ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Wednesday, September 12, 2012

Shooting Stars Episode 8


Nagbabalik ang author na walang ginawa kungdi ubusin ang oras kakahanap ng inspirasyon para magtuloy- tuloy ang storya ni Ken.

Nagpapasalamat po ako sa mga bumubuo ng MNB Facebook page at kay Onichan Kenji dahil isa sya sa mga nagbigay sa akin ng inspirasyon para gawin ang mga storya ko.

Salamat din po sa walang sawang nagbabasa ng aking story!
Especially kila:
Ginno, Angel Marco Menor Aka Marc of K.S.A., Monty, Marshy, Franklin Aviola, Kiero 143,
Zenki of Kuwait, Mark 5337, Sinbad, Frostking, robert_medoza. Anita baker at sa mga Annonymous at Silent Readers!

Kayo po ang aking dahilan para magkaroon ng inspirasyon! :)

Enjoy Reading Guys!



“Mahal kita kuya ko!” sabi nya sa akin at napangiti naman ako sa kanya.

Hinaplos ko ang kanyang buhok at biglang tinamaan din ako ng antok, na napansin ni kuya Ray yun.

“Mukhang mga pagod kayo ah!” sabi nya sa akin.

“Si bunso kasi kakagaling lang sa iyak kaya inantok, ako naman galing school, medyo pagod dahil maraming ginawa” paliwanag ko kay kuya Ray at ngumiti lang ito sa akin.

Narinig kong tumutunog ang phone ko kaya kinuha ni kuya Ray sa may dashboard ang aking phone at ibinigay sa akin.

“Daddy!” sabi ko

“San na kayo?” sabi lang nya sa akin

“Dito pa din sa may daan eh, tumigil muna kami dahil inantok si Jiro, tinabihan ko muna!” sabi ko lang na naririnig ko sila lola Lisa at si mommy na nagtatawanan.

“Ahh! Ganon ba? Sige! Sabihin mo kay Ray na dito kami sa may tapat ng by the bay, okay ba yun Ken?” sabi ni dad sa akin.

“Okay po! Sige daddy! Tawagan ko na lang kayo kapag nakapag park kami.” Sabi ko na lang sa kanya at pinatay na nya ang tawag.

Nang nakikita ko na ang mall ay ginising ko na si Jiro.

“Bunso gising ka na!” sabi ko sa kanya habang tinatapik ko ang kanyang pisngi.

Nakita kong minulat na ang kanyang mata at ngumiti ito sa akin.

“Good morning bunso!” biro ko sa kanya at umupo na ito galing sa aking lap.

“Saan na tayo kuya?” tanong nya sa akin habang inaayos ang kanyang sarili.

“Sa MOA bunso!” sabi ko sa kanya at agad syang tumingin sa bintana.

“Ang laki pala ng MOA!” sabi nya na hangang hanga sa laki at ganda ng mall.

“Parang di ka pa nakakapunta dito ah!” sabi ni kuya Ray at napatingin naman si Jiro.

“Hindi pa talaga!” sabi nito at kinamot ang kanyang ulo.

“Yaan mo na yan bunso! Basta magpakasaya ka at birthday mo ngayon!” sabi ko sa kanya at inakbayan ko sya.

Habang nakasakay pa sa sasakyan ay nagtext si kuya Kino sa akin.

“Ken saan na kayo?” sabi ni kuya Kino.

“Dito na kami, paikot pa lang!” reply ko sa kanya.

“Baba na kayo para maigala mo si bunso! Sabi ni lola Lisa na di pa daw nakakapunta sya dito eh!” sabi nya sa akin at hindi na ako nagreply.

Nang tumapat na kami sa may stoplight ay bumaba na kami at sinabihan si kuya Ray na puntahan na lang sila daddy sa by the bay.

Nang makababa kami ay nagsimula na kaming naglakad ni Jiro, nakita kong hindi mapalagay ang kanyang paningin dahil sa paghanga nya dito, hinayaan ko lang syang maglibang.

“Kuya Ken, ang ganda pala dito sa gabi no?!” sabi nya sa akin.

“Oo kaya gusto ni daddy na gumala kami sa gabi dito!” sabi ko sa kanya at inakbayan ko sya habang naglalakad kami.

Napansin ko na naiilang sya sa mga nakatingin sa amin dahil na naka akbay ako sa kanya at naramdaman ko naman na tumigil sya sa isang anime shop.

“Gusto mong pumasok?” sabi ko sa kanya at kahit nahihiya syang magsabi ay hinila ko sya para pumasok.

“Good Evening Sir!” bati sa amin ng isang salesman.

“Good Evening din!” sagot ko lang at pumasok na kami sa store na yun.

Nakita ni Jiro ang dami ng anime toys at pang costume kaya tingin dito, tingin doon ang kanyang ginagawa, at pumunta lang ako sa isang mini museum dun at tumingin ng mga bagong arrival na anime magazine.

“Wow! Kuya Ken! Yun yung meron ka sa bahay oh!” sabi nya sa akin at tinuro yung binabasa nyang magazine kanina.

Ngumiti lang ako sa kanya at may biglang lumapit sa amin.

“It’s nice to see you here again!” sabi ng isang babae.

“Oh! Chelsea!” sabi ko sa kanya.

“Hello friend! And who’s this cute guy?” sabi nya sa akin at tumingin sya kay Jiro.

“He’s my little brother Jiro!” pakilala ko sa kanya at tumapat si Chelsea kay Jiro.

“Hello!” sabi ni Chelsea.

“Hi! I’m Jiro Rodriguez Yoshihara!” sagot ni Jiro at ngumiti lang si Chelsea.

“Call me ate Chel! Dito lagi napunta ang kuya Ken mo after class nung dito pa sila nakatira sa manila!” sabi nya kay Jiro at ngumiti lang ako sa kanya, lumapit na ako at inakbayan ko si Jiro para hindi mailang kay Chelsea.

“Oo nga pala Ken, asan ang kuya Kino mo? Tell him na may limited edition na kami ng gundam, and para sayo wala pang magazine eh!” sabi nito sa akin.

Pinag gala ko muna si Jiro sa loob ng store para makahanap ng gusto nya at biglang hinila ako ni Chelsea sa braso.

“Alam mo kung hindi ko kayo kakilala, magmumukha kayong mag jowa!” biro nya sa akin at natawa naman ako sa sinabi nya.

“Ikaw talaga Che! Senior kita since Highschool ngayon ikaw na ang nag mamanage nitong branch nyo, at ganyan ka pa din mag isip! Straight kaya ako!” sabi ko sa kanya at natawa naman sya.

“Asus! I know that! It was just I am concerned pa din sa aming bunso ng campus! Teka, Rodriguez ang middle initial nya, magkaiba kayo ng mother?” pansin nito kanina sa sinabi ni Jiro.

“Yep, magkaiba nga kami ng mother but he’s my full blood brother, and walang issue na dun! He’s a Yoshihara, kaya he got our father’s bloodline to him!” sabi ko sa kanya at tinignan nya ako.

“So it means na walanghiya din sya like you and Kino?!” biro nya sa akin at tumawa lang ako sa kanya, napansin namin ni Chelsea na lumapit na si Jiro at napansin kong wala syang dala.

“Oh diba sabi kong pumili ka?” sabi ko sa kanya at napakamot nanaman ito ng kanyang ulo.

“Nahihiya kasi ako kuya, at saka di ko naman alam kung ano ang pipiliin eh!” sabi nya at narinig ito ni Chelsea.

“Okay lang yan! Pick what you want, ang kuya Ken mo naman ang magbabayad nyan eh! Teka sumama kayo sa akin, may papakita ako sa inyo, I hope you like this!” sabi sa amin ni Chelsea at pumunta kami sa pinaka loob ng store nya kung saan makikita mo yung mga complete die cast toys na medyo mahal.

“Whoa!” paghanga ni Jiro na napangiti lang ako.

“Now Baby boy! Pick what you want!” sabi ni Chelsea at hinila ko si Jiro para makapili.

“Kuya ang ganda nitong bleach collection!” sabi nito sa akin at agad nang humingi ng assistant si Chelsea para sa aming dalawa.

“Here’s Kevin to help you out! Okay ba yun Ken?” sabi nya sa akin nang dalhin nya ang kanyang assistant at ngumiti lang ako sa kanya.

Habang nililibot namin ni Jiro ang store ay agad akong kumuha ng cap na may design ng konoha head protector at nilagay ko ito sa cart na dala ng assistant ni Chelsea, nakita kong kanina pa hinahawakan ni Jiro ang isang set ng Bleach action figure kaya nung maka alis na sya ay sumenyas ako na kukunin ako ang complete set nun.

“Kuya ito lang ang kinuha ko!” sabi ni Jiro at inabot sa akin ang keychain sa Fairy Tail collection.

“Okay, sabi mo eh! next time kapag lalabas tayo, don’t be shy na magsabi sa amin ni kuya Kino!” payo ko sa kanya at tumango lang ito, pinauna ko na si Jiro sa counter at sinabi sa assistant na kukuha din ako ng complete set ng fairy tail.

Nang nasa counter na ay binayaran ko na ang binili namin at sinabi kong ipadeliver na lang sa address na binigay ko yung mga gamit, kinuha ko lang yung dalawang cap at yung keychain na gusto ni Jiro.

Pagkalabas namin ng store nila Chelsea ay nag ring na ang phone ko.

“Anak asan na kayo? Kanina pa namin kayo hinihintay ng daddy nyo!” sabi ni mommy sa akin.

“On the way na dyan mommy! Dumaan lang kami sa store nila Chelsea!” sabi ko sa kanya.

“Okay sige! Bilisan nyo na ha!” sabi lang ni mommy.

“Okay po!” sabi ko at binaba ko na.

Habang naglalakad kami ay napansin ako ni Jiro at kinuha nya ang isang bag na dala ko.

“Huy! Akin na yan!” sabi ko sa kanya at kinuha ang bag na dala dala nya.

“Kuya tig-isa na lang tayo! Ang panget naman ako walang dala ikaw meron!” sabi nya sa akin at wala na akong nagawa kungdi hayaan syang magdala.

Nang malapit na kami sa restaurant na sinasabi nila daddy ay namangha sa ganda si Jiro, dahilan para bumagal ang lakad namin.

“Kuya pwede ba tayong sumakay dyan?” sabi nya sa akin at tinuro ang MOA Eye.

“Pwede kaso not now! Panget ang view sa gabi, maganda nyan sa hapon, kaya sige next Saturday gagala tayo nila lola at sasakay dyan!” sabi ko sa kanya at nakita kong ngumiti sya ng napakatamis at sinuklian ko ito ng pag gulo ng kanyang buhok.

Nang natanaw ko na ang restaurant na sinabi nila daddy sa akin ay agad na kaming nagmadali, pagkapasok namin sa restaurant ay hinanap namin sila daddy at nakita namin na umorder na sila at umupo na kaming dalawa.

“Aba! Mukhang may regalo ulit si bunso ah!” sabi ni kuya Kino at tumingin sa akin.

“By the way kuya Kino, sabi ni Chelsea na may limited edition na ng gundam!” sabi ko sa kanya.

“Oh bakit hindi mo man lang ako nilibre?” pagtatampo ni kuya sa akin at agad kami ni Jiro na tumawa.

“Mas may pera ka kaysa sa akin diba bunso?!” sabi ko at sumabay na din si Jiro sa kalokohan naming tatlo.

“Ikaw talaga! pati ba si bunso isasali mo pa sa pang aalaska!” biro sa akin ni kuya at ginulo nanaman ang aking buhok.

Nagtawanan sila lola at sila mommy at daddy sa kalokohan namin, at masaya kami dahil hindi nahirapan si Jiro na mag cope up ng environment.

Nang dumating na ang order ay agad naman akong umorder para sa amin ni Jiro.

“2 Juice and 2 Pasta” sabi ko sa waiter at umalis na ito.

“Teka nga! Bunso dito ka na sa tabi namin ni Ken! Hayaan mo na dyan si lola Lisa kila mommy.” Sabi ni kuya Kino at lumipat nga sya ng upuan.

Habang nagkakasiyahan kami ay nakita ko si Troy sa kabilang table, kaya tinawag ko ito.

“Classmate! Kamusta na kayo?” sabi nito sa akin at tumingin kila mommy at daddy.

“Tito! Tita! Kuya Kino! Kamusta po kayo? May kasama ako ngayon eh!” sabi nito sa amin at biglang napatingin kay Jiro.

“Hello!” sabi lang ni Jiro at nagtawanan ang lahat sa ginawa nya.

“Troy si Jiro, my little bro!” sabi ko sa kanya at nagkamayan sila.

“Troy pala! Classmate ng kapatid mong si Ken” sabi lang nito at ngumiti lang si Jiro.

Pumunta na si Troy sa kanilang upuan at dumating na ang order namin ni Jiro, binigay ko kay Jiro yung sa kanya at ganun din yung sa akin kaya sumabay na kaming kumain.

Nang matapos na kaming kumain ay agad kaming gumala sa labas at nagpahinga saglit, lumapit si daddy sa akin at binulungan ako.

“Good job Ken! I am so proud of you!” sabi nito sa akin at niyakap ko si daddy.

Pinuntahan nya si Jiro na umupo sa may breakwater at sumunod kami ni kuya Kino.

“Anak?” sabi ni daddy.

“Bakit po Papa?” sagot ni Jiro.

“Uhm, Happy 17th Birthday anak!” sabi ni daddy at inabot ang regalo sa kanya nila daddy at mommy.

Nakita kong nanlaki ang kanyang mga mata nang makita nya na may bago syang phone, at kaparehas pa namin ni kuya ang kanyang phone, sa ilalim nito ay isang kwintas na may pendant na letter J, at sinuot ni daddy sa leeg ni Jiro ang necklace.

“Salamat po, pero hindi naman po ako mahilig sa materyal na bagay eh, alam nyo po yung pinaka special...” sabi nya kay daddy at nagtaka naman kami sa sinabi nya.

Tumingin ito sa aming dalawa ni kuya at kay daddy.

“Yung nakilala ko po kayo at ang aking dalawang kuya!” sabi nya at niyakap ni daddy si Jiro, hindi din namin napigilan ang emosyon sa sinabi nya at yumakap din kaming dalawa ni kuya sa kanya.

“Oh ano? Drama nanaman?!” biro ni mommy nang bigla silang sumulpot sa likuran namin.

“Si kuya Kino mommy! Nagdadrama!” biro ko at ginulo ang aking buhok at tumawa sya sa akin.

“Hindi kami nagdadrama, binigay ko lang yung regalo kay Jiro!” sabi ni daddy na nagpupunas ng kanyang mata.

“Asus! Dad! Wala nang deny, we’re caught in the act!” biro ni kuya Kino at ngumiti lang si daddy.

“Tara na! at para makapag pahinga kayo!” yaya sa amin ni lola Lisa sa amin at agad na kaming naglakad, nakita ko si kuya Ray at dun na kami sumabay sa kanya.

Malapit lang naman pala ang pinaradahan ni kuya Ray sa pinuntahan namin kaya mabilis kaming pumasok at si kuya Ray ay pinasok naman ang dalang gamit namin kanina sa pamimili.

“Kuya kurutin mo nga ako?!” sabi nito sa akin at kinurot ko sya sa pisngi ng matindi pa sa kagat ng langgam.

“Whoa! Hindi nga ako makapaniwala!” sabi nya at tumawa ako sa kanyang inasal.

Nang umadar na kami ay agad na kaming umalis sa mall at bumiyahe pauwi na sa bahay, habang nasa daan ay hindi ko napansin na nakatulog pala si Jiro sa aking balikat at pinahiga ko ulit sya sa aking lap, dahil pagod si Jiro ay malalim ang kanyang tulog, pinagmasdan ko ang kanyang itchura, tama nga ang sinabi sa akin ni Chelsea kanina, mukha kaming “lovers” kung hindi kami kilala ng mga taong nakakakita sa amin, ang kanyang mala anghel na itchura sa kanyang mahimbing na pagtulog ay napapangiti ako, dahil na din na nakilala nya kami, at mahal namin sya kahit anong mangyari.

Habang nasa expressway kami ay nakaramdam ako ng antok kaya sinadal ko ang aking ulo sa may upuan at pumikit, narinig ko ang pagbukas ng radyo dahil na din inaantok na si kuya Ray, ang ganda ng pinapakinggan nya, at hindi ko na namalayan na nakatulog pala ako.

Nang magising na ako ay alas-7 na ng umaga at nagtaka ako kung sinong bumuhat sa akin, at tinignan ko ang aking kama, wala si Jiro!

Kaya agad akong bumaba kahit bagong gising at tinignan sila kung saan, narinig kong nagtatawanan sila sa may dining room at pumunta ako dun.

“Good morning Ken!” bungad sa akin nila.

“Sino po nagdala sa akin sa room?” sabi ko sa kanila.

“Ako lang naman ang nagbuhat sa inyong dalawa!” sabi ni kuya Kino at natawa naman sila daddy at mommy.

“Ano kala mo sa sarili mo kuya? Ikaw si Hulk?” biro ko sa kanya at nagtawanan sila.

“Hindi naman! Syempre inuna na kita! At si bunso dun sa kwarto nya!” sabi ni kuya Kino sa akin.

“May kwarto na pala si Bunso?! Bakit hindi nyo man lang sinabi sa akin?” sabi ko kila mommy at daddy.

“Don’t worry! Wala pa naman yung pintura! It’s plain cream lang ang pinalagay ko dun, alam kong magagalit ka kapag pinakielaman namin yun! Sige sa Wednesday gawin nyong magkakapatid yun!” sabi ni daddy sa amin at ngumiti ako, bumalik na ako sa room ko at agad nang naligo at nagbihis ng damit.

Pagkababa ko ay nakita ko sila daddy at kuya na aalis na kaya humabol ako.

“Ken! Next school year si Jiro at ikaw ay nasa iisang school na ha!” sabi ni daddy sa akin at tumango ako, pumunta na ako sa dining room para sumabay kumain kila Jiro, lola Lisa at kay mommy.

“Grace magbubukas kami ngayon ni Jiro!” paalam ni lola Lisa.

“Oh sige po! Kayo pong bahala, basta magpapadala ako sa inyo ng lunch para hindi na po kayo lumabas!” sabi ni mommy at ngumiti lang si lola Lisa.

“Tita? May sasabihin po ako sa inyo?” sabi ni Jiro at tumingin si mommy sa kanya.

“Diba sabi ko sayo na anak na din ang turing ko sa iyo, so don’t call me tita okay!” sabi ni mommy at tumango si Jiro.

“Oh sige anak, anu yung sasabihin mo?” dagdag ni mommy.

“Kasi po gusto ko po sanang lagyan ng tanim na bulaklak yung garden, okay lang po ba?” sabi nito kay mommy at lumapit si mommy kay Jiro at niyakap ito.

“Alam mo, ang dami mong naiisip na idea! Magkapatid nga kayo ni Ken!” sabi ni mommy at sumingit si lola Lisa.

“Sang ayon ako dyan Paula! Siya ang gumawa ng dingding namin dun sa tindahan eh!” sabi ni lola

“Alin yung mural paint ba yun?!” singit ko.

“Yes anak ko! Yung mural pain na punong puno ng flowers!” sabi ni mommy at niyakap nya ulit si Jiro, natawa kami ni lola sa ginagawa nilang kakulitan.

“Oh sya sige! Basta anak, be careful! Ayokong masugatan ka!” sabi nya kay Jiro at sinuklian naman ni Jiro si mommy ng ngiti.

At nang matapos na  kaming kumain ay nagpaalam ako kay mommy na aalis ako later para sa brainstorming namin ni Ace at pumayag si mommy.

Umakyat muna ako sa room ko para ayusin ang mga gamit na dadalhin, nang biglang kumatok si Jiro sa pintuan.

“Kuya pwede ba kitang maistorbo?” sabi nya sa akin at tumigil ako sa aking ginagawa at humarap sa kanya.

“Ano yun bunso?” sabi ko sa kanya.

“Mamaya pagkauwi mo, laro tayo sa room mo ulit ah!” sabi nya sa akin at ngumiti lang ako sa kanya.

“Oo naman! Gusto mo dun tayo sa may court maglaro eh!” sabi ko sa kanya at nakita ko ang kanyang mukha na excited mamaya.

“Teka nga pala!” sabi ko at agad syang tumingin sa akin.

“Kunin mo na mga number namin, para kung may kailangan ka, tawagan mo kami!” sabi ko sa kanya at nilabas ko ang phone ko at ibinigay sa kanya.

“Okay na po kuya! Nakuha ko na mga numbers nyo nila Papa at Mama! Pati na din si kuya Kino.

Tumango lang ako sa kanya at lumabas na ito ng room ko, habang nag iimis ng gamit ay nakita kong nag vibrate ang phone ko, tignan ko ito at si Ace ang tumatawag kaya sinagot ko ito.

“Oh Ace napatawag ka? ang aga pa para sa meet up natin ah!” sabi ko sa kanya.

“Eh paano kasi nalaman na ni Argel na dito tayo gagawa ng report, kaya ayun! Kagabi pa ako kinukulit na pagnatapos na tayong gumawa ng report eh maglaro daw kayo sa backyard ng basketball!” sabi ni Ace sa akin na naririnig ko sa likuran nya si Argel na kumakanta.

“Haha! Sabihin mo matagal tayong gagawa!” biro ko sa kanya at tumawa din sya sa sinabi ko.

“Ken, before lunch dapat nasa mall ka na, kasi sinabi ko kila lolo na gagawa tayo ng report!” sabi ni Ace sa akin.

“Ahh! Ganun ba? Bakit naman ang aga!” sabi ko sa kanya habang nililigpit ko ang aking mga gamit.

“Paano kasi si lolo, gusto kang makilala...” sabi nito at nagulat naman ako sa kanyang sinabi.


To be continue...

Next Episode Teaser:
Makakapunta na si Ken sa bahay ng magkapatid; at maraming magaganap na kaabang-abang na pangyayari kay Ken at sa magkapatid.

Ed's Note:
Posting my Episode 9 para mas maganda ang kwentuhan (^^,)v

Sincerely,
JaceofCards

3 comments:

  1. waaaaaaah..ang kulit tlaga at ang cute ng story na to...hehehe

    kinikilig ako kaht d naman sya lovestory...ang cute tignan ni Jiro and Ken...hehehe naiimagine ko...

    lalo na at tsinito sila...hehehe weakness ko tsinitos eh hahahaha ang cute kasi ng mata nila...

    pero anyways...nice story tlga..ganda ng flow...can't wait for the next chapter kung saan makakapunta na si Ken kina Ace...heheh

    ReplyDelete
  2. hays,,ako rin di pa nakakapunta ng MOA!malamang muka akong ewan pag npunta nko dun.haha..

    ang cute cute ng story nato.^^
    hhmm,lakas mkaPBBTeen eh..hehe

    -monty

    ReplyDelete