ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Wednesday, September 26, 2012

Ang Mang-Aagaw 13



Akda ni: Rovi Yuno / Unbroken
FB: Rovi Yuno
Twitter : @roviyuno


NOTE: Ito po ay naglalaman ng mga tagpong hindi angkop sa mga mambabasang walang sapat na pang-unawa at imahinasyon. Wag pong basahin kung maselan sa sex at violence. Salamat.




D.O.S.E

Nanginginig nyang nilisan ang lugar. Hindi alam ni Jhaspher ang kanyang dapat gawin. Dahil na rin sa sobrang takot ay hindi na sya nakapagisip ng maayos. Unang pagkakataon nyang makakita ng patay at hindi nya maipaliwanag ang takot na kanyang naramdaman. Moreover, he didn't want the police to think that he's the one who caused the death of JD.

Naging mas mabilis ang pagtakbo ng kanyang motor. Hindi nya inalintana ang kasabay yang mga sasakyan. Bihasa sya sa pagmamaneho. Mabilis pa rin ang galabog ng kanyang dibdib.

Paano kung matrace nila ang fingerprints ko? Baka isipin nila na ako ang pumatay?

Naging mas mabilis ang tibok ng kanyang tuhod. Maging ang kanyang mga tuhod ay nanlalambot, isang patunay na sya ay talagang natatatko.

Saan ako pupunta? Paano kung mahanap nila ako? Siguro ay dapat nga na ako ay lumayo.

Mabilis syang kumanan sa kanto at nagulat sya ng nakita ang isang pulang sasakyan patungo sa kanya. Hindi nya alam ang sumunod na nangyari. Naramdaman nalang nya ang pagtapon ng kanyang katawan. Katapos nito ay ang pagumpog ng kanyang ulo sa isang matigas na bagay. Nakita nya ang kadiliman.





Tu-tuwad.”

Marahang tumuwad si Roj. Tila ba isa syang alipin sa bawat sabihin ni Philip.

Naramdaman nya ang pagbasa ng laway nito sa kanyang butas. Hindi nya maiwasang hindi mapahalinghing. Sunod nito ay naging mahirap para sa kanya. Unti-unti nyang nararamdaman ang kahabaan ni Philip sa kanyang likuran.

Ahhh. Putang-ina.. Tttaa-taamaa na.. Ma-masakit.”

Tila ba hindi nakakaintindi si Philip.

Arraaaaayyyy!”

Aarrraaayyyyy!”

Mabilis na napabalikwas si Roj sa kanyang kama. Pawis na pawis ang kanyang noo, maging ang kanyang katawan ay nanlalamig. Tinignan nya ang kanyang kwarto, sya lang mag-isa rito. Naramdaman nya ang mabilis na paghupa ng tensyon sa katawan. Oo, nananaginip lang sya. And why the hell on earth will he dream of his bestfriend fucking him?

I'm feeling weird. Body heat? O may nararamdaman na ako sa kanya?

He looked at his phone. Nakita nyang wala na itong baterya. Kahit na tinatamad ay tumayo ito para hanapin ang charger. Nang makita na ito ay nagawa na nyang i-charge ang kanyang cellphone. Muli nyang ibinagsak ang kanyang katawan at nilasap ang lamig na binubuga ng kanyang aircon.

Bakit ko kaya sya napanaginipan? Kamusta na kaya sya?

Muli syang napabuntong-hininga. Hindi nya nga alam kung sya ba ay iniisip rin ni Philip. Alam nyang may pagtatampo pa rin sya rito pero hindi nya maiwasan ang hindi mag-alala sa mga bagay na pinagagagawa nito.

Patuloy sya sa pagmumuni-muni sa kanyang kama nang makaramdam sya ng gutom. Dahil sa boxers lang ang suot nya ay minarapat nyang magpalit ng pambahay. Mabilis syang bumaba at nadatnan nya ang kanyang mga magulang sa mesa kasama ang ilan sa mga mukhang di nya makilala.

May bisita kami? Anong meron?

Dahil sa ingay ng kanyang mga hakbang ay mabilis syang napuna ng kanyang mga magulang.

Ohhh, there he is,” wika ng kanyang ina.

Nagulat sya sa tono nito. She sounded so jolly and enthusiastic. Maging ang kanyang ama ay magiliw syang tinawag para saluhan sila sa hapag.

People in this house are weird. Ano bang nakain nitong mga to?

Ngayon ay kaharap na nya ang kanilang mga bisita. Nakita nya ang galak sa mga mata nito. He gave his parents a quizzical look. Napagtanto ng kanyang mga magulang na nagtatanong sya kung sino ang mga ito. Mabilis itong pinakilala sa kanya.

Roj, anak. Sila si Mr and Mrs.Chan.”

Nice to meet you Mr.and Mrs.Chan,” sabay lahad nya ng kanyang kamay.

Malugod na tinanggap ng mga ito ang kanyang pakikipagkamay.

Naku Honey, mukhang napakagalang ng magiging son-in-law natin,” sabi ni Mr.Chan sa asawa.

Medyo nagitla si Roj sa narinig. Tinignan nya ang kanyang mga magulang at kita rin sa mga mata nito ang galak.

What's going on here?” nagtatakang tanong niya.

Ahh anak. I'd like to you to meet Adia Chan,” pagsagot sa kanya ng kanyang ama.

Nice to meet you,” magalang na sabi niya rito.

Nagtapon ng tingin sa kanya ang magandang dilag at saka ngumiti. He then find her attractive. Maganda ang mukha nito, lalo na ang pinkish na kutis. Dahil nga siguro ay lahing Chinese kaya sobrang ganda ng complexion.

Nice to meet you too,” may lambing sa tono ng kanyang pananalita.

Ngumiti si Roj dito.

They seem to like each other. So kailan natin i-seset ang kasal?” tanong ng kanyang ama

Nanlaki ang kanyang mga mata.

Kasal?

Ah I'm sorry dad? What did you say?”

Kasal.”

Ngumiti ang kanyang ama sa kanya.

Kasal? Seriously?”

Mabilis syang tumayo at tumakbo pabalik sa kanyang kwarto. Binagsak nya ang pinto. Sya ay tuliro.





Dhenxo Lopez was feeling a bit low. He then dialled Dalisay's number.

Wala pang ilang ring ay sumagot na ito.

Yes Den? May problema ba?”

Wala naman po Ms.D.”

Oh bakit ka napatawag?”

Gusto raw po tayong makasama ni Kuya Philip for dinner.”

Kailan?”

Mamaya daw po sana. May ipapakilala raw po sya sa atin.”

Si-sino naman?” may halong pagtataka sa kanyang boses.

Hi-hindi ko rin po kilala.”

Tahimik.

So saan tayo Den?”

Same place daw po.”

Chef and Brewer parin?”

Yes Ms.D.”

Great. Gusto ko ring makita si Philip at Charles.”

Ngumiti si Dalisay. Natutuwa sya sa larong kanyang kinasangkutan.




Masaya sya nang marinig ang tawag ng kanyang tinuturing na kuya. Matagal na itong hindi nakauwi sa bansa kaya naman sobrang saya sya nang tumawag ito sa kanya para makipagkita. Mabilis syang gumayak. He even canceled all his commitments this day to be with his kuya.

So pwede tayo ng lunch or dinner?”

Dinner kuya.”

Sure. Chef and Brewer.”

Ortigas?”

“That's right.”

Napangiti sya.

I'd also like you to meet some of my friends. They do most of the things I want done. Makakatulong mo rin sila.”

Sino sila?”

That's for you to find out.”

Narinig nya ang tawa ng kanyang Kuya Philip sa kabilang linya.

So, see you?”

Yes, count me in.”

Isa sya sa mga taong tinulungan ni Philip sa Amerika. Nakita sya nito sa isang slum area na binubully ng mga negro. He was almost dead then. Hindi nya alam kung paano nya inayos ang sitwasyong kinasasadlakan nya. Ginawa syang punching bag ng mga negro na walang ginawa kundi mangbully ng mga pinoy sa area na yon. Nakita nya lang na kinausap ng kanyang Kuya Philip ang pinuno ng mga lalaking nangbugbog sa kanila, at huminto na ang mga ito. Ang sunod nalang na pumasok sa kanyang isip ay nasa ospital sya at nagpapagaling. Makalipas ang ilan pang mga araw ay kinupkop sya ng kanyang Kuya Philip.

Thank you sa lahat Kuya. I'm willing to do everything. As in everything.

Yan ang lagi nyang sinasabi ngayon. Willing sya. Everything.

Mabilis syang nagmaneho. Humarurot ang kanyang sasakyan. Hindi nya namalayan na mayroon palang motor na biglang kumanan. Huli na para sya ay makapreno. Nakita nalang nya ang lalaki na tumapon sa kalsada. Nasaksihan nya rin ang pagtama ng ulo nito sa poste bago ito nagpagulong-gulong.

Nanginig sya sa takot. Mabilis syang lumabas ng sasakyan at isinakay ang lalaki sa kanyang sasakyan. Mabilis syang nagmaneho patungo sa pinakamalapit na ospital.

Sya ay walang iba kundi si Kenji Ohya.


Itutuloy...






3 comments:

  1. Ay kabog. May eksena ang dalawang love birds. Hahaha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. This comment has been removed by a blog administrator.

      Delete
    2. Anonymous. Wag ka na magbasa. Mas pangit ka at di-hamak na mas bobo sakin. :)

      Delete