ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Tuesday, September 11, 2012

Shooting Stars Episode 7


Nagbabalik ang author na walang ginawa kungdi ubusin ang oras kakahanap ng inspirasyon para magtuloy- tuloy ang storya ni Ken.

Nagpapasalamat po ako sa mga bumubuo ng MNB Facebook page at kay Onichan Kenji dahil isa sya sa mga nagbigay sa akin ng inspirasyon para gawin ang mga storya ko.

Salamat din po sa walang sawang nagbabasa ng aking story!
Especially kila:
Ginno, Angel Marco Menor Aka Marc of K.S.A., Monty, Marshy, Franklin Aviola, Kiero 143,
Zenki of Kuwait, Mark 5337, Sinbad at sa mga Annonymous at Silent Readers!

Kayo po ang aking dahilan para magkaroon ng inspirasyon! :)

Enjoy Reading Guys!


At dahil pinangako ko sa inyo ... 
Heto na po sila!


Si kuya Kino, Ken at Jiro, habang nanonood sa room ni kuya Kino.

“Kuya?! Bakit ako tinawag na kuya nito?!” sabi ko sa aking sarili.

“Namiss agad kita kuya!” sabi sa akin ni Jiro at naalala ko pala na “kuya” nga ang tawag nya sa akin bago kami umalis sa flowershop.

Niyakap ko sya ng mahigpit at napansin nyang humigpit ang aking pagyakap.

“Aba bata! Baka naman magutom na sila! Hindi mo ba sila papapapuntahin sa dining room para umupo at makakain?!” singit sa amin ni Nay Elsa.

Nagkalas kami at sinamahan ko na sila sa dining room para sumabay sa amin sa pagkain.

“Dad, ito ba yung surprise mo sa akin?” sabi ko kay Dad at tumingin lang sya sa akin.

Habang nakain kami ay napatingin ako kay kuya Kino at napansin kong tahimik sya sa mga oras na yun, kahit si lola at sila Mom at Dad parang nasa library kami nung mga oras na yun walang nag iimikan at binasag ko ang katahimikan na yun.

“Jiro, mamaya pagtapos nating kumain, tumambay tayo sa room ko!” sabi ko sa kanya na nasa harapan ko lang at napatingin naman si Dad sa akin.

Tumango lang ako sa kanya at nagpatuloy kaming kumain, si Jiro naman ay ngumiti din pagsasang ayon sa aking pag aanyaya sa kanya.

Medyo awkward ang mga oras na yun, parang yung magkapatid na kanina lang ay hindi ko din maintindihan, natapos na kaming kumain at hinawakan ko na si Jiro para umakyat kami sa room, nakita ko naman na papunta sila kuya Kino, Mom, Dad at si Lola sa lanai.

Mabilis kaming umakyat sa aking room at pagkabukas ko ng pintuan ay napansin ko si Jiro na humanga sa aking room.

“Like it?” sabi ko sa kanya at tumango lang sya sa akin.

“Kuya, ang ganda ng design ng room mo, tapos yung mini sala mo astig!” sabi nya at ngumiti lang ako sa kanya.

Habang humahanga sya sa kanyang nakikita ay pumunta naman ako sa may study table ko at binuksan ang drawer para kunin ang regalo ko sa kanya.

“Andito pala si St. Michael!” sabi nya sa akin ng puntahan nya ang tabi ng kama ko.

“Sabi mo eh! Itabi ko yan, kaya dyan ko nilagay para may guardian ako!” sabi ko sa kanya at yumakap ulit sya sa akin.

Gumanti naman ako ng pagyakap ko sa kanya at tumingin ako sa kanyang itsura, nagkalas kami at umupo sa may sala, tumayo muna ako para kunin ang mga magazines ng anime at binigay ko sa kanya yun.

“Whoa! Kuya, mahal ang mga ganito ah! Limited edition tapos yung iba parang hindi pa nababasa!” sabi nya dito at lumapit ako sa kanya.

“Eh, kinokolekta ko lang yan, wala naman kasi akong kasama kapag magbabasa ng mga ganyan, si kuya Kino hindi mahilig dyan!” sabi ko sa kanya at tumingin sya sa akin.

“Gusto mo ako?” Napatingin ako sa kanya ng seryoso at nakita ko syang ngumiti.

“Huh?!” sabi ko sa kanya.

“Magpupunta ako dito lagi, para makasama kita at sabay nating babasahin yan!” sabi nya at napangiti ako sa kanya, binuksan ko ang nakabalot pang magazine at binigay ito sa kanya, ganun din naman yung magazine na kinuha ko.

Habang nagbabasa kami ay naririnig kong tumatawa si Jiro at napapatingin ako sa kanya.

“Mukhang gusto mo yang binabasa mo ah!” sabi ko sa kanya at tumango lang ito sa akin.

Habang maganda ang aming bonding ay biglang may kumatok sa pintuan.

“Pasok po!” sigaw ko lang sa kumakatok at pumasok sila kuya kasama si Lola at sila Mom at Dad.

“Ken anak, pwede bang maka istorbo kami sa inyong dalawa?” sabi sa akin ni Mom.

“Sige po! Upo kayo dito sa may sofa kami ni Jiro dito na lang sa carpet.” Sabi ko kay Mom at pumasok na silang apat.

Nagsiupuan sila sa sofa at kami namang tatlo ay nasa carpet, binaba muna namin ni Jiro ang binabasa namin at tumingin sa kanila.

“I hope this is great!” sabi ko sa kanila at siniko ako ni kuya.

Nakita ko sila mom at dad na humawak sa isa’t isa at tinignan ako at si Jiro.

“Jiro?” sabi ni Dad.

“Bakit po?” sagot lang ni Jiro na alam kong nagtataka.

“Itong sasabihin ko sayo, hindi ko alam kung magagalit ka o matatanggap mo, pero sana pakinggan mo muna ako, okay lang ba?” sabi ni Dad at nakita kong nakatingin lang sya.

“Ako ang papa mo...” sabi ni dad na walang takot, nakita ko naman si Jiro na nagulat sa kanyang narinig, tinignan nya si Lola at nakita nyang ngumiti lang ito, naramdaman kong pumatak ang luha ni Dad.

“I...ikaw?! ang Papa ko?! Pero...” sabi ni Jiro na nalilito pa sa mga nangyayari.

“Oo anak! Ako nga ito!” sabi lang nya at niyakap nya ito, pero nakita ko si Jiro na lumayo at napansin kong umiiyak ito.

“Bakit ngayon ka lang nagpakita?!” sabi ni Jiro na naramdaman ko naman ang kanyang sinasabi.

“Anak, matagal na kitang hinahanap! Sinusulatan ko ang address kung saan nakatira dati ang mama mo bago kami maghiwalay, pinahanap kita sa mga private investigators, at nang mahanap ko ang lola mo ay pinagawaan ko sya ng flowershop na ipinangalan ko sayo, nung una galit sya sa akin, bakit ko daw iniwan si Grace sa gitna ng paghihirap nya sa panganganak sayo, pero sinabi ko naman ang lahat sa lola mo eh.” Paliwanag ni Dad habang naiyak sya at nakita kong umupo sya sa harapan ni Jiro, at si Jiro naman ay tumingin sa kanyang Lola para magpaliwanag.

“Apo, kasi si Gino na din ang nagsabi na wag munang sabihin sayo, dahil hindi pa niya kaya, pero pinangako nya na susuportahan ka, at lilipat sila dito para lang sayo... Patawarin mo ako apo dahil tinago ko sayo ito.” Sabi ng kanyang lola at nakita ko namang umiiyak siya kaya nilapitan ko ito at hinimas para kumalma.

“17 years! Wala akong nakilalang ama, tanging si lola lang ang gumagabay sa akin, nung nagsimula akong maglakad, magsalita, pumasok sa school, at ngayon! Bakit ka pa dumating sa buhay namin?! Bakit!!!” sabi ni Jiro na medyo tumaas ang boses at humagulgol ng iyak.

Agad naman syang niyakap ni kuya Kino at pinatahan, hinawakan ni Jiro ang braso ni kuya at humagulgol pa din.

“Bunso, ilabas mo lang yan! Sige lang! alam kong tinago ni Daddy sayo ang karapatan mong makilala sya, pero ano ang gugustuhin mo? Ang hindi na talaga makilala ang Daddy? O ang pakiramdam na hinahanap mo sya kapag natutulog ka?” sabi ni kuya Kino kay Jiro at dahan dahang tumahan sya at tinignan si kuya.

“Eh paano kasi kuya—“ sabi nya pero tinigil sya ni Mommy.

“Jiro, kung ang iniisip mo na iba kami sayo, nagkakamali ka! kasi matagal ka nang hinihintay ng pamilyang ito! Simula nung mawala ang mama mo, ako ang hinabilinan nya na ingatan ka at si Gino, dahil mahal nya kayo! Kaya tinuturing na din kitang anak ko! Nanggaling ka din sa aking laman kaya wag kang mag iisip ng mali, kung gusto mo ng space para makapag isip mag isa, sabihin mo lang at hihintayin ka namin sa bahay kasama si Nanay Lisa!” sabi ni mommy na napansin ko ding umiiyak sa mga pangyayari.

“Tita, salamat po!” sabi lang ni Jiro habang pinupunas nya ang kanyang mga luha.

“Call me Mommy too! I know Grace will be happy kasi tinupad namin ang last wish nya!” sabi ni mom at niyakap ni Jiro sila kuya at mom.

Nakita ko si daddy na pinupunasan nya ang kanyang luha at pinuntahan si Jiro para sumamong mapatawad sya.

“Anak? Mapapatawad mo pa ba ako? Dahil iniwan kitang mag isa?” sabi ni dad at lumuhod ito sa harapan ni Jiro.

“Tinuruan po ako ni lola na magpatawad at bigyan sila ng pagkakataon para makabawi sa kanilang kamalian... kaya pinapatawad ko na po kayo Papa!” sabi ni Jiro at niyakap ni dad si Jiro at umiyak muli silang dalawa.

Hindi ko na din mapigilan at pumatak ang luha ko sa mga balikat ni lola Lisa kaya napansin naman nya ito at tumayo sya at hinaplos ako sa ulo.

“Mabait talaga ang diyos! Kaya tayo nag iiyakan kasi natanggap natin ang mga kamalian ng bawat isa.” Sabi ni lola Lisa at ngumiti lang kami.

Pinunasan ko ang aking luha at ganun din sila dad at Jiro.

“Tama na nga ito! Ang drama natin eh! Birthday pa naman ni Bunso! Kaya dapat magsaya tayo!” sabi ni kuya at tumawa kaming lahat.

“Tara! Gusto kong lumabas tayo bilang buong pamilya!” sabi ni Dad at ngumiti lang ako, napansin ko sila lola Lisa at Jiro na hindi handa sa sinabi ni dad.

“Ken, bigyan mo si bunso ng damit! Ayusan mo sya ah!” sabi sa akin ni kuya Kino at tumango lang ako.

“nay Lisa, don’t worry po may damit na kayo tara na po sa kwarto namin ni Gino!” anyaya ni Mommy at lumakad na sila, naiwan kaming dalawa sa room ko at nakita kong hindi pa rin makapaniwala si Jiro sa kanyang narinig.

“Welcome to the family! Jiro Yoshihara!” sabi ko sa kanya at biglang niyakap nya ako ng mahigpit.

“Kuya na talaga kita! Natupad na ang wish ko!” sabi nya sa akin habang nakayap pa ito.

“Kuya mo na nga ako, pero parang papatay ka sa inis!” biro ko sa kanya at kumalas ito sa akin, ngumiti sya at ginulo ko ang kanyang buhok.

“Kuya naman eh!” sabi nya sa akin at nagtawanan kami.

“Maligo ka muna at ako nang bahala sa susuotin mo, okay?” sabi ko sa kanya at tumango lang ito sa akin.

Nang makapasok na sya sa CR ay agad kong tinawag si ate lea na isa din naming kasambahay na tropa ko simula nung pumasok sya sa amin.

“Ate lea, gusto kong maging pogi ang bunso namin ah!” sabi ko sa kanya at pumunta sya sa closet ko.

“Drama nanaman ba kanina?” sabi sa akin ni ate lea.

“Yep! Naging emosyonal si Daddy!” sabi ko lang sa kanya habang nililigpit ko ang mga magazine na binabasa namin at nilagay sa rack ko.

“Talagang mabait si kuya Gino at syempre si ate Paula, biruin mo kahit kaming kasambahay pinag aral nya!” sabi nito habang naghahanap ng mga susuotin namin.

“Nga pala ate, nasabi mo ang pag aaral, kamusta ka na sa new school na nilipatan mo?” sabi ko sa kanya habang inaayos ang mga gagamitin namin.

“Ayun nakakailang sa una, pero ayos lang! ikaw naman? Balita ko kay nanay Elsa na nahirapan ka ah! Nakalaban mo pa daw yung anak ng may ari ng school! Nako! Kung dun yun sa pinag aaralan ko, lagot na ang mga araw ko!” biro nya sa akin at tumawa naman ako sa kanya.

“Ate okay lang naman, nako! Bukas nga pala aalis ako pupunta ako sa classmate ko para gumawa ng report!” sabi ko sa kanya at nakita ko naman sya na nilagay nya ang mga damit na napili nya para sa amin.

“Ahh! Ganun ba?! Eh di nagkakaroon ka na pala ng bagong mga kaibigan! Pero nakakamiss pa din yung mga ugok mong kaibigan!” sabi nya sa akin.

“Sila Terence, Paul, Beau, at si Troy ba? Don’t worry darating din sila bukas! Pinapunta ni daddy eh!” sabi ko sa kanya at napakunot nanaman ang kanyang noo.

“Hay nako! Aasarin nanaman nila ako lalo na si Troy! Ang lakas mang alaska nun sa akin!” sumbong ni ate Lea sa akin at tumawa ako sa sinabi nya.

“Baka may crush sayo yun!” sabi ko sa kanya at tumawa ng malakas si ate Lea.

“Si Troy?! Magkakaroon ng crush sa akin!!! NO WAY!!!” sabi nya at napahagalpak ako sa kakatawa.

Hinampas ako ni ate Lea ng damit at napansin nyang lumabas na si Jiro sa CR.

“Wow! Fresh!” biro ni ate Lea.

“Bunso! Si ate Lea ang tropa ko dito sa bahay! Ate Lea si Jiro ang long lost little brother ko!” sabi ko at ngumiti lang sila sa isa’t isa.

“Si ate na bahala sayo ah! Maliligo na ako!” sabi ko kay Jiro at tumango lang sya.

Pumasok na ako at naligo agad, ang sarap sa pakiramdam ng tubig na bumabagsak sa aking katawan, agad na akong nagsabon at nag shampoo, at nang bikusan ulit ang shower ay naalala ko ang sinabi sa akin ni Lexie.

Paulit ulit na parang player ang kanyang sinabi sa akin.

“Kasi... I have crush on Argel” sabi ni Lexie kanina na paulit ulit sa aking utak.

“No way! Bawal masira ang araw! And besides it was just a crush! Masaya ako dahil kasama ko na ang bunso naming kapatid.” Sabi ko sa aking sarili.

Nang makatapos na ako sa aking paliligo ay agad na akong nagpatuyo at nagbihis ng bath robe, pagkalabas ko sa room ay nakita ko sila ate Lea at Jiro, nakita kong naiilang pa si Jiro kaya sinabihan ko na lang si ate na okay na kaming dalawa, kaya bumaba agad ito at nanood na sa kanilang kwarto.

“Kuya?” sabi nya sa akin at napatingin ako sa kanya.

“Bakit bunso?” sabi ko lang sa kanya.

“Wala lang! akala ko kasi nasa panaginip pa din ako eh!” sabi nya sa akin at tumawa ako sa kanya.

“Tara na nga at sabay tayong mag aayos ng itchura!” sabi ko sa kanya at dinala na namin ang mga damit namin at pumasok sa CR.

Nang nasa CR ay agad kaming nagbihis at tinignan kung okay ba ang mga suot namin.

“Kuya ano okay na ba?” sabi sa akin ni Jiro at tumingin ako sa kanya.

“Teka may kulang ka pa eh!” sabi ko sa kanya at binigay ko ang dog tag necklace ko, at tinignan nya ang kanyang sarili.

Pagtingin nya sa salamin ay natulala sya sa kanyang nakita kaya niyakap nya ulit ako.

“Teka! May kulang pa! yung buhok natin! Panget kapag ganyan lang ang buhok mo!” sabi ko sa kanya at tumango lang ito sa akin.

Pinaupo ko sya pagkatapos kong mag ayos at kinuha ang clay doh at hair spray at tumapat sa kanyang likuran para ayusin ang kanyang buhok, at nang matapos ko na ay bigla namang kumatok si kuya sa CR.

“Aba! Ang tagal nyo ah! Tara na daw sabi nila daddy!” sabi ni kuya at tinignan nya si Jiro.

“Naks gwapo ng bunso namin ah!” sabi ni kuya kay Jiro at ngumiti lang ito.

“Walang pagbabago pa din!” sabi nya sa akin at ginulo ang aking buhok at naiinis ako sa kanya, nakita kong tumawa si Jiro at ngumiti lang ako.

“Mauna ka na sa baba, aayusin ko lang itong buhok ko!” sabi ko kay Jiro.

“Sabay na tayo kuya!” sabi nya sa akin at tumabi ito sa akin.

Habang pinagmamasdan nya ako ay biglang nag ring ang phone ko kaya kinuha ko ito at sinagot ang unknown number.

“Good evening!” sabi ko.

“Good evening din po! Can I talk to Ken?” sabi ng nasa kabilang line.

“Speaking! Who’s this?” sagot ko.

“Ken! It’s Troy! Eto na new number ko save it okay!” sabi nito sa akin.

“Okay Troy! Tutuloy ba kayo ng mga tropa bukas?” sabi ko sa kanila.

“Oo tutuloy kami! Teka balita ko kay tito na may papakilala sila sa amin? Sino yun?!” sabi sa akin ni Troy.

“Surprise na lang yun!” sabi ko sa kanya at narinig ko syang tumawa.

“Mag tatay nga kayo! Oh sige! Ikamusta mo na lang ako kila tita at kay ate Lea!” sabi nya sa akin at napatawa ako.

“Okay sige! bye!” sabi ko sa kanya at pinutol na nya ang tawag.

Nagpatuloy ako sa pag aayos nang biglang nakita ko si Jiro na naiinip na, kaya binilisan ko na ang pag aayos ng aking buhok.

Lumabas na kami sa room ko at bumaba na para puntahan sila sa sala, nang makita kami ay agad nang namangha sila mommy at daddy kay Jiro, ako naman ay namangha kay lola Lisa na napakaganda nya talaga.

“Huhulaan ko kung sino ang nag ayos ng buhok mo!” biro ni mommy kay Jiro at tumingin ito sa akin.

“Ken, you are the best brother to your little bro!” sabi sa akin ni daddy at tinapik ang aking balikat.

“Tara na!” yaya sa amin ni daddy at lumabas na kami.

Sumakay sila kuya sa sasakyan ni daddy at kami naman ni Jiro ay sa isang sasakyan at ang nag drive ay si kuya Ray.

Nang makalabas na kami sa subdivision ay tahimik kaming parehas, kaya naisipan ni kuya Ray na magpatugtog para gumaan ang pakiramdam namin.

“Ang ganda naman po nyan!” sabi ni Jiro.

“Salamat po!” sagot lang ni kuya Ray at ako naman ay tinititigan ko si Jiro.

“Kuya?” sabi nya.

“Oh?” sagot ko sa kanya.

“Inaantok ako, pwede dito ka na lang sa tabi ko?” sabi nya sa akin at tinignan ko si kuya Ray at tumango naman ito sa akin.

Tinigil muna nya ang sasakyan sa gilid at lumipat ako sa likuran para tabihan si Jiro na inaantok, pagkapasok ko ay agad nang umandar ang sasakyan at habang katabi ko ang aking kapatid ay nakatingin ako sa may labas, hindi ko naman naisip na nakatulog na si Jiro at kinuha ko ang kanyang ulo para isandal sa aking balikat.

“Natupad na ang wish nya?” sabi sa akin ni kuya Ray.

“Yep! At ang saya ko din dahil may aalagaan na ako, hindi na ako ang inaalagaan!” sabi ko kay kuya Ray at tumingin na sya sa daan.

Naramdaman ko ang bigat ni Jiro at naramdaman  kong gumalaw sya at pinahiga ko sya sa aking lap para marelax ang kanyang leeg, nang makahiga sa aking lap ay narinig kong nagsalita sya.

“Mahal kita kuya ko!”


Itutuloy...


Editor's note:
Sa susunod na Episodes ay mayroon na tayong trailer para hindi na po mabitin ang mga readers Y(^^.)Y
-Editor Spade

7 comments:

  1. ang ganda tlga ng flow ng story...

    keep it up mr.author...

    hindi sya yung usual na lovestory...hehe

    go lang ng go...

    ReplyDelete
  2. I smell incest. Haha.

    ~frostking.

    ReplyDelete
  3. so nice aman ng story, sana mabilis lage ang update. congratz!

    ReplyDelete
  4. I agree with frostking. There's something going on between Ken and Jiro..hahahah..weirrddd..but I like the story..

    ReplyDelete
  5. hhmmm,,kakacurious ung last part..parang double meaning??haha...pero ang ganda ng takbo ng story!^^

    -monty

    ReplyDelete
  6. ang bilis ng update o busy lang ako hehehehehe...

    natupad na rin ang wish ni jiro...

    tnx mr. author...

    ReplyDelete
  7. @frostking - andami kong tawa, ^w^

    ReplyDelete