ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Saturday, September 29, 2012

After All Chapter 12



Rover, Lilee, Rue (Flame dragon ni Recca), R. J, Khief, Mcfrancis, Pink 5ive (na talagang natuwa ako sa comment nya sa BOL), Jayfinap (Ang idol ko), Mars, Jay!:), R3b3l^+ion, Mikimer Araneta,Kristoffshaun,Migz,Icy,Billy, Jasper, Ran (Randolf) – salamat sa mga comment nyo sa blog ko..


Rheinne,J.V,Jayson13,Dave17,Roman(roohmen),Zenkie(ayan di na ako mag kakamali),Dada,JM,The Who, Darkboy13,Rei,Pink 5ive, Rstjro29,Beucharist,Psalm,Nate_dominique, Wastedpup,itzjakepaul,Ian,Dennnis,Vinz at sa mga anonymous at Silent Reader..


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
___________________________________________________


Napatingin ang mga kaibigan ko sa gawi nang babaeng papasok ngayon sa bar. May apat itong kasama at masayang nagtatawanan nang mabaling ang tingin nang babae sa umupukan namin ay rumeshistro rito ang pagkabigla habang ako ay nakatingin lang sa kanila na di alam ang gagawing reaksyon.


“Oh my god! Is my eyes deceiving me? Red is that you?” Sabi nito nang makalapit sa mesang kinauupuan namin. Ganun pa rin sya maganda, seductive at sexy.


“Amber?” Ang tugon ko rito sa pagkabigla.


Agad itong yumakap sa akin at binigyan ako nang halik sa labi na ikinagulat nang lahat. Hindi ako nakagalaw sa ginawa nito para akong bato sa aking kinauupuan.


“I miss you.”


“A-ano ang ginagawa mo dito? Paano ka na punta rito?” Sunod sunod kong tanong ng bigla akong matauhan.


“What a question. Hindi mo ba ako ipapakilala sa mga friends mo?” Malandi nitong sabi na di parin naalis ang pagpulupot ng mga kamay nito sa aking leeg.


“Teka teka.” Sapilitan kong tinanggal ang mga kamay nito sa akin. Hindi ako komportable sa ginagawa nito.


“Aren’t you happy seeing me dear?” Takang tanong nito nang matanggal ko ang mga nakapulupot nyang mga kamay.


“Sino sya?” Sabat ni Mina na naka kunot ang noo. Marahil hindi nito na gustohan ang lantarang panlalandi sa akin ni Amber.


“I’m Amber, Red’s girlfriend way back in college.”


Napataas ang kilay ng mga babaeng kaibigan ko sa narinig. Si Angela na likas ang pagkamadaldal ay piniling hindi magkomento.


“And you?” Mataray nitong tukoy kay Mina na sinamahan pa nang maarte nitong pag suklay ng buhok nya. Si Chad naman at Carlo ay pareho lang tahimik na nakatingin sa babaeng nagtataray sa kanila.


“One of the owners of this bar.” Balik pagtataray ni Mina rito.


Halatang napahiya si Amber nang malaman na isa sa may ari ang pinagtatarayan nya. Kahit nagsisimula palang kami maganda na ang feed back nang seventh bar sapagkat hindi lang mga teenager ang pumupunta at nagiging costumer namin yung iba mga business personel o kung hindi man mga ay local government official na siguro pinipiling sa bar namin maginum o magpalamig. Isa ring dahilan ay ang mga kaibigan at kapamilya nila Tonet na talagag ine-advertise sa mga kakilala nila ang seventh bar.


“Excuse me sir, sa table 5 magbabayad na raw.” Singit ng waiter sa akin.


Napatingin sa akin si Amber.


“Don’t tell me you’re also one of the owners here?”


“Lahat kami ay may share dito.” Tungon ko rito. “Why don’t you go look for a seats para sa mga kasama mo.” Pagtataboy sa kanya.


“Girl, Hindi mo ba kami ipapakilala sa kanya?” Sabi nang babae na kasama ni Amber.


“Oh im sorry I forgot masyado akong na excite nang makita ko ang baby ko.” Sabay hawak nito sa kamay ko. “These are my friends Aya, Dianne, Beth and my cousin Sandra sa kanila ako ngayon nakituloy for a vacation” Sunod sunod nitong pagpapakilala sa mga kasama nya. “Ladies meet Red, his my boyfriend since college.”


Naiilang man ay hindi ko nalang binara ang pagpapakilala nito sa akin sa mga kasama nito bilang boyfriend nya, dahil hindi naman talaga naging kami. This girl was a player and I was a player too. No commitments involve kasi may boyfriend sya that time. Kilalang social climber si Amber nang mga naging kaibigan ko sa manila lahat ay gagawin nito maka jam lang sa mga mayayamang barkada ko at ako ang naging way nya noon. Okey lang naman sa akin dahil importante natikman ko sya.


“Nice to meet you.” Hindi ako pweding maging bastos sa harap ng mga costumer namin. Siguro yon din ang dahilan kong bakit hindi sumasabat si Angela. “Mga kabarkada ko. Mina, Angela, Antonet, Carlo her boyfriend, and Chad Mina’s hubby.” Sa mga tingin palang nina Mina alam ko nang hindi nila gusto si Amber.


“It was nice meeting you guys, Hope we can be friends.” Malambing nitong sabi. Parang agad nitong nakalimutan ang pakikipag tarayan nito kanina. Walang ni isa sa mga kabarkada ko ang sumagot sa kanya pilit na ngiti lang ang ibinalik ng mga ito.


“Alex!” Tawag ni Tonet sa isang waiter namin. “Samahan mo sila sa mesa nila.” Utos nito sa waiter. “Enjoy the evening.” Dagdag pang wika nito sa grupo ni Amber.


Wala nang nagawa pa si Amber kung hindi ang sumunod. Nagbigay pa ito nang isang halik sa akin bago tinungo ang mesa nila. Napailing nalang ako sa ginawa nito. Kita ko namang napataas ng kilay si Mina at Angela nang makaalis na ito.


“Who the hell is she?” Tanong ni Carlo sa akin.


“A nightmare from the past.” Pabiro kong sagot na ikinatawa ni Chad.


“Kung makaasta naman ang yabang.” Singit naman ni Tonet sa mahinang boses.


“Kung makahalik parang lalamunin ka nang buo.” Sabi pa ni Angela na tinawanan naman nila.


Napalingon ako sa gawi kung saan nakaupo sila Amber nakaharap ito nang upo sa amin. Kausap pa nito ang waiter siguro kumukuha nang order. Nang mapansin nito na nakatingin ako sa kanya ay binigyan ako nito isang ngiti. Alam ko ang ibig sabihin ng ngiting iyon dahil yon din ang ginamit nya sa akin nung una kaming magkakilala.


Ibinaling ko nalang ang aking atensyon sa mga taong ngayon ay isa-isa nang pumapasok sa bar. Naalala ko ang pangako ko kay Dorwin na magrereserve ako sa kanila nang upuan ng kasama nya kaya naman agad kong tinext sya at tinanong kung anong oras sila darating.


Ibinalik namin ang usapan sa nalalapit na birthday nang mommy ni Rome. Tinawagan naman agad ni Tonet si Rome para i-confirm na darating kami. May maganda raw itong balita sa amin kaya dapat kompleto kami. Excited silang lahat na muling makita ang dalawa naming kaibigan na mula nang makaalis papunta nang isla ay hindi pa namin nakikita. Mag dadalawang lingo narin itong hindi nagpapakita sa amin ni hindi pa ito nakakadalaw sa bar.


Nang medyo marami na ang tao ay tinatawag ko ang waiter para lagyan nang reservation sign ang lamesa sa bandang kaliwa nang bar. Doon sa medyo malapit sa isang speaker para kay Dorwin at sa kausap nya. Yon lang kasi ang nakikita kong magandang pwesto para sa mga ito.


Mga ilang minuto pa ang nakalipas ng dumating sina Dorwin at ang kasama nito. Matangkad na lalaki ito, maputi rin at maganda ang pangangatawan. Hindi ko alam kong tama ang nakita ko nang buksan nito ang pintuan at masinagan sila nang ilaw na nagmumula sa labas parang kagagaling lang nila sa iyakan o baka rin namamalikmata lang ako.


Agad na lumapit si Dorwin sa amin.


“Hey, Musta guys?” Magiliw nitong pagbati sa amin.


“Oi, Attorney!” Bati ni Carlo rito.


“Kumusta Dorwin, Sino yang kasama mo?” Sabat naman ni Tonet na nakatingin sa kasama nitong lalake.


“My colleague Niel.” Pagpapakilala nito sa amin. “Niel, meet the owners of seventh bar. Tonet, her boyfriend Carlo, Mina, her partner Chad, Angela and Red. These people are Ace’s best of friends. Im sure naaalala mo pa si Ace right?” Nakipag kamayan ito sa amin.


“Who wouldn’t. Sya yung tahimik di ba, Kamusta na pala sya?” Tugon nito sa huling sinabi ni Dorwin.


“His fine.” Matipid na sabi ni Dorwin. “Ang dami namang tao ngayon.” Pagiiba nito nang usapan.


“May reniserved na akong lamesa para sa inyo hindi ka kasi nag reply kong ilan kayong magiinuman kaya naman pinili ko ang kasya ang apat na tao.” Wika ko rito na nakangiti.


“Salamat. Nga pala, may dala akong pagkain baka hindi pa kayo kumakain.”


“Hindi pa nga. Pero paalis na din kasi kami, eh. Si Red ang magbabantay ngayon meron kasi kaming pupuntahan bukas.” Tugon ni Antonet rito.


“Kami rin, kailangan naming umuwi nang maaga ngayon. Kita kits nalang tayo sa Saturday.” Si Mina.


“Bakit? May lakad kayo besh?” Tanong ni Angela rito na may pagtataka.


“Mating season namin besh.” At humagikhik ito habang nakapulupot ang kamay nito sa braso ni Chad. Natawa si Dorwin pati ang kasama nito sa kalokohan ni Mina.


“Kaloka!” Sabay na komento nina Angela at Tonet.


“Kayo talaga.” Ang nasabi nalang ni Dorwin na ngingiti ngiti parin.


“Sige na. Magsilayas na kayo nang matahimik ang buhay ko.” Pabiro kong pagtataboy sa kanila. “Ikaw Angela, Sasabay ka bas a kanila?


“Naman! May date ako bukas.” Excited na sabi nito. “Red, Don’t flirt with that woman okey? Hindi ko sya gusto.” Dagdag pang sabi nito nang makatayo na.


“She’s a flirt.” Pagsangayon pa ni Mina.


“Wag mong bigyan ng discount ang babaeng yan.” Sabat naman ni Tonet.


Natawa ako sa mga pinagsasasabi nila. Halatang ayaw na ayaw nila kay Amber ako man ay hindi ko gusto ang ugali nang babaeng yon. Kung hindi lang ako nalasing nung gabing magkakilala kami hindi ito makaka score sa akin.


“Yes mga boss!” Ang sagot ko nalang sa kanila para di na mangulit pa.


“Attorney mauna na kami sa inyo.” Pagpapaalam ni Carlo. “It was nice meeting you pare.” At muli itong nakipagkamayan sa kasama ni Dorwin na sinundan din nila Chad at nang iba pa.


Inihatid ko sila sa kanikanilang sasakyan at nang makaalis na ang mga ito ay pumasok na ako sa bar. Dumiretso ako sa may bar counter ang paborito kong spot sa bar um-order na rin ako nang blue frog na parobito kong inumin.


Mga ilang oras din ang lumipas at nan doon parin ang grupo nila Amber. Busy ang mga ito sa tawanan at harutan. Si Dorwin naman at ang kasama nito ay tahimik lang na umiinum nang lingunin ko ang mesa nang dalawa ay nakita kong parehong malalakas na alak ang iniinum nila. Gusto bang mag lasing nang dalawang yon? Ang nasabi ko nalang sa aking isip nang makita na johny walker ang tinitira nang mga ito.


Ibinaling ko nalang ang aking atensyon sa aking iniinum. Nagiisip isip kung paano ko haharapin si Ace sa nalalapit naming pagkikita. Alam kong hindi magiging madali ito para sa akin pero handa na rin ako. Tanggap ko na walang patutunguhan ang pagmamahal ko kay Ace. Bakit ganito sa tuwing nakakainum ako si Ace parin ang tumatakbo sa isipan ko?


Nasa ganun akong pagiisip nang may kumalabit sa akin mula sa likod. Agad akong napalingon sa gawi nito upang tingnan ang taong sumira sa pagmomoment ko.


“Ang lalim naman nang iniisip mo.” Sabi nito sa akin nang linungin ko sya. Hindi ko sya sinagot ibinalik ko ang aking tingin sa basong may kalahati pang laman ng alak.


“Ang yayaman pala nang mga kaibigan mo dito sa probensya. Kaya pala di na kita nakikita sa mga paborito nyong  bars sa manila nan dito kana pala.” Pagsisimula nito nang usapan namin, hindi naman ito nabigo dahil sumagot ako.


“Hindi ka nila gusto.” May diin kong sabi rito.


“Okey lang hindi ko rin naman sila gusto. Mayayabang ang mga kaibigan mo.” Halatang napikon ito sa sinabi ko.


Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya at binigyan nang isang nakakainsultong ngiti.


“Look who’s talking. Lakas nang loob mong tarayan ang mga kaibigan ko baka nakakalimutan mo na dayo kalang dito.” Sabi ko rito sa mahinang tinig. “At hindi sila mayayabang ikaw ang umastang mayabang.”


Tumawa ito nang pagak bago nagsalita.


“Same old Red. Arogante ka parin at masakit magsalita kaya walang tumatagal na relasyon sayo. But that’s what i like you.” Sabay himas nito sa mukha ko na agad ko namang tinanggal.


“Go flirt with somebody else Amber.” Malamig kung tugon rito. “Hindi na aandar yan sa akin and let me correct you hindi kita girlfriend at wag kang umasa na may mangyayari pa ulit sa atin.” Sabay bigay ng nakakainsultong ngiti.


Alam kong napahiya ito sa sinabi ko kaya naman mula sa ngiti ay  gumuhit ang galit sa mukha nito. Muli akong nagsalita.


“Wag kang magkakamaling mageskandalo rito gaya nang ginagawa mo sa manila dahil hindi ako mangingiming itapon ka sa labas.” Pagbabanta ko sa kanya.


Si Amber ang klase nang babae na nagwawala kung hindi nito nakukuha ang gusto nya. Gustong gusto nito ang makakuha nang pansin at kaawaan sya nang mga tao. Ito ang taktikang ginagamit nito kung pinagtataguan na sya nang mga lalaking alam na kung ano ang mudos nya.


Siguro napansin nyang hindi ako kakagat sa ginagawa nya kaya naman bumalik nalang ito sa kanyang mga kaibigan.


Habang papalalim ang gabi ay unti unti na ring nababawasan ang mga tao sa loob nang bar. Naparami na rin ako nang shot kaya medyo groggy na rin ako.  May kumalabit ulit sa akin at inisip kong si Amber yon.


“Di ka ba nakakaintindi?” Ang sabi ko sabay lingon sa kanya. Napahiya naman ako nang makita si Dorwin na halatang lasing na at nakakunot ang noo.


“Sorry akala ko kasi yung isang costumer.” Pagpapaumanhin ko rito. “Lasing kana?”


“Doon ka nalang sa table namin. It’s sad seeing you alone.” Sabi nito sa akin.


“Lasing ka na nga. Kung ano-anu na pinagsasasabi mo.” Nakangiting wika ko sa kanya.


“Hindi pa ako laseng noh. Sige na doon ka nalang sa table namin.” Pamimilit nito sa akin.


“Nakakahiya sa kasama mo. Dito nalang ako.” Pagtanggi ko sa kanya.


“Hindi yan.” Sabay hatak nito sa akin.


Ewan ko kung matatawa o maiinis ako kay Dorwin. Hindi ako sanay na umaarteng parang bata ang gagong to. Wala na akong nagawa kung hindi ang hayaan nalang sya sa paghatak sa akin papunta sa lamesa nila.


“Red si Niel.” Pagpapakilala ulit nito sa kasama nya. Nakalimutan ata nito na ipinakilala na nya ito sa amin kanina lang.


“Nice to meet you pare. Maupo ka.” Sabi naman nito. “Matagal na ba itong bar nyo.? Dagdag wika nito.


“Hindi, kamakailan lang.”


“Ano ba ang kursong tinapos mo?”


“EE ako pare. Kaw ba?”


“Kapareho mo pala nang kurso si Dave. Nag law ako dati pero tumigil din. Pumunta kasi kami nang Canada nang pamilya ko. Ngayon isa na akong dentist.” Nakangiti nitong sabi.


“Nice, Kababalik mo lang?”


“Yep, Kahapon lang.”


“Red was my savior. Sya ang naglilinis sa magulong nakaraan ko.” Sabat ni Dorwin sa amin.


Kita kong biglang nangunot ang mukha nang kasama nya.


“What do you mean? Ikaw ang sinasabi nyang nakatira sa kanya?” Wika nito na parang hindi naniniwala.


Imbes na ako ang dapat sumagot ay si Dorwin ang sumagot para sa akin.


“Yep! Sa akin sya nakatira at magkatabi kaming matulog.” Magiliw nitong sabi.


Nahiya man ay hindi ako nakapag react parang kakaiba nanaman ang ipinapakita ni Dorwin na ugali. Ewan ko kung dala lang ito nang tama nang nainum nya o kung may gusto syang iparating. Isip bata Pabulong kong sabi.


Kita ko na biglang lumungkot ang mga mata nang kausap nya, pero bigla rin itong nawala na animoy dumaan lang na parang hangin.


“That’s good. Atleast may kasama ka ngayon at di ka nagiisa.” Ang wika nito.


“Sinabi mo pa!” Sabay tawa nito nang nakakagago.


Nawewerduhan man ako sa inaasta ni Dorwin ngayon ay parang may nahuhulaan na ako, hindi nga lang ako ganun ka sigurado kong tama ba ang hula ko. Itinuloy namin ang inuman na walang namamagitang usapan aming tatlo. Ang weird dahil akala ko magkaibigan sila pero bakit parang may di makitang pader sa pagitan nilang dalawa. Sunod sunod ang paginum ni Dorwin habang si Niel naman kita sa kanyang mga mata na gusto nya itong pigilan pero hindi nya magawa napapabuntong hininga nalang ito.


Ako na mismo ang pumigil sa ginawang soft drink na paginum nito sa alak.


“Magmamaneho kapa pauwi. Tama na yan.”


“Oh c’mon di pa ako laseng noh! Kayang kaya ko pang magmaneho.” Sabay laklak nito sa natitirang laman nang shot glass nya. “Waiter! two more johny walker.”


“Dorbs, kala ko ba naiintindihan mo ako.” Biglang sambit ni Niel.


“Sobra kitang naiintindihan kaya nga naglalasing tayo di ba, to celebrate sa pagbabalik mo.” Sarkastikong sagot nito rito.


Hindi na ito nakasagot pa. Dumating ang waiter at ilinapag nito ang dalawang glass nang alak. Napapailing nalang ang kasama nito. Nagpaalam naman si Dorwin na pupunta muna sya nang CR. Halos susuray suray na ito at di na makapag lakad nang tuwid.


“Alex, Last na yan, ah. Wag mo na syang bigyan ng alak.” Utos ko sa waiter namin.


“Sige po sir.”


“Salamat pare.” Biglang sabi ni Niel sa akin. “Alam kong babarahin lang ako nun kung ako ang pipigil sa kanya.” Malungkot nitong sabi.


“Wala yon. Kaibigan ko rin naman sya, eh.” Gusto ko na sanang itanong kung ano ang problema pero nahihiya ako baka sabihin pa nitong pakialamero ako.


Nakabalik na si Dorwin at halata na rito na hindi na nito kayang magmaneho pa. Si Niel naman ay may dala ring sasakyan at hindi pa rin daw nya alam ang bagong bahay ni Dorwin dahil matagal na panahon na silang hindi nagkikita. Wala akong choice kung hindi ang ihatid nalang muna ito sa bahay nya saka babalik sa bar.


Sinabihan ko ang isa sa all around waiter namin na sya nalang muna ang humawak nang kaha. Si Niel ang nagbayad ng lahat nang ininum nila ni Dorwin.Kinuha ko muna lahat nang laman nang kaha bago ako umalis. Sinabi ko rin na paghindi na ako makabalik ay dalhin nalang muna ang pera na makukuha nya sa mga natitirang costumer at sila na rin ang magsara. Mapapagkatiwalaan naman si Alex kaya kampante ako sa kanya.


Wala nang lakas pa si Dorwin na tumayo sa sobrang kalasingan kaya naman inalalayan nalang namin sya. Tinulungan ako ni Niel na maisakay si Dorwins a kotse nito. Napatingin naman ang mga taong nasa loob ng bar kasama na rin ang grupo ni Amber.


“Pare, Ikaw na ang bahala sa kanya tatawagan ko nalang sya bukas.”


“Okey, Ingat sa pagmamaneho.” Tugon ko rito at pinasibad na ang sasakyan. Kita ko sa side mirror na nakatingin pa ito sa amin habang papalayo.


Nang makarating kami nang bahay nya ay mahimbing na ang tulog nito sa loob ng sasakyan. Agad akong bumaba para pagbuksan ang gate at ipasok ang kotse sa loob. Malaking tao si Dorwin hindi ko kakayaning buhatin sya mula sa labas ng gate nang bahay nya. Binuksan ko muna ang pintuan ng bahay bago ko sya binuhat.


“Ang bigat mong damulag ka!” Ang pasigaw kung sabi para makaipon nang sapat na lakas na buhatin sya. Ngayon ko lang nakita na parang lantang gulay sa kalasingan si Dorwin. Hindi ko alam kung saan ko kinuha ang lakas para mabuhat sya papunta sa kanyang kama na nasa ikalawang palabag.


Tinanggal ko ang kanyang sapatos at medyas. Isinunod ko ang kanyang damit at nang isusunod ko na ang kanyang pantalon napansin ko na basa ito. Natawa ako, siguro na basa ito nang mag banyo sya kanina sa sobrang kalasingan pati ang brief nito ay basing basa rin. Kumuha ako nang kumot at kinumutan ang ibabang parte nang katawan nya bago ko tanggalin ang brief nito na balak kong palitan dahil sa panghi.


Napapailing kong tinungo ang lalagyan nang labahan.


“Susuka ako.” Ang narinig kong sabi nito.


Dali dali akong pumunta sa kanya.


“Sandali! Wag muna, baka masukahan mo ang kama.” Ang nagpapanic kong sabi rito. Patakbo akong bumaba para kumuha nang palanggana. Nang makabalik ako sa kwarto nya kita kong naduduwal na ito. Anak ng!! sabi ko sa aking sarili at mabilisang ini upo ito sa kama at itinapat ang palanggana sa kanyang muka.


Pagkatapos kong maligpit ang kalat ni Dorwin ay tinawagan ko si Alex na hindi na ako makakabalik. Hindi ko pweding iwan si Dorwin na ganito at baka magsuka pa sya ulit. Kumuha ako nang malamig na tubig at bimpo para punasan ang mukha at katawan nito na ngayon ay pawis na pawis.


“Hindi mo nagawang ipaglaban ang relasyon natin!” Ang sabi nito na parang nag dedeliryo. Napatingin ako sa mukha nya at nakita ko ang mga luhang dumadaloy sa kanyang pisngi.


“Wala kang kwentang tao! Bakit kapa nagbalik?” Sabi nito habang humihikbi.


Nakaramdam ako nang awa para sa kanya. Muling nanariwa sa akin ang alaala nang malasing din si Ace dahil sa panloloko sa kanya ni Rome. Parang nauulit nanaman ang lahat ng mga nang yari.


“Kung kelan natutunan ko nang mabuhay ng wala ka.” Ang paulit ulit nitong sinasabi sa likod nang kanyang paghikbi. Hindi ko alam kung si Niel ba ang kanyang tinutukoy.


Hinaplos ko ang kanyang mukha at pinahid ko ang mga luhang parang ilog na umaagos. Pareho pala sila ni Ace kung umiyak. Ang nasabi ko nang pabulong.


“Shhhhh.. Tama na tulog kana magiging okey din yan bukas.”


Habang tinitingnan sya na mahimbing na natutulog hindi ko maiwasang hawakan ang kanyang maamong mukha. Hindi ko alam kong gaano kabigat yang dinadala mo pero papasayahin kita katulad ng pagpapasaya ko sa pinsan mo makabawi lang sa mga atrasong na gawa ko sayo. Pabulong kong sabi rito.


Naligo ako at nagpalit ng pantulog bago tumabi sa kanya sa kama. Muli nanaman itong naka dantay sa kanyang paboritong hot dog pillow. Dahan dahan kong tinanggal ito at iniunan sya sa aking balikat napayakap sya sa akin.


_____________________


Kinabukasan nagising ako sa isang sunod sunod na Door bell. Tingnan ko si Dorwin na mahimbing pa rin ang tulog na nakayakap sa akin. Napangiti ako sa hitchura naming dalawa. Tumingin ako sa wall clock nya mag aalas dyes na pala nang umaga. Dahan dahan akong tumayo para pagbuksan  ang taong kung makapag door bell parang wagas lang.


Nang pagbuksan ko ang pinto.


“Ang tagal mo naman! Ang init init dito sa labas!” Nan laki ang mata nito nang mapagtantong hindi ang inaasahan nyang tao ang bubungad sa kanya.



Itutuloy:

No comments:

Post a Comment