ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Wednesday, September 12, 2012

Shooting Stars Episode 9


Nagbabalik ang author na walang ginawa kungdi ubusin ang oras kakahanap ng inspirasyon para magtuloy- tuloy ang storya ni Ken.

Nagpapasalamat po ako sa mga bumubuo ng MNB Facebook page at kay Onichan Kenji dahil isa sya sa mga nagbigay sa akin ng inspirasyon para gawin ang mga storya ko.

Salamat din po sa walang sawang nagbabasa ng aking story!
Especially kila:
Ginno, Angel Marco Menor Aka Marc of K.S.A., Monty, Marshy, Franklin Aviola, Kiero 143,
Zenki of Kuwait, Mark 5337, Sinbad, Frostking, robert_medoza. Anita baker at sa mga Annonymous at Silent Readers!

Kayo po ang aking dahilan para magkaroon ng inspirasyon! :)

Enjoy Reading Guys!

Note:
Hindi na po ako makapaghintay at na post ko na itong next Episode! Hope you'll like it!






Nagulat ako sa sinabi ni Ace at hindi na ako nakapagsalita ng ilang segundo, bumalik lang ang aking ulirat nang nagsalita si Ace.

“Huy! Di ka na nagsalita dyan!” sabi nito sa akin.

“Ah... So... Sorry! Hehe! Paano kasi... nabigla ako sa sinabi mo!” sabi ko lang sa kanya.

“Ah!! Hehe! Kahit naman ako eh! nagulat sa sinabi nya, kaya ayun! Oh sya! Maligo ka na at ganun din ako, kung sino mauna sa mall, mag text na lang kung saan okay?!” sabi ni Ace sa kanya at sumagot ako na okay, at binaba na nya ang phone.

Natulala ako sa sinabi nya kaya agad akong pumasok sa CR at naligo na, nakita ko ang orasan ko na alas-9 pa lang ng umaga kaya hindi ako nagmadali maligo.

Nang binuksan ko ang iPod ko ay nilagay ko ito sa may speaker at pinatugtog, dahil alam kong umalis na sila lola Lisa at Jiro para magbukas ng tindahan nila.

tumutugtog at narinig kong may pumasok sa aking kwarto kaya napatigil ako.

“Kuya?” sabi sa akin ni Jiro.

“Oh akala ko naka alis na kayo?” sabi ko lang sa kanya habang inaanlawan ko na ang aking katawan.

“Paalis na nga kami! Magpapaalam lang ako sayo!” sabi nya at nagmadali akong maligo at nagpatuyo ng katawan at lumabas sa CR.

“Ingat kayo ah! Bantayan mo si lola Lisa! Sumakay na kayo kay kuya Ray ha!” sabi ko sa kanya habang pinupunasan ko ang aking buhok.

“Eh paano ka kuya?” sabi nya sa akin at ngumiti lang ako.

“Magpapatawag na lang ako ng cab, at tsaka marunong na akong sumakay no! Don’t worry makakauwi ako at maglalaro tayo mamaya sa court!” sabi ko sa kanya at yumakap ito sa akin at gumanti naman din ako ng yakap sa kanya.

“Oh basta bunso tawagan mo ako kapag may gusto kang ipauwi sa akin ah! Aalis na kasi ako mamaya, at baka hapon na ako makauwi!” paalam ko kay Jiro at ngumiti lang ito sa akin, nakita ko na nasa pintuan na din si lola Lisa at lumapit ako sa kanya.

“Lola! Ingat po kayo sa byahe ah!” sabi ko at ngumiti ito sa akin.

“Ano ka bang bata ka! nasa bayan lang ang tindahan namin! Ikaw ang mag ingat kasi malayo pa yata ang pupuntahan mo!” biro sa akin ni lola Lisa at yumakap naman ako sa kanya.

Nang makababa na sila ay agad na akong pumasok sa kwarto ko at nagbihis at hindi ko muna inayos ang aking buhok, kaya bumaba na ako at hinanap si Nay Elsa.

“Ate Lea si nay Elsa nakita mo ba?” sabi ko kay ate Lea at umiling ito sa akin.

Hinanap ko sya at natagpuan ko si nay Elsa sa may garden namin nagdidilig ng halaman at pumunta ako sa kanya.

“Oh ngayon na ba ikaw aalis?” sabi nya sa akin.

“Opo eh! dun na din po ako magtatanghalian!” sabi ko sa kanya at binaba ni nay Elsa ang hose.

“Eh paano yan?! Wala na si Ray pinasama kila Jiro at ate Lisa!” sabi nya sa akin at ngumiti lang ako sa kanya.

“Eh di tumawag na lang ng cab!” sabi ko sa kanya at tumigil muna sya sa kanyang pagdidilig.

Pumasok kami sa may dining room at tinungo ang mini bar kung saan nakakabit ang telephone namin, pumindot si nay Elsa at nang narinig nyang may sumagot na ay nagsabi sya na magpapunta ng cab sa bahay namin.

“Oh ayan bata! Hintay ka lang ng 10 minutes sabi ng guard at papunta na ang taxi!” sabi nya sa akin at nagpasalamat ako sa kanya.

Habang hinihintay ko ang cab sa sala ay nakaramdam ako ng pagkabagot, kaya binuksan ko ang TV at nanood ng palabas.

“Sayang! Hindi ko naumpisahan!” sabi ko lang nung paglipat ko sa isa pang channel.

Habang relax akong nanonood ay narinig kong bumusina na ang taxi na pinakuha ni nay Elsa at agad akong umakyat ng aking room para kunin ang bag na inayos ko kanina, pagkababa ko ay nagpaalam na ako sa kanila at pumunta sa gate para buksan ito at sumakay na sa cab.

“San po tayo sir?” sabi ng driver ng cab.

“Sa SM po manong!” sagot ko lang at umalis na kami sa tapat ng bahay.

Habang nasa daan ay naramdaman kong nag vibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito sa aking bulsa at binasa kung sino ang tumatawag.

“Hello?” sabi ko.

“Hi? Is this Ken?” sabi nito sa akin.

“Yes! Sino po sila?” sabi ko lang.

“Ako pala si Margaret mom nila Ace at Argel!” sabi nito at nagulat ako sa aking narinig, kaya nagtaka ako kung bakit ito napatawag sa akin.

“Ahh! Okay po! Nice meeting you po!” sabi ko lang sa mom ni Ace.

“Si Ace parating na sa SM at napatawag kasi ako dahil na din sa inasal ng anak kong si Argel, medyo mayabang yun, pero he’s a gentleman naman!” sabi nito sa akin na dahilan para kumunot ang aking noo at magtaka talaga ng wagas.

“Hindi naman po yun big deal! It’s only a part of our maturity po! We need to gain experience from people we doesn’t know, and earn things from them that we know it was good!” sabi ko sa mom nila Ace at Argel.

“How sweet you are! Siguro hands on ang mga parents mo sa pagpapalaki sa iyo?!” puri nya sa akin at napangiti lang ako sa sinabi nya.

“Slight lang po, kasi both of my parents were working and also my kuya too! Kaming dalawa ng bunso kong kapatid ang nag aaral!” sabi ko sa kanya at narinig ko ang boses ni Argel kaya naramdaman kong nataranta ang mom nila Ace kaya bigla nya itong pinatay.

Napa buntong hininga na lang ako at nag focus sa mga nakikita ko sa daan, medyo tumagal lang kasi nagkaroon ng traffic sa may crossroads na nadaanan namin, at nang makarating na ako sa SM ay agad kong tinawagan si Ace.

“Hello?” sagot nya sa akin.

“Dito na ako sa SM, hindi pa ako nababa ng cab! Saan ka na ba?” sabi ko sa kanya.

“Dito lang sa may DQ! Left wing entrance!” sabi nya at binaba ko na ang phone.

“Manong sa left wing entrance po!” sabi ko kay manong driver at umandar na kami papasok ng SM.

Nang tumigil na ang cab sa entrance ng mall sa left wing ay binayaran ko na ito at agad nang bumaba, pagkababa ko ay pumasok na ako sa entrance ng mall at hinanap si Ace na nakatayo sa may isang ice cream parlor.

Naglakad ako hanggang sa makita ko ang sinasabi ni Ace, nakita ko sya sa may gilid na nakaupo at nainom ng chocolate milkshake.

Nang makita nya ako ay agad syang kumaway at tumayo, pumunta ako sa entrance ng ice cream parlor na yun at nakita ko syang nakatayo sa aking harapan.

“Kanina ka pa ba?” sabi ko sa kanya habang inaayos ang aking bag.

“Nope, mga 5 minutes before you see me!” sabi lang nya at ngumiti lang ako sa kanya.

“Gusto mo ng drink? Or Ice cream maybe?” paanyaya nya sa akin at tumango lang ako sa kanya.

“So, ano ang gusto mo?” sabi nya sa akin at tumingin naman ako sa kanya.

“Maybe, ako na ang bibili! Hintayin mo lang ako dyan ah! And by the way, nasa bag ko na pala yung libro at nagdala na din ako ng spare shirt! In case of emergency lang!” sabi ko sa kanya at tumawa ito sa akin.

Umalis muna ako sa kinauupuan namin ni Ace at pumunta sa counter para mag order.

“Good morning sir!” sabi ng babaeng counter at ngumiti lang ako sa kanya.

“What is your order sir?” tanong nya sa akin at tumingin ako sa menu board.

“Can you give me one Choco latte, and a slice of Oreo cheese cake and that’s it!” sabi ko sa kanya.

“Your name sir?” sabi nya sa akin at napatingin naman ako sa kanya.

“Call me Yosh!” sabi ko lang at nagbayad na ako, napansin ko na kanina pa nakatingin ang mga babae sa akin, kaya ngumiti ako sa kanila at narinig ko na nag “giggle” sila.

“Here’s your receipt sir! You may now take your seat and we’ll call your name!” sabi ng babae sa counter.

“Well, thank you!” sabi ko sa kanya at ngumiti lang ito sa akin.

Bumalik na ako sa upuan at nakita ko si Ace na namumula.

“Bakit ka namumula? May sakit ka ba?” sabi ko sa kanya at hinipo ang kanyang noo.

“Wa... Wala akong sakit!” sabi nya sa akin at hinawi ang aking kamay.

“Okay! You act so weird ah! Pwede ka naman magtanong sa akin!” sabi ko sa kanya at napatingin ito sa akin.

Ngumiti lang ako sa kanya at umiwas ulit sya ng tingin, habang tahimik kaming dalawa ay narinig kong tinawag na ang order ko.

“Order for Mr. Yosh?” sabi ng counter at lumapit na ako.

“Here’s your choco latte and a slice of Oreo cheese cake!” sabi nito habang inaabot ang order ko.

“Thank you!” sabi ko lang.

“Enjoy sir!” sabi nya sa akin at napatingin naman ako sa kanya at ngumiti lang ako.

Dahan dahan kong hawak ang aking order at pumunta sa upuan.

“Tara! Hati tayo dito sa cheese cake!” sabi ko kay Ace at binigay ko ang spare na fork sa kanya.

“Do you love chocolate?” sabi nya sa akin at napatingin ako sa kanya.

“Yep! I do love chocolate! Kahit ano basta chocolate masaya na ako!” sabi ko sa kanya habang nakita ko syang ngumiti lang sa akin.

“Ikaw ano favorite mo?” tanong ko sa kanya.

“Anything! Basta nakakain!” biro nya sa akin at tumawa ako sa aking narinig.

“You’re crazy!” biro ko sa kanya ulit.

“You’re dumb!” biro nya sa akin at halos hindi namin naramdaman ang oras.

Tumingin si Ace sa kanyang orasan at nakita nyang past 11 na kaya umalis na kami sa ice cream parlor at nakita kong tumawag sya sa kanyang phone.

“Hello? Paalis na kami, asan ka na? Meet us up sa may entrance okay!” sabi nito at napansin ko sya.

“Like a boss?” sabi ko sa kanya at tumingin ito sa akin.

“Sorry! Nasanay kasi ako sa amin eh!” sabi nya at napayuko sya habang naglalakad kami.

“Bakit ka nagsosorry, I just tell you what I see!” sabi ko sa kanya at lumingon lang sya sa akin.

Pagkalabas namin ay naghintay muna kami sa service ni Ace at nang biglang may narinig ako.

“He’s so cute!” sabi ng isang babae na nasa likuran namin at napalingon naman ako sa kanya.

“Hi!” sabi ko lang at narinig kong kinikilig silang magkakaibigan.

Nakita ko naman si Ace na parang naiinip na kaya hinablot ko ang kanyang kamay at hinila sya para maglakad muna kung saan konti lang ang tao.

“Dito na lang tayo!” sabi ko sa kanya at napatingin ito sa akin.

“Oh? Bakit?!” sabi ko sa kanya at umiwas ang kanyang pagtitig sa akin at nahalata kong naging mapula ang kanyang tenga.

Nang makita na ni Ace ang service nya ay agad na kaming pumunta at pumasok dun.

“Nice car!” sabi ko sa kanya at tumingin naman ito sa akin.

“Thanks!” sabi nya at tumingin naman sya sa bintana.

Nakaramdam ako ng pagkabored kaya naghanap ako ng malilibangan, at nakaisip ako ng idea.

Bigla kong kinalabit si Ace, at tumingin ito sa akin.

“Why?” sabi nito sa akin.

“Wala lang, nabo bored na kasi ako eh!” sabi ko at bumalik ulit sya sa pagtingin sa may bintana.

Kinalabit ko ulit sya at medyo lumapit ako sa kanya.

“What now?” sabi nya sa akin nung tumingin ulit sya at ngumiti lang ako sa kanya.

Nang makalapit na ako sa kanyang kinauupuan ay kinalabit ko ulit sya.

Gugulatin ko sana sya pero hindi sya tumingin, kaya nagpatuloy ako sa pagkalabit sa kanya, at nang humarap na sya..

“Nakakainis ka na—“ sabi ni Ace at biglang nagdikit ang mga labi namin sa isa’t isa, nanlaki ang mga mata namin sa gulat at lumayo agad sa isa’t isa.

Habang nasa byahe pa din kami ay wala kaming imikan, para bang hindi kami magkakilala at biglang nagpatugtog ang driver nila Ace.

[Jason Mraz: You and I Both]

Tumingin ako sa kanya at nakita kong nakatingin pa din sya sa bintana at hawak ang kanyang labi, kaya ako na ang bumasag sa katahimikan namin.

“Sorry...” sabi ko lang.

“Huh?!” sabi nya na parang wala sa sarili.

“I said sorry! Mabilis kasi akong ma bored eh!” sabi ko sa kanya at ngumiti lang ito sa akin.

“Asus! It’s not a problem!” sabi nya at ngumiti ito sa akin.

“About the kiss–“ sabi ko at biglang nagulat sya.

“Uhm, kalimutan natin yun! We’re both straight okay! It’s an accident!” sabi nya sa akin at ramdam kong pinapakalma lang nya ako para maging komportable ako sa company nya.

“Sorry again!” sabi ko ulit at napayuko ako sa kahihiyan na ginawa ko.

“Diba sabi kong it’s not a problem, kaya don’t worry about that! Hindi naman big deal yun! Basta asikasuhin natin yung report later after lunch!” sabi nya sa akin at tumango lang ako sa kanya.

Nang nasa harap na kami ng subdivision nila ay agad akong namangha dahil mas maganda ito kaysa sa subdivision namin.

At nang pumasok na ang sasakyan sa loob ng bahay nila ay nakita kong mayaman nga sila dahil kumpleto ang mga tauhan nila, simula sa guard hanggang sa kasambahay na naghihintay sa pag uwi ni Ace.

Nang makababa kami ay kukunin ko na sana yung bag ko, kaso kinuha na ng isa sa mga kasambahay dun at nilagay na sa kwarto ni Ace.

“Good Afternoon Sir Ace” sabi ng isang matanda na parang sya ang head ng mga maids dun.

“Good afternoon din! Sya nga pala si Ken yung bisita ko!” sabi nya.

“Good Afternoon Sir Ken!” sabi nya sa akin at nahiya naman ako sa sinabi nya.

“Just call me Ken na lang po!” sabi ko sa head ng mga maids at tumingin ito sa akin.

“I’m sorry po, hindi po pwede, kasi nasa house rules po ang pag galang ng mga bisita at ang mga nakatira dito.” Sabi nya sa akin at tumango na lang ako sa kamanghaan.

Nang papasok na kami ay biglang bumukas ang pintuan ng bahay at lumabas ang isang magandang babae at isang gwapong lalake na parang magkapatid lang.

“Oh my God! Ace sya na ba si Ken?” sabi nito kay Ace at tumango lang ito.

“Nice too see you hijo! I’m Tita Margie and he’s Tito Polo, Ace and Argel’s parents” sabi nya at humalik sya sa aking pisngi at kinamayan naman ako ni Tito Polo.

At biglang nakita ko naman na lumabas din ang lolo nila.

“So you’re Ken! Welcome to our simple home!” sabi nya sa akin at ngumiti lang ako sa kanya.

“Thank you Sir Casanova!” sagot ko lang sa kanya.

“Pumasok na kayo dito!” paanyaya nya sa akin at nakita kong si Ace na pinigilan muna ako.

“Ano yun?” sabi ko sa kanya.

“Ganyan talaga sila! Kaya feel comfortable ha?!” sabi nya sa akin at inakbayan ko sya at tumungo na kami sa sala.

Habang naglalakad ay nakita ko ang ganda ng interior ng bahay nila, at nakita ko din ang ibang maid ay nakapila sa isang hallway, sinamahan kami ng kanilang butler at pumasok kami sa sala kung saan andun ang pamilya ni Ace, pero parang hindi ko nakikita yung isang malakas mang alaska sa akin ah! Nasan na kaya yun?!

At biglang lumapit na ang isang maid sa harapan ng butler para sabihin na okay na ang lunch, kaya pumunta na kaming lahat sa dining room nila, nang naglalakad kami ay napansin kong medyo antique na ang karamihan ng gamit dito at presko sa mata dahil na din sa malalamig na kulay ng dingding.

“Ken, have a seat!” sabi sa akin ni Tita Margie at umupo naman ako katabi ni Ace.

“Teka bakit wala dito si James?” sabi ng kanilang lolo at nagtinginan silang lahat kung saan.

“Sino si James?” bulong ko kay Ace at tumingin ito sa akin.

“Makikita mo na lang kung sino ang James na yun!” sabi ni Ace sa akin pagbibitin sa aking tanong at wala na akong magawa kungdi maghintay.

“Sorry I’m late!” sabi ng isang pamilyar na boses at napatingin ako sa kanya...


To be continue...

Next Episode Teaser:
Kasama si Ace buong araw at natapos nila ang pag gawa ng report, paano sasabihin ni Ken na sasama si Ace sa buong pamilya nito?
Abangan...

8 comments:

  1. thanks for posting this chapter so early,,,, excited na for the next chapter,, maganda kasi flow ng story.. thanks for posting this story mr. author and more power,,, :D

    ReplyDelete
  2. Maraming salamat po sa update ng story.
    Mejo nakakabitin ang chap 8. :)
    Sana po makahanap po kayo ng inspirasyon at nang masundan agad ang chapter na ito. XD

    ~frostking

    ReplyDelete
  3. ang bils ng update tnx mr. author...

    siguro si james at argel iisa hehehehehe...

    kiss kagad ang builis parang sing bilis lang ng update ^_^...

    tnx ulit mr. author...

    ReplyDelete
  4. iiihhhh..ung first kiss!!!!haha...i love that part!kakakilig ah!^^

    cno ba yang james na yun??hhmmm...nice chapter po mr author!:)

    -monty

    ReplyDelete
  5. prng naenjoy nmn nila yng kiss..sa kiss ngsisimula yan..
    sana marami png kissing scene sa mga susunod na chpter wahaha..
    thnk yu AuThOr..

    ReplyDelete
  6. James?? baka si Argel din yun...Argel James Casanova??hehehehe


    pero confused ako sa teaser...hehehehe


    pero ang ganda...hehehe sayang liit lang ng part ni Jiro...hehehe cute pa naman pag palageh sila mgkasama ni Ken...hehehe sana sa susunod kasama na ni Ken si Jiro...para tignan kung magseselos sina Ace or Argel,...hahahahaha

    next chapter please :))

    ReplyDelete
  7. I'm doing my Chapter 12 guys!
    MAS Kaabang abang ang mga eksena!
    MAS EGZOITING ang mga linya!
    At maraming charcter pa ang lalabas!!

    :P
    Sincerely
    JACEofCARDS

    ReplyDelete
  8. wow, so nice aman at may update na agad. tnx sqa magandang flow ng story. congratz!

    ReplyDelete