Gusto ko pong kamustahin ang lahat ng sumusubaybay ng Anino Ng Kahapon. Maraming salamat po sa patuloy na pagsubaybay sa kwentong aking isinulat, nawa po ay nagustuhan ninyo.
Pangalawa nagpapasalamat po ako sa taong gumawa ng cover photo ng kwento isa sa mga itinuturing kong matalik kong kaibigan Mimi_Rage. At sa asawa ko na tumulong sa akin by giving some ideas. I love you asawa ko Justyn Shawn. Maraming salamat.
Hindi ko na po patatagalin pa, pero bago ang lahat ay magpapasalamat ako sa lahat ng nagcomment namely: raymond, ramy from qatar, riley delima, and artsteve, zenki of kuwait, kiero143, Lee, Mac, Lexin, robert_mendoza@yahoo.com, rascal, ALDRIN, Acnologia, Marshy, Pink 5ive, Roan, diumar, akosichristian, caranchou, Pop Star ng Korea, RGEE, sa asawa na first time na nagcomment at bumasa sa gawa ko Justyn Shawn at syempre sa mga anonymous silent readers.
Sa lahat ng gustong makipagkulitan sa akin you can follow/add me on the following social networks by simply clicking any of the links below:
Facebook: https://www.facebook.com/arn.5HK
Facebook Group: https://www.facebook.com/groups/minahalnibestfriend/
Twitter: https://twitter.com/iamDaRKDReaMeR
_____
Disclaimer:
This story is based on true to life experience, names of the characters and some scenarios are intended to be changed to protect their privacy.
Comments and any kind of reactions are welcome.
You have the freedom to express your feelings.
Read at your own risk!
Isang linggo matapos magpadesisyunan kong bumangon muli at ipagpatuloy ang buhay ko ay naging maayos na rin ang sitwasyon ko. Hindi na rin ako masyadong umiinom upang mapagtagumpayan ang sakit na aking nararamdaman. Marahil nga ay handa na akong muling humarap sa hamon ng buhay. Ipinagpatuloy ko ang aking buhay ng may bagong pag-asang tinatanaw. Laking pasasalamat ko na rin sa aking kaibigan na si Jane dahil kung hindi sa kanya hindi ko makikita ang ganda ng buhay at ng mga bagay na nakapaligid sa akin. Sadyang nabulag ako ng aking kalungkutan at ng sakit na aking naramdaman.
Pilit kong itinatayo ngayon ang sarili ko mula sa pagkakadapa. Wala na akong maaaring maasahan sa pagkakataong ito kundi ang sarili ko na lang. Tuluyan na rin akong lumayo kay Lee at pinipilit ko namang kalimutan ang mga bagay nakapagbabalik ng lungkot at sakit sa aking puso. Unti-unti kong ibinabalik ang sigla sa aking pagkatao sa tulong na rin ng sarili ko. Siguro tama nga ang ang taong nakausap ko sa aking panaginip. I need to let go of my past para makapagsimula ako ng bagong buhay.
Sa totoo lang namiss ko ang buhay na walang pinoproblema kundi ang susuuting damit para sa kinabukasan, o kaya naman ay ano ang lulutuing ulam mamaya. Hindi katulad ng pinagdaanan ko ng ilang buwan. Problemang ako rin pala ang makapagbibigay ng solusyon.
“Jane, I’m planning to go for a vacation. Mga one month lang or kung mag extend ako siguro maximum na ang 45 days. Gusto ko lang lumanghap ng sariwang hangin. Sobrang na suffocate ako sa pinagdaanan ko. Magkasunod na hiwalayan. Kaylangan ko ng time para sa sarili ko.” Ang pagpapaalam ko sa aking kaibigan.
“Buti naman at napag-isip-isip mo rin yan. Akala ko kasi magiging dakilang broken hearted ka na lang for life. Tandaan mo hindi katapusan ng mundo kung maiwan ka man ng taong minahal mo. Baka hindi sya ang tamang tao para sa yo.” Ang tila nanenermon na tono. “Kaylan mo balak magbakasyon?”
“ASAP! I will try to file my one month leave tomorrow. Sana lang pumayag kasi biglaan at ang date ng leave na ipafile ko is after 3 days.”
“Wow ang bilis, at sana nga payagan ka. Kailangan mo rin naman yan. Tignan mo nga ang hitsura mo ngayon. Mukha ka ng taong walang kapag-a-pag-asa sa buhay. Mukha kang nalugi ng sampung kilong bangus.” Sabay bigay ng nakakainis na ngiti.
Kinabukasan pagkadating ko sa opisina ay agad kong hinanap ang leave form at nag fill-up. Matapos mag fill-up ay agad kong tinungo ang opisina ng amo ko upang papirmahan ang emergency leave na iaapply ko. “Sana payagan ako.” Ang bulong ko sa sarili. Sabay lapag ng form na aking napirmahan. Hindi rin naman kasi masyadong busy ngayon kaya feeling ko papayagan ako. Agad na binasa ng amo ko ang papel na aking inilatag sa harap nya.
“Why are you filing urgent leave? Is there any problem in the Philippines?” ang tanong sa akin ng amo ko.
"As stated in my leave form sir I need to do something urgently that's why I need to go back to Philippines to fix it and they need my personal appearance. Authorization letter will not do.” Ang pag aalibi ko sa amo ko.
“Can’t you finish it in a week or two?”
“Sir it’s better for me to take a month vacation rather than a week. I am just anticipating time.” Ang pagpapalusot kong muli.
Hindi ako makaimik habang nakatingin ang amo ko sa akin. Tila tinatantya kung nagsasabi ako ng totoo o hindi. Maya-maya pa ay nakita kong pinirmahan nya ang leave form ko at tumingin muli sa akin.
“Ok, send this to the accounts department now so that they could finish the calculation of your salary.”
“Thank you sir!” tuwang-tuwa ako ng pirmahan ng amo ko ang vacation leave ko agad kong tinungo ang accounts department upang ibigay ang pirmado kong leave form.
Pagbalik ko ng aking desk ay agad akong nag surf ng net upang maghanap ng airline na may pinakamamabang rate ng ticket. It took me 45 minutes bago ako nakakita. Agad akong nagpabook ng flight pabalik ng Pilipinas. Naging ganado ako sa aking pagtatrabaho ng araw na iyon. Lahat halos ng ipinapagawa sa akin ay mabilis kong natatapos. Excited kumbaga.
Pagdating ko ng bahay ay agad akong nagpunta sa kwarto ni Jane.
“Jane, approved ang leave ko.” Sabay yakap sa kanya.
“Oh, para saan naman ang yakap? Magdadrama na naman ba tayo? Nagsasawa na ako ha. Hindi ba pwedeng magsaya?” at heto na naman po ang kanyang pang-inis na ngiti.
“Ewan ko sa yo! Ahahahahahaha. Nagluto ka na ba ng ulam? Wag ka ng magluto sa labas na lang tayo kumain. Treat ko.”
“Hindi ko tatanggihan yan. Bukod sa hindi ako mapapagod magluto. Iwas hugasin pa.” sabay kindat ng bruha.
Matapos kaming kumain nila Jane ay nagpasama na rin ako sa kanila upang mamili ng ilang pasalubong para sa mga kamag-anak at pamilya ko sa Pinas. Natapos ang araw ko ng may malaking ngiti sa aking mga labi at walang ibang iniisp kundi ang nalalapit kong bakasyon.
Kinabukasan ay nanatili ang pagiging ganado ko sa pagtatrabaho. At katulad ng naunang araw lahat ng papeles na dumadaan sa akin ay mabilis kong natatapos ng walang bulilyaso. Ang gaan ng pakiramdam ko. Tila walang problemang pinagdaanan. Simula ng pumasok ako hanggang sa pag-uwi ay nakaplastar sa aking labi ang malawak na ngiti.
Pagdating ko ng bahay ay nagpahinga muna ako. Kahit hindi naman ako pagod. Basta gusto ko lang humiga at magpahinga ng oras na iyon. At kahit pagpapalit ng damit ay hindi ko muna ginawa. Bigla na lang akong humilata sa kama at pumikit upang magrelax. Hindi ko namalayan na nagtuloy na ang aking pagtulog.
Sa kalaliman ng aking pagtulog nagulat na lang ako sa malakas na tunog ng aking telepono. Wala akong balak sagutin ang tawag ngunit sadyang napakakulit dahil tumawag ulit. Kaya kahit ayaw kong sagutin wala akong magawa kung hindi tanggapin na lang ang tawag.
“Hello…” ang tinig kong walang ganang makipag-usap.
“Naistorbo ko ba ang pagtulog mo?” ang boses sa kabilang linya.
“Hindi naman. Bakit ka napatawag?”
“Kakamustahin lang sana kita. Okay ka na ba?”
“Lee, Ok na ako and trying to be more ok. Sa katunayan nga magbabakasyon ako. Kailangan ko rin naman ng time para sa sarili ko. Tama na ang time na naibigay ko sa inyo. Oras na para intindihin ko naman ang sarili ko.”
“Ah, ganon ba? Ron…” hindi pa man nya naitutuloy ang kanyang sasabihin ay agad ko na agad itong pinutol.
“Lee, if you will tell me again about your feelings for me pwede tama na muna. At isa pa diba sinabi ko na sa yo. Wala ng chance na maging tayo. Friends na lang tayo kung pwede?”
“Sige Ron, maraming salamat sa pagsagot ng tawag ko at ingat ka bukas. Have a safe trip na lang.” sabay baba ng tawag.
Nanatili akong nakahiga kahit mulat na ang aking mga mata at gising na ang aking diwa. Sa pagkakataong ito walang problema sa aking isipan. Ang fresh ng pakiramdam ko. Tila nabunutan na ako ng tinik. Ganito pala ang pakiramdam kapag tinanggap mo na ang katotoohanan sa puso mo. Magaan at wala kang alalahanin.
Dahil hindi na rin naman ako makatulog muli ay nagpalit na ako ng damit at inayos na ang mga gamit na aking dadalhin at ang mga pampasalubong. Nang matapos ako sa aking pag eempake natawa na lang ako sa aking sarili ng makita ko ang mga gamit na aking dadalhin. Mas marami pa ang pasalubong kaysa sa damit kong dinala.
Maaga akong gumising upang pumunta sa travel agency at ng mabayaran ko na ang ticket na pinabook ko. Matapos makapagbayad ay dumiretso ako sa opisina para makuha ang passport ko at ang salary ko. Bago pa man ako umalis ay pumunta muna ako sa desk ko at dinouble check ko kung may pending pa akong trabaho. Ayaw ko naman na may masabi sa akin ang amo ko. Emergency leave na nga ang kinuha kong leave mag-iiwan pa ako ng trabaho. Nang matapos ko pa ang natitirang trabaho ko ay agad akong nagpaalam sa amo ko at dumiretso na sa bahay.
Tamang-tama half day lang sila Jane ngayon pwede nila akong maihatid sa airport. Iniayos kong muli ang bagahe ko. Mahirap na baka mag excess baggage ako sayang din ang pambayad sa excess. Pwede pang panggastos yun sa pinas. Nang masiguro kong nasa ayos na ang lahat ay tinignan kong muli ang ticket ko. Napangiti ako. “Ngayon Ron, haharapin mo na ang mundo ng mag-isa. Bukod sa pamilya at mga kaibigan mo na naging sandigan mo sa lahat ng pinagdaanan mo. You deserve to treat yourself dahil kinaya mo ang lahat at hindi ka nagpatalo. Good job!” ang sabi ko sa sarili ko habang nakangiti at nakatingin sa ticket.
“Hoy anong nginingiti-ngiti mo dyan?!” ang panggugulat ni Jane sa akin.
“Wow grabe nagulat ako!” ang pang-iinis ko dito.
“Tse! Ano nga bakit ka nangingiti?”
“Wala. Naisip ko lang, kaylangan palang masaktan muna ako ng sobra bago ko makita ang worth ko bilang tao.” Sabay bigay ng magiliw na ngiti.
“Ang drama mo!” at binatukan ako ng bruha.
Kwentuhan, merienda, kulitan. Ito ang ginawa namin habang naghihintay kami ng oras ng pag-alis ko. Dapat kasi at least 2 hrs before the flight nasa airport na ako.
Paalis na kami nila Jane. Nauna akong pumunta sa may pintuan.
“Ang tagal lang ha! Mauna na ako sa inyo sa baba.” Ang sigaw ko kay Jane at sa boyfriend nitong si Roger.
Pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako dahil may taong katatalikod lang ngunit ang lalo kong ikinagulat ay ng humarap itong muli. “Christian.” Ang mahina kong bulong sa sarili. Biglang dumating si Jane. Alam kong galit sya ng makita nya si Christian. Nabingi ako ng mga sandaling iyon. Tulala sa aking nakita. Hindi ko na inisip na pupuntahan pa akong muli ng taong naging sanhi ng pagdurusa ko ng mga nakaraang buwan. Ang tanging tumatakbo lang sa aking isipan ay kung ano ang kanyang ginagawa nya ngayon at bakit nagpunta sya.
Nagulong muli ang utak ko. Ang alam ko naiset ko na ang sarili ko sa pagharap sa kinabukasan ng mag-isa ngunit heto si Christian sa harap ko ngayon, biglang nagbago ang takbo ng utak ko at biglang binawi ng puso ko ang galit sa kanya. Ngunit kaylangan bigyan ko ng chance ang sarili ko na sumaya at makalimot sa pinagdaanan ko.
Nataranta ako sa mga sumunod pang nangyari. Nakita ko na lang si Roger na sinugod si Christian at nahagip sa kanyang mukha. Nagsisigawan sila ngunit wala akong marinig. Hindi ko na alam kung ano pa ang dapat kong maramdaman. Ok na ako, bakit ba nagpakita ka pa?
“Ron baka malate ka na sa flight mo. Ipapahatid na lang kita kay Virgie at hindi ko pwedeng pabayaan si Roger na makalabas pa dito.” Ito ang wika ni Jane na syang nagpabalik sa akin sa katinuan. Napatango na lang ako kay Jane at nakita ko na lang si Virgie sa likod nito ng nakapambahay lang.
“Ron tara na.” ang pag-aya sa akin ni Virgie.
Lumabas kaming dirediretso at hindi lumilingon hanggang sa narating namin ang elevator. Nanatili akong nakatalikod habang si Virgie ay may sinasabi sa akin ngunit talagang walang pumapasok sa akin. Hindi ko maabsorb ang mga pangyayari ngayon.
Nagulat na lang ako ng may biglang yumakap sa akin mula sa likuran. It was Christian. Nalusaw ang puso ko sa ginawa nya. On that very moment alam kong napatawad ko na sya. Ngunit kaylangan kong hanapin muna ang sarili ko upang kung mamahalin ko na syang muli ay buong buo kong maibibigay ang puso ko sa kanya sa pangalawang pagkakataon.
“Please Ron, give me second chance.” Ang pagmamakaawa nito sa akin.
Si Virgie ay nanatiling tahimik at nakatingin lang sa amin. Ngunit bakas din sa kanyang mukha ang galit. Dahil na rin sa matatalim na tingin na ibinabato nito kay Christian.
“If you have just listened to me before you judge me. Hindi sana lumala ng ganito. And now you are asking for second chance. I don’t think I can give it to you. Nakakatakot Christian. Nakakatakot maiwan muli sa ere ng hindi ka pakikinggan man lang…” agad akong pinutol ni Christian sa aking pagsasalita.
“I know it is my fault that I have judged you. I jumped into conclusion. At pinagsisisihan ko ang lahat ng bagay na nagawa ko sa yo. Ang lahat ng sakit na naidulot ko. Plese Ron, I will do anything just to win you back. I want you back in my life.”
“Give me time. As of now hindi ko kayang ibigay ang puso ko. Konti na lang ang pagmamahal na natitira para sa sarili ko at hindi ko na hahayaang mawala pa ito sa akin. I need to fix myself now. I need to forget all the pain that I had gone through. Masyado ng malalim ang sugat dito (sabay turo sa dibdib ko sa bandang puso). Kailangan ako ng sarili ko ngayon.”
“Ron, hayaan mong tulungan kitang muli.”
“Christian it’s time for me to face this situation alone. Para bumalik ang self-confidence ko. Masyado ng bumaba ang self steem ko. I need to gain it back. Maybe someday, maibigay kong muli ang puso ko sa yo. Dahil hindi ka pa rin naman nakakalimutan ng puso ko.”
“Hihintayin ko ang someday na yan. At hindi ako magsasawang maghintay.”
“Sige na I need to go now baka malate na ako sa flight ko. Till the time we see each other again.” Ang huling katagang binitawan ko kay Christian kasabay ng pag-agos ng luha ko.
Agad kaming pumasok ni Virgie ng elevator ng bumukas ito. Hindi ko na nagawa pang tignan si Christian dahil baka tuluyan ng mawala sa isip ko ang pagbabakasyon at tuluyan kong kalimutan ang sarili ko.
Hanggang sa airport walang ibang pumapasok sa isip ko kundi ang mukha ni Christian. Ang mga mukhang matagal ko ng inaasam na makita muli. At ngayon nakita ko na ngunit kaylagan ko munang bigyan ng pagkakataong kilalanin muli ang sarili ko. Sana lang mahintay nga nya ako. Dahil sa oras na makilala kong muli ang Ron. Walang dalawang isip kong ipagkakatiwalang muli ang puso ko sa kanya. Kay Christian, ang taong natutunan kong mahalin ngunit pinangarap kong makasama ng panghabambuhay.
Itutuloy…
aaaaaaaaaahhhhh!!:(
ReplyDeletehangsweet kaso malungkot...30 to 45 days silang d magkkta...hahays buhay nga namhen....hahahaha
next chapter please...hehehe
nice flow of the story, pero sana mr author sa next update wala na po sana maxado mahabang POV.ang tendency po kc parang inuulit ulit lang ung mga pangyayari sa story...TY TY PO SA UPDATE.MORE POWER..
ReplyDeletethanks... need lang kasi ipasok ih..
Deleteuhh.. kabitin man :)
ReplyDeleteikaw naqman kasi christian ih.. :(
ReplyDeletehaizt! sana hindi pa huli ang pagsisisi . . . next chapter plzzzzz.
ReplyDelete