ANNOUNCEMENT
Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^
Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)
Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^
Saturday, September 29, 2012
When A Gay Man Loves Part 2
Part Two
"Ikaw na..." sabi niya sa akin.
Huwaaaaaaaaaaat?! Ako na daw?! Ako na daw! Ako na daw ang forever niya! Ay weyt, tama ba? Haha! Ilusyonada lang!
"Ehem ehem eheemm... Mr. Nicholls, can you P.L.E.A.S.E introduce your self?" ,edyo sarcastic na sabi ng Prof namin. Nakanaman! Daydream kasi ng daydream eh! Pahiya tuloy. Pinagtitiniginan pa ako ng mga kaklase ko.
"Ah...eh... so-sorry po Sir. Sige po..." utal kong sagot.
Eh bakit ka namumula jan? HAHAHA! sabi ng malandi kong utak.
Pumunta na ako sa harapan. I can still feel na namumula ako. Kasi naman eh! Wrong timing!
"Hello everyone! I'm Brian Anthony Lacuna Nicholls. I'm 15. Half-Pinoy, Half-American. I love to sing. Player din po ako ng Volleyball, in fact, ako po yung captain dati sa school..."
"So you're only 15?!" gulat na tanong ni Sir. Ako din eh, madyo nagulat. Isigaw daw ba?!
"Opo Sir. Grade school na po kasi ako agad at the age of 4. Accelerated po kumbaga." sagot ko naman. Halos mapanganga naman silang lahat.
"If that's what you say, then okay. I'll expect much from you Mr. Nicholls." sabi naman ni Sir. Kinabahan ako dun ah? Argghhh! Hirap naman ng maging matalino!
"So, ayan, I guess, kilala niyo na ang isa't isa sa subject ko. Now, you may take your break. and guys, half day lang pala tayo ngayon. I'll give you the list of materials that you'll need for this semester..." dagdag pa ni Sir. Everyone seems to be happy that time. Aga naman kasi ng break time! Sakto naman, paglabas namin eh nag-ring na ung bell.
Yehey! Confirmed! Lunch time na...or I should say, break time lang talaga. Di pa naman kasi tanghali eh! I headed to the Cafeteria. Buti wala pang masydaong tao. Mostly, nandun yung isa sa quadrangle, palakad-lakad. O kaya naman, nasa mini park. Yung ibang super sossy, pupunta pa sa malapit na mall para lang sa break time. Arte!
"Hmmmmmmmmm... Ano kayang masarap?" sabi ko sa sarili ko.
Si Matthew! HAHAHA! sabi ng utak kong impakta.
Good thing may chips dito. 'Di ko kasi type yung ibang food eh. Tapos yung tipong wala ding gana? At dahil nga puro junk foods, Piattos nalang binili ko. Favorite ever! Since I was a kid, favorite snack ko na 'to.
"Piattos nga po... 'yung green..." sabi ko sa tindera saboy abot ng bayad. Hayyy grabe. Na-miss ko 'to...Naghahanap pa ako ng makakain or anything na mangunguya and suddenly...
TEKA. Sandali! Wait! Saglit lang!!! TIGIIIIIIIIILLLLL!
Hany ba 'to?! Gosh! Hany nga! One of my favorites! Sobrang childish ng feeling ko ngayon. Ito kasi yung kinakain ko when I feel down or lonely. Napapagaan niya yung loob ko. Sumsaya ako. Kaso, badtrip. Isa nalang! Kung madami lang 'to, binili ko na lahat. I am still deciding if I will buy this chocolate or not nung biglang may nagsalita.
"Ate, Hany nga po..." sabi nung lalaki sa likod ko. Seems familiar. Familiar yung voice niya. Nagkasabay pa kami ng pagkakasabi.
"Ate! ako nauna eh!" sabi ko.
Parang batang inagawan ng candy?! Ganun yung feeling! Nilingon ko yung lalaking inuunahan ako sa isang piasong Hany. Maygawd! Sa dinami dami ng lalaki dito sa campus, si Matthew pa?! Gosh!
"Ako nauna Ate eh! Eto na bayad oh!" sabay abot niya ng pera. Badtrip! Food trip! Field trip! Lahat ng may TRIP! Ugh!
"Ang daya neto! Ako nauna eh!" sabay pout ng lips na may kasama pang stomp. Pa-cute ika nga. Pero, grabe talaga eh. Favorite ko yun and ako nauna!
"Oy Baby bro! Bakit ka nagta-tantrums jan?" sabi ni Kuya Walter. Break na din pala nila.
"Eh kasi yung Hany eh!" sabi ko naman na parang nagsusumbong na bata. Wala akong pake kung sino makakita. Importante, yung Hany!
"Ate, wala na po ba kayong stock jan?" baling ko sa tindera.
"Wala na po eh. Bukas pa po ulit kami bibili." sabi naman ni Ateng Tindera
"Hayaan mo na! Bibili nalang kita mamaya. Ilan ba gusto mo? Promise, kahit ilan" sabi naman ni Kuya.
"Ehhhh... Kuyaaa... I'm craving for Hany eh!" konyo 'no? HAHA! May pa-pout-pout pa ng lips.
"Oh Bry.. sayo nalang 'to..." sabat naman ni Matthew. Kanina niya pa pala kami pinapanood. Gosh!
"Ah...Eh... Sige 'wag na... Bibili nalang kami ni Kuya mamaya... Diba Kuya?" sabay siko sa kapatid ko na parang sinasabing 'um-oo ka!'
"Sabi mo, 'I'm craving for Hany eh!' tapos di mo tatanggapin?" sabi ni Matthew. Gayang gaya niya. Mas malandi nga lang ng konti.
"Oo nga Baby Bro! Kakasabi mo lang eh!" ginatungan pa ni Kuya. Talaga naman!
"Sige na... tanggapin mo na 'to. Dadami pa yan bukas..." sabi ni Matthew with that stunning smile!
"Dadami?" takang tanong ko.
"Oo. Dadami!" sabi ni Matthew ko.. este kaklase ko.
"Sige na nga.. Thank you ha? Bawi nalang kao sayo..." sabi ko. Oo! Di na ako nagpakyeme!
Lalagay ko yung wrapper nito sa scrapbook. Haha!
"Tara na Baby Bro... pupuntahan pa natin si Ate Sarah..." biglang epal ni Kuya. Nasira tuloy yung momentum!
"Wait Kuya! Uhm, Matthew, Kuya ko pala.. Kuya, si Matthew..." pagpapakilala ko sa dalawa.
"Francis pre..." sabay abot ng kamay ni Kuya
"Matthew po.." kinamayan naman ni Matthew.
"Uhm, Matt... una na kami ha? Kitakits nalang mamaya...Thank you ulet" sabay pa-cute
"Sige...no problem..." gosh! Again! That smile! It melts me!
Pumunta na kami ni Kuya sa park ng school. May chael din dito. May multi-purpose hall. Maganda ang ambiance. May mga tables and benches. Madami ding puno kaya presko. Madami ding lovers. May loner din. Yung iba, magkakatropa. Luminga-linga kami ni Kuya. Alas! Nakita namin si Ate. Gosh! Daming pagkain! Parang picnic lang!
"Game! Kainan na!" sabi ko sa kanila. Dinagdag ko na din dun yung Piattos ko kanina.
"Nako Ate! Yang si Antonio, (Anthony talaga yan. Pinapapanget lang namin minsan) may kalandian agad!" Maka-sigaw naman 'tong si Kuya oh! Daig pa mga chismosa sa kapitbahay!
"Gwapo ba 'yan?" tanong ni Ate
"HUY! Gwapo ba yan?!" sigaw niya. Nakatingin lang kasi ako duns a Hany. Napapangiti pa. Baliw lang?
"Ay gwapo!" nasabi ko bigla. Nagulat eh!
"Oo naman Ate! May taste naman ako 'no!" sabi ko. Aba! Kung panget ba naman 'yun, ewan ko nalang. Chos!
"Ano pangalan?" with her flirty voice.
"Matthew... Carl Matthew Solis Buenaventura..." sabi ko. Tapos yung tipong yung mata mo eh nagdedaydream pa?
"Manloloko at paasa yan!" sabi naman ni Ate. Grabi! Si Kuya naman, lamon lang ng lamon.
"Ay ganon?! May hinanakit sa puso? Pano mo naman nasabi?" sabi ni Kuya.
"Oo nga! I second the motion!" taas pa ng kamay.
"Yan yung pangalan ng ex ko eh! Si Carl na niloko ako ng tatlong ulit at si Matthew na ilang beses akong pinaasa!" sagot ni Ate. May hinanakit nga. Confirmed xD
"Ate, it's your past... It will not be my future..." sabi ko na medyo mataray.
Napatahimik kaming lahat. Ewan. Natameme kami bigla. Sana naman, hindi totoo yung sinasabi niya. First time ko lang ma-inlove ng ganito tapos ganun pa outcome? Grabe naman.
"KRRRRRIIIIIIIIIIIIIIIIINGGGGGGGGGGGGGG!" Tumili na yung malanding bell.
Bumalik na ulit kami sa kanya-kanyang naming classroom. Tahimik parin. Sana naman, dumaldal na ulit yung dalawa mamaya.
Narating ko na yung classroom namin. Muntik pa nga akong maligaw eh. Ngayon ko lang na-realize, nawaglit pala si Matthew sa isipan ko kahit saglit lang. Pero nung nakita ko siya sa room, bumalik nanamna lahat. Pumunta na ako sa upuan ko. I acted like a normal person, baka kasi mamaya, mahalata nila na kinikilig ako dahil sa isa jan,
"Okay guys, I guess everyone was here. I've listed all the materials that you'll need for the semester. Paki-kopya nalang. Mag-advance reading na din kayo." sabi ni Mr. Gutierrez. Kinopya ko agad. Nagfocus nalang muna ako sa pagkopya then may tumabi.
"HEY!" pasulat na sabi sakin.
"Ay poging kabayo!" grabeng gulat 'yan!
"Grabe ka naman. Makikitabi lang eh." sabi niya. Si Matt pala 'yun! Nag-sad face siya bigla. Yung tipong nagpapa-awa?!
"Eh kasi naman! Nagulat po kaya ako!" sabi ko naman.
"Sorry po :) " Ayan. May smiley na talaga.
"Pwede ko ba makuha number mo?" tanong naman niya. He grabbed a pen and a tissue paper. Dun talaga nagsulat eh 'no?
"Sure" sabay smile then sulat. Kinikilig na talaga ako! *Himatay*
Beep. Beep.
Nag-vibrate phone ko.
"Hey :) Save my number... It's me.. the Poging Kabayo :D" Poging kabayo? Ah gets!
To be continued...
_______________________________________________________________________________
Author's note:
Thank you readers! Thanks sa comment niyo :) I'll give what you want :D sa mga silent readers, mag-ingay! Haha! Next Chapter will be posted next week.. Either Friday or Saturday night. I have busy scheds eh :D
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
kinilig nman ako...hehehe
ReplyDeleteKahit ako din po eh.. HAHA! :D
Deletehahaha..ang charot ni ate brian!!haha..kung anu2 sinasabi pag nagugulat eh..
ReplyDeletePero nkakatuwa ung story!:)
-monty
Thank you po :D
Deleteang landi ng bagong character hehehehehe...
ReplyDeletenice story po...
tnx mr. author...
Welcome po :D
Delete