Maraming
salamat sa mga taong walang sawang nag babasa
every chapter nito. Ito na po ang chapter 9 sana magustohan nyo. Simula na po nang mahaba
habang mga chapters sa AFTER ALL.
Rover, Lilee
(Mama bear), Rue (Flame dragon ni Recca), R. J, Khief, Mcfrancis, Pink 5ive (na
talagang natuwa ako sa comment nya sa BOL), Jayfinap (Ang idol ko), Mars,
Jay!:), R3b3l^+ion, Mikimer Araneta,Kristoffshaun,Migz, at Icy salamat sa mga
comment nyo sa blog ko..
Rheinne,J.V,Jayson13,Dave17,Roman(roohmen),Zenkie(ayan
di na ako mag kakamali),Dada,JM,The Who, Darkboy13,Rei,Pink 5ive,
Rstjro29,Beucharist,Psalm,Nate_dominique, Wastedpup at sa mga anonymous at
Silent Reader.. ang mga taong walang sawang nag comment sa BOL..
DISCLAIMER: This story is a work of
fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely
coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in
any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or
use this story in any manner without my permission.
___________________________________________________
Hindi na ako nag hapunan pa sa bahay ni Dorwin hindi rin ito
nagtext sa akin kung nasaan sya. 6.30 nang umalis ako para pumunta sa bar.
Panay ang text sa akin nang mga kaibigan ko tungkol sa drinking session na
mangyayari mamaya.
Mga alas
nuebe nang isa-isang dumating ang mga kabarkada ko. Naunang dumating si Carlo
at Tonet sumunod naman sa kanila si Mina, Chad, at si Angela na talagang
pinaghadaan ata ang gabing ito. Agad akong linapitan ni Carlo at ipinaalala sa
akin na kailangan naming magusap mamaya. Tango naman ang isinagot ko rito.
Nagsimula
kaming maginuman. Napagusapan namin ang tungkol kay Ace at Rome. Lahat sila ay
masaya para sa dalawa habang ako ay pilit itinatago ang tunay kong
nararamdaman. Alam kong napapansin ito nang bestfriend ko dahil panay ang
tingin nito sa akin pero pinili nitong manahimik nalang muna at wag nang
ungkatin pa sa harap nang barkada ang saloobin ko.
Kaya kami
naging close ni Carlo nung high school paman dahil sa ugali nyang yon. Hindi
ito mahilig mangialam sa ibang tao. Pero kung nakikita na nyang kailangan na
nang tulong ang kaibigan nya, gagawa ito nang paraan para makapagusap kayo nang
masinsinan at masabi nya ang gusto nyang sabihin para matulungan ka. Hindi nya
ipipilit sayo na gawin mo ang advice nya. Lagi nyang sinasabi sa tuwing matapos
nyang magbigay nang opinion ay.
“Advice ko lang ito tol. Ikaw parin
ang mag dedecide if you’re going to take it or leave it. Ang importante
naibigay ko ang opinion ko.”
Nasa ganun
akong pagiisip nang biglang magsalita si Tonet.
“Red,
kamusta pala ang kita natin kahapon?”
“Okey naman
at sa tingin ko hindi tayo lugi kung tuloy-tuloy na may papasok dito.” Habang
sinasabi ko iyon iginala ko ang mga mata sa mga lamesa na halos lahat ay may nakaupo
at nagsasaya. Nung una hindi ko alam kung magcli-click ang ganitong setup kasi
nga mas gusto nang mga ka edad namin ang magpakawala sa pagsasayaw hindi ko
akalain na may mga tao pa pala na mas pinipili pa ang ganitong setup ang uminum
habang hindi mo na kailangan pang sumigaw para lang marinig ka nang katabi mo.
“Good, balak
ko na kasing bilhin itong bar na to sa pinsan ko para na din hindi na natin
kailangan pang magbayad sa renta dito.” Sabi nito habang nakangiti.
“Bibilhin?
Girl, wala na akong budget di na ako makakapagbigay nang share kung sakali.”
Ang nagaalalang wika ni Angela.
Maski ako
hindi ko alam kong makakapagbigay pa ako sa kalagayan ko ngayon. Oo nga may
perang pumapasok sa bar, pero iniipon ko lahat kasi everymonth ang hatian
naming magkakabarkada. Yon ang naging usapan namin bago kami magsimula sa
negosyong ito.
“Relax Girl,
pera ko nalang muna ang gagamitin natin para bilhin ang bar na ito. Saka na
natin problemahin kung paano nyo ako babayaran sa magagastos ko. I already
talked to kuya Xian about my plan okey
naman daw sa kanya.” Pagpapaliwanag nito kay Angela.
“Guys,
Hmmmm…” Singit naman ni Chad.
“Bakit Chad
any suggestion? Napatingin kaming lahat kay Chad. Bihira lang itong sumali sa
usapan naming magkakabarkada. Parang hanggang ngayon aloof parin ito sa amin.
“Ano kasi..
Kung okey lang ba kahit huli na ang sumali sa negosyo nyo?” Halata ang
magkahalong kaba at pagaalangan sa mukha nito.
“Kaloka!
Akala ko naman na buntis mo na bestfriend ko.” Banat ni Angela sabay tawa na
parang wala nang bukas.
“Hindi, ah!”
Pagdedepensa nito na biglang namula.
Pinandilatan
naman ito ni Mina.
“Sorry!”
Sabay bigay nito nang peace sign sa amin.
Napailing
nalang ako sa kalokohan ni Angela. Tama si Ace, kahit kailan hindi talaga
marunong tumiming ang loka lokang to.
“Chad,
kasali kana sa barkadahang ito kaya you’re very much welcome to join us at
pwedi ba wag kanang mahiya pa sa amin.”
“Sabi ko
naman sayo hon, eh.” Wika ni Mina sabay pulupot nito sa kanang braso nang
boyfriend nya. “Welcome na welcome ka sa mga barkada ko ang babait kaya nyan.”
Dagdag pang pambobola nito sa amin.
“Oo nga ang
babait namin.” Pagsakay naman ni Angela sa pambobola ni Mina.
“Sila lang
ang mabait!” Wika ni Mina na kinatawa naming lahat.
Ganito ang
barkada ko pagnakukumpleto sobrang kulit at saya. Pagkasama ko sila
nakakalimutan ko lahat ng problema kaya siguro di ko sila kayang ipagpalit sa
iba ko pang mga kaibigan na wala nang ibang alam kung hindi ang makipag inuman
at puro kayabangan ang alam. Atleast with them may natututunan ako.
“Anyway
Chad, Ganito nalang para hindi maging magulo isang share nalang ang sa inyo ni
Mina hindi naman siguro kayo maghihiwalay di ba?” Pabirong wika ni Tonet.
“What do you
mean girl?” Nagtatakang tanong ni Angela. Halatang di nakuha ang ibigsabihin ni
Tonet.
“Si Chad
nalang ang magbabayad nang dapat babayaran ni Mina para sa pagbili natin nang
bar na ito. Automatically kasali na sya sa hatian natin every month.” Maarte
nitong sabi. “Ayos ba sa inyo iyon?”
“So, Imbes
na divided by 7 ay 8 na ganun?” Ani ni Angela na halata sa mukha na nagbibilang
na. “Paano yan di mababawasan ang dapat nating makukuha everymonth?” Sabi pa
nito nang marealize ang sitwasyon.
“May point
si Angela girl.” Sabat naman ni Mina.
“Yep,
mababawasan nga but it doesn’t matter. Gagawa tayo nang paraan para dyan at
yung 15 thousand ni Chad ay i-didivide naman natin to 7. Para may tig two
thousand plus na maibabalik sa atin. So, bale imbes na 15 yung share nating
pito magiging 13 nalang. Sa susunod na bwan pa makukuha ni Chad ang 2k nya kasi
papaikutin muna natin ang pera nya. Fair enough?”
“Kahit naman
hindi na maibalik sa akin yung 2 thousand okey lang. Gusto ko lang sumali para
mas lalong maramdaman ko na bahagi na rin ako nang grupo nyo.” Sagot naman ni
Chad.
“Taray!”
Wika ni Angela.
“Pero
kailangan din malaman ni Ace at Rome to.” Pambabaliwala ni Tonet sa sinabi ni
Angela.
At yon na
nga napagdesisyunan naming isali si Chad sa negosyo naming pito. Wala namang
problema sa akin yon kasi nakikita ko naman na mabait na tao si Chad at
talagang seryoso ito kay Mina pati rin yung iba ganun ang nararamdaman para sa
kanya kaya welcome na welcome sya sa amin.
Habang
lumalalim ang gabi patuloy parin ang usapan at inuman namin. May tama na ako
dahil muli, hindi nanaman ako nakapag hapunan. Mga alas dose na ata iyon nang
dumating ang hindi ko inaasahang tao sa bar na may dala dalang bar-be-que. Kumaway
pa ito sa amin habang papalapit ito. Napakunot ako nang noo.
“Dorwin!
Buti at nakahabol ka.” Ang pagbati ni Tonet rito.
Mas lalo
naman akong nagtaka sa sinabi ni Tonet. Parang expected na nya na dararating si
Dorwin sa gabing iyon.
“Hey guys.”
At nakipag kamayan ito kay Carlo at Chad. Napatingin lang ako sa kanya na may
pagtataka.
“Hey.” Ang
bati nito sa akin. Tango lang ang ibinigay kong sagot rito.
“Who’s this
handsome guy?” nagtatakang tanong ni Angela. Wala nga pala sya nung maginuman kami
na kasama si Dorwin.
“Si Dorwin
ang poging pinsan ni Ace.” Pagpapakilala ni Mina rito. “Dorwin meet my
bestfriend Angela. Wala sya nung maginuman tayo kasi nag overload ang utak nya
dahilan para lagnatin sya.” Patawang pagpapakilala naman ni Mina kay Angela.
“Nice to
meet you pogi. May girlfriend kana ba?” Sabay ayos nito nang tube nya para
ipakita ang nagmumura nitong cleavage.
“Desperada
ikaw ba yan?” Wika ni Mina sabay tawa nang nakakaloko na ikinatawa naming
lahat.
“Tse! Panira
ka talaga besh!” tampo-tampuhan nitong sabi.
“Bakit ang
tagal mo pare?” Singit ni Carlo nang makaupo ito sa tabi ko. Amoy ko ang
pabango nito na talaga namang kahit na sinong babae ay maaakit. Kung hindi ako
nagkakamali ang pabango nya ay jovan musk na talaga namang mamahalin.
“Kailangan
ko pa kasing pagaralan muna ang kasong hinahawakan ko, eh. Mahirap na baka
matalo pa.” Wika nito habang nakangiti.
“Abagado
ka?” Manghang tanong ni Angela rito.
“Oo girl
abugado sya. Di halata sa suot nya noh?” Sagot ni Mina sa tanong nito.
Hindi mo nga
masasabing abogado ang kaharap namin ngayon dahil naka walking shorts lang ito
at blue na T-shirt. Kung titingnan mo sya ngayon para lang syang teenager na
mahilig gumimik at walang inaalalang kaso.
“Naku, tama na yang about sa akin. May nadaanan akong marasap mag bar-be-que kaya bumili ako para dalhan kayo.” Wika nito sabay tingin sa akin. Parang alam ko na kung para saan ang tingin na yon. Siguro alam nyang hindi pa ako naghahapunan.
“Wow! Sa
wakas hindi na puro nochas ang isusuka ko mamaya.” Walang prenong sabi ni
Angela. Sanay na kami rito sa mga punch line nitong hindi pinagiisipan kung
angkop ba sa lugar at sa mga kaharap nya.
“Kadiri ka
namang girl!” Reklamo ni Tonet na halata sa mukha ang pangdidiri.
“Anyway,
Dorwin alam mo naba na nandito na ang pinsan mo at ang bestfriend nya?” Tanong
ni Mina rito.
“Talaga?
Hindi eh. Minsan lang magparamdam yung pinsan kong yon. Im sure mabibigla yon
kung makita ako dito na kasama kayo.” Magiliw nitong sagot.
“Hindi ba
kayo close?” Tanong naman ni Tonet.
“Close kami
pero sabi mo pa nga nung sa opening nyo sobrang reserved nang pinsan kung yon.”
“You mean
pati sa inyo ganun din sya?” Sabat naman ni Mina.
“Yep. Kay
Ate Claire lang sya madaldal.” Sagot naman nito rito.
Maski pala sa pamilya ni Ace ganun
sya? Ang naitanong ko sa aking isip habang
nakikinig sa usapan nila.
Naging
welcome din sa kanila si Dorwin lalo na si Tonet at Carlo na para talagang
close na close na sila rito. Si mokong naman enjoy na enjoy sa pagsagot sa mga
tanong nila lalo na si Angela na sobra kung makapag tanong. Para itong high
school kung magtanong kagaya nang favorite color at favorite book nito. Pinili
ko nalang manahimik ang importante sa akin ay marunong din naman pala syang tumupad
sa usapan. Siguro natatakot na hindi na sya makaka score pa sa akin kung
sakaling sumira sya.
Busy sila sa
pakikipag usap kay Dorwin nang biglang tumayo at lumapit sa akin si Carlo.
“Guys sa
loob muna kami ni Red may paguusapan lang.”
“Ano naman
ang paguusapan nyo abir? Bakit kailangan pang sa loob kayo magusap kung pwedi
naman dito?” Nakataas pang kilay na sabi ni Angela.
“Usapang
lalaki lang.” Sabay ngisi nito. “Dyan lang muna kayo mga tol may paguusapan
lang kami nang bestfriend ko.” Dagdag pang wika nito kay Dorwin at Chad sabay
akbay sa akin.
“Sige babe
go!” Pagpayag ni Tonet na may kasama pang kindat sa akin.
Wala nang
nagawa pa si Angela. Agad kaming pumasok sa loob na may dalang tig iisang bote
nang san mig light at tinungo namin ang bar counter. Gusto ko rin malaman kung
ano ang ibig pagusapan ni Carlo.
“Alam kong
lumayas ka sa inyo. Tinawagan kita sa landline nyo kagabi nang sabihin sa akin
ni Janice na dumaan ka raw sa bahay at hinahanap ako. Naka usap ko mama mo ayon
iyak ng iyak galit ka raw sa kanya.” Agad nitong sabi nung makaupo kami.
Nag sindi
muna ako nang sigarilyo bago nagsalita.
“Pinalayas
ako nang magaling nyang asawa.” Wika ko na parang nagsusumbong.
“Pinalayas?
Bakit ka pinalayas di ba bahay yon nang papa mo? Wala syang karapatang
palayasin ka. Di ba sya pinigilan nang mama mo?” Kita ko sa mukha nito ang
pagaalala sa akin.
“Yon nga ang
masakit tol, eh.” sabay lagok nang alak dahil muli nanamang nanuyot ang
lalamutan ko. “Pinapili sya nang asawa nya.”
“Pinapili?”
Paguulit nito sa sinabi ko. Kita ang pagtataka sa mga mata nito.
“Pinapili.”
Walang gana kong sagot rito. “Sinabi nang magaling nyang asawa na kung hindi
daw ako papalayasin ni mama sa bahay ay sila daw mismo ang aalis kasama ang
dalawa nilang anak at di na daw ulit sila makikita ni mama.”
“Wag mong
sabihin..” Hindi ko na sya pinatapos pa ako na mismo ang tumapos sa sasabihin
nya.
“Sila ang
pinili ni mama.” Sabay bigay nang pilit na tawa. “Nakakatuwa noh? Ako ang tunay
na anak pero ako ang initsapwera.”
“San ka
naligo? San ka nagpalit nang damit? San ka kumain?” Sunod sunod nitong tanong
sa akin.
“Ampon ako
ni Dorwin.” Simpleng sagot ko rito. Sa buong barkada si Carlo lang ang nagiisang
tao na hindi ko kayang pagsinungalingan. Siguro dahil alam kong walang silbi
ang pagsisinungaling ko dahil paniguradong malalaman at malalaman nya kung san
ako nakatira. Ganun ka maabilidad si Carlo.
Sa sinabi
kong iyon napalingon sya sa labas kung saan naguumpukan ang mga barkada namin.
Ibinalik nya ang tingin sa akin sabay sabing.
“Dorwin? As
in si Att. Nivera? Yung pinsan ni Ace? Paano?” Sunod sunod nitong tanong na
halata sa mukha na di ito makapaniwala.
“Katulad din
sya ni Ace.” Walang gana kong sagot sa mga tanong nya.
Nanlaki ang
mga mata nito. Halatang na bigla ito sa nalaman.
“What do you
mean?”
“Lalaki rin
ang trip nya.” Sagot ko rito sabay bigay nang ngising nakakagago.
“Wag mong
sabihing kayo na?” Nag aalalang tanong nito sa akin.
“Hindi noh!
Gago ka ba? Si Ace lang ang tanging lalaki na nakakapag patibok nang puso ko.”
Nabigla ako sa ginawa kong pagamin. Siguro dala nang kalasingan nakalimutan ko
nang itago ang damdamin ko.
“Di umamin
ka rin.” Sabi nito sabay tawa.
Binigyan ko
sya nang nagtatakang tingin.
“Matagal na
naming napapansin ng baby ko na sobrang dikit ka kay Ace nung mga panahon na
nagaway sila ni Rome. Hindi naman namin masisisi si Rome kung bakit
pinagselosan ka nya dahil halata sa mga mata mo na malakas ang tama mo kay
Ace.” Ngingiti ngiti nitong sabi.
Para akong
na statwa sa kinauupuan ko nang malaman na alam na pala nilang lahat ang lihim
kong damdamin para kay Ace. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko, kung dapat
ba akong matuwa dahil may nakakaintindi rin pala sa nararamdaman ko o dapat ba akong
mainis dahil itinago nila iyon sa akin.
“Pare, ito
lang masasabi ko sayo. Mga kaibigan mo kami kahit lalaki paman ang mahalin mo
tatangapin namin yon dahil ang mahalaga sa amin ay ang kaligayahan mo. Katulad
nalang nang pagtanggap namin sa namamagitan kay Rome at Ace.” Malumanay nitong
sabi sa akin.
Napayoko
ako. Nahiya ako dahil hindi ko sila pinagkatiwalaan. Ang galing galing ko pa
namang mag payo kay Ace na tanggap namin kung ano ang meron sya eh ako rin pala
kailangang tangapin sa sarili ko na iba na ako ngayon. Iniba na ako nang
pagmamahal ko para kay Ace.
“Bilib nga
ako sayo eh. Nagawa mong magparaya pero alam ko rin na masakit iyon para sa iyo
kaya nga hindi muna ako nagkomento kahit nahahalata ko na. Gusto ko munang
makita kung hanggang saan ka dadalhin nang nararamdaman mo kay Ace. Akala ko
nung una talagang gusto mo lang syang tulungan.” Lumagok muna ito nang iniinum
nya bago nagpatuloy.
“Alam kong
masakit pare, pero tama na. Masyado kanang nasasaktan sa pagmamahal mo kay Ace
ayaw ko mang mangaling ito sa akin, pero alam nating lahat kung sino ang
tinitibok nang puso ni Ace at yon ay hindi ikaw ang isipin mo nalang masaya na
si Ace sa piling ni Rome makontento ka nalang sa kung ano ang meron kayo.”
Nasaktan ako
sa deretsahang pagsabi sa akin ni Carlo. Pero tama sya masyado nang masakit at
hindi ko na kaya ang nararamdaman ko siguro panahon na rin para simulan ko nang
kalimutan nang tuluyan si Ace at ipaubaya na ito kay Rome. Nanatili lang akong
tahimik at nakayoko. Ayaw kong ipakita sa bestfriend ko ang mga luhang
dumadaloy sa aking mga mata.
“Kunin mo
mga gamit mo kay Dorwin. Don kanalang muna sa amin tumira tol.” Sabi nito sa
akin.
“Hindi na
tol salamat nalang. Okey na ako sa puder ni Dorwin.” Sabi ko dito na nakayuko
pa rin.
“Tol, sabi
mo nga di ba katulad ni Ace yung pinsan nya para na rin makaiwas ka sa tukso.”
Pagpupumilit nito.
“Huli na
tol, may nangyari na sa amin. Ibenenta ko na kaluluwa ko sa kanya kapalit nang
pansamantalang pagtira ko sa bahay nya.” Pagamin ko pa rito sabay bigay nang
pilit na ngiti.
Kita ko sa
mukha ni Carlo ang pagkabigla at awa para sa akin. Magsasalita na sana ito nang
biglang may magsalita sa likod namin.
“So, kaya
pala di mo ako magustohan dahil lalaki rin pala ang gusto mo. Dapat sinabi mo
sa akin para nag join force tayo.” Ang biglang wika ni Angela.
Halos
magkasabay kaming napalingon ni Carlo sa gawi nya. Si Carlo na halata pa rin
ang pagkabigla habang ako naman ay hindi mawari kong anu ang isasagot sa kanya.
“Halos lahat
ata nang poging lalaki ay lalaki na rin ang hanap. Mukhang dapat na akong
magmadali or else mauubusan ako.” Sabay tawa nito nang nakakagago.
Pareho
kaming hindi nakapagsalita ni Carlo.
“Ano?
Tutunganga nalang kayo dyan? Yesterday! Na rinig ko lahat nang pinaguusapan nyo
about how Red loved Ace eversince the world begun at si papa Dorwin na katulad
rin pala ni Ace.” Maarteng wika nito na sinabayan pa nang pagkampay kampay nang
kamay nya. Halata sa guestures ni Angela na tinamaan na sya.
Lumapit ito
sa akin at agad na umakbay.
“So, tulad
ni Rome lalaki rin ang trip mo? Kainis ka naman! Pero keri lang yon matagal ko
nang isinuko ang nararamdaman ko sayo.” Sabay agaw nito nang hawak kong bote at
inubos ang natitirang laman. “Mabuti pa si papa Dorwin na tikman kana ako kaya
kelan kaya ako madidiligan nang kasing pogi mo?”
Nagkatinginan
kami ni Carlo at sabay na humagalpak nang tawa. Sa totoo lang maganda si Angela,
kutis palang ulam na ika nga nila, pero hindi ko talaga sya type kahit nung
high school palang kami. Sobra kasing daldal nang babaeng to na daig pa ata ang
armalite. Pero sa lahat nang mga babae si Angela ang pinaka the best kasi
sobrang thoughtful at maalalahanin.
“Mga walang
hiya kayo. Sige, pagtawanan nyo lang ako. Pag ako nakahanap nang fafa makikita
nyo!” Pagmamaktol nito habang hinahampas hampas ang braso ko.
“Try mo
kasing manahimik minsan kahit isang araw lang.” Biro ko sa kanya.
“Ah ganun?
Try ko kayang sabihin kay Ace na pinatos mo pati pinsan nya?” Inis nitong sabi
sa akin.
“Patay tayo
dyan.” Sabi ko sabay hagalpak nang tawa. Alam kong hindi gagawin ni Angela yon.
Mahal ako nang babaeng to.”
“Tse! Don na
daw tayo sa labas. Naubusan na kami nang itatanong kay papa dorwin.” Sabi nito.
Akmang
tatalikod na sana sya sa amin para bumalik na sa labas nang tawagin ko sya.
Napalingon naman ito.
“Salamat
ha.” Sabay bigay nang isang matamis na ngiti.
“Basta ba
ibalik mo lang ang pagiging masayahin mo walang kaso.” Sabay talikod nito sa
amin.
Nagkatinginan
kami ni Carlo na parehong may mga ngiti sa aming labi.
“Salamat din
tol.” Sinsero kong sabi.
“No
worries!” At binigyan ako nito nang nakakagagong ngiti. “Make sure to fix
everything before its too late pare.” At tumayo na ito at susunod na sana kay
Angela nang bigla ko itong tawagin.
“Hoy! San ka
pupunta? Di mo ba ako pipiliting don sa inyo tumuloy?”
“Don
kanalang muna kay Dorwin. Mas matutulungan ka nya sa problema mo.” At tuluyan
na nga nya akong iniwan na nagtataka sa huling sinabi nya.
Ano kaya ibig sabihin nang loko
lokong yon? Ang di
ko mapigilang tanong sa aking isip.
Isinang tabi
ko nalang muna ang sinabi nito at sumunod na sa labas. Tawanan at tuksuhan ang
ginagawa nila. Tinutukso nila si Mina at Chad sa sobrang ka-sweetan nito. Si
Tonet naman ay nag thumbs up sa akin pagkabalik ko sa umupukan ngiti ang
isinagot ko rito sabay kindat.
Alas tres na
nang madaling araw. Usapang kalokohan ang sumunod na mga nangyari hangang sa
isa-isang kaming tinamaan ng alak. Si Carlo at Tonet ay panay na ang harutan
habang si Dorwin, Mina at Chad naman ay masayang pinanunuod ang dalawa. Si
Angela naman ay nakaidlip na sa kanyang kinauupuan sa sobrang kalasingan.
“Knock down
na ang babaeng machine gun ang bunganga.” Biro ko sa kanila sabay turo kay
Angela na ikinatawa naming lahat pati si Dorwin ay humagalpak sa tawa.
“Ikaw na ang
susunod. Halata na sa mga mata mong singkit na malapit kanang pumunta sa
dreamland.” Tatawa-tawang sabi ni Tonet.
“Dorwin
family day nyo pa mamaya, go na kayo ni Red, kami na ang bahala sa bar at kay
Ange.” Wika naman ni Mina.
Napa “huh!?”
ako sa sinabi ni Mina.
“Etchusero.
Kanina pa namin alam na pinalayas ka nang magaling mong step father. Don
kanalang muna makituloy kay Dorwin since na nasabi nya sa amin na may sarili
syang bahay. Kinausap na namin sya wala daw problema sa kanya.” Sabat ni Tonet.
“Bukas na natin pagusapan ang magandang solusyon dyan sa problema mo.” Dagdag
pang wika nito.
“Dorwin
pakainin mo muna yan, ah. Hindi pa naghahapunan yan.” Wika naman ni Mina.
Napalingon
nalang ako kay Dorwin at binigyan sya nang matipid na ngiti.
“Sige na
tol, lumayas na kayo kita kits nalang tayo bukas.” Sabat pa ni Carlo habang
nakangising aso sa akin.
Itutuloy:
No comments:
Post a Comment