Balik na po
ako sa every other day posting ko. Ito na po ang chapter 5 nang After All at
muli gusto kong pasalamatan ang mga taong walang sawang nagbibigay nang suporta
nila sa akin na sina.
Rheinne,J.V,Jayson13,Dave17,Roman(roohmen),Zenkie(ayan
di na ako mag kakamali),Dada,JM,The Who, Darkboy13,Rei,Pink 5ive at sa mga
anonymous at Silent Reader..
Salamat din
po sa BOL for giving me a chance na ma post ang storya ko sa blog nila.. Ingatz
tayo lageh... Zildjian
DISCLAIMER: This story
is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works
are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and
requests that in any use of this material that my rights are respected. Please
do not copy or use this story in any manner without my permission.
Napakunot noo ako nang makita ang pangalan nang caller sa main
screen. Nag aalangan man ay napag desisyunan kong sagutin nalang ito baka
sabihin pa nya na ako ang talo sa ginagawa nyang pakikipag laro sa akin. Di ako mag papatalo sa laro mo gago ka.
Ang nasabi ko sa aking isip habang nagpupuyos sag alit.
“Ano ang
kailangan mo at paano ako nag karoon nang number sayo?” Agad kong bungad sa
kanya.
“Relax lang.
Ako nag lagay nang number ko dyan sa cp mo habang mahimbing ang tulog mo kanina.”
Ramdam ko ang panunuya sa boses nito kaya naman uminit bigla ang tenga ko.
“Ano pa ba
ang gusto mo sa akin? Nakuha mo na ang gusto mo ano pa kailangan mo?” Ang galit
kong tanong sa kanya sa sobrang pagkapikon.
“Woah! Para
namang sinabi mo na minolestya kita.” At tumawa ito nang nakakagago.
“Hindi ngaba?
Pinag samantalahan mo ako naturingan ka pa namang pinsan nang kabarkada namin.”
May diin kong sagot dito.
“Hey hey
hey! Eh di mag sampa ka nang kaso. Kung gusto mo ako pa hahanap nang abugado
para sayo.” Pangiinis pang lalo nito sa akin.
“Ano ba kasi
kailangan mo sa akin?”
“Simple lang
naman. Gusto kitang ayain mag dinner.” Simpleng sagot nito na parang wala syang
atraso sa akin.
“Dinner?”
Paninigurado kong tanong. “What made you think na sasama ulit ako sayo after
what happened? Nag papatawa kaba?” Ganting pangaalaska ko sa kanya.
“So
predictable Red.” Sabi nito sa akin. “Im 100 percent sure.” Sabay tawa nanaman
nito sa kabilang linya.
“Wag kanang
umasa.”At binabaan ko sya nang telepeno.
Hindi ko alam
kong ano ang gusto at binabalak sa akin nang taong yon. Sobra kung makapangasar
si gago pero sisiguraduhin kong hindi ako mag papatalo sa kanya.
Ilang minuto
pa ang dumaan at isa-isang nagsidatingan ang mga empleyado namin sa bar. May
apat kaming sinuswelduhan. Isang barista, isang tagapangasiwa nang mga short
orders at dalawang all around.
Agad ko
namang inutusan ang isa na bumili nang Ice para mamaya. Habang ang isa naman ay
sinimulang ayusin ang mga lamesa. Ang maganda dito sa mga nakuha namin ay hindi
mga tamad. Pag walang ginagawa ang isa hindi na kailangang pagsabihan pa para
tumulong.
Pasado ala
sais nang dumating sina Tonet at Carlo. May dala nga itong ulam para sa amin.
Matagal na naming trip ang magdala kung ano ang pweding dalhin kahit nung high
school palang kami.
“Parekoy san
ka nang galing kagabi at bigla ka nalang nawala?” Tanong sa akin ni Carlo.
“Isinama ako
nang kaibigan ko pare.” Pagsisinungaling ko sa kanya.
“Sinong
kaibigan naman yon? Bakit di mo dinala motor mo?” Sabat naman ni Tonet na busy
sa pag hahanda sa lamesa.”
“Ahh..Ehhh
si.. Kalaro ko nang basketball?” Nag aalangan kong sabi sa kanila.
“Bakit kami
tinatanong mo? Malay ba namin kong kalaro mo yon oh hindi. Nagsisinungaling ka
ata eh.” Umandar nanaman ang pagiging detective ni Tonet habang pareho silang
may di naniniwalang tingin sa akin.
“Ako? Nag
sisinungaling? Hindi Ah!” defensive kong sagot sa kanilang dawala.
“Anyway,
Tumawag si Ace kanina nung nasa bahay kami nina Mina. Galit na galit dahil daw
pinag tulungan natin sya.” Si Tonet.
Agad namang
naging intersado ako sa sinabi ni Tonet. Gusto kong malaman kung ano na ang
nang yayari kay Ace sa isla.
“Talaga?
Kumusta daw sya? Okey na ba sila?” Ang sunod sunod kong tanong dito.
“Halatang di
ka intersado kay Ace noh?” Pambubuska nito sa akin na ikinamula ko naman. “Okey
naman siguro yun. Kasama nya naman si Rome doon kaya di yon mapapahamak. Pero
sa tingin ko di pa sila okey.” Dagdag pang sabi nito.
“Siguradong
di palalampasin ni pareng Rome ang pagkakataon. Panigurado magiging okey din
sila.” Sabat naman ni Carlo.
Lumungkot
bigla ang mukha ko sa narinig. Alam ko kasi na pag naging okey na si Rome at
Ace ay bihira ko nalang ulit itong makikita ganon naman kasi lagi. Napansin ni
Tonet ang biglaang pagpapalit ko nang mood.
“Bakit ka
biglang nalungkot dyan? Di ba ikaw naman ang may gusto na magkabati na sila
para sumaya na ulit si Ace?”
“Oo.”
Matipid kong sagot dito.
Agad akong
inakbayan ni Carlo sabay sabing. “Okey lang yan pare lilipas din yan.”
Nagtaka
naman ako sa sinabi nito wala naman kasi silang alam sa nararamdaman ko hindi
ko naman ito sinabi sa kanila.
“Lilipas?
Anong lilipas?”
“Denial ka
rin noh?” Banat ni Tonet. “Halata naman kahit di mo sabihin na nahuhumaling ka
rin kay Ace.”
Pinamulhan
ako sa sinabi ni Tonet. Ganun na pala ako sa transparent sa kanila. Biglang
umandar ang pagka defensive ko.
“Nahuhumaling?
Barkada natin yon ulol.” Sabay bigay nang peking tawa.
“Etchusero.”
Dinig kong pabolong na sabi ni Tonet.
“Kumain na
nga lang tayo gutom lang yan.” Pagiiba ko nang usapan.
Wala na
silang nagawa. Sinimulan na naming kumain habang pinag uusapan ang income namin
nung nakaraang gabi. Ine-explain ni Tonet kung ano ang mga dapat bilhin
araw-araw. Talagang mahirap pala ang ganitong negosyo sumakit ulo ko sa dami
nang sinabi ni Tonet.
Pagkatapos
naming kumain ay lumabas muna kaming tatlo para makapag pahangin at makapag
yosi na rin. Dinalhan din ni Tonet nang pagkain ang mga bar attendants namin at
pinakain na rin habang wala pang tao. Ganun si Tonet sobrang mapag mahal sa mga
tao.
“Wow! Full
moon pala ngayon! Im sure mag eenjoy sina Ace at Rome sa isla.” Di ko alam kung
sinadya talaga ni Tonet na papagselosan ako.
“Oo nga noh.
Magandang maginum ngayon sa may tabing dagat.” Dagdag wika naman nang
bestfriend kong may topak din ang ulo.
“Eh di
pumunta kayo nang dagat.” Sabat ko sa dalawa.
Tinawanan
lang ako nang dalawa. Isa-isa na ring nag sisidatingan ang mga tao sa bar.
Karamihan ay mga estudyante mula sa malapit na University. Pares pares ang mga
ito at ang iba naman ay isang groupo.
“Grabe ang
daming love birds ngayon. Ikaw ba Red walang lovelife?” Nanunuyang tanong sa
akin ni Tonet.
“Marami.”
Sabay tawa nang nakakagago.
“Ows? Bakit
wala kapang pinapakilala sa amin?”
“Wala lang
di ko lang trip ipakilala sa inyo.” Simpleng sagot ko dito.
“Di mo lang
trip o wala ka talagang maipakilala sa amin?” Sabat naman ni Carlo.
“Bakit nyo
ba ako pinag tutulungan?” Inis inisan kong reklamo sa kanilang dalawa.
“Katulad ka
rin ni Ace eh. Pareho kayong mga denial.” Sagot ni Tonet sabay tawa nito na
parang kontrabida.
“Babe, wag
mo masyadong inisin yan baka umiyak.” Gatong pang pangaasar ni Carlo.
“Ulol!” Sabay
tawa naming tatlo.
Nasa ganun
kaming usapan nang may makita akong pamilyar na kotse na nagpapark sa kabilang
kalsada. Agad umusbong ang kaba sa aking dibdib nang makita kong bumababa sa
sasakyan nya si Dorwin.
Napatingin
rin ang dalawang magkasintahan sa gawi nito.
“Di ba yon
ang pinsan ni Ace?” Si Carlo sabay turo pa nito sa papalapit na si Dorwin.
Di ako
nakasagot dahil sa sobrang ka ba. Kumaway pa ito sa amin nang makita kami.
“Hey guys.
Ano meron ngayong gabi?” Tanong nito nang makalapit sa amin.
“Full Moon?”
Malokong sagot ni Tonet na ikinatawa naman nito.
Nanatili
lang akong tahimik.
“Oo nga
noh.” Pag sangayon nito habang nakatingala at nakatingin sa bilog na buwan.
“Mukhang sakto ang pagpunta ko ah.”
“Inuman
tayo?” Tanong ni Carlo dito.
“Oo ba! Yan
eh kung okey lang kay Red.” Sagot naman ni Dorwin.
Binigyan ko
ito nang isang peking ngiti. Dahil sa loob loob ko gusto ko na talagang sapakin
ang taong ito.
“Naginuman
palang kasi tayo kagabi under recovery pa ako.” Simpleng pagtangi ko sa kanila.
“At kelan ka
pa natutong tumangi sa inuman?”Ang nakapamiwang na sabi ni Tonet sabay taas
nang isang kilay nito.
“Oo nga
naman parekoy kelan kapa tumangi?” Dagdag pang wika ni Carlo.
Napalingon ako
sa gawi ni Dorwin kita ko na nakangiting aso ito sa akin. Agad kong binawi ang
aking tingin dito sabay sabing.
“Baka di ko
maasikaso ang bar kung uminom ako kayo nalang muna.”
“Don’t worry
Red parating na sina Mina at Chad. Hindi naman ganun ka lakas uminum si Mina
kaya pwedi syang mag take over ngayon.”
Wala na
talaga akong lusot. Kita ko ang pigil na pagtawa ni Dorwin alam kong pinag
didiwang nito ang pagkapanalo nya.
Dahil may
tatlong naman kaming umbrella table sa labas nang bar para sa mga costumer na
ang trip ay ang magpahangin at makapag usap nang matino. Pinili ni Tonet na don
kami pumuwesto.
Agad na
tinawag ni Tonet ang waiter na kumukuha nang mga oders at sinabihang mag serve
ang isang bucket nang San Miguel Light. Um-order din ito nang nachos para sa
pulutan. Yon daw kasi ang bagay sa San Mig Light.
Kwentohan
tungkol sa trabaho ni Dorwin ang unang paksa namin. Doon ko napag alaman na
Abogado pala ang lokong yon at may sariling opisina. Napag alaman din namin na
kapatid nang Mommy ni Ace ang papa nya at may kambal sya na katulad ko ay
Electrical Engineering din ang natapos.
Makalipas
ang ilang minuto ay dumating naman sina Chad at Mina. Lahat sila ay sobrang
bilib kay Dorwin dahil sa edad nitong 25 ay isa na itong magaling na lawyer.
Nanatili
lang akong tahimik at nakikinig lang sa kanilang usapan. Hindi ako komportable
sa presenya ni Dorwin. Alam ko kasing may binabalak na naman itong kalokohan
kita ko sa mga mata nito habang paminsan minsan ay tumitingin sa akin.
“Bakit
tahimik ka Red?” Pamumuna ni Mina sa akin.
Isa ring
tanong ang isinagot ko dito.
“Asan si
Angela?”
“Wala, Di
daw sya makakarating ngayon masama daw pakiramdam.” Sagot naman nito.
“Ah ganun
ba? Okey naman yon kanina nang tumawag sa akin ah.”
“Teka nga
pala. San ka ba nagpunta kanina bakit bigla kang nawala?”
Hindi ako
nakasagot sa tanong nito. Napalingon ako sa gawi ni Dorwin na may kaba dahil sa
takot na baka ibuko ako nito.
“Ako ang
kasama nya kanina.” Magiliw na sagot nito sa mga kabarkada ko.
Kita ko ang
pagkabila nang mga ito sa nalaman. Habang si Tonet ay napa tingin sa akin na
nakataas ang kanyang kilay. Lumakas ang kabog nang aking puso sa mga susunod na
sasabihin ni Dorwin.
“Talaga? Nag
babasketball Karin?” Tanong ni Tonet dito.
“Dati, pero
ngayon hindi na.”
“Kasi sabi
ni Red kalaro daw nya nang BASKETBALL eh.” Pag bibigay diin nya nang salitang
basketball. “So matagal na pala kayong magkakilala?” Dagdag pang wika nito.
“Hindi
kagabi lang kami nag kakilala nung ipakilala kayo sa amin ni Pinsan.”
Tumingin ang
dalawang mag syota sa akin na may pagtataka sa kanilang mga mata. Hindi ko alam
kong ano ang idadahilan ko.
“So
magkatabi kayong natulog?” Nag tatakang tanong ni Tonet.
Binigyan ko
nang isang nagbabantang tingin si Dorwin. Isang tingin na nagsasabing wag nyang
sasabihin ang totoo.
Itutuloy:
No comments:
Post a Comment