ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Monday, September 3, 2012

Elemental Heroes: Origins - Chapter 3






CHAPTER 3          ‘DRAGON’S WAKE’


ANA ALBAY


Narinig kong muli ang pangalan ko.

Sa pagkakataong ito, ibang tao na ang naririnig ko. Gumigising sa aking realidad.

‘ANA! ANA!’ tinig ng makisig na lalaki.

Minulat ko ang aking mga mata. Si Arvin pala ito, ang aking bestfriend.

‘Anong nangyari? Nasa langit na ba ako?’ loko kong tanong sa kanya.

‘SIRA! Hindi ko alam. Nakita lang kita na walang malay dito sa tabing-dagat habang patungo ako sa eskwelahan.’ sagot naman niya.

Alam kong panaginip lang ang lahat pero bakit may kirot at sakit ang buong katawan ko.

Naalala ko na. naririto ako kaninang umaga papuntang pier at kukuha ng isda para ibenta ni Tita Adele sa talipapa ng . . .

TULUNGAN NIYO AKO!
PRINSESA!
BUKSAN MO ANG IYONG ISIPAN . . .
LUMAYO KAYO KUNDI MASUSUNOG KAYO SA ISANG KUMPAS LAMANG NG AKING KAMAY!
. . . HAYAAN MO ANG NARARAMDAMANG EMOSYON NA LUMABAS SA MGA KAMAY MO. ITO ANG KALIKASAN NG KAPANGYARIHAN MO . . .
RUANA!
. . . ANG APOY, ANG SUMISIMBOLO NG IYONG PAGKATAO, ANG SIYANG MAGIGING SUSI NG IYONG MISYON KASAMA NG TATLO PANG NAGMAMAY-ARI NG BAHAGI NG ELEMENTON SA PUWERSA NG KASAMAAN.

Lahat ng mga pangyayaring nakita ko lamang ngayon, naaalala ko na sa aking ala-ala. Hindi lamang ito ordinaryong panaginip, isa itong ala-ala ng aking nakaraan. Ang aking tunay na pagkatao.

MAHAL NA PRINSESA, MAGI KANG MAPAGMATYAG. ANG CHAOS EMPIRE AY NATUNTON NA ANG INYONG PRESENSYA. MAG-INGAT KA. MAG-INGAT KA MAHAL NA PRINSESA.

Ang tinig ng lalaking iyon, si Vulcan. All this time, he is warning me on something. Eto pala ‘yon. Ang natutulog kong dragon sa aking katawan.

‘ANA, OKAY KA LANG?’ ng binasag ni Arvin ang aking katahimikan.

‘Ah oo.’ sagot ko sa kanya. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala sa akin.

‘Ano, Arvin, ayokong umuwi muna sa amin.’ pagbalik ko sa kanya.

ARVIN:            Ha? Bakit?

ANA:               Kasi . . . ah . . . (Ayaw ko namang ikwento kay Arvin ang mga naganap sa akin ngayon, baka isipin nito may tama ang ulo ko.) Patay ako kay Tita Adele nito kapag wala akong naiuwing ni isang isda para maibenta sa talipapa. Ayaw kong magulpi ulit tulad dati. Nakakahiya sa mga kaklase natin kapag pumasok ako ng may pasa.

Mukha namang convincing ang aking paliwanag sa kanya. Kaya ayun . . .

ARVIN:           Sigurado ka Ans? Hmmm… Paano ngayon? May pasok tayo sa school. Baka nalimutan mo na first period quiz natin kay Ma’am Arlen.

NAKU! Nalimutan ko! Ito ang puno’t dulo kung bakit nag-trigger ang pagbalik ng aking memorya. THERMODYNAMICS! ang pag-aaral sa Physics about heat energy. (Hirap kasi ng mga formula!)

ANA:               Kung minamalas ka nga naman o! Pag umuwi naman ako para magbihis lang, baka hindi na ako makalabas ng buhay. Hehe!

ARVIN:           Nakakapagbiro ka pa ng ganyan sa mga oras na ito? Kung di lang kita bestfriend. Sige na. Magsasabi ako kay Ma’am Padilla na i-excuse ka sa quiz.

ANA:               Thanks Vin. Alam ko namang malakas ka sa teacher natin. Thank you talaga ha! Sige! Umuna ka na.
Kung makakahabol ako, salamat sa Poong Maykapal.

ARVIN:           SIRA ULO KA TALAGA ANA! Sige! Pasok na ko.

At nakita ko nga si Arvin papalayo na sa akin. May konting kaba at takot. Hindi ko alam kung saan magsisimula pero . . .


STRIKER


‘Prinsipe Darken, natagpuan ko na ang isa sa mga Elemental Guardians. Narito siya sa may tabing-dagat.’

DARKEN:              MAGALING. Dakpin siya. Kung manlaban, pahirapan mo. Tingnan ko
                              lang kung makakalaban sa’yo ng walang kaalam-alam sa kanyang
                              kapangyarihan.

‘Masusunod mahal na prinsipe.’

Ako si Striker, isa sa mga kampon ni Prinsipe Darken. Isa akong Mechanoid, half-human, half-machine. Pinadala ako dito sa dimensyong ito para hanapin ang mga Elemental Guardians na nagtatanggol sa mga bahagi ng Elementon, isang makapangyarihang bato na nagmula pa sa enerhiya ng mga Elemental Spirits, ang bumuo sa aming mga Gaians.

Pangako sa akin ng aking kamahalan, ibabalik niya ang aking katawang tao kapag nakuha ko ang mga bato para sa kanya. Para makabalik na ako sa aking pinakamamahal na Dahlia.

Humanda ka Prinsesa Ruana, matitikman mo ang bagsik ni STRIKER . . .


ARVIN ARNIGO


Hindi ako mapakali kanina pa. Kamusta na kaya si Ana? Okay lang kaya siya? Dapat siguro hindi ko na iniwan do’n sa tabing-dagat at sinimahan na lang siya.

I’ll never forget the time where Ana is still ten years old and I’m eleven. Binu-bully ako no’n sa aming barangay dahil sa sobrang lampa ko. Tatamaan sana ako ng isa pang kamao ng leader nila ng . . .

‘ITIGIL NIYO NA ‘YAN!’ pagtanggol sa akin ng munting Ana.

‘HOY ANA! Huwag kang makialam sa mga away-lalaki. Kaya napagkakamalan kang tomboy e! Ganda mo pa naman!’ sumbat ng leader nila.

‘Eh ano ngayon? Walang kalaban-laban yung tao inaaway niyo pa. TUMABI NGA KAYO DYAN!’

Do’n ko nakita ang katapangan ni Ana na wala sa akin.

‘Okay ka lang ba?’ tanong niya sa akin. Napakaamo ng boses niya.

‘Oo. Salamat ha! Ano ang pangalan mo?’ sagot ko sa kanya.

‘RUANA ALBAY. Ana na lang for short. Hehe!’ Ang matamis niyang ngiti at walang kapantay na katapangan ang hinangaan ko sa pagkatao niya. WEIRD nga e naging bestfriend ko ang pinaka-siga sa aming barangay.

7:45 na. Wala pa si Ma’am Padilla. May pagkakataon pa si Ana na pumasok para makahabol sa first period quiz naming sa Physics. Hope she’s really okay.


ANA ALBAY


Nakaramdam ako ng panganib sa paligid ko. Isang bulusok ng hangin ang umatake sa akin at nagpatumba sa nanghihina ko pang katawan.

‘JUST AS PRINSIPE DARKEN EXPECTED. WALA KA PA NGANG KAALAM-ALAM SA KAPANGYARIHAN MO.’ At umatake siya sa akin na parang dumaan lang ang hangin.

‘SINO KA? MAGPAKITA KA?’ tanong ko sa misteryosong kalaban na hindi ko matukoy kung saan galing.

At muli niya akong inatake and this time sa likod ito pumwesto.
‘AAAAAHHHHHHHH!’ yun lang ang maririnig mo sa akin sa bawat atake ng hindi nagpapakilalang nilalang.

‘SUKO KA NA? AKO SI STRIKER, ISA SA MGA KAMPON NI PRINSIPE DARKEN. IBIGAY MO NA SA AKIN ANG ELEMENTON NA NASA SA MGA KAMAY MO AT HINDI NA KITA GAGAMBALAIN PA.’

 ‘WALA AKONG TINATAGONG KAHIT ANO SA’YO! AT PWEDE BA, STOP YOUR DIRTY GAMES ALREADY.’ pagtatanggol ko sa kanya.

‘Walang tinatago? O I know lahat ng nangyari sa’yo kaninang umaga. I’ve witnessed it! All of them. Ang misyon mo, ang nangyari sa’yo dito sa mundong tinapon ng sarili mong kadugo.’ pagtatangka ng nakilala kong Striker sa akin.

‘Kadugo?’ tanong ko sa kanya pero hindi dapat.

‘Si Vulcan, ang kanang-kamay ni Grand Master Ryuu, kapatid mo siya.’

Sa pagkakataong ito, muli kong sinariwa ang nangyari sa akin sa tabing-dagat. Pinilit ko ang aking sarili na gawin muli ang mga bagay na nagawa ko nood: ang nanlilisik kong mga mata, ang pagliyab ng aking katawan, ang pagkumpas ng apoy gamit ang aking mga kamay.

‘VULCAN, KUYA, sino ka man. Tulungan mo akong buksan ang aking isipan para gamitin muli ang kapangyarihang pinagkaloob sa akin ng Elemental Spirits limang taon ang nakakalipas.’ pakiusap ko sa aking isipan.

‘NAGMAMAKAAWA NA ANG MAHAL NA PRINSESA SA KANYANG BUHAY. NAPAKA-BOBO NAMAN NG MGA NINUNO NAMIN NA IBIGAY ANG ISANG BATO SA MAHINANG NILALANG NA TULAD NG BABAENG I . . . TO . . .’ Natigilan si Striker sa kanyang nakita.

‘SINONG TINATAWAG MONG MAHINA?’

Ako iyon. Nabuksan ang hiniling kong pakiusap kay Vulcan para protektahan ang bato sa aking mga kamay.

Ako, isang prinsesang nalayo sa kaharian para maging isang tinadhanang Elemental Guardian.

‘Hindi maaari. Ayon sa aking prinsipe . . .’ nangangatal na sagot ni Striker.

‘NA ANO?! WALANG ALAM SA KAPANGYARIHANG TINATAGLAY KO. PWES, NAGKAKAMALI KA. ANG PROPESIYA AY MAGSISIMULA . . .

NGAYON.’





[To be continued . . .]

1 comment:

  1. medyo bumibilis ang story..and looks like everybody is dropping out of character..medyo nakakalito..since we are dealing with the character's history..maganda sana kung nagdwell ka muna dun instead of the current situation..it's like we're losing answers to questions..the alter world..what kind of world is it? what kind of people are living there and how do they live? what's with these elements and how do they fulfill the lives of people in the alter world? these questions pops cause ruana is seeing things in her head, and at the end, she immediately knew how to use her powers..unlike, being unable to control it and accidentally used it, then seeks out to find answers..then reveals her background and what she needs to do..

    ReplyDelete