Nagbabalik ang author na walang ginawa kungdi ubusin ang oras
kakahanap ng inspirasyon para magtuloy- tuloy ang storya ni Ken.
Nagpapasalamat po ako sa mga bumubuo ng MNB Facebook page at kay
Onichan Kenji dahil isa sya sa mga nagbigay sa akin ng inspirasyon para gawin
ang mga storya ko.
Salamat din po sa walang sawang nagbabasa ng aking story!
Especially kila:
Ginno, Angel Marco Menor Aka Marc of K.S.A., Monty, Marshy,
Franklin Aviola, Kiero 143,
Zenki of Kuwait, Mark 5337, Sinbad, Frostking, robert_medoza.
Anita baker, JD Javra, eunchi, diumar, curious19, Hiya!, Caranchou,
nathanielgarcia at sa mga Annonymous at Silent Readers!
Kayo po ang aking dahilan para magkaroon ng inspirasyon! :)
Enjoy Reading Guys!
Note:
Dahil sa walang sawang nagrequest eto na sila!
"Ako ang magpoprotekta sa iyo, kaya wag kang mawawala sa tabi ko." -Argel James Casanova |
"Wag kang mawala sa aking paningin, dahil hindi ko alam ang gagawin ko kung mawawala ka." -Ace Josef Casanova |
"Baby, I am always here! even our relationship ended, and start as best friend." -Troy |
“Ano
kaya yun?” sabi ko sa aking sarili at hindi nalang ako umimik.
Naayos
na nila kuya ang lamesa at hinanda na ang pagkain na niluto nila para sabay
sabay kaming kumain, tinulungan akong tumayo at pinaupo sa aking kama.
“Oh!
Favorite mo!” sabi ni kuya at inabot ang mashed potato sa akin.
“Ken,
yung kaya mo lang ha! Alam kong di mo pa kasi kayang kumain ng marami!” sabi ni
mommy at tumango lang ako.
“Bunso
oh!” pinasa ko kay Jiro ang lalagyan ng mashed potato at kumuha din sya.
“Oh
ano pa gusto mo?” sabi ni kuya Kino at ngumiti lang ako.
“Tara!
Kain na tayo!” sabi ni daddy at sabay sabay kaming nagsikain.
“How’s
work Kino?” sabi ni mommy at tumingin si kuya sa kanya.
“Maayos
naman po!” sabi ni kuya at ngumiti lang ako sa kanya.
“Ikaw
naman bunso? Kamusta ang flowershop?” sabi ni mommy at tumingin naman din sya.
“Marami
pong customer, pero okay lang din po! Nakabenta po kami ng marami!” sabi nya at
ngumiti naman sila kay Jiro.
“Ikaw
anak?” sabi nya sa akin at napatingin naman ako.
“Are
you serious mom?” biro ko at nakita kong ngumiti lang sya sa akin.
“I
mean you and your new sets of friends? Kamusta naman kayo?” sabi nya ulit at
napatigil naman ako sa pagkain.
“Okay
lang po! Going strong naman ang bonding namin!” sabi ko sa kanila at napatigil
si daddy sa pagkain.
“May
tanong pala ako sayo!” sabi ni daddy at napatingin ako sa kanya.
“Later
na lang!” sabi nya at bumalik na kami sa aming pagkain.
Nang
matapos na ang dinner ay pumasok ang nurse at tinignan ang aking status.
“Sir
you need to take your medicine now!” sabi nya at binigay nya sa akin ang gamot.
“Uhm,
ma’am! Pwede po ba kayong makausap ni doc?” sabi ulit nya at lumabas si mommy
kasama ang dalawa kong kapatid kaya naiwan si daddy at ako.
Umupo
si daddy sa tabi ko at huminga ng malalim.
“Ken
how are you now?” sabi nya sa akin at nagtaka naman ako sa sinabi nya.
“Okay
lang ako dad!” sabi ko sa kanya at natawa sa sinabi nya.
“Ken
what I mean yung nararamdaman mo kay Argel at Ace!” sabi ni daddy sa akin at
nagulat naman ako sa aking narinig.
“Dad,
joke ba yun?!” sabi ko at nakita kong seryoso sya kaya inayos ko ang pananalita
ko sa aking daddy.
“Anak,
I know na may relasyon kayo ni Troy dati pa!” sabi ni daddy at nagulat naman
ako sa aking narinig.
“Paano
–“ sabi ko at ngumiti lang ito sa akin.
“I’m
your dad, at kahit anong tago mo pa dyan sa true feelings mo ay alam na alam ko
pa din, yung gala nyo dati sa manila ni Troy na sinabi mo na pupunta lang kayo
sa mall, pinasundan ko kayo sa kuya Kino mo, and just what we expected!” sabi
nya at nakita ko ang kanyang blankong expression sa mukha.
“Bakit
nyo po sinasabi sa akin yan dad? It’s because na andito si Troy?” sabi ko sa
kanya at lumapit ito sa akin.
“No,
Troy is your bestfriend now! Nakita kong nagbago sya after you broke with him
and set a new chapter as friends, nakita ko din na mas naging mature at hindi
na sya yung bata na laging takot sa akin! What I mean is...” sabi ni daddy at
napabuntong hininga sya.
“What
I mean is, yung ways na pinapakita sayo ng magkapatid parang katulad din nung
kay Troy, and I just thought that bakit ganun sila makitungo when it comes sa
iyo!” sabi ni daddy at napatingin ako sa kanya at walang nasabi.
“Anak!
We are your family! Kahit itago mo ang iyong sexuality, mapapansin namin yan!
Jiro knows about that too! And anak one thing to remember!” sabi ni daddy at
napaupo ako sa harapan nya.
“Always
be at yourself!” sabi ni daddy at niyakap ko sya.
Bumuhos
ang aking mga luha dahil sa mga narinig ko sa aking daddy, sa una pa lang ay
nag aalangan na ako sabihin sa kanila about my sexuality but in the end akala
ko ay magagalit sa akin si dad, yun pala nakakaintindi sya at minahal pa nila
ako.
“Thanks
daddy!” sabi ko habang nahikbi at hinigpitan ko ang aking pagyakap.
“Troy
wants to give you this!” sabi ni daddy at binigay sa akin ang bracelet na
naka-engraved ang pangalan ko.
“Sabi
nya sa akin before he go, na matagal na nyang tinatago yan, kahit na
magkaibigan na lang daw kayo ay mahal ka pa din nya as his baby...” sabi ni dad
at sinuot nya sa akin ang bracelet.
“Sinabi
nya yun dad?” sabi ko habang tinitignan ang bracelet.
“Yes,
sinabi nya yun! Sabi ko lang sa kanya kung may maitutulong kami sa relation
nyo, then he said na masaya na siya sa pagkakaibigan nyo, at ayaw na nyang
isugal pa ulit yun.” Sabi ni dad at hinawakan nya ang aking mukha at pinunasan
ang aking mga luha.
“Anak!
Another thing na sasabihin ko pala sayo!” sabi ni daddy at tumingin ako sa
kanya.
“Ano
po yun?” sabi ko.
“Promise
me that you’ll tell anything or everything! Para hindi ikaw mahirapan!” sabi
nya at tumango lang ako.
Inayos
na ni daddy ang aking suot at pinahiga nya ulit, hinahaplos nya ang aking buhok
at pinatugtog nya sa aking iPod ang favorite song namin.
[The
Script: For the First Time]
*********************************************************************************
Naalala
ko nung unang nagkakilala kami ni Troy, he’s a transferred high school student
nun at ibang section pa, lagi kaming pinaglalaban ng aming adviser sa mga
competition sa loob ng campus, lagi kaming naghaharap sa finals at minsan
pantay lang ang results ng aming mga grades, nakilala ko sya ng lubusan nung
nakita ko sya sa garden ng school mag isa at umiiyak dahil sa problema nya sa
kanyang girlfriend kaya ako ang naging sandalan nya at naging mas malalim ang
aming pagkakaibigan, isa syang makulit at masayahing tao na lagi kong
hinahanap, kahit anong oras at anong panahon ay andun kami sa isa’t isa
nagtutulungan.
“Yosh!
Bakit ka pala wala pang girlfriend?” sabi nya sa akin habang nasa tambayan
kaming dalawa at magkatabi kami sa isang mahabang upuan dun.
“Eh
kasi wala naman akong nagugustuhan eh!” sabi ko sa kanya at biglang pumatak ang
ulan sa amin at nagtakbuhan kami sa may green house at pumasok para hindi kami
mabasa.
Napatingin
si Troy sa akin nun at nakaramdam ako ng kakaiba sa kanya.
“Basa
ka Yosh!” sabi nya sa akin at hinubad ang kanyang polo at binigay sa akin ito.
“Para
saan naman ito?” sabi ko sa kanya at ngumiti lang ito sa akin.
Hinubad
ko ang aking polo at sinampay muna sa may heater sa loob ng green house at
sinuot ang kanyang polo, naamoy ko ang kanyang pabango at napatingin ako sa
kanya.
“Bakit
ang bait mo sa akin?” sabi ko sa kanya at nagtaka naman ito sa akin.
“What
do you mean?” sabi nya sa akin.
“Sorry
I feel awkward! Kasi hindi ako sanay na may magpahiram ng polo!” sabi ko sa
kanya at tumawa naman ito.
Sa
bawat patak ng ulan na bumabagsak sa bubungan ng green house ay ang ganda!
Dahil nakikita namin ang mga ulap na lumuluha at sinasalo ito ng lupa.
“Alam
mo ba na kapag kasama kita I feel secured?” sabi ni Troy at napatingin naman
ako sa kanya.
[Up
Dharma Down: Tadhana]
“Huh?
Bakit naman?” sabi ko sa kanya at napatingin din ito sa akin.
Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng aking dibdib at
hinawakan ito.
“Oh
bakit?” sabi nya at lumapit sya sa akin.
“Wala! I just feel my heartbeat na lumalakas eh!” sabi ko sa kanya at hinawakan nya ang aking kamay at dinikit ito sa kanyang dibdib.
“Can
you feel mine?” sabi nya sa akin at nailang naman ako sa kanya.
“Yeah...
parehas lang pala tayo!” sabi ko sa kanya at naramdaman ko na hinawak nya sa
kanyang mukha ang aking kamay.
“Ang
init mo!” sabi ko sa kanya at ngumiti lang ito sa akin.
Naramdaman
ko ang kakaibang saya kapag hinahawakan nya ang aking kamay, at lumapit ang
kanyang mukha sa akin at naramdaman ko ang labi nya na dumikit sa akin, hindi
ko alam kung ano ang naramdaman ko nun at hinayaan sya.
Nagkalas
kami at nakita kong nabigla din sya.
“Sorry!”
sabi nya sa akin at hindi ko alam kung anong sasabihin sa kanya.
Habang
nabuhos ang ulan ay andun pa din kami sa green house at malayo sa isa’t isa, nakatingin
ako sa malayo at ganun din sya, minsan nagtatagpo ang aming tingin at gusto ko
syang lapitan, pero nauunahan ako ng pagkailang sa ginawa nyang paghalik sa
akin.
“Ken!
Andyan pala kayo!” sabi ng aming classmate at pinuntahan ako.
“Tara
na! kanina pa kayo hinahanap eh!” sabi nya at napatingin naman ako kay Troy.
“Tara
na?” sabi ko kay Troy at lumapit na sya sa amin.
Binigyan
kami ng payong at nilusob na ang ulan.
“Oh
kita kits na lang sa uwian ah!” sabi ni Troy na parang nakaramdam ako ng pagkalungkot
sa kanyang sinabi.
Habang
nagkaklase kami sa science ay napansin kong hindi ko pala polo ang gamit ko,
dahil naaamoy ko pa din ang pabango ni Troy dito at napangiti lang ako nung
naiisip kong hinalikan nya ako.
“Malayo
ang iniisip!” sabi ni Terrence sa akin at nabigla naman ako.
Ngumiti
lang ako sa kanya at napailing naman sya sa ginawa ko.
“Makikita
mo naman sya mamaya eh!” sabi nya sa akin at napatingin naman ako sa kanya.
Natapos
na ang aming klase at walang pumasok na impormasyon sa isip ko, naglalakad kami
at napansin kong wala si Troy sa amin, naalala ko pala na ibalik kay Troy ang
polo kaya nagpaiwan na lang ako at agad na pumunta sa green house para kunin
ang aking polo.
Pagdating
ko sa green house ay agad kong pinasok yun at pumunta sa heater, nang makita ko
yung heater ay wala yung polo ko at maya maya pa ay narinig ko ang boses ni
Troy.
“Ito
ba hinahanap mo?” sabi nya habang hawak nya ang aking polo.
Napatingin
ako sa kanya at nakita ko syang ngumiti kaya lumapit ako sa kanya at hinalikan.
“Sorry?”
sabi ko sa kanya at tumawa kami.
Niyakap
nya ako at hinayaan ko syang yakapin ako, at nang magkalas kami ay
nagkatinginan kami.
“Alam
mo ba ikaw ang nasa isip ko kanina?” sabi nya sa akin at ngumiti lang ako sa
kanya.
“Ako
din naman! Ikaw din ang nasa isip ko, nagtataka nga sila bakit daw wala ako sa
sarili!” sabi ko sa kanya at biglang napatahimik kaming dalawa.
“So
anong ibig sabihin nito?” sabi nya sa akin habang nakatayo kami sa gitna ng
green house garden.
“Hindi
ko pa alam, pero when I’m with you iba ang saya na binibigay mo! Parang
kumpleto na ako!” sabi ko sa kanya at niyakap nya ako ng mahigpit ulit.
Naging
maayos naman ang pagsasamahan namin ni Troy sa lahat ng bagay at sa lahat ng
kalokohan, at dun ko napagtanto na hindi na pala ako tunay na lalake, dahil
nagmamahal ako ng isang lalaki, kaya nung holloween party namin sa school ay
doon ko na pinagtapat sa kanya ang aking nararamdaman.
Hinanap
ko si Troy at nalungkot ako dahil wala sya sa party, nakita ko sila Terrence at
Chad na lumapit sa akin at hinablot ako.
“Teka,
saan nyo ako dadalhin!” sabi ko sa kanila at hindi sila nagsalita, hinawakan
nila ako sa magkabilang balikat at pumunta kami sa isang lugar.
“Piringan
na natin!” sabi ni Terrence at nilagyan na nila ako ng takip sa mata.
Nagsisisigaw
ako at natatakot kaya hindi ko na nakayanan ang emosyon at napaiyak sa galit,
tinali ako sa kamay at pinalakad sa isang lugar na malayo sa ingay ng school.
“Dyan
ka lang!” sabi ni Chad sa akin at tumayo lang ako.
Naramdaman
ko ang hangin na humahaplos sa aking basang pisngi habang nakapiring at bigla
akong nakarinig ng isang taong naglalakad at natakot na ako.
“Guys!
Wala namang ganituhan oh!” sabi ko sa kanila at naramdaman kong walang
sumasagot kungdi ang hangin na hinahaplos ang aking mukha.
Naramdaman
ko na tumigil sya at napatigil naman din ako, kinalas nya ang mga tali sa aking
kamay at tinanggal nya ang aking blindfold, sa una ay malabo ang aking nakita
dahil na din sa pag iyak ko at pagpiring sa akin ng matagal.
“Natakot
ka ba?” sabi ng boses na hinahanap ko kanina pa.
“Troy!
Tarantado ka! ano bang pinaplano mo at tinakot nyo pa ako ng ganun?!” sabi ko
sa kanya at lumapit ito sa akin at pinunasan ang aking mukha.
“Para
kang bata! Ang dungis mo!” sabi nya sa akin at hinampas ko sya sa balikat.
“Eh
paano kasi! Kanina pa kita hinahanap sa campus wala ka! ano bang ginagawa natin
dito?” sabi ko sa kanya at napatingin sa isang madilim na burol.
“Tara
humiga tayo, tapos wait tayo ng ilang minutes na lang!” sabi nya sa akin at
humiga kami sa damuhan.
Nararamdaman
ko ang lamig ng aming hinihigaan at ang dilim ng kalangitan ay nakadagdag sa
aking paghanga sa kanyang ginawa.
“Ayan
na!” sabi ni Troy at nakita ko ang mga bituin at dahan dahang nagsimula ang pag
ulan ng bulalakaw sa kalangitan.
“Wow!”
sabi ko sa kanya at naramdaman ko na hinawakan nya ang aking kamay.
“Alam
mo parang bituin ang pag ibig, di natin alam na patay na sila dahil ang isang
bituin ay umaabot ng thousands of lightyears bago mapunta ang liwanag sa atin!”
sabi nya at napalingon naman ako sa kanya.
“So
anong connection naman nun sa love?” sabi ko sa kanya at tumingin sya sa akin.
“Wala!
Nagustuhan ko kasi yung sinabi ng kaibigan ko eh!” sabi nya sa akin at lumapit
sya sa akin.
Halos
magkadikit na kami at nilagay nya ang kanyang braso at hinigaan ko ito.
“Mahal
kita! Ken Yoshihara” sabi nya sa akin at napangiti ako sa kanya.
Hanggang
sa magtapos kami ng high school ay naging matibay ang aming relasyon at nang
isang araw...
“Tara
laro tayo sa court!” sabi ni Troy at hinagis sa akin ang bola.
“Teka
lang!” sabi ko at binalik sa kanya ang bola.
“Mahal
kita!” sabi nya at hinagis nya ang bola ulit sa akin.
Tumingin
lang ako sa bola at lumapit sa kanya.
“Mas
mahal naman kita!” sabi ko at binigyan ko sya ng halik.
Nagkalas
kami at lumabas sa kwarto nya, tinungo ang court sa likod ng bahay nila.
Naglalaro
kami at nang biglang naramdaman ko ang kirot sa aking dibdib at nawalan ako ng
malay, nagising na lang ako sa isang ospital at nakita ko sila mommy at daddy
na namamaga ang mata.
“Si
Troy?” sabi ko nang magising ako.
“Wala
na sila anak!” sabi ni daddy at nakaramdam ako ng kirot ulit ay sumigaw ako sa
sakit.
“Tawagin
mo na ang doctor!” sabi ni mommy kay kuya Kino at agad nang tumakbo si kuya.
Ang
sakit ng aking dibdib na parang tinutusok ng isang tinidor.
“Ang
sakit!” sigaw ko at nakita ko sila mommy na nag iiyak.
“Dad!
Andito na po ang doktor!” sabi ni kuya at nakita ko na kasama na nya ang
doktor.
“Mam,
dadalhin po muna namin sya sa ICU for immediate check, dahil hindi na po normal
ang tibok ng puso ng inyong anak.” Sabi ng doktor at hinila ang aking kama.
Nilagyan
ako ng respirator at strap para hindi ako makakilos, at tinurukan na ako ng
pampatulog at naramdaman ko ang pag-ikot ng mga nakikita ko.
Nakapunta
ako sa isang madilim na lugar at nakita ang isang bata na nakangiti sa akin.
“Kamusta?”
sabi ko sa kanya.
“Ikaw
dapat ang tanungin ko nyan!” sabi nya sa akin.
“Bakit?”
sabi nya sa akin.
“Dahil
alam kong matapang ka at maraming nagmamahal sayo! Wag kang pumunta dito dahil
makukulong ka na dito!” sabi nya sa akin at naramdaman ko ang kuryente na pumasok
sa akin.
“Doc
he’s back!” sabi ng isang nurse at minulat ko ang aking mga mata.
“Glad
you back!” sabi ng doctor at naramdaman ko na may nakapasok pa din sa akin na
respirator.
Lumapit
sila mommy, daddy, at kuya Kino sa akin, napansin ko ang mga malungkot nilang
mukha at namamaga ang mga mata.
“Doc
ano po talagang sakit ng anak namin?” sabi ni mommy at tumingin ang doctor sa
kanya.
“He
has a weak heart, bawal po syang mapagod or ma stress sa mga bagay, dahil na
din sa last incident na nangyari sa kanya ay nag trigger ang puso nya at kapag
nagpatuloy yan ay baka sa susunod ay lumala pa ang atake!” sabi ng doctor at
umiyak sila mommy, daddy at kuya.
“Doc!
Do everything!” sabi ni kuya at nakita kong sinusuntok nya ang aking higaan.
“May
isang paraan lang po!” sabi ng doctor at tumingin sila.
“Ano
yun doc?! Basta sa anak namin!” sabi ni daddy.
“He
needs to take this medicine, dapat walang skip ang pag inom nya and take this
therapy para lumakas sya” sabi ng doktor at lumabas sila, nakita kong pumasok
si Troy at umiiyak.
“Wag
kang bibitiw baby! Kaihit anong mangyari gagawin ko basta gumaling ka lang!”
sabi nya at nakita ko lumabas si daddy.
“Troy
kung mahal mo ang anak namin, itigil nyo na ang inyong relation, dahil ayokong
makita ang anak ko na masasaktan.” Sabi ni daddy at nakita kong umiyak si Troy.
“Da—d”
sabi ko na medyo husky ang boses.
“Sorry
anak!” sabi ni daddy at nakita nyang tumulo ang aking luha.
“Okay!
Para hindi maging malungkot ang anak ko, hanggang magbestfriend na lang kayo,
ayokong makita talaga ang anak ko na maging malungkot.” Sabi ni daddy at
ngumiti si Troy sa kanya.
“Sir!
Promise po!” sabi nya.
“Tito
Gino!” sabi ni daddy kay Troy.
“Po?”
sabi ni Troy na hindi naintindihan ang sinabi ni daddy.
“Call
me tito Gino, and welcome ka as our part of the family!” sabi ni daddy at
niyakap nya si Troy.
Lumipas
ang mga panahon ay naging magkaibigan na lang kami ni Troy hanggang sa lumipat
kami.
*********************************************************************************
“Gising
ka na pala!” sabi ni Daddy at napatingin naman ako sa bintana.
“Good
morning daddy!” bati ko kay dad at napansin kong hindi sya pumasok.
“Gusto
mo nang kumain?” sabi ni daddy at napangiti naman ako sa kanya.
Umupo
ako at nilapag ni daddy ang dinala nila mommy sa amin.
“Oh
kumain ka ng marami ah!” sabi ni daddy at tumango lang ako.
Biglang
nag vibrate ang phone ko at agad binigay sa akin ni daddy ang aking phone,
sinagot ko ito at narinig ang boses ni Argel.
“Good
morning!” sabi nya sa akin.
“Good
morning din! Nakain kami ni daddy!” sabi ko sa kanya at agad syang sumagot.
“Ah
ganun ba? Sige I’ll call you later!” sabi nya at binaba nya ito.
“Sino
yun anak?” sabi ni daddy.
“Si
Argel!” sabi ko at nakita kong ngumiti lang sya.
To
be continue....
Next Teaser Episode:
Ano kaya ang mga nasa isip ng kanyang daddy?
Ano pa kaya ang mga gagawin nila Argel at Ace para mapansin ni Ken na may pagtingin silang dalawa?!
Sino pa ang mga makakapnsin sa magkapatid na magkaribal na nag aagawan kay Ken?
Abangan...
Ed's Note:
Malapit nyo nang masaksihan ang pagbubukas ng susunod na Series para sa aking story!
Sana po ay magustuhan nyo rin dahil medyo matured ang mga tauhan na aking igaganap dun.
Sana po ay magustuhan nyo rin dahil medyo matured ang mga tauhan na aking igaganap dun.
hahaha.. masaya to.. kaabang-abang... waiting for the next chapter....
ReplyDeletemarc of KSA
Sana si troy yung makatulotan nyan..bagay sila..
ReplyDeletesayang naman ang relasyon nila ni troy...
ReplyDeletemagiging sila pa kaya...kung hindi man sino kaya sa dalawang magkapatid ang pipiliin nya ^_^...
tnx mr. author...
oh my god... so exciting jace.. pero bet ko pa rin si ace.. i dont know why.. heheheh
ReplyDeleteGo lng ng go! :)
ReplyDeletekwawa nmn pla c troy..
ReplyDeletegwapo ni argel hehe..
Kawawa nman c ken..may sakit..bagay cla ni troy korean ang look:) cnu kaya mkatuluyan ni ken hmm..wait wait
ReplyDeleteohhww...so troy is the man pala?!?haha..wala kasing bahid eh..hehe
ReplyDeleteang sad nmn nung ke troy...pero bkt kya ganun,,mas related ke troy at ken ung title??hhmmm...^^
-monty
MAY GAWD..nawindang naman ako sa revealation ngayon...hehee may nakaraan pala si Ken and Troy i thought magkaibigan lang sila...hahaha
ReplyDeletepero infairness ang cute ni troy heheh
aist..sana si Ace ang manalo sa competition ng magkapatid...hahaha
KILIGZZZ!! *_*
Ahuhu...now ko lang nabasa! Ganda talaga!! Ang wafu ng magkapatid..wafu din si Troy...tsk tsk..sabi na nga ba eh,ex nia c Troy...sayang!
ReplyDelete-caranchou
Astigen talaga your work...haha..ang wawafu ng mga nasa pic..kaso,mas wafu c argel kesa kay ace...team ace pamandin ako! Tpos c troy,ex nia? Sayang!
ReplyDelete-caranchou
-caranchou
Astigen talaga your work...haha..ang wawafu ng mga nasa pic..kaso,mas wafu c argel kesa kay ace...team ace pamandin ako! Tpos c troy,ex nia? Sayang!
ReplyDelete-caranchou
-caranchou
Hehe..meron din me sakit sa puso,well dati...naoperahan lang me! Haha...la lang..nashare ko lang...TOF ung sakit ko dati...
ReplyDelete-caranchou
haha exciting na toh! :)
ReplyDelete-JayAr
next chapter na!
may nauna ka po bang story dito or ito ung first story mo mr author? thanks!
ReplyDelete-toff
For Toff:
ReplyDeleteIt's my first story po and marami pa akong story dito sa document ko, tinatapos ko sila isa isa dahil gusto kong mabasa nyo ang iba pang story ko.
Guys sorry matatagalan ang update ko kasi uunahin ko muna ung pag aapply (Nag Resign kasi ako) sensya na po kung matatagalan!
good job
ReplyDeleteKaganda ng istory mu sana my ending.
ReplyDelete