Ito na po
ang chapter 11 ng AFTER ALL sana magustohan nyo ang chapter na ito. Muli gusto
kong pasalamatan ang mga taong walang sawang nag bibigay nang komento na talaga
namang nagbibigay gana sa akin na ipagpatuloy ang pagsusulat.
Rover,
Lilee, Rue (Flame dragon ni Recca), R. J, Khief, Mcfrancis, Pink 5ive (na
talagang natuwa ako sa comment nya sa BOL), Jayfinap (Ang idol ko), Mars,
Jay!:), R3b3l^+ion, Mikimer Araneta,Kristoffshaun,Migz,Icy,Billy,Ross Magno,
Dada,Russ, Ram (si Baby Ram ni Ace) – Salamat guys sa pagbibigay komento nyo sa
blog ko.
Rheinne,J.V,Jayson13,Dave17,Roman(roohmen),Zenkie,Zekie,JM,The
Who, Darkboy13,Rei,Pink 5ive, Rstjr029,Beucharist,Psalm,Nate_dominique,
Wastedpup,itzjakepaul,Ian,Ged,Mico,Godric at sa mga anonymous at Silent Reader.
DISCLAIMER: This story is a work of
fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely
coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in
any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or
use this story in any manner without my permission.
___________________________________________________
Kita ko ang pagaalangan sa kanyang mga mata. Dinig ko rin ang
kabog ng kanyang dibdib dahil sa katahimikang namayani sa amin sa loob ng
kwarto nya.
“Ano ang
paguusapan natin? Maaga pa kasi ako bukas.” Ang tila pagiwas nya sa akin pero
hindi ko hinayaang palampasin ang pagkakataon. Ngayon na ang tamang panahon
para makusap ko sya tungkol sa mga bagay na gumugulo sa akin. Gusto ko na rin
lagyan nang tuldok ang kung ano mang agam-agam tungkol kay Dorwin.
“I just want
to know kung ano ba talaga ang entensyon mo nang ayain mo akong dito matulog sa
bahay mo.” Seryoso kong tanong sa kanya.
Hindi muna
ito sumagot sa akin sa halip ay tinungo muna nito ang cabinet nya para makapag
bihis. Alam kong nagulat sya nang makitang nasa ayus na ang kanyang mga damit
sapagkat kita kong napatigil muna ito.
“Inayos ko
rin yan kanina. Ang mga briefs at boxes mo ay isinama ko na rin kanina nung labhan
ko brief ko.” Tugon ko sa kanya.
“Salamat,
Hindi mo naman kailangan gawin mga mga iyon, Red.”
Mag sasalita
na sana ako nang maunahan ako nitong mag salita.
“Lets go
back to the main topic.” At humarap na ito sa akin.
Kanina lang
handa na akong makipag usap rito pero nang humarap ito sa akin na blanko ang
expresyon ay nakadama ako nang takot at hiya.
Tumaas ang
kaliwang kilay nito siguro dahil sa hindi ako naka imik.
“A-ano..”
Muli, Naubusan nanaman ako nang sasabihin sa di mahalamang kadahilanan.
“You’re
asking me why I invited you to sleep with me right?” Tango lang ang naisagot ko
sa kanya.
“It was a
joke when I ask you to sleep with me. Alam kong disturb ka nung gabing yon kaya
naman gusto kong i-divert ang nararamdaman mo. I thought babalik ang angas at
sigla mo pagginawa ko yon but instead, Sumakay kapa sa biro ko.” Hindi ko
makita kung may katutuhanan o wala ang sinabi nya dahil sa wala akong makitang
expresyon sa mata nito habang sinasabi iyon.
Tumawa ako
nang pagak. Nainis ako sa kanya siguro dahil nadadagdagan ang guilt ko nang
marinig ang paliwanag nya. Ayaw itong tangapin nang utak ko pero gustong
maniwala nang puso ko.
“So, are you
saying na ako ang nagkamali ganun? Na hindi katawan ang habol mo sa akin?”
Nanunuyang sabi ko rito “Nung unang may mangyari sa atin bakit hindi mo ko pinigilan?
You took advantage of the situation.”
“Hindi mo
lang alam kung ano...” Hindi ko na sya pinatapos pa sa kanyang sasabihin agad
akong sumabat rito.
“Kung ano ka
kalibog?” Sarkastikong sabat ko rito.
Bigla itong
humarap sa akin.
“Hindi pa ba
ako bayad sa kasalanan kong yon? Yes I Admit na dala ako, pero napagbayaran ko
na yon nung hinayaan kitang baboyin mo ako.” May diin nitong sabi sa akin.
Hindi ako
nakapagsalita. Napayoko ako nang muling bumalik ang gabing may nang yari sa
amin. Hindi ako nagkamali, lungkot ang nakita ko sa mga mata nito habang nagtatalik
kami. Kaya pala paiba iba ang halik nito hindi pala sarap ang nararamdaman nya
sa mga oras na iyon.
“I’m sorry.”
Mahina kong sabi habang nakayoko. Hindi ko kayang salubungin ang mga galit
nitong mata.
“Patas na
tayo Red. Nakaganti kana and I was waiting for you to do that.” Napa tingin
ulit ako sa kanya na may pagtataka. “Now im happy and relieved na patas na tayo
dahil wala na akong guilt feelings na aalalahanin sa tuwing makikita kita.”
Bumalik nanaman ang matatamis na ngiti sa kanyang labi.
Wala akong
masabi ang bilis mag bago nang Expression ni Dorwin. Hindi parin ma absorb nang
utak ko ang lahat.
“Ngayong
okey na. Siguro pwedi na tayong magsimula nang bago, right? Hindi na natin
kailangang mag bangayan.” Sabay lahad nito nang kamay nya sa akin.
“Right.”
Walang pagaanlinlangan na tinanggap ko ang kamay nya. Nag kamali ako at gusto
kong bumawi sa pagkakamali ko.
“Kinahaban
ako kanina, ah. Kala ko tag libog kananaman.”Sabay tawa nito nang nakakagago na
ikinatawa ko rin.
“Baliw! Sige
na pahinga kana manunuod lang muna ako nang t.v sa baba.” Tatawa-tawa kong sabi
at tinungo ang pintuan nang kwarto nang bigla akong may maisip.
“Psst.” Tawag ko dito bago ko pa man maisara ang pintuan.
“Oh, bakit?”
“Anong oras
ka aalis bukas?” Tanong ko sa kanya.
“Before 9.”
Sagot naman nito na may pagtataka sa mga mata.
“Okey. Geh
good night.” Sabay sara nang pinto.
Ngingiti
ngiti akong bumaba ang gaan ng pakiramdam na okey na kami ni Dorwin. Alam kong
nalamatan na namin ang isa’t isa pero gagawa ako nang paraan para mabura iyon
at sisimulan ko bukas.
Nanood lang
ako nang solar sports hanggang sa mapag desisyunan ko nang maligo para
makatulog nang maayos. Ayaw kong sayangin ang binigay na pahinga sa akin nina
Carlo at mas lalo nang ayaw kong mahuli nang gising bukas.
Pagpasok ko
sa kwarto tulog na si Dorwin. Tumambad nanaman sa akin ang kanyang maamong
hitchura na mahimbing na natutulog. Nakadantay at nakayakap nanaman ito sa
hotdog pillow nya. Hindi ko talaga mapigilang maitutok ang aking tingin at
mapangiti sa tuwing nakikita ko syang ganun. I will make things right starting tomorrow. Yon ang nasabi ko sa
aking isip bago pumasok nang banyo.
_____________________
Sinadya kong
maunang magising kay Dorwin. Dahan dahan akong tumayo at tinungo ang study
table para kunin ang sticky note na lagi nyang ginagamit para magiwan sa akin
nang mensahe.
Good morning!! Una akong nagising
ngayon kaya ako naman ang maghahanda sayo nang pagkain. Gusto kong makabawi sa
mga katarantaduhan ko sayo at ngayon ko ito sisimulan.
Poging
Red.
Pagkatapos
kong maisulat yon agad akong pumasok sa banyo para makapag hilamos at maidikit
ang sticky note. Nakangisi akong bumaba para simulang mag luto nang agahan para
sa aming dalawa. Hindi ko alam pero parang ako pa ata ang naeexcite sa ginagawa
ko. Sobrang sarap ng feeling parang bumabalik sa akin ang pakiramdam nung mga
panahon na tinutulungan ko si Ace.
Tiningnan ko
ang laman ng ref. Maraming stock nang pagkain si kolokoy. Nang makita kong
meron syang longganisa ay agad kong kinuha ito at ibinabad sa tubig para ma
defrost. Sinunod ko naman magluto nang kanin. Gumawa rin ako nang paborito kong
special sunny side up na natutunan kong gawin noong mga panahon na walang ulam
na natitira para sa akin.
Pasado ala
sais nang gumising si Dorwin sakto naman na nakapag handa na ako nang agahan.
Ang laki nang ngiti nito habang papalapit sa kusina na sinuklian ko naman nang
matamis ding ngiti.
“Good
morning Poging Red.” Pagbati nito sa akin na aking ikinatawa.
“Buti naman
at gising kana mahal na hari.” Balik biro kong tugon rito.
“Sira! Dapat
nag papahinga kapa ikaw na ulit ang tatao mamaya sa bar di ba?” Sabi nito na
hindi parin matangal ang ngiti sa kanya.
“Sanay na
ako. Nung nasa bahay paman ako ganito na role ko.” Sabay kuha nang mug.
“Black
coffee?” Tanong ko sa kanya.
“Yep, Paano
mo nalaman? Wag mo lagyan nang sugar.” Tugon naman nito.
“Ako kaya
nag hugas nang pinagkapehan mo nung isang araw kaya alam kong ayaw mo nang
coffee mate.” Nakangiti kong sabi rito sabay bigay sa kanya nang kape.
“Observant.”
Tatango tango nitong komento. “Ano ba linuto mo ang bango, ah.” Dagdag wika
nito.
“See for
your self.” Saby tanggal ko ang food cover. “Chaaaaadan!” Magiliw kong pang
wika na ikinatawa nya.
“Wow! Ano
yan, sunny side up na my butter at cheese?” Takang tanong nito.
“Yep!
Special Sunny side up na ako mismo ang nakaimbento.” May pagmamayabang kong
tugon sa kanya.
“Mukhang
mapapakain ako nito, ah.” Magiliw din nitong wika at sinimulan nang kumuha nang
kanin.
“Dapat lang.
Sige kain na tayo dahil maglilinis pa ako nang bahay. Dito kaba manananghalian
mamaya? Ano gusto mong lutuin ko?” Magkasunod kong tanong rito.
“Beef
steak.” Nakangiti nitong sabi sabay tikim nang ginawa kong sunny side up. “Hmmm.
Masarap nga.”
“Syempre.
Ako nga masarap yan pa kayang luto ko?” Ang biro ko rito na may kasamang ngisi
na ikinatawa naman nya.
“Sira ka
talaga. Umandar nanaman kayabangan mo.”
“It goes
naturally wag kana magtaka.” Patawang sabi ko sa kanya. “Bilisan mo na ang
pagkain abogago at baka ma late kapa.”
Ngingiti
ngiti itong ipinagpatulog ang pagkain. Sa tuwing magkakasalubong ang aming mga
tingin ay nagpapalitan kami nang matatamis na ngiti. Ewan ko ba kung bakit pero
nadadala ako sa mga ngiti nito sa akin.
Nakaalis na
si Dorwin at nagsabi itong uuwi sya before twelve ako naman sinimulan nang mag
linis nang bahay napag desisyunan ko na ring mag laba para hindi na kami
gumastos pa sa pagpapalaundry. Sa di malamang kadahilanan parang gusto kong mag
paimpress kay Dorwin.
Magaalas
onse na nang matapos ko ang lahat ng dapat kong gawin. Na marinate ko na rin
ang karne at handa na ito para lutuin. Habang nagluluto ako ay biglang sumagi
sa isip ko si mama. Para hindi malungkot ay ibinaling ko nalang ang aking
atensyon sa panunuod ng t.v habang hinihintay na maluto ang beef stake na aking
niluluto. Nangako ako sa aking sarili na hinding hindi na ako muling babalik pa
sa bahay na iyon at kakalimutan ko nang may ina ako. May karapatan man o wala,
hindi ko na babalikan ang bahay na nagbigay sa akin nang sakit na katumbas nang
pagkawala ni Ace. Lahat na ata nang minahal ko nang todo ay nawala sa akin. Una
si papa sunod si mama at ngayon si Ace. Handa na akong isuko sya kay Rome. Siguro im destined to be alone. Ang
nasabi ko nalang sa aking sarili at napabuntong hinga.
Nasa ganun
akong pagiisip nang bumukas ang pintuan. Iniluwa nito si Dorwin na bakas sa
mukha ang saya.
“Ang aga mo
naman ata.” Bati ko sa kanya.
“Na
postponed ang hearing namin, eh.” Sagot nito habang tinatanggal ang sapatos
nya.
“Wag mo nang
tanggalin ang sapatos mo baliw. Para namang hindi mo bahay to.” Tatawa-tawa
kong sabi. “So, wala kanang lakad ngayon?” Wika ko pa rito.
“Hayaan mo
na. Baka madumihan ko pa ang sahig ma palo mo pa ako nang walis.” Naka ngisi
nitong biro. “Wala na, pero nakikipag dinner sa akin yung isa kong barkada
mamaya.”
“Naks, may
date sya. Lalake ba yan o babae?” Pangiinis ko sa kanya. Matapos naming
makapagusap kagabi biglang gumaan ang pakiramdam ko kay Dorwin hindi na ito
gaya nung una na sa tuwing magkru-cross ang landas namin ay lagi akong
nakakaramdam ng inis sa kanya ngayon nagagawa ko na syang biruin.
“Gago, may
girl friend yon at hindi ako basta basta na aattract sa lalake, noh!”
Tatawa-tawa nitong sagot sa akin.
“Talaga lang
ha. So, kanino ka lang attracted, sa akin?” Sabay pa cute sa kanya.
“Hindi.”
Matipid nitong sagot.
Dahan dahan
akong lumapit rito habang sya naman ay para nanamang tuod na hindi makagalaw sa
kanyang kinatatayuan.
“Ows? If my
memory serves me well nung unang ipakilala kayo sa amin ni Ace kinindatan mo
ako, eh” Sabi ko rito nang pabulong sa tenga nya. “So, it means you’re into
me.” Dagdag ko pang wika rito.
Napapitlag
ito at dumistansya nang konte sa akin. Lihim akong natawa sa reaksyon nya.
Hindi nito kayang itago na may pagtingin ito sa akin. Hindi sya magaaksaya nang
panahon kung wala.
“Stop
teasing me Red.” Sabay talikod nito sa akin at tinungo ang kwarto nya.
Napahagikhik
ako sa reaksyon ni Dorwin nakakatuwa syang asarin. Tatawa-tawa akong nagpunta
nang kusina para ihanda na ang lamesa. Nang matapos ako ay agad akong umakyat
papunta sa kwarto namin para ayain na syang kumain. Kita kong nakapagpalit na
ito nang pambahay at nakahiga ito patalikod sa pinto.
“Damulag,
kain na tayo.” Sabi ko habang kinakalabit sa kanyang batok.
“Mamaya na
ako kakain mauna kana.” Tugon nito na hindi manlang nagabalang buksan ang
kanyang mga mata.
“Nagtatampo
si Damulag. Kakabati pangalang natin tatampo kana agad.” Kiniliti ko sya sa
kanyang tagiliran at napabalikwas ito. “Pag hindi ka bumangon dyan hindi kita
titigilan.” Pagbabanta ko sa kanya.
“Sige na,
Sige na babangon na.” Maktol nitong sabi.
“Ayan, good
boy.” Sabay hatak sa kanya.
“Babaliin mo
ba kamay ko?” Reklamo nito.
“Hindi, nagugutom
na ako kaya dalian mo na.” Magiliw kong sabi rito na di parin binibitiwan ang
kamay nito. Malambot ang kamay nito ang sarap hawakan halatang hindi ito sanay
sa mabibigat na trabaho pareho sila ni Ace.
Kumain kami
nang sabay katulad kaninang umaga. Gusto pa nyang sya ang maghugas nang
pinagkainan namin pero hindi ko sya pinayagan. Sinabi ko na baka maubos lang
ang mga pinggan kung sya ang maghuhugas kaya naman sya nalang ang nagpunas nang
mesa. Nakakatuwa na ang dali naming nagkapalagayan nang loob na dalawa at hindi
na ako naiilang sa presensya nya.
Matapos
makapaghugas ay agad na nagyaya si
Dorwin na matulog nalang muna para makapag ipon nang lakas para mamaya
sa bar. Hindi naman ako tumanggi pa dahil nakaramdam rin ako nang antok dahil
sa dami nang nakain ko. Ibang iba talaga ang Dorwin ngayon sa Dorwin na inakala
ko. Alam kong may mga bagay syang itinatago sa akin pero hinayaan ko nalang
iyon hindi naman kailangang sabihin ni Dorwin sa akin ang lahat.
“Pagkatapos
naming mag dinner mamaya don kami mag iinuman sa bar nyo.” Sabi nito nang
makahiga na sya. Katatapos lang nitong maibaba ang tawag mula sa sinasabi nyang
BARKADA.
“Okey, Text
mo nalang ako pagpapunta na kayo para makapag handa ako nang magandang pwesto
para sa inyo.” Nakangisi kong tugon rito.
“Malisyoso.”
Inismiran ako nito sabay humigang patalikod sa akin. Napahagikhik nalang ako
dahil nakakatuwa talagang asarin ang mga taong madaling mapikon katulad ni
Angela at Ace. Hindi ko na sya kinulit pa at baka mainis na naman ito sa akin.
Nasa
kasarapan ako nang tulog nang makaramdam ako na may kumakalabit sa akin.
Napabalikwas ako nang kama na isa palang malaking pagkakamali dahil ang sunod
kong naramdaman ay ang pagbagsak ko sa carpet. Napatawa nang malakas si Dorwin.
“Anong oras
na?” Tanong ko rito habang hinihimas ang nasaktan kong balakang.
“Tumawag na
si Tonet sa akin at hinahanap ka.” Sabi nito imbes na sagutin ang tanong ko.
Napatingin
ako sa wall clock nya at nabigla nang makitang alas syete na pala. Para akong
binuhusan nang malamig na tubig. Agad akong tumayo at mabilisang tinungo ang
banyo. Rinig kong humahagalpak ng tawa si Dorwin sa labas. Halos hindi na ako
makapag sabon ng mabuti dahil sa pagmamadali paniguradong lagot ako kay Tonet.
Nakalimutan ko ring magdala nang tuwalya kaya naman nakiusap ako kay Dorwin na
kung pwedi ako nitong ikuha.
“Ihahatid
kita sa bar before ako pumunta sa dinner namin ng kaibigan ko.” Ang tatawa-tawa
nitong sabi.
“Bakit mo ko
hindi ginising? Ano sabi ni Tonet?” Wika ko rito habang tinutuyo ko ang aking
buhok para malagyan ng wax.
“Kanina pa
kaya kita ginigising pero tinatapik mo lang kamay ko.” Tugon nito sa akin.
Nang matapos
makapag bihis ay agad na naming tinungo ang bar. Halos paliparin na ni Dorwin
ang kanyang sasakyan.
Dumating
kami nang bar nang mag aalas otso na. Agad naman akong sinalubong ni Tonet at
Carlo sa labas. Hindi ako magkaugaga sa pagpapaliwanag kung bakit late akong
dumating. Si Dorwin naman pagkahatid nito sa akin ay agad nang pinuntahan ang
kanyang kaibigan at sinabing dadalhan nalang nya ako nang dinner pagkabalik
nila para maginuman. Hindi na ako nakatanggi pa sapagkat mabilis nitong
pinaharurot ang kanyang sasakyan matapos magbilin.
Sinabihan
din ako ni Carlo na nagtext sa kanya si Rome at invited daw kami sa birthday
nang kanyang mommy. Hindi pa nagpapakita sa amin ang dalawa sabay pare pareho
rin kaming busy sa mga dumaang araw at sila ay siguro busy din. Lagi namang
ganun kahit noon pa may sariling lakad lagi ang dalawang yon. Napag desisyunan
naming mag close sa mismong araw ng birthday ni Tita Nancy.
Nasa loob
kami nang bar at naguusap usap tungkol sa birthday ng mommy ni Rome nang may
makita akong pamilyar na tao sa labas. Biglang lumakas ang kabog nang aking
dibdib sa aking nakita. Para akong na tuklaw nang ahas sa aking di inaasahang
bisita.
Itutuloy:
No comments:
Post a Comment