ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Friday, September 14, 2012

Shooting Stars Episode 10


Nagbabalik ang author na walang ginawa kungdi ubusin ang oras kakahanap ng inspirasyon para magtuloy- tuloy ang storya ni Ken.

Nagpapasalamat po ako sa mga bumubuo ng MNB Facebook page at kay Onichan Kenji dahil isa sya sa mga nagbigay sa akin ng inspirasyon para gawin ang mga storya ko.


Salamat din po sa walang sawang nagbabasa ng aking story!
Especially kila:
Ginno, Angel Marco Menor Aka Marc of K.S.A., Monty, Marshy, Franklin Aviola, Kiero 143,
Zenki of Kuwait, Mark 5337, Sinbad, Frostking, robert_medoza. Anita baker at sa mga Annonymous at Silent Readers!

Kayo po ang aking dahilan para magkaroon ng inspirasyon! :)

Enjoy Reading Guys!


“Sorry I’m late!” sabi nya at napatingin naman ako dahil nasa likuran ko lang sya.

“James where have you been? Nakita mong may guest tayo at ganyan ka!” sabi ng kanyang lolo at ngumiti lang ito sa akin.

“Oh! Saan na sya?” sabi nya at parang ang lakas talagang magbiro kahit andito sa kanila.

Nakita ko si tita Margie na tinuro ang aking kinauupuan at naramdaman kong lumapit na siya sa akin.

Nang makaupo na sya sa tabi ko ay nagulat sya sa kanyang nakita...

“YOU!” sabi nya sa akin at ngumiti lang ako.

“Magkakilala ba kayo ni Ken?” sabi ni tito Polo.

“Yeah! Siya lang naman ang kauna unahang tao na nakatalo sa akin sa court!” sabi nya at napatingin silang lahat sa akin... well except for Ace na talagang nararamdaman nyang kinakabahan na ako.

Tahimik, pagkatapos sabihin ni Argel yun at nag umpisa na kaming kumain ng lunch.

“So Ken, san ka pala nakatira?” sabi ng lolo nila.

“Sa South Forbes po!” sagot ko lang sa lolo nila.

“Ahh! Not bad! So san naman nagwowork ang parents mo?” sabi saken ni tita Margie.

“My dad is a branch manager sa isang restaurant, my mom is the head of financing department sa isang company din po!” sabi ko sa kanila at nagpatuloy na kaming kumain.

“Ilan kayong magkakapatid?” sabi sa akin ni tito Polo.

“3 po kami! And I’m the second of the three sons” sagot ko at napansin kong patingin tingin si Ace sa akin at tumango lang ako sa kanya na ibig sabihin na “okay lang at wag syang mag alala” at natapos na din akong kumain.

“Thanks for the food!” sabi ko at napatingin naman silang lahat.

“Sorry po! Tradition na po kasi namin na kapag natapos kaming kumain ay magpapasalamat pa din sa pagkain eh!” paliwanag ko at nakita kong ngumiti naman silang lahat sa inasal ko.

Nang matapos na din sila ay agad nang naglabas ang mga maid ng dessert, nakita ko na may choco pudding kaya yun lang ang kinuha ko at juice.

Nakita ako ni Argel na nakain at napatingin naman ako sa kanya.

“Is there’s something on my face?” sabi ko sa kanya at umiling lang ito at biglang napangiti.

“Weirdo!” sabi ko lang sa aking sarili.

Nakita ko naman si Ace na naubos agad ang kanyang dessert kaya pinunasan na nya ang kanyang bibig at tumayo na.

“Papa, Mama, Lolo, Can we go now? Kasi medyo marami pa yung gagawin naming report eh!” sabi nya sa tatlo at tumango lang sila habang ako naman ay napatayo na din kahit hindi ko pa nauubos ang kinain kong choco pudding.

“Ken tara na!” sabi nya sa akin at umalis na kami sa dining room para pumunta sa kanyang room.

Nang naglalakad na kami paakyat ay napansin kong hindi kami sa kwarto nya pupunta at parang sa rooftop nila.

At tama nga ang aking hinala, pagkabukas ni Ace ang pintuan ay bumungad sa akin ang tanawin at ang haplos ng hangin na nagpapangiti sa akin.

“Like our rooftop?” sabi nya at ngumiti lang ako sa kanya.

“Parang dun sa dinala mo saken!” sabi ko sa kanya at nakita kong ngumiti ito.

Ang ganda ng rooftop namangha ako sa landscape na ginawa at yung mga gamit dito maganda din! Nakita kong pumunta si Ace sa may upuan na malapit sa pool at napansin kong andun din ang mga gamit ko, kaya sumunod ako sa kanya at umupo na din dun.

Habang nilalabas ko na ang mga gamit ko, ay nakita kong seryoso si Ace na nakatingin sa akin.

“Oh may problema ba?” sabi ko sa kanya at parang nabigla sya sa sinabi ko.

“Ah... Eh! Wa..Wala namang prob..lema! Heh heh!” sabi nya at tinulungan na nya akong gumawa ng report.

Masarap kasama si Ace lalo na sa mga ganitong bagay dahil na din sa pagkahilig ko sa mga libro, binabasa ko ang binili nyang libro tungkol sa irereport namin at nagpaalam muna sya saglit para kumuha ng miryenda namin.

“Hindi ko namalayan ang oras ah!” sabi ko na lang sa kanya.

“Ang seryoso kasi ng mukha mo! Kaya kahit oras hindi mo na pinapansin!” biro nya sa akin at tumawa ako.

Nang makaalis na sya ay nilagyan ko ng bookmark ang libro at nagpatugtog muna ako sa aking iPod, habang naghahanap ako ng maganda para sa mood ko ay naramdaman ko ang hangin na dumampi sa aking pisngi.

“relaxing talaga dito!” sabi ko sa aking sarili at napapikit ako, sa aking pagpikit ay di ko na namalayan na nakatulog na pala ako, naramdaman ko na lang na parang may bumuhat sa akin.

“ang bigat mo!” sabi nya habang ang mga mata ko ay nakapikit pa din.

Naramdaman ko na lang na hiniga nya ako sa kama at nagising na ako ng tuluyan, nagulat sya at nahiya naman ako sa ginawa nya.

“Nakita kasi kita na nakatulog eh, I just thought na buhatin ka at ipunta kita sa aking room” paliwanag ni Ace sa akin at namula naman ang tenga ko sa hiya.

“Sorry ha!” sabi ko at lumapit ito sa akin at tumabi.

“Alam mo ba?” sabi nya sa akin at napaupo naman ako.

Tumingin lang ako sa kanya at nakita kong nakatingin sya sa malayo.

“Hindi ko ma explain bakit ako nagkakaganito, nagiging concern ako sa isang katulad mo, Hindi ko alam kung paano, pero kapag nakikita kita or napapansin ko ang presence mo ay nawawala ako sa pag iisip, minsan tinanong ko ang aking sarili kung ano ba ang nararamdaman ko sayo, pero ayokong sumugal kasi hindi ko pa naman alam ang totoong nararamdaman ko.” paliwanag nya at natulala ako sa sinabi nya.

Hindi ko naiintindihan ang sinabi ni Ace dahil na din na nabigla ako sa sinabi nya o meron pang ibang kahulugan yun.

“Anong pinagsasabi mo?” ang tanging nasabi ko at napatingin naman ito sa akin.

“Ah... Eh... Wala! Hayaan mo na lang yun! At least magkaibigan na tayo! Basta promise me one thing!” sabi nya at tumingin lang ako sa kanya.

“What?!” sabi ko sa kanya.

“Promise me na dapat lagi kitang nakikita, or napapansin na masaya and dapat ang secrets ay sinasabi sa kaibigan para di tayo naiilang sa isa’t isa.” Sabi nya sa akin at napakunot ang aking noo, dahil sa sinabi nya ay marami akong naiisip na ibig sabihin dun.

“I promise!” sabi ko lang at tinaas ko ang aking kanang kamay at tumawa naman sya.

“Teka lang! yung miryenda mo!” sabi nya sa akin at lumabas muna ito ng room nya.

At nang makalabas na sya ay agad akong tinignan ang buong kwarto nya, nakita ko ang study table nya na katabi ang bookshelf na punong puno ng libro, napansin ko din ang isang picture frame at parang may nag udyok na tignan yun, kaya kinuha ko at tinignan yun.

Nakita ko ang larawan at napansin ko na parang pamilyar ang lugar na kinuhaan dun, nakita ko din si Ace at Argel na naka akbay sa isang batang lalake at nakangiti sila at biglang...

“Si kuya Aaron yan nasa gitna” sabi ni Argel na biglang sumulpot sa room ni Ace.

Nabitawan ko ang frame at nahulog ito sa lapag, humarap ako sa kanya at napatingin dito.

“Oh! Parang nakakita ka ng multo!” biro nya sa akin at kinuha nya ang frame at pinunasan ito ng panyo.

“Paano ka nakapasok?” sabi ko sa kanya na halatang gulat pa din ako.

“Bukas kaya ang pintuan! Nakita kitang nakatayo sa study table ni Ace at napansin kong tinitignan mo ang picture naming tatlo!” sabi nito sa akin at napatingin ako sa bukas na pintuan at napakamot ako ng ulo.

“Ahh! So...Sorry naman! Nililibot ko lang ang room ni Ace eh! So may kapatid pa pala kayo?” sabi ko kay Argel at nakita kong pumasok na si Ace na may dalang tray.

“Ken, miryenda mo! Oh Bro! may kailangan ka ba?” sabi ni Ace at binaba nya ang tray sa mini table sa kwarto nya.

“Nothing! Nakita ko lang si Ken kasi na tinitignan ang picture natin sa hill na kasama si kuya Aaron.” Sabi nya kay Ace at tumingin ito sa akin.

Napatingin naman ako sa dalawa na parang mali ata ang nagawa ko.

“Sorry ah! my curiosity plays again!” sabi ko at napahawak ako sa aking batok.

“It’s okay! Tutal nasabi na naman sayo ni bro si kuya Aaron eh.” sabi ni Ace habang nakita ko si Argel na medyo nagiba ang expression ng mukha.

“Sorry talaga! hindi ko naman sinasadya eh!” sabi ko sa kanila at hinawakan ni Ace ang balikat ko at ngumiti lang sa akin ito.

Habang kinukuha ko ang miryenda namin ay sumama na sa amin si Argel at napansin kong nakatingin sya sa akin at kapag natingin ako sa kanya ay nakikita kong napapangiti ito.

“Ace, may gathering kami sa bahay, wanna come?” paanyaya ko at napatingin bigla si Ace sa akin.

“Talaga?!” sabi ni Ace sa akin at tumango lang ako.

“Hey! Bakit si Ace lang?!” singit ni Argel at natawa naman kaming dalawa.

“Si bro oh! Parang bata!” biro ni Ace at pinahiran si Ace ng icing ng chocolate cake.

Natawa ako sa bonding nila at biglang pinahiran nila ako ng icing kaya naghabulan kami sa loob ng room ni Ace at nagpunasan ng icing sa mukha, nang mapagod kami ay agad na akong umupo sa kama at ganun din ang dalawang magkapatid.

“Bakit ka pala suplado sa akin?” tanong ni Argel sa akin.

“What do you mean suplado?” sabi ko lang at tumingin silang dalawa sa akin.

“Nung first day ng class, yung natamaan ka sa ulo ng bola, nagsorry naman ako nun ah! Pero hindi mo tinanggap at nakipaglaban ka pa sa akin!” sabi ni Argel at naalala ko na ang ibig nyang sabihin.

“Ahh! Yun ba?!” sabi ko at tumango si Argel sa akin, tinignan ko si Ace at parang naghihintay din sya ng sasabihin ko.

“Kasi, hindi pa ako kumportable sa school kaya medyo suplado ako, and sorry ah! Kasi naging ganun ako, especially to you Ace! Alam kong gusto mong makipag kaibigan sa akin nun, pero nasanay ako sa manila at hindi pa ako nakakapag cope up nung mga araw na yun, akala ko kasi kaya iniiwasan mo ako ay suplado pa din ako pero hindi na kasi sinabihan ako ni daddy at mommy na kailangan kong mag cope up ng new environment para na din magkaroon ako ng mga kaibigan!” paliwanag ko sa kanilang dalawa at ngumiti naman sila sa akin.

“Okay naiintindihan ka na namin!” sabi ni Argel at sumang ayon si Ace sa sinabi ng kanyang kapatid.

“Pero paano yung mga nagsabi sayo?” sabi ni Ace.

Napatingin si Argel sa kanyang kapatid at napatahimik lang ako.

“Ano yung nangyari?” sabi ni Argel sa kanyang kapatid.

“Don’t mind that! Wala naman akong panahon para sa mga ganung tao!” sabi ko lang kay Ace at napansin kong nagtataka si Argel.

“Pwede naman ikwento ang pinagsasabi nyo?” biro ni Argel at natawa kami ni Ace.

“Kasi bro, yung ibang student sinabihan si Ken na walang kwenta at papansin lang daw si Ken dahil natalo ka nya, eh hindi naman ako nakasagot nun kasi alam ko naman na hahayaan mo lang yung issue na yun!” paliwanag ni Ace sa kanyang kapatid at tumingin ito sa akin.

“Sino ba gumawa ng article na yun?” sabi nya na medyo nainis sa sumbong ng kanyang kapatid.

“I don’t know, basta ang sabi ko na lang sa kanila na hindi naman papansinin ni Argel yun kasi talagang magaling si Ken sa sports!” sabi ni Ace at napangiti lang ako.

“Hayaan na natin yun okay! Basta ako, kung wala naman akong natatapakan na tao, bakit ako magpapa apekto?!” sabi ko na lang sa kanilang dalawa at ngumiti ito sa akin.

Habang nagkakasiyahan kaming tatlo ay biglang nag ring ang phone ko, pagkakuha ko ng phone ay narinig ko si bunso.

“Oh bakit?” sabi ko sa kanya.

“Kuya pauwi na kami ni lola! What time ka uuwi?” sabi nito sa akin at napangiti naman ako sa sinabi nya.

“Tapos na kaming gumawa ng report, malapit na din akong umuwi, and may kasama tayo sa paglalaro, okay lang ba?” sabi ko kay bunso.

“Okay lang kuya! Masaya yun! Para magkakampi tayo!” sabi nito sa akin at nagpaalam na ako sa kanya at binaba ko na ang phone ko.

“Sasama pa ba kayo?” sabi ko sa kanilang dalawa habang nakatingin sila sa akin.

Nagtinginan ang dalawa at nagmadaling umalis si Argel para pumunta sa room nya at naligo, ako naman ay pinauna ni Ace para hugasan ang mukha ko dahil na din sa icing na natira, at nang matapos na ako ay pumasok naman sya at naligo na.

Habang naghihintay ako ay naisipan kong bumaba na at pumunta na lang sa sala para dun sila hintayin, pagbaba ko ay nakita ko ang butler nila at hinatid ako sa sala.

“Gusto mo po ba ng maiinom?” sabi ng kanilang butler.

“Okay na po ako!” sabi ko sa kanya at ngumiti lang ako sa kanya.

“Call me kapag may kailangan po kayo!” sabi nya at tumango lang ako, at lumabas na ito.

Habang nanonood ako ng palabas sa TV nila ay narinig kong pumasok si tita Margie at si tito Polo, napansin nila akong nanonood at tumabi sila sa akin.

“How’s your report?” sabi ni tito Polo.

“Okay naman po! Thanks po pala sa lunch kanina!” sabi ko sa kanila at ngumiti sila sa akin.

“Hijo, I like you as my two boys bestfriend!” sabi ni tita Margie.

“Thanks po, and sa inyo din po! Ang babait nyo po!” sabi ko sa kanila at niyakap nya ako.

Habang niyayakap ako ni tita Margie ay narinig ko si tito Polo na tinawag ang kanilang butler.

“Paghanda mo kami ng makakain! And drinks too!” sabi nya at umalis na ang butler sa harapan ni tito Polo.

Hijo, so pauwi ka na ba?” sabi ni tita sa akin nang kumalas sya sa pagkakayakap.

“Opo eh, meron pong family gathering kami, nasabi po ni mommy na isama ko po daw si Ace at si Argel para makilala daw po nila at makilala din po sila.” Sabi ko at nakita kong nagtinginan silang mag asawa.

Hijo... pwede din ba kami sumama?” sabi ni tita Margie at napatingin naman ako kay tito Polo at ngumiti ito sa akin.

“Wait lang po, kakausapin ko lang po si mommy” sabi ko at kinuha ko ang phone ko sa bulsa at tinawagan si mommy.

“Oh anak! Napatawag ka? Tapos na ba kayong gumawa ng report? What time ang uwi mo?” sabi nya at naririnig kong nagluluto sila sa kitchen.

“Mom, natapos na po kami, and sasama ang dalawa kong classmates with their parents, okay lang po ba?” sabi ko kay mom.

“Yan ba yung apo ng may ari ng school na pinapasukan mo?” sabi nya sa akin.

“uh yeah!” sabi ko at narinig kong pinagmamadali nya ang mga nagluluto sa kitchen.

“Sige anak, padalawin mo sila para makilala namin ang mga parents ng classmates mo!” sabi ni mom at binaba na nya ang phone at tumingin naman ako kila tita Margie at tito Polo.

“And?” sabi ni tita Margie.

“Okay daw po!” sabi ko sa kanila at narinig ko si tito Polo na pinatawag ang butler ulit.

“Wag na kayong maghanda okay, please tell papa na dadalaw kami kila Ken” Sabi ni tito Polo.

“Okay sir! Anything else?” sabi ng butler.

“Yeah! Paki handa ang sasakyan at ako ang magd-drive!” sabi ni tito Polo at ngumiti ito sa akin.

Pagka alis ng butler nila ay nakita ko si Ace na nakabihis na at ganun din si Argel na nag uunahan.

“Akala ko umalis ka na eh!” sabi nilang dalawa at natawa naman ako sa sinabi nila.

“Ma! Pa! sasama po kami kay Ken, ininvite po kami sa family gathering nila eh!” sabi ni Ace at hindi sumagot sila tito at tita.

“What do you think? Kayo lang ang invited?!” sabi ni tita Margie at nakita kong kinakabahan silang dalawa.

“Mama naman! Nakakahiya kung sasama kayo! Hindi naman kayo invited ni Papa eh!” sabi ni Argel at napatingin naman ang kanyang papa.

“What? Kami?! Hindi invited! Sige! Hindi kayo sasama!” sabi ni tito Polo at natawa ako sa kanila kasi ang galing nilang umarte at nakita ko ang mga mukha nila Ace at Argel.

“Gotcha!” biro ko sa dalawa at napatingin naman sila kila tito at tita.

Natawa naman sila tito at tita at nakita kong nainis sila Ace at Argel sa ginawa nila.

“Madali pala kayong mainis no!” sabi ko sa kanila nang nilapitan ko sila.

“Syempre! Kaibigan namin ang nag invite eh!” sabi ni Ace.

“Tapos akala namin na hindi kami papayagan nila Mama at Papa!” dagdag ni Argel at tawa pa din ng tawa ang mga magulang nila.

Nang makarecover na sila tito at tita ay pumasok naman ang kanilang butler.

“Okay na sir ang sasakyan!” sabi nito.

“Okay! Yung gamit ni Ken naipasok na ba dun?” sabi nito at tumango naman ang butler nila.

“Tara na sa house nyo!” sabi ni tita at lumabas na sila.

Inakbayan ako ng dalawa papalabas at habang naglalkad kami papalabas ay narinig kong nagpaalam na ang mga maids sa amin.

Pumasok na si Ace sa sasakyan at sumunod ako at huli si Argel, pagkapasok namin sa sasakyan ay naramdaman ko ang kasiyahan sa loob dahil na din na mga excited ang apat na makapunta sa bahay, ako naman ay tinuro kung saan ang papunta sa amin.

Magaling si tito Polo na magdrive, alam nya ang mga shortcut parang si kuya Ray lang, at nang malapit na kami sa subdivision ay tumawag ulit ako.

“Hello mom!” sabi ko kay Mom at naririnig kong may ginagawa pa sila.

“Oh anak! Saan na kayo? Pinaligo ko na si Jiro eh! sabi ko na later na lang kayo maglalaro ng basketball!” sabi ni Mom at napangiti ako.

“We’re almost there, andyan na ba sila tito Philip at tita Emily?” sabi ko.

“Yes! Nasa backyard lang, kinakausap ng daddy mo!” sabi nya at nararamdaman kong nagmamadali na sila.

“Mom! Take your time!” sabi ko sa kanya at nakita kong napatingin sila tita Margie sa akin.

“Eh anak sabi mo malapit na kayo, and besides sila ang parents ng mga classmates mo! Kaya ayaw namin na mapahiya ang anak namin!” sabi nito at napangiti lang ako sa kanyang sinabi.

“Okay mom! Basta take your time ha!” sabi ko sa kanya at binaba ulit nya ang phone.

Napansin kong biglang tumahimik ang sasakyan at nagtataka ako sa kanilang titigan.

“By the way, dumaan muna tayo sa isang mall, syempre nakakahiya naman na walang dalang regalo sa mga parents mo!” sabi ni tito Polo.

“Wag na po tito! Okay na pong magkakilala kayo nila mom at dad ko! Okay na po yun!” sabi ko sa kanila.

“We insist!” sabi ni tita Margie at hindi na ako nagsalita.

“Okay guys! Punta muna tayo ng mall ah! Pero saglit lang dapat!” sabi ni tito at nakita ko sila na tumango pagsasang ayon sa sinabi ni tito Polo.

Nang makarating kami sa isang mall ay agad  naghanap ng space si tito para magpark, at nang makapag park na si tito ay agad kaming lumabas.

“You two bumili din kayo!” sabi ni tita at tumango lang sila.

“Isama nyo na si Ken okay!” dagdag ni tito at sumama na ako sa kanila.

Habang nasa loob kami ng mall ay agad akong pumasok sa isang store at bumili ng gamit ni Jiro, sila naman ay sumunod sa akin at tinignan ko sila nang matapos kong bayaran ang binili ko.

“Ano ba gusto ng mga kapatid mo?” sabi ni Argel.

“Si kuya Kino he loves anime ganun din si Jiro and also me!” sabi ko sa kanila at nagkunot ang kanilang mga noo.

“Yung bagay na ma-a-apreciate nila!” sabi ni Ace.

“Okay! Si kuya kasi he loves to take a picture, si Jiro naman he loves to paint!” sabi ko at agad nang pumunta sila sa mga store para maghanap ng mareregalo.

“Okay na ba ito Ken sa kanila?” sabi ni Ace sa akin.

“Yeah! I’m sure na magugustuhan nila yan!” sabi ko at tumalikod na sa kanya.

“Ken! Ito okay na ba?” sabi naman ni Argel sa akin at tinignan ko ang kinuha nya.

“Hey that’s too much!” sabi ko sa kanya.

“Maganda ba o hindi?!” sabi nito ulit sa akin.

“Maganda, pero bakit parang ang dami naman?” sabi ko kay Argel at ngumiti lang ito sa akin.

Pumunta na kami sa cashier para bayaran nila ang mga kinuha nila, napansin kong parehas silang madaming nabili at may greeting card pa silang binili.

Nang mabayaran na yun ay agad na pumunta sa isa pang counter para ibalot ang kanilang gift, sinabi nila sa akin na tumingin tingin muna kaya ginawa ko yun.

Nang matapos na sila ay agad kaming pumunta sa sasakyan.

Habang naglalakad ay nagring ang phone ko.

“Hello?” sabi ko.

“Kuya! Saan na daw kayo sabi ni mommy!” sabi ni Jiro.

“Teka lang ha! Nag stop over lang kami kasi may binili ang parents ng mga classmate ko eh!” palusot ko na lang at binaba na nya ang phone.

“Nahawa na kay Mommy!” bulong ko at nang malapit na kami sa sasakyan ay agad akong nagtext ka kuya.

“Kuya paki sabi naman kay ate Lea na paghanda nya ako ng maisusuot!” text ko at pumasok na kami sa sasakyan.

Naramdaman kong nagvibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito sa aking bulsa at binasa.

“Kanina pa handa ang damit mo! Inaamag na nga eh! at hindi pa ako makakauwi kasi tatapusin ko ang report na ito eh! but I try to finish this okay!” biro nya sa akin at natawa naman ako sa sinabi nya.

“Parating na kami!” sabi ko na lang kay mom at nakita kong naglalakad na din sila tito at tita papalapit sa amin.

Binuksan ni tito ang sasakyan at pumasok na kami ni tita.

Napansin kong mukhang marami ang binili nila at napansin ni tita yun.

“Parang namamanhikan lang no?!” sabi nya at nagulat ako sa sinabi nya.

To be continue...

Next Episode Teaser:
Naguluhan si Ken sa sinabi ni tita Margie... 
"Ano kaya ang ibig sabihin nya?, at bakit ganun na lang kagaan ng loob na pinapasok sa kanilang bahay?" ang tanging naisip lang ni Ken...

Sa mga susunod na Episode ay kaabang abang dahil may magaganap na hindi makapaniwala sila Ace, Argel, at ang kanyang mga kaibigan.

15 comments:

  1. Maraming salamat po sa pag lalagay ng pangalan/alias ko sa acknowledgement.
    As expected napakaganda ng chapter na ito. Sana po masundan agad. :)

    ~frostking

    ReplyDelete
  2. pde po update nyo na 11agad??excited!

    ReplyDelete
  3. so nice, cant w8 sa mga astig na scenes..gr8 job author! Kip 8 up..

    ReplyDelete
  4. Ganda ng pagkabitin.....hahaha.... lalong kaabang abang tuloy yung kasunod.....hehehe

    ReplyDelete
  5. waaaaaaaaah..kilig much naman ako sa chapter na to...hehehe nag.uunahan pa tlga ang magkapatid na si Ace and Argel...super pa impress ang dalawa...hahahah pero ang cute...hehehehe


    tapos kaloka ang sinabi ni tta Margie ha...mamamanhikan daw??hahaha grabeeh...kaw na Ken...heheheh

    anyways nice chapter mr.author...hehe paupdate poh kaagad...hehehe ang nice eh...heheh kakagaan ng feeling...heheh

    ReplyDelete
  6. Nice naman...nakakaxcite naman tong story nito.. Next pls..

    ReplyDelete
  7. my god,., ang swerte ni ken,.,. botong boto ang parents,., haha,.,pwede bng silang 3 na lang ang love team,.,argel-ken-ace,., threesome,., hahaha

    ReplyDelete
  8. exciting ito grabe...ang bilis talaga ng update...

    ano kaya ang mangyayari sa next chapter....

    tnx mr. author...

    ReplyDelete
  9. mr author paki bilisan lang po yung kasunod maraming maraming salamat po :) excited na kasi yung mga susunod na pangyayari.....


    parang naaamoy ko tuloy na both supportive ang parents ni james at ace sa gusto nilang si ken :) wew saya saya!

    maraming salamat po!

    ReplyDelete
  10. Annnnnnnnnnng gaaaaaaaaaaaanddaaaaaaaaa po:) next na pi:)

    ReplyDelete
  11. Nice story...very light lng sya...update na please..

    ReplyDelete
  12. bakit wala pa kasunod... next chapter plssss.

    ReplyDelete
  13. Sorry po kung natagalan :P
    Posting my Episode 11!
    Hope you enjoy it guys!
    ---Back to Writings!----
    add nyo po ako sa Skype/FB/Twitter

    jaycee1137 Skype ID

    facebook.com/midnytzerofour

    twitter.com/iamJCshin
    (Mag tweet po kayo kasi gamit ko po ay Tweetdeck)

    yun lang po at salamat sa pagbabasa!

    ReplyDelete