteWoh-
Tapus ang maaalala ni ryan eh nung mga oras na bad pa sa kanya c andre_
Subrang napakasakit sa side ni andre, ang masama pa bkit para affected aku_ huhuhu!
Ang sakit naman nun!
Cguradong masaya ang TEAM LARC dito!
ANDRE dont worry, sandali lang yan ok?
-YHNO-
like! -mike
ReplyDeletegaling ahhh.. :D galingan mo pa bem.. Godbless and Goodluck :D ♥
ReplyDeleteIkaw bf ni ken?
DeleteMagpakatatag ka lang Andre. Mukhang marami pang mangyayare at matatagalan ang amnesia ni Ryan. Haaaayyy.. :(
ReplyDeletenakakairita naman ung sttorya, kawawa nmn c andre cya ang nagpakahirap , ang dami niyang pinaghirapan para makuha si ryan tapos ang gagawin mo lang author ay Si Larc lang ang ma-aalala ni Ryan. bakit ba kailangan mag ka amnesia si ryan. kung magkataon na Si Larc ang makatuluyan ni Ryan. Nakakairrita ang storya na to . pumapanget na.nakakawala ng gana basahin.Ok na ung storya eh binago pa ):
ReplyDeleteWag kang praning! Temporary lng ung amnesia nya, maalala din nya ung ginawa ni larc sknya, tapos back to the original scene nanaman, magagalit c ryan ky larc pero sa huli cla ryan at larc prin. Forever and ever Hahaha
DeleteKawawa naman si Andre nakakaiyak nmn... Bakit nmn ganito ang ginawa mo Dark Ken. Sana ma-alala na ni ryan si Andre.
ReplyDeleteAYOKO KAY LARC. wala nmn gin awwa yan kundi saktan si ryan. tapos sa kanya mapupunta si Ryan . NAPAKA UNFAIR naman ata noon Author
ReplyDeleteTRUE :'))
DeleteUnlike Andre Na KAhit CMula Pa Lng Umusbong Ung Feelings Nya For Ryan Eh Pinagtanggol Nya Na Ito Sa Buong CAMPUS :'))
.
.
.
.
TEAM ANDRE :DD
Kharla.Potxs From Fb Friends
Bakit ganito ang storya, nakakawalang gana
ReplyDeleteANDRE parin ako. sana ikaw din author,.
ReplyDeleteRYAN - ANDRE Parin tayo (:
nakaka-IRITA ang Chaper na ito..
ReplyDeleteDevastated. That's how Andre felt when Ryan can't remember him. I don't know where this is going to but this is the ultimate pain that Andre have to endure. I'm positive he (Andre) will hold on to his love for Ryan that's all he have.
ReplyDeleteTo Ken: i don't like this twist..but you still made me like it, you made me read and finish the chapter. Good job.
ano kaya ang kinagalit ni ryan kay kulas????
ReplyDeleteI like this chapter. Hindi dahil gusto ko si Larc for Ryan, dahil po sa tingin ko kung si andre at ryan sa huli they can get through with this situation. Ito yung simula ng conflict na magdedefine how love can change everything.
ReplyDelete"what the mind forgets the heart remembers"
cheers Kenj!
may god ano kaya ang nangyari kay ryan? ano kaya ang na alala niya? kawawa namn c andrei...
ReplyDeleteParang Two wives lang ehh no :) nice story naman.. I feel pity to andrei :)
ReplyDeleteWahhhh ano ginawa ni kulas??? Anyway sana me update agad... -curious19
ReplyDeleteoh my!sinasabi nnga ba eh..sobrang naaawa aq ke andre naun.sobrang sad ng chapter neto...
ReplyDeleteSana wag dumating sa point na isusuko ni andre c ryan hindi lang dahil sa si larc lang ang naaalalang mahal nito kundi dahil sa sobrang pagmamahal niya (andre) ke ryan e handa siyang isakripisyo ung pagmamahal na un para sa kaligayahan ni ryan...masasabunutan talaga kita mr author!!hahahaha...
At sana lang ha,wag magtake-advantage c larc at agawin c ryan just because siya ang naaalalang mahal nito at hindi si andre...gusto ko siya pra ke ryan pero unfair un ke ryan at andre at pati nrn sa sarili nya pag ginawa nya ung gnun,db?i want him to fight like a man...he must tell ryan the truth..that's the best way to fight...:)
-monty
HUuUuWhhAaaAaAaATT!!grabeeh dami ko na pala namiss heheh...
ReplyDeleteanyways...nakakalungkot na ang mga chapters...hindi ko na sya keri..naiyak tuloy ako sa chapter na to...:'(
bakit kasi ng ka.Amnesia pa si Ryan,..kawawa tuloy si Andre..si Larc nalang ang naaalala ni Ryan..
siguro sinabi ni kulas kay Ryan ang nangyari kaya nagalit si Ryan..naku naku wag naman sana....tagal na nga hinintay ni Andre si Ryan na magising tapos ito pa ang mangyayari...hahaist buhay nga naman..
next chapter na please...hehehe
ayos toh.. exciting :]
ReplyDeleteeto na yun twist, ala "One True Love" (Dingdong Dantes, Iza Calzado, Marian Rivera), if anyone has ever watched or remembers the movie. Eto na yun pinaka-hihintay ni Larc, na sinabi nya sa teaser "hinding-hindi na kita pakakawalan pa." Kelangan munang mag give way ni Andre para sa kanyang mahal na si Ryan habang nagpapagaling ito. Nakakalungkot pero part ito ng story, next chapter please Ken ^_^
ReplyDelete- Toffer (charmedboy09) -
nakakalungkot naman tong chapter na to.
ReplyDeleteWalang maalala si Ryan and what's worse di nya maalala si Andre! Sana matuloy na yung pag-migrate ni Larc! Bwahahaha..
Great job kuya Ken! You always leave us wanting for more.
Hanggang sa susunod mo na post!
-Pao
heto na nga ba ang snsbi q ei, ngkatotoo hnala q
ReplyDeletetsk
andeng,dnt loose hope
Nakakaawa naman si Andre...Team Larc ako pero I feel for Andre.. Marami na kasi sya napagdaanan at he has really proven his worth for Ryan..huhuhuh...I'm confused..hahhaha
ReplyDeleteTeam Larc ako but I really felt Andre's sufferings...huhuhuh.. Im confused na..I dont know kung kay Larc pa rin ako o kay Andrei na...heheh
ReplyDeletenagkaamnesia na nga!!
ReplyDeleteNgayon lng ngkafree time ulit, kaya noq lng nabasa to. Thanks ken sa update.
Haha weird, ang unang pumasok sa utak ko eh pinagtatangkaan ni kulas si ryan. LOL!!
Next na please.
Thanks ken, okay na, madali na i-load ang page ng blog mo sa mobile.
TEAM LARC FTW! hahahaha
ReplyDeletebakit sya nagalit kay kulas?
ReplyDeleteang wierd naman nun.........................
hayz kelan ulit ang next post po?
pag mamayari ni pancookie. haha
na-excite ako sa story... kung ano-ano ang naglalaro sa isip ko.
ReplyDeleteganda!!!
Ramm
parang hawig dun sa isang kwento na nbasa ko, nagkarun sya ng selective amanesia ba tawag dun. . . dnt lost hope ANDREI, SABI NGA ,TRUE LOVE CAN WAIT.
ReplyDeletei think this is the time that larc gets his second chance. will he still insist his love for ryan, will he keep the past a secret or will he say it to prove if ryan will still love him after learning what really happened?
ReplyDeletei really feel sorry for andre. he was the one who was there to protect ryan after what had happened between ryan and larc. i know for sure, that ryan will come to remember.
nice work ken. next chapter please.
-J
tama ang inisip ko sa pag gising ni ryan ^_^....
ReplyDeletetnx mr. author...
Ayaw ko din si Larc for Ryan..I know na may ganitong twist sa story but sana lang Mr. Author, si Ryan at Andrei sa huli. Salamat po:-)
ReplyDeleteTEAM LARC! haha
ReplyDelete