Photo by: Mimi Rage
Una po sa lahat humihingi ako ng paumanhin sa late posting ko sa kadahilanan pong nagkasakit ako kaya medyo natagalan. Humihingi po ako sa inyo ng dispensa.
Pangalawa nagpapasalamat po ako sa taong gumawa ng cover photo ng kwento isa sa mga itinuturing kong matalik kong kaibigan Mimi_Rage. Maraming salamat.
Hindi ko na po patatagalin pero bago ang lahat ay magpapasalamat ako sa lahat ng nagcomment namely: raymond, ramy from qatar, riley delima, and artsteve, at syempre sa mga anonymous silent readers.
_____
Disclaimer:
This story is based on true to life experience, names of the characters and some scenarios are intended to be changed to protect their privacy.
Comments and any kind of reactions are welcome.
You have the freedom to express your feelings.
Read at your own risk!
Enjoy reading!
“Kamusta
naman ang pagkikita nyo ni Lyndon? Masaya ba? Katabi mo ba sya ngayon?” Ito ang
tinig na nakagising ng tulog kong diwa.
“Huh?
Anong pinagsasabi mo dyan?” ang inis kong sagot na ikinabalikwas ko sa higaan.
“Pwede
ba Charlie nananahimik na ako pilit kong kinakalimutan ang mga nangyari sa
akin. Ngayon kung wala si Lyndon sa tabi mo ngayon wag ako ang pagdiskitahan mo
at hindi ko na para kausapin o makipag kita pa sa kanya!” galit na galit ako ng
oras na iyon. Sa dinami dami ng tatawag
at mang iistorbo sa akin bakit sya pa at bakit sa akin pa nya hahanapin ang
taong sanhi ng pagkawasak ko.
“Please
Ron wag mo ng pagtakpan pa si Lyndon.
Alam kong nariyan sya.” Pagmamakaawa nito sa akin.
“Eh
praning ka rin naman pala talaga noh? Sinabi na ngang wala sya dito at hindi ko
na kinakausap ang boyfriend mo. Ibinigay
ko na nga sa yo alangan namang bawiin ko pa? at isa pa hindi na ako pumupulot
ng bagay na tinapon ko na.” inis kong bigkas dito sabay baba ng tawag.
Ibinaba
ko ang tawag dahil alam kong bubuhos muli ang emosyon ko. At hindi nga ako nagkamali dahil bigla na
lang umagos ang aking mga luha. Hindi ko
mapigilan. Bakit kung kalian pinipilit kong ibangon ang sarili ko at pilit kong
kinakalimutan ang mga nangyari ay parang sinasadya naman ng panahon na may
taong gagawa ng paraan upang ipaalala pa sa akin ang bagay na pilit kong
iwinawaksi. Ang paghihiwalay namin ni
Lee.
Hindi ko
malaman sa sarili ko kung bakit habang kasalukuyang umiiyak ako ay naalala kong
tawagan si Christian. Sa mga sandaling
ito siguro ay handa na akong sabihin ang lahat sa kanya.
“Hello
Christian…”
“Napatawag
ka. Madaling araw na ah. May problema ba?” ang sunud-sunod nyang
tanong.
“Sorry
naistorbo kita wala lang akong mapagsabihan kasi.”
“Bakit
anong nangyari?”
Bigla
ulit bumuhos ang aking emosyon.
Tuluy-tuloy ang agos ng luha sa aking mga mata. Hindi ko ito mapigilan. Tanging hikbi at pag-iyak lamang ang
naririnig ni Christian mula sa akin.
“Is it
because of Lee?” ang malumanay na tanong ni Christian sa akin.
“Ye…s…”
ang utal kong tugon. “We broke up three days ago. He found someone else. And he left me broken.”
“Huh?!
Edi ba tinawagan kita few days back ok ka naman hindi mo nga sinabi sa akin na
wala na kayo ni Lee.” Ang taking sagot nito.
“I just
pretended to be ok. But the truth is,
I’m not. Ang sakit ng ginawa nya sa
akin.”
“Since
it’s my day off I insist to go to your place.
I will not take no for an answer.
But for now you need to get some sleep and rest, Ok?”
Wala
akong magawa ng mga oras na yun kundi sumang ayon. Alam kong kahit anong pagtutol ko ay hindi ko
sya mapipigilan. Lalo pa ngayon na wala
na kami ni Lee. Kung dati napipigilan ko
sya, ito ay dahil kami pa ni Lee. Ngunit
sa puntong ito, hindi ko na sya mapipigilan dahil wala ng rason para hindi nya
ituloy ang matagal nya ng balak na pumunta ng abu dhabi.
Sa
simpleng usapan namin ni Christian ay lumuwag kahit papaano ang nasa loob
ko. Kahit wala akong masyadong naibahagi
sa kanya kundi hikbi lamang.
“Matulog
ka na lang muna ha. Pag punta ko dyan tsaka natin pag-usapan ang problema
mo. Ok ba yun Ron?”
“Si---ge…”
ang hikbi kong tugon.
Naibaba
ko na ang tawag ngunit hindi pa rin ako dalawin ni antok. Hindi ko malaman kung san sya nagpunta. Ginawa ko na ang lahat ng posisyon sa
pagtulog ngunit talagang hindi ko makita si antok, na misplace ko yata.
Dala na
rin siguro ng pagod ko sa pag-ikot sa kama at sa sa pag-iyak ay hindi ko na
namalayan na nakatulog ako.
Gumising
akong parang isang cellphone na lowbat kahit na bagong araw pa lang ang
nagsisimula para sa akin. Wala akong gana.
Walang pumapasok sa isip ko kung ano ang gagawin ko. Ito na nga ang umpisa ng kalbaryo ng buhay
ko. Ito na ang araw na ayaw kong
dumating. Hindi ko alam kung saan ako
kukuha ng lakas. Para sa akin hindi
sapat ang binibigay ng pamilya at mga kaibigan ko. Basta ang alam ko sarado ang isip ko sa
anumang payong kanilang ibinibigay. Oo masasaya
ako, dahil alam kong nariyan sila para sa akin.
Ngunit ang sarili ko na mismo ang lumalayo sa kanila.
Inabot na
lang ako ng pananghalian ngunit nakahiga pa rin ako at nakatingin lang sa
kisame tila naghihintay ng butiki na babagsak sa mukha ko para kumilos ako ng
makatanggap ako ng tawag mula kay Christian.
“Ron
meet me at Abu Dhabi Mall I’m on my way to Abu Dhabi now. Nasa Sheikh Zayed Road na ako.”
Huh? Ano
daw? Ito ang biglang pumasok sa isip
ko. Tila nakalimutan ko kung may usapan
ba kami bago ako nakatulog.
“Oi Ron
nandyan ka ba?” ang pagpukaw nito sa akin na syang nagbalik sa akin sa
reyalidad.
“Ano ba
kasi yung sinasabi mo?”
“Sabi ko
sunduin mo ako sa Abu Dhabi Mall on the way na ako dyan.”
“May
usapan ba tayo?” ang tanong ko dito dahil naguguluhan talaga ako tila wala
akong maalala bukod sa pag-iisip ng bagay na hindi ko naman alam kung ano ang
kahihinatnan.
“Oo
nakalimutan mo ba o hindi mo lang inintindi yung sinasabi ko sa yo nung
nag-uusap tayo?” ang medyo galit na tinig ngunit malumanay na wika ni
Christian.
“Ay oo
nga. Sorry masyado akong pre-occupied ng
mga bagay-bagay. Maliligo lang ako at
mag-aayos tapos miscall mo na lang ako pag malapit ka na sa Abu Dhabi para
pumunta na ako ng mall.”
“Ok
sige. Take your time medyo malayo pa
ako. Tinawagan lang kita to confirm na
padating ako at dyan ako mag istay sa yo today. Ok see you later.” Ang tila excited na wika nito sabay baba ng
tawag. Habang ako ay nakaupo pa rin at
tulala. Nag-iisip ng mga bagay-bagay na
wala na wala namang patutunguhan.
Makalipas
ang ilang minuto ay napagdesisyunan ko ng maligo at mag-ayos ng sarili upang
hindi naman ako magmukhang nakakaawa pagnagkita kami ni Christian.
Nang
matapos akong makaligo at makapag bihis ay agad akong umalis ng bahay. Hindi ko na hinintay ang tawag ni Christian
tinungo ko na ang mall kung saan kami magkikita para makapaglibang na rin at
makalimot kahit konti. Maya-maya pa ay
tumawag na si Christian upang sabihin na nasa terminal na sya ng Abu Dhabi kaya
naman sinabi ko sa kanya na dumiretso na sya ng mall dahil nandoon na ako.
Ilang
saglit pa ang lumipas at dumating na si Christian sa tinakdang lugar ng aming
pagkikita. Masasabi kong malaki ang
pinagbago nya lalo lumakas ang kanyang dating.
Ngunit hindi ko alam bakit wala man lang akong naramdamang
paghanga. Marahil ay dala ng sitwasyon
ko ngayon. Sitwasyong kahit sinong taong
umibig ay hindi nanaising maranasan. Ang
masaktan.
“Ron musta
ka na? Bakit ganyan ang itsura mo?” ang
tila nag-aalala nitong wika.
Isang pilit
na ngiti lamang ang binigay ko sa kanya.
“Kumain
ka na ba? Anong gusto mo? Ako na lang ang oorder para hindi ka na
tumanggi.” Alam kasi nito na tatanggi akong kumain kaya iniwan nito ang bitbit
na bag at pumila sa isa sa mga fast food chain sa food court.
Dumating
si Chiristian dala ang isang tray ng inorder nyang pagkain. Alam nito kung ano ang gusto ko kaya naman kahit
papaano ay gumaan ang loob ko ng mga sandaling iyon sa kadahilanang may isa pa
ring tao ang nagmamalasakit sa akin bukod sa aking pamilya at mga
kaibigan. Hindi ko malaman kung bakit
kahit anong gawin kong pagtanggi sa pag-ibig ni Christian para sa akin ay hindi
pa rin ito tumitigil ng pagsuyo sa akin.
Ganito ba nito ako kamahal? Handa
syang maghintay sa akin. Handa nyang
tisiin ang ano mang sakit na maari nyang matanggap mula sa akin.
Kumain
kami at si Christian naman ay nagkwento habang kumakain at ako naman ay
nakikinig lang at paminsan-minsang sasagot kung may itinatanong. Batid kong nadarama ni Christian ang pagiging
uneasy ko pero hindi nya ito pinapahalata bagkus talaga namang napaka hyper
nyang magkwento yung tila ba pagnakita
mo sya sa mga ginagawi nya habang nagkukwento sya ay matutunganga ka at
sasabihin mo sa sarili mo may topak ba to?
Natapos ang aming pagkain na panay kwento at tawa ang ginagawa nya
samantalang ako ay malamig na tugon at puro pilit na ngiti lamang ang ibinalik
sa kanya.
Gumala muna
kami, nagwindow shopping, nanood ng sine, at ng mapagod nagkape muna bago umuwi
ng bahay. Since malapit lang naman ang
bahay sa mall napagdesisyunan naming maglakad na lang pauwi.
“Tol,
bukas pa ba ang bilihan ng alak ng ganitong oras? Inom tayo.” Ang pag-aya nito sa akin.
Sa isip-isip
ko naman ngayon mo pa ako inaya eh kailangan ko nga yan. “Oo, bukas pa yon gusto mo dumaan na lang
tayo kasi on the way rin naman yun.”
“Sige
tol, ano bang masarap inumin?”
“Kahit
ano tol game ako lalo pa ngayon yan ang outlet ko.” Ang wala sa loob kong
sambit dito.
At syempre
ganon na nga ang nangyari dumaan kami ng bilihan ng alak bago umuwi. Bumili ito ng dalawang bote ng tequila na
syang iinumin namin mamaya. Sa baba ng
building ay may bilihan naman ng gulay at malapit na grocery kaya dumaan na rin
kami at bumili ng lemon at mga chichirya na pwedeng pulutanin.
Nang
makarating kami ng bahay ay agad kong pinakilala si Christian sa mga kasama ko
sa bahay. Tinanong ko na rin sila kung
gusto nilang uminom pero walang gustong makisalo sa amin kasi puro may pasok
sila ng maaga kaya naman sa loob ko na lang ng kwarto pinadiretso si Christian
para di naman sya mailang. Pinaglinis ko
na lang muna sya ng katawan bago kami magsimulang mag-inuman habang ako naman
ay inihanda na ang lahat ng maari naming kailanganin para di na ako magpalabas
labas pa ng kwarto. Matapos nyang
maglinis ay ako naman ang gumamit ng banyo.
Pagbalik
ko ay handa na ang lahat.
Itutuloy…
anong klase kaya yung handa hehehehehe...
ReplyDeletemukang may mangyayaring maganda sa next chapter...
tnx mr. author...
thank you sa pagbasa... don't worry i will post the next chapter soon... =)
ReplyDelete