Kamusta po sa inyong lahat? ^_^
Una sa lahat, ALAM KO LATE POSTING AKO. ahehehe. Pagpasensyahan nyo na lang po dahil ako po ay maraming inaasikaso sa ngayon. ^_^
Pangalawa ay gusto ko pasalamatan ang aking Bembem ko na laging andyan para sa akin all the way! Kay MIMI RAGE na syang gumawa ng cover, Kay Jojie, Zeke, at kay Erwin F. Syempre po kay --makki--,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, iamronald, cuirous19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh (Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price arl, Mark Jayson Pionela, Judaskyle13, JD Javra,Jasper, ZROM60, kapitanismo, Eiji_monster, =dereck=, Riley, Chris, Lei, arvie04,John Gino Basinang, Red of Singapore, Josue Altoveros, Nico, kean tongol, ryan lee, Anthon Gonzales, Edward, Christian, arljhay, hula_boy, 21, totix, erickvladd, calvin, PIP, J, -London-, Down D. Line, ,Mel Gibson, jrvr, vinz_uan, mon, Queckenstedt, kean tongol, Atsea, Bonzai, ryan lee, -rob-, IAN, JM MJ, Jay-Ar, robert, Ryvis Tan, vincent28, Jhumer Andres, shane, Nico, Bonzai, dhyames, wexersz_15, Ras, EUS, Iamrex, LordPauldemort, itsmethirdy, ryan lee, shane, Jhumer Andres, Hiya!, Jay-ar, renxz, pangz, jaymefrompalawan, Ryvis Tan, jamespott, Rez of Bacolod, Silent_al, ariel loniga, jheyjhey javier, maybe, g, patryckjr, Enrique, iRead,wil, jae.jae, RGEEE, Jim of Pangasinan, xheanne, eric sioson, Cloyd, LEI, Moon Sung-Min, meloh, _june_, JD Javra, d^,^b camotes \m/hunk, nam, itsmethirdy, =jess=, Marcanthony, knight_in_shining_armor(hehehe), nam, Danielle, alejojohn, _unspoken_words_, akosijames, Nicholadia, Enrique, lloydie, LemLem, Jayar, Nico, Unknown, Aldrin, , _alelojohn, Dada Marcelo, cris bautista, Malachimark, -erickboi-, Yoshi, Karl rickson, online via ginno, Nikko Ramos, toffer lopez, Prince Pao, ALex, ja, kris, ramzter, Jm_virgin2009, Marlone, edrich of cebu, Archivald, russ, Mars, foxriver, Burj of Abu Dhabi, maybe, pd, mykel22, ampugeh, mark5337, ALDRIN, Al, brenthotz18, toffer lopez, Prince Pao, MarcAnthony, - marcus -, Nikko Ramos, Rands of QC, harry, alex, .paisano, jay.19.bi, Pancookie, cris bautista, Bri, Alexis Gacayan, Paolo Escaba, tj, nikk, eric sioson, -rom-, shingha, Mr.handsome, Mac, nivz, MP of Pasig, ilyrars, erik, .lordsun pogie, Enzo12, Tnito Schrugs, aeigh27 of binan laguna, cris bautista, JC SHIN, marlboro, monty, cazlhers@yahoo.com, fixboy, jay Tagaro, kris, Keanu Reeves, Marky, -rom-, foxriver, diumar, P.Y.S.H, edrich of cebu, bon-bon, Gerald, dhenxo (UTOL!!), kira, Uri_KiDo, Arnold Lachica, iamfree, chadie, IgnorantengFrog, ericka, em_bie24, , arvin of Taiwan, nikk, A L P O, rain, shingha, pein_kyoya, Gian, Enzo12, MIMI RAGE, Brent Angelo, Lawfer, Levin, Ramm, razhly, luilao, kajiki_anton, Jerwin Caraang, slushe.love, Jamespott, pein_kyoya, monja, paul ni joseph ponce, iamdarkdreamer, trutsofme, 12334, Paopi Lopez, dyasper dyokson, Rj, Bequillo, jhexter vhon, Redrockerz, Jamespott, cheryllee, Kimpoy Feliciano, Yrec, Karl Ricson, kierlynez, jon888, archerangel, Cholo Sevilla, ramzter, cy, ian of k.s.a, krisluv, dro, allen mark, manuel, franklin alviola, sora cesar aloner, justine of QATAR, cap, vash18, ramy from qatar, hot_andrew_21, derek ramsey, Jm Fab, ARSTEVE, edward_cavite, g, jhayc, jaycee mejica, kiero143, MorLuck, Tagadxb, Charo Santos, Choy Sevilla, Chris Evans, PauuulFabian, Pao, Ayen, Lee, Toffer(charmedboy09), anita baker, -kiss-, lm_rix, jhay ar tabz, Saykz, hajji alivio, ryval winston, jaycee mejica, Leowenstein, nashdane, Manuel, Louis, Dylan of Jeddah, carlo lovendino, ireneomercado, LeonardCruzL@yahoo.com, johnjamesjohn, eelkahr, hormy, manila_sex_actor,DyEyD, carlo lovendino, Yhno, at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at silent readers po. :) At syempre po sa mga friends natin sa fb.
Pwede nyo po pala ako macontact sa mga sumusunod. Favor na rin pala. Hehehehe ^_^
Fb Add- http://www.facebook.com/kenji.bem.oya
Fb Fanpage Like - http://www.facebook.com/minahalnibestfriend
Blogsite - darkkenstories.blogspot.com
COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED
Pagkababa ko ng telepono ay pawisan akong naupo sa sofa.
Tumawag na si Ryan pero hindi pa rin ako komportable hanggat wala sya sa bahay.
Pero atleast alam ko ng ok sya.
Kakaupo ko pa lang ng biglang magring ang cellphone ko ulit.
Napangiti ako. Si Ryan talaga…
“Hello Mahal ko…”, malambing kong sagot.
“Hello Andre?! Andre!!”, sigaw ng boses sa kabilang linya.
Babae. Nagulat ako. Napatingin ako sa cellphone ko at pangalan ni Karen ang
lumabas.
“He-hello?! Oh, Karen, bakit? Anong balita?”, casual pero
kaba kong tanong.
“Andre…. Si Ryan…..”
“Huh?! Bakit?! Anong nangyari?!”
“Nasa hospital si Ryan!”
“Huh? Hospital?! Anong ginagawa nya don?”
“Basta pumunta ka na dito!!”
“Saang hospital? Bakit sya nasa hospital?”
Hindi nagsisink in sa utak ko ang lahat. Anong ginagawa ni
Ryan sa hospital?! Edi ba kakausap ko lang sakanya?!
Natataranta akong pumunta sa hospital na sinabi ni Karen.
Nagulat ako ng masalubong ko si Karen sa hall at nagiiyak sakin. Nakita ko din
na andun si Kulas. Kasunod ko namang dumating sila Gino at sila Melai.
“Andre… Si Ryan.. Kasi…..”, pagpapaliwanag ni Karen.
Hindi ko maintindihan ang lumalabas na salita kay Karen.
Basta naramdaman ko na lang ang pagkamanhid. Parang tumigil ang oras. Wala
akong marinig miski ang sarili kong hininga. Ang tanging alam ko lang ay
tumutulo ang mga luha ko.
Sa pilit na intindi ng utak ko ay sinabi ni Karen na
naaksidente daw si Ryan. Critical condition dahil sa head injury. 50/50. Ayaw
kong maniwala. Hindi ako pwedeng maniwala. Sinasabi ni Karen na bandang mag
aalas onse ng may bumangga sa sasakyan dala ni Ryan. Nabasa ang wallet nya at
nasira ang mga calling card doon kaya hindi ka natawagan. Nagkataon naman na
water proof ang kanya kaya sya ang natawagan. Pero paano nangyari yun? Tumawag
pa akin si Ryan nung sumalubong ang monthsary namin.
Naririnig ko na tinatawag ako nila Andoy at nila Karen. Pilit
nila ako pinapakalma sa pagkakaiyak ko. Nakikita ko ilang nagsasalita pero tila
ay wala akong marinig. Basta nasa utak ko lang ay si Ryan. Ang mga ngiti nya
habang tumutulo ang mga luha sa mata ko.
“Andre!!!”, biglang sampal ni Karen.
“Hah..!”, bigla naman ako parang nagising. Nakakarinig ako
muli. Napansin ko na umiiyak na din si Karen pala.
“Hindi lang ikaw ang nahihirapan! Umayos ka!”, galit na sabi
ni Karen.
Unang pumasok sa isip ko ay makita si Ryan. Pero pinagbawalan
pa kami dahil nasa Emergency Room pa ito at kasalukuyang ginagamot.
“Sila Tita…”, mahinang usal ko.
“Natawagan ko na sila.”
“Kami na ang susundo.”, narinig kong sabi nila Andoy at
Melai.
Nakiusap ako na tawagan na rin ang mga magulang ko. Hindi ko
magalaw ang mga kamay ko o ang mga paa ko. Manhid na manhid ako at di ko alam
ang gagawin. Ang kaninang kinakatakutan ko ay ngayoy nagkakatotoo.
Napaupo ang lahat at naghintay. Ramdam ko ang panginginig ng
laman at pagkataranta ng utak ko. Walang matinong paksa na lumalabas sa utak
ko. Gusto ko manisi ng kung sino dahil sa nangyari.
Napansin kong biglang tumayo si Karen at narinig ko na lang
nagsisigaw ito.
“Anong ginagawa mo dito?!”, narinig kong sigaw nya. Nakita ko
itong galit nag alit sa isang lalake. Hindi ko napansin kung sino agad dahil
nakasuot ito ng hood. Nang tanggalin naming ni Karen ang hood ay nakita ko na
si Larc pala.
“I came as soon as I heard…”, rinig kong sagot ni Larc.
“Hindi ka kailangan dito.”, matigas na sabi ni Karen.
“Alam ko. Pero Karen, bestfriend ko pa rin si Ryan. May
karapatan ako malaman ang nangyari.”, matigas ding sagot ni Larc.
“Oh, now you call yourself a bestfriend?! Ang kapal naman ng
mukha mo!”, galit na sabi ni Karen. Tumayo na ako at lumapit kay Karen at
pinigilan ito. Hindi ito ang lugar para magiskandalo.
“Tama na Karen. Hayaan mo na lang sya.”, tuliro kong sabi
sabay hila kay Karen. Nakita kong sinundan ng masamang tingin ni Karen si Larc.
“Don’t you dare.”, pahabol ni Karen.
Hindi ko alam kung gaano kami katagal na naghintay. Ang isang
munto ay parang isang oras sa akin. I was anxious to know kung anon a bang
balita kay Ryan. Maya maya ay lumabas na rin ang doctor. Seryoso ang dating
nito. Hinahanap kung sino ang kamag anak, since I consider myself na family
nya. Ako at si Karen ang humarap.
“Masyadong maraming dugong nawala sa pasyente. Kinakailangan
nya ng blood donor as soon as possible.”, maaatigaaas naaa sssabi ng doctor.
“Ako.”, rinig kong sabi ng boses. Napalingon ang lahat. Si
Larc. Tumaas ang kilay ni Karen ulit. Susugod n asana ito ng…
“What?! Uunahin nyo pa ang galit nyo sa akin kaso sa buhay ni
Ryan?! Parehas kami ng blood type at sigurado ako dun, at alam ko yun dahil
lumaki kami ng sabay. At once na syang nagdonate ng dugo sa akin noon ng
maaksidente ako nung highschool kami. Kung iisa isahin pa natin para malaman
kung sino ang compatible o hintayin ang pagdating ng mga magulang nya, baka
mahuli na ang lahat!”, galit na sabi ni Larc. Napatango ang lahat. May point sya.
Agad chineck nga ang dugo ni Ryan at status ng kalusugan nito
at fit ito para magdonate. Medyo labag man sa iba, pero walang ibang choice. At
hindi ko para i-compromise ang buhay ni Ryan para lang sa mga gantong bagay.
Pagtapos naman kuhanan niii Larc ng dugo ay nagpacheck na
kami isa isa kung sino pa sa amin ang pwede. Sadly, hindi kami compatible ng
dugo. Mas naramdaman ko tuloy na wala akong magawa para matulungan si Ryan.
After malaman kung ano ang blood type ni Ryan ay nagtawag
kami sa mga kaibigan, nagpost sa mga social network sites naming kung sino ba
ang may ganung blood type at sinabing kinakailangan ang tulong nila. Maya maya
pa ay may dumating ng mga tawag. Yung iba, sinabing tutulong, yung iba naman ay
nagtatanong kung saang hospital para makapunta, at yung iba naman ay
nakikichismis lang.
After the long wait that seemed to take forever, lumabas na
muli ang doctor at sinabing stable na naman ang lagay ni Ryan for now, pero
kailangan pa din syang obserbahan. Kasalukuyan itong nilipat sa isang private
room kung saan pwede na naman sya makita. Pinangunahan ng doctor ang daan at
nagsi sunuran na kami.
Pagpasok ng kwarto kung nasaan si Ryan ay halos manlumo ako
sa nakita. Marami sugat ito sa katawan at pasa kung saan saan. May benda din
ito sa ulo at walang malay. Kasama ang doctor at isang nurse ay sinabi sa amin
na walang malay si Ryan at baka matagalan ito magising dahil under comatose daw
ito. Depende pa rin daw sa bilis ng pag galing at pagresponda ng katawan ni
Ryan kung kelan ito magigising. Maaring sa susunod na lingo, bwan o taon. Hindi
naman ako makapaniwala sa mga narinig. Muli, dumaloy ang luha sa mga luha ko.
Naramdaman ko lang ang pagalalay sakin ni Karen at ni Kulas. Nararamdaman ko
kasi nab aka anytime, ako naman ang himatayin dahil sa panlalambot ng mga tuhod
ko.
Paglabas naman ng doctor ay agad akong pumunta sa tabi ni
Ryan. Nakahiga ito na tila natutulog lang. Bumuhos pa ang mga luha ko lalo.
Sinisisi ang sarili ko sa mga nangyari.
“Mahal… Andito na ko. Gising ka, ha.. Naghihintay ako…”,
umiiyak kong sabi.
“Gigising sya Andre.. Kailangan lang nya ng pahinga.”, rinig
kong sabi ni Karen habang hinahaplos ako sa likod.
Nagiiyak lang ako at nakatingin sa sugat at pasang katawan ni
Ryan.
“Kasalanan ko to… I should’ve been there. Dapat hinintay ko
na lang sya at sabay na kaming umuwi.. Dapat andun ako…”, pagiyak ko.
“Pre, wag mo sisihin sarili mo.. Walang may gusto sa
nangyari. Okay lang umiyak ka, pero wag mo sisihin sarili mo. Hindi din yan
makakatulong sa pag galing ni Ryan. At kung naririnig ka man nya ngayon, baka
mas lalo lang ito malungkot.”, pagpapakalma sakin ni Kulas.
Narinig na lang naming na may pumasok sa pinto. Si Larc.
Nagtinginan ang lahat. Napansin ko naman na medyo hilo pa ito dahil sa
pagdodonate ng dugo. Halatang grogy ito dahil dahan dahan ang paglakad nito.
Umismid lang si Karen at hindi tinulungan ang dating kaibigan. Actually, walang
gustong lumapit sakanya.
“Upo ka muna, pre.”, naiiyak kong sabi. Napatingin naman ang
lahat sakin. Dahan dahan naglakad si Larc. Hindi ito naupo, sa halip, naglakad
ito sa kabilang side ng kama at tumayo sa tabi ni Ryan. Agad nakita naming ang
pagtulo ng luha nya.
“Pagaling ka, ha…”, mahinang usal nya. Hindi ko alam pero
naiyak ako lalo sa nakita. Alam ko naman eh, mahal pa din ni Larc si Ryan. Kaya
nga hindi na ito naghanap ng iba eh. Kahit pa alam nya na kami na ni Ryan, alam
ko hanggang ngayon, hinihintay nya pa din ito. Alam ko yun..
“Salamat pala….”, pagpapasalamat k okay Larc. Tumango lang
ito. Taos puso ang pagpapasalamat ko kahit pa may selos akong nararamdaman.
Natural lang ang selos, pero mas nangibabaw ang pagpapasalamat ko. Kundi rin
dahil sakanya ay baka di nasalinan agad ng dugo si Ryan at baka mas naging
malala pa ang naging kondisyon nito.
Nagpaalam muna sandal ang iba naming kasama at sinabing
bibili lang ng makakain, ang iba naman ay nagpaalam para umuwi upang maka ligo
at magpalit ng damit. Paglabas ng iba ay may pumasok nanaman muli, ang mga
magulang ko, kasama ang tatlo ko pang kapatid.
Napayakap ako agad kay Mommy pag pasok nito. Naramdaman ko
naman ang kamay ni Daddy sa mga balikat ko.
“Huwag ka mag-alala. Hindi natin sya pababayaan.”,
paninigurado ng Daddy. Hinaplos naman ng Mommy ang buhok ko at bahgyang
ngumiti. Pinaupo muna namin ito. Napansin ko naman na medyo ilag ang kapatid
kong si Aaron. Tumayo ito sa tabi ni Ryan at nagsimulang umiyak.
Agad kong nilapitan si Aaron na nagiiyak pa din.
“Bakit Aaron..?”, alalang tanong ko. Ngunit hindi ito
nagsalita. Ni hindi man lang makatingin.
“Sige, sabihin mo sa Kuya…”, paghimas ko pa sa likod nito.
Paghimas ko sa likod nito ay agad yumakap ang kapatid ko sa
akin at mas lalong nag-iiyak.
“S-sorry, K-kuya.. Kasalanan ko ito. Kung hindi.. Kung hindi
sa-sana ako nagpasa…way at pi..pinaghintay pa si Ku-kuya Ryan, sana hi…..hi..ndi
na ito nalate ng paguwi..”, umiiyak at utal utal na sabi ni Aaron. Napaluha
ako, hindi ko din masisi ang kapatid ko kahit sya naman talaga ang rason bakit
nga nahuli sa pag-uwi si Ryan.
“Huwag mo na intindihin yun. Alam ko, hindi ka din sinisisi
ng Kuya mo…”, pilit kong pagpigil sa luha at pagpapatahan sa kapatid. Hindi ko
sya pwede sabayan sa pag-iyak dahil baka pareho kaming mag break down.
“Sorry talaga, Kuya…”, pag-iyak pa din ni Aaron.
“Sssshhhh… Tama na… Tahan na…”
Kumuha ako ng upuan at tumabi ako sa nakahiga pa ring si
Ryan. Hinawakan ko ang kamay nito at saka lumapit at hinalikan ito.
“Happy monthsary mahal ko… Gising na.. Aalis pa tayo bukas,
di ba ikkwento mo pa sakin ulit kung paano tayo talaga nagkakilala?”, pilit
kong pagpigil ng luhang sabi.
Nanitiling nakapikit si Ryan. Hindi ito kumikibo kahit pa
anong sabihin naming. Kalunos lunos talaga ang ichura nito. Lalo na ang daming
mga kableng nakadikit sakanya na mas lalong nakapag kawawa sa ichura nya.
“Napansin ko namang nakaupo lang din si Larc. Tahimik. Tulala
lang na nakatingin kay Ryan. At minsan ay lumuluha luha. Hindi ko alam kung
anong dapat maramdaman. Kung hayaan ko bas yang magstay o paalisin ko na sya.
“Andre…”, pagtawag sakin ni Karen. Agad akong lumingon.
“Magpahinga ka na muna. Umuwi ka muna.”, mahinahong sabi
nito.
“Hindi. I’m okay. Kaya ko pa.”, pagtanggi ko.
“Pero Andre…”
“I said I’m ok..”, matigas kong sabi.
“Andre listen. Kailangan mong umuwi. Kailangan mo kumuha ng
gamit na kailangan ni Ryan dito. Kung gusto mo dito matulog, walang problema,
kaso magiging sobrang pagod ka na para magdrive pa.”, pagpapaliwanag ni Karen.
May point sya, pero ayaw kong umalis sa tabi ni Ryan. Gusto ko lang dito.
“Sige na…”, pagkumbinsi ni Karen.
“Okay…”, alinlangang tugon ko.
“Ako na magddrive. Wala ka na sa kondisyon para magdrive.”,
pagvolunteer ni Chelsea.
“Mabuti pa nga..”, sabi ni Karen.
Bago pa kaming tuluyang lumabas ng kwarto ay hinalikan ko si
Ryan at hinawakan ang kamay nito. At bago tuluyang lumabas ay tiningnan ko si
Karen.
“Ako nang bahala, dito…”, paninigurado ni Karen.
Si Karen.
Kanina lang, kausap ko pa sya. Kinekwento nya sa akin kung
gaano sya kasaya na magmomonthsary na sila ulit ni Andre. Magkasama kami sa
isang coffee shop. We were having coffee at kumakain ng cake. Masayang masaya
na nagkkwentuhan.
This is my fault.
After sa usapin tungkol sa lovelife nya ay nagbalik tanaw
naman kami bigla noong una kaming nagkakilala. Isang bagay na bihira naming
gawin. Ayaw na ayaw ko kasi pinaguusapan ang highschool life naming dahil una,
ang dami kong mga kagagahan, katangahan at mga kalokohan na si Ryan lamang ang
tanging nakakaalam. At pangalawa, ayokong maipasok sa usapan si Larc. Malaki
ang galit ko sakanya dahil sa paglapastangan nya kay Ryan. Kilala ko si Ryan,
alam kong may galit pa din it okay Larc, pero konting pagpupursige pa ni Larc
ay alam kong mapapatawad nya ito. Hindi ko alam, pero hindi ko kayang tanggapin
ito. Hindi dahil sa nagseselos ako at sila nanaman ulit ang super bestfriends.
They always have been anyway.. Pero ayaw ko dahil hindi ko matanggap ang ginawa
nya kay Ryan. Bestfriend din ako, kaya masakit para sakin yun. Mahalaga sakin
si Ryan dahil talagang kapatid na ang turing ko dito. Para nya na akong ate.
Kaya naman ginagawa ko lang ang gagawin ng isang tunay na Ate para sa
nakababatang kapatid.
This is my fault.
After ng kwentuhan tungkol sa aming dalawa ay napag-usapan
naming ang iniiwasan kong topic, si Larc. Sinubukan kong ibahin ang topic pero
alam kong napansin nya yun. Tiniis ko na lang, pero sobrang nakapagpabago ng
mood ko.
This is all my fault.
Pagtapos ng mahabang kwentuhan at chikahan ay niyaya ako ni
Ryan na sumama sakanya at samahan sya for the whole day. Pero dahil tinopak nga
ako ng mapag-uapan naming si Larc ay hindi ko sya sinamahan. Kung alam ko lang
sana. Kaya pala bigla nyang inopen ang topic sa una naming pagkakakilala. Kaya
pala pasalamat sya ng pasalamat sakin sa mga tulong at pagkakaibigan na nabuo
sa amin. Tumulo ang luha ko. Huwag naman sana pagpapaalam yun. Ryan, gumising
ka. Please…
This is all but my fault…
Mula sa pagmumuni muni ko ay napatingin ako sa dahilan kung
bakit nagbago ang mood ko at hindi sinamahan si Ryan, si Larc. Gusto kong
magalit sakanya lalo dahil kung hindi sya pinasok ni Ryan sa usapan edi sana ay
sinamahan ko ito. Pero alam ko naman eh, hindi kasalanan yun ni Larc.
Halata ang pagod at pagkahilo sa ichura ni Larc. Mukhang
inaantok na rin ito. Kaya labag man sa loob ko ay nilapitan ko ito at kinausap.
“Umuwi ka na, hindi ka na kailangan dito.”, malamig kong
sabi. Tumingin sakin si Larc.
“Please, Karen. Kahit hanggang magising lang sya. Alam ko
galita ka pero..”, pero cinut ko si Larc.
“Umuwi ka na… Magpahinga ka. Bumalik ka na lang kung gusto mo
bukas.”, malamig kong sabi.
“Papayagan nyo ba ako bumalik…?”, medyo paawang tanong ni
Larc.
Nagbuntong hininga ako at hinila si Larc palabas ng kwarto.
“Yung totoo? Ayoko na sana bumalik ka. And we both know why.
Pero kahit namang sabihin ko na huwag na, babalik ka pa din, diba?! At…. At sa
ginawa mong tulong, that’s the least we can do.”, medyo mahinahon ko ng sagot.
“Karen….”, mahinang usal ni Larc.
“Hmmm?”
“Alam ko.. Kulang pa ang ginawa ko sa kasalanan ko. Kung
pwede lang na ako na lang ang nakahiga dyan, gagawin ko kahit pa kulang pa din
yun sa mga nagawa ko. Hindi ako pumunta dito para mastisfy ang sarili kong
guilt, pumunta ako dito… para kay Ryan…”, seryosong sabi ni Larc.
“Yun nga ang kinakatakot ko eh.. Dahil parehas nating kilala
si Ryan. He is TOO nice. At alam ko, konting kausap mo pa sakanya, mapapatawad
ka nya. Kaya nga naiinis ako dahil ako, bilang bestfriend DIN nya, hindi ko
lubos maisip na kaya mo gawin yun sakanya. Hindi ko mapapayagan na saktan mo pa
sya ULIT”, medyo galit kong tonong sinabi.
“Karen.. Mali ang ginawa ko, alam ko. At naiintindihan ko ang
mga kilos at damdamin mo. Pero sana hayaan mo akong bumalik dito. Kahit sa
panahong ito lang. Pangako, hindi ako gagawa ng ikasasakit nya muli.”,
seryosong sabi ni Larc. Ramdam ko ang sinceridad sa boses nya kaya tumango na
lang ako.
“Sige na, magpahinga ka na. Bumalik ka na lang bukas. Andito
na naman kami…”, mahinahon kong sabi.
Nagpaalam na nga si Larc at umalis. Bago naman ako pumasok ay
tinawagan ko sila Melai at inalam kung nasaan na ang mga ito.
“Hello Melai?”
“Oh, Karen.”
“Oh, nasan na kayo?”
“Mga 1 hour siguro andyan na kami. Malakas pa din kasi ang
ulan. Napaparanoid tuloy kaming lahat dahil baka kami naman ang maaksidente
kaya talagang dinadahan dahan naming ang pagmamaneho.”
“Ok. Naiintindihan ko. Basta mag-ingat kayo.”
“Teka, kausapin ka daw ni Tita.”
“Okay.”
Agad na narinig ko ang pagiyak ni Tita.
“Karen anak, ano na ang balita?”, umiiyak ng sabi ng Inay ni
Ryan.
“Tita, huwag ho kayong mag-alala. Sa ngayon ay maayos na po
si Ryan. Andito naman po ang mga magulang ni Andre at ako.”
“Salamat anak. Susko po, sana maging maayos si Ryan.”
“Kaso Tita….”, malungkot kong tugon.
“Ano yun anak?”, kabado at umiiyak na tugon ni Tita.
“Comatose po si Ryan… Hindi alam kung kelan gigising.”,
malungkot kong pagbalita. Agad ko namang rinig ang mas lakas na singhal at iyak
ng mag-asawa.
“Dyosko po! Ang anak ko! Ryan…!”, iyak lang ng iyak na sabi
ni Tita. Napaluha din ako agad.
“Karen, ang Tito ito. Salamat sa inyo, ha! Susko po sana
magising din agad si Ryan.”, umiiyak na sabi ni Tito.
“Ipagdadasal natin yan Tito. Huwag po tayo mawalan ng
pag-asa.”
“Dyosko, bat ang anak ko pa.”
“Im so sorry tito..”
Narinig ko na binalik ang telepono kay Melai.
“Karen… Ano nangyari…?”, alalang tanong ni Melai.
“Comatose…”, simpleng tugon ko habang nagiipit ng mga hikbi.
“Shit..”, ang tanging nasagot ni Melai.
I tried to compose myself at pinatahan ang sarili. Hindi ito
ang panahon para magbreakdown ako. Bestfriend at Ate ako ni Ryan kaya lalo ko
kailangang mas magpakatatag.
“Sige na, basta mag-iingat kayo.”, sabay baba ko ng telepono.
Pumasok ako muli ng kwarto at nagpaalam na ang Mommy at
Daddy, si Arianne at si Anne. May mga aasikasuhin pa daw kasi sila. Nagpaiwan
naman si Aaron na hanggang ngayon ay halata pa din ang pagkaguilty.
“K-Karen… yun ba
yung…?”, nahihiyang bungad na tanong ni Aaron pag upo ko sa tabi nya.
“Ang alin?”
“Si Larc…”
“Kilala mo sya?!”, gulat kong tanong.
“Hindi kilalana as in kilala. Pero minsan na syang nakwento
ni Kuya Andre sakin nung naginuman kami ng nagkatampuhan sila ni Kuya Ryan…”,
nahihiyang usal nito.
“Ganun ba… So, alam mo pala kung sino si Larc.”
“Oo eh. Pero yun nga ba yung…”
“Yung?”
“Sinasabi ni Kuya na karibal sa puso ng Kuya Ryan?”
“Dati yun.”
“Aah.. Pasensya na ang dami kong tanong. Naikwento kasi sakin
ni Kuya ang lahat…”
“Huwag ka magalala. Kung napagkatiwalaan ka ng Kuya mo na
sabihin sayo yun, kayak o din ibigay sayo ang tiwala ko sayo.”, mahinahong
tugon ko.
“Pero K-karen… Kasalanan ko ito, eh. Kung hindi lang sana ako
nagpasaway kay Kuya Ryan edi sana…”
“Look, hindi ka sinisisi ng Kuya Ryan mo. Kilala mo na naman
siguro sya kahit papano. Napakabait at intindihin ni Ryan. Kaya alam kong hindi
ka nya sinisisi. Wala syang sinisisi dahil wala namang may gusto na mangyari
ito..”, pagcomfort k okay Aaron.
“Kaya nga mas nakakalungkot eh.. Bakit si Kuya Ryan pa na sobrang
bait. Naawa tuloy ako sakanya at kay Kuya. Kitang kita k okay Kuya kanina ang
sobrang lungkot at paghihirap.”
“Gagaling si Ryan. Alam ko yun. Lalaban si Ryan at isang araw
gigising sya.”, paninigurado ko sabay tingin kay Ryan na nakahiga pa din.
“Gagaling ka Ryan….”, ang huli kong sinabi bago tuluyang
bumagsak ang mga luha ko…
so sad naman...this episode
ReplyDeletenapakasad naman ng chapter na toh
ReplyDeleteempire
so sad naman...
ReplyDeleteAnjan c larc.hehe
Nakakalungkot naman ang nangyari kay ryan..sana magising na sya..pray for ryan..
ReplyDeletePag gumising na si ryan..maraming magbabago sa storya na ito..
Super iyak ang beauty ko ngayon..
sobra ang emotion ng chapter na to, pati ako naluha...
ReplyDeleteget well soon RYAN^^
XOXO"ARSTE" :-(
Wala akong masabi. Masyadong malungkot ang chapter na 'to. :'(
ReplyDelete-PauuulFabian
Sa wakas andyan na si Papa Larc :)) Hahaha Karen Dear Pwede Ba Ate na lang din kita ??
ReplyDeleteI have a guess author. baka magkaroon ng AMNESIA si Ryan at tanging si Larc lang ang maalala nya and not Andre.
ReplyDeleteAng saklap at sobrang lungkot at interesting ng magiging daloy ng story.
pero kung hindi naman.. eh ano kaya? hmm..
ReplyDeletewaaaaaaaaaaah!!grabeeh naman ang chapter na to...grabeeh napaluha ako sa mga eksena...mgpakatatag ka Andrie...magigising din si Ryan...hope lang sana na di mgka.amnesia si Ryan...wag naman sana...hahaist!!
ReplyDeletenext chapter poh...sa magising na si Ryan..
Sir ken, i lab yu na tlga!
ReplyDeleteHuhu. Kala ko ma d-DOA na c ryan :'(
Sana po magising na xa.
~frostking
Super Emotional naman nitong chapter na paiyak ako.. haha
ReplyDeleteBut Two Thumbs Up Kuya kenji
(Jerome Salas Cunanan)
kakaiyak naman ito ken..pambihira..kakatakot for ryan..go ryan..
ReplyDeleteshet nakakatuliro naman ito... di ako makarecover....
ReplyDeleteohhhh mmmmmyyy Gooodddd!!!! bakit ganito ang nangyareeeee....
ReplyDeletebitin to ken..next na agad..medyo ingatan mo lang sa mga names..kasi dapat yata dun sa isang part eh name yata ni larc..tapos yung mga repetition of letters..na parang mabagal lang basahin..yun lang naman..pero bitin talaga..hahaha..
ReplyDeletehay salamat at dumating na rin si larc..go larc go!! although na maganda na ang pinagsamahan nila ni andre..i think you also deserve a happy ending..tapos masyado na mataray si karen..nakakainis yung pagtanggap niya kay larc..pero thumbs up pa rin para sa story na to.. :)
-J
this is all my fault..
ReplyDeletehahahha...
sana naman hndi magka amnesia si ryan.. nkakasawa na ha!!!!
pero feeling ko magkaka selective amnesia c ryan....
tapos c andre ung makakalimutan nya at c larc na ulet ang mahal nya... so sad para ke andre kung magkaganun man.....
hehhehee
hhhmmmm...parang may something kay larc at kay aaron?hehehehehe
ReplyDeleteBasta larc pa rin ako..s bespren..
ReplyDeleteSana c larc ung ending..
Red of Singapore
gusto ko itong comment na ito..mabuhay ang mga bespren! go larc! haha
Deleteang tagal ko hinintay tong update n toh tpos nkakalungkot nman tong chapter n yoh.malamang ganun n nga mangyari amnesia tpos balik larc-ryan ulit.kwawa nman si andre sobrang bait p nman nya.update n agad author sana magcng n si ryan
ReplyDeletenext chapter na please-
ReplyDeleteDami kong iyak d2-
Like what ive said sa last chapter eto na nga ang mangyayari-
Panu na c andre pag nagka amnesia c ryan,
i REMEMBER THE VOICE, BUT I CANT REMEMBER D FEELINGS na b ang sasabihin ni ryan kay andre-
Panu na andre mukhan MARTYR NYEBERA ka next chapter, at hahayaan na lang c larc na sbihin kay ryan na DADALHIN KITA SAKING PALASYO!
Huhuhu-
Ken-
I WANT MORE OF AARON PLEASE-
Bigyan mo ng mas mabigat na dahilan ung pagpapasaway nya!
Un tipong nakita ni ryan c aaron at larc na magkadate, tapus ung tipong nagkasagutan cla kaya nasabi ni aaron na pasaway sya_
Pwd b un- hakhak_ much ata dba! Basta bigyan mu ng twist- ok?
Yhno hir-
Ai jusme santisima labrador! Parang may nkpt0ng na mlaking bato s dibdib ko hbng bnbasa ang chpter n to! Andre,pktatag ka... Karen.ikaw tuturukan ko ng I.V at iipit ko s ilong m0 ung pulsoxymeter! Sungit ng babaeng to! Pero wagi ka teh,nkkganti k pr kay ryan..hehehe...hindi mgkka amnesia c ryan.. Maggcng xa,at unang hhnapin c larc.aray! Hehe.. Galing otoi! Sn d n mtgal ung ksun0d.. Pls...)
ReplyDelete-_-_-nashdane-_-_-
Kakalungkot naman to friend... ayun teary eye ako.
ReplyDeletelee
Nakakalungkot talaga sya..pero nweis nakakatuwwa na rin kasi muli nang nagbalik si Larc..heheheh..pero naaawa ako kay Andre..
ReplyDeleteDba ang selective amnesia temporary lng? Pro anjan n c larc haha, sna magising n c ryan at magkaayos n cla ni larc
ReplyDeletehay nakakaiyak naman tong chapter grabe.. hays.. thanks ke larc at kht panu nadugtungan ung buhay ni ryan.. sana magising na si ryan :( kalungkot huhuh.. like it talaga!
ReplyDeleteganun na ba ka-contagious ang hula ko about amnesia.... kayo naman pinatulan nyo agad. baka mawalan ng thrill ung story magalit pa sa akin si author.....
ReplyDeletemore likely siguro may post-traumatic anmesia si ryan next chapter. or selctive amnesia, tapos makakalimutan niya si Andre...! WAG NAMAN PO SANA!!! T________T iheychu kenji, in advance.
ReplyDelete-choy s.
karen AFAIK Yung BF mo ang may kasalanan ng LAHAT kung bakit nagkaganito ang istorya! kung makagalit ka jan... on the other hand... ang tragic naman nito:((
ReplyDeletememories na talaga toh. haist. :(
ReplyDelete--
next chapter na please!!!! :)
A very strong chapter with full of emotions... Galing! =)
ReplyDeleteI'm so sad pero happy na rin ako at bumalik na si larc sa eksena.. Ryan, be strong, lumaban ka.. magpagaling ka...
ReplyDeleteUi, ituloy mo na ung kweto mo n lipstick! Antgal mo nang wlang update.
DeleteHala Mr. Author, baket naman ganun ang nangyare?? Kakalungkot naman.. Next chapter na nga.. Yung good news ha.. Hehehehe..
ReplyDeleteDylan of Jeddah
Ang painful naman ng chapter na ito :( Ramdam ko yung sakit!
ReplyDeleteNext na please
grabe at nakakaiyak itong episode ngayon...
ReplyDeletesinipon naman ako sa chapter na ito ^_^...
ReplyDeletepagaling ka na ryan maraming naghihintay sayo...
tnx mr author...
ang bigat ntong chapter na to, napaiyak mo nanamn ako kenji :((, and bka magka amnesia si ryan :(, at maalala lang niya is larc and karen. D: .... haist..
ReplyDeletennkalungkot''kawawa nmn cla lhat..mdmi tlgng ngmmahal ky ryan tsk''
ReplyDeleteas what i'm expecting..pero syempre, kahit expected na, iba pa rin talaga magsulat si author ken, may drama, though i thought it wouldn't be as predictable as it is..pero okay lang, the best pa rin si author ken..amnesia na yan for sure..yuck, ayoko sa idea na magkaroon ng something kay aaron at larc kasi si larc ay para lamang kay ryan..bwahahaha
ReplyDeleteMay amnesia bang mangyayari???????????
ReplyDeleteRamdam ko ung bigat, sakit at kirot n pnagdadaanan ni andrei, karen at larc. Grabe ang emosyon n dumaloy sa chapter n to but the good thing dat happen ay muling mabubuo ang lsamahan ng barkada. Sana gmaleng n agad c ryan. Tnx for the wonderful execution ng chapter n eto. Parang isang big scene sa movie. CONGRATZ! HOPE MAY KSUNOD AGAD.
ReplyDeleteso happy Larc is back!!! more of Larc please..:)
ReplyDeletesad chapter..but still,i can't wait for chapter 10..
ReplyDeletehaaayyy!!ken!! :))
At yun nga ang nangyari... Pagsubok lang yan... galing talaga ni Ken! Idol! sumusubaybay ako sa kwento na to dahil sobrang nakakarelate ako..(pwera sa aksidente) :)
ReplyDeleteanlungkot.. :p mabaet nman tlga kasi c larc.. :p
ReplyDeletetama..mabait talaga si pareng larc..haha..mabuhay tayong mga makaLarc..go larc!
Deletekalungkot naman..kahit anjan na ulit si larc.. :(
ReplyDeleteupdate agad hehe waiting for the next :D
wow ang lungkot lng ng chapter na to... i think magkakaroon nga cya siguro ng amnesia pero c larc lng maaalala nya.... just a guess... hehehe... unless meron new twist :) looking forward to the next update sana update agad tutal late nman e2 last eh lol :p
ReplyDelete-Curious19
sobrang lungkot idol :(
ReplyDeleteThis chapter is very painful, but I don't get why on earth Karen is super (still) mad at Larc, i mean i understand (before) why she's mad at him, but c'mon during Ryan's fight over life she displayed such attitude and hatred, i just find that overbearing, at least on the latter part she somehow contained herself. I admire Larc's will to give what is due for Ryan, he's better than what Karen showed in this chapter and as a reader I have forgiven him for whatever he did to Ryan( I know Ryan would) and lastly hands down to Andre, for he showed respect, humbleness and true love for Ryan, specially the part he's so darn jealous bec it's Larc's blood matches Ryan's, he displayed what should a lover will do for a love one. He really deserves Ryan's love. No one else. And thinking that Ryan may develop amnesia and hell what, that will kill him, but if that happens, he'll fight it, he'll win and conquer it all.
ReplyDeleteakala ko pa naman may supresa lang si ryan, naaksidente na pala, hindi pa nwawala ang pag-asa ko para sa Larc-Ryan.
ReplyDeleteBakit parang papapel si Aaron dito?
Larc-Aaron ba 'to?
Next na please.
P.S.: Pa-activate naman ng mobile view ng blog mo, ang hirap talaga i-load sa mobile phone, cp lng kasi gamit ko. Tsaka sana wala ng word verification, sobrang hirap magpost ng comment. Thank you.
NeXT na!!! Haha!
i miss reading this story :[
ReplyDeletenursing sucks! hahahahaha... good job.. grabe sana maging OK na si ryan
Yaaaaaaahhhhhhhhooooooo!
ReplyDeleteLARC is back on the track now...
Mabuhay at mapunyagi ang LARC-RYAN FUN...
Sa wakas magugulo n ang buhay ni Andre...wahaahah
Sama lang..bitter tlga kxe ako kay Andrea..
GO GO GO LARC...
Huwag kang susuko LARC TILL THE END..
I know u can win Ryan's heart.. ^_^
great job mr author!!!
U made it..
Keep it up!
2 thumbs up!
FAN dude :) Pero mabuhay at magpunyagi tayo. Haha.Go larc!
Deleteaw!! :c why oh why!? nxt na please! love you boss ken.
ReplyDelete-johnjamesjohn
what a great chapter na feel q ang bwat lines ng character jeje galing mu ken...mukhang c aar0n at larc nga ang sanhi ng aksidente n rye jeje at sau andre akin kn lng dhl in d end mukhang kay larc pa din c rye mapu2nta jeje 1st l0ve never dies ika nga haha anyway pangunahan b c ken author
ReplyDeletekainis naman bakit may ganitong episod huhuhu!!!!
ReplyDeleteayan na si larc nagprmdam na heheheh!!
yan nagpakita na din si larc..ano kaya ang mangayari ke ryan,, hmm ndi kaya magkaron siya ng amnesia nito at paggising niya e makalimutan niya si andre...iba ka talaga pagdating sa mga ganito..keep it up and next na kagad..wahahhaaha
ReplyDelete_iamronald
author ken..question lang po. Sadya po bang sabay sabay na ang phasing ng updates nyo sa mga blogsites na nakapost ito? I mean, hindi na po ba talaga one chapter ahead itong blogsite nyo? natanong ko lang naman po..hehe..thanks! :)
ReplyDeletefirst time kong magcomment using a laptop :3 grabe ka ken!!! ang galing mong magsulat ng story. Nainspire mo ako actually. hahahahhaha pwede ko bang i share dito sa site mo yung ginagawa kong story? :P (straight story sya ha :)) ) ayun ang galing talaga nito. next na next na please :D
ReplyDelete(AnonymousSeptember 16, 2012 9:50 AM)
ReplyDelete-gyan nga pala silent reader :P
Haisstt. I cant still get over with the feeling.. Di ako makaiyak iyak dahil nasa office ako habang nagbabasa ansakit sa dibdib :'(. I never thought na magyari nto kay Ryan of all the pain that he suffered from the past few years of his life heto sya after living a few years of happiness comatose :(.
ReplyDelete-anyways ang ganda pa din nang storya @Dark_ken keep up the good work. 4 thumbs up ako sau. ang bigat nang damdamin sa chapter na to