ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Saturday, September 1, 2012

Exchange of Hearts 2


By Uri_Kido

Chapter 2 
Biyahe

12:00MN

“Looks like our plan has worked, Madame” sabi nang isang matipunong lalaki na naka suit na bisita din noong gabing iyon. Kausap niya ang isang babaeng naka red gown na may hawak na champagne glass.

“Wag kang kampante sa ngayon Lucio, hanggat hindi pa natin nakikita ang labi nang Carlsen Montenegro na yan” sabi nito nang pabalang. “Pero wala na siya sa ngayon at ako na ang magiging reyna nang Montenegro Group of Companies” sabi niya na may kasamang malakas na tawa.

[Carlsen]

9:20AM

Nagising nalang ako sa isang hindi pamilyar na kwarto, walang suot pang itaas at iba na ang suot pang ibaba. Inalala ko ang nangyari sa akin bago ako humantong sa ganitong kalagayan. May sumabog noon sa party, tumakbo kami nang nagligtas nang buhay ko, at tumalon sa ilog. Tumayo ako sa hinihigaan at lumabas nang kwarto, at saka bumaba sa sala nang bahay. Parang walang tao, wala siguro yung nagligtas sa akin.

Pumunta na lang ako nang kusina par makainom ang tubig, uhaw na uhaw na ako nang mga panahong ito. Kumukuha ako nang tubig sa dispenser nang makita ko ang mga litrato sa may refrigerator. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

“Ako to ah”

“kelan nangyari to?”

“Hindi ko kilala ang mga ito”

Tanong na paulitulit na bumagabag sa sarili ko, hindi ko sukat matandaan kung kelan nangyari ang mga litratong iyon.

“oh gising ka na pala?” may nagsalita sa likod ko na isang pamilyar na boses.

Nang lumingon ako hindi ako makapaniwala sa nakikita ko, isang taong kamukha ko. Para kaming binyak na bato.

“It can’t be” sabi ko.

“di nga rin kapanipaniwala eh, pero lets face the fact na magkapareho tayo nang itsura.” He said.

“but how can this be? I don’t recall having a Brother or even having a Twin?” I insited.

“Hindi ko rin alam, at ang alam ko sa ngayon hindi natin pwedeng ipagkaila na magkapatid tayo, hindi ko alam kung papano o ano ang nangyari pero alam ko magkapatid tayo”

Bumagabag din ito sa sarili ko hinding hindi makapaniwala sa nakikita o naririnig ko, isa ba itong masamang panaginip o isang ilusyon na pwedeng takasan. Nang maalala ko si mommy.

“Can I borrow your Phone?” I said.

“Tatawagan mo ba mommy mo? Nasa Ospital siya ngayon.”

“What? Anong nangyari sa kanya?”

“Inatake sa puso nang nalaman niyang namatay ka na…” makikita ko sa mukha niya ang pagkadismaya na hindi ko maintindihan.

“E narito ako oh buhay na buhay ano bang pinagsasabi mo” galit kong kontradiksyon sa paratang niya.

“Alam mo naman siguro na may tumangkang pumatay sayo? Kaya pinalabas nila na patay ka na nga, may sunog silang katawan na iprinisenta kay mama mo. Nalaman ko sa kaibigan ko na nagtatrabaho noong gabi nang pagsabog e inatake ang mama mo sa puso at nagpasya sina tita Elenor mo na dalhin siya sa amerika para ipagamot pagkatapos nang libing mo sa makalawa”

Nanlumo ako sa narinig at napa-upo sa sofa nila, “Ilang araw na ba akong tulog?” tanong ko na patuloy ang tingin sa kawalan.

“Tatlong araw na, kung hindi ka pa nga nagigising kanina eh dadalhin na sana kita sa Ospital!” sabi nang lalaking kamukha ko. Pumunta siya sa kusina at may inihain. Habang ako ay nasa sofa parin at hindi umiimik. Binalikan niya ako sa may sala at pinatong yung pagkain sa harap ko.

“Kumain ka na muna tatlong araw ka nang hindi kumakain kailangan mo pa naman nang resistensya” tiningnan ko lang siya at nginitian. Nang inabot niya ang kamay niya “Lance… Lance Mercado.” Nagpakilala siya sa akin at naramdaman ko ang matinding lukso nang dugo, hindi ko maipagkakaila na magkapatid kaming dalawa.

10:00am

-Montenegro Group of Companies, Board Room-

Lahat nang board of trustees nang companya ay nandoon para sa isang board meeting na ipinatawag ni Criselda.

“As we all know, Carlsen was the only heir of my abducted brother, Felix, and with his loss the company and all its assets have a fallen pilar. And Luisa is now suffering in Major Depression dahil sa nangyari, so as the immediate relative, I am willing to take over my nephew as the president and CEO of Montenegro Companies.”
Sabi ni Criselda na parang nanalo sa Lotto ang ngiti at hindi naluksa sa pagkamatay nang pamangkin.

“Hold your horses Criselda, hindi ganoon kadali yang pinagsasabi mo” pag interrupt ni Mr. Trinidad. Tumayo ito at nagpatuloy nang pagsasalita. “As we all know ako ang Major stockholder nang companying ito, I now own 40% of the company, and I as head of the board of trustees do not want you as CEO of this company…” Nagpaikotikot siya sa loob nang board room at makikita mo sa mukha ni Criselda ang galit at poot. “… you are not fit for the position, and anyone from the board who agrees with me please raise your hands” at agad na nagtaas nang kamay ang halos lahat nang tao doon, at mas namula sa galit si Criselda.

Bigla namang nagbukas ang pintuan nang boardroom “Ah, at dumating na ang bagong hahalili sa yumao nating presidente… Criselda I want you to meet mi Unico Hijo Kurt Oliver Trinidad” at napatingin ang lahat sa matipunong lalaki na pumasok sa pintuan nang kwarto, pormadong-pormado ito nara matching tux and pants na talagang nagpatikas pa nang kanyang dating, medyo chinito ang kanyang mata pero di nahahalata dahil sa kanyang glasses na sinusuot. Aminado ang lahat na nandoon na gwapo at malakas ang dating nang batang iyon maliban kay “… Criselda, siya ang papalit kay Carlsen habang nagpapagaling si Luisa, at yun ang desisyon ko, sino ang sumasang-ayon sa akin?” at lahat nang kamay sa board room ay nagsitaasan. Di na nakayanan ni Criselda ang mga nangyayari at umalis nang board room nang walang paalam.

[Lance]

07:00pm

“Marami pala tayong pagkatulad, tol! Pero bakit parang ang seryoso mo?” ngayon lang kami nagkilala nang kakambal ko pero parang matagal na panahon kaming magkasama, ang pinagkaiba lang siya namuhay nang marangya samantalang ako naman ay namuhay sa kahirapan.
“Lance, gusto pa kitang makilala nang lubos at gusto kong malaman kung bakit tayo nagkalayo… mapapahiram mo ba ako nang pera?” tanong niya sa akin.

“aanhin mo ang pera tol?”

“Isa lang ang lugar na ligtas tayong dalawa sa Villa Montenegro, kailangan kong makausap si Yaya Glorya.” At parang dismayado ang mukha niya sa kanyang binanggit.

Tinabihan ko siya at inakbayan, “Wag kang mag-alala pupuntahan natin ang Villa Montenegro sa lalong madaling panahon” ngumiti siya sa akin at ako naman ay napayakap sa akin.

Umalis kami nang bahay noong mga Oras na iyon.

10:00 pm

“Hindi ako papayag na isang baguhang enhinyero ang papalit sa pwestong matagal ko nang inaasam!” galit na sigaw ni Criselda habang binabato ang wine glass na hawak niya.

“Wag kang mag alala Criselda, matutulungan kitang kunin muli ang pwesto, magtiwala ka lang sa akin” sabi anng isang lalaking nakaupo sa lkikod nang desk nang kuya Felix niya sa Mansyon.

“Kelan? Ngayon na nakahanap na ako nang paakakataon dahil namatay ang bastardo kong pamangkin ngayon pa mawawala sa kamay ko ahng kapangyarihan?”

“Huminahon ka, may plano na ako!”

“Ano? Baka bulilyaso na naman ulit yan?”

“Ibabagsak natin ang Montenegro Group of Companies, habang unti-unti nating nanakawin ang pera nito, at kung bagsak na gagawin ka din nilang CEO at hahatid natin ulit ito sa Global market, oh diba. It’s just like hitting two birds with one stone”

“hahahahaha, brilliant idea, maasahan talaga kita” at tinawa lang nito ang nararamdaman buong gabi.

Lingid sa kaalaman ni Criselda ay bumabyahe na papuntang Villa Montenegro ang nooy inaakala niyang patay na pamangkin.

8:30 am
[Lance]

Last trip nung bus papuntang Isabela ang sinakyan namin kagabi at umaga na nang dumating kami sa Villa Montenegro. Pumasok kami sa ibang lagusan, isang kweba na tanging mga Montenegro lang ang may alam.

“Ito yung Escape tunnel na ginawa nang ama ko noon kasama nung bestfriend niya, tinuruan niya ako kung paano makalabas at paano makapasok nang walang may nakakaalam.”

Ilang butas pa ang pinasok namin at nakapasok kami sa isang kwarto na parang bahay ko na kalaki. Dumaan kami sa sahig nito.

“Dito ka lang muna at hahanapin ko si Yaya Glorya. Nang lumabas si Calrsen nang kwarto papunta nang kabilang kwarto si Yaya Glorya na may dalang tray nang Juice, nang makita niya si Carlsen ay nabitawan niya ang tray at napanganga sa nakita.

“Ya, ako to si Carlsen!” sabi niya at agad namang napayakap si Yaya Glorya kay Carlsen. “Nako Hijo salamat sa Diyos at buhay ka, salamat sa puong maykapal at hindi ikaw yung inaakala naming patay na.”

“May nagligtas po nang buhay ko at gusto ko po siyang ipakilala sa inyo” at dinala niya si Yaya Glorya sa kwarto.

Nakaupo ako noon nang makita ako nang matandang babae ay napa nganga lang ito na parang nakakita nang multo, matagal din kaming nagtitigan nang tumayo ako dahil hindi na ako mapakali sa titig niya.

“Yaya, ito po pala si…”

“CLARENCE!”

_Abangan_

5 comments:

  1. Ang galing hehehe next agad hehehe

    ReplyDelete
  2. Ganda ng story kaabang-abang... Thanks!

    Randz of QC

    ReplyDelete
  3. Mr.tan bro nbitin ako eh..phba next ah.hehe pero kung yan lang..hehe ok lang po.mganda kasi eh.salamat:)

    ReplyDelete
  4. exciting ang story na toh ah, good job.


    Andie A.

    ReplyDelete