ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Tuesday, December 11, 2012

5 Minahal ni Bestfriend : Memories 2 part 2



            Kamusta po sa lahat? ^_^

            Ayun, di ko na po ilalagay muna ang names ng mga nagcomment. Basta you guys know who you are! ^_^ Enjoy enjoy po kayo sa part 2!! ^_^

            COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED!!





“HUWAG MO SYA SIGAWAN!!!”, sigaw na sabi ni Larc kay Andre.

“PUT*NGI…”, mumurahin na sana at susugurin ni Andre si Larc ng sumigaw uli si Larc at nabalot ng katahimikan sa buong shop.

“HINDI NYA KAGUSTUHAN!! PINILIT KO SYA!! NIRAPE KO SYA!!!”, buong sigaw ni Larc kay Andre.

Sa pagsigaw ni Larc noon ay biglang sumariwa sa akin ang gabing mangyari yun. Parang bigla akong nandiri sa sarili. It was a very traumatic experience. Lalo na pag naiisip ko na sariling bestfriend ko pa ang gumawa nito sa akin. Doon, namalayan ko na lang na humahagulgol na ako sa iyak.

Wala nanamang nag imikan sa amin. Tumutodo lang ang pag iyak ko. Habang si Andre ay gulat na gulat lang na nakatayo at nakatingin sa akin. Si Larc naman ay kita ang guilt sa mukha nito. Hindi na ito nagsalita.

“Ryan…”, kabang tawag sakin ni Larc. Napatingin ako sakanya. Ngunit ng makita ko ito ay naalala ko ang mukha nyang gabing yun. He had the same reaction. Nagdilim ang paningin ko.

Mainit. Buong katawan ko ay nag-init. Naramdaman ko na lang ang mga kamay na pumigil sa akin. Nang mahimasmasan ng bahagya ay nakita kong bagsak si Larc sa sahig. Sinuntok ko sya.

“Umalis ka na.”, matigas na sabi ni Andre kay Larc.

Umalis na nga si Larc. Ako naman ay dumirecho sa opisina ng shop at doon pinagpatuloy ang pagiiyak. Andre just sat there.

Tulala.

“Why didn’t you tell me?”, biglang sabi ni Andre. His voice was cracking.

Hindi ako sumagot. Hindi sa dahilan na ayaw ko. Ngunit sadyang hindi ko alam ang sasabihin. Nag iiyak lang ako sa isang tabi.

“Bat ayaw mong magsalita?”, tuluyang pagcrack ng boses ni Andre. Ngunit matigas ang tono nito.

Hindi ako nakasagot.

Kaso ng magsalita nanaman ito ay may nagtrigger sa loob ko para magalit.

“Kelan pa kayo nagkita?!”, galit na sabi na nito.

Doon na tuluyang sumama ang loob ko. Tumingin ako sakanya.

Malabo.

Hindi ko sya maaninag ng maayos dahi basang basa ang mata ko ng luha.

“Seriously?! After ng nalaman mo?! Mas nauna mo pang itanong ang petsa kung kelan kami nagkita?!”, galit kong sabi.

“What do you want me to say then?!”, galit nitong sabi.

“Wala.”, matigas kong sabi.

Agad ako nagpunas ng luha.

Tumayo.

Lumabas ng opisina at dumirecho sa parking. Sinundan ako ni Andre.

“Saan ka pupunta?!”

“I’m going home.”

“Pagddrive na kita.”, medyo mahinahong sabi nito.

“Hindi na. Kaya ko.”

“Ako na.”, sabay kuha sakin ng susi at sakay ng sasakyan. Pagpasok nito ng sasakyan ay sumampa ito sa tabi ng driver seat at pinagbuksan ako ng pinto.

“Sakay na.”, mahinahong sabi nito.

“Kaya ko sabi.”, sabay walk out at lakad palayo. Sakto naman na may taxi at agad akong sumakay. Nakita ko naman na mabilis na sumunod si Andre.

Nagiiyak ako sa loob ng taxi. Hindi alam kung saan pupunta. Kaya kinuha ko ang cellphone ko at nagdial ng number. Maka ilang rin ay agad sumagot ito.

“H-hello.”, inaantok na sagot ng kausap ko.

“K-karen.”

“Oh, bakit? Umiiyak ka ba?”, biglang alerting sagot nito.

“Alam na nya, Karen…”

“Alam na nino ang ano?”, takang tanong nito.

Hindi ako agad nakasagot.

“Ryan…?”

“Si Andre.”

“Anong meron kay Andre?”

“Yung nangyari samin ni Larc…”, naiyak ko na lang sagot.

“Shit! Asan ka?”

“Nasa taxi. Hindi alam san pupunta.”

“Gaga ka. Tumawag ka pa sa akin! Pumunta ka dito sa bahay.”, tanging sagot nito.

Kila Karen nga ako nagpunta. Pagbabang pagbaba ko ay sinalubong ako agad ni Karen. Agad din, dahil sumunod nga si Andre sa akin ay bumaba din ito at lumapit sa akin.

“Talk to me, Ryan.”, hablot nito sa akin.

“Not now, Andre.”, matigas kong sagot.

“Doon tayo sa loob.”, sabat ni Karen.

Pagpasok ng bahay ni Karen ay agad akong dumirecho sa kwarto ni Karen at nilock ito kahit hindi pa nakakapasok si Karen. Alam ko kasing susunod lang sila ni Andre.

“Ryan..”, mahinang katok ni Karen. Hindi ako sumagot.

“Ryan, buksan mo to, magusap tayo.”, rinig ko namang sabi ni Andre.

“Okay. You just rest. Si Andre na lang muna kakausapin ko.”, biglang sabi nito ng di pa ulit ako sumagot.




Karen.

Nagulat ako ng biglang tumawag sa akin si Ryan. Kakauwi ko lang ng Manila dahil nanggaling ako sa isa sa mga clients naming sa Cebu. Kaya naman antok antok pa ko ng sagutin ko ang telepono. Ngunit biglaan akong nagising ng malaman ko ang sadya ni Ryan sa pagtawag.

Pagdating na pagdating ni Ryan ay nakita kong nakasunod din si Andre kaya naman pinapasok ko silang dalawa sa bahay ngunit agad nagkulong agad si Ryan sa kwarto ko.

I’ve always been Ryan’s bestfriend at alam ng lahat yun. Kaya naman siguro ay kahit papaano ay nabibigyan ako ng karapatan manghimasok sa buhay nila. Hindi naman sa ako yung mismong nangingialam. Kahit pa bestfriend ako ay ayaw ko pa ding manghimasok ngunit dahil sila ang lumapit sa akin ay pakiramdam ko ay may magbigay ng aking honest opinion.

Hindi nga naming nakumbinse si Ryan buksan ang pinto kaya naman nagpasya akong kausapin na lang si Andre muna. Niyaya ko ito sa kusina at binigyan ng juice. Halata ang pagsisisi at gulat sa mukha ni Andre.

“Ano bang nangyari?”, basag ko sa katahimikan.

“Karen, bat hindi nya sinabi sa akin?”, malungkot na tugon ni Andre.

“Look, Andre. Hindi ko kayo matutulungan kung hindi nyo sasabihin sa akin ang nangyari.”

“Okay pa kami this morning. Actually, matagal na ang huling beses na nagkatampuhan kaming dalawa. Tapos ito ngayon, pagdating naming sa shop ay bumisita si Larc.”

“Okay.. Tapos?”, sagot ko.

“Nagulat ako ng makita nga si Larc at nalaman ko na may usapan sila ni Ryan na magkita. Wala naman sanang problema kung naabisuhan man lang ako ng maaga. Hindi ko naman tinatanggal na bestfriend nya yun kaya malamang gusto nya pa din maisalba ang pagkakaibigan nila. We all know Ryan at kung gaano kabait ito.”

“Oo…”, sagot ko.

“Kaso bat hindi man lang nya sinabi? Sabay pa kaming kumain nitong umaga ngunit wala man lang syang nabanggit.”

Napaisip ako. Pilit na inintindi. Hindi ko alam ang rason ni Ryan talaga bat hindi nya sinabi ngunit may ideya naman ako.

“Hindi kaya dahil natatakot sya sa iisipin mo?”, sagot ko kay Andre.

“Bakit Karen? Wala ba syang tiwala na kaya kong intindihin yung desisyon nyang yun?”, masamang loob na sagot ni Andre.

Hinawakan ko ang kamay ni Andre.

“Look Andre. I don’t think na yun ang rason ni Ryan. I’m sure naghanap ito ng timing para sabihin sayo. Kaso din siguro, natatakot sya kasi ayaw nyang masaktan ka. Dahil alam naman natin pare pareho kung gaano kamahal ni Larc si Ryan. Ikaw mismo, alam mo yun.”

Kinwento pa nga sa akin ni Andre ang buong kaganapan. Kahit ang pagbubuhat ng kamay ni Ryan kay Larc ay binanggit nito.

“Pero bat di nya sinabi sa akin noon ang nangyari sakanila?”, medyo pagtaas ng boses ni Andre.

“Pakinggan mo nga yung sinasabi mo, Andre!”, medyo disappointed kong sagot.

“Alam mo naman palang hindi kagustuhan ni Ryan ang nangyari, diba?”

Napatigil ako sandal. Naramdaman ko ang pamumuo ng luha. Hanggang ngayon kasi ay hinding hindi ko makakalimutan ang ichura ni Ryan ng sunduin ko ito dati galing sa condo ni Larc. Alalang alala ko pa ang bawat paghikbi at ngawang ginawa ni Ryan sa harap ko. Isa itong klase ng sakit na nagbibigay hapdi sa puso ng nino man.

“Naaalala mo ba nung college tayo at kailangan naming gumawa ng term paper?”, nauluha kong tanong.

“O-oo?”, litong sagot ni Andre.

“Sinundo ko si Ryan that day. Galing sya sa condo ni Larc upang kunin ang mga naiwang gamit. Pagtawag nya pa lang sa akin at nagpasundo ay alam ko ng may mali. Tahimik lang ito sa loob ng kotse ko at umiiyak. Sa twing tinatanong ko naman ito ay hindi ito sumasagot…”

“Hanggang sa nakauwi kami dito at doon, parang gumuho ang kinatatayuan ko ng malaman ko ang lahat. Noong araw na mismo na yun ay gusto kong balikan si Larc ngunit pinigilan ako ni Ryan.”

“Hindi mo alam kung gaano kadaming iyak ang bumuhos sakanya. Naging napakasakit noon para sakanya. Alam ko, parang napakatanga ni Ryan para hindi magsumbong kahit kanino maliban sa akin. Pero kung iisipin mo, siguro ganoon kasakit para sakanya ang nangyari. Bestfriend yun Andre, mas maiintindihan nya o matatanggap pa kung ibang tao. Pero bestfriend mo? Larc was his bestfriend for 12 years at ganoon katagal din syang nainlove dito. Pero nakayanan gawin yun sakanya. Masyadong masakit yun, Andre.”

Hindi lang nagsalita si Andre.

“Alam mo ba kung gaano kasakit yun? Hindi nangyari yun sa akin, pero ramdam na ramdam ko kung gaano sya nasaktan. Andre, boyfriend ka. Dapat ikaw ang unang umintindi dito maliban sa akin.”, paliwanag ko.

“Oo.. Sobrang sakit..”, sabay sabat ng isang boses. Napalingon kami ni Andre. Doon naming napansin na andun na lang bigla si Ryan.



Ryan

Nakita kong biglang tumayo sila Andre at Karen. Akma namang lalapitan ako ni Andre at yayakapin ng pigilan ko ito.

“Sit.”, malamig kong sabi.

Napahinto sila Karen at Andre. Alam nila ang tono kong yun. Hindi galit, hindi authoritative but purong sadness lang. They knew I was hurt and the only way na mawala ito ay masabi ko ito.

Agad akong umupo sa lamesa, pumagitna ako sakanila. I was still feeling bad. Hindi ko maexplain.

“Sobrang sakit.”, tanging nasabi ko na lang.

“Ryan…”, tawag ni Andre.

“Alam mo ang pinakamasakit na part doon?”, reklamo ko.

Natahimik lang silang dalawa.

Napabuntong hininga lang ako.

“Na nalaman mo na ang totoo but you just stood there. Mas nauna pa yung selos o kung ano mang naramdaman mo.”

Hindi na nakatiis si Andre at tumayo na ito at yumakap sa akin.

“I’m sorry…”, taos pusong sabi nito sabay halik sa pisngi ko.

Tiningnan ko sya mata sa mata.

“I am, too.”

“Ryan, let me explain.”, pakiusap ni Andre. Kinuha nito ang upuan at tinabi ito sa akin.

Naramdaman ko ang mga kamay nito sa akin.

“Natakot ako, Ryan. Hindi sa dahil nalaman kong may nangyari sa inyo. Natakot ako kasi alam ko ang rason ng pagpunta ni Larc today. Alam ko na gusto nitong makipag ayos sayo. And we all know kung gaano ka kabait. At… Kung gaano kahalaga sayo si Larc. I was just afraid that…”, paliwanag ni Andre.

“Afraid of what?”

Tiningnan ako ng direcho ni Andre.

“Na magkaroon sya ng chance na bawiin ka sa akin. Look Ryan, hindi sa hindi ako confident. Pero sa tuwing iniisip ko ang tagal ng pinagsamahan nyo… I mean. Pano ba? He even knows you better than I do. He knows which buttons to push sat wing malungkot, problemado o galit ka.”

Nagpause panandalian si Andre. Nagets ko ang punto nya agad. Nang makita ko ang pagluha nito ay sumunod na rin ang mga luha ko. Gawd!! Alam ng Dyos kung gaano ko sya kamahal.

“And I was afraid of that. Ano ba naman kasi laban ng 12 years na pagmamahal mo sakanya, sa dalawang taon nating pagkakakilala.”

Doon ako parang nagising. Andre was still human after all. He may be the perfect partner, but that doesn’t mean na perpekto na sya sa pagiging tao. Nakalimutan kong pwede pa rin ito makaramdam ng mga damdaming karaniwang nararamdaman ng tao tulad ng selos, inggit, insecurity or kahit pa intimidation.

Biglang gumaan ako for some reason. Maybe because Andre was honest enough para sabihin lahat ng ito. Na insecure pa rin sya sa 12 years na minahal ko si Larc. Some people won’t do that. Babae man o lalake. Sometimes we think too much of pleasing our partners na hindi na lang natin sinasabi ang mga bagay na pwedeng maka apekto sa isang relasyon. When all the while, ay dapat mas pinaguusapan ito para mas maliwanagan ang isat isa at huwag na magkaroon ng haka haka.

Mula sa pagkakahawak ni Andre sa kamay ko ay hinawakan ko ang kamay nito at pinunasan ang mga luha.

“Alam mo ba kung ano ang lamang ng labindalawang taon na minahal ko si Larc sa panahong naging tayo?”, buong puso kong sabi. I looked at him eye to eye.

“Kasi sa higit na isang taon na yun, minahal din ako in return. Hindi lang ako yung nagbibigay. Kaya naman kayang kaya ko balewalain ang labingdalawang taon na yun para sa kahit sa isang araw lang na pagmamahal mo. Ganoon kita kamahal.”, taos puso kong paliwanag.

I saw Andre cry harder at agad itong yumakap sa akin. Ramdam ko naman sa yakap nito ang lagi kong nararamdaman sa tuwing pagkayakap niya sa akin ang pagmamahal nito. Ang lubus lubusang pagmamahal nito.

Habang nakayakap ako ay doon ko narealize ang nangyari kanina. Actually, I was also asking myself ano nga kaya ang magiging pakiramdam sitting with him inside a room wherein hindi kami nagsisigawan. And it turns out na hanggang kaibigan na lang talaga ang magiging tingin ko sakanya. Hindi sa di ako sigurado ako noon. Kaso dahil sa nangyari kanina ay masasabi kong napatawad ko na ang sarili ko sa ginawa nya sa akin. Sa part nga lang nya ay hindi pa. Ano ba naman kasi ang excuse sa rape?

“Friend, anong balak mo?”, biglang singit ni Karen. Tumiwalag naman sa yakap si Andre at tumingin sa akin.

“Do you want to press charges?”, sincere na tanong nito.

Napabuntong hininga ako.

“Guys, alam kong andyan kayo para sa akin at tuwang tuwa ako doon. Karen, you have been a very good friend to me. Para na nga kitang ate, eh. Ikaw naman Mahal, alam kong mamahalin mo ako kahit ano pa man ang naging nakaraan ko. Kaya guys, I’m okay with that. At isa pa, napatawad ko na ang sarili ko sa nangyari. Hindi man si Larc, pero I think its good enough na napatawad ko kahit man lang ang sarili ko. And I know it has been harder for him. Kung sa akin ay nga ay naging mahirap, I’m sure mas mahirap ito para sakanya.”, paliwanag ko.

Nginitian lamang ako ni Karen.

“Gawd! Ang bait bait mo, friend. Pero sana may hangganan ka din. Hindi pwedeng lagi ka na lang mabait.”, sabi ni Karen.

“Mahal…”, nahihiyang sabi ni Andre.

“Oh?”, sagot ko.

“I’m sorry?”, malungkot na sabi nito.

“It’s okay.”

“No, I’m sorry for everything. Sa reaksyon ko kanina, sa nangyari sayo, at sa nangyari ngayon. Nasigawan pa kita. Im so sorr..”

Hindi ko na pinapatapos ang sasabihin ni Andre at hinalikan ko na ito agad. Isang mabilisang halik sa labi.

“I just love you so much na natatakot na akong mawala ka sa akin.”, sabi nito pagkahalik ko.

“And I love you just the same.”, sagot ko.

“But you know I’ll still love you more.”, sagot nito.

“Ayaw patalo?”, biro ko.

Ngumiti na din sya sa wakas.

“I know. And I will always be thankful sa bawat araw na magkasama tayo.”, ngiti ko.

“Susme!! Ginambala nyo pa talaga tulog ko para inggitin nyo ko sa kasweetan ninyo!! Matawagan nga ang bebe ko!! Bebe koooooo!!’, inarteng sigaw ni Karen sa amin.


Umuwi na nga kami ni Andre sa bahay. Sya pa ang nagluto ng dinner naming. Sya lang ulit. Gusto nya daw kasing bumawi sa nangyari sa amin kanina.

“Sorry nasira ko ung araw natin, ha. I should’ve told you ang pagkikita naming ni Larc today.”, bigla kong sabi habang kumakain kami.

“Okay na yun. Naging busy din kasi ako masyado.”

“Hindi. It’s not that. Hindi kasi ako makahanap ng tiyempo. Minsan na lang kasi tayo mag abot dito sa bahay kaya ayaw ko sirain ang mga ngiting meron tayo pag magkasama tayo.”
“It doesn’t matter anymore. I’m ok… Really.”, ngiti nito.

Matapos ang araw na yun ay nagpatuloy kami sa buhay ni Andre. Nabalitaan ko na umalis na nga ng tuluyan si Larc. Mukhang hanggang sa panagarap na lang talaga ang pagkakaayos naming dalawa. Nakakapanghinayang. Kaso may participation naman kasi sya sa nangyari kaya nangyari ito kaya hindi ko sinisisi ang sarili.

Nagdaan pa ang ilang bwan at tuluyang natapos na ang review at nakapag board na rin ako. And soon, lumabas na ang results. Topnotcher ako.

“Congrats mahal ko. Officially, isa ka na ring Certified Public Accountant.”, buong ngiting sabi ni Andre sa akin. I was happy dahil sya ang unang bumati sa akin.

Finally, lahat ng pagsisikap ko sa buhay ay nag pay off na din. Ang matagal na pangarap ko na maiangat ang pamilya sa hirap ay mas lalo ng nagkakaroon katuparan. From the start, ito naman kasi ang pinangrap ko.

Kumalat agad ang balita dahil nasa dyaryo nga ang results kaya naman nalaman ito agad ng mga kaibigan namin.

“Friend!!! Congrats!!! CPA na ang friend ko! Shet!!”, aligagang sabi ni Karen sa telepono.

“Salamat friend.”, tanging naisagot ko lang.

“Anong salamat?! Magpakain ka! Tamang tama! Saktong timing ito!!”, exited na sabi nito.

Naconfuse naman ako.

“Huh?”

“Ano ba! Syempre happy kami para sayo!”

“Oh, tapos?”, taka ko.

“Isa lang ibig sabihin nito!!”

“Ano naman yun?!”

“Ang slow, ha!”

“Ano nga?!”

“Reunion ng tropa!!!”


Itutuloy...


38 comments:

  1. Naiyak ako sa chapter na to, ksi naalala ko nnman ang sakit ni ryan >_<. grabe lang. ung ky andre, feel na feel mo ang emotions! pro may baliwan lang na umeksena, si karen, BEBE KOOO!! HAHA! joker talaga sya :))

    ReplyDelete
  2. wow..ang galing..gusto koh p rin tlga si andre at ryan..pero syempre gusto koh ding maayos ung friendship nila ryan and larc...

    ReplyDelete
  3. wow ang ganda tlga ng story...gusto koh pa rin tlga c ryan and andre ang magkatuluyan but syempre gusto koh ding maayos ung friendship nila ni ryan and larc...kudos sau tlga kenji...love it..

    ReplyDelete
  4. ahw.. so sad sa part ni LARC but at least nasabi na nya ang part nya to RYAN and ANDRE.. another pasabog na surpresa na nman ba from ANDRE?? we will be waiting then till the next chapter..

    keep it up author

    marc of K.S.A.

    ReplyDelete
  5. ahw.. so sad sa part ni LARC but at least nasabi na nya ang part nya to RYAN and ANDRE.. another pasabog na surpresa na nman ba from ANDRE?? we will be waiting then till the next chapter..

    keep it up author

    marc of K.S.A.

    ReplyDelete
  6. wahhhhhhhhhhhhh.ang ganda tlga....
    kakaingit c ryan..PROMISE....
    congrats pla ryan..hehe

    ReplyDelete
  7. O DI BA HINDI NA PURITA ANG PEG NI RYAN! MARAMI NA SHANG ANDA!

    GANDA! MAS MAGANDA KUNG MAMATAY NA SI LARC!

    LOVE IT!

    ReplyDelete
  8. nakakaiyak..grabe ka talaga Ken..every chapter talagang aabangan ng magbabasa..

    eto na yung kaabang abang..reunion :))

    ReplyDelete
  9. weeehh..mukhang moments pa tlga to ni ryan at andre..kasama kaya si larc sa reunion??excited na ko..haha

    offtopic..kuya kenji nanood ako ng samurai x..pramis hawig mo si kenshin..

    ReplyDelete
  10. kasama si Larc sa Reunion ?, actually naawa ako kay Larc pwede bang ngayon bigyan na siya ng lovelife ??

    ReplyDelete
  11. GREAT CHAPTER SUPER KILIG WEEEE HEHEHE..MR AUTHOR, UNG BOOK 4 PO PA UPDATE NA RIN PLSSS..HUHUHUHU CRY CRY PLSSS..TY MORE POWER..PLS ULIT :)

    ReplyDelete
  12. reunion ng tropa eh wala na si larc..i still feel bad for him..sabi nga ni albus dumbledore, "it takes a deal of courage to stand up to your enemies, but a great deal more to stand up to your friends."

    i know, he was just desperate that time. we all had our ups and downs and sometimes it causes us to think not in the right way. letting our feelings get in the way.

    i think larc deserve to learn life lessons. after all, laki siya sa yaman. he never knew how it is to live like ryan and his family. i know people who are like that.

    either way, i like this part. unlike the first chapter.

    -J

    ReplyDelete
  13. WAAAAAAAAAH!!adik tlga tong si Karen na to...hehehe pero enjoy tlga ang chapter pag kasama sya heheh....at about yung kay Andre and Ryan...grabeeh ang eksena ha...naramdaman ko ulit yung sakit na napag daanan ni Ryan sa pagmamahal nya kay Larc...MAYGAWD....drama tlaga...hehehe bitin lang ako..

    excited for the much awaited reunion of the month wahahahah....

    ReplyDelete
  14. pwahahaha! Takte ka author! Sobrang pinakaba mko sa chapter 1, I was really disapointed nung una,pero dto sa chapter2 bumawi ka,hndi mko binigo sa wish ko na reunion miss q na mga kabaklaan ni karen at chelsea,you made my day,at ang ngiti ko abot batok kulang na lang tahiin para bumalik sa dati xD Goodjob po,though I smell something will come along the way, wag naman sana dhl christmas special toh haha! We will support u hanggang sa huli author,thank you so much :)

    ReplyDelete
  15. true lalu... na sad ako sa chapter na to... na miss ko ang feeling ng mainlove at mahalin...

    ReplyDelete
  16. hindi ksi maganda ang pagkakagawa sa character ni larc, ok naman sila noong una eh, kso nabago ng nabago hanggang sa lumabo na ng tuloyan, isa rin si andre sa nagbuyo para magkaganun ung friendship ni larc at ryan, sa bandang huli si andre ang nakinabang...

    ReplyDelete
  17. mas gusto ko talaga kwento nito kaysa sa book 4XD
    pero pareho silang maganda.. nakakaconfuse lang kase d magkadugtong ung book3 at 5 XD
    nxt chapter author!XD

    ReplyDelete
  18. Mygad! Can't wait sa next chapter. Ryan-Andre parin ako. Pero dba alternate ending naman to? What if, what if lng ha, na sana bigyan dn ni author ung Ryan-Larc? Suggestion lng ha, kac aminin dn nman nating minsan na dn tau napakilig nina Ryan at Larc kahit nung magkakaibigan palang cla dba? Pero it depends naman talaga sa takbo ng istorya na gawa ng author eh. Sa akn lng nman eh suggestion lng.

    ReplyDelete
  19. parang d maganda kung mamatay si Larc @AdikNgKorea he's still one of the main characters sa story masyado pang maaga :p kuya author galing talaga LURV IT <33


    yean**

    ReplyDelete
  20. nice chap ;salute
    kayo na talaga ang nagmamahalan ;)

    'he knows which button to push twing galit, problemado ..... '

    - tumatak lang sa icip ko =)

    Thanks kuya Ken ~

    ReplyDelete
  21. sweet tlg ng story n ito...

    ReplyDelete
  22. idk it it’s good of what peo kulang ng bitin factor ngaun lol

    ReplyDelete
  23. Masaya ito..

    Next chapter nga pls..

    ReplyDelete
  24. kung bigyan ng alternate ending ung book5 na toh,masasayang ung essense ng book2&3,mawawala at mababalewala ang lahat lahat,para kang nanood ng SANAY WALA NG WAKAS ng bglang dumating si Angelica dela cruz at nagkaroon ng dalawang ending, para san pa ung book2&3 db? Kung gusto naten ng happy ending para kay LARC i think pde naman syang mapatawad ng ng tropa at pde sya bigyan ni author ng panibagong lovelife db? Kase ang book5 na toh eh CHRISTMAS SPECIAL sana wag mawala ang essense nun,though kahit hindi na magkatuluyan c Larc at Ryan basta magkapatawaran cla like sa book3 everything will go smooth,at saka REUNION toh ndi Undas o semana santa para palungkutin tau haha. Wala lng,opinion q lang haha xD

    ReplyDelete
  25. i want larc and ryan....bcoz ryan is mine......tahahaha

    ReplyDelete
  26. i want larc and ryan....bcoz ryan is mine......tahahaha

    ReplyDelete
  27. I agree with tzekai balaso. Author I guess it'll be much better kung ganun nga. Wag nalang gawan ng alternate ending. Tumatak na sa isip ko ang tandem ni Ryan at Andre, and I'll always be their avid fan. Alam ko din na damang dama yun ng lahat ng readers mo. So making such a big twist on this story is not a good idea for me. Tama sya. Mawawalan ng saysay yung mga naunang book. Maganda tong simula mo ng book5. Sana ganun nalang. Continuation kumbaga. Also a new love interest for Larc. It will be much exciting, believe me. Just an opinion.

    ReplyDelete
  28. Hay Ryan napakabait mo and I feel for Andre, I would've felt the same way. Ken kaw talaga pinaiyak mo na nman kami. But good job.

    ReplyDelete
  29. JECK thanks sa pag agree :) para sken kase tama na ung pasakit at pagdudusa sa book2&3. Bigyan naman naten ang mga characters na makahinga at lumigaya sa buong kwento hndi lang sa ending haha! I really admire mr.author dhl sa story series na toh nkakapag bigay tau ng mga kanya kanya nteng opinion, im still hoping na mas maganda ang christmas special na toh,love,friendship,forgiveness at acceptance :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nako thanks sa mga opinion nyo. Actually mali ako ng nalagay ko sa teaser. Hindi talaga sya alternate ending ihh.. Hmmm.. Pano ba to.. basta.. abangan nyo na ang. ahahahaha..

      add nu ko sa fb para naman dun din tau magdiscussion sa ating group :)

      -dark_ken

      Delete
    2. mr.author na add na kta at nkpag palitan na tau ng msg sa fb, remember aq nag request ng reunion? Haba pa nga ng msg q then sbe mu cge gwin mung christmas special, uhm pero ndi mko ni add sa group, Blr Tzekai name q sa fb haha :D

      Delete
  30. in all honesty hindi q muna to babasahin..tama si tzekai balaso,.feeling q rin kasi mawawala yung essence nung mga nakaraan na chapters abt jina ryan-larc-andre..sana tapusin mo muna yung book 4 kasi nakakalito rin sa ibang readers..sobrang maganda yung ending kina andre and ryan.,no need na for larc..pwedeng magkabati nlng cla lahat.,.sana magkaroon nlng ng sariling kwento si larc.,new book, new series.,just my opinion. pero i still admire u kuya ken :)) love, love,love

    ~Ako Si Lonelyboy

    ReplyDelete
  31. Sana po maupdate na rin ung MNB: Desperado. Thanks author naeenjoy ko rin po tong Book 5

    ReplyDelete
  32. as usual walang mintis talaga ken.. bebe koooo!!! hahaha daming tawa kaloka ka karen! :)

    ReplyDelete
  33. yeah...super agree! ok na kc yung wakas ng book3! sana ryan-andre pa din and continuation nlang to ng kanilang love story after they live happily ever after heheh....

    Sana may bagong love team nlng c larc d2 and mapatawad na xa ng lahat!!!

    ~kymn

    ReplyDelete
  34. napakadrama ng chapter na to pero very nice...next chapter please.

    Randz of QC

    ReplyDelete
  35. Hala. Nagbabasa ako dito, pero parang kay Karen pa ata ako na-iinlove. I love you Sisa! XD


    -Ian

    ReplyDelete