Author's Note: Hello :) So, eto na po ang part seven. Medyo maikli lang po kasi rush hour na nagawa... Part 8 will be posted NEXT WEEK. And, may isa pa po akong series na ipupublish. 'Yon po, siguradong tapos na :) So wait for it
Eto na nga, di ko na papatagalin. Here's Part Seven, Enjoy Reading!
Leave your comments below :) Thank you for reading!
Part Seven
Six
months has already passed since that party.
Wala
namang nagbago. Ganon parin ang pakikitungo ng bawat isa. Mas naging close pa
nga lalo. Tulad nalng every weekends. We always make sure na gagala kami or
whatever. Hangout lang kumbaga.
For
me, masaya ako. Nakahanap kasi ako ng mga bagong kaibigan. Kalog din naman
sila. And I'm really happy for that.
Si
Matthew?
Uhm...
may konting nagbago. Mas protective. Much closer. Pero iba yung pagiging closer
at protective niya sakin kesa dati. Dati kasi, ako minsan ang priority niya. I
mean, oo walang 'kami', bestfriends lang. Pero, basta! Minsan, nakikita ko
siyang may kasamang iba na dapat ako naman ang kasama niya. Minsan naman, ayos
kami. Tapos biglang magbabago yung mood niya pag kasama ko. Ewan ko ba dun.
Napaka labo!
"Brian, ganyan talaga ang mga tao..
Walang permanente na mag si-stay sa buhay mo, bukod sa pamilya mo..." sabi
ni Ate minsang nag-open up ko sakanya yung tungkol kay Matthew.
"Pero Ate, bakit ganun? Oo, let's say,
nagbabago nga siya, pero ang hindi ko maintindihan eh kung bakit napaka
protective nun?!"
"Protective? Hmmmm... Siguro kasi ayaw
niyang makuha ka ng iba? Nagiging selfish?" sabi ni Ate
"Pero pag magkasama naman kami, mas
naging close siya kesa dati..." sabi ko naman
"Eh, ayaw mo nun?! Close na kayo nung
bestfriend slash crush slash mahal mo?!" sarkastikong sagot ni Ate
"Ate, seryoso ako... Tsaka iba kasi yung
pagiging close niya sakin... Parang---" naputol ang sagot ko nang pumasok
si Kuya sa kwarto ko at sumali
"Parang jowa ba?" sabat ni Kuya
"O----Oo eh..." malungkot kong
tugon
"Ayaw mo nun? Special tingin niya
sayo!" masayang sambit ng dalawang kapatid ko.
"Ayaw ko din naman na balang araw eh
hanap hanapin ko yung ginagawa niya..."
"Hmmm... wait... Baka naman obsessed na
sayo yan?" sabi ni Kuya
"Oo nga... kasi tignan mo, mas
protective sayo... Mas closer..." pag sang ayon ni Ate
"Obsessed?" tanong kong muli
"Oo nga! Paulit-ulit? Parrot lang?"
pabirong sabi ng Ate ko. Bahagya naman akong napatawa.
"Ate, pano magiging obsessed yun, eh
minsan nga lumalayo sakin yun? Tsaka may nililigawan siya 'no..."
"Wow ah... Ang gulo ha..." sabi ni
Kuya
"Ako din Kuya... naguguluhan na..."
"Hintayin mo... Baka in love sayo yan
kaya ganyan..." huling sabi ni Kuya
Months
passed again. Ang bilis 'no? Mas lalo akong nagulumihanan. Char! Mas lalo akong
naguluhan sa mga nangyayari. Totoo nga ang mga sinabi nila Kuya Walter at Ate
Sarah.
Selfishness.
Hindi
niya na ako pinapasama sa mga lakad ng tropa. Pahirapan pa minsan para maka
takas lang sa kanya. Kulang kakontsabahin ko lahat ng taong pwede niyang
pagtanungan para hindi niya ako makita eh, gagawin ko talaga.
Obsessed.
Minsan,
nako, gusto niya kaming dalawa lang ang magkasama. Tapos, kapag ako nagyayaya
sakanya, ayaw niya. Honggulo!
Napansin
din yun ng tropa. Kinausap na nila si Matthew minsan pero wala silang nagawa.
Ako: Ang hirap ng sitwasyon ko Bes...
Text
ko kay Ian nang minsang magkatext kami. Isa siya sa pwede kong takbuhan sa
ganitong sitwasyon.
Ian: Ano ba nangyayari sayo jan ngayon Bes?
Ako: Hmmm... I have this new bestfriend
kasi...
Ian: Pinagpalit mo na ko?! :( Grabe ka Bes :(
Ako: Hindi 'no! Ikaw ang pinaka bestfriend ko
kaya...
Ian: Alam ko naman yun... Joke lang :) Oh
tapos?
Ako: He's very protective and close to me...
to the point na nagiging selfish na siya at obsessed...
Ian: Buti naman kung ganon... Kaso, selfish
and obsessed? Bigyan mo nalang ng konting distance... Oh kaya, prangkahin mo,
na nasasakal ka na....
Ako: Pero Bes... Hindi ko kaya...
Ian: Eh kung ginagawa mo muna? Tsaka,
distance lang... Kahit konti...
Ako: Eh... Basta!
Ian: 'Ta mo 'to... Hihingi ka ng advice tapos
ayaw mo namang gawin...
Ako: Basta Bes...
Ian: Nakooo... I smell something fishy...
Inlove ka no...
Ako: Parang ganun na nga :(
Ian: Oh eh bakit ka malungkot? Sabi na eh...
Ako: :(
Ian: Magkita tayo bukas :) Alam mo na kung
saan :)
Buti
nalang Saturday ngayon. Hindi naman kami nahirapang magkakitaan.
Napagdesisyonan namin na sa isang fastfood chain kumain for lunch, at the same
time, makapag usap na din.
Matapos
umorder, nagkamustahan muna kami. Kwentuhan tungkol sa school, family, new
friends, pure randomness.
"Alam mo Bes.. you should decide..."
pag iba ni Ian sa topic
"Para saan naman?"
"Dapat, sabihin mo na jan kay bestfriend
ang nararamdaman mo..."
"Ayos ka lang? Baka mawala pa friendship
namin..."
"Eh bakit tayo, nung sinabi mo sakin
yung feelings mo, hindi naman ako lumayo, tignan mo,
magkasama parin tayo ngayon.."
May point ka jan
Bes...
"Ang pangalan mo, Ian... Siya, ang
pangalan niya, Matthew... Magkaiba po kaya kayo..."
"Look ha... Nagpapakita siya ng motibo
sayo. He's protective and closer sabi mo..."
"Well, may point ka jan... Pero, what
if, wala naman pala. Misunderstanding lang?"
"Edi wala... Ang sayo lang naman, masabi
mo lang. Tapos."
"Eh pano ku---"
"Eh pano kung i-try mo muna? Kumain na
nga muna tayo..."
Matthew
"Karl, I can't handle this anymore..."
sabi ko kay Karl habang hinihintay ang
professor namin
"Pare, kung ako sayo, sabihin mo na
yan..."
"What if, we don't have the same
feelings?"
"P're, walang mawawala if you'll try...
Tsaka, di mo ba napapansin?"
"Ang alin?"
"Manhid ka ba o bulag lang o tanga lang
talaga since birth? Halata naman na may gusto sayo si Brian eh..."
Napapansin ko nga din yun... Pero,
hindi ko naman binibigyan ng meaning yung mga ginagawa niya for me 'no...
"Okay sige... I have a plan..."
huli kong sabi dahil sa pagdating ng Prof naming si Sir Dimailig
One
time habang lunch namin...
"Tol, anjan na si Brian... Diskartehan
mo na..." sabi sa akin ni Karl nang makita niyang pumasok na sa Cafeteria
si Brian
"O sige..."
Nilapitan
ko na...
"Oh Matthew, ikaw pala..." bungad
ni Brian
Brian, Brian, Brian, ARGH!
Please Matthew, wag kang kikiligin
or blush or anything...
"Pwede bang makisabay kumain?" sabi
ko sakanya
"Oo naman... ano ba sayo? Hanap ka
nalang ng upuan natin... ako na bibili..."
"Chips nalang sakin..."
Humanap
na ako ng uupuan namin. Dun kami banda sa may sulok. Maya-maya pa, nakita ko ng
lumalapit siya.
Eto na Matthew...
"So, anong atin?" bungad ni Brian
pagkaupo niya
"Wala lang naman... gusto ko lang
makisabay at makipagkwentuhan..." sabi ko naman
Ayun.
Buti nalang at siya ang nagbibigay ng topic kaya nawala ang kaba ko. Tumingin
ako sa relo ko. 5mins nalang, tapos na ang lunch break..
"Uhm, Brian, may sasabihin ako sayo..."
"Oh ano yun?"
"May gusto ako----"
KRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINGGGGGGGGGGGGGGG!!!
Damn! Late nga pala ng 5mins 'tong
relo ko! Argh!
"Matthew, mamaya na natin pag usapan
yan... time na eh... punta na ko sa klase ko ah?" paalam ni Brian
"Ah--- Eh-- Sige... Kita nlanag tayo..."
Lumabas
na ako agad. Badtrip!
"Oh, ba't naunang lumabas yun? Mukhang
nagmamadali... hindi yata nagustuhan..." bungad ni Karl... Hinintay niya
pala ako
"Tol, badtrip... HINDI KO NASABI!"
as
ReplyDelete