ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^
Showing posts with label Ang Mang-aagaw. Show all posts
Showing posts with label Ang Mang-aagaw. Show all posts

Monday, November 12, 2012

Ang Mang-Aagaw 18




There was an awkward silence. Hindi nila alam kung sino ang mauunang magsalita. With Kenji's face painted in deep rep, Jhaspher could easily tell that he was surprised with what he heard. Hindi maipaliwanag ni Jhaspher ang sarili. Para bang ang dali sa kanyang sabihin ang lahat ng yon, kung tutuusin ay wala pa silang ilang buwan na magkasama pero tila ba ay napakagaan na ng pakiramdam nya. Hindi nya rin masabi kung bakit parang napakalakas ng atraksyon na kay Kenji, ito kaya ang patunay na isa syang beki bago pa man mawala ang kanyang ala-ala? Bigla nalang syang napangiti nang pumasok sa kanyang kukote ang hinuhang ito:

Kapag ang bakla ba nagkaamnesia, bakla pa rin?Muli syang napatulala kay Kenji.

“So-sorry,” nauutal nyang sabi.

“So-sorry saan?”

“Sa na-nasabi ko,” at bigla syang napayuko.

Kenji finally got to his feet again. He was like a curious kid rooting for all explanations Jhaspher has to give him. Does the latter really have to explain himself? Or he just wants to be sure to avoid assuming?

“A-anong ibig mong sabihin sa nasabi mo na..”

“Na?” pagputol ni Jhaspher.

Their eyes met. Kenji wants to faint. Ang lamig ng bahay nya pero nagpapawis sya sa init, pakiramdam nya'y umiiyak na ang kanyang kilikili.

“Na gu-gusto mong..,” nanginginig nitong sabi.

“Inaalagan kita?” Dugtong ni Jhaspher.

“O-oo,” sagot nya sabay tanong.

Tumahimik si Jhaspher.

“Yes. Hindi ko alam kung sino ako or ano ako in the past maliban sa mga sinabi mong nagtatrabaho ako sa LVC at ang pangalan ko ay Jhaspher. Pero alam ko, sa ilang buwan na pamalalagi ko sa bahay mo, na masaya ako. Masaya ako sa mga simpleng bagay na ginagawa mo at sa mga nagagawa ko para sayo,” mahinang sabi ni Jhaspher.

“Ba-bakit ka masaya?”

Kenji fished for more. Hindi nya alam pero parang lullaby na nagduduyan sa kanya para managinip ang mga salitang iyon ni Jhaspher. Kenji was panting. Jhaspher was also flushing in deep red despite his sexy chocolate complexion.

“Da-dahil gu-gusto kita kasama,” nahihiyang sabi nito.

“Ba-bakit mo ko gusto kasama?”

“Hi-hindi ko rin alam,”

Kenji let a sigh. He was then again, panting.

“Dahil mabait ka. Dahil inaalagaan mo ako. Dahil nandyan ka lang para sa akin,” dagdag ni Jhaspher.

“Dahil lang ba don?” tanong ni Kenji

“A-ano bang gusto mong marinig?” tanong ni Jhaspher.

Kenji spoke no more. He was then staring at Jhaspher's eyes.

“No-nothing,” sagot ni Kenji.

Jhaspher smiled.

“Oo,” sagot nito.

Nabalot ng pagtataka si Kenji sa OO na iyon ni Jhaspher. He doesn't know what he means. He frowned.

“Oo, nandito ako kasi gusto kita kasama. At gu-gusto kita,” Jhaspher then fainted in deep red.

Kenji couldn't help but to flash a smile. Seconds after, they found themselves kissing.

Huminto sila at nagtitigan. Naglock ang kanilang mga kamay. Ramdam nila sa kanilang mga sarili ang malakas na pagpintig ng kanilang mga puso.

“It feels so good,” sabi ni Kenji.

Tumango si Jhaspher. “Does that mean gusto mo rin ako?”

“From the start,” tugon ni Kenji.

They both grinned. Alam nila na sobrang kilig ang kanilang nararamdaman.

“I'm thinking what I have to be here and deserve you,” Jhaspher replied while having his hand brushing Kenji's hair.

“What you deserve? Everyone deserves to be happy. Yun ang alam ko. Maybe, you deserve this time, I mean we deserve to be happy this time,” naiiyak na sabi ni Kenji.

They kissed again. Tumayo sila at magkahawak kamay na tinungo ang kwarto. Mabilis nilang itong isinara. Kenji grabbed Jhaspher and kissed him torribly. They could feel each other. Ramdam nila ang kanilang mga laway na napapasa sa isa't-isa. They felt passion. They were burning. Jhaspher instantly grabbed Kenji's arms and pushed him to the door.

“Hindi ko alam, Bem. Basta ang alam ko, this feels to good to stop. Hindi ko alam kung hanggang saan ang kaya kong ibigay, just hold me at makikita natin kung hanggang saan tayo aabot. Basta ang alam ko lang gusto kitang makasama. Ngayon, hanggang sa pagtanda,” pabulong na sabi ni Jhaspher.

Tumulo ang kanilang mga luha. Muling nagtama ang kanilang mga labi.

“Gustong-gusto kong hinahawakan mo ako. I feel like a woman. Hindi ko alam. Just keep on holding me, and never let me go,” malanding sabi ni Kenji.

Mabilis na inangat ni Jhaspher ang mga kamay ni Kenji at matagumpay nyang naalis ang damit nito. He's on working on his pants. Hindi sya huminto hanggang sa malaglag lahat ng tela sa katawan nito.

“I won't let this go,” at nagtama ang kanilang mga labi.






“Kalbo! May bisita ka!” sigaw ng warden.

Mabilis syang lumabas at nakita si Aldrin na nakaupo sa visitor's area.

“Sir Charles..”

“A-Aldrin.”

Aldrin eyed his former boss. Kita ang pagpayat nito. Hindi nya alam kung bakit pero hinuha nya na maaring dala lang ito ng stress.

“Ka-kamusta ka po, Sir?”

“Bu-buti naman nadalaw ka, eto hindi ako okay. Ang pamilya ko hindi pa nakakarating. Ilang linggo na rin ako rito,” nangingiyak na sagot nito.

Nakaramdam si Aldrin ng guilt.

“A-ano po bang nangyari Sir? Nagulat nalang ako nang malaman ko na nandito kayo. At sa akin na po nila ibinigay ang pagmamanage ng restaurant. Ang bilis po ng mga pangyayari,” sagot nito.

Napabuntong hininga si Charles.

“Hindi ko rin alam pero pauwi ako, may pulis na humarang sa akin at puno na ng shabu ang bag ko. Malinaw to, naset-up ako. Kailangan ko ng tulong,” may pagmamakaawa sa kanyang tono.


“A-anong tulong po?”

“Yung CCTV. Narecord ng CCTV lahat. So ibig sabihin lahat ng pumasok sa locker natin ay kita. Makikita don kung sino ang naglagay ng shabu at nagset-up sa akin. Tulungan mo ako Aldrin, kailangan kong makalaya.

Nagitla si Aldrin sa narinig. Kung sakaling makuha ang CCTV ay lalabas na sya nga ang naglagay ng shabu sa bag ni Charles. Tiyak na malilintikan sya. Mabilis na gumana ang kanyang utak. Hindi sya nagpahalata.

“Yun nga po ang problema, Sir. Ang totoo po ay hinanap ko ang CD. Pero sa hindi malamang dahilan ay wala po ang CD para sa araw na yon,” pagsisinungaling ni Aldrin.

Napapalatak nalang si Charles.

“So set-up talaga. Hindi ko na alam ang gagawin ko.”

Makalipas ang ilang minuto ay nagpaalam na rin si Aldrin. Kailangan nyang makuha ang CD para hindi masira ang kanyang ginawa.

Mabilis nyang kinuha ang kanyang cellphone. He instantly called someone.

“Hello?”

“Hello, si Aldrin po to. Nakalimutan ko pong sabihin na may CCTV sa locker.”

“Putangina naman. Ang tanga mo. Sana una palang sinabi mo agad para di na umabot sa ganito!”

Napalunok si Aldrin.

“Ms.Dalisay, gagawan ko po ng paraan,”

“Dapat lang Aldrin. Kung di mo aayusin yan at magkaroon ng bistuhan, sinisiguro ko sayong wala kang tulong na makukuha sa amin ni Philip,” may pagbabanta sa boses nito.

“O-opo. Ga-gawan ko po ng paraan,” namuo ang pawis sa kanyang ulo.

Muli syang napalunok.




“You have to do this for the family, Roj.”

“Dad! I won't,” pagmamatigas nito.

“Anak, you have to do this. Alam mo ang stocks ng kumpanya.”

“Ano ako? Alahas? Na isasangla nyo para lang kumita? Para lang magkapera?”

“Think of the long term benefits na magagawa nito para sa atin, isipin mo kami ng Mama mo, Roj. Wag matigas ang ulo!” nagsisimula ng magalit ang kanyang ama.

“How about me? Paano naman ako sa bargain na yan? Kayo ang magbebenefit tapos ako ang kawawa?”

“It's about time you get married anak. Di ka rin bata. And Adia is a very beautiful lady,” pagkumbinsi sa kanya ng kanyang ina.

“I won't. Hindi ako business. Anak nyo ako. Tao ako! Kaya wag na wag nyong sabihin sa akin kung paano ko papatakbuhin ang buhay ko!”

Mabilis na tumayo si Roj sa kanyang kinauupuan.

“Wala kang kwentang anak!”

Nagpantig ang tenga nya sa narinig.

“Mas wala kang kwentang ama!”

Mabilis na nadampot ng kanyang ama ang baso at inihagis sa kanya. Mabuti nalang at may taglay syang liksi kaya nakaiwas ito.

“Wala kang kwentang ama! Puro pangsariling sarap lang ang nasa utak mo! Hindi nyo iniisip kung sasaya ba ako sa kasal na yan!”

Mabilis syang umakyat ng kwarto.

“Sa ayaw at sa gusto mo! Ikakasal ka kay Adia sa mas madaling panahon!”

He slammed the door.

He tried to call Philip, but the latter didn't answer. Patuloy nalang syang umiyak.

Itutuloy...



















Sunday, November 4, 2012

Ang Mang-Aagaw 17


“Nagawa mo na ba?”

“Yes po,”

“Dahil wala na ang manager, nasa sayo na ang posisyon.”

“Oo nga po eh. Salamat po sa tip, Sir,”

“Ayos lang yan, Aldrin. Ang mahalaga, nahuli na ng pulisya si Charles. At automatically, ikaw na ang bagong manager.”

“Oo nga po eh.”

“So kamusta ang bagong manager?”

“Nakakapagod nga po eh,”

“So ano ang sinabi mo sa mga tao? Hindi ba hinanap si Charles?”

“I informed them that Charles was arrested by the office due to drug trafficking,”

“Well done, Aldrin. Dahil nagawa mo ng maayos at malinis, bibigyan kita ng extrang bayad,”

“Salamat po,”

The conversation ended.

That's what he deserves. After humiliating me way back, Charles, yan ang dapat sayo. Kung tutuusin nga ay kulang pa yan, but thanks for making it easier on my part. If I didn't know you're dope, hindi ako magkakaidea. Salamat ng marami at sana,magdusa ka sa kulungan. And yes, the sex was good. Which I could have spanked you more.




“Si-sino ka?”

“Ako si Kenji. Ako ang nakabangga sayo.”

“Nabangga? Saan? Ba-bakit?”

Napatulala si Kenji sa narinig.

“Ahh. Tagasaan ka?”

Natahimik si Jhaspher. There's a sign of frustration in his face.

“Tagasaan ka? I just know your name Jhaspher. Sino ang pwede nating tawagan sa mga kamaganak mo?

“Wa-wala,” maiksi nitong sagot.

Nagtaka si Kenji. Napakamot ito. Nagpakawala ng isang buntong hininga.

“Anong ibig mong sabihin?”

“Wa-wala,” sagot ni Jhaspher. Litong-lito.

“Anong wala?”

“Wala akong maalala.”

Tila napagsakluban ng langit at lupa si Kenji sa narinig.





“Lugaw, oh.”

“Salamat. Namiss ko to,”

“Bakit ka naman nagpaluto ng lugaw, may sakit ka ba?”

Philip looked at him.

“A bit. Medyo masama lang ang pakiramdam. Maybe I overworked,”

Roj sat near him.

“Sino ba naman kasi may sabi sayo na kailangan mong magtrabaho ng husto?”

Philip placed his head on his right shoulder.

“I need to work for my family, and ofcourse, for my future,”

Roj got the bowl. He got some lugaw in his spoon at sinubo ito kay Philip. Para silang mga bata. At they never thought that they would get so intimate. Wala sa isip nila na magkakaroon sila ng romantic attachment. Romantic nga ba?

“You already have a lot of money. Why still work?”

“Because in the future, I will be having another soul to take care of. Papakainin ko lagi ng masarap, dadalhin ko sa mga magagandang lugar at ipapasyal sa ibang bahagi ng mundo,” Philip sounded so sincere.

Roj felt a pang of jealousy upon hearing the idea of Philip having another soul to nurture.

“Ipapakilala ko sa mundo bilang my other half. Whom will I treat as my spouse, confidante, friend, companion, sex buddy and stuff. Someone na mamahalin ko till my last breath,”

“He must be a very lucky guy,” maiksing tugon nito.

“Sobra. And I think nakita ko na sya,” dugtong pa ni Philip.

Feeling so hurt, napangiti nalang si Roj. Trying to hide his disappointment when he didn't hear Philip say he was the one he wants to spend his life with.

“Swerte nya, sana ako rin makakita na,” mahinang sagot nito.

Philip smiled. Alam nyang nagseselos ang kanyang bestfriend. He gently touched his nose, Roj smiled. Nakaramdam sya ng isang toneledang kuryente sa kanyang katawan. He doesn't know how Philip was able to make him feel real good. Infact, he was driving him crazy.

“And yes, you're one hell of a lucky guy for it's you who i've chosen to spend the rest of my life with,”

Roj got so surprised with what registered to his ears. Hindi nya napigilan ang ngumiti. Hindi lang ang labi nya ang nakangiti ng mga sandaling yon, maging ang kanyang puso. Magsasalita na sana sya nang maramdaman nya ang pagtapal ng labi ni Philip sa kanya. They were kissing already. It was intense. They could feel each others' longingness to have one another. Alam nyang iba na ang nararamdaman nila ngayon sa isa't-isa. One move, they both let go. They were both smiling after the kiss. To his surprise, he then saw Philip crying.

“Why are you crying?”

“Ma-masaya lang ako,” humihikbing sabi ni Philip.

“Ba-bakit?”

“Finally, i'm home.”

“Home?”

“Home, your heart. That's where I want to live. Noong una ay ayaw kong aminin sa sarili ko. Pero nung mga panahong hindi kita nakita, at mga panahong hindi ko alam kung nasaan ka, anong ginagawa mo, balisa ako. Dun ko napatunayan sa sarili ko na ikaw na nga talaga,” patuloy ito sa paghikbi.

“Do we feel the same?” tanong ni Roj.

Philip nodded.

“Make me one promise,” naiiyak na ring sabi ni Roj

“And that is?”

“Don't cry anymore. I'm here to make you happy. And I won't let you cry.”

Philip cried harder. Admittedly, this intimate moment made him realize how much he longed for his bestfriend. Alam nya sa sarili nya na mahal nya ito from the very beginning. He made different lovers but he knew, that it was just him, and only him.

Roj hugged him tighter. He felt his vulnerability. He knows that he appears so strong and fierce outside but when you take a deeper look inside, he's just a piece of glass that has to be handled with care for it not to break.

“I-I promise.”

“And another thing,” Roj added.

“Yes?”

“Stop your revenge, just focus on us. Alam mo kung gaano ako kaseloso,”

Philip looked at him. And took a deep breath.

“Let me just do this. I won't compromise us. That's a promise,”

Kahit na hindi talaga sya sang-ayon sa mga plano nito, he just nodded.

Muling nagtama ang kanilang mga labi. They reminisced everything that night. They both waited for something that didn't come out. Marahil ay hindi pa panahon para sa mga salitang iyon. Marahil makakapagantay pa yon sa tamang panahon.




Lumipas ang ilan pang mga buwan at naging mas maayos ang kalagayan ni Jhaspher. Tutok na tutok si Kenji sa naging progress nito. Naging maayos na ang pisikal nitong kalagayan pero hindi pa rin bumabalik ang kanyang ala-ala. Dahil na rin sa gusto nyang maalagaan pa si Jhaspher, nagpasya si Kenji na dalhin ito sa kanyang pad.

Habang lumalaon ay tila ba nahuhulog ang loob niya rito. Hindi nya alam pero napakalambing ni Jhaspher. Sa t'wing umuuwi sya galing sa trabaho ay makikita nya nalang ito na nagluluto nalang ng kanyang paboritong pagkain. May mga panahon na rin na bigla nalang sya nitong bibigyan ng masahe kapag alam nyang napapagod na ito.

Alam rin nya na palagay na ito sa kanya dahil minsan na ring nasabi nito na,

“Sana di na to matapos no? O kaya kahit bumalik na ala-ala ko, sana ganito pa rin tayo.”

Hindi nya alam ang isasagot nya nung mga panahon na yon. He just found himself feeling so happy that Jhaspher has found a new home with him.

“Kenji! Kenji!”

That brought him back to reality. Then again, he was daydreaming.

“Yes Jhaspher?”

“Nagluto na ako. Kain na tayo. Alam kong pagod ka sa trabaho ihhh.”

Ihhhh talaga dapat. At wag kayong kokontra dahil ako ang writer nito.

“Ahh, sige sige Bem.”

Napatingin sa kanya si Jhaspher.

“Si-sino si Bem? Bem ba talaga ang pangalan ko?”

Napangiti si Kenji.

“Wa-wala lang. Gusto lang kitang tawagin na Bem,” sabi nito, waring nahihiya at kinikilig na parang Highschool student.

“Bem?”

Napaangat ng ulo si Kenji.

“Sige sige. Bem nalang tawagan natin. Mukhang maganda nga yun,” nakangiting sabi nito.

Naghain na sa mesa si Jhaspher. Natapos na rin itong magsandok ng kanin maging ang ulam na niluto.

“Kainan na!” masiglang sabi ni Kenji.

Yes, Ladies and Gentlemen patay gutom po talaga siya. Chos.

“Ayyy saglit lang,” pagputol nito.

“Ba-bakit?”

“Maglolotion lang ako.”

Napataas ng kilay si Kenji.

“Alam mo lagi kang ganyan. Mula ng makarating tayo sa bahay, since day one, pansin ko na laging lotion ka ng lotion.”

“Hindi ko nga alam. Parang kusa nalang sakin na naglolotion ako lagi.”

“O sya sige. Kain na tayo.”

Things went differently on that dinner. Kenji couldn't help but wonder why Jhaspher became even sweeter. Hindi nya maipaliwanag kung bakit pero parang ramdam na that the latter was becoming more caring. Or was it just me? Hindi kaya sya lang ang nakakaramdam nito dahil na rin sa kanyang lihim na pagtangi rito?

Hindi nya na mapigil ang kanyang sarili. He wanted to ask him questions.

“Jhaspher.”

“Yes po Bem?”

“Nagtataka lang ako. Why are you doing all these to me?”

“Ang alin?”

“Ang pag-aalaga.”

Kenji blushed after saying the term. Jhaspher just looked at him.

“Nahihiya na kasi ako. After mo kong kupkupin, ang dami mo ng gastos sakin. Tapos ayun, syempre natural naman na bumawi ako sayo.”

Nakaramdam ng disappointment si Kenji pero di nya pinahalata.

“Ahhh, yun lang pala..”

“Anong ibig mong sabihin?”

“Wa-wala,”

Tumitig sa kanya si Jhaspher. Those dark brown eyes almost melted his existence.

“At isa pa, masaya at gusto ko ang ginagawa ko.”

Their eyes met.

“Gusto kong inaalagaan ka,” dugtong pa nito.

He almost fell from his seat.


Itutuloy..











Tuesday, October 23, 2012

Ang Mang-Aagaw 16




Gab was left in the coffee shop. Hindi na rin sya nakapagreact ng tama sa mga nangyari. People there were all eyeing him. Hindi nya maipaliwanag ang lungkot at galit na nararamdaman.

Why did he fool me? Akala ko ba ako lang? Then all of a sudden i'll find out that he has another guy again. Paano na ba yun?

He took his last sip. Then closed his eyes. Nakita nalang nya ang pagharurot ng sasakyan na kinalalagyan ni Roj at Philip.

“Fuck.”



“Sakay!”

Getting so furious, Roj got in the car.

He sat there, not talking. Hindi nya alam kung ano ang dapat maramdaman. Must he be happy dahil sa nakita nya muli si Philip or must he be really sad that the latter busted his plans of dating Gab? Hindi nya alam. Nakita nya nalang ang pagpasok ni Philip sa loob ng sasakyan, shutting the door.

“Kuya, sa bahay tayo,” nakangiti nitong sabi.

Naginit ang ulo ni Roj nang makita ang pagngiti ni Philip.

“What the hell did you do?”

Philip was then alarmed to hear Roj's voice. Alam nya sa tono nito ang galit. Pinilit nyang wag magpaapekto.

“Trying to save you, I suppose,” tahimik na sagot nito.

“Save me fro what?”

Ramdam pa rin ni Philip ang irita sa paraan ng pagtatanong na yon ni Roj. He drew himself closer to him and let him smell his masculine scent. Umaasa sya na tatalab yon para kumalma ang isa. Roj looked more pissed. Kinuha nya ang kamay nito. Pinilit na ilock sa kanya. Naramdaman nya ang mariin nitong pagtanggi.

“You're mad, Roj?”

“Very. I am very mad at you.”

Natahimik si Philip. Para syang nabuhusan ng malamig na tubig.

“You must not be,”

“Why?”

“Because he's not gonna love you, the way I will,”

Philip was then alarmed with what he said. Hindi nya alam ang dahilan kung bakit nalang nya biglang nasabi yon. Yun ba talaga ang nararamdaman nya? O gusto nya lang muling laruin ang litong isip ng kanyang kaibigan?

Roj was dumbfounded after hearing Philip. Pakiramdam nya ay parang nakuryente sya sa mga linyang yon. Those words sent tons of electrical waves to his system. Hindi nya na alam ang sasabihin. Pakiramdam nya sya ay nanlalambot.

“S-stop playing with me,” nauutal na sagot ni Roj.

“I ain't,” seryosong sagot ni Philip.

Nautal na si Roj. Right then and there, alam nyang lalambot na ito. Mabilis nyang kinuha ang mga kamay nito and made it locked in his. And he was right, they were now holding each others' hands.

“So who is he, Roj?”

“He-he's someone special.”

“Special. Now that's new. Becoming a retired playboy, eh?”

“I-i think so,”

Mas hinigpitan ni Philip ang pagkakahawak sa kamay ni Roj.

“Where did you meet him and why do you like him?”

Fuck. Why I was asking him these questions? Am I really interested? Am I really into my bestfriend? Philip thought

“Somewhere. I like him because he likes me,” nauutal pa rin nitong sagot.

“Drop it. You're just needy for affection.”

Napailing si Roj. Tama nga si Philip. Gusto lang nya ng affection pero hindi nya talaga alam kung kaya nyang panindigan si Gab. He knew to himself that he is a person that doesn't know what contentment is and he's a playboy but hindi lang nya maipaliwanag kung bakit parang hooked na hooked sya kay Philip. Hindi kaya ngayon lang yan pero kapag nakuha na nya ito ay mawala na rin ang matinding atraksyon?

“Because you're not giving me any,” sagot nito.

Fuck. Why did I just say that? Anong iisipin ni Philip ngayong narinig nya na I want his affection? Baka isipin nya naghahabol ako. Baka isipin nya na gusto ko sya at magpapakagago ako. Baka isipin nya na i'm playboy-no-more? That can't happen. Roj thought

Philip smiled after hearing those words. Hindi nya alam kung bakit at parang nakaramdam sya ng saya nung narinig ang mga salitang yon. Could it be that he's falling for him too? Or he likes his bestfriend so much?

“Anong hindi? I do, ikaw lang tong di namamansin,” sagot ni Philip sabay ngiti.

They both became silent. Awkward.

Fine. Fine. I have to do this. To set things straight.

Fine. Dapat malinaw to kung ano ba to.

Philip looked at Roj. Gumanti ito ng tingin sa kanya. Mas naging madiin ang pagkakakapit ng kanilang mga kamay. Dahan-dahang nilapit ni Philip ang kanyang mukha, nagtama ang kanilang mga ilong. Naamoy ni Roj ang mabangong hininga ni Philip. He felt his heart thumping so hard. Parang gustong sumabog ng kanyang dibdib sa sobrang kilig. Ganun din si Philip. Hindi na sya nakapagpigil at dumampi na ang kanyang labi kay Roj. He felt how soft those lips are.

It was a smooch. They let go. It was a sweet kiss. Nagtitigan silang dalawa. Sa hindi mapaliwanag na dahilan ay pareho silang nangiti. Pareho na sila ng nararamdaman?

Inangkla ni Roj ang kanyang mga kamay sa leeg ni Philip, making him drew closer to him. Walang pagtangging sumunod si Philip. He was making his face closer to Roj when the latter quickly pulled him and give him a kiss. This time, it was wilder yet passionate. They could feel their lips fighting. Ramdam rin nila ang kanilang mga impit na paghinga. Philip was biting his lower lips sa sobrang panggigil that brought him to a state of euphoria. The second kiss was way longer than the first one.

“Sir, nandito na po tayo sa bahay nyo,” sabi ng driver.

Nagulat sila sa narinig. They got so carried away to the point that they actually forgot that they are making out in the car.

“Ah. O-okay kuya. Sa-salamat,” nahihiyang sabi ni Philip.

Namula rin ng husto ang mukha ni Roj sa nangyari.

“Sir bababa na po ako.”

Seconds after, naiwan nalang silang dalawa sa loob ng sasakyan. They bursted a heartily laugh. Then there's silence.

“Ga-galit ka pa ba sakin, Roj?”

“Galit saan?”

“Sa-sa ginawa ko sa coffee shop with Arvin at sa ginawa ko sa coffee shop with Gab?”

Napabuntong-hininga si Roj.

“Wa-wala na tayong magagawa ron eh. Tapos na,”

Philip gave him a quick kiss on the cheeks.

“Pwede bang bumawi sayo?”

Napalunok si Roj sa narinig.

“Paanong pagbawi naman yan?”

Ngumiti sa kanya si Philip.

“At bakit ka babawi?”

“Dahil gusto ko? At gusto kitang makasama ng mas matagal?”

Nakaramdam ng kilig si Roj ngunit hindi nya pinahalata. He let a smile.

“Does that smile mean a yes?”

“I suppose,” nakangiting sagot ni Roj.

“You look more handsome when you smile. Please always do that for me,”

Nanlaki ang mata ni Roj sa narinig. Inside him, he was actually wanting to explode. Hindi nya na mapigilan ang kanyang nararamdamang kaligayahan. Finally, nakasama nya na ulit si Philip. Ang lalaking dahilan ng kanyang kalungkutan at pagkabalisa these past few days, ang kanyang bestfriend, at malamang, ang kanyang minamahal.

“Yes,” tugon nya.

“Last favor.”

“And that is?”

“Can you make some lugar for me?”

“Why?”

“I'm a bit sick. Pwede na ring magpaalaga Roj?”

“Fine,” he smiled.

Philip gave him a kiss. A sweet one.

“Nasasanay ka ng halik ng halik ha?”

“Ayaw mo ba?”

“Gu-gusto,” nauutal nyang sagot.

Philip gave him one more. Then they held each others' hands as they got in the house.




Charles kept on finding his stuff.

Shit. Where did I put that stuff? Hindi pwedeng mawala sa bulsa ko yun. Hindi pwede makita ng ibang tao yun.

He was then very mad.

Where did I put that? Alam ko nasa bulsa ko lang yun. Pero bakit ganun? Bakit wala na?

Nagisip sya sa mga nangyari. Everything went normal. Kung iisipin nya kung sino ang mga taong nakahawak sa kanyang katawan ay sila Dalisay at Philip lang yun. He remember Dalisay touching his ass commenting on how round those are. He then remembered Philip and him making out on the comfort room.

Could it be Philip? Impossible, dahil we were so hot at alam kong hindi gagawin ni Philip na kunin yun. At isa pa, wala syang idea na nagdadrugs ako.

He was already on his way home. Kahit gaano karami ng tao sa lugar na yon ay di pa magambala ang kanyang pagiisip.

Si Dalisay kaya? Pero impossible namang makuha nya yon habang hinawakan nya pwet ko? Mararamdaman ko yun.

He took a deep breath.

Hindi kaya nalaglag ko somewhere? If yes, sino ang nakakuha?

Lumiko sya papasok sa kanto malapit sa kanyang bahay. He felt a hand on his shoulder. Nagulat sya sa nakita.

“Mr.Despabiladeras?”

Nagpawis siya ng malamig. Butil-butil ito sa kanyang noo.

“Ba-bakit po?”

Bakit may pulis? Could it be?

“Gusto po sana namin kayong imbitahan sa presinto,”

“Para saan?”

“Para po sa laman ng bag na dala nyo ngayon,”

Charles looked so nervous.

“Gamit ko ang laman ng bag ko,”

“Maari po ba nating tignan?”

Binuksan ng dalawang pulis ang laman ng bag. Charles went to his knees. Puno ng shabu ang kanyang bag.

“Hi-hindi akin yan! Wala akong alam! Hindi akin yan! Maniwala kayo sakin! Naset-up ako! Naset up ako!”

“Sa presinto na po kayo magpaliwanag.”

The policemen had his arms cuffed. Sinakay na sya sa mobile.


Itutuloy..








Monday, October 22, 2012

Ang Mang-Aagaw 15


Kenji made a quick turn to the left and find himself parking at the side of Chef & Brewer in Ortigas.

With his heart thumping, he looked at his rear mirror and see himself looking so tensed and nervous.

This is not right. Maybe I need to calm down. Was it because of the incident? Sana magising agad si Jhaspher. Hindi ko naman sinasadya lahat. Hindi ko alam na may motor. God knows how careful I am as a driver.

Muli syang nagpakawala ng isang buntong-hininga. Alam nya sa sarili nya na nanghihina sya. Konsensya pa nya kung matuluyan si Jhaspher.

Isinandal nya ang kanyang likod sa upuan. Pinilit pakalmahin ang sarili. Inalis ang seatbelt at nagpakawala ng isang sigaw sa loob ng kanyang sasakyan.

Okay. I somehow felt better.

Lumabas na sya at tinungo ang restaurant. He eyed everyone inside until he saw that familiar face. Napangiti sya nang makita ito. Napuna rin nya ang mga kasama nito and he noticed that they are having a real good time.

Okay. I'll forget what happened muna and i'll enjoy this thing. Once in a while lang naman to eh.

Lumapit sya sa table na kinauupuan nila Philip. Philip was then euphoric upon seeing his little brother. Mabilis nya itong niyakap at gumanti rina ng isa in return.

“Mama Dalisay, Dhenxo, I would like you to meet Kenji. Sya yung gusto kong ma-meet nyo kanina pa,” entra ni Philip.

Dalisay gave Kenji a quick beso on the cheek. Dhenxo shook his hand. Kenji felt comfortable in an instant. The night went on and they had a couple of nice laughs. Napagusapan ang mga gagawin in the future para sa paghihiganti ni Philip. Dhenxo was feeling skeptical at nakakaramdam ng konsensya. Dalisay was worried. Kenji agreed on what Philip said. Alam nyang panahon na ito ng kanyang kuya para gumanti sa lahat ng nangloko sa kanya dati pa.

“This will be a great comeback for me,” masayang sabi ni Philip.

“Cheers!”

“Let's drink to that!,” ani Dalisay.

They shared a toast.

For Philip's anticipated victory.





Gab was feeling a bit beaten. Tama nga naman si Roj. Alam nya na ganun, na minsan nga ay sex lang talaga at walang emotional investment, pero he doesn't know what made him more hooked on Roj.

Roj made me feel so special and wanted tapos all of a sudden, he'll treat me like trash. Hindi ko sya maintindihan. I guess I have to win him again. I like Roj so much. I really do.

He grabbed his phone and started dialling Roj's number again.

Wala pang apat na ring ay may sumagot na agad sa linya.

“Roj,” mahinang sagot nito.

“Why?” halata ang pagkairita sa boses ni Roj.

“I just wanted to say Sorry for my behavior,” nahihiyang sabi ni Gab sa kabilang linya.

Napabuntong hininga si Roj. He was actually feeling low and Gab isn't the one he's expecting to call. He knows he wants Philip to call, not this guy. But somehow, the gesture was appreciated.

“Okay,” matipid nitong sagot.

Napangiti si Gab sa kabilang linya.

“Baby, does that mean we are already okay?”

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay napangiti si Roj sa narinig na endearment.

“Yes, baby,” sagot nito.

Napangiti si Roj muli. Bakit nga naman hindi nya hayaan si Gab na mahalin sya? Kailangan nya ngayon ng affection, at magkaaway sila ni Philip. Hindi rin naman sya dadamayan nito dahil napakalaki na ng pinagbago ng ugali nito. Hindi namans siguro masama kung hahayaan nya nalang ito na maging sweet sa kanya. But he has to know his limits, ofcourse.

“Baby Roj,” paglalambing ni Gab.

“Yes po?” Roj answer, sounding more calm.

“Can we meet tonight? I feel like having coffee,” kinikilig na aya nito.

“Hmmmm...”

“Please? My treat, I want to make it up. Pwedeng bumawi?”

Nadala si Roj sa lambing ni Gab. He found himself smiling. Parang eraser ang lambing nito na nagbura ng inis at kalungkutang nararamdaman nya.

“Okay.”

“Sige sige. Maliligo na ako. Sa dati tayo.”

“See you in an hour.”

The call ended.






Nakarating ng maayos si Philip at Kenji sa ospital. Mabilis silang pumunta sa kwartong kinalalagyan ni Jhaspher.

“Kuya, sya yung nabangga ko.”

Napabuntong-hininga si Philip.

“What the hell had happened ba? Was it your fault?”

“I made a sudden right sa kalsada and then sumalubong sya. Ayun, late na para makapagpreno agad, I saw his body wala ng malay. Ang bilis ng mga pangyayari.”

“It's no your fault, techinically. At kung susumahin sya pa ang dapat magbayad sa damage na ginawa nya sa isa mo pang car. But yes, buhay ang usapan dito sa let's disregard the money thingy.”

“It's not about the money kuya. I don't care. Dapat mabuhay sya.”

Napangiti si Philip. Mabilis nitong ginulo ang buhok ni Kenji, naglalambing.

“You're not into people Kenji.”

“What do you mean Kuya?”

Muli itong ngumiti.

“Dalawang bagay. It's just concerned ka lang talaga or gusto mo tong lalaking to,” malisyosong sabi ni Philip.

The statement caught Kenji off-guard.

“Pero infairness, cute tong nabangga mo ha? Medyo moreno tapos nakabraces. Pwede na,” pagbibiro ni Philip.

Kenji flushed in deep red.

“Ku-kuya talaga!”

Philip chuckled.

“Fine. Fine. I'll help. Anong plano mo sa kanya?”

“I-I actually don't know. Ang mahalaga as of now eh dapat magkamalay na sya.”

“He'll be fine. Don't think too much,” there's assurance in Philip's tone.

“Sana nga kuya. Sana nga po.”

Yumakap si Kenji kay Philip. Ah, yes. Hindi nya alam ang kanyang gagawin without his kuya. Nakaramdam sya ng kapanatagan at security. Alam nyang hindi sya nito papabayaan. Kasabay ng pagkalmang iyon ay ang pagsuri nya kay Jhaspher. Tama ang kanyang Kuya Philip, gwapo nga ito. At nangangamba syang tama ulit ang kanyang kuya na gusto nya ito, sya ay napabuntong hininga.

“I better get going, Kenji. Inaantok na ako. I might get some coffee first.”

“Ingat ka kuya.”

Muli silang nagyakap. Philip gave the kid a sweet kiss on his forehead. Ilang segundo pa ay nawala na sa paningin ni Kenji ang kanyang kuya. He was then left alone with the still, unconscious Jhaspher.

Umupo sya sa tabi nito, pinagmasdan ang maamo nitong mukha at sa hindi malamang dahilan ay hinawakan nya ang kamay nito. Ramdam nya ang lambot ng mga kamay na yon, at hindi nya alam kung bakit hindi nya ito mabitawan.

“Sana magising ka na Jhaspher. Hindi ko sadya yung nangyari. Nagulat nalang ako may motor at nabangga na kita. Sorry, pero wala talaga akong alam.”

Muli syang napabuntong-hininga. Inangat nya ang kanyang tingin at nakita nyang nakadilat na si Jhaspher.

“Gising ka na! Gising ka na!”

Jhaspher remained silent. Nanatili lang itong nakatingin sa kanya.

“Nurse! Nurse! Gising na si Jhaspher! Nurse!

“Na-nasaan ako?”





Philip was seated comfortably at the back of his black car. Nakaramdam na sya ng pagod sa haba ng araw na hinarap nya. He had to report in his office and submit all requirements before the deadline.

Ang hirap maging busy. Buti nalang I still find time for precious people in my life.

Matapos magflash ng term na precious sa kanyang utak ay naalala nya ang kanyang bestfriend na si Roj.

Kamusta na kaya yun? Is he doing okay? Ano na kayang balita sa kanya? I kinda miss him.

Ah yeah. Atlast, naamin rin ni Philip sa kanyang sarili na namimiss nya ang kanyang bestfriend. Pero bakit nga ba? Ano ba ang dahilan at namimiss nya ito?

Oh well.

He instantly reached for his phone and dialled Roj's number.

I know he's still mad at me. Maybe it's about time na suyuin ko na sya ulit? I think...

No one answered.

He dialled the number again.

C'mon. Answer the phone. Maiinis na naman ako kapag di mo sinagot.

Then again, no one answered.

Fine.

“Kuya, park ka dyan sa coffee shop. Let's buy coffee.”

“Sir Philip ano pong coffee ang bibilhin ko?”

“Ahh Kuya ako na po. Just wait for me here nalang.”

Bumaba sya ng sasakyan at pumasok sa loob ng coffee shop along the way.

The smell of roasted coffee beans tickled his senses. Pakiramdam nya ay nabuhay syang muli sa nakakarelax na amoy nito. He eyed everyone in the coffee shop, wala pang sampu ang tao. But there was a couple na talaga namang kinagulat nya. It was Roj.

He then saw Roj with a guy with braces. Philip felt so pissed. Hindi nya namalayan na mabilis na pala syang naglalakad patungo sa kinalalagyan ng dalawa.

Roj then saw him approaching. Roj felt surprised, at the same time, nervous. Gab became clueless.

“Phi-Philip?”

Philip then grabbed the chair and sat in front of them.

“Baby,” sagot ni Philip.

Gab looked alarmed with what he heard.

“I'm sorry, Baby. Si-sino sya?” nauutal nitong tanong.

“Ohh. Baby? Baby ang tawagan nyo rin?”

Roj looked confused. Namutla rin ito.

“Philip stop it!”

“I won't stop Roj. Ang sabi mo sakin di ka na mangangaliwa? Tapos ngayon? Eto na naman?”

Nagulat si Gab at Roj sa narinig. Gab looked so angry.

“What does this mean? At sino kang putangina ka?” galit na sabi ni Gab.

“Philip stop toying me!”

“Putangina ka rin baklang parang espasol na may barbed wire sa nguso. If you don't know who the hell I am, ako lang naman ang boyfriend nyang lalaking kasama mo. You got that?”

Philip snapped.

Nangilid ang luha ni Gab.

“Anong ibig sabihin nito Roj?”

Before Roj could start speaking, Philip cut him off..

“Ang ibig sabihin lang nyan ay umuwi ka na at wag na wag na wag ka nang magpaparamdam at lalandi sa boyfriend ko. Did you understand?”

Gab and Roj were speechless.

Philip grabbed Roj by the arm.

“Let's go.”

Bago sila umalis ay tumingin muli si Philip kay Gab at nagtaas ng kilay.

“Don't dare bad mouth me again. Do it again and i'll make sure abo na ang bahay na uuwian mo.”

Philip dragged Roj out of the coffee shop. Nakalimutan nyang bibili pala sya ng kape.

I t u t u l o y . . .

Tuesday, October 9, 2012

Ang Mang-Aagaw 14

“Ang tagal ha!” singhal ni Dalisay habang patuloy na naghihintay sa loob ng restaurant.

Napalakas yata ang kanyang sinabi kaya't nagtinginan ang mga tao sa kanya.

Sya ay nagtaas ng kilay.

“And why are you looking at me? All of you! Get out!”

Mas nagulat ang mga tao sa kanyang sinabi. All eyes are glued on her. Pakiramdam nya ay para syang hinuhusgahan.

“Joke lang. Kayo naman mga friends, keme lang yun.”

Binaling nalang nya ang kanyang tingin sa labas. Binilang ang mga nagdaang mga kotse. Makalipas ang limang minuto ay wala pa rin ni isa sa kanyang mga kasama. She grabbed her cellphone and dialled Dhenxo's number. It was out of coverage.

She started feeling irritated.

Imbyernadette Sembrano. Ang tagal naman ng mga beki. Kumuda pa kaya?

Pinilit nyang kumalma. Alam nyang maari syang makadama ng sobrang stress kung iisipin pa nya ang pagiging late ng kanyang mga kasama.

Ilang segundo pa ay nakita na nya ang humahangos na si Dhenxo. Kita ang pagkabagabag sa mukha nito. Mabilis sya nitong niyakap.

“Anong problema Dhenxo?”

Rinig ni Dalisay ang paghinga nito. Iregular.

“Okay. Kalma lang Dhenxo. Kalma okay?”

“Mama. Tama ang hinala natin.”

“Tungkol saan?”

There goes Philip. Masaya itong lumapit sa dalawa at binigyan ang mga ito ng isang halik sa pisngi. Naputol ang kanilang pag-uusap. Nagbigayan silang dalawa ng mga makabuluhang tingin. Pinilit kumalma ni Dhenxo.

“Sorry, I'm late. Medyo natraffic lang,” magiliw na bati ni Philip sa dalawa.

“A-ayos lang. Kakarating lang nga halos nitong si Dhenxo,” sagot ni Dalisay.

“Shall we order?”

“Not until you tell me why Charles is not here. Anong ginawa mo sa kanya ha?” nang-aasar na sagot ni Dalisay.

Nanatiling tahimik si Dhenxo. Nakikinig lang sa usapan ng dalawa.

“You haven't seen him yet? He's actually here Mama D. He'd take our order.”

“Ohhh. Now that's interesting.”

Philip gave him a wink. She then saw Charles walking their way. He looked in pain. Nagtaka si Dalisay.

Why does Charles look like in pain? I mean body pain? If he went to the gym, hindi ganyan ang mukha nya. Mukha syang namimilipit.

“Hello. I'm gonna take your order now.”

“Not too cordial, Honey,” sabat ni Philip sabay hipo sa crotch ni Charles.

Huli na para makaiwas si Charles. Nadakma ni Philip iyon at Dalisay started giggling, natawa nalang rin si Dhenxo sa nakita.

“Kuya ang wild mo,” sabat nito.

Nangiti si Philip.

“If only you know what we did last time. Right honey?” Baling nito kay Charles.

“Naughty, honey,” pagsagot nito sa kanyang mga patutsada.

“Give us the same set. And I want you to sit with us here. You understand?” there's authority in Philip's voice.

“I can't. Maraming tao. I have to command my people,” magiliw na sabi ni Charles.

“Well, just go on our table once in a while, Charles. It'd be great to talk to you,” ani Dalisay.

Muli itong ngumiti sa kanya. He then headed to the kitchen. Philip eyed him heading to the comfort room. Muling pumasok ang kalokohan sa isip nito.

“I have to use the powder room.”

Ngiti ang tugon ni Dhenxo dito.

“Go,” sagot ni Dalisay.

He hurriedly went to the comfort room. Nakita nyang nagchecheck ng mga urinals si Charles. Maybe checking if all were clean. Nabigla si Charles nang makita sya. He grinned.

“What are you thinking?” kabado ang tono nito.

“Doing what we want,” malanding sabi nito.

He then grabbed Charles by the neck and started kissing him. Mas kabado si Charles dahil baka may makakita sa kanila but he was too aroused to think. Philip was wy too aggressive. Alam nyang nadadala nya si Charles sa mga halik na kanyang pinapalasap dito.

Pinilit kumalas ni Charles, his face painted in deep red.

“Not now, Philip. Please,” pakiusap nito.

“Your hard-on can no longer wait, honey,” sabat ni Philip sabay dakma sa harap ni Charles.

Mabilis na natanggal ni Charles ang kamay ni Philip. Mabilis na inilagay ni Philip ang kanyang kamay sa pwitan nito. Pinisil nya ang mga ito. Hindi namalayan ni Charles na may nalaglag mula sa kanyang bulsa.

“I-i have to go,” nagmamadaling sabi nito.

Mabilis itong lumabas sa banyo at naiwan si Philip mag-isa. Napangiti nalang sya sa kalokohang ginagawa nya para lang makaganti.

I'm so much willing to do everything para lang makaganti.

Aksidenteng tumama ang kanyang mata sa sahig at nakita ang isang pakete. Mabilis nyang dinampot ito. Nanlaki ang mata sa nakita. Napangiti syang muli. Hindi nya inaasahan na mas mapapadali ang ganting gagawin nya rito.

Sinong mag-iisip na mas mapapadali lahat to?

Nakangiti syang lumabas ng banyo.





“Doc, kamusta na po sya?”

“Still unconscious.”

“Ka-kailan po sya magigising?”

“We are monitoring him still, Mr.Oya. Masyadong malakas ang impact nang tumama ang kanyang ulo,” mahinahong paliwanag nito.

Napabuntong hininga si Kenji sa narinig. He tried looking for identification sa kanyang nabangga. Tanging Company ID lang ang meron ito. Jhaspher Jocson. Tinawagan nya ang mga numero sa ID nito at napagalaman nya na ulilang lubos na ito kaya wala syang matawagan na immediate family.

“I'll take full responsibility of everything, Doc. Wala na akong makontak na kamag-anak nya. I guess alagain ko sya hanggang sa maging totally recovered na sya.”

Tumango ang doctor.

“Doc, i'll be leaving my number sa mga nurses. May importante lang akong aayusin at mabilis akong babalik dito.”

“Sige Mr.Oya. Ibibigay namin lahat ng gamot na kakailanganin at mga tests na kailan pa nyang tapusin. Then i'll give you an update.”

Sila ay nagkamay. Mabilis nyang tinungo ang parking lot at nagmaneho papunta sa restaurant na pinag-usapan nila ni Philip.

Mabilis nyang tinawagan si Philip.

“Kuya, I'm on my way. May nabangga ako. And I need help Kuya,” naiiyak na sabi nito.

“What? Sino ang nabangga mo? Saang ospital yan?”

“Kuya iniwan ko sya. Babalikan ko mamaya. Papunta na ako sa usapan natin. Kailangan ko ng tulong,” sagot nito.

“Sige sige. Be quick.”

“Thanks Kuya.”





“Nakabangga raw ang isa ko pang alaga. Pero papunta na raw sya,” pagkuha ng atensyon ni Philip sa nakatulalang si Dalisay.

“Sino Kuya?” tanong ni Dhenxo.

“Someone you'll meet later.”

Dinukot ni Philip ang napulot na plastik sa banyo at palihim na inabot kay Dalisay.

“Mama D, can you tell me what this thing is?”

Sinuri ni Dalisay ang laman ng plastik at labis itong nagulat.

“Zsazsa? Nagsazsazsa ka?”

“Not me, Mama.”

“Shabu to Philip,” naging mas mahina ang boses nito.

Nagulat si Dhenxo.

“Hindi sakin yan Mama. Guess kung kanino galing?”

“No idea.”

“Kay Charles.”

“He's using it?” nagtatakang tanong ni Dhenxo.

Philip nodded.

“Sana nga nagaassume lang ako. Pero nung hinawakan ko yung likod nya eh biglang lumaglag yang plastic na yan? Di na nya ata namalayan,” mahinahong sabi nito.

“Jesus Christ. Don't go near him anymore, Philip. He might be a very dangerous guy.”

“Kuya, stay away from him.”

Umiling si Philip.

“I won't. I'll use this as a bait.”

Napangiti siya sa kanyang sinabi.

Napailing muli si Dalisay.

Itutuloy...