ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Thursday, December 20, 2012

5 Minahal ni Bestfriend : Memories 2 part 8



Kamusta po sa inyong lahat? ^_^

Ayan!! Super lapit na talaga ng pasko! Kaya naman malapit na rin ang pagtatapos nito. Sana ay magustuhan at maibigan ninyo ang aking regalo ngayong pasko!!

Advance Merrier Christmas guys!! MWAH!!! ^_^

COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED







“Wait..”, pagpigil ko.

“I have a better idea.”, bigla kong sagot.

Agad agad akong nagpabook ng ticket pauwi ng Pilipinas. This is my chance.

My chance to redeem myself.



That moment mismo ay nagpabook ako ng earliest flight. I was lucky enough para maisingit sa flight kinabukasan ng umaga. Meaning sa isang araw ay nasa Pilipinas na ako.

I packed my things without knowing kung anong pwede mangyari sa binabalak ko. If there is one thing na gusto ko mangyari ngayon. Ay maging masaya si Ryan.

Soon enough I found myself sa airport. At kahit pagod ay dumiretco ako sa isang lugar na pagsisimulan ng plano ko.

Nakarating na nga ako matapos ang isang oras mahigit na pagddrive. I was very tired yet ininda ko ito. Hindi din kasi ako nakatulog sa eroplano kahit pa ang haba haba ng byahe ko. Ang tanging tumatakbo sa isip ko kasi ay kung gaano kalabis nasasaktan si Ryan.

Bumaba na nga ako ng kotse ko at pinindot ang doorbell ng bahay. Maya maya ay may lumabas na kasambahay.

“Sandali lang po, tatawagin ko.”, sabi ng kasambahay.

Ilang saglit din ay lumabas na ang taong hinahanap ko.

Halata naman ang gulat sa mukha nito.

“Larc..? Pasok ka..”, takang sabi nito.

“Salamat..”

Pagpasok ay pinaupo ako nito sa sofa at umalis sandali at pagbalik nito ay may dala itong juice.

“Salamat…”, sabi ko.

“Ah.. Anong ginagawa mo dito?”, tanong nito sa akin.

“I told you.. darating ako..”

“Oo, pero.. I never thought na ganun ka kabilis makakapunta dito…”, tugon nito.

“This is Ryan were talking about…”, matigas kong sagot.

“Pero…”

“Wala ng pero Karen..”

“Anong plano mo?”, tanong nito.

“Hindi ko kaya ito mag-isa. I will be needing your help din.”





Ryan

Nagulat ako ng pagbukas ng pinto ay umalis din si Aaron.

I stood there and stared at the open door.

Maya maya pa ay may pumasok.

“Ryan…”

It was Andre.

Agad ako tumalikod at nagpunas ng luha. Buti na lang ay nakataliwas ito ng tingin.

“Yes?”, tapang tapangan kong sagot.

“Yung sinabi ko kanina…”, nahihiyang sabi nito.

“Alin?”

“About you leaving…”

Humarap ako.

Lumapit sakanya.

“You don’t have to explain. Bahay mo to.”

“That’s not what I meant…”

“Then what do you mean?”, malungkot kong tugon.

Natahimik ito. Tila nagiisip.

“I don’t know.”

Nalungkot ako sa sagot nya. Deep inside kasi ay umaasa ako na sa pag amin ko kanina ay may maaalala ito kahit papano. Ngunit mukhang wala talaga.

“Hayaan mo na yun. I’m okay…”

“Pero..”

“I said I’m okay.”, matigas kong sagot.

Tumalikod sakanya.

Inayos ang mga gamit ko.

“I shouldn’t have said that. Ihingi mo na lang ako ng pasensya kay Rizza.”, mahinang sabi ko.

Binitbit ko na ang bag ko at naglakad papunta sa harap nya.

“I will miss you. Iinom ka ng gamot, ha. At kakain ka ng sa oras. Huwag mo din kalimutan ang theraphy mo. Naituro ko na din kay Manang kung paano lutuin ang mga gusto mo.”

“Aalis ka talaga?”

“Wala na akong silbi dito, eh.”

Tumingin lang ito sa akin. Naaalala ko ang mga titig na ito. Ang mga titig na binigay nya sa akin noong nilabas ko sya sa probinsya nung kumatok ito sa bahay ng may bagyo.

“At sabi mo nga.. Madali naman akong palitan…”

Naramdaman ko na anytime ay tutulo na ang luha ko kaya agad na akong lumabas.

I walked out the door.

That house.

Our life.

Sadly, it was over.

Lahat.

Hinabol ako ni Aaron dahil wala namang sasakyan palabas ng village dahil private ito.

“Kuya, atleast lemme drive you kung saan.”, pakiusap nito.

Nakita kong bumaba ng sasakyan si Aaron at akmang kukunin nito ang mga gamit ko ngunit napayakap ako dito. Niyakap lang din ako nito.

“Kuya…”

“It’s over Aaron… Sila na uli…”, mahinang iyak ko.

Nang sandaling yun ay naalala ko ang mga ngiti ni Andre ng makita kong magkasama itong dalawa. He looked really happy. Isang bagay na hindi ko nakita sakanya nitong nakaraan panahon.

Mula sa mahinang iyak ay mas lumakas ito.

Hinagod lang ni Aaron ang likod ko at inalalayan ako pasakay ng sasakyan.

“Saan ka Kuya? Bumalik ka na lang kasi sa bahay.”, pamimilit nito.

“Hindi na.”

“Eh saan ka?”

“Kila Ate Karen mo.”, simpleng sagot ko.

“Ok po.”

Tahimik lang kami ni Aaron hanggang sa narating namin ang bahay ni Karen. Alam ko na gusto ako nitong pagaanin ang loob. Kaya naman tinapik ko lang ang balikat nito bago tuluyang bumaba ng sasakyan.

“Kuya Ryan…”

Bababa na nga sana ako ng huminto ako sandali at tingnan lang si Aaron.

“We tried Aaron.. I tried…”, malungkot na sabi ko.

Tumango lang ito.

Para akong nablangko nanaman. Ang sumunod ko na lang narealize ay nasa loob na ako ng bahay ni Karen at umiiyak ng todo. Naalala ko na lang bigla na habang umiiyak ako ay ikinukwento ko kay Karen ang lahat habang si Aaron ay nakikikuwento din sat wing hindi mainitindihan ni Karen ang mga sinasabi ko dahil na rin sa paghabol ng hininga sa kakaiyak.

“Aaron.. Dito ka lang muna, ha… May tatawagan lang ako.”

“Ate sino?”

Hindi sumagot si Karen.

“Ate si…?”

Hindi pa din sumagot si Karen.

“Basta sandali lang to.”, matigas na sabi nito.

“Opo ate.”


Dalawang araw ang lumipas. Wala akong ginawa kundi magmukmok sa loob ng kwarto. It was the same room I was in ng tumira ako dito dati ng lumayas ako kila Larc.

“Friend, you need to eat something… Kahit konti lang.. Please?”, pangungulit sakin ni Karen.

“Sige, iwan mo na lang dyan.”, lagi ko lang sagot. But I never touched it. Usually ay ang tubig lang ang iniinom ko.

Hindi ko lubusang maisip na right this moment. Na dapat kasa kasama ko si Andre ay wala na. He is now with somebody else. Si Rizza. Alam kong kahit pinahiya ito ng pamilya nya ay gagawan nya ng paraan para magkita sila ulit. Kilala ko na din naman kasi sya kahit papaano.

After ng halos dalawang araw kong pagmumukmok sa kwarto ay pumasok si Karen. I thought pipilitin nananman ako nito kumain ngunit pumasok ito ng walang dalang kahit ano.

“Oh, Karen…”, nasabi ko lang.

“Ryan… Ahm… Kamusta ka?”

Tiningnan ko lang sya at sumimangot.

“Hindi pa din okay.”

“Okay. Ahm, kasi friend…”, utal nitong sabi.

“Oh…”

“May bisita tayo?”, mas alinlangan nitong sagot.

“Sino?”, pagtataka ko.

“Friend, buksan mo lang sandali utak mo, ha…”

Naguluhan ako.

“Huh?”

“Basta wait mo lang ako dito.”, mabilis na sabi nito sabay labas ng kwarto.

Naguluhan naman ako sa inasal ni Karen.

Maya maya ay sumilip ito sa pinto.

“Friend…?”, nahihiyang sabi nito. Sabay dahang dahang pumasok.

“Oh? Kala ko may bisita? Sino ba y…”

Hindi ko na naituloy ang itatanong.

Nabigla ako ng may pumasok kasunod ni Karen.

It was Larc.

“L-Larc..?”, gulat kong tawag dito.

“Ryan.”, tipid na pagsaludo nito sa akin. Napatingin naman ako agad kay Karen.

“Anong ibig sabihin nito?!”, medyo pagtaas ko ng boses.

I wasn’t usually like this. Lalo na pagdating kay Larc. Oo, galit ako sakanya noon. But I know deep inside na paghumingi ito ng tawad ay mapapatawad ko ito. Not because I love him. Kundi dahil sa bestfriend ko sya.

But now was different. Hindi ko sya sinisisi. Pero naiisip ko pa din noon na kung di ko sya kinausap na at pinili na lang ang katahimikan para sa amin ni Andre, hindi na sana mangyayari ang lahat ng ito.

“Ryan. Just give him time.. He has something to tell you that I think… dapat mong malaman…”, pagpaliwanag ni Karen.

Nahihiya man ang ichura ni Larc ay umupo ito sa tabi ko. Mula naman sa pagkakahiga ay umupo din ako.

“Ryan, please?”, pagmamakaawa nito.

Tiningnan ko ito sa mata. Those eyes. Mapanghipnotismo pa din sa sobrang pagkalamlam.

“Okay…”, mahina kong sagot.

“I’ll leave you two then…”, sabat ni Karen sabay labas ng kwarto.

Awkward.

Awkward para sa aming dalawa.

Ni walang makapagsalita.

“I heard about what happened…”, pagbasag sa katahimikan ni Larc.

“Ah…”, nasagot ko lang.

Katahimikan ulit. Tumaliwas ako ng tingin kay Larc.

But then he grabbed my hands.

“Look. Gusto ko magpaliwanag. All these time, naging duwag ako.. But now..”

“But now ano?! Ano Larc? Dahil nagkakagulo kami ni Andre, ngayon ka sisingit?”

Napahinto si Larc.

Nagkatinginan kami. I gave him a fierce look.

We were both thinking it. Alam ko yun. Ang nangyari ng gabing yun.

Tumaliwas ako ng tingin.

Katahimikan.

Then I heard a sniff.

Tiningnan ko si Larc.

He was crying.

“That night you came home para kunin ang mga gamit mo… I knew that was the last time na uuwi ka dun. Walang katumbas ang kasalanan na nagawa ko sayo. I was foolish. I was a coward. Alam ko..”, pagpapaliwanag nito. Pilit nitong cinompose ang sarili. He was trying his best not to cry hard para maintindihan ko ang mga sinasabi nya.

“But I was selfish and desperate too.. Behind all the things I've said and done.. Ryan, mahal kita. Sobra.. Kaya naman natakot ako noon. I wasn’t thinking right. I slipped sleeping pills sa inumin mo ng makumbinse kita to stay for a while..”

Napahinto ito. tila kinabahan.

“I know I’m not good with words so I hope I don’t mess this up even more…”, mas kabado nitong sabi.

And then he grabbed my hands tighter. Forcing me to look at him.

“And then it happened. I started kissing you. I took your clothes off. Pinwersa ko ang sarili ko sayo…. I… I tried to abuse you…”, garalgal na sabi nito.

After that line, tuluyan na itong ngumalngal. He was crying very hard. Yung tipong batang nawawala sa mall. O yung tipong preso na isisilya elektrika any minute now. Ganun kagrabe.

“I’m so sorry Ryan… Hindi ko sinasadya.. Hindi ko sinasadya.. I’m so sorry.. I’m very, very sorry…”, pauulit ulit na pagmamakaawa nito habang umiiyak at hawak ang mga kamay ko.

Magkahalong galit at relief ang nadama ko. Galit dahil sa naalala ko ang gabing yun. At relief dahil finally, narinig ko na ang sorry nito.

But then I realized something..

It was something sa sinabi nya.

“Wait..

Ano daw?

Nabigla ako.

Gusto kong umiyak agad.

But I held everything in.

“Ano yung huling sinabi mo?”, madali kong tanong. Umiiyak pa din si Larc at di nagsasalita. Patuloy lang ito sa pagsasalita.

“Larc?”, pagtawag ko dito.

“I’m so sorry…”, sagot nito.

“No, no, no.. Before that…”, kabado kong tanong.

“Yes, Ryan. I TRIED.”, singhal nito.

Doon na tuluyang pumatak ang luha ko.

Ibig sabihin…

After all this time…

“You mean…?”, naluha kong tanong. Biglang nanikip ang dibdib ko at parang hindi makahinga.

“Yes… Hindi ko natuloy…”, pagkumpirma ni Larc.

Napahawak ako sa bibig. More tears gushed out from my eyes.

I was right..

I was right all this time…

Sinasabi ko na nga ba.

Hindi nya tinuloy.

I had this gut feeling before.

Mas lumakas pa nung unang beses na may nangyari sa amin ni Andre.

“Ryan…?’, umiiyak na tawag nito sa akin.

“Larc….”, nasabi ko na lang.

Doon mismo, niyakap ko si Larc.

“I’m so sorry… Hindi ko alam…”, sising sisi kong sabi.

“No. I was still wrong. The idea na nahubaran kita at pinaghahalikan against your will…”, sising sabi nito.

“Tapos na yun…”

“Can you forgive me?”, pagmamakaawa nito.

“Of course…”, nasabi ko agad.

It was a very emotional moment. Doon ko biglang naalala ang araw sa café. Tila may gusto pa sabihin si Larc ngunit hindi na natuloy ng mag init na agad si Andre. Now I know why Larc was so eager para ituloy ang sasabihin nito.

Sa mga yakap ni Larc ay kahit papano ay nabunutan ako ng tinik. Parte ng pagkabigat ng loob ko ay bahagyang nawala. Ngunit kung may nawala man ay may dumagdag din dahil na rin sa guilt na hindi ko sya binigyan ng pagkakataong magpaliwanag noon.

Ilang sandali din kaming umiyak. Hinayaan namin ang aming mga sarili na pakawalan ang mga emosyong ang tagal naming itinago. One thing is for sure, namis namin ang isat isa.

Nang makatahan sa pag-iyak ay tumingin ng direcho sa akin si Larc.

“Now we need to get you Andre back.”, ngiti nitong sabi.

“What?”, gulat kong sagot.

“Hindi ka pwedeng sumuko Ryan.”, matigas na sabi nito.

“Pero…”, malungkot ko na lang nasabi.

“That day, the day na nakareceive ako ng email from Andre, telling me to call him was the day na napahanga nya ako ng todo.”

“Kahit nagdadalawang isip man ay tinawagan ko nga ito kahit hindi ko pa alam ang intension nito. Kaya naman buong gulat ko ng sabihin nito na gusto nya tayong magkaayos dahil yun ang gusto nyang iregalo sayo. Na kesho alam nyang gugustuhin mo yun at magiging masaya ka dun.”

“Actually di ako nagulat dahil yun ang sinabi nya. Nagulat ako dahil kaya nyang gawin yun para sayo. Para maging masaya ka lang. Para mapasaya ang mahal niya. Kahit pa alam kong labag ito sa loob nya. We all know na hindi pa ako nakakamove on sayo. Na hanggang ngayon, mahal na mahal na mahal pa din kita. Kaya nga hindi ako naghanap ng iba, diba?”, pagpapaliwanag nito.

I didn’t know what to say. Though alam ko, awkward pa rin para sa akin ang mga sinabi nito. Lalo na yung huling parte. But yes, napalakas nito ang loob ko kahit papano.

“But my feelings are not important for now, okay? Ok!! Forget I said that!”, biglang bawi nito.

Napatawa ako ng konti.

Yung ichura nya kasi ay litong lito sya sa buhay nya. Natawa ako kasi kinontra nya bigla sarili nya.

“Yeah, you still suck with words…”, pilit kong biro.

“I know!! You don’t have to remind me that!”, tawa din nito.

Tumawa ako.

“That’s not the point! Ayan, nawawala na tayo! The point is, ginawa nya yun kasi mahal ka nya. He was willing to risk for your happiness. And… And I think you should do the same…”, seryosong sabi nito.

“Pero…”, alinlangan kong sagot.

“I know… Its awkward for me, too. If there is any good time to win you back, ngayon yun lalo na nakalimutan ka na ni Andre.”

Tinaasan ko ito ng kilay at ngumiti.

“So… Ayaw mo? Sige suko na lang! Akin ka na lang ulit!”, pagbibiro nito.

“Larc!!”, sarkastiko kong sabi nito.

“Sabi ko nga joke lang! Sige na.. Hug na!!”, magiliw na sabi nito.

Tumawa lang ako sabay yakap dito.




Nakakatuwa. We still have that magic kahit ilang taon na ang nakakalipas. Kahit pa sa ilang taon na nagdaan ay hindi kami nagkausap o nagkasama ay hindi kumupas ang magic sa aming dalawa. I mean yung after a big fight at nakapagsorry na sa isat isa ay okay na kaming muli. Yung tipong kala mo walang nangyari.

“Namiss kita…”, malaman na sabi nito.

“Ako din.”, sagot ko lang.

And yeah, namis ko nga itong mokong na ito.

“Sigurado ka ba sa gagawin mo?”, seryosong tanong ko.

“Oo naman. Alam ko magiging mahirap para sa akin. Tsaka, sa ginagawa kong to, it doesn’t mean naman na sumusuko na ako sayo. I just want to show Andre na kung kaya ka niyang mahalin ng ganoon. Kaya ko din. Kaya if I am to win you back… Gusto ko patas.”

Napangiti ako sa sagot nya.

“Tsaka ano ano man mangyari. I'm still you're bestfriend. I still have the right to kick his ass.”, pagbibiro nito.

“Yeah.”, ngiti ko.

“You mean, I can kick his ass?”

“Loko! I mean yeah… You're still my bestfriend.”, ngiti ko.

“Alam mo, ang laki na din ng impluwensya sayo ni Andre, noh?! Kuhang kuha mo na pagkakorni nya, eh!!”, pangaasar nito.

“Ang yabang mo, ha! Porket hindi ka na LAMPA ngayon, ha!”, asar ko din.

“I was.. Pero ngayon… Masasabi ko na hindi na talaga. Lalo na ngayon. i'm sorry sa pagtutungkod sayo…”, seryosong ngiti nito.

“Oh tama na drama. Ang sakit na ng mata ko kakaiyak!!”

“Eh sino ba naman kasi magsabi sayo umiyak ka ng umiyak?!”

Ngumiti lang ako.

“Tara na nga! Magluto ka dun. Kakauwi ko lang galing airport. Nagugutom na ko!”, demanding na sabi nito.

“Aba! Maka utos, ha!”

“Sige na…”, paglalambing nito. Nginusuan pa ako nito na parang bata.

I just gave him a sarcastic look.

Bigla kong may naalala.

From sarcastic look ay tinitigan ko ito ng walang reaksyon sa mukha.

“MY GAWD!! Hanggang ngayon, ganyan ka pa rin?!”, sarkastikong sabi nito.

Walang reaksyon.

“Hahaha! Ewan ko sayo!!”

Titig pa din.

“Hoy Ryan! Mahipan ka ng masamang hangin!”

Dedma.

“Sige na nga umiyak ka na lang ulit”, sabay pakawala ng tawa.

Hindi ako tumawa. Tumitig lang ako.

“Ano to?! Hoy!”

Dedma pa din.

“Okay, okay… Namis ko luto mo..”, sabay bigay ng isang pagkatamis tamis na ngiti.

Hindi na ako nakatiis. Napangiti din ako.

“Hay nako, kayong dalawa, hindi pa din nagbabago. From drama to comedy to iyakan blues to tawanan ulit. Kaloka!”, biglang singit ng isang mapang asar na boses. Si Karen.

Lumapit ito.

“It's good na ayos na din tayo ulit.”, emosyonal na sabi nito.

“So ikaw naman magddrama?”, pagbibiro ko.

Nagtawanan lang kaming tatlo.

“Ryan.. Bago ka magluto, pwede maligo ka muna?”, nandidiring sabi ni Larc.

Napatingin ako sa sarili sa salamin. Ang oily na pala ng buhok at mukha ko. Ang dugyot ko na tingnan. Idagdag mo pa ang pagkahagard dahil sa walang tulog at kain.

“Ang dugyot ko na pala…”, nasabi ko na lang.

“Buti alam mo! Kalokang to!”, pagasar ni Karen.

Matapos nga makaligo at makapag ayos ng sarili ay ipinagluto ko sila Karen at Larc. At sa ngayon, kahit papano ay nawaglit ng bahagya ang pagkalungkot k okay Andre. Hindi sa kinalimutan ko na ito, isinantabi ko lang ito panandalian. Ayaw ko namang ispoil ang good vibes naming tatlo. After a long time kasi, ngayon na lang ulit nangyari ito.

Kitang kita ang pagkasabik ni Larc sa luto ko. Halos namnamin talaga nito ang pagkain. Paulit ulit nyang sinasabi na wala pa ding tatalo sa luto ko. Sobrahan daw talaga niya itong namiss.

Nagkakwntuhan kaming tatlo. Inaasar ni Larc si Karen sa lakas nitong sumuntok. Nahiya naman ng bahagya si Karen.

Nalaman din namin na kaya lumipat si Larc sa states ay dahil sa negosyo ng pamilya nila. Nagexpand daw kasi ang kanilang opisina at nagkaroon sila ng base sa America. Sya naman ang naatasan upang tingnan ang mga bagong tao dito. Dapat sana ay sya ang ilalagay doon, kaso mas gusto daw nya sa Pilipinas. Kaya naman temporary lang daw sya doon.

“Mahirap na noh! Mamaya isang araw, piliin ako ni Ryan, diba.”, pagbibiro nito.

“Ang kapal ng mukha nito!”, pangiinis ni Karen.

We laughed like we used to. Nakakatuwang isipin na buo na naman kaming tropa. I mean, ang trio naming tatlo. Trio nga diba?

“Karen, Ryan… Maiba lang ako.. About sa plano ko..”

“Plano?”, taka kong tanong.

“Ryan.. Makinig ka lang..”, seryosong sabi ni Karen sa akin.

“A-anong plano?”, taka ko.

Humarap sakin si Larc.

“Kung gagawin natin ito. You have to trust me…”, seryosong sabi nito sa akin.

Napabuntong hininga ako.

Wala akong choice.

Tama si Larc. Kailangan huwag akong sumuko.

“Okay… Anong gagawin?”

Tumingin lang ito sabay bigay ng isang malokong ngiti.




26 comments:

  1. hahaha!!juskooo!!bitin!pa hug Kenjiiiiiiii!!!!!

    ReplyDelete
  2. hala. nakakatuwa naman si Larc.. kung makapagtravel akala mo nasa kanto lang ang bahay ni Karen... hahaha

    bitin but definitely keeps me wanting for more..

    God bless.. -- Roan ^^,

    ReplyDelete
  3. Larc-Ryan n dpat yn! Please? Hahaha, they both deserve each other

    ReplyDelete
  4. Mas ngugustuhan ko na yata ang larc-ryan tandem...bahala ka na ken. Sana may kasunod agad bitin eh pamasko muna sa amin pls.

    Randz of qc

    ReplyDelete
  5. malamang alilain ulit ni Larc si Ryan at ipakita ito kay Andre.... ayyyyyyy... kilig naman ako hiihi

    chistian

    ReplyDelete
  6. i disagree sa mga Larc-Ryan :p im sorry kase pag nangyare un,wala na kwenta mga naunang books at lalabas na walang paninindigan si Ryan sa nararamdaman nya diba? Nagkamali ar sa assesment q na babawiin ni Larc si Ryan.Un pala tutulong sya para magkaayos c Andre at Ryan,and it was good na okay na sila,pati ako parang nakahinga ng maluwag at parang nabunutan ng tinik sa dibdib. Makuntento na lang ako at maging masaya sa mag bestfriend, tinadhana sila para maging bestfriend not lovers, hanggan chapter 15 o 20 lang cguro toh? Goodjob at congrats idol author :)

    ReplyDelete
  7. Anong plano ni larc? Waaaaah! Uulitin ba nila ang mga pangyayari dati? Ay hindi masyadong complicated yun. Waaaaaaaaah! Sakit sa ulo... -gian

    ReplyDelete
  8. Is there any chance na Larc-Ryan magkatuluyan? PLS :)

    ReplyDelete
  9. Ryan at Larc na lang ulit..hahaha..

    ReplyDelete
  10. yes gagawin na plano na pagselosin si andre para bumalik sa katinuan

    ReplyDelete
  11. WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA........................ KUYAAAAAA KEEEEEENNNNNN!!!!!!! NAKAKABITIN NAMAAAAAAN!!!!! gawin mo na kasing tig tatlong chapter para sulit na sulit ang pagbabasa at dedmang maubos ang tissue ko dito sa kwarto kaka ngawa pag napapaiyak nako sa mga eksena.... pleeeeeeseeee ?????? :-) :-) :-) :-)

    ReplyDelete
  12. andre-ryan pa dn ako ..
    magpapanggap cguro clang mag jowa .. pagseselosin nila si andre ..
    hahhahaa

    ryan-andre :D

    ReplyDelete
  13. haiztttt..wala pa rin yun desperado..nxt year nlng nga aq bibisita sa site na 'to advance merry xmas and happy new year kuya ken:))

    ...

    ReplyDelete
  14. i agree with manila sex actor..yan..ganyan ang mga story dapat..light lang..kapag madrama, parang nagiging oa eh..

    ReplyDelete
  15. MAGPAPANGGAP SILA GAWD ! I LOVE THIS KESA SA BOOK 2 HAHAHA :)

    ReplyDelete
  16. MAGPAPANGGAP SILA GAWD ! I LOVE THIS KESA SA BOOK 2 HAHAHA :)

    ReplyDelete
  17. susme!!kakatouch ung moment nila ryan at larc!!!well pati c ate karen..hehe..
    Hays,,,ang after all what happened friends will still be friends prn...ang saya nilang tingnang tatlo!^^
    i admit at first c larc talaga ang manok q para ke ryan,,but andre won my vote kc napatunayan talaga nya ke ryan kung gano sya ka-deserving...and this time,i'm giving larc the chance again..^^

    tingin q magpapanggap sila ni ryan na magkarelasyon to get andre's attention...kung may magbabago..:)

    -monty

    ReplyDelete
  18. feeling ko lang ha?, uulitin ni larc at ng tropa nya yung ginagawa nilang pambubully kay ryan dati para mapansin ni andre si ryan at para maalala nya kung sino ba si ryan sa buhay nya :) kaka excite ng susunod na chapter.... kuya ken, gawin na kasing 3 chapters efery post pleaseeeeeeeeeeeeeeeeee.... lapit na kaya pasko.... 3 days na lang ...................... :-)

    ReplyDelete
  19. tingin ko uulitin nila yung dun sa pang-aalila "kuno" ni larc kay ryan.

    ReplyDelete
  20. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete
  21. mejo naguguluhan na ko sa kwento. Di ba sa unang book nito bago magending ay nalaman na nila ryan at karen na di talaga narape ni Larc c ryan. Isa pa bkit cnav ni Larc na di xa makapaniwala na nagkamnesia c Andre kala nya daw sa telenobela lang daw nangyayari un. eh di ba dun sa unang book nito ay nagkaroon din ng selective amnesia c Ryan na tinake advantage naman nya. Ang gulo pero maganda pa din naman.

    ---Chris

    ReplyDelete
  22. awww... :)) sweet... :3 buti naman nagkabatiaan na ang magbestfriend :)) sadyand hindi pa rin mawawala ng mga harutan moments nila dahil sa closeness nila and dahil din kasi alam natin king gaano nila kamahal ang isatisa... true... Larc may never be able to have Ryan na as his partner but at least that 12 + years friendship nila was saved..,, hay.... ang lucky talaga ni Ryan kahit na ano ang mangyari sa kanya... which why we should never forget na kahit may isa taong nagpapahirap sa atin there will always be someone na sasako sa atin :)) yikes... drama moment... kbye :))

    so... mej open na ako sa idea na Larc-Ryan stilll Andre-Ryan pa rin ako :)) but lets just see how version two of Ryan's story will come out... :)) so... well done sir Ken :3

    ReplyDelete
  23. Kht anu pa ang sabihin nila like ko padn ang MNB ni kenji:) bitin ha...

    ReplyDelete
  24. ohh asan na yung nagsasabing bwisit sila kay larc! labas lahat!!!!! wahaha.. ilove you kuya ken... inangat mo si larc...trololowl...lab dis tsapter

    ReplyDelete