Project Popular
Episode 1: “We’re different”
Written by Rogue Mercado
Author's Note: Hello ho! Rogue Mercado po uli ito. Malamang sa mga nakakakilala sakin at mga nakakabasa ng aking mga munting akda ilang taon na ang nakakaraan eh inis na kayo sa akin. Sa mga patuloy po na nagtatanong kung bakit wala pang karugtong ang The Accidental Crossdresser and Way Back Into Love Book 2 marapat lamang po na bisitahin ang link na ito: http://roguemercado.blogspot.com/2015/11/why-stories-accidental-crossdresser-way.html
para sa aking pagpapaliwanag. Kasabay rin ng paliwanag na iyan ang dahilan kung bakit magsisimula akong muli sa panibagong kwento na ito
Sa mga hindi naman nakakakilala, yes!!! Kidding. Ako po ay isang baguhang manunulat lamang at ito po ay isang akdang nais kong tapusin gaya ng Way Back Into Love. Kung kayo po ay may libreng oras ay maari niyo pong basahin ang kwento kong ito.
Salamat ho!
Facebook: https://www.facebook.com/rogue.mercado
***************
June 2015
“As the usual part of the first day in school, I would like
to officially welcome you all to St. Lawrence Academy. The one and only high
caliber secondary school here in Bicol. I’m Mrs. Teresa Antonio and I will be
your class adviser for 1-Rizal. And yes we’re called section one because you
people are the brightest and richest? I’m kidding. Haha. You’re the cream of
the crop so welcome.”
Lenard Bismonte was at the middle part of the classroom.
Hinayaan niyang magbunganga ang nagpapakilalang adviser nila bilang freshmen ng
St. Lawrence Academy. Mahirap para sa kanya ang makibagay o makihalo sa lahat
ng mga kaklase niya dahil hindi siya nakauniporme tulad ng karamihan.
Pinili niyang magsuot ng ladies skinny jeans at disenteng
pantaas na walang bahid ng pagiging brusko. When he stared his reflection ay
para siyang napalundag sa tuwa ng makita niyang mukha siyang mayora ng kanilang
siyudad. Kaya ngayin hindi niya maiwasan na mapatingin ng diretso o ibaba
habang nakikita niya ang mga mata ng kanyang mga kaklase at ang mga bulungan ng
mga ito.
“Tol, tingnan mo o may
chic sa harapan”
“Ulol, ano ang chic
diyan. Eh yung dyoga niyan baka yung nabibiling siopao sa canteen.”
“Who’s that? I mean,
are we even allowed to crossdress here? I thought St. Lawrence is a Catholic
school.”
“Oo nga no? How come
they allowed such student to be enrolled here. Diba dapat kinikick out yang
ganyan?”
“Alam mo okay lang
naman sana magdamit pambabae basta yung… alam mo yun. Yung bagay mo. Kasi this
is just soooooo trying hard.”
Sa sobrang ritmo ng mga naririnig niyang halakhakan at side
comments patungkol sa kanya. Hindi na mawari pa ni Lenard kung ang intension ay
kutyain siya o gawin siyang mas mababa sa tao.
Napangiti na lamang siya. His so-called classmate don’t know
what he’s about to say.
“So, people. I already introduced myself. I would like to
know everyone. I can’t promise to memorize everyone’s name but I’ll try my best
as your class adviser. So, people…
volunteer? Anyone from the class?”
Agad na itinaas ni Lenard ang kanyang kamay at iwinagayway
ang kuko na may violet nail polish.
“Yes, Mr.?” tanong ni Mrs. Antonio sa kanya.
“Bismonte.” Maikli niyang sagot.
“Okay, Mr. Bismonte. You may proceed in front and tell us
something about yourself.”
Tumayo siya mula sa kinauupuan at agad na narinig niya ang
mas pinalakas pang bulungan at pasimple hagikhikan ng buong klase. May
nagtangka pa ngang sumipol at sinundan ito ng kantiyawan ng mga lalaki na nasa
likod.
Hinarap ni Lenard ang buong klase. Bumuntong hininga siya at
saka nagsalita.
“Hello everyone. My name is Lenard. Lenard Bismonte.
Maybe…uhm. Maybe I doesn’t have to tell you what about me. Right? Cause Im
thinking you judged me already na eh. Because of what I wears today? Right? I
can sure you that I’m different from those people in the Parlor. Right? Cause I
have a lot of money. My parents. And I decides to stand my outfit. That’s all,
thank you.”
“HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHHAHA”
Pulos tawanan at hagikhikan lang yata ang naririnig niya
matapos ang kanyang sagot na pinagiisipan pa niya pang mabuti kanina. Matapos
ang halakhakan ay narinig niya ang mga ito na may iba iba ng pasaring ngayon.
“Girl, ano ba. Ayusin
mo muna grammar mo bago mo baguhin ang dresscode ng school.”
“He said he’s a
Bismonte right? Akala ko ba matatalino ang mga Bismonte? Haha”
“He literally talks
like that person from a parlor which my mom is a patron.”
Subalit hindi natinag si Lenard sa mga sinabi ng kanyang mga
kaklase. Taas noo pa rin siyang bumalik sa kanyang upuan at plinaster sa mukha
niya ang 24-teeth smile na ilang beses niyang pinagaralan sa mga beauty
pageant.
“Makikita niyo,
babaguhin ko ang mga opinion niyo sa akin.” pangako niya sa sarili habang unti-unti na niyang
pinaplano ang mga susunod na gagawin sa prestihiyosong paaralan ng St.
Lawrence.
[][][][][][]
Matapos ang pasabog ng sa tingin niya ay magiging kaklase
niya sa kanyang buhay high school ay nakayuko lang si Arjay Nopre sa
pinakadulong bahagi ng classroom. Katabi niya ang mga naitambak na lumang
projects ng mga estudyante noon. Kung mabibigyan nga siya ng tsansa ay gusto
niyang maging bahagi ng mga alikabok sa katabi niyang tambakan dahil
binabalutan na siya ng hiya sa mga pagkakataong ganito na kailangan niyang
magsalita sa harapan ng maraming tao. Kahit pa maturingan na kaklase niya na ang
mga ito.
Mas lalo pa yata siyang nahiya para sa Lenard Bismonte na
nagpakilala dahil nabilang niya ang mga grammar lapses nito. Ayon sa kanyang mga narinig, maganda ang
gustong sabihin ni Lenard kung sana lang ay inayos nito ang kanyang mga ‘verb
tenses’ pati na rin ang kaunting issue nito sa ‘subject and verb agreement’. Naisip
naman niya na gusto lang talaga ni Lenard na panindigan kung ano ang suot niya
at gusto nitong ipabatid na ito siya at wala silang magagawa.
Gusto sana niyang kampihan at ipagtanggol si Lenard pero
naalala niya bigla ang sinabi ng nanay niya sa kanya bago siya umalis sa bahay
nilang malapit ng dumapa sa lupa.
“Nay punta na po ako sa
school.” paalam ni Arjay ng lumabas siya ng bahay at naabutan ang nanay na
inaasikaso ang palabada.
“Okay, nak. Don’t
forget to blend in ha? I don’t want you to be friends with people who would
just make your high school life complicated. Remember, the only goal is to for you
to graduate smoothly. Give me good grades and that’s it? Alright? You don’t
need social life or what nots.”
Kahit sino ay
mapapataas ang kilay kung maririnig ang kanyang nanay. Kung makapagsalita kasi
ito ay para itong principal, diktador, o pinuno ng Katipunan sa sobrang
strikto. Sinanay din nito na kapag silang dalawa lang ang naguusap ay 90%
English ang kanilang wika. Wala naming problema ito sa nanay niya dahil English
Major ito nung nagkolehiyo. Yun nga lang ay hindi na natapos dahil dumating siya
sa eksena.
“Yes nay. Everything is
noted.” Sagot niya pagkatapos ay nagdahan dahan na siyang umalis.
Gaya ng inaasahan ay
may pahabol pa itong paalala.
“And, Arjay. Please, go
on a diet? Don’t eat lunch at school if that would help. It would also help me
in financing your daily allowance. Okay?”
“Yes nay.” Maikli
niyang sagot at kumaripas na siya ng takbo habang tumatalbog talbog ang kanyang
bilbil papalabas ng bahay nila.
Bumalik ang huwisyo niya ng pagmasdan niya uli ang kabuuan ng
classroom nila. Unang taon pa lang niya sa St. Lawrence Academy. Marami pa
siyang bubunuin. Pero siguro susundin niya ang nanay niya na huwag
makipagkaibigan at magpakasubsob lang sa pagaaral.
Palihim na tiningnan ni Arjay ang repleksyon sa maliit na
salamin na nasa likod ng kanyang
notebook. Liban sa mataba niyang mukha, double chin at kaunting pimples. Hindi
na niya tiningnan pa ang bilbil niya na magiging sanhi pa yata ng pagputok ng
kanyang polo.
“Sino ba ang gustong
makipagkaibigan sa’kin?” Tanong niya sa repleksyon niya.
Dumako ang tingin ni Arjay sa upuan ni Lenard. Matapos ang
limang segundo ay umiling iling siya.
Mali yata na pangarapin na kaibiganin ang isang transgender
na tampulan ng tukso sa silid aralan.
“Blend in, Arjay. Blend
in.” paalala niya uli sa sarili.
[][][][][][]
“Ang aga
yata ng practice mo bro para magbutterfly stroke. Kaya ka laging star player
eh.”
Narinig
niyang may nagsalita mula sa kanang bahagi ng pool. Nang makaahon siya sa
bandang dulo ng pool ay inalis niya ang kanyang eye goggles at tuluyang umahon
sa swimming pool at nagpunas ng katawan. Lumapit naman ang mayari ng boses at
hindi na siya nagtaka na niyakap siya nito. Parehas pa silang naka swimming
trunks kaya medyo naramdaman niya ang bukol ni ka-teammate niya. Alam niya ang
gustong mangyari ni Gabriel.
“Gab, ano
ba. Baka may makakita satin.” Pigil na pigil niyang sigaw dito at
nagmasid-masid siya swimming pool area.
“Ang arte mo
naman, Avila eh. Parang hindi mo ginawa to ng maraming beses last year. Taena,
nilunok mo nga lahat eh kada session natin.”
“Shit Gab,
pwede ba. That was last year.. Okay? Last year. I’m done with.. with… with
doing that.”
“Avila, wala
akong pakialam sa nararamdaman mo. Basta ang alam ko nililibog ako. Shall we go
to the locker dahil wala pang tao or shall I tell the biggest secret na nasa
closet ang pinakagwapo.. at pinakamagaling na swimmer ng St. Lawrence?”
Ralph
Anthony Avila was so helpless na hinayaan na lang niyang hilahin siya ni
Gabriel papunta locker room. Next thing he knew, he was kneeling and giving the
guy an oral pleasure.
It took him
5 minutes to make the guy reach his climax. Nang matapos ito ay hingal na
hingal na sumandal si Gabriel sa isa mga locker at napapangiti na bumaling sa
kanya.
“Wala ka pa
ring kupas Avila. Sarap men. Totoo nga sabi nila na masarap chumupa ang bakla.
Haha.”
“Can you
shut the fuck up? You got what you want. Can you just go and stop the name
calling?”
“Relax….Avila.Wala
kang chill eh. But I can’t go. Punta muna ako sa pool at magbabakasakaling
maging mas magaling ako sa iyo eh. Galing mo sumipsip este sumisid…….bro”
Natatawang
iniwan siya ni Gabriel at nagtungo nga ito sa pool. Napagdesisyunan naman
niyang magbihis agad-agad at lumabas ng locker room. Gusto niyang ibaling ang
inis kay Gab sa pagmamasid masid sa campus.
Unang araw pa lang naman ng pasukan.
Papalabas na
sana siya ng locker room ng biglang bumulaga sa kanya si Kaye. Isa sa mga sikat
rin na estudyante sa St. Larence Academy.
“Kaye, anong
ginagawa mo ditto?” tanong ni Ralph ng
makita ang babe.
“See babe,
you forgot na to fetch me. Diba dapat sabay tayong pupunta ng school? Tampon a
ko. Hmft” nakalabi na sagot nito sa tanong niya.
“Yeah, I forgot. You’re my girlfriend
Kaye. Shit.” Pinagalitan niya ang sarili.
***************
6 Months Earlier
Nov 2015
“OMG, Arjay.
Bilisan mo please!!!!” humihiyaw si Lenard habang lumalayo ang distansiya niya
kay Arjay.
Kung bakit
pa kasi ay hindi na natutong magkontrol ng pagkain si Arjay. Pero ang sitwasyon
nila ngayon ay hindi ang tamang oras para sisihin ang maling diet ni Arjay. O
sisihin ang kanyang heels at bakit ito ang ginagamit niya sa pagtakbo.
“Fuck, you
two. Bilisan niyo!!!” humiyaw naman si Ralph kay Lenard at Arjay.
“Eto na nga
binibilisan ko na!!! Oh no, yung pedicure ko. Kakagawa niya lang kanina.”
Hinaing ni Lenard
“Can you
please, stop with the stupid pedicure Lenard. Tumakbo ka na lang.” galit ng tugon ni Ralph kay Lenard
“Aray!!!!” biglang sigaw ni Arjay dahilan para mapalingon
si Ralph at Lenard sa kanya.
Agad naming
sumaklolo ang dalawa sa nadapang kaibigan ngunit hindi tinanggap ni Arjay ang
kanilang kamay.
“Sige na
tumakbo na kayo. Ako na bahala dito.” Utos niya sa dalawa.
“Arjay, ano
ba? Girl, bilis na andyan na sila,. Ano ba pinagsasabi mo?” gumagaralgal na
sagot ni Lenard na hindi alam ang uunahin sa pagalalay o pagtanggal ng kanyang
heels.
“Arjay
please, just get up and let’s friggin go.” Tuliro na rin na pagkumbinse ni
Ralph kay Arjay.
“Guys, trust
me. We’re different right? That’s why they’re doing this. And I know, Im smart.
That’s the best thing I do. Kaya please, hayaan niyo na ko. Tumakbo na kayo.”
Suddenly
they heard a loud gunshot. Walang nagawa si Lenard at Ralph kundi ang tumango
at yakapin si Arjay habang nakasandal ito sa paanan ng puno.
To Be
Continued…
No comments:
Post a Comment